Substitute Mom (KathNiel) COM...

By TheBestDamnThingxx

496K 10.1K 388

FOREVER is a battle between LOVE, SACRIFICES and PAIN.. Reached: #11 in Fanfiction ©TheBestDamnThingxx Start:... More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chpater 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Besties
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 16.2
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chaptet 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Dedications-Farewell
Book 2

Chapter 40

7.6K 175 8
By TheBestDamnThingxx

Si Beya Byangka ay nagsisimula na. Gondo.

"Mga kapitbahay nangongopya ang kapitbahay niyo. Walang delikadesa!!" -Takong Hahahahha. Utas eh.

Chapter 40

Daniel's Point of View

Lutang ako sa buong araw. Hindi ako makapag-concentrate sa trabaho, lumilipad ang isip ko sa pag-alis na tinutukoy ni Papa.

Pag-pasok ko sa loob ng bahay ay naamoy ko kagaad ang niluluto ni Kath. Grabe, nakaka-wala ng stress.

"Ang bango ah." puri ko sa niluluto ni Kath. Napatingin naman siya sa akin. Buhat niya din si Jordan.

"Baby oh, nandiyan na si Daddy. Kiss mo siya." ini-abot niya sa akin si Jordan at tuwang-tuwa namang nagpaabot ang anak ko.

"Tamang tama ang dating mo. Malapit nang maluto 'to." sabi niya.

"Anong niluto mo? Ang bango talaga." nae-excite kong tanong.

"Lasagna. Mag-bihis ka muna para hindi ka pag-pawisan sa suot mo." lalo na akong nag-laway dahil doon.

"Mamaya na. Iintayin ko na 'yan." sagot ko.

Umupo kami ni Jordan, tuwang tuwa siya sa pag-ngata 'nung neck tie. Ayy walanjo.

"Anak, gutom ka na din ba? Pati neck tie ko kinakain mo na." hinubad ko ang neck tie ko at inilayo sa kanya.

Pilit niya pa ding inaabot, ang ginawa ko ay hinagis ko palayo 'yun umiyak.

"Daniel John." warning sa akin ni Kath.

"Ngina-ngata niya 'yung neck tie ko eh. 'Yung bigay mo pa." sumbong ko. Ako na naman ang may kasalanan.

Kinuha niya si Jordan sa akin kaya tumahan na.

"Napaka mo talaga. Umakyat ka't mag-bihis. Dali." utos niya. Gusto ko sanang mag-dabog pero lalo akong mapapa-galitan ni Kath.

Binelatan ko si Jordan at nakita kong paiyak na naman kaya tumakbo na ako papaakyat. Ang sarap talagang paiyakin ng batang 'yun.

Nag-palit na ako ng pambahay at pumunta na ulit sa kusina. Sakto lang ang dating ko, nag-hahain na si Kath.

"Tikman mo nga muna. Hindi ako sure kung masarap eh, first time 'yan." nag-aalangan niya sabi.

Agad naman akong lumapit at tinikman. Hmmm.

"Masarap, Babe. Sobra, parang hindi first time." sagot ko. Totoo 'yun, hindi pambobola lang. Medyo lang. Hehehe.

"Sus, haha. Sige kain na." agad naman akong umupo at kumain. Napansin kong nakatitig sa akin ai Jordan. Naka-upo siya sa high chair.

Kumuha ako sa fork at akmang isusubo sa kanya. Nang naka-nganga na siya tapos nilayo ko at ako ang kumain. Inulit ko pa iyon ng tatlong beses. Hahaha. Inis na inis na siya.

Naka-hikbi na at malapit nang umiyak kaya sinubuan ko na. Kawawa naman eh.

Buti na lang at wala si Kathryn kundi nako. Nabatukan na naman ako.

Nang matapos ako ay inilagay ko na sa lababo ang platito at umupo ulit sa tapat ni Jordan. Ipinatong ko ang kamay ko sa lamesa at inilapit ang ulo ko kay Baby.

"Ang pangit niya. Huhuhu. Hindi na love ng Mommy. Ala, huhuhu." nag-aarte ako na naiyak. Humihikbi na naman.

Hindi ko 'to madalas ginagawa kay Jordan lalo na kapag nandyan si Kath. Sisipunin daw kapag umiyak. Alam ko naman, kaso natituwa talaga ako kapag nakikita ko siyang paiyak na. Sobrang cute talaga.

"Huhuhu, iiyak na 'yan. Iiyak na--" tumigil ako at umupo ng ayos dahil biglang pumasok si Kath sa kusina.

Nang makita niya si Kath ay umiyak na nga tapos nakaturo pa sa akin. Agad siyang kinarga ni Kath. Lagot na naman.

"Bakit? Pinapaiyak ka na naman ng ama mo. 'Yaan mo hindi natin 'yan love. 'Nuh po?" sinamaan na naman ako ng tingin ni Kath.

Ngumiti naman ako ng pagkalaki-laki sa kanya na para bang wala akong ginawang kasalanan.

Pero bigla din iyong nag-laho dahil naalala ko na naman ang sinabi ni Papa. Kapag umalis ako, hindi ko masusubaybayan ang paglaki ng anak ko o kaya lumayo ang loob niya sa akin. Ang isa pang ayaw ko, ang baka pagbalik ko dito may iba na si Kath.

Masaya at kontento na ako sa ganito. Kahit hindi kalakihan ang bahay komportable naman at magkakasama kami.

Kinabukasan bago ako umalis ay nag-iwan naman ako ng dalawang rose sa tabi niya. Maaga akong umaalis bgayon dahil kailangan ni Papa ang tulong ko. Ayoko namang gisingin si Kath para lang ipagluto ako. Palagi na ngayong nag-babaon si Papa ng pagkain at binibiyan niya din ako.

Hinalikan ko ang noo niya saka ako tuluyang umalis.

Nang makarating ako sa opisina ay kay Papa na agad ako dumiretso, madalas na din akong nandito minsan na lang ako mapapunta sa opisina ko. Nakita kong nag-hahanda na si Papa ng umagahan namin.

"Kain na, Daniel. Mahaba-habang araw na naman ito." yaya ni Papa. Umupo ako sa tapat niya. "Umalis ka na naman na hindi nag-papaalam sa mag-ina mo?" tanong niya.

"Tulog pa po eh." sagot ko.

"Nasabi mo na ba ang tungkol sa pag-alis mo?" napatigil ako sa pagkain. 'Yan na naman.

"Kapag sigurado na pong aalis ako." sagot ko. "May itatanong po ako, pwede ko po bang isama sila kapag nag-punta akong Italy?" tanong ko.

Tumigil si Papa sa pagkain at umupo ng ayos.

"Daniel, sa Italy hindi iisang condo o hotel ang titirahan mo. Madalas kang palipat-lipat dala ng mga meetings mo. Kapag dinala mo ang mag-ina mo doon, hindi naman pwedeng bitbit mo din sila. Kung iiwan mo din doon, mag-aalala ka lang sa kakaisip kung ayos lang ba sila. Dito madaming mag-aalaga sa kanila. Dito alam mong safe sila." paliwanag ni Papa.

Tama si Papa, dito alam kong hindi sila mapapabayaan. May mga magbabantay sa kanila doon wala.

Hindi na lang ulit ako umimik hanggang sa matapos kaming kumain ni Papa.

Kathryn's Point of View

Nagising ako dahil sa sikat ng araw. Shete!! Napa-balikwas ako ng upo. Tinanghali na naman ako. Tatayo na sana ako may nakita akong dalawang stem ng pink rose. Binasa ko 'yung note.

Good Morning! Maaga akong umalis madaming trabaho eh, sa opisina na ako magbe-breakfast. Ingat kayo. ❤DJ

Sus.

Matapos kong mag-ayos ng sarili ko ay bumaba na ako para mag-luto ng kakainin.

Parang gusto ko ng cookies. Huhuhu. Hindi pa ako marunong mag-bake, gusto ko na ngang matuto eh. Kaso wala akong time para bumili ng gamit. Plus walang mag-babantay kay Jordan.

--
Nandito kami ngayon ni Jordan sa bahay ni Julia. Tumawag siya kanina na nag-away daw sila ni Quen kagabi at hanggang ngayon ay hindi pa sila nag-kakaayos.

Umiiyak nga siya ngayon sa tabi ko.

"Juls, tahan na. Baka naman nagpapalamig lang ng ulo 'yun." pagpapakalma ko sa kanya.

"Nagpapalamig. 'Wag na siyang babalik dito. Bwisit siya." iyak ni Julia.

Hinahaplos ko 'yung likod niya at pilit na pinapakalma.

"Ano ba kasing pinag-awayan niyo? Ganoon ba kalaki ang issue na 'yan?" tanong ko. Hindi naman sa pangingialam.

"Humihingi ako ng manga sa kanya eh. Hindi niya ako bilhan kasi pagod na daw siya. Di magpahinga na lang siya forever!! Palagi na lang ganun!" napanganga ako sa sinabi niya. Dahil lang sa manga?!

"Julia!! Ano ka ba naman? Sana tumawag ka sa akin at ikukuha kita sa likod ng bahay." hindi naman talaga amin 'yung puno, malapit lang sa pader sa likod.

Tumigil sa pag-iyak si Julia, iniabot ko sa kanya ang tubig.

"Hindi ko kasi alam kung bakit ako nagkakaganito. Lagi na lang mainit ang ulo ko kapag nakikita ko si Enrique. Huli ko 'tong naramdaman 'nung nag-buntis....ako." napatigil siya sa pagsasalita nang masabi niya ang buntis.

"Buntis ka?!" tanong ko sa kanya.

Bigla na naman siyang umiyak. Ano ba naman 'to?

"Kaath. Hindi ko alam. May.. May PT ka ba?" binigyqn ko siya ng question look.

"Loka ka talaga. Ako pa ang hinanapan mo ng ganoon." sagot ko sa kanya.

Umakyat kami sa kwarto niya at nag-halungkat siya sa mga gamit niya. May nakita siyang isa kaya ginamit niya kaagad. Sinilip ko muna ang dalawang bata na natutulog sa kabilang kwarto.

Pagbalik ko ay kakalabas lang din ni Julia.

"Ano?" tanong ko.

"Positiiiivvvee!!" sigaw niya sa akin at niyakap ako.

Kaya naman ganito siya. Paka moody. Buntis pala.

-----
Sinamahan ko si Julia hanggang sa makauwi na si Quen. Tinawagan kasi ni Hulya ang asawa niya kanina at pinapauwi na. Mabuti nga't hindi sila nag-away.

Narinig ko ang pagbusina sa labas ng bahay. I-grinahe ni Quen ang sasakyan niya at iniwan na lang ni DJ ang kanya sa labas. Kasama pa 'to.

"Si Julia?" tanong ni Quen.

Itinuro ko si Hulya na natutulog sa sofa. Kulit eh, sabi nang doon mag-intay sa kwarto nila. Ayaw naman.

Pumunta ako sa kwarto kung saan natutulog ang dalawang bata. Gising na sila parehas, nag-lalaro na nga eh.

"Hey, babies." bati ko sa kanila.

Umupo ako malapit sa kanila, pinanood ko lanh sila habang nag-kukulitan. Napalingon ako nang umukas ang pinto.

"Hi." bati ni Daniel at hinalikan ako sa ulo.

"Bakit nandito ka?" tanong ko. Umupo siya sa tabi ko.

"Nandito kayo eh. Saka ikaw lang ba ang kaibigan nila? Ako din naman ah." sabi niya. Napatawa na lang ako. Oo nga naman.

Biglang bumukas ulit ang pinto kaya napatayo kami, pumasok sina Julia at Enrique. Bati na, nakapulupot na ang kamay ni Huyla sa asawa eh.

"Oh? Dramang-drama pa kanina. Anyare?" biro ni Daniel.

May malaking ngiting lumapit si Enrique kay Daniel at inakbayan.

"Magiging tatay na naman ako!!" masayang sabi ni Quen.

Masaya kaming nag-kwentuhan. Nagprisinta na din akong ipagluto sila Julia ng pagkain. Tinatamad daw kasi ang buntis tapos ngayon ay ayaw nang humiwalay sa asawa. Eh kanina lang sabi 'wag nang bumalik. Hay naku. Pinasabay na din kami ni DJ. Ginabi na din kaya naisipan na naming umuwi.

Simula nang umalis kami sa bahay nila Hulya at makarating kami sa bahay ay wala pa din siyang imik.

"Daniel, tahimik ah. Bakit?" sabi ko.

Tumabi kami ni Jordan sa kanya sa couch.

"Ang swerte ng loko. Nagkakaanak na naman." sabi niya.

"Nahihili ka?" tanong ko.

Sa tono kasi ng boses niya para siyang naiinggit.

Napatingin siya sa akin.

"Hindi nuh! Kay Jordan pa nga lang nahihirapan na akong kumuha ng atensyon galing sa'yo. Tapos madadagdagan pa ng isa. Nalintikan na." sabi niya. Tumayo na siya at naglakad paakyat ng kwarto niya.

"Grabe ka naman!! Inaalagaan naman kita ah! Makapagsalita 'to akala mo napabayaan." natatawa kong sagot sa kanya.

Lakas tama talaga.

----
Yoh! :P

VOTES, COMMENTS and being a FAN is highly appreciated.

❤Alyssaxx

©2015

Continue Reading

You'll Also Like

5.8K 176 20
Husband and wife marry because of love. But Alyanna Mace Ignacio doesn't even have a slightest idea why Vaughn Patrick Martins, her husband-to-be wil...
1.5M 24.3K 38
Samantha Jade Emanuel, a girl who was known as a strong girl. Her tears are only for her parents and loved ones, and now he came in to her life, her...
223K 13.4K 11
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...
28K 1.6K 37
Charlotte Devin Vanidestine is on a mission and that is to seduce Zacharias Ford Silvius- the virgin millionaire.