ALMOST

By humanpaper

10 0 0

“My sweetest happiness is my most painful downfall.” More

Author's note
SIMULA

KABANATA 1

3 0 0
By humanpaper

Agad akong napasalampak sa kama pagpasok ko ng kwarto. Masyado na akong pagod ni hindi pa nga alas dose ng tanghali. Ako lang naman dito sa bahay at yung bunso kong kapatid pero malay ko kung nasaan na naman iyon. Baka andun sa kalaro niya.

Wala si papa at mama dito sa bahay. May pinuntahan silang kleyente sa Alonzo. Masyadong malayo dito sa Kaito City. Pero kahit naman wala sila, ang dami pa rin ng bilin nila siyempre at bilang isang dakilang ate, kailangan kong magpakatino. Hindi ko sigurado kung kailan sila uuwi pero baka sa makalawa pa.

Tumayo ako sa kama at humarap sa malaking salamin dito sa kwarto ko. "Hala ka! Ilan na bang anak ang niluwal mo Kit? Ang gulo ng buhok mo. Ang oily mo. Amoy pawis. Dalaga k aba talaga?" natatawa kong puna sa sarili. Kakatapos ko pa lang kasi ng mga gawain sa bahay.

Sa ngalan ng pagiging ulirang anak.

Hindi naman ako palaayos sa sarili. Hindi ako maarte sa katawan. Isa pa, wala naman akong boyfriend kaya walang dahilan para maconscious ako sa itsura ko.

Naligo muna ako ng halos isang oras bago ko sinundo ang magaling kong kapatid sa bahay nila Elmo. "Hoy lalaki! Nakikita mo ba yang itsura mo? Grade 6 ka na tapos ang daming putik ng damit mo. At wow ha! Puting damit pa talaga? Juskong bata ka! Hala uwi! Maligo ka doon! Puro ka laro."

Sinimangutan niya ako. "Ate naman. Wala nga si mama, ikaw naman ang pumalit!" sabi niya sa akin sabay takbo pauwi sa bahay. Aba't! Ugh. Kung hindi ko lang talaga kapatid ang batang yun.

"Hoy Boo, baba na dito! Kain na tayo. Ikaw maghuhugas mamaya ah magrereview pa ko. Bilis na kasi!" sigaw ko sa makulit kong kapatid. Tinalo pa ko sa halos isa't kalahating oras ng paliligo niya. Napakaarteng lalaki. Konti na lang iisipin kong may bakla akong kapatid.

"Tss.." ang tangi kong nakuhang sagot mula sa kanya pagkaupo niya. Ayan. Maarte na nga, masungit pa. Baka may period siya. Haha.

"Kamusta nga pala sa school? May mga kung anong event ba?" Halos dalawang linggo din kasi akong liban sa klase dahil sa chickenpox na to. Kung kailan patapos na ang pasukan at ilang linggo na lang gagraduate na ako sa highschool, tsaka pa ko nagkasakit. Sayang nung mga araw n asana nakajam ko pa yung mga batchmates ko.

"Wala naman. Malapit na ang practice para sa graduation. Sabay ang grade 6 at 4th year ate kaya sabay tayo niyan" sagot ni Boo sa akin habang puno ng kanin ang bibig. Nasaan ang don't talk when your mouth is full?

"Ah. Eh kailan daw ang simula ng practice?"

"Malay ko. Tanungin mo na lang si ate Patrisha. Tapos na ko. Mamaya na lang ako maghuhugas pakatapos mo. Tawagin mo na lang ulit ako" at iniwan na niya ako sa harap ng adobong manok at kanin. Minsan iniisip ko kung saan ipinaglihi ang kapatid kong yun. May prutas bang masungit? Gulay? Or what?

Tahimik na pinagmamasdan ko ang buwan mula dito sa maliit na terasa ng kwarto ko. Hindi na naman ako makatulog. Ang dami-dami na naming iniisip ng utak ko. Nakakabanas. Ganito ang eksena ko gabi-gabi sa tuwing hindi makatulog. Ang gwapong buwan sa langit ang lagi kong karamay. Halos alam niya nga siguro lahat ng mga hinaing ko sa buhay.

Kinakabahan ako. Papasok na ako bukas. Kamusta na kaya sa school? Sa room? Sila? Siya? Namimiss niya kaya ako? Ako kasi, oo. Ewan ko. Nakakamiss pala yung presence ng gagong yun. Araw-araw akong naaasar sa kakulitan niya tapos ngayon, namimiss ko naman siya.

Nanghihinayang pa rin ako ng sobra dun sa Senior's Night dapat namin. Sana pala may first dance na ako tapos siya pa. Kung kailan excited akong dumalo sa ganun, tsaka naman ako nagkachicken pox.

Dear tadhana, napaka unfair.

Napangiti ako ng maalala kung paano niya ako napapayag na sumama sa Senior's Night. Wala naman talaga akong hilig sa mga ganun. Gowns, make-up, high heels. Ugh nevermind.

"Pupunta ka ba sa Senior's Night Kit?" tanong niya sa akin habang kinukulit ang tenga ko. Sinusundot niya ng sinusundot kahit pa naiinis na ako. Hindi pa rin siya tumitigil. Ang kulit!

"Ewan? Hindi ata. Wala naman yan sa hilig ko" tapos inirapan ko siya. Ang kulit kasi! Nakikiliti nga ako.

"Bakit naman?" tanong niya ulit tapos umayos ng upo. Tinigilan na niya ang kawawa kong tenga.

"Ayoko lang. Wala nga sa hilig ko yan. Mag-aano naman ako dun? Tsaka wala akong isusuot kaya hindi talaga." Nginitian ko siya bilang pasasalamat at hindi na niya muling ginulo ang nananahimik kong tenga.

"Kung isasayaw ba kita, sasama ka na?"

Natigilan ako sa sinabi niyang iyon.

Pupunta ba ako? Isasayaw niya daw ako. Hala yung puso ko!

"Uhh.. tingnan natin" tapos hindi ko na siya pinansin. God! Alam niya ba yung nagagawa niyang epekto sa akin? Tsaka bakit ganito? Mali, mali.

Natigilan ako sa pag-iisip ng biglang kumatok ang kapatid ko. Kinuha ni Boo yung unan niyang naligaw sa kama ko. Sa akin siya galit kasi kinuha ko daw. Aba malay ko naman doon! May unan naman kaya ako. Tama na sakin ang anim na unan.

Hay. Nakailang buntong hininga na kaya ako? Lahat na naman pumapasok sa isip ko. Fck midnight thoughts.

Madalas ganito ako. I overthink, a lot. Kung saan-saan nakakaabot ang aking isipan.

Disappointed pa rin kaya sa akin si papa?

Mababalik ko pa kaya yung trust niya?

Magiging maayos kaya ang araw ko bukas?

Makakasama kaya ako sa graduation?

Namimiss kaya nila ako?

Namimiss kaya niya ako?

Kasi ako, oo. Sobra.

Hindi ko alam kung bakit. Siguro kasi sanay ako sa presensya niya. Siya kaya?

Urgh! Ano ba tong pinag-iisip ko? Sarili ko lang naman pinapahirapan ko.

Maya-maya biglang nag vibrate ang phone ko kaya tiningnan ko kung sino ang nagtext sa akin ng ganitong oras at muntik ko na iyon maitapon ng mapag-sino ito.

From: Ash

"Kit! Kamusta na? Papasok ka na ba bukas? Pasok ka na ha! Miss na kita."

Literal na bumilis ang tibok ng puso ko.

To: Ash

"Papasok na ko bukas, Ash. Namimiss ko na sila eh :)"

From: Ash

"Sila lang? Ouch haha"

To: Ash

"Siyempre pati ikaw"

From: Ash

"Okay okay haha pasok ka na ha! Ilang linggo na lang oh :("

To: Ash

"Oo nga eh. Sayang ng araw. Kainis kasi haha kaya sa grad, yayakapin ko kayong lahat! Chos"

From: Ash

"Hehe bakit naman?"

To: Ash

"Siyempre eh mamimiss ko kayong mga kaibigan ko."

From: Ash

"Pare-pareho ba? Walang highlight sa akin?"

To: Ash

"Highlight na paano? Haha"

From: Ash

"Ano ba ako sayo, Kit?"

HA? Anong nakain ng isang to at ganito siya ngayon?

To: Ash

"Kaibigan baga :)"

From: Ash

"Kaibigan lang?"

HOLY. Seriously, Ash?!

To: Ash

"Oo baga haha"

From: Ash

"Kaibigan lang talaga?"

Hindi ko alam kung bakit ang mga tanong niya sa akin ngayon. Nakaka. Hindi naman ito ganito sa akin eh. Oo, sobrang close kami pero pag nag-uusap naman kami eh yung normal conversations lang din. Hindi ko lang alam kung napano to ngayon.

Siyempre hindi ko naman pwedeng sabihin na "I like you" di ba? Babae kaya ako. Ayokong ako ang unang magcoconfess!

Tingin mo naman magcoconfess siya sayo Kit? Feelingera ha!

Oo na nga kasi! Gusto ko siya. Matagal na. First year pa. Pero mas gusto ko na magkaibigan lang kami. Ewan ko ba sa sarili ko. Minsan ang gulo ko din kasi.

To: Ash

"Hehe, crush. Crush na friend."

Hala?! Sinabi ko yun? Nagsend na ba? OMG lang!

From: Ash

"I knew it! Crush din kasi kita eh. Sige na, goodnight. Rest ka na. See you bukas prinsesang batang maliit! :)"


OH HOLY SHIZZLE BERRY MOTHER OF SWEETNESS AND CHOCOLATES.

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 91.5K 59
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...
326M 6.8M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
2M 80.9K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
196K 7.6K 45
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...