How to Seduce a Hunk Again [B...

By xxxRavenJadexxx

995K 34.2K 5K

Matapos maging matagumpay sa una nilang misyon, nahaharap nanaman ang mga bida sa panibagong adventure of th... More

Important
Syonpsis
Hey
Chapter 1: The Comeback
Chapter 2: Miss
Chapter 3: Can't Help Falling In Love with You
Chapter 4: Mang Juan
Chapter 5: The Date Part 1
Chapter 6: The Date Part 2
Author's Note
Chapater 7: Stay With Me
Chapter 8: Password
Chapter 9: Hoodie
Chapter 10: Blow
Chapter 11: Case
Chapter 12: Dati Rati
Chapter 13: Map
Chapter 14: Chat
Author's Note
Chapter 15: Starbucks Lovers Part 1
Chapter 16: Starbucks Lovers Part 2
Author's Note
Commercial Break
Chapter 17: Beautiful Stranger
Chapter 18: Awkward
Chapter 19: Intruder
Chapter 20: The Plan (Part 1)
Author's Note: Reminder
Chapter 21: The Plan (Part 2)
Chapter 22: The Invisible map
Chapter 23: Bullseye
Chapter 24: Manong
Chapter 25: Love the Way You Lie
Chapter 26: The K3YS
Chapter 27: Reversed Whisper Game
Chapter 28: The Visitors
ON HOLD
Not an Update
Chapter 29: Haus
Chapter 30: Yellow Dress
Chapter 31: The Punch
ANNOUNCEMENT
Attention
Chapter 34: Akala Ko
Chapter 35: Stalker
Chapter 36: Distraction
Chapter 37: Above & Under
ATTENTION
Chapter 38: Because of You
Chapter 39: Hideaway
Chapter 40: Threesome
Chapter 41: The Real Mission Part 1
Chapter 42: The Real Mission Part 2
Chapter 43: Adventure of a Lifetime
ANNOUNCEMENT
The End Part 1 (Chapter 44): The Inside Out
The End Part 2 (Chapter 45) Mission versus Mission
The End Part 3 (Chapter 43): Our Love is Made by Shadows
The End Part 4 (Chapter 44): Sorry
Final Announcement
The End Part 5 (Chapter 45: Book)
FINALE: Chapter 46: Love is a Universe
Cheers!

Chapter 32: Gone Boy

11.4K 538 122
By xxxRavenJadexxx


Salamat sa mga matiyagang naghintay. Eto na ang update. Don't forget to vote and comment :-D

**********

"Akala ko hindi ka darating? Salamat at dumating ka?"

Mabilis na lumakad si Mick palapit sa 'kin upang yakapin ako. Kitang kita ang kaligayahang kanyang nadarama samantalang ako'y walang emosyong sinalo ang yakap niya.

Nakatayo ako sa lugar kung saa'y dalawang hakbang na lang ay mahuhulog na ako sa bangin. Nababalutan ng liwanag ang buong lugar kaya't hirap akong tukuyin kung nasaan ako ngayon.

"Magsitigil kayo!"

Biglang may sumigaw na nagmula sa boses ng isang matandang babae na tila pamilyar sa pandinig ko. Bumitiw si Mick sa pagkakayakap sa 'kin upang ipukol namin ang atensyon sa babaeng sumigaw. Unti-unti kong namukhaan ang babae nang siya'y papalapit sa kinatatayuan namin ni Mick. Lumabas siya sa animo'y liwanag habang tanan nito ang isang baril na nakatutok sa lokasyon namin.

"Ma?" pagulat kong sambit nang makita ko ang aking inang tinututukan kami ng baril.

"Aling Corazon?" si Mick.

"Nasaan ang susi? Akin na ang susi ng kayamanan?" pagdiktang utos niya sa 'min.

"Teka Ma? Ba't mo hinahanap sa 'min ang susi? Ikaw ang may alam kung nasaan diba?"

Bigla na lang siyang nagpaputok ng baril na hindi ko man lang halos narinig. Napatingin ako kay Mick at laking gulat ko nang mapansing may mantsa ng dugo ang kanyang dibdib sa may parteng puso. Para siyang papel na bigla na lang nahulog sa bangin sa likuran namin. Tumagos ang kamay ko sa kamay niya at wala akong nagawa kundi pagmasdan ang katawan niyang nahuhulog sa malalim na bangin.

"Mickkkkkkkk!!!!!!!"

"Hahahaha," pagtawa ng aking ina na tila umiba ang boses. Pagharap ko'y bigla na lamang nag-iba pati na rin ang hitsura niya. Si Tita Minerva na ang nasa harap ko ngayon na ang hitsura'y nasa edad 70-75 years old.

"Nasaan ang susi? Ilabas mo na kung ayaw mong sumunod sa kapalaran ng lalaking 'yun?"

Ako nama'y kinapa ang bulsa para sa susing sinasabi ng matandang 'to ngunit tanging kendi lang ang nakita ko.

Maya-maya'y may bigla na lamang bumaba mula sa kalangitan. Isang tao, babae dahil sa haba ng buhok nito. Nakasuot siya ng pang Darna na costume at biglang pumagitna sa 'min. Lumingon siya sa 'kin at kinindatan ako, bigla rin niyang ibinalik ang tingin kay Tita Minerva. Si Alex lang naman ang babaeng iyon.

"Sino ka?" takang tanong ni Tita sa babaeng kaharap niya habang nakatutok ang baril dito.

"Hindi mo ako kilala? I'm the Key, in tagalog.... Ako ang susi," Nakapamewang na sambit ni Alex.

"Ikaw ang susi?" pag-ulit nito.

"Hindi! Ako ang padlock!" pamimilosopo niya. "Diba kasasabi ko lang na ako ang susi? Bingi naman ng matandang 'to."

Bakas na bakas sa mukha ni Tita Minerva ang pagkalito. "Teka, paano ka naging susing payatot ka? Oo, mukha kang susi pero paano mo mabubuksan ang kayamanan? 'Wag mo akong niloloko. Isang bala ka lang!"

Napa cross arm si Alex nang hindi niya makumbinsi si Tita. "Okay fine, kung ayaw mong maniwala na ako ang susi e di gow. Madali naman akon kausap!"

Lalong napakunot ang nuo ni Tita, maging ako.

"K Bye"

Akto nang lilipad si Alex nang bigla siyang paputukan ni Tita. Walang tunog akong narinig ngunit nakita ko ang pag-agos ng dugo sa katawan ng pamangkin ni Mick. Nilapitan ko ang halos wala nang malay niyang katawan.

"Alex?" inihilig ko ang ulunan niya sa aking braso at tinakpan ang tiyan niyang duguan ngunit hindi ko naman maramdaman ang pag-agos ng dugo rito.

"Papa Jace," nanghihinang sambit niya sa pangalan ko na akala mo'y mamamatay na. May inabot siya sa 'king susi na lubhang pamilyar sa 'kin. Isa itong Key Chain na may iba't ibang susi.

"Papa Jace, eto ang susi mo. Sayo ba 'to?" shinake niya ang key chain at naglikha ito ng tunog ng isang bell na ginagamit ng isang sorbetero.

"Jace, susi mo ba 'to? Huy....."

Sa mahirap maipaliwanag na kadahilanan ay napadpad akong muli sa ibang dimensyon. This time, nasa reality na ata ako. Biglang naputol ang napakawirdo kong panaginip.

Pagmulat ko ng mata'y si Alex ang bumungad sa paningin ko na ibinabandera ang susi malapit sa aking mukha. Awtomatiko akong napabangon sabay kuha ng aking Key Chain sa kamay niya.

Naupo si Alex sa tabi ko habang ako nama'y pilit na kinaklaro ang utak palayo sa wirdong napanaginipan ko at papalapit naman sa mga bagay na nangyari kanina lang.

"Nakabalandra sa labas ng pinto yang susi mo. Atsaka bakit nakatiwangwang na nakabukas ang bahay mo? E kung manakawan ka? Nasaan nga pala si Kuya? Hindi ba siya pumunta rito? Nag-inuman ba kayo?" sunud-sunod na tanong niya.

"Anong oras na ba Alex?"

"Mag-aalas Dos na ng hating gabi. Nasaan na si Kuya? Kanina ko pa siya hinahanap. Nakapatay pati ang cellphone niya," pag-aalalang sambit niya.

Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya dahil maging ako'y pilit na inaalala ang mga nangyari. Masakit ang ulo ko dahil sa hang-over ngunit naaalala ko pa namang nag-inuman kami ni Mick. At bigla kong naalala na nasuntok ko pala siya sa mukha. After that e nakatulog na ako at wala na akong matandaan.

"Hindi pa ba umuuwi sa inyo? Kung hindi mo siya nakikita rito, malamang wala siya rito," pamimilosopo ko.

"Pupunta ba 'ko rito kung nasa bahay si Kuya?" pasimangot niya sa 'kin. " Alam kong nag-inuman kayo..... hindi ako naniniwalang kaya mong laklakin lahat ng redhorse na 'yan!" pagturo niya sa mga basyo ng bote.

Teka nasaan na nga bang talaga si Mick? Naghinanakit nanaman ba uli siya sa 'kin dahil sa panununtok ko sa kanya? Hindi ko naman yun sadya e? Hindi ko lang din talaga matumbok-tumbok kung bakit kakaiba na ang inaasal niya lately.

"Baka nasa tabi-tabi lang yang tiyuhin mo Alex. Nagpapahangin?"

"Nagpapahangin? Madaling araw? Hindi ganun si Kuya. Sigurado akong may matinding dahilan kung bakit wala siya sa bahay," hinawakan ni Alex ang braso ko at naglungkutlungkutan na tila kinakabahan. "Masama ang kutob ko Papa Jace, pero sana mali ako.."

"Wag kang negative mag-isip Alex. Baka may pinuntahan lang 'yun."

Maging ako'y kinukutuban. Sumasagi sa isip ko na may kinalaman siya sa mga nangyayaring hindi nakakatuwa. Pero paano nangyari 'yun? Yun ang dapat kong alamin.

********

Sumapit ang kinabukasa'y walang Mick ang nagpaparamdam o nagpapakita man lang sa 'min. Alas tres na ng hapon kaya't lalo akong kinabahan sa hindi niya pagpapakita. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na hindi niya nainform ang pamangkin niya. Wala rin siya sa bahay ng nanay niya kaya't mas lalong nakakakaba. Naiisip ko nga, na sana nama'y hindi mangyari, na nasalvage siya? Pilit ko na lang iniaalis sa aking isipan ang mga ganung karimarimarim na posibilidad.

Gumawa na ako ng paraan para ako na mismo ang maghanap kay Zanmiks. Since out of coverage pa rin ang Phone niya at maging mga kakilala't kamag-anak niya'y hindi alam kung nasaan siya, inisa isa ko ang bawat barangay malapit sa 'min. Gamit ang aking motor, nagtanung tanong na ako sa mga taong nakakasalubong ko patungkol sa kinaruruonan ni Mick. Mukha na nga akong tanga kakatanong ngunit bigo pa rin akong mahanap siya.
Naghahanap ako sa kawalan pero wala pa ring senyales na agad namin siyang makikita.

May nakasalubong akong isang binata na naglalakad sa gilid ng kalsada. Mukhang wala sa sarili at may iniindang malaking problema base sa pigura ng kanyang mukha. Naka White Polo Shirt siya at black slacks. Gwapo at mukhang mayaman ang isang 'to.

"Brad, tanong lang, napansin mo bang naglalakad ang lalaking 'to rito?" bigay ko sa larawan ni Mick sa kanya. Tinitigan niya lang ang litrato ng ilang segundo na di mo kakakitaan ng ekspresyon.

"Oo"

walang gana at maikling sagot niya. Nakaramdam ako ng pagluwang ng paghinga. Agad niyang ibinalik sa 'kin ang larawan sabay lumakad papalayo. Nawirduhan ako sa binata kaya't sinundan ko siya kung saan siya papunta.

"Teka sandali..."

Tila wala sa wisyo ang binatang ito. Tumigil siya sa paglakad at naupo sa puting bench sa may malapit na Parke. Ipinark ko ang ang aking motor at agad na lumapit sa kanya.

"Brad, pasensya na sa abala pero kelangan ko lang makita ang lalaking 'to" pagtukoy ko sa larawan. "Kagabi pa nawawala."

Hindi pa rin kumikibo ang binata. Nakatitig lang siya sa iisang direksyon, malayo ang tingin pero wala namang tinatanaw. Halata mong may mabigat na dinadala.

Umupo ako sa tabi niya. Bigla ba naman niyang hinablot ang larawan ni Mick na hawak ko at muli niya itong tinitigan.

"Boyfriend mo?" prangkang tanong niya na ikinatayo ng balahibo ko.

Kunwa-kunwang nairita ako sa tanong niya sabay kuha ko sa larawan ni Mick na tinititigan niya.

"Ayos ang tanong mo Brad ha?" pagdipensa ko. "O ano, nakita mo ba talaga ang lalaking 'to o ano?"

Umiling siya bilang sagot. Bigla akong nairita sa panloloko niya. "Salamat sa pag-aksaya mo sa oras ko," sarkastikong sabi ko sa kanya. Patayo na ako sa bench upang makaalis na ng lugar nang bigla siyang magsalita.

"Naiisipan kong magpakamatay...."

Napakunot ako ng nuo at napalingon ako sa kanya.
"Tawid ka lang Brad ng kalsada, tapos humiga ka sa gitna," sagot ko sa sentimyento niya.

Imbis na mairita'y bigla siyang natawa sa sinabi ko. Para siyang baliw kung umasta. "Hirap pala 'pag nawala na 'yung taong mahal mo no? Nakaka-isip ka ng mga bagay na never mo namang naisip," bigla siyang napatingin sa 'kin na ginantihan ko naman ng tingin na nagtatanong.

"Pasensya na kung naabala kita pare. Wala ako sa sarili ko ngayon dahil hinatid na sa huling hantungan ang mahal ko."

Nawalang bigla yung inis ko sa kanya at bumalik ako upang tabihan siya. Nakarelate ako sa nararamdaman niya dahil namatayan din ako ng kasintahan nuon, na sobra kong minahal.

"Arjay pala ang pangalan ko, if you want to ask" pagpapakilala niya.

"Sorry Brad hindi ko alam. I'm Jace pala..."

"Sorry Jace kung naoffend kita sa tanong ko. Hindi ko dapat sinabi yun...."

Napangisi na lang ako sa apology niya kahit totoo namang may relasyon kami ni Mick, na complicated pa rin ang status hanggang ngayon.

"Okay lang..."

Medyo umayos na ang hitsura ni (Arjay) taliwas sa kani-kanina lang na sobrang lungkot niya.

"Yung tinutukoy ko kaseng kasintahan kong namayapa na is... lalaki," sabi niyang tila nahihiya. "Huhusgahan mo ba ako Jace kung nagmahal ako ng kapwa ko?"

Nagulat ako sa kumpisal ni Arjay. Wala sa hitsura niya ang magmamahal ng isang lalaki. Hindi siya halata na ano. Napalunok tuloy ako dahil na-amaze ako na hindi lang pala ako, kami ni Mick ang nagkaroon ng unconventional lovestory na ganito.

"Sino ba ako para husgahan ka Arjay? Di kita kaanu-ano at ngayon lang din kita nakita. Sorry to hear na wala na yung mahal mo.. Condolence"

"Salamat Jace....."

Pilit na ngiti ang naisukli ko sa kanya.

"Ang weird ng love ano? 'Yung hindi normal nagiging normal. 'Yung akala mong black and white lang nagiging rainbow pala. Yun lang, gaya ng ibang nasa relasyon, hindi sa lahat ng oras mangyayari ang gusto mong mangyari. Whether prepared ka o hindi, we need to face life. Damn!" salaysay niyang tila may inaalala.
"Pero di ko pinagsisihan na minahal ko si Ken. He's the bestest, malungkot ako pero hinding hindi na ako iiyak. I'm done with that phase. I'm happy na we created memories na hindi maglalast. I learned to love with no regrets. I learned to accept the way he loved me rather than questioning his love for me."

Hindi ko inexpect na maglalabas ng sentimyento ang isang estranghero sa 'kin na talaga namang nanuot sa kaibuturan ng aking puso.

"Sa relationship, wag niyong kwestyunin yung pagmamahalan niyo sa isa't isa. Pareho niyo lang sinasaktan ang mga puso niyo. Siguro, ayun ang isa sa mga natutunan ko in this weird romance. Hayyzz, I'll miss my Kentot!"

Sumilip ang ngiti sa aking labi sa mga pinagsasabi ni Arjay. Para nga akong nabuhusan ng napakalamig na tubig. A wake up call for me dahil all throughout my journey with Mick e wala akong ginawa kundi kwestyunin ang sarili ko pati ang pagmamahal niya sa 'kin.

"Sorry Jace, ang daldal ko dito kahit wala ka namang paki...."

"Okay lang Arjay, nakakatuwa nga't may natututunan ako sayo...."

Nagtagal pa ng saglit ang aming pag-uusap nang biglang may tumawag na dalawang lalaki na tingin ko'y kaedaran di ni Arjay.

"Nandito ka lang pala Arjay. Akala namin sumama ka na sa libingan ni Kentot!" bulyaw ng isa nyang kaibigan.

"O siya. Salamat sa pakikinig Jace at pasensya sa abala....."

Nagshake hands kami bago niya puntahan ang kanyang mga kaibigan. Nakakatuwa lang na sa maikling oras ng pag-uusap nami'y marami akong natutunan sa kanya. Ibinahagi niya sa 'kin ng pahapyaw ang kanyang buhay pag-ibig. Ramdam kong mabuting tao si Arjay at nawa'y malagpasan niya ang matinding pagsubok na kinakaharap niya ngayon.

*******

Napapaiyak na 'ko dahil hanggang ngayo'y di pa rin nagpapakita si Mick. Nababaliw na ako sa pag-aalala dahil baka napano na siya. Hindi kaya kinidnap na siya ng mga magagaling kong tiyahin at sinalvage? Ayan nanaman ang pagiging paranoid ko. Maging si Alex ay nababaliw na rin sa di pa ring matuntong tiyuhin niya.

Alas Otso na ng gabi. Mag-iisang araw na simula nang mawala si Mick mula pa kagabi. Dumiretso na ako ng bahay at plano na lamang na ipagpatuloy kinabukasan ang search and rescue operation sa nawawalang si Zanmiks.

Pagpasok ko ng bahay ay pansin kong nakabukas ang ilaw sa sala't kusina. Kinutuban akong baka pinasukan ako ng mga magnanakaw. Marahan kong kinuha ang baseball bat na nakatago sa likod ng pintuan at dahan dahang lumakad sa sala papuntang kusina.

Habang papalapit ng kusina ay naaninagan ko ang anino ng isang lalaki na nakatayo sa may lababo. Napasigaw pa ako ng akto ko nang hahambalusin ang lalaki....... na si Mick pala. Mabuti na lang at humarap agad siya kung hindi'y baka nabasag ko nanaman ang mukha niya.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko na maypagka sorpresa

"Nagtu-toothbrush" hinintay ko muna siyang magmumog at nagpaliwanag naman agad ito.

"Ginamit ko muna yung toothbrush mo. Kagabi pala pumunta ako sa may guest room niyo at dun na ako natulog. Hindi ko alam na mapapasarap ako ng tulog kaya mukhang isang araw akong walang malay. Kaya pala kumakalam na ang tiyan ko. May pagkain ka ba diyan?"

Gusto ko sana siyang sermunan nang matauhan. Hindi niya alam kung gaano ako nag-alala sa kanya. Hindi niya alam na para na akong asong ulol na nababaliw kakahanap sa kanya. Gayunpama'y mas nanaig sa 'kin ang pang-unawa. Tila hindi ko na siya kayang pagsalitaan ng masasakit. Ang buong pag-aalala ko'y napalitan ng labis na kasiyahan nang makita siya sa harapan ko, alive and breathing.

Bumugso sa aking puso ang hindi maipaliwanag na damdamin kaya't ang naging resulta'y ang pagiging mapusok ko. Lumapit ako sa kanya at walang sabi-sabi'y akin siyang hinalikan. Napa aray pa siya sa paghalik ko sa labi niyang nasugatan ko kagabi.

"Ouch," pagdaing niya. "Anong meron Jace at nanghahalik ka?"

Nginitian ko siya bilang ganti.

"Pwede bang ipagpatuloy na natin 'to? Mahal kita Mick. Ayaw na kitang mawala..... Shall we continue this crazy little thing called love?"

Continue Reading

You'll Also Like

263K 2K 7
[EDITING] Unang beses pa lang na nakita ni Yuki si Rio ay may kung anong naramdaman na siya para rito. Lalo siyang nahulog sa huli dahil maliban sa a...
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
563K 16K 13
Sit back and relax and welcome to...Sardinas Family--este Sandejas Family👑 Sandejas Family's sabog moments, adventures. Usually consists of excerpts...
242K 1.6K 7
Samahan natin sina Sergeant Bryan Turalba Jr at si Alandel Dela Rosa sa kanilang pag tuklas sa naiibang mukha ng pag ibig. Sana ay kapulutan nyo sila...