Innocent meets Leader [TO BE...

By Sikeyshie

1M 32K 2K

[WILL UNDERGO MAJOR REVISION] Isang simpleng babae na may tahimik na buhay at nakilala ang limang lalaki na... More

Prologue
Chapter 1 -Show-
Chapter 2 -Transferee-
Chapter 3 -FiveF's-
Chapter 4 -Inis time!-
Chapter 5 -Detention-
Chapter 6 -New Friends-
Author's note
Chapter 7 -Trapped-
Chapter 7.5 -Savior-
Chapter 8 -Monica's Plan-
Chapter 9 -Sapak gusto mo?/ Ace -
Chapter 10 -Past-
Chapter 11 -Payo ni Charles-
Chapter 12 -Brother-
Chapter 13 -Call-
Chapter 14 -Banat pa more!-
Chapter 15 -The Picture-
Chapter 16 -Haters-
Pasingit si Author..
Chapter 17 -2 Days Before-
Chapter 18 -In the rain-
Chapter 19 - "...." -
Chapter 20 -ChaTin -
Chapter 21 -Eliza Marie Chen-
Chapter 22 -Let go-
Chapter 23 -Scene in the bar-
Chapter 24 -A Day with Him (1st PART)-
Chapter 25-Her Heart(2nd Part) -
Chapter 26 -Ate Jem-
Chapter 27 -Ace and Reasons-
Chapter 28- Ace vs Kiefer-
Chapter 29 -Confusion-
Chapter 30 -End and Beginning-
Chapter 31 -The move-
Chapter 32.5 -Part one-
Chapter 32.8-Second Part-
Chapter 32.9 -Third Part-
Chapter 33 -Letters-
Chapter 34 -Dinner Date-
Chapter 35 - Last time?-
Chapter 36 - Threats?-
Chapter 37 -puzzled-
Chapter 37.2 -Antagonists-
Chapter 38 -No-
Chapter 39 -Who-
Chapter 40 -Search-
Chapter 41 -Pendant-
Chapter 42 -Back-
Chapter 43 - Recover -
Chapter 44 - Return -
Chapter 45 - Invited -
Chapter 45. 5 - The Day -
Chapter 46 - Protector -
Chapter 47 - Unexpected -
Chapter 48 -Truth-
Chapter 49 -Revealed-
Chapter 50 - Life or Death -
Chapter 51 -Farewell-
Epilogue
Last Note

Chapter 37.5 -Bullies-

11.7K 337 17
By Sikeyshie

Madaming typos. Not Edited. Maikli.

Sapphire's point of view-
School

"Grabe! She's back, sister?!"

"Oh yes sister! She's back!"

"Kailan pa?"

"Ngayon lang pumasok pero last week pa daw."

At sino na naman ang SHE na tinutukoy nila? Bilib na talaga ako sa mga tsismosa sa school na 'to.

"So, balik to bully na naman siya?"

"Malamang sa malamang! Nakakatakot na ulit pumasok!"

"I know right!"

Nakakunot noo akong naglalakad dahil sa mga naririnig kong bulungan. Puro 'Bumalik na pala sya' 'Hala. Iiwas na naman tayo' 'Mas nagmaldita daw' 'Reyna-reynahan na naman'
Ganyan! Puro reklamo! Nakakapagtaka lang talaga at parang takot na takot sila.

Pumasok na ako sa classroom at himala at tahimik sila. Wala pa ang five flames, mga puyat siguro 'yong mga yun.

Dala na rin siguro ng pagkacurious ko ay kinalabit ko yung babaeng nasa harap ko. Tumingin naman s'ya sa akin at bakas sa mukha nya ang pagtataka. Curiosity kills the cat.

"Sino yung pinagbubulungan ng mga schoolmates natin na bumalik na daw?"

"Monica Chua, yung queen bee"

Natigil ako saglit pero agad din naman akong nakarecover. Hindi na ako nagulat ng marinig kong bumalik na s'ya. Duh? Nagkita pa nga kami kahapon diba? Sinabi pa nya sa akin na SILA pa daw yung nagbibigay ng threats. Oo. Aaminin ko. Natatakot ako sa pwede nilang gawin. Sino ba naman ang 'di matatakot kung bigyan ka ng ganoon.

"Hi girls!" nakuha ang atensyon namin sa nagsabi noon at napailing na lamang ako. Once a playboy always a playboy. Nasa dugo na ni Steve Francisco Lopez yan.

"Kyaaaah! Hello Steve!"

"Good morning Jaze!"

"Hi Renz!"

"Rune, pakiss! Mwah!"

"Ang gwapo mo, Charles!"

Napailing ako ng todo-todo dahil ang mga mokong, todo ngiti,kaway,kindat,hello o good morning. Nangunguna syempre si Steve dyan papahuli pa ba yan? Isa-isa silang umupo malapit sa akin at tumabi sa akin si Kiefer.

'Layuan mo sya or else idadamay ko ang pamilya mo' naalala ko na naman yung latest threat na natanggap ko. Nakita ko lang ito sa locker ko kanina.

Kaya naman, tumayo ako at lumipat sa unahan ng second row. Nagtataka naman ang five flames at ang iba mula sa inasal ko. Nagkunwari na lang akong hindi iyon napansin at sumubsob na lang sa upuan ko.

Hayy! Bakit ba ang tagal ng teacher namin? Awkward eh! Awkward.

***

Tumunog na rin sa wakas ang bell at hudyat iyon na break na.
Agad akong tumayo at lumabas ng room. Hindi naman halatang nagmamadali ako no?

"Uy! Sapphire!" rinig kong tawag ni Renz sa akin kaya lang tuloy tuloy pa rin ako sa paglalakad at 'di na lang sya pinansin. Naririnig ko pa na tinatawag nila ako pero eto ako, dedma lang.

"Kapal ng mukha nyang 'di pansinin ang Five Flames!"

"Hah! Feelingera!"

"Akala mo kung sinong kagandahan porke't close sila ng Five Flames!"

Hindi ko matukoy kung nagpaparinig ba sila sa akin o sadyang ang lakas lang nila magbulungan. Hayy. Kailan ba nila ako titigilan?

"Hey bitch!" narinig kong sigaw ng isang babae mula sa likuran ko. "Hey! Stop!" sino ba yung sinisigawan nun at parang ang bingi naman ata? Hindi ako tumigil sa paglalakad at mas binilisan ko pa para hindi ako abutan ng rush hour sa cafeteria. Nakakahaggard yun ng mukha! Wag ganun!

Habang nagmomonologue ako dito ay biglang may sumabunot sa buhok ko. "A-aray! Masakit! Ano ba!"

Nakakainis! Feeling ko mawawalan ako ng buhok sa sobrang lakas nila magsabunot.
"Ouch! Ano ba?! Bitawan nyo ako!" pero hindi parin sila tumigil at sa halip ay mas nilakasan pa ang pagsabunot sa akin with matching kalmot kalmot pa. Ang dami nila, masakit naaaa!

"Ano bang sabi ko ha?! Diba sabi ko tumigil ka?!" sigaw nung nananabunot sa akin.

Aba! Malay ko bang ako pala yung tinatawag nito? May pangalan ako! May pangalan! Ah! Ang buhok ko!

May naramdaman akong tumama sa akin na naglabas ng dilaw na likido. Ang uniform ko nadumihan! Wala akong pamalit! Hindi parin sila tumigil sa pagbabato ng itlog, may mga kamatis din silang binabato sa akin na tumama sa mukha o di kaya sa uniform ko. Tila hindi pa sila nakuntento sa pinaggagawa sa akin at binuhusan pa nila ako ng harina at tubig. Sobrang lagkit at dumi ko na ngayon.

Sobrang malas ko lang at walang tumutulong sa akin dahil nakaladkad nila ako papuntang likod ng school kung saan wala laging tao.

Ilang saglit pa ay lumabas na rin ang may pakana ng lahat ng 'to.
"Oh! Ang ganda ng greetings ko sayo no, Sapphire!" sabay tawa nya ng maarte. Nakakainis! Oras na makawala talaga ako mula sa mga babaeng 'to, sasampalin at uubusin ko ang buhok ng maarteng babaeng 'to!

"Ouch!" sigaw ko ng itulak nila ako sa putikan. Halo-halo ang amoy ko! May itlog,kamatis,harina at putik! Ang dami ko pang kalmot! Ahh!

"Girls! Stay muna kayo sa side dyan at panoorin nyo akong ilampaso ang babaeng to!" sabi nya sa mga babaeng hawak ako. Binitawan nila ako at tumabi sa isang sulok, habang naglalakad papunta sa akin si Monica.

Ang sakit ng katawan ko. 7 vs 1. Unfair sila. Bwisit.

Kinuha ni Monica ang buhok ko at sinabunutan. Triple ang sakit nun kumpara sa mga babae kanina. Wala na! Goodbye hair.
Hindi pa s'ya nakuntento ng kinaladkad nya ako gamit ang buhok ko pero literal na nanlaki ang mata ko ng malaman ko ang gagawin nya sa akin.

"Miss Monica,s-sobra na po yata ang gagawin nyo" rinig kong sabi nung isang babae. May awa pa pala sa akin ang mga 'to. Pero seryoso, kinakabahan ako sa gagawin ni Monica.

"Hah! Wala kayong pake! Sumama pa kayo sa akin kung maaawa lang din pala kayo! Mga walang kwenta!" galit na galit nyang sabi.

Lalo nyang hinigpitan ang hawak sa buhok ko at iniharap nya ako sa mukha nya. Nakatikim ako ng malulutong na sampal. Pakiramdam ko sobrang pula na ng magkabilang pisngi ko.

Bigla nya akong iniharap sa pader. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Pinagpapawisan din ang noo ko. Sobra na...Sobra na ito.

"Are you ready, Sapphire Mendoza?" malademonyo nyang sabi.

Bigla nyang inumpog ng sobrang lakas ang ulo ko sa pader. Paulit-ulit. Palakas ng palakas. Pabilis ng pabilis. Ramdam ko ang pagtulo ng malapot na tubig mula sa ulo ko. Kulay pula. Halos wala na rin akong makita dahil sobrang lakas ng pag-agos nun dahil dumadaan na ito sa mga mata ko. Hindi ko na napigilang umiyak at pagkatapos nun ay simula ng mandilim ang paligid ko.

***
END OF CHAPTER 37.5

Hello! Tagal kong nawala! Writer's block! At laging wala sa mood mag type ng update. Busy rin sa school works. Aba! Kailangan priority ko parin ang pag aaral. Sensya na. Paki intindi nalang huhuhu!

Ano nalang kaya ang mangyayari kay Sapphire?
Ang sama ni Monica,noh?
Kiefer, nasan ka?!
Ace! Ikaw rin! Missing in Action na!

P.S Wag kayong magalit kung ganyan ang chapter na to. Part po yan ng story.

P.P.S: MALAPIT NA MAGPAKITA SI EPILOGUE! BWAHAHA! Si Ending paparating na! Konti nalang! Konting konti nalang! After nito, tatapusin ko na talaga ang Otaku Lovestory. Sa mga nakakamiss kay Gio at Kianne! Konting hintay pa.

SPOILER ALERT!!!!!

MAY MAMAMATAY.......

by the way,

Gumawa po ako ng fb account ko. Bago po. Melody Piece ang name. Dun nyo nalang ako iaadd sa mga fan ko dyan! Hahaha! Friendly ako. Bago lang yun at iisa lang ang friend which is yung TOTOONG ACCOUNT KO MISMO na real name ko ang gamit. Ang profile pic ko dun ay yung profile pic ko dito sa wattpad. Yung batang may moustache na color pink ang background. Yun!

Read and Vote po! Comment na rin para masaya!

Continue Reading

You'll Also Like

88K 1.6K 41
Yllentell April Greid life change as she started to wish at Magical Feathers . It's a magical dust that led her life into Unknown place called QYLENT...
970K 18.9K 39
Different personalities. Different kind of living. Will their story be sweet or will they overcome obstacles to be together? Will the guy be able to...
8.6M 138K 50
Si Avery Lefevre ay isang simpleng babae na may simpleng buhay. Siya ay natutulog, kumakain, pumapasok sa eskwelahan kahit sa labag sa kalooban, guma...
108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...