Substitute Mom (KathNiel) COM...

By TheBestDamnThingxx

496K 10.1K 388

FOREVER is a battle between LOVE, SACRIFICES and PAIN.. Reached: #11 in Fanfiction ©TheBestDamnThingxx Start:... More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chpater 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Besties
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 16.2
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chaptet 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Dedications-Farewell
Book 2

Chapter 39

6.9K 146 2
By TheBestDamnThingxx

Chapter 39

Kathryn's Point of View

"Kath, aalis na ako. Ok ka na ba dito? Wala ka nang ipapagawa?" tanong ni Nanay Mel.

Gabi na kasi, kaya kailangan na niyang umuwi. Ang laking abala para sa kanya na nandito siya sa bahay para tulungan ako. Halos hindi na nga kami masyadong makapag-usap dahil si Daniel ayaw akong umalis sa tabi niya, ang hirap pang pakainin.

"Nay, ok na. Sobra-sobra na nga po ang abala namin sa inyo eh." nahihiya kong sagot.

Napailing naman siya at natawa.

"Ano ka ba? Wala naman iyon sa akin. Hindi naman mahirap alagaan si Jordan. Nag-enjoy din naman ako. Na-miss ko ang apo ko." pahayag pa niya.

Siya ang nag-aalaga kay Baby tapos ako doon sa isang baby. Ang kulit eh, pahirapan pang mapainom ng gamot. Mas mahirap pa kay Jordan.

"Oo nga po eh, mas madali pang alagaan si Jordan kesa doon sa ama." reklamo ko.

"Hahaha. Hayaan mo naaaa, nag-lalambing lang 'yun sa iyo." sabi ni Nanay. Biglang may bumusina sa labas. "Nandiyan na ang sundo ko, mag-iingat kayo." lumabas kami ng bahay at hinatid siya.

"Opo, salamat po ulit Nanay. Bibisita po ulit kayo." sabi ko. Nag-mano ako sa kanya bago siya sumakay ng sasakyan.

Matapos kong i-lock ang gate ay pumasok na sa bahay. Papakainin at paiinomin ko pa ng gamot si DJ.
Nadatnan kong gising siya at naka-upo sa kama niya, kaharap ang laptop niya.

"Gusto mo nang kumain? Ipaghahanda kita." tanong ko sa kanya habang inaayos ang kumot ni Jordan. Buti na nga lang at nakatulog ng maaga kung hindi ay baka napaka-hyper pa din hanggang ngayon.

"Maya ng konti, tatapusin ko lang 'to. Kailangan ko na talagang pumasok bukas." sabi niya.

Lumapit ako sa kanya at kinapa ang leeg niya kung mainit pa.

"Wala ka ng lagnat. Ituloy mo na lang ang pag-inom ng gamot para hindi ka na lagnatin." sabi ko sa kanya.

Bumaba ako para kunan siya ng pag-kain at gamot. Sa kwarto ko muna siguro si Jordan matulog para makapag-pahinga ng ayos si Daniel.

Nilagay ko sa tray lahat ng dadalhin kay Daniel.

Kailangan niya talagang bumalik sa trabaho dahil halos limang araw na din siyang hindi nakikita sa opisina eh.

"J, kain ka muna bago mo ituloy 'yan." sabi ko habang inaayos sa table niya ang pagkain.

Hindi na naman siya nakipag-matigasan sa akin. Tumayo siya at umupo para kumain.

"Kumain ka na?" tanong ni DJ.

"Tapos na ako." sagot ko.

Kumuha ako ng towel sa drawer niya at ipinunas sa likod niya. Basa na nga ng pawis.

"Lalaksan ko ang aircon, pawisan ka na eh. Pero mabuti at pinagpapawisan ka na. Lalaksan ko ba?" sabi ko.

"Opo, please."

Nilaksan ko ang aircon, pagkatapos ay nilinis ko na din ang mga ilang gamit niya. Hindi naman talaga burara si Daniel eh, minsan lang talaga hindi niya nao-organize ng ayos.

Hinintay ko lang na matapos siyang kumain. Niligpit ko lang at naghanda na din sa pag-tulog.

"Daniel, sa akin muna matutulog si Jordan para mapagpahinga ka ng ayos." sabi ko sa kanya.

Napatigil naman siya sa ginagawa niya.

"Ha? Dito ka na lang matulog." sabi niya. Umiling ako.

"Wala akong tutulugan dito." sagot ko.

May sofa namandito sa kwarto niya pero maliit lang, mahirap matulog.

"Tabi tayo, ang luwag sa kama ko eh." sagot niya.

Ayoko nga.

"J, hindi na. Kaya nga 'dun kami sa kwarto ko, para makapagpahinga ka ng ayos." napakamot siya sa ulo niya na para bang naiinis.

"Iiwan niyo ako? Si Jordan kasama tapos ako hindi. Ang daya niyo." inis na sabi niya.

Grabe. Pati ba naman 'yun big deal sa kanya?! Napaka nito.

"Daniel ha. Magpaka-mature ka naman. Hindi naman kami aalis ni Jordan. Doon lang kami sa kabilang kwarto. Pati ba naman 'yung bata pagse-selosan mo?" sita ko sa kanya.

Humalukipkip siya kama niya at nakasimangot na humarap sa laptop niya. Pumunta naman ako kay Baby, dahan-dahan kong iniangat para hindi magising.

"Matulog ka na pagkatapos mo." sabi ko sa kanya at lumabas na ng kwarto.

Nagulat na lang ako nang makita ko siyang nakasunod sa akin. Hindi ko na lang muna siya pinansin hanggang sa maibaba ko sa kama si Jordan.

Humarap ako sa kanya.

"DJ, matutulog na kami." sabi ko sa kanya.

Hinila niya ako papalapit sa kanya.

"Sorry." bumuntong hininga siya. "Gusto ko lang naman lagi kayong kasama. Sorry, kung minsan sumo-sobra ako sa pagka-tigas ng ulo ko." seryosong sabi niya.

"Anong minsan? Palagi nga eh." sarkastikong sabi ko sa kanya.

"Sorry." paawa niya sa akin. Umiwas ako ng tingin at pinigilang matawa.

"Ok lang basta bawasan po ha? Tulog ka na din. Kailangan mong magpahinga para makapasok ka na bukas." sabi ko.

Lumapit siya kay Jordan at hinalikan sa noo, ganoon din sa akin. May kasama pa ngang yakap eh. Para-paraan.

"Good Night. Thanks for taking care of me. I love you." I love you too.

Humiwalay sa pagkakayakap sa akin at lumabas na ng pinto.

February 1

Nagising ako dahil sa ugong ng sasakyan. Kay Daniel ata 'yun.

Agad akong tumayo at sumilip sa bintana. Tama nga, kay Daniel John ngang sasakyan.

Bakit naman ata ang aga niya?

Napa-tingin ako sa wall clock ko, ala sais na!! Ako pala ang tinanghali ng gising. Tsk. Kumain pa kaya 'yun?

Pumunta ako sa CR para mag-freshen up saka ako lumapit kay Jordan para ilipat sa crib. Baka mahulog sa kama ko eh. Delikado.

Biglang tumunog ang cellphone ko, nag-text si DJ.

From: DJ

Good Morning Love!! Umalis na ako, hindi na nakapag-paalam sa'yo. Tulog ka po eh, napagod ka siguro sa pag-aalaga sa akin kahapon. Nakapagluto na din ako, kain ka na. Ingat kayo ni Baby. I love you.

Naka-ngiti akong pumasok sa kwarto ni Daniel. Sweet niya ah.

Natutulog pa ang bata ko kaya bumaba muna ako para kumain. Pagdating ko sa kusina ay nakita kong may nakahain na.

Lalo akong napa-ngiti nang may nakita akong isang stem ng peach rose.

Loko talaga,napaka daming pakulo.

Naisipan kong i-text.

To: DJ

Thank you. :*

Umakyat ako sa kwarto dahil naririnig ko na ang Baby ko na tinatawag ako.

"Hello." bati konsa kanya. Agad ko namna siyang binuhat at hinalikan sa pisngi. "Good Morning. Gusto mo nang kumain ha? Tara sa baba tayo."

Kapag napapatitig ako kay Jordan, lalo akong kinikilig kay Daniel John.

Inilagay ko siya sa high chair saka ako gumawa ng breakfast ni Baby. Nakita ko siyang nakatingin sa rose at pilit na inaabot.

"Bigay 'yan ni Daddy mo. Sana ganito siya araw-araw. Dapat ikaw din kapag binata ka na, you should treat your girl like a queen. You should respect her, love her. Kasi ang mga girls dapat itinuturing siyang special. Pero 'wag muna ngayon kasi magseselos si Mommy." kwento ko sa kanya, habang nag-sasalita ako nakatingin lang siya sa akin. Hahaha. Parang maiintindihan naman niya 'yung dinadada ko.

Daniel's Point of View

Madali ako sa paglalakad papunta sa office ni Papa. May sasabihin daw siya sa akin at mukang mahalagang mahalaga. Kaya nga ako nagising ng maaga dahil sa tawag ni Papa.

Sinalubong ako ng sekretarya niya at agad akong pinapasok.

Kinakabahan tuloy ako.

"Pa." sabi ko nang makapasok ako.

Muka siyang stress na stress siya habang naka-harap sa laptop.

Pina-upo niya ako sa couch at siya naman sa may harap ko.

"Hindi ko alam kung bakit biglang bumaba ang sales natin nitong nakaraang dalawang buwan. Naapektuhan ang branch natin sa Italy." napalunok ako sa mga sinasabi ni Papa. "Kung hindi maayos sa loob ng isang buwan." tumigil siya saglit at tinitigan ako. "Kailangan kitang ipadala doon para ikaw ang mag-ayos." napa-tuwid ang likod ko sa sinabi niya.

"Hindi naman po magtatagal ng taon diba?" kinabahan kong tanong.

Umiling siya.

"Depende anak. Kailangang masigurado nating hindi malulugi iyon." patay.

"Hindi po pwede si Kuya RJ na lang? Papa may anak ako." si Kuya ang hahawak ng kompanya kapag nag-retire na si Papa.

Hindi lang si Jordan ang inaalala ko. Si Kathryn din. Hindi ko sila kayang iwan ng ganoon lang.

"Si RJ na ang pupunta sa iba't ibang bansa para makipag-meet sa iba pang chocolate company. Kaya ikaw ang inaasahan ko ngayon." sagot niya. Sa katunayan nasa US siya. Baka sa March pa siya umuwi.

Matapos naming mag-usap ni Papa ay kinabahan ako. Nakatulala pa akong lumabas ng opisina ni Papa. Paano si Jordan? Ang Mahal ko?

Pero libo-libong tao at pamilya ang nakasalalay dito. Kapag bumagsak ang kompanya, hindi lang ako ang mawawalan ng trabaho. Mawawalan din sila ang trabaho.

Biglang umilaw ang cellphone ko, nakita ko ang wallpaper ko. Kaming tatlo nila Kath. Ito 'yung picture namin 'nung nagpa-Tagaytay kami. Ito ang first Family out of town namin. Sana hindi din ito ang huli.

Iniisip ko pa lang na malalayo ako sa mag-ina ko.

Hindi ko na kaya.

-------

VOTES, COMMENTS and being a FAN is highly appreciated.

❤Alyssaxx

©2015

Continue Reading

You'll Also Like

8.8K 203 61
Note: Apologies for wrong grammar and this is the first time na gumawa ako ng Story. Support niyo bai :)
1.5M 2.7K 3
(COMPLETE but UNEDITED content inside) Who doesn't want a fairytale? A happy ever after? Eleina wanted a true love of her own kaya naman nang malama...
1.6M 31.8K 65
I hate you! I hate you! I really really hate you Adam Inigo Alvarez!!! That's what she's been telling herself. Pero ganun padin ba kapag naramdaman n...
1.2M 19.1K 41
( Suplado Trilogy - Book III) We started with nothing. You're the snob guy who changed my life. In a snap, I just knew. I fell in love with you. Time...