His Gangster Girl [STBP by L...

By charamelwrites

9.9M 169K 11.1K

Meet Janine Park, the leader of the strongest girl gang in the Gangster World. But somehow, someone wanted th... More

HGG [1]
HGG [2]
HGG [3]
HGG [4]
HGG [5]
HGG [6]
HGG [7]
HGG [8]
HGG [9]
HGG [10]
HGG [11]
HGG [12]
HGG [13]
HGG [15]
HGG [16]
HGG [17]
HGG [18]
HGG [19]
HGG [20]
S.C [1]
HGG [22]
HGG [23]
HGG [24]
HGG [24.5]
HGG [25]
HGG [26]
HGG [27]
S.C [2]
S.C [2.5]
HGG [29]
HGG [30]
HGG [31]
HGG [32]
HGG [33]
HGG [34]
HGG [35]
HGG [36]
HGG [37]
HGG [38]
HGG [39]
HGG [40]
HGG [41]
HGG [42]
HGG [43]
HGG [44]
HGG [45]
HGG [46]
HGG [47]
HGG [48]
HGG [49]
HGG [50]
S.C [3]
HGG [52]
HGG [53] The last chapter
Epilogue
S.C [4]
S.C [5]
S.C [6]
S.C. [7]
S.C [8]
Author's Note
Book 2 is up!
VERY IMPORTANT Author's Note
Author's Note [Please read. Please!]
A/N pa more

HGG [14]

172K 3K 141
By charamelwrites

Chapter 14 

Janine's POV

Tss.. mga walangya. Tinulugan kami ng BRG?! Di na ko makapaghintay na masuntok siya/

Imbwes na bantayan kami ng dalawang lalaki ay ayun, naghaharutan. Akalain mo nga naman?

Tss.. sayang lang ang gwapo nila. Tsk tsk tsk.

"Hoy!! Mga malalandi!! Kung maglalandian kayo, wag naman sa harap namin! Grabe ah! Kahiya sa inyo eh!" sigaw ko. Nakakarindi sila maglandian.

"Wag mo siyang pansinin baby bear. Inggit lang yan dahil wala siyang lablayp" sabi ng isa dun sa Rei.

Ewwwwww...! Nag-akto ako na parang nasusuka. Kalalaking tao, kay landi!

Nagulat na lang ako ng biglang may nagbukas ng pinto. Sa sobrang lakas ay muntik na itong magiba.

"First!!"

Oh. Sila Second at Fourth pala.

"O bakit?" pokerfaced na tanong ko kay bes

"Ngek? Di mo pa naaalis yung tali niyo? Tss.. bagal mo naman!!" sabi ni bes.

"Hoy kayo! Paano kayo nakatakas?!" sabi nung Rei. Tss.. parang kanina lang may kalan eh.

KALANdian.

"Magic~" nakangiting sabi ni bes. Tss..loka talaga

Tumingin naman siya sa akin. "O ano na First?"

I rolled my eyes. Tss. atat? atat?

"Tapos na po. Kanina pa" sabi ko. Actually nung kakagising ko pa lang eh tinatanggal ko na.

Tinanggal ko na lang ang tali na nagpamukhang nakatali pa rin kami at tumayo na. Amazed naman si Riza sa nagawa ko. Ang cute ko talaga

Lunapit naman sa amin yung dalawa at may hawak kutsilyo ang tig-isa.

"Tss.. kutsilyo na naman. Di na nagsawa? Pwede namang baril o di kaya'y katana diba? Tss.. mga makaluma" 

Halata namang nainis yung dalawa at sumugod kay bes. Hello?? May tatlo pang magagandang babae dito na hindi niyo pinapansin?

Inilagan ni bes yung nauna sabay sipa sa tagiliran nito.

 "Rei!! Walangya ka!" sabi nung bakla na sumanib sa gwapong lalake.

"Aba! Beki ka pala? Sayang, crush pa naman kita." sabi ni bes nang umilag ito at sinipa rin sa tagiliran para tabi sila nung KALAN niya.

"Ayan! Tabi kayo ng REI mo!" sigaw ni bes. Ay, HB ang peg dre?

"Lika na First. Sunduin natin yung iba" sabi ni Fourth. Aba himala!! Hindi na ata siya conyo ngayon? Hay salamat!

Paglabas naman ng kwarto ay nakasalubong namin si Seventh at Eighth.

"Oy kambal! Napano kayo?" tanong ko.

"Minomolestiya kami ng bantay dun eh. Like ewwww~ yan tuloy K.O ngayon" sabi ni Seventh.

Ambad naman nila.

"Wait! Si Sixth asan?" tanong ni bes.

"Hanapin muna natin si Sixth" sabi ko at pumunta sa iba't ibang kwarto.

"Ayun sila!!"

Napatingin ako sa mga lalaking parating dito. May hawak silang kutsilyo.

"Ako na dito." sabi ni Fourth. Teka! Nakakapanibago si conyo gurl! Kapag talagang serious matters, nakakalimutan niyang mag-conyo.

Nagpatuloy na lang kami ng paghahanap kay Sixth ngunit hindi namin siya nakita.

"Ang BRG, andyan na!"

Tss..kebagal bagal talaga oh.

Bumaba na kami at nakita ko na lang si Paris na hostage ng boss ata at may nakatututok na baril sa kanya. Pero parang wala lang kay Paris. For all I know, humahanap lang yan ng tyiempo.

"Paris!" Sino pa bang lalake ang ka-close niya? Edi si Ace

Hinarangan ng mga natitirang lalake ang BRG at may biglang tumutok din sa amin na baril kaya hindi kami makagalaw.

"Nubayan Black Royalties' Gang. Bat late kayo?" sabi nung boss.

Ay oo nga pala. "Humanda kayong apat sa akin!! May gana pa talaga kayong tulugan kami eh noh?" sigaw ko.

"Di kita bati sweetheart!" sigaw ni bes. Muahahaha!! Lumungkot yung mukha ni Prince.

"Sorry na sweetheart~" paglalambing niya. Tss.. ang layo na nga nila pero naglalambingan pa din. Ibang klase noh? 

"Wag na nga kayong mag-usap! BRG, kung hindi niyo ibibiga ang titulo sa amin, sabay-sabay namin papasabugin ang ulo ng mga babaeng ito" nakangising sabi nung boss na may hawak kay Paris.

Pagkatapos ay may nakita pa akong isang pigura ng tao na papalapit sa BRG. Teka, si King ba yon?

"O sino naman iyang kasama niyo?" tanong niya.

"Ah.. eto ba? Engot, meet the King" proud na sabi ni Prince.

Nganga naman ang boss. Eh kasi, sino ba naman ang hindi matatakot eh Rank 6 yan sa Gangster World?

Habang hindi nakatingin sa akin ang lalaking engot na nakatutok ang baril sa akin ay dahan-dahan kong tinanggal ang bala nito. Pagkatapos ay tsaka ako nakahinga ng maluwag. Mga engot nga talaga.

"Pakawalan niyo sila" malamig na sabi ni King. Pati ako ay gininaw na din

"I-ibigay niyo muna ang titulo niyo!" sabi nung boss. Tss.. duwag. =

Tinignan ko si Ellaine at tumango. Ibig sabihin, patumbahin na ang engot na nakatutok ang baril samin. Pero samin lang. Baka maghinala sila pag laaht kami ay marunong lumaban eh

Hinawakan ko ang kamay nung engot na lalaki at ipinulupot ito, nahulog tuloy ang baril na hawak niya.

Pagkatapos ay pumwesto ako sa likod ng lalaki habang nakapulupot pa rin ang kamay. Napatingin sa amin ang lahat at habang busy silang pinagmamasdan ang cuteness ko ay sumugod na ang BRG. Except King na pa-cool na tinitignan ang laban.

Si Ace ang sumipa sa mukha ng boss dahilan upang mabitawan nito si Paris.

Si Joker naman lumapit lang kay Fourth ay binitawan na agad ito ng lalaking engot at tumakbo. Tss.. mga duwag pala ang mga ito eh

Si Jack lumapit sa kambal sabay na sinuntok ang dalawang engot na nakatutok ang baril dito.

Binitawan ko na itong hawak kong engot at sinipa. Buset siya. Dapat nagte-training ako ngayon eh

Nang may biglang humila sa akin at may itinutok ulit na baril. Yung totoo? Di talaga sila nagsasawang magtutukan ng baril?!

"Hahaha.. hindi niyo makukuha itong isang ito sa akin kung hindi niyo ibibigay ang titulo sa amin" 

May pumasok na bagong tauhan at may dalang baseball bat. Very good. Hindi na baril.

Hahampasin sana ng engot1 si Prince pero nailagan niya ito kahit nakatalikod at siniko ang mukha. 

Napatingin ako sa baril. Tss.. engot talaga! Yan yung tinanggalan ko ng bala kanina eh.

Kinuha ko ang baril at siniko ang tyan niya dahilan upang mabitawan niya ako. Pagkatapos ay tsaka ko tinutok ang baril sa kanya.

"AHHHHHHH!! Wag po!! Patawaaaaad!!" sigaw nito.

Napabusangot naman ang mukha ko. Munt*nga siya.

"Tss.. ang weak naman pala nito. Ano yung sinasabi ni Ace na malakas?!" bulong ko.

Pagkatingin ko sa kanila ay tumba na lahat ng engots. Lumapit ako kay Prince na nakangiti. Pagkatapos ay sinuntok ko siya. 

"Aray!! Problema mo cutie?!" inis na sabi niya habang hawak ang kaliwang pisngi niya. 

"Akala mo makakalimutan ko yung sinabi ko? Tss.. lakas ng loob mong tulugan kami ah! Hindi ka muna makikipagkita sa sweetheart mo ngayon!!" sigaw ko tsaka hinila si bes. Umalis na kami sa lugar na yon at sumunod naman sa amin ang ibang girls.

Prince's POV

Pinanood ko lang silang maglakad paalis. Aray. Ang sakit ng suntok mo cutie

"Hahahahaha!! Laptrip pre! First time mo na nga lang masuntok, sa babae pa??" pang-aasar sa akin ni Ace.

"Tumahimik ka nga diyan kung ayaw mong bangasan kita" sabi ko.

"Hehe.. pikon ka pa rin. Pero astig talaga nung si cutie noh? Lalo na pag seryoso, mas nagiging cute siya" sabi ni Ace.

"Kumusta kaya magiging laban natin kay cutie sa wednesday? Tuesday pa lang bukas diba? Excited na ko" sabi ni Jack. 

"Tss.. ayoko na. Baka mamaya, dagdagan pa ni cutie ang pasa ko sa mukha" sabi ko.

"Bwahahaha!!!" tawa nila Ace at Jack.

Janine's POV

Pagdating na pagdating namin sa bahay ay nag-training na agad ako. Hindi na ako humingi ng tulong sa co-gangsters ko. Kaya ko naman mag-isa eh. Ako pa. Cute ko kaya

Sinuntok-suntok ko ang punching bag na dala ni Fourth. Pabilis na ng pabilis hanggang sa naputok ang sanga kung saan ko ito sinabit at nahulog.

Enebeyen, maghahanap na naman ba ako ng sanga?

Sa bahay ko na lang kaya isabit? Sige na nga. 

Habang sinasabit ko ang punching bag ay biglang nag-vibrate ang aking cute na cellphone.

From: Pinakapoging insan

Hellow insan~ Dadalaw ako diyan sa inyo bukas ah? Hehe, see you :**

Si insan dadalaw!! Yey~ Alam niyo ba? Isa rin siyang gangster! Co-gangsters nga sila ni kuya dati eh. 

Pero ewan ko, ang rinig ko, gumawa siya ng sarili niyang gang. 

To: Pinakapoging insan

Okiee~ Dalhin mo yung gang mo! Gusto kong makilala.

From: Pinakapoging insan

Sige. Para sayo.

Ayiieee~ Ang sweet ng insan ko noh? Bwahahaha. First crush ko yan eh. Tsaka lang nawala nang nalaman kong hindi kami pwede. 

Andaya kasi! Pero buddy-buddy pa rin naman kami ng insan ko.

"First. Maggagabi na. Hindi ka pa rin ba matutulog?" tanong sa akin ni bes.

"Sige na nga. Baka masira ko pa itong punching bag na dala ni Fourth" sabi ko at pumasok na sa loob ng bahay. Totoo kaya! Butas-butas na nga eh. Nang unang tinignan ko ito ay kebago-bago pa. 

Lagot ako kay Fourth.

Excited na ako sa laban. Teka, may tanong kasi na bumabagabag sa isipan ko eh. Ano kayang mapapala ko sa pagsali sa royalties chuchu na yan?

Ayun, may natandaan ako na sabi ni ate Maika. Kapag kulang-kulang daw ang isang gang for 2 years, mawawala daw ito. Meaning, Black Royalties' Gang do not exist.

Kaya desperadong tagahanap ng members itong si Prince. Malapit na kasing mag-two years eh. Malapit nang mag-fade away ang BRG kung sakaling wala pa ring mahahanap na members.

Kaya kailangan kong makahanp ng princess at queen para sa gang na yan para makalaban na namin sila at makuha ang titulo

"Hey bes. Matanong ka nga, seryoso ka ba kay Prince?" tanong ko sa kanya habang umiinom ng tubig.

"Uhm... hindi ko pa alam eh" matamlay na sagot niya.

"Pano pag sinabi ko sayong makikita mo siya bukas? Makikipagbalikan ka ba?" tanong ko.

"Hindi na. Naka-move on na ako sa pesteng yon. At masaya naman kasama si Prince eh. Pero nanghihinayang pa rin ako" sabi niya.

"Nanghihinayang saan?" 

"Kung pipiliin ko bang mahulog ulit" sabi niya sabay buntong-hininga. Waaaah~ Naaawa na ako kay bes. Nadurog na yung puso niyan eh.

Kung sino yung lalaki? Secret muna.

====

A/N:

Asus! Broken-hearted pala si Second eh. 

Mehehe~ Pero malapit na rin yang mainlove ulit ~^ ^~

THANKS FOR READING! ^^

Continue Reading

You'll Also Like

6.2M 323K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...
1.4M 62.5K 106
Paano kung isang kisap mata mo ay zombie apocalypse na? Paano kung ma-stuck ka sa school kasama ang mga pinaka ayaw mong classmates? Paano kung ma-in...
14.2M 433K 67
Highest Rank Reached in Action Category: Rank #1 Her innocence. Their violence. How come a weak and innocent girl manage to enter the academy. Except...
198K 2.7K 60
Show me the most damaged parts of your soul, and I will show you how it still shines like gold. May mga bagay talaga na dumadating sa buhay natin ng...