Now a published book under Summit Media. Php 175.00. English. Available in all bookstores nationwide. :) If you love COUREANS, GIANELS and BRANDED LOVERS then do grab a copy!
CHAPTER 54
CHANEL'S POV
Pagkatapos ng valentines day. Nagbalik normal ang buhay namin ni Kean. Pumasok kami. Nagready sa finals. At
ngayon..
SUMMER NAMIN! ^________^V
Opo. Summer na kami. Natapos na namin ang 1st year college.
Si Tita Camille, umalis na muna ng bansa.
Si Dara. Kasama si Tita Camille sa pagalis ng bansa. Kaya kami ni Kean. Magkasama. Pero sa bahay namin talaga,
hindi doon sa couple house.
Si CK, busy sa promotions ng ICL Koala. Minsan dumadalaw. At okay sila ni Kean. Hindi sila friends. Pero in good
terms sila.
Araw araw kami nagkikita, binibista namin si CG na naging close na kay KEAN kahit na madalas silang mag-away.
Naging maayos naman lahat ng bagay sa amin. Masaya naman kami ^______^V
At ngayon, naghahanda ako dahil sabi ni Kean may date daw kami ^__________^ Nagpasalon pa ako dahil sabi niya
FORMAL date daw. KASI palagi daw kaming MALL lang ng MALL. Dapat daw hindi ganoon. Kaya ayun, nagprepare
daw siya ng bonggang DATE para sa aming dalawa :))
**KEAN KO CALLING
Oh ayan na nga, speaking of the devil. :)
"Hello?"
"Hello Babe? Ready ka na ba? Mamaya na ang date natin ah. Sumipot ka naghanda ako para dun. Patay ka sa akin
kapag hindi."
"Baliw ka talaga Kean. Naman! Sisipot talaga ako! Charuts. :) Sige na. Babu na."
"Pssst. Ang aking three words? And eight letters?"
"Three words, eight letters!"
Sabay naman kaming tumawa sa phone. Pagkatapos noon, bigla akong kinabahan. Grabeyshus. Ganoon ba talaga
kapag.. Nagprepare ng bongga ang boyfriend slash fiancee mo?! Kakabahan ka?!
Anyways, kakatapos ko lang magpaparlor.
Oo! Nagpaayos talaga ako ng buhok. Pinakulot ko lang naman. Nagpamakeup na din ako. :)
5 na din ng hapon. Magkikita kami ni Kean ng 7. Uuwi lang muna ako sa bahay para magpalit ng damit. Sabi niya
kasi magdress daw ako. Siyempre pink! Haha.
Pagkarating ko sa amin, nakasalubong ko ang Mama. Ibang iba ang aura niya at napansin kong.. Siya ay..
Umiiyak?
"Mama. Bakit?"
"Ah. Wala to. Ngayon ba ang date niyo ni Kean? Enjoy kayo ha."
"Ma. Anong meron?? Bakit ka umiiyak?!"
Tuluyan ng umiyak si Mama. Yumakap siya sa akin. Naluluha na din ako. Ayoko ng ganito. Nahihirapan ang Mama.
"Anak. Yung business partner namin ng Papa mo na niloko kami, hindi mahanap. Tapos ngayon.. Yung
last na kumpanya na pwedeng magpaloan sa amin.. Tinanggihan ang request namin. Hindi ko na alam
ang gagawin ko anak. Kumpanya natin yun. Yun na lang alaala ng papa mo sa akin. Hind yun pwedeng
mawala."
Para akong binagsakan ng langit.
Bakit ganito?
Bakit nangyayari ito?!
Kung kailan naman ayos na ang lahat.
Ayos na kami ni Kean.
Wala ng problema.
Biglang may papasok na naman na problema.
At ang masaklap wala akong magagawa sa problemang ito.
"Mama. Sorry. Wala akong magawa. Sorry Ma. Sorry."
Umiiyak na din ako. Kaya siguro ako kinakabahan kanina. Dahil sa bad news na ito. Kailan pa ito?! Kailan pa?!
"Anak. Wag kang magsorry. Sorry. Ako dapat magsabi noon, hindi ko nahandle ng ayos ang kumpanya, nagtiwala
kami sa taong hindi dapat pagkatiwalaan. Sorry anak."
"Okay lang Ma.. Kahit anong manyari.. Maayos natin to. Maayos natin to. Isa pa. Company natin yan. Sa mga CHUA
yan. Kaya tiwala lang Ma."
Umiiyak siya habang nakayakap sa akin. Hindi ako sanay ng ganito eh.
Isa na lang ang naiisip kong paraan ee.
Ang pagmomodel ko na inaalok ni CK at ni JM.
Kapag naging model ako sa ibang bansa.. Kikita ako ng malaki at pwede kong isave ang company.
Pero hindi pwede.. Kasi ayaw ni Kean.
Maiiwan siya dito. Isa pa, kasama ko si CK Alam niyo naman yun! Seloso. Pero kapag inexplain ko naman. Siguro
naman papayagan niya ako. Kakausapin ko na lang siya mamaya. :)
Pumasok ako sa kwarto ko.
Si Mama kinakausap si Papa (Tito Ken). Hindi pa siguro alam ni Kean ang nangyari. Pero apektado din sila dahil
nagelope ung businesses namin dib?
Nagpalit na rin ako ng damit, magpapahinga muna sana ako kaso biglang tumunog ang phone ko.
**Unknown Number.
Huh? Sino naman kaya ito?
"Hello?"
"Chanel?"
"Yah? Who's this?"
"Mama ni Kean."
Bigla akong nanigas doon. Mama ni Kean? Alam ba niya na magkikita kami ngayon?!
"B-bakit po?"
"Pumunta ka sa may playground ng compound natin."
"Why?"
"We have to talk."
Tapos bigla na lang niyang binaba. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ano na namang sasabihin niya?! Kinakabahan ako.
Pero kahit anong mangyari hindi ko isusuko si Kean.
Pumunta ako sa may playground katulad ng sinabi niya. Nakita ko siya nakaupo sa swing. Naka pantalon at t-shirt.
Ang simple. Anong meron? Kinakabahan ako.
"Chanel."
Tiningnan niya lang ako. Tiningnan ko lang din siya.
"Iwan mo na si Kean."
**
Tulad nga ng naiisip ko. Yun ang sasabihin niya. Yun ang dahilan niya ng pagpapapunta sa akin dito.
"Hindi. Hinding hindi ko iiwan si Kean. Hindi ko siya kayang isuko. Kahit anong mangyari. Lalaban ako
kasama siya."
Buo ang loob ko. Kahit anong mangyari. Kahit anong mangyari sa amin. Hindi ko siya isusuko.
"Iwan mo na si Kean."
Inulit lang niya.
"Hinding hin--Tita."
O_______O
Napaupo siya sa may damuhan. At nakita kong umiiyak siya.
Anong problema? Kasi kung drama lang ito hindi ako magpapadala. Hindi ko isusuko si Kean.
Ayoko.
Madamot na kung madamot pero hindi ko siya isusuko.
Buo ang loob ko.
"Chanel. Please. Iwan mo na si Kean."
"Hindi ko po gagawin yun. Hinding hindi."
"Alam kong mahal mo ang anak ko. At alam kong ayaw mo sa akin. Dahil ang dami ko ng ginawa para paglayuin
kayo. Pero.. Layuan mo na siya. Please."
Umiiyak siya. Bakit? Bakit? Ganun ba ako talaga? Hindi niya ako matanggap para sa anak niya na kailangan pa
niyang lumhod sa harapan ko at umiyak?!
"CHANEL I'M DYING!!! I have Leukemia."
WHAT?!