My Gangster Revenge(Who kille...

By purpleAnJEL

1.2K 45 1

Isang malaking tanong sa mga miyembro ng "The Red Dinosaur Gang" "WHO KILLED BLAIRE?". Isang tanong na hindi... More

Description
Prologue
Chapter 1[The Deathly Demon Gang]
Chapter 2[ The Red Dinosaur Gang]
Chapter 3 [I Miss Blaire So Much]
Chapter 4[Amethyst University]
Chapter 5[Muling Pagkikita]
Chapter 6[Jerilyn Mendoza?]
Chapter 7[Letters of Blaire]
Chapter 8(Sweet Moment & Back on the Past)
Chapter 9(Date)
Chapter 10(Gangfight-Queen Demon)
Chapter 11(Rumors)
Chapter 12(BET)
Chapter 13(WIN OR LOOSE GAME)
Chapter 14(Truth)
Chapter 15(Melody)
Chapter 16(Unexpected Kiss)
Chapter 17(Savior)
Chapter 19(Mystery Girl)
Chapter 20(Blue Poison Dragon Gang)
Chapter 21(Old School)
Chapter 22(Daredevil)
Chapter 23[Revenge]

Chapter 18(Heart Pain)

20 1 0
By purpleAnJEL

Heart Pain

Zam POV:

Hindi mawala ang kaba ko sa dibdib nang umalis si Blaire.

Naisipan kong utusan ang driver ko kanina na dalhin dito ang car ko kaya pag-alis ni Blaire saktong dating ng driver ko.

"Manong, kayo nang bahala sa motor ko." sabay pasok sa car ko.

Isinuot ko ang pulang mascara as a Queen Demon. I know kapag Zam ang nakita niya mag-aalala lang siya.

Sinundan ko siya na may layo ng konti sa car ko.

May mga lalaking humarang sa kanya. Nandito lang ako sa malayo nanonood. Alam kong kaya naman ni Blaire, nilabanan niya ang mga ito at binugbog. Ang galing niyang mag-martial arts.

Hindi ko marinig ang mga sinasabi nila. May isang lalaking na kitang-kita ko kung pano niya barilin ang mga kasama niya sa ulo. Napapikit na lang ako. Gusto ko na talagang bumaba at patayin ang lalaking yon. Hindi siya nararapat na mabuhay.

Mas lalo akong nagalit ng tutukan niya ng baril si Blaire. Kaagad akong lumabas sa kotse at sinipa ang baril ng lalaki.

"Queen Demon?" gulat na bulalas ni Blaire. Ngumiti lang ako.

Binugbog ko talaga ang lalaking ito sa sobrang galit ko sa ginawa niya. Halos pumutok a ang labi at puro sugat na ang mukha. Nilabas ko rin ang knife ko at sinugatan ang mukha niya ng V, tanda ng galit ako. Sinaksak ko pa siya ng dalawang bese sa tagiliran niya sa sobrang galit ko sa ginawa niya sa mga kasamahan niya. Papatayin ko na sana siya ng pinigilan ako ni Blaire.

"Tama na yan." pigil niya sa kamay ko.

Nawala ang galit ko ng makita siya.

"Alam mo bang kulang pa ang ginagawa ko sa pagpatay niya sa mga kasama niya?"

"Kailangan ko siya. May dapat akong malaman sa kanya, pwede ba?"

Tama siya. Kailangan niyang paaminin ang lalaking ito kung sino ang may utos sa kanya. Ngunit umandar naman ang devil side ko.

"Okay. Pero sa isang kondisyon." napataas siya ng kilay.

"Ano yon?"

"Dahil niligtas kita, halikan mo na lang ako. Kapalit ng buhay ng lalaking ito."

Lumapit ako sa kanya. Naiinis siya ng lumapit ako.

"Ano ka sinuswerte? Hindi ko akalain na ang isang demon ay may pagnanasa sa akin."

Natawa naman ako sa sinabi niya.

Ang queen demon na to ang taong mahal mo.

"Ang sungit mo naman. Yun na lang ang kondisyon ko sayo." pout ko.

Alam kong kailangan niya ang lalaking to sapagkat gusto niyang malaman kung bakit gusto siyang patayin.

"Sorry, pero may gf na ako. Siya lang ang pwedeng humalik sa akin."

Lalo akong napangiti sa kanya. Kinilig tuloy ako bilang Zam.

"Hindi naman magagalit ang gf mo. Sigurado ako don. Once lang naman..." dahil ako ang gf mo.

"Ayoko."

"Edi papatayin ko na to?"

Sasaksakin ko na sana yung lalaki pero bago ko pa magawa yun ay nagsalita siya.

"Okay. I'll do it."

Lumapit ako sa kanya. Na tense siya sa sobrang lapit ko sa kanya.

Ang sarap mong asarin bf.

"Gawin mo na." nang hawakan niya ang mascara ko nagalit ako sa gusto niyang gawin.

Dahil sa nainis ako, bigla ko na lang siyang hinalikan sa pisngi ng mabilis.

"Loyal bf, masyadong mabagal. Inaalala mo pa ang gf mo." napangiti ako.

Tinali ko yung lalaking nakahandusay. Buhay pa siya nahihirapan na nga lang.

"Heto, sayo na tong walang pusong lalaking ito." pagpadyak ko dito. Naasar kasi ako sa kanya.

"Bye." sabay talikod ko.

Alam kong magiging ligtas na siya. Panatag narin ang loob ko na makaalis.

Sa hindi inaasahan hinawakan niya ako sa braso. Pagtingin ko hinalikan niya ako sa labi. Nagulat ako sa ginawa niya pero hinayaan ko lang siya. Gusto ko naman eh. I really want his lips and this is only mine.

"Bad boy." natatawa kog saad. "Huwag kang maiinlove sakin. Queen demon is demon. Bye."

Si Zam lang ang pwede mong mahalin.

"I'll be you're King Demon." pagtalikod ko napangiti ako sa sinabi niya.

"You're funny. Bye, my King Demon."

Umalis na ako at sumakay sa kotse ko.

Calling...

Tinignan ko kung sino ang tumatawag.

"Hello, Arvin?"

"Zam, diba gusto mo akong maka-usap ng tayo lang? I'll wait you here, nasa condo ako."

"Sige. Papunta na ako."

End Call.

Pinuntahan ko na siya sa condo niya. Pagpindot ng unit niya, walang nagbukas.

Ako na mismo ang nagpindot ng password niya. Pareho naming alam ang bawat password ng condo namin. Si Arvin ang pinagkakatiwalaan ko sa lahat ng bagay. Panatag ang loob ko sa kanya. Mahal ko si Arvin bilang tapat na kaibigan.

Pagbukas ko ng unit niya.

Slapp***

"Wala akong tiwala kasi hindi mo na ako mahal. Ayaw mo na sa akin. Gago ka." sabi ng babae kay Arvin.

Wrong timing. Nag-aaway sila ng gf niya siguro. Hindi ko kasi nakikita ang gf niya dahil masyado akong busy mula noon. Saka hindi siya pinapakilala ni Arvin sa akin.

"Kung gayon mabuti pang break na tayo." sabay talikod niya kay Arvin.

Nakita niya ako.

"Sino ka naman?" taas kilay niya.

Nakikita kong walang emosyon si Arvin bagkus nakipag-break na ang gf niya.

"Wala kang pakielam. Umalis ka na lang, hindi na kita kailangan." – Arvin.

Nagdabog namang lumabas ang babae. Nakita ko pa siyang lumuha. Anong nagyari sa kanila?

"What's up? Sino yon?" nagtatakang lumapit ako sa kanya.

"Bullsh*t! Fuck!" sabay suntok sa pader ng kanang kamay niya.

Nakita ko ang pagdugo ng kamay niya.

"Ano bang nangyari?" kalmadong upo ko sa sofa.

"Puny*tang babaeng yon! Naisahan ako. Niloko lang ako. Sh*t! Sh*t!" sabay suntok ulit sa pader ng kanang kamay. Kawawang kamay.

Hindi ko alam ang mga sinasabi niya. Mainit ang ulo niya. Kapag pinigilan ko siya sa ginagawa niya ako ang sasaktan niya dahil galit lang ang nakikita niya.

"Sh*t! Sh*t!" puro mura niya.

"Ano ba talangang nangyayari sayo?"

Hindi niya ako pinansin. Para akong tangang nagsasalita dito. Nang makita kong ipupukpok niya ang ulo niya sa pader. Shit. Dali-dali kong hinawakan ang balikat niya at pinaharap sa akin.

Slap***

Sinampal ko siya ng sobrang lutong. Grabe bumakat ang kamay ko. Sorry Arvin.

Nagulat siya sa ginawa ko. Nagising siya sa katotohanan. Nakita niyang dumugo ang kamay niya. Naalala niya siguro ang ginawa niya.

Niyakap ko siya ng mahigpit. Alam ko at ramdam kong nasasaktan siya. Ang kaninang galit na galit sa pader, umiiyak na sa balikat ko. Hinimas ko ang likod niya.

"Niloko niya ako. Manloloko siya. Ang sakit sakit!! Naloko naman ako." umiiyak niyang saad.

Nang nailabas niya ang galit at sakit na nararamdaman niya, ginamot ko ang kanang kamay niya. Tahimik lang siya na pinapanood akong ginagamot ang kamay niya.

Gumaan na rin kahit papano ang pakiramdam niya. Nandito kami sa sala na nakaupo sa sofa.

"Ano ba talagang nagyari? Please tell me."

"Sorry kanina. Nabigla lang kasi ako sa nangyari." hinawakan ko siya sa kamay.

"Ayos ka na ba?" nag-nod lang siya ngunit nakikita ko parin ang sakit sa mga mata niya.

"Please tell me. What happen?" hindi ako matatahimik kapag hindi niya sinasabi ang problema niya.

"Ahh siya si Maddey, gf ko. 5 months na kami. Alam mo malapit ko ng mahalin ng lubos ang gagong babaeng yon." frustration ang nakikita ko sa mukha niya. "Madalas ko siyang nahuhuling naghahalungkat ng mga gamit ko lalo na sa laptop ko. Nung una pinabayaaan ko lang siya. Hindi nagtagal nakahalata na ako. Doon na ako kinabahan sa kanya. Kumuha ako ng magaling na private investigator na aking pinagkakatiwalaan. Nalaman ko si Maddey ay isang spy. Isa siyang secret member ng Blue Poison Gang. Kaya kailangan nating alamin ang gang na yan."

"Minahal ko siya at pinagkatiwalaan. Isa siyang taksil. Shit! Naloko niya ako." naiintindihan ko siya.

"Alam niya ba?"

"Hindi. Ang sabi ko wala na akong tiwala sa kanya. Hindi ko na kayang pakisamahan siya. Hindi ko na siya mahal. Yung time na nakita mong sinampal ako, nagdilim ang paningin ko. Hindi ko matanggap na naloko ako at minahal ko pa. Kahit gusto ko siyang patayin hindi ko magawa. Ang gusto ko wala siyang malaman na nalaman ko na isa siyang taksil."

"Bakit naman?"

"Nalaman ko sa private investigator ko na kapag mission failed o nalaman ko ang pakay niya, papatayin siya. Ayoko siyang mamatay."

Naiintindihan ko siya, mahal niya parin ang babae kahit pinagtaksilan siya.

"Hindi pa malinaw. Ayon sa nalaman ng investigator, may isa silang information na ayaw nilang malaman ko. M,atagal ko ng iniimbestigahan ang gang na yan. Masyado silang matinik sa information. Ayon sa nalaman ko may mas mataas na leader ang member ng Blue Poison Gang na hindi ko alam kung sino. Ngunit hindi pa confirm iyon."

"Kailangan pala talagang mag-ingat tayo ngayon. Lalo na sa mga taong nasa paligid natin dahil hindi natin alam kung sino ang mga kalaban natin." seryoso kong saad.

"Nanghihinala ka nang nasa paligid lang natin ang pwedeng kalaban natin?" nag-nod lang ako.

"Kaya ako nandito dahil ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko sa lahat."

"Salamat. Ano man ang nalaman mo, dapat tayo lang ang nakaka-alam sa pag-uusapan natin. Malakas ang kutob ko may binabalak ang mga kalaban natin na hindi natin alam kung ano at sino sila."

"Tama ka. Nakita ko si Jerilyn noong isang araw habang kasama ko si Junizelle. Pinagbantaan niya ako na huwag magtiwala kahit kanino dahil nasa paligid ko ang mga mapagpanggap, sinungaling at taksil. Hindi basta-basta magbibigay ng banta ang babaeng yon. May kutob din akong magkakilala sina Jerilyn at Junizelle. Yan ang gusto kong alamin mo."

Hindi ko ugali ang mag-search sa background o alamin ang past nila. Si Arvin ko lahat binibigay.

"Sige aalamin ko. Hindi ko lubos na kilala si Jerilyn ngunit nakikita ko parin ang malasakit niya sayo."

"Hindi ako sigurado sa malasakit niya. Alam kong mas masaya siya na nasa paligid ko lang ang pwedeng magtraydor sakin. Na siguradong pinagtatawanan na niya ako ngayon."

"Gagawin ko ang lahat para makakuha ng information na dapat nating malaman. Tandaan mo kailangan natin si Jerilyn upang makakuha ng kahit konting information dahil may alam siya."

"Pero hindi na magbibigay ng info yon. Pagtatawanan ako kapag kinausap ko yon. Yon ang hindi ko gagawin."

"Okay. Alam ko. Kukuha ako ng magaling na agent na susubaybay kay Jerilyn."

"Natatakot ako na baka masaktan ako dahil baka mahalagang tao ang pwedeng magtaksil sa akin. Hindi ko kaya Arvin na baka sa gang o ang iba? Baka sag alit ko makapatay ako. Alam mo ang pwede kong gawin."

Niyakap niya ako.

"Tandaan mo kahit anong mangyari, sa dami ng pinagsamahan natin sa gang... ako ang taong magtatanggol sayo sa lahat ng may balak na masama sayo."

"Arvin." bulong ko.

"Zam, gagawin ko ang lahat para malaman mo kung sino at ano ang balak nila sa atin. Kahit buhay ko pa ang kapalit basta masiguro kong hindi ka nila masasaktan."

"Arvin." napaiyak na lang ako. Handa niya akong protektahan sa lahat.

He wipe my tears.

"Huwag kang mag-alala, mag-iingat ako. Basta kapag may nalaman ka sabihin mo kaagad at ganun din ako."

"Arvin thank you. Kahit kailan hindi mo ako iniwan. Lagi kang nandyan para protektahan ako. I love you."

"Valerie, isa kang pamilya sa akin. I love you as my sister. Nangako ako sa mga kuya mo na aalagaan kita." seryoso niyang saad. Masyado kaming seryoso,

"Ang cute mong magwala kanina." biro ko sa kanya.

"Ahh ganun. Mas cute ka kapag ganito." sabay pisil sa pisngi ko gamit ang isa niyang kamay, may sugat kasi ang isa. Napangiwi ako sa ginawa niya.

"Masakit yun. Ang panget mo talaga." sabay pisil sa dalawa niyang pisngi.

Napangiti siya. Nagtawanan kami sa mga kalokohan namin.

"Alam mo ba nung bata ka lagi kang walang kaibigan. Mainitin kasi ang ulo mo na hanggang ngayon." sabay tusok sa ulo ko.

"Aray! Meron na nga kayang nagpapa-alis ng init ng ulo ko. Naco-control ko kapag nandyan siya."

"Sino si Blaire? Tsk."

"Saka nung highschool ako sa Korea, nagkaroon din ako ng mga normal na kaibigan. Ngayong college ayoko na."

"Nakaaway mo din. Alam mo nung nag-aaral ka sa Korea, nalungkot ako ng ganito." sabay sad face niya sa dalawang kamay niya na nakakatawa ang mukha. Ang cute niya.

Nagtawanan kami sa kalokohan namin. Isa si Arvin na ayaw kong mawala sa tabi ko at hindi ko kayang magalit sa akin.

Calling...

Napatigil kami sa pagtawa ni Arvin. Pagtingin ko bigla sa CP ko.

"Hello? Blaire?"

"Z-zam... Z-zam..." lasing na sabi niya.

"Nasaan ka?" kinakabahan kong tanong. Baka may mangyari sa kanya.

"Blaire? Answer me!" hindi siya sumasagot.

"Blaire? Nasaan ka?" naiirita ko nang tanong.

"Ahmm, sa CN Roadway Park. Naka-upo sa bench." lasing na sabi niya.

Nag-ayos na ako kaagad.

"Samahan na kita." – Arvin.

"Huwag na, kaya ko na. Salamat." saka nako umalis kaagad.

Hinanap ko siya sa park.

Blaire, bakit ka naglasing?

Nakita ko siyang naka-upo sa bench habang nakayuko. Halatang lasing na lasing siya.

"Blaire?" pag-aalala ko.

Paglapit ko sa kanya, umupo ako sa tabi niya.

"Z-zam?" tanong niya habang papungay-pungay ang mga mata niya.

"Bakit ka pa pumunta dito?"

"Nag-aalala ako sayo. Gf mo ako." sabay hawak sa dalawang pisngi niya.

"Tsk." sabay alis sa paghawak ko sa kanya.

Ano bang nagyayari sa kanya?

"Bakit? Bakit may mga taong ang sama-sama nila? Shit! Bakit napakalupit nila?"

Nagwawala siya. Hindi siya mapakali. Tatayo tapos uupo. Parang wala ako dito. Nakikita ko ang sobrang lungkot at sakit na nararamdaman niya.

Wala kaya siyang nalamang sagot sa lalaking nagtangkang bumaril sa kanya?

Kahit hindi ko siya maintindihan, niyakap ko siya.

"Aaaaahhhhhh! Ang sakit! Wala akong nahanap na sagot!" sabi niya habang yakap ako.

Nararamdaman kong umiiyak siya. Napakahalaga sa kanya na malaman ang sagot kung sino ang may utos sa lalaki kanina.

"Tama na. Nandito ako para tulungan ka. Please, calm down." paghaplos ko sa likod niya. Dala ng alak patuloy parin siya sa pag-iyak sa balikat ko.

"Papatayin ko siya! Papatayin ko siya!" galit na galit niyang saad.

Naramdaman ko ang mahigpit na pagyakap niya. Nakikita kong sobrang nasasaktan ang puso niya. Napakunot-noo ako sa sinabi niya. Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi.

"Bakit ka papatay? Ganon kalaki ang galit mo?" nakikita ko kasi ang sobrang galit sa mga mata niya.

"Tsk. Mahalagang tao ang pinatay nila sa gang naming noon. Pinatay nila ito ng walang awa. Kaya papatayin ko rin sila." pagyukom niya ng mahigpit sa isang kamay niya.

"Sino ang pinatay nila? Wala akong alam na may pinatay sa RDG noon." nakita ko ang gulat niya sa tanong ko. Tinignan niya ako ng seryoso.

"Isang kaibigan lang namin. Hindi namin alam kung sino ang pumatay. Ahh!" pagsuntok niya sa puno.

Bigla namang umulan ng malakas. Nakiki-ayon ang buhos ng ulan sa kanya.

"Blaire, tama na."

Nasasaktan na ako sa mga ginagawa niya. Sobrang mahal niya siguro ang taong yon.

"Aaahhhh!!!!!!" niyakap ko siya para pigilan ngunit patuloy siya sa pagsuntok.

Kahit basing-basa na kami patuloy siya sa pagsigaw at pagsuntok.

"I will revenge! I will kill you! Whoever you are!"

Nang nagsawa siya sa pagsuntok, pulang-pula na ang kamay niya at dahil na rin sa ulan nawala ang dugo mula sa kamay niya. Sumandal siya sa puno na pagod na pagod. Umiiyak narin ako sa nangyayari sa kanya. Hindi ko matanggap na nasasaktan siya. Parang dinudurog din ang puso ko na makita siyang ganyan.

Kahit sobrang basa na ang mga damit naming, niyakap ko siya. Na pinapaalala na nandito lang ako sa tabi niya. Niyakap niya rin ako ng mahigpit.

"I will help you to find out that fucking killer."

Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi kahit kitang-kita ko ang pagtulo ng ulan sa mukha niya. His face looks cool even though his hair is messy.

Napatingin ako sa pula niyang labi. I'm tempted to kiss his kissable lips. Hindi ko na napigilan dahil ako mismo ang humalik sa kanya. I really love this man.

He respond to my kisses. He gently nibbled my lower lips before his tongue slipped inside my mouth. Until our kisses become aggressive but full of respect. I felt the warm all over my body. He guide my head to response more to his kisses. Sumabay ang mga halik namin asa pag-agos ng ulan. Nang humiwalay ang mga labi naming, kapwa kami hinihingal ngunit pareho kaming napangiti.


"Thank you. Kahit papano nawala ang sakit na aking nararamdaman." sabay yakap sa akin at halik ng mabilis.

"Let's go?" yaya ko sa kanya. Dinala niya ako sa condo unit niya.

"Mauna ka ng mag-shower. Kumuha ka na lang ng damit sa drawer ko." sabay turo ng kwarto niya. Kahit konti nawala na ang kalasingan niya.

"Okay." sabay pasok sa kwarto niya.

Mahilig siya sa white color. Halos puti ang background ng kwarto niya. Pagkatapos kong mag-shower sinuot ko ang t-shirt niyang black na may picture ng mga maroon 5 at malaki niyang short.

"Blaire?" nakita ko siya sa sala nakahiga at nanginginig.

"Are you okay?" paghawak ko sa noo niya.

Sh*t. Ang taas ng lagnat niya. Patuloy parin siya sa panginginig. Kaagad kong tinanggal ang damit niya na basang-basa sa ulan. Bumungad sa akin ang 6 pack abs niya. Umiiling na lang ako sa nakita ko. Awkward palang makakita ng abs. Kumuha ako ng kumot para ilagay sa katawan niya. Kumuha rin ako ng warm water at white towel.

"Zam?" nanginginig na sambit niya habang pinapahiran ng towel sa bahagi ng kamay niya. Ang init niya talaga.

"Blaire, don't worry. I take care of you." nang matapos kong ipahid ang towel sa katawan niya, kumuha ako ng t-shirt niya at pinasuot. Grabe! Ang bigat niya.

Nandito ako ngayon sa kitchen pinagluluto siya ng lugaw kailangan niya kasing uminom ng gamot na may laman ang sikmura niya. Ginamot ko rin kanina ang sugat niya sa kamay,

"Blaire? Kumain ka muna." umungol lang siya.

Tinignan ko siya. Kahit matulog ang gwapo niya parin.

"Blaire?"

Umupo ako sa bandang ulo niya para malagay ko siya sa balikat ko, kahit hirap na hirap akong itayo siya para malagay ang ulo niya sa balikat ko. Kinuha ko ang lugaw at konti-konti pinapakain siya. Kahit nakapikit siyang kumakain ay naubos naman niya tapos pina-inom ko na ng gamot. Tuluyan na siyang natulog.

Bumababa narin ang lagnat niya. Umupo ako sa sahig at hiniga ang ulo ko sa sofa kung nassaan si Blaire. Hinawakan ko siya sa kamay niya.

"Blaire, kahit akong mangyari nasa tabi mo lang ako. Aalagaan at mamahalin ka. I love you more than my life."

**********************************************************************************************************************************************************************************************

purpleAnJEL:)Sorry kung matagal akong mag-update ng story..Kapag may time lang ako nakakapag-update..Saka libangan ko lang ang wattpad..Masaya lang ako kapag nakakasulat ako..Kung may mga tanong kayo sa isip niyo,Comment lang..kung nagustuham niyo,Vote lang kayo..I hope may nagbabasa ng story ko..Thank you sa mga nag-vote sa mga previous chapter ng MGR..

**JC**

Continue Reading

You'll Also Like

268K 10.1K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...