"Here. I'm so sorr~~ Omygosh! GLAIZA?!"
"RHIAN?!" Sabay nilang sigaw habang nakaturo sa isa't isa
"Oh my god! Nakakahiya! I'm sorry. Sorry talaga Glaiza." Paumanhin ni Rhian
"Hindi. Ano ka ba. Okay lang. Hindi rin kasi ako tumitingin sa dinaraanan ko e." Napakamot ito sa ulo at nginitian ang kausap
"Are you sure okay lang? Sorry talaga ha?"
"Oo naman. Buhay pa naman oh." Pinakita nito ang cellphone nya na nabuhay pa rin naman.
"Wait. Who's with you pala? I'm with Bianca. Why don't you join us?" Alok ni Rhian
"Uhm. Actually kasama ko sila Chynna."
"Oh? Really? Okay lang kaya sakanila na magkasama na lang tayo sa isang table? Since dalawa lang kami ni Biancs e."
"Okay lang siguro yun." Nginitian nya si Rhian
"Okay. Okay. So let's go?"
"Ahh. Ano kasi iihi pa ko e." Nahihiyang paliwanag ni Glaiza
"Okay. Hintayin na lang kita dito sa labas." Nag give way naman si Rhian para makapasok sa cubicle si Glaiza
Matapos ang ilang minuto lumabas na si Glaiza sa cubicle nadatnan nyang tumatawa mag-isa si Rhian habang nakatingin sa phone nito.
"Look at this tweet. RhiGla raw yung name ng loveteam natin kapag nag-air na ang TRMD." Tawang tawang pinakita ni Rhian ang tweet ng isang fan.
"Actually yan nga yung binabasa ko nung papasok ako dito. Nakakatawa nga kasi ang weird nung name." Natawa na rin si Glaiza
"Oo nga e. Oh? Tara na?" Aya ni Rhian
"Tara."
Sumunod si Glaiza kay Rhian paglabas ng CR. Maririnig ang Twerk It Like Miley sa loob ng bar (Club Bar or Club or Bar basta ganun! :D) Makikita ang mga taong nagsasayawan, mga taong chill chill lang sa gilid , at mga taong wasted na dahil sa pag-inom ng alak.
"I heard you're not used to this kind of place?" Biglang sabi ni Rhian
"Ah. Oo sinamahan ko lang talaga si Chynna"
"I'm sure after this night. Hinding hindi ka na babalik pa ulit kahit saang bar or club" Natatawang banta ni Rhian "Oh ayun pala sila e. Kasama na si Bianca sa isang table."
Magkasunod na umupo ang dalawa. Si Rhian ay tumabi kay Bianca at si Glaiza naman ay tumabi kay Ben.
~
"For Glaiza , Chynna and Rhian's new soaaaappp!!" Itinaas ni Bianca ang baso ng tequila nya
"CHEEEERRRRSSS!!" Sabay sabay nilang sigaw at nag bottoms up. Kitang kita ang pag-iba ng mukha ni Glaiza dahil hindi nga talaga ito sanay sa mga gimik gimik.
"Ano Tsong? Kaya paaa?" Tanong ni Chynna kay Glaiza
Tumango tango lang ito. Makikita rin na medyo tipsy na ito dahil bumabagsak bagsak na ang ulo nya. Si Rhian naman ay natatawang tinititigan si Glaiza infront of her. Medyo nasa tamang kalagayan pa ang isip ni Rhian dahil dalawang baso ng margarita pa lang naman ang naiinom nya.
"Guys. Laro tayo ng spin the bottle!" Aya ni Chynna habang inaabot ang bote sa lamesa.
"Game!" Sang ayon ng lahat
"Okaaayy.." Inikot ni Chynna ang bote
Abang na abang ang mga kasama nya at titig na titig sa bote. Napatawa ang lahat ng tumapat ito sa kanya.
"Ano?!" Sigaw nya
"So Truth or Dare?" Tanong ni Kean
"Truth!" Sagot ni Chynna at uminom muli ng alak
"May pag-asa ba ko?" Walang prenong tanong ni Kean
Kinilig naman ang mga kasama nila
"Oo. Eeeee!!! Nemen eee!!" Kinikilig na sabi ni Chynna
Hindi man nakapagsalita si Kean makikita naman sa mukha nito na namumula at kinikilig sya. Nagpatuloy ang laro nila hanggang sa tumapat ito kay....
"Ben. Ben. Ben" Naiiling na sabi ni Glaiza
"Dare!" Sabi ni Ben kahit na wala pa namang nagtatanong sakanya
"Kiss Glaiza. Smack lang" Hamon ni Chynna
Nanlaki naman ang mata ni Galura at halos ibato kay Chynna ang hawak nyang baso
"This is a game Cha. Sorry" Sabi ni Chynna sa kaibigan
"Smack lang Glai." Sabi naman ni Ben
Nilapit nito ang mukha kay Glaiza. Hinalikan sya nito malapit sa labi. At bumulong "Dont worry mukha tayong nagkiss sa angle natin."
Nasa harapan nilang dalawa si Rhian at Bianca samantalang nasa gilid naman si Kean at Chynna. At mukha nga namang nagkiss ang dalawa kung sa pwesto ni Rhian at Chynna ka uupo. Nagpatuloy muli sila sa paglalaro at tumapat ang bote kay.....
"Rhiaaaaannn!!!" Sigaw ng kaibigang si Bianca
"Truth or Dare?" Tanong nito
"Fine. Dare!" Matapang nyang sagot
Nagbulungan si Kean , Chynna at Bianca. Matapos ang dalawang minuto ay tumayo si Kean at umalis.
"You have to be with Glaiza for one hour sa VIP room. Kumukuha na ng reservation si Keaaaan" excited na sabi ni Bianca
"Baliw ka talaga Chynna ikaw gumawa ng dare na to no?" Bulong ni Glaiza
"You big ass" bulong naman ni Rhian kay Bianca
"Iloveyoutoo Bestie. Mwaaa" Biro nito
Dumating si Kean na dala-dala ang reservation ticket ng dalawa.
"Get to know each other girls!" Sigaw pa ng dalawa nilang baliw na kaibigan
Sinamahan sila sa VIP room at iniwan.
Naupo naman si Rhian at Glaiza sa sofa pero napakalaking space ang naiwan sa kanila.
"Sorry ha? Adik kasi talaga yun si Chynna e." Paumanhin ni Glaiza
"I'd kill that shitty bestfriend of mine. Mas baliw si Bianca!" Natatawang sabi ni Rhian "Uhhm Glaiza? Can I ask you a question?"
"Oo naman sige ano yun?"
"Can~ can we be friends? Kasi soon magkakatrabaho na tayo e. And you know? The last time we were together we're not that close kasi puro tayo away dun sa soap." Ngumiti sya kay Glaiza
"Oo nga e. Kulang na nga lang magsuntukan tayo dun. Oo syempre naman. Actually nahihiya nga ako sayo." Nagpilit ngumiti si Glaiza
"Ako rin naman nahihiya sayo. Pero sana hindi na tayo magkahiyaan kapag nagtaping na tayo." Ngumiti syang muli dito.
~
Pagkabukas ni Chynna at Bianca ng pinto ng VIP room kung nasaan sina Glaiza at Rhian nagulat sila ng makitang halos mamatay sa kakatawa ang dalawa. May pag hampas pa sila sa isat isa. Mapapansin rin na ang napakalaking space sa upuan nila kanina ay biglang lumiit dahil magkatabi sila ngayon.
"Girls. Ang sabi naman kasi namin one hour lang. Look! It's almost two! Dalawang oras kayo nagkulong dito. Rhian let's go. Masyado ng late." Aya ni Bianca
"Oh! Wait Cha! Yung number mo pala." Sabi ni Rhian at inabot ang phone nya kay Glaiza
Inabot naman iyon ni Glaiza at nilagay ang number.
"Magpakilala ka na lang Yoyon ha?"
"What the fvck?" Bulong ni Chynna at Bianca at nagkatinginan
"Yoyon?! Cha?!" Sabay nilang sigaw kay Glaiza at Rhian
"What's wrong?! Sabi nyo get to know each other diba? Oh ayan!" Tumawa si Rhian at tumayo na sa pagkakaupo nya
"Oo nga baliw rin kayo e." Dagdag pa ni Glaiza at tumayo na rin
"Well it's good for the both of you. Atleast natulungan namin kayong hindi na maging awkward with each other. Right Chynna?" Tinaas ni Bianca ang kanang kamay at nakipag-apir kay Chynna
Lumabas na ang magkakaibigan sa bar at nagpaalaman na. Sumakay sa kani kaniyang kotseng ginamit at nagsimula nang umalis sa lugar.
~
Feel free to READ. VOTE. & COMMENT. Thank You for reading my story. Lablablab :)