Miss Astig

cursingfaeri tarafından

3.7M 55.6K 8K

PUBLISHED UNDER LIFE IS BEAUTIFUL and is available in all Precious Pages Bookstore Nationwide for only 129.75... Daha Fazla

About the Book
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Forty Two
Forty Three
Forty four
Forty five
Forty Six
Bonus Chapter
Forty Seven
Forty Eight
Forty Nine
Fifty
Fifty One
Fifty Two
Fifty Three
Fifty Four
Fifty Five - The Finale
CREDITS || FAQs || SURVEY QUESTIONS || POVs
Ang huling hatol ni Diwata
SOON TO BE PUBLISHED
Published Book Version

Twenty

58.7K 960 146
cursingfaeri tarafından

_____________________________________________________

Dahil sa huling kaganapan na nangyari sa bahay nila bespren, sumumpa na ako sa sarili  na HINDING-HINDI NA MAKIKITULOG ULIT SA BAHAY NINA CHARLIE.

AS IN HINDI NA TALAGA! PROMISE. CROSS MY HEART. PINKY SWEAR. KAHIT MAGWISH KA PA KAY GENIE!

Wala akong pakialam kahit walang nakakaalam ng huling nangyari. Yung ano.. yung pagyakap ko kay ano... basta alam niyo na yun! Hindi na mauulit yun! Nakakahiya. Para na rin akong nagtaksil kay Aidan. Di ba? Di ba? Hindi pa nga kami tapos ganito na ako.

I'm such an unscrupulous lover di ba?! Anudaw? Eeenk.

Tapos nakakahiya pa kay Kuya... Grrr! Napasuntok ako sa hangin sa inis! Tuwing maaalala ko yun bigla na lang namumula ang pisngi ko sa hindi maipaliwanag na dahilan. Hayys. Pano kaya ako papasok sa school bukas? Tiyak makikita ko si Kuya Ano..

Eeeeeh!

"Oy Louie ano yang ginagawa mo sa pork chop? Parang kanin na sa liit yang paghiwa mo ah. Balak mong magsangag?" Puna ni Kuya K.

Kumakain kami ng hapunan. Kaming lima lang na magpipinsan dahil nauna na kanina sina Tita Ayessa. Naglaro pa kasi kami sa gaming room. Twelve seater ang dining table namin. Katabi ko si Kuya Kurt at ang tatlo naman ay nasa tapat namin.

Hinayaan muna kami nina tita kanina maglaro dahil minsan na lang naman kaming magbonding na lima. Sobrang busy na din kasi nina Kuya sa school.

Nang tignan ko ang pinggan ko ay nakita kong sobrang liit na nga ng baboy. Napahiya ako dun ah.

"Hindi ah. Para ma-chew ko lang ng mabuti," palusot ko.

"Ano ka sanggol? Mas malala pa nga yang ginawa mo. Wala ka namang braces para mag-inarte sa pag-'CHEW'," sabat naman ni Kuya Justin.

Pinagdiinan pa talaga ang 'chew'? Oo na. Pagnguya. Hahaha.

Si Kuya Kurt ay tahimik lang na kumakain.

"Ano ba kasing iniisip mo dyan? Parang wala ka naman sa sarili eh. Kanina ka lang din hindi umalma ng matalo si Lily ng sunud-sunod. Tambak ka tuloy," sabi naman ni Kuya J.

Naglaro din kasi kami kanina ng tekken. Lagi akong talo kaya nanibago sila. Tumigil na din kami kasi walang bearing na daw ang laro dahil halatang hinahayaan ko lang matalo ang character ko. Eh sa may iniisip ako eh, bakit ba?

"Wala. Yung assignment..."

"Assignment! Natapos mo na yun nung Biyernes ng gabi eh! Nakita kong nakalagay sa bulletin board mo. Kaya ka nga pinayagang mag-overnight kina Charlie. May nakaaway yan," nagdududang pakli ni Kuya K.

"May nakaaway agad?! Hindi pa nga tapos magsalita namumutol. Ba't pag ako binabatukan mo, eh ikaw nga diyan biglang sumasabat sa nagsasalita eh," sita ko dito. "Tapos ko na yung homeworks, pero yung assignment ko sa school iniisip ko, may pinagawa si Ma'am para sa program."

Hehehehehe. Sana makalusot.

Please, Lord.

Pleeaaassee!

"Woooooooo! Lokohin mo lelong mo! Kailan ka pa namroblema diyan? Hindi ka nga yata binibigyan ng teacher mo ng assignment eh. Tsaka di ba si Flores pa rin ang President niyo? Tsaka kaklase mo yun, malamang sa hindi aasa ka na naman sa mga ganyan dun. Tamad ka eh," sabi naman ni Kuya Justin.

Tinignan ko siya ng masama. Kaharap ko kasi siya. Tong tatlong kaharap ko talaga walang magawa sa buhay kundi ang inisin ako.

"Lalaki ka ba talaga Kuya? Stalker ka yata eh. Mas madami ka pang alam sakin. Textmate mo siguro si Ma'am no? Uyyyy hahahahaha!"

"Baaaa. Tigilan mo ko, ikaw din naman unang iiyak mamaya," sagot naman nito kaya tumahimik na ako. Mahirap na. Three versus one? Ang daya nun.

Tumayo na ako. "Tapos na ko!"

"Ni hindi ka nga kumain. Upo!" Tawag ni Kuya J. Napasimangot ako at bumalik sa upuan.

"Ubusin mo yang pagkain mo. Pag nalaman yan ni Lolo, magagalit yun. Kaya kainin mo yan," sabi nito habang sina Kuya Justin naman at Kuya K ay tila siyang-siya na pinapagalitan ako.

"Ayoko na nga eh. Iinom na lang ako ng gatas..."

"Alam mo bang madaming bata ang nagugutom ngayon? Tapos ikaw pinaglalaruan mo lang ang pagkain?" Sabi naman ni Kuya K. Pero itsura nito ay nang-aasar.

"Bakit, pag kinain ko ba to mabubusog ang mga batang 'yon?"

Tumawa si Kuya Kurt, Kuya J at Kuya Justin.

"Pilosopo ka ah! Kainin mo na nga lang yan!" Asik ni Kuya K.

"Busog na nga ako eh. Besides, mortal sin na to. This is gluttony. Nasa bible yan."

Ano sila? Hindi ako magpapatalo sa debate no! Hahahaha.

"And wasting a food is not a sin?" Sagot naman ni Kuya J.

"Pero hindi siya mortal sin. Gluttony is. Nasa Seven Deadly Sin pa nga yan. I know there is no such thing as lesser evil pero it is much better to stop eating when I'm full baka sumakit pa tiyan ko. Di ba sabi ni God our body is God's temple? I care about my body because it is God's temple. Eto pa nga exactly ang sinabi sa 1 Corinthian Chapter 6 verse 19. Do you not know that your bodies are temples of the Holy Spirit, who is in you, whom you have received from God? You are not your own..."

Nakita kong napatanga na lang sina Kuya J, Kuya K at Kuya Justin. Si Kuya Kurt naman ay ngumingisi lang.

"Umakyat ka na nga. Dumudugo na utak ng mga yan. Kung anu-ano na pinagsasabi mo diyan. Uminom ka ng gatas ha?" Finally nagsalita din si Kuya Kurt.

Mabilis akong kumaripas paakyat sa silid ko bago pa bumalik sa Earth ang huwisyo ng tatlong pinsan ko. Hahahahaha.

***

Naglalakad ako patungong classroom ng makita ko si Mason na nakasandal sa puno ng akasya. Kausap nito si Nile. Nakikinig ako ng music sa ipod ko kaya hindi ko dinig ang paligid. Nakita ko ng sikuhin ito ni Nile kaya biglang napatingin ito sa gawi ko. Bigla akong sinalakay ng kaba kaya napatingin ako sa langit ng wala sa oras at nag-about face. Sa ibang daan na lang ako dadaan.

Tae! Tae! Tae!

Bakit ako mahihiya? Hindi niya naman alam di ba? Hays.

Tyempo namang biglang na-lowbatt ang ipod ko kaya dinig ko na ang paligid. Balak ko na sanang kunin ang headset sa tenga ko ng marinig ko ang pagtawag ni Charlie. Kahit nakatalikod alam na alam kong siya ang tumatawag.

"LOUIE!!!"

Hindi ko siya pinansin. Hindi niya naman alam na lowbatt ako di ba? Kunyari bingi ako ngayon. Hehehe. Baka mamaya dun pa ako idaan sa iniiwasan kong daanan.

"Hoy Louie! Sige ka tutuksuin kita sa ano..."

Kumaripas ako ng takbo.

"Oyy! Sabi na nga ba naririnig mo ko eh. Bumalik ka dito!" Sigaw nito na hindi ko pinansin. "Hindi bale, sabay pa rin tayo maglunch hahahaha! See you bespren!" Pahabol na sigaw nito.

Ang importante lang naman hindi ko makita si Kuya Ano eh. Nahihiya pa ako. I'm not ready pa. Pagdating ko sa classroom ay hingal na hingal ako. Kasi malamang di ba? Tumakbo ako. Uminom ako agad ng tubig sa baon kong tumbler at pinahidan ang pawis ko ng dalang bimpo.

"Saan ka galing ba't pawis na pawis ka?" Tanong ni Chan-Chan.

"Sa bahay namin alangan naman sa bahay niyo?" Pilosopong sagot ko dito.

Hindi nito pinansin ang pagsusungit ko. "Eh ba't ka pawis na pawis?"

"May TB ako eh. Dapat profuse night sweating. Eh nag-aadjust pa ang body clock ko, akala yata gabi na kaya ayun. Ngayon ang manifestation. O na-clear na ba ang utak mo?" Napatanga lang ito sa sinabi ko habang napasinghap naman ang mga kaklase ko sa narinig.

"De joke lang. Kayo naman. Wala akong TB hahahaha!"

Tila nakahinga naman sila ng maluwag. Masyado namang nagpapaniwala ang mga 'to. Pumasok na si Ma'am kaya nagsipagpulasan na din ang mga kaklase ko at naupo sa kani-kanilang proper seats.

"Class, magro-room to room pala ngayon ang mga party list para mangampanya sa student election kaya hindi muna tayo mag-eexam," sabi ni Ma'am. Tuwang-tuwa naman ang mga kaklase namin. Tss. Ganun din yun eh. Prolonging agony lang. Di man lang nila naisip na baka makalimutan lang nila yung pinag-aralan nila pag pinagpaliban pa yung exam?

Nilingon ko si Chan-Chan. "Diba sumali ka diyan?"

"Hindi. Next year na," sagot naman nito.

"Sayang. Gusto ko pa naman sanang maging campaign manager mo," ngisi ko dito.

"Di na baka ikatalo ko pa yun," sagot naman nito.

"Grabe ka! Nung first year nga landslide ka eh!"

Hindi na ito nakasagot dahil pumasok na ang isang party list sa pangunguna ng campaign manager ng mga 'to.

"Goodmorning schoolmates! We are here para ipakilala ang future student leaders na talaga namang mapagkakatiwalaan. Hindi lang mga beauties at handsomeness ang mga 'to but definitely mga brainies pa!"

"Naku Chan! Dapat sumali ka diyan! Beauty and Brains pala o!" Hindi ko napigilang sabihin na ikinatawa ng mga kaklase namin. Matignan nga yang mga beauty and brains na yan.

Isa isang pinakilala ang mga kakandidato at nagpakilala din ang mga 'to. Talaga ngang mga beauty and brains. Napansin ko ding nagbubulungan na ang mga kaklase ko kung sino ang mga crush ng mga 'to. Ang huling pinakilala ay ang tatakbong Vice President at President. Nasa third year daw ang tatakbong Vice samantalang fourth year naman ang President. Ng pumasok ang dalawang kandidatura ay nagsigawan ang mga kaklase ko. Bagay na bagay daw ang dalawa. Parang muse and consort.

"Ang ganda ng President!"

"Ang gwapo-gwapo ng Vice!"

"Alam na guys! Alam na kung saan ang boto!"

At naghagikhikan ang mga 'to.

Habang ako... Literal na nanlaki ang mga mata ko.

Oh yes. The more you iwas, the more they lapit.

And I'm so malas!

Si Kuya Mason...

for Vice President?

Tumingin ito sa gawi ko at bahagyang ngumiti.

Anyare Kuyaaaaaa?

Muntik na akong mahulog sa upuan ko kasabay ng biglang pamumula ng pisngi ko.

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

286K 3.3K 59
Hindi ako maganda , DYOSA ako. Hindi ako matalino, GENIUS ako. Hindi ako maldita, BITCH ako. Huwag ka nang umangal, basta sadyang pinagpala lang ako...
42K 1.3K 59
Paaralan para sa mga Piling Studyante. Sasabak sa Hamon ng Death King. Makikipag Sapalaran para sa Buhay.
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
4K 71 53
In the word of hacking. Then there are those who remain loyal to their aspirations, with their periods of doubt followed by moments, often more fleet...