In a REALationSHIT (Trese Ser...

By chiXnita

7.9M 231K 35.7K

[ #TRESEseries No. 1 ] All I want is a REALationship not a relationSHIT. -- Book cover by @ArkiSTEPH More

In a REALationSHIT
IAR [1]
IAR [2]
IAR [2.5]
IAR [3]
IAR [4]
IAR [4.5]
IAR [5]
IAR [6]
IAR [7]
IAR [8]
IAR [9]
IAR [9.5]
IAR [10]
IAR [10.5]
IAR [11]
IAR [12]
IAR [13]
IAR [13.5]
IAR [14]
IAR [14.5] - Silver
IAR [15]
IAR [16]
IAR [17]
IAR [17.5]
IAR [18]
IAR [19]
IAR [19.5]
IAR [20]
IAR [20.5]
IAR [20.75]
IAR [21]
IAR [22]
IAR [22.25]
IAR [22.5]
IAR [22.75]
IAR [23]
IAR [23.5]
IAR [24]
IAR [25]
IAR [25.5]
IAR [26]
IAR [27]
IAR [27.5]
IAR [28]- Green Ryder Loriete
IAR [29]
IAR [29.5]
IAR [30] - Silver
IAR [31]
IAR [32]
IAR [33] - Grant Turner Loriete
IAR [33.5] - Grant Turner Loriete
IAR [34]
IAR [35]
IAR [36]
IAR [37]
IAR [37.5]
IAR [38]
IAR [39]
IAR [40]
IAR [41]
IAR [41.5]
IAR [43]
IAR [43.5]
IAR [44]
IAR [45] - Brix Vincent Flores (Part 1)
IAR [45.5] - Brix Vincent Flores (Part 2)
IAR [46]
IAR [47]
IAR [48]
IAR [49]
IAR [49.5] - Original Plan
IAR [50]
IAR [50.5] - A Blessing or A Lesson
IAR [51]
IAR [51.5] - GRAB-X Plan
IAR [52]
IAR [53]
IAR [54]
Final Chapter - IAR
Epilogue
BONUS Chapter
Bonus Chapter - Self-reflection
SOON TO BE PUBLISHED (PSICOM)

IAR [42]

61.1K 2.2K 663
By chiXnita

Copyright © chiXnita

DUMAPA AKO sa kama. Hinihintay magplay sa laptop ang inabot sa 'kin ni Mina na CD nung isang araw. Ngayon ko lang nakita ulit na nakapatong sa mesa sa tabi ng kama ko.

Lately kasi puro si Green na lang ang inaatupag ko. Anyway, 'di ko alam kung saan kami pupunta mamaya. Maaga pa naman, eh. Wala pang ala-sais ng umaga.

Pero ako ang pinakaunang bumati sa kanya. Duh! 'Di ako natulog, ano. Hinintay ko muna ang alas-dose ng gabi tapos tinawagan siya.

At kinilig naman ang bruho. Napakababaw talaga ng kaligayahan ng ipis na 'yon.

Tsk! Si mommy kasi hindi ako papayagan umalis ng gabi. Kaya no choice ako.

Napabalikwas ako ng upo nang makita si Grant sa video pagkaplay nito. Natutop ko ang bibig.

Bakit may video ako ni Grant?

Nakaitim siya. Sigurado akong ito 'yung couple shirt na ipinagawa niya.

Nakakatiyak din ako na ang video na 'to ay malamang pagkatapos ko siyang pauwiin n'ong September 2 ng gabi.

Ang hindi ko maintindihan... paano ako nagkaroon ng kopya nito? Wala namang nabanggit si Mina kung sino ang nagpapabigay nito.

Naninikip ang aking dibdib. Mariin kong kagat ang ibabang labi habang pinapanuod siyang nakasubsob sa kama. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ni Ate Xyrene.

Sht! Ba't naiiyak na naman ako? Kakabwisit!

Malayo ang camera dahil mukhang galing ito sa footage ng CCTV sa loob ng pribadong ospital. Pero tanaw ko ang kabuoan nila.

Bumibisita ako tuwing Sabado ng hapon kay ate. Iuuwi na namin siya rito sa bahay sa susunod na linggo. Iyon ang napagpasyahan ng mga magulang ko. Sumang-ayon ako. Mas maaasikaso namin siya dito siya sa bahay. Kukuha lang kami ng private nurse na siyang magbabantay.

Nag-angat ng ulo si Grant. Sinuklay niya gamit ng mga daliri ang buhok ni Xyrene. Hinalikan niya rin ang palad nito. Hindi ko na nakontrol ang sunod-sunod na pagpatak ng mga luha ko. Papatayin ko na ang video nang magsalita siya.

"I really love her, Xy." Naistatwa sa ere ang kamay ko. Natulala ako. Bakit ko naririnig ang boses ni Grant gayung malayo siya sa camera? Kung sino man ang nagpadala ng video na 'to, plinano niyang makunan ang eksenang 'to.

"Alam mo naman 'yon, 'di ba? Pero ayaw niyang maniwala. Ipinagtabuyan niya ako. I don't want to give up because I love her. I'll fight because I lover her. Kahit gaano kasakit okay lang... because I lover her. Pero ba't siya ang dali lang isuko ang lahat? Mahal niya ba talaga ako? O baka ako lang ang patuloy na naniniwala at pinapaniwala ang sariling mahal niya ako kahit hindi naman pala totoo?"

Mahina siyang tumawa hanggang sa mabasag ang tinig niya. "T-Tangina! Ngayong gabing 'to... sila na ng kapatid ko."

Hindi ko na gaanong makita ang video. Kahit anong punas ang gawin ko sa mga mata'y patuloy na pumapatak ang mga luha ko. Nakakainis! Sinabi nang hindi na ako iiyak.

Dapat hindi na ako naapektuhan kay Grant, eh. Mali 'to. Hindi p'wede 'tong lintek na nararamdaman kong 'to.

"I'm sorry, Xy." Muling yumuko si Grant sa kama. Garalgal na ang boses nang muling magsalita. Pinipiga ang puso ko. "P-Pagdating sa 'yo ang unfair ko. Simula noon gago na ako hanggang ngayon gago pa rin. Pasensiya ka na. Ikaw lang kasi ang malalapitan ko. Even back then, you were the one who always listened and cared for me. M-Mahal kita pero mahal na mahal ko talaga siya. Patawarin mo ako kasi siya na naman ang pinili ko. S-Sorry... I'm so sorry, Xy."

Natigil ako sa paghinga. Pati yata luha ko'y nanigas. A-Ano?

Anong pinili? Hanggang ngayon ako ang pinipili niya? Pinili niya ako dati? Ha? Wala akong maintindihan!

Sht! Ba't ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko?

Pinalo-palo ko ang dibdib. Leche ka, tumigil ka. May boyfriend ka na. 'Wag kang ganyan.

"Kaso pinapangunahan niya ang mga desisyon ko. Ayaw niyang mamili ako sa inyo. Eh, ano'ng gusto niyang gawin ko?" Sandaling katahimikan ang naghari. Ang naririnig ko lang ay ang mabilis na tahip ng dibdib ko. "P-Please, wake up. I don't know what to do anymore, Xy. Sorry... Sinaktan kita. At... sinasaktan na naman kita. Pero hindi ko kaya... hindi ko kayang saktan ka sa harapan niya—"

Pinatay ko ang video at pinunasan ang mukha. Tumayo ako at kinuha ang lalagyan ng CD. Binali-baliktad ko ito. Nahulog ang maliit na papel. Bumungad sa'kin ang sulat-kamay ni Angel.

[Don't ask why and how I did this. Because I'll always tell you one answer. "Best friend mo ako, Xhai. At gusto kita maging masaya. Totoong masaya. Walang halong pagpapanggap." ~ Gel]

Hindi ko alam kung ano'ng biglang pumasok sa 'kin.

Mabilis akong tumakbo sa loob ng banyo para maligo.

Palabas na ako ng silid nang mabungaran ko si mommy sa tapat ng pinto. Malapad ang ngiti niya. May ideya na siguro siya kung ano'ng binabalak kong gawin. Hinapit niya ako para yakapin.

She stroked my hair. "I'm so happy that you've decided to stop listening to what the world says you should do, and started listening to your own heart. I want you to know that in choosing the right person for you, remember that... it's not about who broke your heart. It's about who mended it. It's not about who let you down, but rather who always held you up. It's not about the people who desired you. It's about the ones that valued you. It's not about all the times you were called beautiful. It's about all the days you felt you're beautiful. Just be yourself, sweetie, 'coz deep inside, you know what you really want. Let no one decide that for you. In the end... You'll know you've made the right decision when there is PEACE in your heart. Be happy!"

*.*.*.*.*.*

HINDI NA ako kumatok. Pumasok ako sa opisina ni Grant. Sa pagmamadali'y hindi ko na napansin ang mga nakakasalubong kong empleyado na ngumingiti at bumabati.

"Grant, we need to talk—" Natigilan ako nang babae ang nabungaran ko.

Hindi siya si Lexy. Pero ang suot niya ay gano'n sa mga isinusuot nitong uniporme. Napatayo siya sa kinauupoan pagkakita sa 'kin. Ngumiti siya at yumuko. Kilala niya yata ako pero ngayon ko lang nakita ang mukha niya.

"Good afternoon, Ma'am. Mr. Loriete is on a private appointment right now in Makati." Pormal ang kilos niya't pananalita. Pansin kong asiwa siya sa 'kin. "Bukas pa ang balik niya rito sa office. Pero kung gusto n'yo, tatawagan ko ho siya para ipaalam na narito ka—"

Itinaas ko ang kamay. Nginitian ko siya dahil mukhang takot siyang may masabing hindi maganda. "No need. But you're...?" Ipinilig ko ang ulo.

"Oh... I'm sorry, Ma'am. I'm Jackie. Jackie Mabini." Inilahad niya ang kamay "Mr. Loriete's new secretary."

Inabot ko ang kamay niya. "Xhaiden," simpleng pakilala ko.

Naiilang na napahawak siya sa dulo ng buhok. Ibang-iba siya kay Lexy. Masyadong mahiyain 'tong si Jackie. "Kilala ko na ho kayo, Ma'am. Palagi kasi kayong bukang-bibig ni Sir. Palagi niya rin hong tinitingnan 'yang picture n'yo." Turo niya sa frame sa ibabaw ng table.

Nakatagilid iyon sa'kin pero alam kong ako iyon dahil nasa kanan ang hati ng buhok. Tumango lang ako nang inilahad niya ang kamay para paupoin ako. Hindi naman ako magtatagal.

Lumapit ako sa mesa at tiningnan ang mga folders. Patong-patong ang mga ito at organized ang pagkakaayos. Hindi ko na binuklat. Kinuha ko ang isa pang frame na katabi ng larawan ko.

Gumuhit ang ngiti sa 'king labi. Ito ang litrato namin ni Grant n'ong nasa Trese kami. 'Yong bigla niya na lang akong hinalikan sa pisngi kaya ang epic ng mukha ko rito.

"If you don't mind, may I know where Lexy is? What happened to her?" tanong ko kay Jackie. Wala akong balita.

I'm guilty.

Gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang kausapin... kamustahin. Hindi ko rin matanong sina mommy kasi parang umiiwas silang pag-usapan ang bagay na iyon. Ibinalik ko sa dating pwesto ang frame.

Humarap siya sa'kin habang patuloy na iniikot sa hintuturo ang dulo ng maalon-alon niyang buhok. "H-Hindi n'yo ho alam? She's—"

"She's not here." Napalingon kami sa pintuan. Nagsalubong ang mga kilay ko pagkakita kay Green. Ang pinakahuling taong nanaisin kong makita ngayon. Lihim akong napamura. Sht!

Nakalimutan ko siya bigla.

Pucha! Ano'ng klaseng girlfriend ako? Ba't ang sama ko?

Nagtaka ako dahil nakatie at long sleeves siya na nakatuck-in sa itim na trousers. Hindi ako sanay na ganito ang ayos niya. Matiim siyang nakatingin kay Jackie. "She resigned. Matagal na."

Naglakad siya papalapit sa'kin. Kulang na lang tumagos sa kaluluwa ko ang matatalim niyang tingin. Tiim ang mga bagang at nakalagay ang mga kamay sa bulsa. Habang lumiliit ang distansiya namin ay mas lalo naman akong natataranta.

Ano na ngang kasalanan ko? "Naka-off ang cellphone mo!" akusa niya na para bang malaking krimen iyon.

"Lowbat. Sira ang charger. Brownout. Walang load. Nagtitipid." Gusto kong pukpokin ang sarili. Masyado akong defensive. Gumilid siya sa mesa. Gano'n din ang aking ginawa. Kumunot ang kanyang noo. Tumingin ako sa may pinto.

"Jackie..." aniya na hindi inaalis ang titig sa'kin. Kanina pa si Jackie nagtataka. Hindi nito alam kung sisingit ba o iiwanan kaming dalawa. "Leave."

Tumalikod si Jackie. "Jackie!" Halos mapasigaw ako para lang mapigilan siya. Bahagya pa siyang napatalon dahil sa naging tono ko. "Stay."

"Leave... Now!"

"Stay. Please..."

"Alis! If you don't want me to fire—"

"Ma'am, pasensiya na ho kayo pero ayoko pong mawalan ng trabaho." Yumuko muna siya bago hindi magkandaugagang lumabas. Nasagi niya pa ang bookshelf sa pagmamadali.

Napasuklay ako sa buhok sa inis. Gusto kong kunin ang vase na nakapatong sa mesa at ihagis sa pagmumukha ni Green. "Ano ba'ng ginagawa mo rito?" nanggagalaiti ko. Agad ko ring tinakpan ang bibig.

Stupid mouth. Stupid girlfriend. Kill me now!

"Loriete ako. Kompanya namin 'to," balewalang sagot niya. Patuloy ang paghakbang niya. Panay naman ang layo ko. Para tuloy kaming naghahabulan habang may mesa sa 'ming pagitan. "What are you doing here in Grant's office, Xhaiden? Are you cheating on me?"

Hindi ako makatingin sa kanya. Jusko! Natatakot akong mabasa ang emosyon sa mga mata niya. Sobrang guilty ako kahit hindi ko naman nakita si Grant.

Ano ba kasing pumasok sa isip ko at pumunta ako dito?

Bakit gusto kong kausapin si Grant?

Ano ba talagang gusto kong mangyari?

P'wede bang patayin ko na lang ang sarili? Ay sht naman kasi!

Nang matapat ako sa may pinto ay tumakbo na ako. Nilock ko pa ang ito. Narealize ko na mabubuksan niya rin pala dahil ang lock ay nasa loob. Nabobo na yata ako.

Namalayan ko na lang na siya na ang nasa harapan ko habang mahigpit niyang hawak ang kamay ko. Hila-hila ako papasok sa loob ng elevator.

Ni hindi na nga nakapagreact ang ibang empleyadong nakakita sa'min dahil mabilis ang mga pangyayari. Pumapalag ako. Kaso ano ba namang magagawa ko kung malaking tao ang gumagawa sa'kin nito?

Tapos galit na galit siya. Kulang na lang umusok ang bunbunan niya. Gusto ko na ngang ako na lang ang sumakal sa sarili para mabawasan nang konti ang pagkairita niya sa 'kin. Aminado naman akong ang laki ng kasalanan ko bilang girlfriend. Huhu!

Saan ba kasi ako dadalhin ni Green? Sa motel? Itutuloy ang baseball? Ikakadena niya ako sa kama habang pinaparusahan sa 'king kasalanan? Halaaaa!

*.*.*.*.*

IBA'T IBANG modelo at mamahaling sasakyan. Maaangas, matatangkad at naglalakihang katawan ng mga kalalakihan. Nagseseksihan at ang ilan ay nakatwopiece na mga kababaihan. Nakakapanindig balahibong pakiramdam. Iyan ang aking nabungaran dito sa pribadong lugar na pinagdalhan sa 'kin ng magaling na lalaki sa'king tagiliran.

Tanghali pa kami umalis ng opisina pero ngayon ay mag-aalas dose na... ng gabi.

Nanatili kami buong maghapon sa kanyang unit. Hindi niya naman ako kinakausap. Tinitigan niya lang ako. Napanis na ang laway ko dahil ayoko nang makipagtalo. Sasakit lang ang lalamunan ko.

Isa pa kahit nag-sorry na ako, ayaw niya akong kausapin. Sobrang guilt tuloy ang nararamdaman ko. Sinira ko ang birthday niya. May hinanda ba siyang party para doon? Kasi kung meron, hindi natuloy kasi nga... nagkulong lang kami sa kanyang unit.

Tapos umalis pa siya bigla. 'Di ko alam ang ginawa niya. Pagbalik niya bigla niya na lang akong hinila patayo at sumakay sa kotse niya.

At ito na nga... nandito na kami sa lugar na 'to.

Maraming bituin sa kalangitan dahil wala na kami sa NCR. May kalamigan rin ang simoy ng hangin. Halos isang oras ang biyahe. Hindi lang siya makapalipad ng sasakyan dahil may speed limit sa NLEX. Kahit na ano'ng apila ko kay Green, hindi talaga siya nakikinig sa'kin.

This is kidnapping!

Hindi naman kasi ako pumayag na sumama dito. Bigla niya lang akong hinila. Pero galit pa rin siya. Kaya ano'ng magagawa ko, 'di ba?

Lumabas siya ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto. Hindi ako lumabas. Kanina pa masama ang pakiramdam ko. Kanina pa kumukulo ang aking dugo. Kanina pa ako nagtitimpi para hindi ko masaktan ang lalaking 'to.

Ano ba'ng ginagawa namin dito? Ibebenta niya ako? Gano'n katindi ang galit niya sa 'kin?

Kasi ang daming babaeng ang iiksi ng damit. May human-trafficking ba na mangyayari ngayong gabi?

"C'mon..." Kinalas niya ang seatbelt na nakakabit sa'kin at hinila ako palabas. Ngayon niya lang ako inimik. Tapos one word lang? Napanguso ako.

Tinanggal niya ang tali sa buhok ko at hinagis iyon. Napamaang na lang ako at sinundan ng tingin ang kawawang tali. Inayos niya ang buhok ko para matakpan nang bahagya ang aking mukha. Hinila niya rin pataas ang zipper ng ipinasuot niya sa'king jacket.

Naaamoy ko ang ginagamit niyang pabango rito. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako palapit sa nagkukumpulang mukhang gangsters mula sa Japan. 'Yun nga lang may mga class ang mga 'to dahil mukhang mayayaman.

Sumunod lang ako sa mga hakbang ni Green. Nakatago ako sa kanyang likuran. Pakiramdam ko kasi kapag lumayo ako sa kanya'y mamamatay ako nang wala sa oras.

Sobrang nakakaintense ang paligid. Ang bigat ng hangin.

Ngayon ko lang naranasan ang ganito. Hindi ko alam na ganito pala ang pinagkakaabalahan ni Green kapag nawawala siya. Alam kong sumasali siya sa illegal racing pero hindi ko alam na meron pala talagang ganito sa Pilipinas.

Sabagay mukhang may mga kapit ang mga ito sa mga kurap na pulisya. At nakakatiyak din ako na ang iba sa kanila ay myembro ng kilalang gangs at fraternity kaya hindi mapuksa-puksa.

"Ngayon ka lang yata nagdala ng babae, Loriete!" Napatingin ako sa lalaking malaki ang pangangatawan. Bakat ang mga bukol sa kanyang tiyan sa kanyang itim na sando. Malapad ang kanyang ngisi at kinilabutan ako.

Nakakahindik ang mga tattoo niya sa braso. May piercing sa tuktok ng kanyang kaliwang tainga. Wala siyang buhok sa gilid ng ulo pero sagana sa pinakatuktok at nakatayo. May dalawang babae sa gilid niya na kung makapulupot sa kanya'y parang linta.

Kahit ngayon lang ako nagawi rito, masasabi kong ang lalaking ito ang namamahala sa racing na 'to. Ang lakas kasi ng dating niya. Maawtoridad. At ang lahat ng nakapaligid sa kanya ay mukhang malaki ang respeto sa kanya.

"Walang pakialamanan, Cap! Sabihin n'yo na lang kung sino ang makakalaban ko't nang mailampaso!" Kahit nangangatog ang katawan ko ay hindi ko naiwasan ang mapairap sa sinabi ni Green. Ang yabang talaga ng ipis na 'to. Dito niya yata nakuha ang ugali niyang ganito.

Naghahamon ba siya ng away? O maangas lang talaga kapag car racer ka?

Ba't ba siya napasali sa mga 'to?

At hindi niya ako ipapakilalang girlfriend niya? Aba! Ang dami kayang babaeng nakakatitig sa kanya na halos maglaway. Bwisit, ah!

Nagtawanan ang iba. Sanay na yata sila sa kapweskuhan niya. Panay naman ang likot ng mga mata ko sa paligid. Halos lahat ng mga mata ay nakatuon sa'min... lalo na sa'kin. Parang gusto ko tuloy lumubog o mag-evaporate.

Napapalibutan kami ng mga sasakyan at ang ilan ay may mga nakaupo sa harapan. Ang iba naman ay nagmamake-out at walang pakialam.

May malaking truck na may mga nakalagay na naglalakihang speakers. Malakas ang tutog nito kaya halos magsigawan kong mag-usap ang mga tao. May mga monitors din na ang nakikita ko ay view ng kalsada. May mga nag-aasikaso rin ng mga 'to na may mga headset sa ulo.

Ang ilan ay mukhang nakainom. May nakahithit pa yata sa mga 'to. Ang karamihang kababaihan ay kabastus-bastos ang mga suot. Kulang na lang ay hindi na sila magsuot kahit isang saplot.

May iba na halos patayin ako sa tingin. Napaghahalataan na may mga pantasya ang mga haliparot kay Green.

Tusukin ko mga mata nila, eh.

Para akong nasa isang pelikula o shooting ng isang palabas. Naiimagine ko ang atmosphere na 'to sa isa sa mga paboritong kong movie series na Fast and Furious. 'Yon nga lang kalahati lang siguro dahil masyadong malupit ang movie na 'yun para sa'kin. Hindi ko pwedeng ikumpara rito sa pipitsuging pinagkakaabalahan ni Green.

Kabado ako. Sino ba namang hindi kakabahan gayong ngayon lang ako napadpad sa ganito?

Pinangarap ko dati na kahit mapunta lang ako sa shooting ng Fast at Furious o makanuod ng live race ay masaya na ako. Kaso ayoko na pala. Masyadong nakakatakot. Hindi ko alam kung ano'ng pwedeng mangyari sa bawat kurap ko.

"Si Yael! Ang nag-iisang taong dumungis sa magandang record mo," tanging naisagot n'ong kausap ni Green.

May sumulpot sa harapan namin. Isang matangkad at gwapong lalaki na kung tutuusin ay may laban kay Green. Siya lang yata ang nakita kong makalaglag panty ang mukha sa kanila. May iilan din na may itsura kaso nakakatakot. 'Yung tipong g'wapo pero parang papatay ng tao.

Itong isang 'to ay hindi maangas ang dating. Wala siyang kung ano'ng kaartehan sa katawan na mas nakadagdag appeal sa kanya. Ang misteryoso niya sa paningin ko. Katulad ng kay Green ay malaking palaisipan din sa'kin kung ba't ganito ang pinagkakabalahan niya.

Pero... parang pamilyar siya sa 'kin. Yael? Tinitigan ko siya nang matagal. Yael...

Biglang nanlaki ang mga mata ko. 'Di ako p'wedeng magkamali. Siya ang pinsan ni Angel sa side ng mama niya. Oo, si Yael. Pero 'di kami close. Nakikita ko lang siya minsan nung High School kami at College. Tapos ngayon na lang ulit.

Teka... racer din siya? Alam ni Angel? Eh, ba't ba ako nangingialam?

Napakurap ako ng ilang beses nang mamukhaan ang babaeng katabi ni Yael. Kinusot ko pa ang mga mata kaso hindi ako nagkakamali sa nakikita.

"L-Leigh...?" halos naibulong ko lang iyon sa hangin. Ano'ng ginagawa niya rito? Ba't kasama siya ng gwapong 'yan? Am I missing something?

Great, Xhaiden! Hindi kayo close ni Caleigh.

Mukhang sanay na siya sa ganito. Pero salubong ang mga kilay niya nang tingnan ako. Bumaba ang titig niya sa kamay ko na mahigpit pa rin pa lang hawak ni Green.

Oo nga pala, nabanggit ni Vlaire sa 'kin na may gusto si Caleigh kay Green.

Hinila ko ang kamay pero mas hinigpitan lang ni Green ang hawak doon. Gusto kong tingnan ang mukha niya pero hindi niya ako hinayaang umalis sa likuran niya. Hindi na lang ako umimik.

Ayokong madagdagan ang pagkainis niya sa 'kin. Quotang-quota na ako, eh.

"Isang milyon, kotse at si Caleigh ang pusta nito," ani nung lalaking tinawag ni Green na Cap. Napanganga ako.

What the hell?

Naghiyawan ang mga tao. Mas lumakas ang music. Ang ilan ay naglilikom ng mga papel-papel na pera at tseke ang iba. May pustahan din yata sila kung sino'ng mananalo sa karera. Sobrang pribado ng lugar na 'to kaya kahit gaano sila kaingay ay walang magrereklamo.

May mga naglalakihang puno sa paligid. Kami lang ang naririto at mga sasakyan ng mga walang magawa sa buhay. Special race yata ang meron sa gabing 'to.

Pati si Leigh ay ipupusta?

Gusto kong sapakin si Green para umalis na kami rito at itigil ang kahibangan na 'to. Si Caleigh mukhang hindi na nagulat.

Grabe! Kailan pa siya sumasama sa mga lalaking 'yan? Alam ba 'to ni Vlaire? This is really insane!

"May idadagdag ako!" Medyo tumahimik nang magsalita si Green. Hindi ko pa rin makita ang mukha niya pero naghihintay ako ng sasabihin niya pa. "Ipupusta ko ang girlfriend ko." Napanganga ako. "'Pag natalo ako... makikipaghiwalay ako sa kanya at sa inyo na ang kotse ko. 'Pag nanalo ako... 'yang sports car at dalawang milyon ang gusto kong kapalit."

Malakas na tawanan ang pumailanlang sa paligid matapos niyang magsalita. Nagtatawanan sila na tinanggihan ni Green na maging premyo si Caleigh? O nagtatawanan sila dahil ipinusta ako ng magaling kong boyfriend?

Natahimik ako. Hindi ko alam kung ano'ng i-rereact. Bigla na lang akong nanigas sa kinatatayuan at pinoproseso pa ang mga sinabi niya. Hanggang sa magsink-in sa 'kin.

Sinuntok ko si Green sa likod. Binigay ko ang buong lakas ko roon. Hinatak ko ang kamay ko pero ayaw niyang bitiwan. "Bitiwan mo ako, Green! U-umuwi na tayo..." Naiiyak na ako. Alam ko kanina pa may mali. Kanina pa nung nasa unit niya pa kami. Ngayon ko lang naintindihan lahat.

Alam ko na hindi niya ako ipupusta nang gano'n na lang. Ipinusta niya ako kasi balak niya talaga akong bitiwan. Pucha! Makikipagbreak siya sa 'kin nang ganito?

"Green!" sigaw ko at pinagsusuntok ang likod niya gamit ang isang kamay ko pa. Nagpupumiglas na ako pero mas hinigpitan niya lang ang hawak niya sa 'kin. Ni hindi niya ako magawang tingnan. Naiyak na ako nang tuluyan. "B-Ba't ka ganyan? 'Wag mong gawin 'to. Sorry na... s-sorry na—"

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at marahan akong itinulak sa direksiyon nina Caleigh. Sinalo ako ng isang lalaking nasa tabi ni Leigh.

Tumalikod na si Green. 'Di man lang ako tinapunan ng tingin. Gusto ko siyang sundan pero hindi ako pinayagan ng mga lalaking nasa tabi ko.

"Sorry, miss. Pero nakapagdesisyon na ang lalaban..." sabi ng isa. 'Di ko siya pinansin kasi mas lalo lang lumakas ang paghikbi ko.

Wala na akong ideya kung ano'ng nangyayari. Bigla akong nahilo. Hindi ko na namalayan kung paano natapos ang karera.

At expected ko na... matatalo si Green.

Tama nga ang hinala ko. Sinadya niya 'to.

Nakakainis siya! Pinalagpas niya lang ng pitong minuto matapos ang birthday niya saka niya ako sinukuan.

*.*.*.*.*

NAIUNAT KO ang mga kamay at dumilat. Napabalikwas ako. Maliit na ref ang aking nabungaran. Tumayo ako mula sa makitid na kama at nahulog sa'king paanan ang kumot na tadtad ng pagmumukha ng mga daga. Nahilo na ako sa kakaikot kaso wala akong ideya kung nasaan ako.

Sa pagkakatanda ko, hindi ganito ang kwarto ko. Kahit saan ako tumingin ay hindi pamilyar sa'kin ang mga nakikita ko.

Matapos ng karera nina Green at Yael, na si Green ang natalo... na sobrang naiinis pa rin ako... wala na akong matandaan kung ano'ng nangyari.

Inatake na naman ba ako ng narcolepsy?

Paggising ko, ito na... I'm clueless.

Ano'ng ginagawa ko sa maliit na silid na 'to? Nananaginip ba ako? Binabangungot? Patay na ba ako? Nasaan ako?

Lumabas ako ng silid, pero napag-alaman ko na pinto iyon ng maliit na banyo. Sinuot ko ang tsinelas na may malaking ulo ng daga sa bandang kuko.

Bakit puro daga ang nakikita ko? Lalo lang tuloy nagusot ang aking noo.

Binuksan ko ang isa pang pinto. Maliit na living area na may maliit na TV, maliit na sofa at iba pang maliliit na gamit na unusual sa paningin ko dahil ang mga gamit na 'to ay naglalakihan sa bahay namin.

Sinalakay na ako ng nerbiyos dahil wala akong kaalam-alam kung ano ba'ng nangyayari.

Nabuwal ako sa sahig nang biglang lumindol. Tumili ako. Hinablot ko ang throwpillow sa itaas ng sofa at ipinatong sa ulo. Halos tumilapon ang puso ko sa bilis at lakas ng kalampag nito.

Susuot na sana ako sa ilalim ng mesa nang biglang tumigil ang pagyanig. Nagtaka ulit ako. Ano ba'ng nangyayari? Walang aftershock? Hindi ko naman hinihiling na lumindol ng intensity 10 dahil tiyak na maguguho ang buong Manila 'pag nangyari 'yun. Pero ano 'to? Pinaglalaruan ba ako ng engkanto?

"What are you doing?" Napatayo ako sa gulat nang marinig ang pamilyar na boses. Napapihit ako paharap sa kanya't natulala na lang ako bigla.

"G-Grant...?" Ngumiti siya sa naging reaksiyon ko.

Ako hindi na talaga makahinga dahil tapis sa baywang lang ang kanyang tanging saplot. Kakatapos niya lang maligo. Kahit na halos dalawang metro ang layo niya'y naaamoy ko ang ginamit niyang shampoo at sabon.

Pinupunasan niya ng bimbo ang buhok. Bawat kilos niya ay gumagalaw din ang kanyang mga muscles sa braso.

Free viewing sa kanyang biceps ang drama ko.

Halos murahin ko ang maswerteng tubig na dumadaloy mula sa kanyang sexy chest pababa ng kanyang lecherous six-pack killer abs hanggang sa kanyang thought-provoking V-line. Ang sarap tuloy hablutin ng tapis niya para mapunasan ko 'yang walang hiyang tubig na 'yan!

Shit! Puro kahalayan na yata laman ng utak ko.

Magpapabrainwash na ako. Kung nananaginip man ako'y nanaisin ko na matulog na lang.

Tumikhim si Grant. Napakurap-kurap ako.

Tapos bigla ulit nanlaki ang mga mata ko sa realisasyon. Ba't kasama ko si Grant? Ba't magkasama kami?

Teka... nasaan si Green?

Automatic na gumalaw ang mga paa ko. Bumalik ako sa loob ng silid na pinanggalingan para halughugin ang cellphone. Matagal ko pa bago makita sa gilid ng kama. Nahulog sa lapag.

Lumabas ulit ako habang dinadial ang number ni Green. Napatitig ako kay Grant. Nakasuot na siya ng pantalon. At hawak ang damit niya. Nakatingin lang siya sa 'kin. Hindi siya nagsasalita. At ayokong basahin kung ano man ang nakikita kong emosyon sa kanyang unti-unting namumulang mga mata. Iniwas ko ang tingin kahit tinatraidor ako ng lintik kong puso na halos butasin ang katawan ko para lang makawala siya sa lakas ng kabog.

"N-Nasaan tayo?" tanong ko. Hindi ko na nagawang ibalik ang tingin kay Grant. Nasa tapat ng tainga ko ang cellphone, pinapakinggan ang ringtone. Ayaw sagutin ni Green.

Pumikit ako pagkarinig ng busy tone. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Bakit ganito?

"H-Heather..." Tinalikuran ko si Grant nang tinagka niya akong hawakan.

Hinanap ko ang driver's seat. Dahil nakakasiguro na ako ngayong nasa loob kami ng isang bus house. Nakita ko naman agad si Mang Juanito. Nagulat pa siya nang makita ako.

"M-Mang, ihinto mo po..." pumiyok ako.

Nag-aalala akong tinitigan ni Mang Juanito. "P-Pero, ma'am..."

"Please...?"

Napabuntong-hininga siya at inihinto ang bus. Lumabas ako dahil feeling ko mauubusan ako ng hangin sa loob. Nakita kong sinundan ako ni Grant. Isinusuot niya ang damit. Naririnig ko ang panaka-naka niyang pagmumura.

Patuloy lang ako sa pagkontak kay Green. Bakit ayaw niyang sagutin? Bakit niya nagawa sa 'kin 'to?

Lakad-takbo ang ginagawa ko. Pataas ang kalsada, pero hindi ko maramdaman ang pagod. Hindi ko kayang kontrolin ang bawat hakbang ko. Gusto kong tumakbo, tumakas, at lumayo.

Pasibol pa lang ang araw. Malamig ang hangin, pero tagaktak na ang pawis ko. Hindi ako makalma. Mapuno, walang gaanong tao... 'di ko alam kung nasaang lugar na ako ng mundo. Pero nagpatuloy ako.

Natigil lang ako nang malapit na ako sa pinakatuktok ng matirik na kalsada. Sementado kaya hindi ako gaanong nahirapan, pero mas malalaki ang hakbang ni Grant kaya niya ako naabutan.

Nanigas ako nang ikinulong niya ako sa mga bisig niya mula sa likod ko. Sakto namang sinagot ni Green ang tawag ko. Pinanlambutan ako ng mga tuhod. Kung hindi lang ako yakap-yakap ni Grant nang mahigpit kanina pa ako natumba.

"H-Heather..." Parang tinusok ang puso ko nang mabasag ang boses ni Grant. "Please... stay. No matter how difficult and painful to be with me, don't run away."

"Xhai...?" Hindi na ako nakaimik kay Green. Nanginginig ang mga labi ko. Nakatitig lang ako sa unahan, 'di makakurap habang patuloy sa pag-agos ng mga luha ko. "I... I love you. But you love him, ever since. At... mahal na mahal ka niya. Gago man siya, pero alam ko... s-sa kanya ka lang sasaya. Stop running. Mapapagod ka lang. Siya pa rin ang babalikan mo. Kahit na tumakbo ka... siya pa rin ang nasa finish line at naghihintay sa 'yo. Don't mind me. I'm okay. Really... f-fine. Just give him a chance. Kahit sobrang dami ng chances ang ibinigay mo, 'wag mo muna siyang susukuan. Don't give up your happiness. At kung hindi talaga magwork-out? Tangina! Ako mismo ang gagawa ng paraan. Babalikan kita. Ilalayo kita sa kanya kahit sobrang mahal mo pa rin siya."

--

#IAR #InaREALationSHIT

Click the ★ button.

"'Wag n'yo po aawayin si Xhai. Ganito kasi 'yan. May hang-over pa siya sa mga nangyari. Hindi pa siya nakakaget-over. Saka natatakot siya sa huling pinapagawa ni Tita Brenda about sa therapy niya. Natatakot siyang magkamali ulit at makasakit ng ibang tao kapag kasama niya si Grant. Intindihin n'yo na lang siya. Mahaba buhok niya... pero sa lahat ng mga pinagdaanan niya, hindi n'yo naman siguro siya masisisi, 'di ba? Oo, mahal niya si Grant... pero TAKOT siya sa sarili niya. Sa sarili niya. Feeling niya kasi 'di pa rin siya okay. At related kay Green? Basta... hahahaha."

Ano nga ulit title ng story na 'to? Pinanindigan lang. Hahaha. ~ Chix

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 30K 14
Collection of my one-shot stories written from 2011-2016. Book cover by Taryn [@soundthealarm]
19.6K 559 17
If the magic fades away, will you still believe?
3.8M 64K 56
There's no such thing as a number of heartbeats. As long as your heart knows what forever means . . . It's possible that even in the afterlife, it m...
25.8M 70.4K 76
WARNING: Mababaw lang ang kahulugan ng #AFGITMOLFM dahil mababaw lang ang author. Huwag umasa. Masasaktan ka lang. The meaning is one of the mysteri...