In a REALationSHIT (Trese Ser...

By chiXnita

7.9M 231K 35.7K

[ #TRESEseries No. 1 ] All I want is a REALationship not a relationSHIT. -- Book cover by @ArkiSTEPH More

In a REALationSHIT
IAR [1]
IAR [2]
IAR [2.5]
IAR [3]
IAR [4]
IAR [4.5]
IAR [5]
IAR [6]
IAR [7]
IAR [8]
IAR [9]
IAR [9.5]
IAR [10]
IAR [10.5]
IAR [11]
IAR [12]
IAR [13]
IAR [13.5]
IAR [14]
IAR [14.5] - Silver
IAR [15]
IAR [16]
IAR [17]
IAR [17.5]
IAR [18]
IAR [19]
IAR [19.5]
IAR [20]
IAR [20.5]
IAR [20.75]
IAR [21]
IAR [22]
IAR [22.25]
IAR [22.5]
IAR [22.75]
IAR [23]
IAR [23.5]
IAR [24]
IAR [25]
IAR [25.5]
IAR [26]
IAR [27]
IAR [27.5]
IAR [28]- Green Ryder Loriete
IAR [29]
IAR [29.5]
IAR [30] - Silver
IAR [31]
IAR [32]
IAR [33] - Grant Turner Loriete
IAR [33.5] - Grant Turner Loriete
IAR [34]
IAR [35]
IAR [36]
IAR [37]
IAR [37.5]
IAR [38]
IAR [39]
IAR [40]
IAR [41]
IAR [41.5]
IAR [42]
IAR [43.5]
IAR [44]
IAR [45] - Brix Vincent Flores (Part 1)
IAR [45.5] - Brix Vincent Flores (Part 2)
IAR [46]
IAR [47]
IAR [48]
IAR [49]
IAR [49.5] - Original Plan
IAR [50]
IAR [50.5] - A Blessing or A Lesson
IAR [51]
IAR [51.5] - GRAB-X Plan
IAR [52]
IAR [53]
IAR [54]
Final Chapter - IAR
Epilogue
BONUS Chapter
Bonus Chapter - Self-reflection
SOON TO BE PUBLISHED (PSICOM)

IAR [43]

72.4K 2K 609
By chiXnita

Copyright © chiXnita

Green Ryder Loriete’s POV

ILANG MINUTO nang naputol ang tawag ko kay Xhai pero tulala pa rin akong nakatitig sa cellphone.

Nanginginig ang mga balikat ko. Halos madurog ang cellphone sa higpit nang pagkakahawak ko dito.

Hinampas ko ang manibela at pinasibat ang sasakyan. Pinaharurot ko ang kotse, walang pakialam kahit maaksidente.

Bakit ganito kasakit?

Alam ko naman… panakip-butas lang ako.

Alam ko naman… si Grant pa rin.

Alam ko naman… na ngayong binitiwan ko siya, putol na talaga ang taling nag-uugnay sa ‘ming dalawa.

Alam ko naman… na hinding-hindi niya ako mamahalin.

Alam ko naman na wala akong pag-asa… pero bakit umaasa pa rin ako? Umaasa na ako ang pipiliin niya sa dulo? Kahit na mahal nila ang isa’t isa. Extra lang ako.

Pero wala akong pinagsisisihan. Dahil kahit na isang hingahan ko lang na naging akin si Xhai… naging masaya ako.

At kung uulitin ang oras, mamahalin ko pa rin siya, kahit na ako lang ang nagmamahal sa ‘ming dalawa.

Nagparaya? Hindi ko ‘yon ginawa. Paano ako magpaparaya kung umpisa pa lang, ako lang ang nakakapit?

Dati pa lang… alam ko nang ito ang end game. Hindi magiging kami hanggang sa huli.

Mahal ko siya. At ayoko siyang masaktan pa. Sobra-sobra na ang sakit na pinagdaanan niya. Kaya kahit masakit bakit ako patuloy na kakapit kung sa pagbitaw ko’y magiging masaya siya ulit?

Gusto ko siyang ipagdamot. Gusto kong maging selfish. Pero paano? Ano’ng laban ko sa taong mahal niya at mahal na mahal siya?

Ano’ng laban ko sa taong handang gawin ang lahat para sa kanya kahit na nagmumukhang tanga? Sa taong handang isuko ang lahat para sa kanya? Sa taong kayang maghintay kahit gaano katagal dumating lang siya?

Mahal ko si Xhai, pero kahit saang anggulo at aspeto… tuldok lang iyon kapag si Grant na ang pinag-usapan.

*.*.*.*.*

Xhaiden Heather Roa’s POV

BAKIT KAHIT anong iwas ang gawin ko at takbo papalayo… hinahatak pa rin ako pabalik sa kanya?

We are opposites. North pole siya, south pole ako. Parallel kaming mga linya, simula pa lang nung umpisa. Never kaming nagtagpo. Palaging may namamagitang problema sa ‘ming dalawa. Marami. Mabibigat. At sobrang sakit.

Pero siguro nga… kahit na opposites kami, kahit na magkalayo kami… may magnet sa pagitan namin na parehas kaming hinahatak para magkalapit kami ulit.

Naghahanap ako ng masisisi sa mga nangyayari. Ako ba? Siya? O ang tadhana?

Nakatayo kami ni Grant sa tuktok ng kalsada. Walang nagsasalita sa ‘ming dalawa. Nakatitig lang kami pareho sa malawak na karagatang natatanaw dito sa itaas.

Maganda ang panahon. May kalamigan ang ihip ng hangin. Nakakarelax. Pero kabaliktaran iyon ng nararamdaman ko ngayon.

Namumuo ang makapal at maitim na ulap sa buo kong sistema. Nilalamon ako. Nagbabadya ang isang bagyong hahagupit para wasakin ulit ang puso kong unti-unti nang nakakaahon sa pinagdaanang unos.

Walang nagtatangkang mag-umpisa ng topic. Damang-dama ko ang tensiyon sa pagitan namin. Kung ang sistema ko nilalamon ng bagyo, ang puso ko… niyayanig, tila guguho.

Pumulot ako ng maliit na puting bato at hinagis pahulog sa dagat. “I hate you that I couldn’t find myself to hate you.”

Hindi ko tiningnan si Grant. Nakita ko sa sulok ng matang napalingon siya sa ‘kin pero ‘di nagsalita.

Pumulot ulit ako ng bato at tinapon. “Mula umpisa wala akong pinangarap kung hindi ikaw. Noon pa lang mahal na mahal na kita. I love you, but you don’t love me—”

Hinawakan niya ang braso ko. “Heather, I love—”

Mabilis akong yumuko para kumuha ulit ng bato. Hinagis. Sumigaw. “You did everything to hide your feelings!” Napaatras siya. Ayoko siyang pansinin. Gusto kong ilabas lahat ng nararamdaman ko ngayon. “You chose to hurt me just to seal it. You broke me plenty of times. Ginawa mo ang lahat para ‘wag kitang mahalin at layuan ka—”

Bumuntong-hininga siya. Tinangka niya akong hawakan pero nagside-step ako palayo sa kanya. “G-Ginawa ko ‘yon dahil—”

“Dahil hindi ka naniniwalang mahal talaga kita.” Pinigilan ko ang nagbabadyang pagtulo ng luha ko. Muli akong pumulot ng bato at hinagis nang mas malakas. “I hate you for that, but why I’m still here in this state loving you so much?”

Natigilan siya. ‘Di na siya gumagalaw sa tabi ko. Nakatitig na lang din siya sa dagat. ‘Di ko pa rin siya nililingon.

“You said, I don’t love you. They said, I’m obsessed with you. Lahat ng taong nakapaligid sa ‘kin iniisip na napakamartir ko at nababaliw na ako. Pero kung hindi kita totoong minahal bakit matapos ang lahat ng pinagawa sa ‘kin ni Tita Brenda ikaw pa rin ang gusto kong makasama? Pagkakita ko pa lang sa ‘yo nang lumabas ako gusto na kitang yakapin nang mahigpit at halikan. Pero… natakot ako. Natatakot akong kapag sinabi kong mahal pa rin kita, ipagtulakan mo ulit ako palayo dahil hindi ka pa rin naniniwala.”

Kahit ano’ng pigil ko sa luha ko, kumawala pa rin ang mga ‘to. Hindi pa rin ako tumitigil sa pagpulot ng bato at paghagis nito.

“At tama ako… kasi ‘yon pa rin ang iniisip mo hanggang ngayon. Sinabi mo ulit sa ‘kin ang mga salitang… ‘You don’t love me, Heather!’ Kaya iyon ang ginawa ko. Iyon ang pilit kong itinataga sa buong sistema ko. Na hindi talaga kita mahal kasi ‘yon ang gusto mo.”

“Gusto kong magalit sa ‘yo. Gusto kong kamuhian ka. Ilang beses mo ba akong sinaktan? Ilang beses mo ba akong ipinagtulakan? Ilang beses mo ba akong sinukuan? Sinabi mong mahal mo ako pero bakit ang bilis mo akong ipaubaya sa iba? ‘Yon ang gusto mo, ‘di ba? Ang ibigay ako kay Green. Ginawa ko, Grant. Sinubukan kong alamin kung tama ka bang hindi talaga kita mahal. Pero mali ka. Dahil buong buhay ko… ikaw lang ang minahal ko. Isang beses lang kitang isinuko. Isang beses lang pero mas dumoble ang pagdududa mo sa nararamdaman ko.”

Pinunasan ko ang mga mata, pumulot ng bato at tinapon. Si Grant naistawa pa rin sa kinatatayuan niya. Ayoko pa ring lumingon. Kapag ginawa ko, hindi ko masasabi lahat ng gusto ko.

“Ilang beses mo bang sinabi na mahal mo ako? ‘Di ko na mabilang. Kaso si Silver ‘yon, ‘di si Grant. Alam ko… ikaw si Silver.” Natawa ako nang pagak. ‘Di ko alam kung naririnig niya pa rin ako dahil tahimik pa rin siya. “Matagal ko nang alam. Pero pinili kong magbulag-bulagan kasi gusto kong sabihin mo na mahal mo ako bilang si Grant at hindi bilang Silver. Hindi ko kasi maramdaman. Nakakatawa ‘no? Kung iisipin lahat ng ginawa mo bilang si Silver… mahal na mahal mo talaga ako. Sa mga ginawa mo bilang si Grant… mahal mo ba talaga ako? Hindi lang ikaw, Grant. Hindi lang ikaw ang nagdududa sa ‘ting dalawa. Dahil kahit ako napapaisip kung mahal mo ba talaga ako?”

“Dahil ilang beses mo na akong sinukuan. Pati ba naman si Silver, binitiwan ako. Kaya hindi mo ako masisisi kung bakit natatakot ako ngayon. Oo, mahal kita. Maniwala ka man o hindi… mahal na mahal pa rin kita. Ang sabi mo, mahal mo ako. Pero hanggang kailan? Hanggang kailan ka kakapit tapos susuko ulit? Nakakatakot kasing mahulog nang paulit-ulit. Nakakapagod din masaktan nang paulit-ulit.”

Napaupo siya sa gilid ng kalsada. Sa may damuhan. Bumagsak ang mukha niya sa pagitan ng mga tuhod. Nanginginig ang mga balikat niya. Walang tunog pero alam ko… umiiyak siya.

Kinagat ko ang labi nang mariin. “Ang daming naipit sa pagitan natin. Ang daming nasaktan. Kaya sa lahat ng sakit at problema… sapat ba? Sapat bang mahal lang natin ang isa’t isa?”

Wala na ulit nagsalita sa ‘min. Hindi pa rin siya sumagot. Nanatili siyang nakayuko sa mga tuhod. Huminga ako nang malalim at umupo sa tabi niya.

Hinawakan ko ang kamay ni Grant at pinisil. Inangat niya ang ulo. Tumitig siya sa ‘kin. Gusto kong iiwas ang tingin dahil ngayon ko lang siya nakitang umiyak nang ganito. Halos mabasa ang buong mukha niya. Sobra ang panginginig ng mga kamay at balikat niya. Pero nanatili akong nakatitig sa kanya.

“Pero balewala ang sakit, Grant. Immune na ako, matagal na.” Nginitian ko siya. “Kaso hindi ako ang pwedeng magdesisyon sa ‘ting dalawa. Kasi kahit ano’ng mangyari, ikaw pa rin talaga. Pero ikaw… mahal mo ba talaga ako—”

Hinila niya ako at niyakap nang sobrang higpit. Wala na yatang balak tumigil sa pagyanig ang puso ko. “O-One more chance, Heather. Last chance.” Inangat ko ang mga kamay para idikit sa likod niya at gumanti ng yakap.

*.*.*.*.*

“KANINA KA pa nakangiti. Baka mapunit ‘yang labi mo,” panunuya ko kay Grant. Ngiti kasi nang ngiti. Parang baliw. Nahahawa tuloy ako.

Niyakap ko ang dalawang binti at ipinatong ang baba sa tuhod para hindi niya makita ang aking pagngiti.

Humiga siya. Nakasalikop ang kanyang mga braso na ginamit niyang unan. Nakikita ko ang bawat galaw niya sa sulok ng aking mga mata.

Matapos ng nangyari kaninang umaga… wala na ulit nagbukas ng topic tungkol sa mga nangyari sa ‘min. Siguro dahil parehas naming gusto na ‘wag nang pag-usapan ang mga ‘yon at mag-move on.

May mga bagay kasi na kahit pag-usapan ay mananatiling komplikado. Mas mainam na ‘wag nang balikan iyon at pagtuonan na lang ng pansin kung ano’ng ngayon.

Kahit ano’ng gawin mo, hindi mo na mababago ang nakaraan pero may magagawa ka para gawing maganda ang kasalukuyan.

At parehas din naming gusto na ngayong malayo kami sa lahat, kakalimutan na muna namin ang mga bagay-bagay.

Hindi ko nga alam kung saang lupalop kami ng Pilipinas, eh. Ayokong mag-isip ng kung ano-ano ngayong magkasama kami.

Mahirap bang magsimula ulit? Siguro.

Nakakatakot naman talagang magtake ng risk… lalo na kung sa bawat sugal mo, palagi kang natatalo.

Pero ano’ng magagawa ko? Si Grant ‘yan, eh.

Nandito kami sa taas ng bus. Wala naman talaga akong balak na sumama sa kanya rito. Kaso binuhat niya ako na para bang isa akong sako ng bigas. Sapilitan. Yapos niya ang dalawang binti ko habang nakaharap ang mukha ko sa likod niya. Wala ring nagawa ang tili ko.

Malamig ang hangin dahil malapit na naman ang pasko. Ber months na, eh. Ang bilis ng panahon.

May suot kaming jacket na nakakasanayan ko ng sina Mickey at Minnie ang disenyo. At alam kong pinayari niya na naman ito. Halos lahat yata ng gamit dito sa bus house ay may mga mukha ng daga.

Ipamukha ba naman sa ‘kin na sobrang adik ako kay Mickey mouse? Tsk!

Muling umupo si Grant kaya napalingon ako sa kanya. Inakbayan niya ako. Nawindang na lang ako nang humiga siya at isinama ako. Napaunan ako sa braso niya. Halos mapatili ako nang dumikit ang ilong ko sa labi niya. Inayos niya ang posisyon ko para magkaharap kami.

Ikinulong niya ang mga binti ko sa mga binti niya at niyapos ako. Kanina ko pa hindi makontrol ang tibok ng puso ko pero ngayon ay tila nasa gitna ako ng North Korea at South Korea na nagbabadyang magkakaroon ng giyera.

“G-Grant… hindi ako makahinga.” Shit! Literal talaga na hindi ako makahingi. Hindi dahil halos durugin na niya ang kawawang katawan ko, kung hindi nahihirapan akong huminga dahil ang lapit niya. At sa bawat sagap ko ng hangin ay ang kinahuhumalingan kong bango niya ang nasisinghot ko. Baka magkanosebleed ako nang wala sa oras nito.

Sinasabi ko na nga ba. Ako na naman matatalo nito, eh.

Nagbingi-bingihan siya. Hindi niya ako binitiwan. Bagkus ay inilapit niya ang labi sa labi ko. Nanatiling nakaawang ang  aking bibig. Gusto kong itikom pero naparalisa na yata ang katawan ko.

“I’ll give you oxygen, then.” Gumapang ang isang kamay niya sa bandang pang-upo ko. Napasinghap ako nang pumasok ito sa ilalim ng jacket ko. His fingers were creating tiny circles on my back. Naipilipit ko ang mga daliri sa mga paa nang may kumasa at tumutok na baril sa puson ko.

What the… heck was that?!

“A-Ano…” Sunod-sunod akong lumunok at pinilit na sumagap ng hangin. Malapit na talagang sumabog ang dibdib ko. “W-What are you doing? Ang… Ang laki ng ano… ng space, Grant!”

“I need to hold on tight to the worthy person in my life,” nang-aakit ang boses niya habang sinasambit ang mga katagang iyon. Titig na titig siya sa’kin; kumikislap ang mga mata.

Damn! Palagi niya na lang akong binibigyan ng daga. Pati puso ko… dinadaga na.

Naduduling ako dahil sa kakaiwas na mapatitig sa kanya. Panay pa rin ang laro ng mga daliri niya sa sikmura ko. Unti-unting umaakyat at nag-iiwan ng hindi ko maipaliwanag na pakiramdam sa bawat madaanan nito. Tumigil ito sa ibaba, bandang gitna ng dibdib ko.

Pamura, punye—ugggh!

Bumaba ang titig niya sa labi ko. Sa instinct ay napakagat ako rito. “I want this, Heather. I want us. I want you, only you. I love you not because I need you, I need you because I love you. So, I don’t want to lose you—”

Ako na ang tumawid sa natitirang distansiya sa pagitan ng mga labi namin. Natense ang kamay niya sa loob ng jacket ko. Humigpit ang kapit ko sa dibdib niya. Dama ko rin ang bawat bilis ng kabog ng puso niya.

At hindi pa rin nawawala ang pagkakatutok niyon sa may hita ko. Baka nga konting kalabit lang ay puputok na ‘to.

I’m confident that he really loves me. That he’s damn in love with me.

His palm found my right breast. Napaliyad ako; napasinghap dahilan para mas palalimin niya ang halik. He’s kissing me, neither a French kiss nor a torrid one. He’s kissing me like this is the first time he kissed me. That I’m the most treasured person in his life. Na kahit ang pagkakamaling makagat niya ang labi ko’y iniiwasan niya’t baka masaktan ako.

Mahal ko talaga siya. Hinding-hindi iyon magbabago.

Siguro dati ay hindi ko lang talaga kayang kontrolin ang nararamdaman ko para sa kanya.

Sabi ng iba, hindi ko siya mahal… pero mali sila.

Simula bata ay siya na ang minahal ko. Nag-iisang pinangarap at pinagpantasyahan ko. Hanggang ngayon.

And… I’m happy!

I’m glad that he let go of me. I’m glad that I took the therapy. I’m glad that I’ve realized the real feelings I have for him and he has for me. I’m glad that after everything we’ve been through… we still ended up with each other.

“I love you more, Grant. I did. I do. I will… always love you.” I provoked him, mimicking his voice when he said those words to me before. I playfully bit his lower lip. “Hmmm… Mickey…”

Humigpit ang yakap niya. Bumilis ang kanyang hininga. Tila puputok na ang baril o ‘di kaya’y naging kutsilyo na, na ano mang oras ay siyang sasaksak sa ’kin.

Kaso mas nawindang ako nang bigla niyang sinakop ang kanang dibdib ko ng kamay niyang nasa loob ng jacket ko. Mas suot akong bra pero halos kusang matanggal ang pagkakakabit ng hook and I.

“Grant…” I grumbled on his lips. Wala sa sariling naipalo ko ang isang paa sa bubong ng bus dahilan para mahulog ang aking tsinelas. Hindi ko na iyon napagtuonan ng pansin dahil nawala na ako sa katinuan.

Kumalas siya. Nanatili akong nakapikit. Naidilat ko lang ang mga mata dahil hindi na niya ako muling hinalikan.

Nabungaran ko ang malapad niyang ngiti. Pati nga yata dimples niya at mga mata ay nginingitian ako. Hindi ko alam kung pinagloloko niya na naman ako o masaya lang talaga siya.

“Tayo na ba… ulit?” bigla niyang tanong. Malalim ang boses niya. Naghahabol ng hininga.

Napakurap ako. Pinamulahan ng mukha. “Hindi ah…” Bahagya ko siyang itinulak. Sino’ng niloloko ko?

Gusto ko naman talaga na maging kami na ulit.

Kaso gusto kong panindigan, kahit ngayon lang, ang pagiging… hard-to-get.

Sabi niya, liligawan niya ako. Bakit ang atat niya?

Noon, ako ang panay lapit sa kanya pero siya dinedeadma ako. ‘Tapos wala siyang kahirap-hirap na makuha ako. Kahit nga ‘yung dapat na kasal namin ay easy to reach lang iyon para sa kanya. Lahat scripted.

Ngayon, ako ang gagawa ng script. Papahirapan ko siya, konti lang. Bibigay at bibigay din naman ako kaya gusto ko munang i-enjoy ang chasing na ‘to.

“Assuming mo!” Umirap ako. Tumawa siya. Napanguso ako dahil pati tawa niya ay kinukulit akong bumigay na. Bumangon ako. Naalala ko ‘yung nahulog na tsinelas. “Kukunin ko tsinelas ko.”

Muli niya akong hinila pahiga. Hindi niya nga lang ako muling niyakap. Nakatihaya siya habang nakatitig sa kalawakan. Hindi na naglaho ang ngiti niya.

Umiwas ako ng tingin. Hindi ko rin maitago ang nagbabadyang ngiti sa labi ko. Mukha kaming mga timang kasi wala namang nakakatawa. Bakit ba ang saya-saya ko?

Tumitig ako sa tinititigan niya. Napahawak ako sa mga labi at agad ko ring tinanggal ang kamay dahil baka mahalata niyang nagustuhan ko ang halik niya. Well, gusto ko naman talaga.

“You really love stars,” maya-maya’y komento ko. Kaya nga lahat ng constellations ay saulo niya. Marami siyang alam sa astronomy. Naalala ko tuloy ‘yung bakasyon namin sa Trese. Halos ganito rin ‘yun, nakatitig kami sa mga bituin.

Ang kaibahan lang ay hindi pa niya ako mahal noon. ‘Yun ang alam ko. Grabe! Ang galing niyang umarte. Sana nag-artista na lang siya. For sure, palagi siyang best actor.

“You’re an astrophile, too.” Tama siya. Gusto ko rin ng stars. Pero kaya ko lang nagustuhan ang mga ito kasi nga… gusto niya.

“Yeah. You’re a nature lover.”

“Says the one who’s the same.” My God! Ang adik ko pala talaga. Kasi lahat ng gusto niya kailangang… gusto ko rin. Siguro nga, tama sila, obsessed talaga ako sa kanya.

“You’re a thalassophile.” He loves seas and oceans, too. Nature lover nga kasi. Pinangarap ko nga dati na sana si Mother Earth na lang ako, eh

“You’re a dendrophile.” Napalingon ako sa kanya. Paano niya nalaman na gusto ko ng woods at forests? Na mas gusto kong maghiking, mag-adventure? Kaso hindi ko magawa ang mga iyon dahil narcoleptic ako. “It’s you, Minnie. Of course, I know,” sagot niya sa gustong itanong ng isip ko. Napangiti ako.

“You’re a pluviophile.” At isa rin siya sa mga nakikisali sa mga taong gustong-gusto ng ulan. Na komportable sa tuwing umuulan.

“You’re a nyctophile. You’re really weird.” Humalakhak siya. Napanguso na lang ako. Ano’ng weird sa taong gusto ng gabi? Ng madilim? Mas masarap kayang magsenti kapag gabi habang nakatingin sa kalawakan at mga bituin kaysa sa tuwing umuulan. Katulad na lang ngayon. Mas nakakakilig.

“You love white and red.” Natawa na rin ako. Walang kakwenta-kwenta pinag-uusapan namin. Walang kasense-sense. Pero dahil mahal mo ang kausap mo kahit pag-usapan n’yo kung ilan ang eksaktong bilang ng mga paa ng millipede ay magkakaroon ng sense.

“You love purple.” I do. Kasi iyon ang combination ng white at red. Purple or pink. Ganyan talaga ako kaadik sa kanya. Marami talaga akong alam sa kanya. Siguro kung mananatili kami sa ganitong topic pati favorite niyang brand ng brief ay masasabi ko.

Nakakakilig na marami rin siyang alam tungkol sa ‘kin. Kung ganito na kami dati pa… eh, ‘di ang saya-saya sana.

“You despise lizards.” Pinigilan ko ang mapahagalpak. Takot talaga siya sa mga iyon, pati nga sa butiki na ang liit-liit. Kaya kapag nakakakita siya ng butiki sa kisame ng bahay kakaripas na siya ng takbo at magkukulong sa kwarto. Kaya nga walang gaanong butiki sa bahay namin dahil pinapapatay niya kay Mang Juanito. Kawawa naman.

Pero gusto ko pa rin ang side niyang iyon. Ang cute niya kasi sa paningin ko ‘pag natatakot siya.

“You loathe worms.” Takot din siya sa mga iyon. Mas maliit mas nakakatakot para sa kanya. “Oh, ngayon, sino kayang mas weird sa’tin?” Nanghahamon ang mga titig ko.

Itinikom niya ang bibig. “You hate alcohol as well as cockroaches and even ants. But you like butterflies, dogs and most of all horses. You also love fairytales, Disney’s and good looking rats… Mickey and Minnie.” Kumindat siya. Natatameme ako. “And… There’s one thing I’m pretty sure of…” Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. Nilalaro ang mga daliri ko. “You love me and that’s a fact, baby.”

Umiwas ako ng tingin at ibinalik ang titig sa mga bituin. Pinipigilan ko ang pag-unat ng mga labi ko. Ang sarap sa feeling na sinasabi niyang… mahal ko siya. Hindi ‘yong hindi ko siya mahal.

“Y-You love stars.” Great! Heather, calm down. Bumalik ka lang sa usapang bituin. Nanggaling na kayo diyan.

Mahina siyang tumawa. Pinigilan niya pa iyon bago muling nagseryoso. “But I love you more than them,” malambing ang tinig niya. Damn! Ang sarap pakinggan. Pero kasi…

Magpahard to get ka! Iyon ang umiikot sa isip ko. ‘Wag muna! Konti pa…

“A-Alam mo ba na ikinukumpara kita sa mga bituin?” Kahit nagkandabuhol-buhol na ang dila ko ay hindi ako pwedeng manahimik. Pero ang lumabas sa bibig ko ay ang linyang alam kong sa’kin ulit babalik. Kaso hindi ko na pwedeng bawiin dahil nagtanong na siya ng ‘bakit’. “K-Kasi noon ang hirap mong abutin. Hanggang tingin lang ako sa ’yo sa malayo. Pinapangarap kitang mahawakan, maging akin ka pero napakaimposible niyon kasi nga bituin ka. Pero pinanghahawakan ko ang ideyang mahuhulog ka rin at gagawin ko ang lahat para ikaw ay saluhin.”

Ngumiti siya. Hinila niya pababa ang zipper ng suot niyang jacket. Wala siyang suot na damit. Idinala niya ang kamay ko sa tapat ng kanyang dibdib. Umawang ang bibig ko nang iginaya niya paunti-unti at pahagod ang nanginginig kong kamay pababa ng abs niya. Naramdaman ko ang paninigas ng kanyang muscles.

“I’m touched. You touched me.” Sinipa ko ang kanyang paa nang bigla siyang humalakhak. Hinuli niya ang isang kamay ko nang tinangka ko siyang suntukin. Nakakainis siya! Muli rin siyang nagseryoso at tumikhim. “Pero nahulog na ako at nahuhulog pa rin ako. Kailan mo ba ako sasaluhin?” Kinagat ko lang ang labi at hindi sumagot.

Sabi ko na nga bang sa ’kin ulit babalik.

“I’m happy,” maya-maya’y usal niya dahil wala talaga akong mahagilap na kataga. Matiim siyang nakatunghay sa’kin. Tila kinakabisa lahat ng anggulo ng aking mukha. “I like stars but I never compared you to stars. Nandiyan ka nga. Nakikita kita. Mahuhulog at mahuhulog ka. But I don’t like temporary things. Hanggang gabi lang kasi ‘yon. Ayokong maging bituin ka dahil ayokong iwan mo ako pagdating ng araw.”

Lahat ng dugo mula sa dulo ng kuko ko’y kinikilig na umakyat papuntang pisngi ko. Walang katumbas na salita kung paano ilalarawan ang nararamdaman ko.

Kaso bigla siyang napaupo. Muntik pa akong mauntog sa bubong dahil binitiwan niya ako. Nataranta siyang napabaling sa’kin. Kumunot ang noo ko. What now?

“Anong oras na?” Umiling ako dahil hindi ko naman alam. Napatitig siya sa suot na relo at gusto ko siyang sapakin. Nagtanong ng oras may relo naman pala. “Shit! Alas-dose na. Nagsisimula na ang war namin sa COC.”

Nagmamadali siyang bumaba ng bus. Inalalayan niya pa ako at kinuha ang nahulog kong tsinelas. Pero nang makasiguro na ayos na ako ay agad siyang kumaripas ng takbo papasok.

Napanganga ako. Hindi kumukurap na sinundan siya ng tingin. Gusto kong magwala! Mas mahal niya pa yata ang COC kaysa sa’kin.

Padabog akong sumunod. Naabutan ko siyang hindi magkandaugaga sa pagkulikat ng i-phone niya. Ka-clan niya ang buong HD at ang pangalan ng clan nila ay “Hot Dogs ng Trese”. Alam ko dahil pinakialaman ko ang cellphone niya.

Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, in-uninstall ko sana.

“Sino ba kalaban n’yo? Anong clan?” Pinipilit kong agawin ang atensiyon niya. Hindi siya sumagot. Abala pa rin siya at tutok na tutok ang mga mata sa screen. Kukuha na sana ako ng unan na ihahampas sa kanya nang bigla siyang sumagot.

“Ang Sexy Chicks. Sina Kez,” tipid na sagot niya. Umupo ako sa gilid ng kama. Kumuha ng unan at niyakap ito.

“Kasama rin si Gel? Siyam kayo sa HD. Anim lang sila sa SC. Hindi pantay ang number of members ng clan kaya paano kayo mag-wawar?” Hindi man ako naglalaro ng COC ay may ideya naman ako kung paano iyon laruin. Konti nga lang.

Ang tagal niya na namang sumagot. Iniihipan niya lang ang iilang buhok sa kanyang noo. May namumuo ring butil ng pawis dito.

“Mamaya na tayo mag-usap, Heather.” Nagpanting ang tainga ko. Tumayo ako at ibinato sa kanya ang unan.

“Magsama kayo ng COC mo!” Padabog na pumasok ako sa loob ng CR at naligo. Mainit ang ulo ko at kailangan kong kumalma.

Nakakainis!

Lumabas na rin ako pagkatapos. Tanging tapis na maiksi lang ang suot ko. Hindi ko siya pinagkaabalahang sulyapan. Pero tanaw ko sa gilid ng aking mata na sumusunod siya ng tingin sa bawat hakbang ko palapit sa maliit na cabinet.

Maglaway ka!

Hinawakan ko ang handle nito gamit ng dalawang kamay. Dahilan para mahulog ang tapis dahil hindi naman ito nakabuhol at hinahawakan ko lang. Sinadya ko talaga. Kasabay nang paglapag ng tapis sa sahig ay ang ingay ng may nahulog na kung ano sa likod ko.

“Opps… I’m sorry. Just don’t mind me!” Pasimple akong lumingon. Dilat na dilat ang mga mata at nakabuka ang bibig ni Grant. Naistatwa rin yata siya sa kinauupoan pero panay ang galaw ng Adam’s apple niya. Pinagpapawisan din siya.

Buti nga sa ‘yo!

Hindi nakatakas sa’kin ang ginawa niyang pagtitig sa katawan ko mula ulo hanggang paa. Pakiramdam ko isasabak ako sa medical examination at siya ang X-ray. Bigla akong nahiya at pinapulahan ng mukha sa’king ginawa. Bakit ba kailangang nakahubad talaga ako? Wala naman kasing undies sa loob ng CR kaya wala akong choice. Naiinis kasi ako sa kanya.

Sige, mag-COC ka pa!

Napansin ko ang cellphone niya na nasa paanan na niya. Sorry, Kuya Xyrus, pero mukhang matatalo ulit kayo nina Angel ngayon.

Agad kong pinulot ang towel at binalot sa katawan. Tumikhim ako at nagkunwaring wala lang ‘yun sa’kin kahit na ang gusto ko talaga ay kainin na ako ng lupa ngayon din.

Ginusto mo ‘yan, Heather! Kasalanan mo. Panindigan mo.

Ang tagal ko pang makahanap ng robe na ipapangbalot sa katawan ko. Hindi na ako nag-abalang lumingon. Natatakot akong makasalubong sa mga mata si Grant. Sunod-sunod akong bumuga ng hangin habang nagsusuot ng underwears. Hindi na ako nag-abalang bumalik sa CR para doon magpalit.

Bahala siya!

Pagkatapos ay inayos ko ang robe at sumampa sa kama. Tumalikod ako sa kanya. Maliit lang naman ‘tong kama mas malaki lang ng konti sa single bed.

Tumikhim siya at hinawakan ako sa balikat. Pinalis ko ang kamay niya. Hindi ko pa rin siya nililingon.

“H-Hindi ka mag-mag… uhm… magpapalit ng damit?” Gusto kong bumwelo at humalakhak sa panginginig ng boses niya. Hindi muna ako sumagot. Pinakiramdam ko lang siya at ang lalim ng bawat hininga niya. Naririnig ko pa.

Magdusa ka!

“Hindi! Naiinitan ako,” pagdadahilan ko.

Gusto kong mainitan ka rin!

“At maliit itong kama kaya ‘wag kang didikit sa’kin. Sa sahig ka matulog kung gusto mo. Sa sofa kasama sina Turner at Cygnus. O kaya tabihan mo si Mang Juanito sa driver’s seat. Pwede rin sa bubong ng bus. Malaki ang space roon. Mag-eenjoy ka!” Muli niya akong hinawakan pero pinalo ko ang kamay niya. “At ‘wag mo akong hahawakan. May war tayo! Hindi ako magpapatalo. Mag-COC ka lang diyan kung gusto mo!”

“Dammit! You need to put your clothes on, Minnie. You can’t sleep like that, almost naked, next to me.” Pasimple akong lumingon. Ginugulo niya ang buhok niya. Ni ang tingnan ako ay hindi niya magawa.

“Oh really? But… I can and I will, Mickey.”  Nilambigan ko ang boses. Hinila ko ang kumot sa ulohan ko at binalot sa’king katawan. Kinagat ko ang labi at mahinang umungol. “Hmmm… I need to sleep. But you can’t sleep with me.” Inaantok na boses ang ginamit ko. Niyakap ko ang unan. Naramdaman ko ang pagtayo niya hanggang sa marinig ko ang pabagsak na pagsara ng pinto ng CR. Napangisi ako.

*.*.*.*.*

PAGDILAT KO ng mga mata ay nakangising mukha ni Grant ang una kong nakita. Napangiti rin ako pero agad naglaho nang maalala na war pala kami kagabi.

“Dito ka natulog?” sita ko sa kanya. Itinulak ko siya palayo. Wala siyang suot na pantaas at nakaboxers lang siya, kulay pula pa. Nakarobe pa rin ako dahil bago siya lumabas ng banyo’y nakatulog na ako. “’Di ba sinabi kong ‘wag kang tatabi sa’kin?” Hinampas ko ang unan sa kanya.

Tumawa ang loko habang hinuhuli ang kamay ko. Nang mahuli ay dinala niya ito sa pagitan namin. Nawala talaga ang antok ko. At umagang-umaga pinapakulo niya ang dugo ko.

“Wooh! Calm down, baby. I didn’t touch you. I didn’t do anything stupid. I didn’t taste you, too. Kahit gustong-gusto ko.” Napaawang ang bibig ko. Umaga pa lang pero nakakabaliw na mga lumalabas sa bunganga niya. “So, you don’t have anything to worry about, Minnie. But… I tasted you in my dream. And, I woke up knowing what I wanted for breakfast.”

“Grant…” Napatili ako nang dumagan siya sa’kin. Naitukod ko ang mga palad sa dibdib at tiyan niya.

Agad ko ring natanggal nang mahawakan ang matigas na muscles. Tila napaso ako na nakuryente na hindi ko alam. Sa ginawa ko ay mas lalo niyang inilapat ang katawan sa’kin. Parang mapipisa ako kasi ang bigat-bigat niya.

“H-Hindi ako makahinga…” Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at inilapag sa magkabilaang tagiliran ng ulo ko.

Nalilis ang laylayan ng roba sa pagtatangka kong makawala. Naigalaw ko ang mga paa pero ibinuka niya ang mga binti ko at puwesto siya sa gitna. Napasinghap ako’t mariing kinagat ang labi.

Tumaas ang gilid ng bibig niya. Sumilip ang kanyang dimples at gusto kong magwala. He knows my weakness. My flaws.

Inilapit niya ang labi sa bibig ko at dinampian ito ng nanunuksong halik. “I wanted you for breakfast, Minnie.”

Napamura ako sa isip nang maamoy ang mabango niyang hininga at lasang menthol na mga labi niya. Shit! Nakapagtoothbrush na siya at ako hindi pa. This isn’t fair!

Gumalaw siya sa at pinigilan kong hindi mapaungol pero nabigo ako. Tumutusok iyon sa gitna ng hita ko kahit na nakaboxers siya. Kahit na may suot akong underwear at may robe pa ako’y nararamdaman ko talagang handang-handa na siya. Pamura, tang—aaah!

Naiinis ako sa sarili ko dahil nagrereact ang katawan ko sa ginagawa niya. Sa bawat patuksong paggalaw niya. “Let’s have our breakfast.”

“Hindi ako pagkain. And… A-and—” Hirap na hirap akong magsalita dahil natanggal na niya ang pagkakabuhol ng suot kong robe. His fingers were playing on my navel. Wala akong magawa dahil nasa tuktok ng ulo ang mga kamay kong mahigpit niyang hawak gamit ang isang kamay. “And I don’t want to eat you, G-Grant…”

Lumapad ang ngisi niya. Imbes na mainsulto ay mas lalong kumislap ang kanyang mga mata. Gumapang ang kamay niya pataas ng dibdib ko pero muli ring bumaba at nilaro ang garter ng underwear ko at patuksong ipapasok ang kamay sa loob pero hindi rin naman itutuloy.

Holy shit! Malapit na akong maihi. Kakagising ko pa lang at hindi pa ako nakakaihi.

“My God, Grant... this isn’t a b-breakfast. T-This is rape.”

Humalakhak siya. Hinawi niya ang mga hibla ng buhok ko sa leeg at isinubsob doon ang ilong niya. Napapikit ako nang hinalikan niya ako roon at bahagyang kinagat. Pigil na pigil ko na ang muling mapaungol pero hindi ko napigilan ang mapaliyad. Dahilan para muling dumikit iyon sa gitna ng hita ko.

Tila nakuryente ulit ako. Nakakapanindig-balahibo ang ginagawa niya. Nakakawala ng common sense.

“See? This isn’t rape. You wanted me, too. But, if you don’t want to eat me, it’s okay. I’ll just eat you, then.”

Ibinalik niya ang isang kamay sa tiyan ko at naglumikot ito papuntang likod ko. Nawindang ako kung paano niya ekspertong naalis ang lock ng bra ko. “You started this. You teased me. You seduced me, Minnie. Then you left me hanging torturing from within while you were peacefully sleeping and snoring. I satisfied myself having you just in my dreams. Now, I wanted to taste you for real and you don’t have any choice but to surrender. We both know that I’m the victor for your own little game here.”

Pucha! Ba’t ba siya English nang English, ha?

Pero hindi ko napigilang ipikit ang mga mata. He completely shut me up when he kissed me passionately while his hands were busy playing with the curves of my breasts and my body.
--

#IAR #InaREALationSHIT

Click the ★ button.

Continue Reading

You'll Also Like

34.3K 1.8K 22
Mighty Jocks Series Book # 01
58.8M 1M 105
[Published under Summit Pop Fiction and TV Adaptation under TV5 Wattpad Presents] Si Zandra ay isang babaeng halos perpekto na pero para sa kanya, ma...
22.4K 956 22
"Painting a rainbow... painting fate."
1.9M 15.3K 87
It's so good to love someone so much it hurts, right?