Surrender

By sweet_aria

5.9M 124K 7.1K

Challenges, pains, heartbreaks. These are inescapable things that every person would experience in reality. S... More

Surrender
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 13

107K 2.6K 240
By sweet_aria

Chapter 13

"Ate!" Masiglang sigaw ni Neo mula sa loob ng bahay nang makita akong pababa ng Chrysler.

Inalalayan ako ni Phoenix.

"Thanks." Iniwas ko ang tingin sa kanya.

Isinara niya ang pinto at pinadausdos ang kamay sa aking bewang. Nakaramdam ako ng pagkailang. Mabilis ang pagkalat ng init sa aking pisngi. Gusto ko mang alisin ang kamay niya pero hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit ayaw kumilos ng mga kamay ko para palayuin siya.

"P-phoenix..."

Bumaba ang tingin niya sa akin. Kumunot ang kanyang noo at mas hinigpitan pa ang pagyakap sa aking baywang. Ang seryoso niyang mga mata ay lumamlam nang magtama ang paningin namin.

"Yes?" Tumikhim siya.

Muli kong iniwas ang tingin. Hindi ko na napigilan ang pagtakas ng ngiti sa aking labi nang maalala ang ginawa niya kagabi. He was there all the time to comfort me. He was there all the time I was crying because of my asshole ex-boyfriend.

"T-thank you kagabi."

Napatingin ako sa kamay niya sa aking bewang. Kinagat ko ang ibabang labi nang maramdaman ang marahang paghaplos nito sa aking kurba. Nang iangat ko ang tingin sa kanya ay parang hindi na niya masupil ang ngiting nagbabadyang magpakita.

"That's nothing. My job is to erase the unpleasant and painful memories of the past, binibini." Tumigil siya sa paglalakad at ganoon din ako. Hinalikan niya ako sa noo na ikinabigla ko. "Don't cry for him again. Please, don't."

I nodded and he dragged me inside the house. Simula kagabi ay unti-unti parang nasasanay na ako sa presensya niya. Nasasanay na ako na lagi lang siyang nasa tabi ko.

"Akala ko ba gusto mo si Kuya Phoenix para kay ate? Bakit ngayon ay parang biyernes santo ang mukha mo?" Usisa ni Nymph kay Neo na nagpatigil sa aming dalawa ni Phoenix.

"Gusto pero-"

"Pero natatakot kang iwanan tayo ni ate?"

"Bakit ikaw ate Nymph, gusto mo na bang mag-asawa si ate?"

Sa edad ni Neo na magwawalong taon ay nakagugulat na marinig mula sa kanya ang tungkol sa bagay na ito.

"Pag... pag nagpakasal si Kuya Phoenix at ate, iiwan niya din tayo. Kagabi pa nga lang, hindi siya umuwi diba?" Tumungo siya at umiling-iling. "Gusto kong makasama si ate hanggang sa magkatrabaho na din tayo. Gusto kong tayo naman ang mag-alaga sa kanya-"

"Neo pagiging makasarili 'yan." Buntong-hininga ni Nymph. Inakbayan niya ito at niyakap.

Narinig ko ang pagkawala ng hikbi mula sa bibig ni Neo.

"Nakita mo naman si ate nitong mga nakaraang linggo diba? Iyak siya nang iyak dahil kay kuya Nigel. Bakit Neo? Gusto mo bang araw-araw na makita si ate na ganun?"

Matagal bago sumagot si Neo. "Hindi po."

"Iyon naman pala. Bakit hindi na lang tayo maging masaya para sa kanya? Saka sure naman ako na hindi tayo iiwan ni ate. Mahal na mahal niya tayo."

Tumikhim si Phoenix. Hindi magkandauga-uga sa pagpapahid ng pisngi si Neo. Si Nymph naman ay umaliwalas ang mukha nang makita kaming dalawa.

"Ate!" Tumayo siya at tumakbo palapit sa amin. Niyakap niya ako at humalik sa aking pisngi. "Kumain ka na po?"

Umiling ako. Ibinaling niya ang atensyon sa lalaking katabi ko. "Kuya..."

Ginulo ni Phoenix ang buhok ni Nymph. Napangiti ito. Tumalikod siya na ipinagtaka ko. Saka ko lang nalaman ang dahilan nang bumalik siya dala ang mga pina-take out niyang pagkain mula sa mamahaling restaurant na nadaan namin.

"Nasaan ang nanay, Nymph?" Tanong ni Phoenix.

Ngumuso si Nymph at makahulugang tumingin sa akin. Kinunot ko ang aking noo pero nang makita ang ngisi niya ay nalaman ko na ang dahilan. Nag-init ang pisngi ko at ako na mismo ang kumuha sa mga dalang pagkain ni Phoenix. Kung kanina ay nahihiya pa ako nung dumaan kami sa restaurant para bumili nito, ngayon ay hindi ko na inisip iyon. Gusto kong ibaling ang atensyon ng kapatid ko sa ibang bagay at hindi sa amin ni Phoenix.

Pagkatapos kong ihanda ang mga pagkain ay pumunta ako sa kwarto ng nanay. Nadatnan ko siyang nakahiga.

"How's my beautiful mother?" Hinalikan ko ang kanyang noo at umupo sa kanyang tabi.

Tipid siyang ngumiti. Dahan-dahan ko siyang iniupo at noon ko lang napansin ang nurse na nakatayo sa tabi. Tumango ito at naiwan kami ng nanay.

"Ayos naman Millicent. Bakit ka nga pala hindi umuwi?"

Hinaplos ko ang kanyang buhok. Iniwas ko ang tingin sa kanya. "Nay, nagpakita si Nigel sa akin kagabi." Kwento ko. "Gabi na nang lumabas ako sa CARESS. Inalok ako ni Phoenix na sa kanila na muna magpalipas ng gabi. Nay, pasensya na at hindi ako nakauwi ah." Muli kong ibinalik ang tingin.

Tumango siya at dahan-dahang tumayo. Lumabas kami ng kwarto at dinala siya sa hapag-kainan. Kumain kaming lima, halos mabingi ako sa katahimikang namagitan. Gusto kong magsalita ang nanay dahil sa hindi ko pag-uwi kagabi. Gusto kong malaman kung ano ang iniisip niya. Ayoko siyang magalit. Ayoko din na may isipin siya tungkol sa amin ni Phoenix.

Pagkatapos kumain ay pinagmasdan ko ang pagtayo ng nanay.

Tumingin siya kay Phoenix. "Hijo, maaari ba kitang makausap?"

Walang pag-aalinlangang sumunod si Phoenix sa nanay. Tumungo silang dalawa sa kwarto.

"Ate..."

Nilingon ko si Neo na tumutulong kay Nymph sa pagliligpit ng mga pinagkainan. Lumapit ako at kinuha ang mga plato sa kanyang kamay.

"Ako na-"

"Ate hanggang ngayon po napapaisip ako tungkol sa birthday ng nanay."

"Neo!" Tawag ni Nymph dito.

Binitawan ko ang mga plato at umupo. Mapakla akong ngumiti at binalingan si Nymph. Alam ko naman na darating ang oras na magtatanong si Neo tungkol dito. Nag birthday nga naman ang nanay pero iba ang paraan ng pagbati namin sa kanya. We greeted her 'happy mother's day' instead of 'happy birthday'.

"Neo... bunso." Isinenyas ko ang aking kandungan at pinaupo siya dito. Niyakap ko siya at hinalikan ang kanyang ulo. Matalino talaga siyang bata na kahit ilang linggo na ang lumipas ay may mga bagay na hindi mo magagawang itago sa kanya. "Birthday ng nanay noong namatay ang tatay. Dalawang taon ka pa lang noon." Lumunok ako at ipinikit ang mga mata.

Tumikhim si Nymph. "Ate, madalas kasi siyang magtanong tungkol sa bagay na iyan. Napagalitan siya ng nanay nang batiin niya ito ng happy birthday."

Inimulat ko ang mga mata. Bahagya kong inilayo ang mukha kay Neo at pinagmasdan ang mukha niya. Namumula ang kanyang mga mata. Agad kong pinunasan ang tumulong luha sa kanyang pisngi.

"Shh." Hinalikan ko ang kanyang noo. "Tahan na. Intindihin mo na lang ang nanay. May sakit siya Neo. Alam mo naman iyon hindi ba?"

Tumango siya at maya-maya ay kumalas sa akin. Malungkot akong ngumiti. Alam kong nagtatampo siya sa nanay.

Lumabas siya ng bahay at ako na ang naghugas ng mga pinagkainan. Pinupunasan ko ang mga plato nang may humawak sa magkabila kong balikat. Pinatatag ko ang sarili at dahan-dahan siyang hinarap.

"I'm going. Will fetch you later, binibini." Ngumiti siya at binitawan ako.

Palabas na siya ng bahay pero piniit ko siya. "Phoenix! A-anong pinag-usapan ninyo?"

"Nothing." Kibit-balikat niya. "Alagaan lang daw kita at wag sasaktan." Ngumiti siya at nag-iwas ng tingin. "Kahit naman hindi niya iyon sabihin. Gagawin ko pa din."

Buong araw ay hindi ko mapigilan ang mapangiti sa tuwing naaalala ko ang mga sinabi ni Phoenix. Kahit nasa trabaho ay hindi mawala sa isip ko ang ngiti niya sa tuwing kinakausap niya ako at nagbibitaw siya ng mga ganoong salita.

"Hoy bruha!" Tinapik ako ni Asia sa balikat.

Nilingon ko siya. Nakangisi siya at pinaikot-ikot sa daliri ang ilang hibla ng buhok.

"Kanina ka pa namin tinatawag. Ang boyfriend mo nasa labas-"

"Sino?" Tanong ko.

"Yung gwapo hindi yung gago!" Natatawang sabi ni Oria.

Agad kong kinuha ang bag at nagpaalam. Nakapagkwento na kasi ako sa kanila kanina tungkol sa mga nangyari nitong nakaraang araw pati na iyong tungkol sa kahapon. Ramdam ko ang awa nila pero sinabi kong kaya ko.

Ngayon tuloy ay hindi sila magkamayaw sa pang-aasar. Panay ang tili at kinikilig na tawa ang narinig ko pero hindi ko na sila pinansin. Dumiretso ako sa parking lot at tama nga ako ng hinala nang makita si Phoenix na nakasandal sa kanyang Chrysler.

Ngumiti siya at hinaplos ang buhok. Lumapit siya sa akin at kinuha ang bag na nakasukbit sa aking balikat. Lumayo siya nang kaunti at tinitigan ako. Lumunok ako nang haplusin niya ang buhok ko.

"Still exquisite even when tired huh?"

Nag-init ang aking pisngi. Sinakop ng kanyang kamay ang akin at inalalayan ako pasakay sa kanyang sasakyan.

Nang pareho na kaming nasa loob ay tumahimik lang ako. Nagpatutog siya. Sumandal ako sa headrest ng kotse at ipinikit ang mga mata.

"Dumaan ako sa inyo. Nandoon ulit ang isa sa mga katulong ko pati na ang nurse."

Nilingon ko siya. Sumulyap siya sa akin.

"Nagsabi ako sa nanay mo. Sabi ko ay sa akin ka muna matutulog-"

"Phoenix, iuwi mo ako." Pinilit kong ngumiti. Bumuntong-hininga ako at pinaglaruan ang mga daliri. "Nakakahiya na. Baka sabihin na lang ng mga tao sa bahay niyo, para akong reyna para pagsilbihan pa nila."

"They'll be fired if they say that. Don't bother thinking about my maids. They won't mind." Tumikhim siya. "Isa pa... Ikaw ang reyna ko. Ikaw naman talaga."

Napalunok ako. Hindi ko na siya nagawang balingan man lang o sulyapan dahil sa hindi inaasahang reaksyon ng dibdib ko.

"What do you want? I can cook." Tanong niya habang bumababa ng sasakyan. Inihagis niya sa isang tauhan ang susi at hinawakan ang aking kamay.

Pilit akong kumawala pero kinunotan niya lang ako ng noo.

"Why are you restraining? Wag kang mahiya. Simula ngayon ay ako na ang boyfriend mo-"

"Hindi ka pa nga nanliligaw, boyfriend na agad." Tuluyan na akong napabitaw sa kanya dahil sa diretsong paglabas ng mga salitang iyon sa aking bibig. Pakiramdam ko ay nanghina ang tuhod ko nang seryoso niya akong tinitigan.

Ngumisi siya at tinaasan ako ng isang kilay. Kinagat ko ang labi ko at lalagpasan sana siya nang bigla niyang hawakan ang aking braso.

"You're now willing to be my girlfriend?"

Tumikhim ako. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang reaksyon ng dibdib ko sa mga nangyayari. Ilang buwan pa lang ang nakararaan, hindi pa nga yata umabot sa dalawang buwan at kahapon lang ay nagkita kami ni Nigel. Kahapon lang ay ramdam ko pa ang pananabik sa lalaking iyon pero ngayon ay hindi ako makapaniwala sa nagiging reaksyon ko sa mga nangyayari.

Ready na ba talaga akong kalimutan si Nigel?

"Wala akong sinasabing ganyan."

Bumaba ang kanyang kamay sa akin. Pakiramdam ko ay mauubusan ako ng hininga nang muli siyang ngumiti.

"I'm ready to be used, binibini. Alam ko ang iniisip mo. Pero handa akong maging panakip butas. Handa akong maging rebound. Handa akong magpagamit."

Tama siya, iniisip ko din na baka nga ganoon ang mangyari pero pipilitin kong hindi.

Pinisil ko ang kanyang kamay. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya hanggang sa dumampi ang labi ko sa labi niya. I smiled as I pulled away.

"You won't be a rebound." Hindi ko na siya hinintay pa na magsalita at dumiretso sa kanyang kwarto. Nang isara ko ito ay sumandal ako. Hindi ko maintindihan kung bakit para akong naghahabol ng hininga.

Bumaba ako pagkatapos ilagay ang gamit ko at dumiretso sa kusina. Sumulyap siya sa akin habang kausap ang mga katulong. Iniwas ko ang tingin at lumapit sa kanila.

"Pwede po ba akong tumulong-"

Hindi ko na natapos ang sinasabi nang maramdaman siya sa aking likod. I heaved a breath and turned around to face him. Nag-alisan naman ang mga katulong.

"Favorite food, barbeque." Tumikhim siya at umatras. Tinanggal niya ang coat.

Nanlaki ang aking mga mata nang tanggalin din niya ang iba pang damit na tumatakip sa kanyang katawan. Tatalikod sana ako pero mabilis niyang nahawakan ang aking bewang.

"Color, violet. Movie, Titanic. Song, My Heart Will Go On." Sumeryoso ang kanyang mukha. "First Crush, Nigel-"

"Phoenix..." Pigil ko sa kanya. Hindi ko maintindihan kung bakit sinasabi niya ang mga ito.

"First Love, Nigel." Idinikit niya pa akong lalo at inilapit ang labi sa aking tainga. Nagtaasan ang aking mga balahibo. Mahina siyang humalakhak. "Ultimate crush, and true love will be me." Hinaplos niya ang batok ko na alam kong ramdam niya na nagtataasan ang mga balahibo. "I'm your forever, binibini. Phoenix Elizer Dela Vega will be your definition of forever." Lumayo siya at dinampot sa countertop ang apron. Nagsimula siyang kumilos.

"A-ayaw mo talagang tulungan kita?" Kinagat ko ang aking labi dahil sa pagkautal ko. Umikot ako at umupo sa isa sa mga upuan. Hinaplos ko ang aking mga tuhod na ramdam ko ang panghihina.

"Tomorrow night you can do everything you want in this kitchen. But now, let me cook for you." Aniya.

Kinagat ko ang labi sa pagpipigil ng ngiti. Hindi ko na muling ibinuka ang bibig hanggang sa matapos siya.

Inihanda namin ang mga niluto niya at sabay kaming kumain. Ngayon ko lang nalaman na ganito pala siya kasarap magluto.

"You're staring at me the whole time. You're going to melt me." Aniya at sumubo ng kanin.

Nag-init ang pisngi ko at napainom ng tubig. Mahina siyang tumawa.

Nag-eenjoy ako na makita siyang ganito kasaya. Aware ako na maloko ang Dela Vega na ito high school pa lang pero hindi ko alam ang dahilan kung bakit bigla siyang nagbago. He became too serious that he seemed to forget how to kid like this.

Pagkatapos kumain ay inaya na niya akong umakyat sa kwarto. Hindi ko nga alam kung paano kikilos ng tama kung hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagbibihis ng kahit anong damit.

Isinara niya ang pinto at nilock ito. Nang maramdaman ko ang mga mata niya sa akin ay agad akong tumungo sa kama at umupo. Inalis ko ang aking sapatos.

"Ako na." Lumapit siya sa akin at lumuhod sa harap ko.

Hindi na ako nakapagprotesta nang hawakan niya ang aking paa at alisin ang sapatos kong pantrabaho.

"P-paano mo nga pala nalaman ang mga gusto ko?"

Iniangat niya ang tingin sa akin. Nagtama ang aming mga mata. Dahan-dahan siyang tumayo at umupo sa tabi ko. Iniharap niya ako sa kanya.

"P-pwede bang..." Iniwas ko ang tingin sa kanya at tinuro ang kanyang dibdib. "Pwede bang magbihis ka muna bago mo sabihin sa akin kung paano at anong dahilan kung bakit alam mo ang lahat ng tungkol sa mga iyon?"

"Masusunod, binibini."

Napangiti ako. Tumayo siya at tumalikod. Nang bumalik siya sa harap ko ay bihis na siya.

"Now, can I request something too?" Seryoso niyang tanong.

"Ano?"

"Can you remove your clothes so that I'm the one who will enjoy the scenery now?"

Namilog ang aking mga mata at hinampas siya sa balikat. Humalakhak siya at kinulong ako sa kanyang bisig. Hindi ko na din napigil ang tumawa dahil sa kalokohan niya.

"I'm just kidding. See, you're now laughing." Hinalikan niya ang pisngi ko.

Lalayo sana ako para magbigay ng kahit konting space dahil masyado na kaming malapit sa isa't-isa kaso ay mabilis niya akong nahigit at iniupo paharap sa kanyang kandungan.

Pinisil niya ang kanyang ilong gamit ang kanang kamay. Ang kaliwa niyang kamay ay nakapulot sa aking bewang.

"Madami akong alam sayo na hindi mo alam na alam ko. You don't need to ask why I did that. You know, this man is a f ucking stalker of yours."

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 26K 65
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #1 Highest Rank: #13 in General Fiction ** Eunice Dizon met Nathaniel Marquez when th...
32M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
90.6K 4K 39
(Monteciara Series 2: Claudine Leighrah Monteciara) "Why is it so easy to fall in love and yet so hard to be loved back?" *** Claudine Leighrah Monte...
9.1K 90 1
Perseus Samael Suarez -- VIP Start: November 27, 2023