When Mr. Gorgeous is Jealous

By winry_elrick

5.9M 101K 4.8K

When Miss Genius Gone Mad Book 2 Copyright 2015 All Rights Reserved More

All Rights Reserved
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53 (Final Chapter)
Author's Note

Chapter 11

77.1K 2.3K 40
By winry_elrick

Dustin Villaverde

"Ano, aalis ka na sa makalawa?" Nabibiglang tanong ni James. Narito rin sina Eunice, Exel, Kyle, Elisa at Maureen. Nag-text naman si Ashley at sinabi nitong on the way na ito kasama si Melendez. Inimbitahan ko silang lahat rito upang ipaalam sa kanila na sa makalawa na nga ang lipad ko papuntang States.

"Bakit wala si beh, may L.Q kayo 'no?" Ani Eunice sabay inom ng brandy.

"Oo nga pala bro, kahapon ka pa niya tinatanong sa'kin. Hindi mo raw sinasagot ang mga tawag niya, anong nangyari?" Si Kyle naman itong nagtanong. Nilagok ko muna ang laman ng aking baso bago sumagot.

"This is my farewell party at ang gusto ko lang ay magsaya. Order anything that you mine and it'll be on me."

Nagtanong pa sila uli nang tungkol sa amin ni Jen pero lahat nang 'yon ay iniwasan kong sagutin. Uminom ako nang uminom hanggang sa malunod ako sa alak. Pero kahit anong klaseng pagpapakalunod ang gawin ko ay hindi pa rin nawawala ang sakit na nararamdaman ng aking puso. Hindi ko matanggap na ang labis na pagmamahal ko kay Jen ang siyang magiging dahilan para sumuko siya at maghanap ng iba.

Dahil sa dami nang nainom ko ay kinailangan kong pumunta sa restroom. Kakatapos ko lang mag-banyo at pabalik na sana ako sa mga kasama ko nang bigla akong mapahinto dahil sa hilo. Sumandal muna ako sa dingding at nang mawala ang pagkahilo ko ay hinugot ko ang aking cellphone mula sa bulsa ng pantalon ko. Hindi ko naiwasang maluha habang nakatingin sa aking cellphone na ang nakalagay na wallpaper ay picture naming dalawa ni Jen.

Maglalakad na sana uli ako nang bigla akong banggain ng isang babae.

"I'm sorry." Sabi no'ng babae sabay dampot sa nalaglag kong cellphone, pero sa halip na ibalik sa akin ay tinitigan lang niya 'yon saka niya ako tinanong. "You're name is Dustin right?"

"Yes." Sagot ko sabay hablot ng phone ko sa kamay niya. Aalis na sana 'ko pero hindi ko nagawa dahil bigla siyang nagsalita.

"Masuwerte ka sa girlfriend mo, kaya hindi mo na dapat siya pakawalan." Sambit niya na lubos kong ipinagtaka.

"By the way, I'm Erika. Nurse ako sa University na pinapasukan ng girlfriend mo, nabanggit niya na masyado ka raw seloso." Sabi pa niya at pagkatapos ay nagsaysay pa siya ng kuwento.

Lumabas saglit si Nurse Erika para bumili ng snack at pagbalik ng clinic ay may nadatnan siya roong paseyente.

"Pa'no Zac, maiwan na kita ah. Hinihintay na kasi ako ni Dustin eh." Sabi ni Jen kay Zac.

"Puwede bang huwag ka munang umalis. Samahan mo muna 'ko hanggang sa magamot ang sugat ko. At may kotse 'yong jowa mo di ba, baka puwedeng magpa-drop ako sa may Perez St." Pakiusap ni Zac na agad pinagbigyan ni Jen.

Maya-maya ay nag-CR si Jen at nang makabalik ay sinabihan siya ni Zac na tumawag ang boyfriend nito.

"Ha, bakit mo sinagot? Sana hindi mo na lang sinagot. Nako, baka iba na ang isipin no'n." Balisang sinabi ni Jen.

"Don't worry, magpapaliwanag ako sa kaniya." Ani Zac.

"Seloso ba 'yong boyfriend mo?" Tanong ni Nurse Erika kay Jen.

"Nako, hindi lang po seloso kundi ubod ng seloso."

"Pareho pala tayo, seloso din 'yong boyfriend ko. 'Yong tipong mapapagod ka na lang dahil nasasakal ka na. Ikaw ba, gano'n din?"

"Minsan dumadating ako sa punto na, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko kay Dustin, sa totoo lang ay sakal na sakal na 'ko sa kaniya. Pakiramdam ko ay para akong ibong ikinulong sa hawla at inalisan ng kalayaan. Nakakapagod na... Pero, 'yong sakal na 'yon ang klase ng sakal na hahanap-hanapin ko, na kahit higpitan niya ang pagsakal sa'kin ay makakahinga pa rin ako. Na kapag bumitaw siya ay lalo akong mamamatay." Ang naging sagot ni Jen.

"Ah, you are so sweet." Sabi ni Nurse Erika. "May picture ka ba ng boyfriend mo, puwede kong makita?"

"So, ayon na nga. Kaya ko nalamang ikaw ang boyfriend niya ay dahil nakita kong pareho kayo ng cellphone wallpaper." Sambit ni Erika matapos nang mahaba niyang kuwento. Maya-maya pa ay nagpaalam na rin siya.

Naiwan naman akong tulala habang puno nang pasisisi ang aking kalooban. Hinusgahan ko agad si Jen nang dahil lang sa sinabi niya na kung tutuusin ay bahagi lang pala ng buong katotohanan.


Faith

"Dustin, are you alright?" Tanong ko kay Dustin na nadatnan ko rito sa hallway na lasing at parang wala sa sarili.

"I'm sorry beh, I'm really sorry. Hindi ko sinasadya, please forgive me. I'm sorry and I love you so much." Pagkatapos sabihin iyon ni Dustin ay bigla na lang niya akong hinalikan sa labi sa pag-aakalang ako si Jen. Hindi naman ako umangal dahil ang totoo ay gustong-gusto ko ito kaya hinayaan ko lang siyang mag-enjoy sa mga halik ko.

Pero hindi ko inasahang biglang susulpot ang totoong Jen para sirain ang gabi ko. Agad siyang lumapit at pinaghiwalay kami ni Dustin.

"Beh?" Ani Dustin na parang nabuhusan ng malamig na tubig no'ng malamang ako pala ang kahalikan niya at hindi si Jen. Lalapit sana siya sa pinakamamahal niyang girlfriend pero hindi niya nagawa dahil bigla itong nagsalita.

"Kaya pala ayaw mong sagutin ang mga tawag ko, 'yon pala---" Sabi ng basag na boses ni Jen na pagkatapos ay bigla na lang umiyak sa harap namin.

Oh my, I really like this kind of scene.

"Beh please, let me explain, mali ang nakita mo." Sinubukan ni Dustin na hawakan si Jen pero sinampal lang siya nito.

"Anong mali, gagawin mo pa 'kong tanga?!" Sigaw naman ni Jen habang patuloy pa rin ang pagbuhos ng kaniyang mga luha. At para lalo siyang masaktan ay sumali na 'ko sa usapan nila.

"Sinabihan na kita 'di ba, na puwedeng maging kayo pero hindi mo siya maaring mahalin dahil masasaktan ka lang. Nakalimutan mo na ba Jen? Dustin is my future husband."

"Shut up!" Sigaw ni Dustin na akin lang binalewala. Ilang saglit pa ay umalis na si Jen.

Susunod sana si Dustin pero hindi niya nagawa dahil kumapit ako sa kaniyang braso.

"Ano ba, bitawan mo 'ko!" Sabi niya at nang makawala ay tuluyan na siyang lumabas ng bar para sundan si Jen.

Continue Reading

You'll Also Like

4.5M 67.4K 60
When Miss Genius Gone Mad Book 3 Copyright 2016 All Rights Reserved
61K 5.7K 129
"I wish I realized much sooner how important you are, my wife, my president, my everything."
82.6K 4K 37
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
528K 103 1
Para makakuha ng mga kopya sa talumpating ito bisitahin ang: https://www.sata-ka.blogspot.com