Substitute Mom (KathNiel) COM...

By TheBestDamnThingxx

496K 10.1K 388

FOREVER is a battle between LOVE, SACRIFICES and PAIN.. Reached: #11 in Fanfiction ©TheBestDamnThingxx Start:... More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chpater 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Besties
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 16.2
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chaptet 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Dedications-Farewell
Book 2

Chapter 38

7.2K 143 10
By TheBestDamnThingxx

Chapter 38

Kathryn's Point of View

Pauwi na kami ni Daniel. Natapos na naman lahat ng trabaho niya sa Batangas, si Tito na lang daw ang bahala sa iba pa. Dahil maaga kaming umalis nakarating kami agad sa bahay, hindi kasi namin masyadong naabutan ang traffic.

Pagka-park ni DJ ay pibagbuksan niya ako.

Iniwan ko siya doon at pumasok na agad sa loob. Nakita kong kalong ni Ate Roe si Jordan.

"Baby! Mommy's here na." sabi ni Ate Roe nang makita niya ako.

Agad akong lumapit at kinuha siya.

"Hi! Na-miss kita." sabi ko habang hinalik halikan siya sa pisngi, napahagikhik naman siya. "Hindi ka ba makulit sa Tita? Ha?" kausap ko pa sa kanya.

"Ay nako, Kath. Mabait, iiyak kapag walang kasama." napangiti naman ako.

"Very good ang baby ko, madaming pasalubong si Mommy. Ayy, Ate ang dami din naming dala ni DJ para sa inyo." sakto naman na pumasok si DJ na dala ang mga gamit namin.

Napasigaw naman ng 'Daddy' si Jordan nang makita ang ama. Hindi naman ata narinig ni DJ kaya lumabas ulit siya. Mayamaya ay pumasok ulit ito na dala ang mga pasalubong namin. May mga kakanin pa nga bigay ni Lola.

Lumapit si DJ at sumalampak sa tabi ko.

"Daddy oh." inabot ko sa kanya si Jordan.

Kinuha niya at pinangigilan na ikinatawa naman ng malakas ni Jordan. Na miss nila ang isa't isa.

"Ang cute niyo talagang tatlo." sabi ni Ate Roe. "Nandito naman na kayo. Uuwi muna ako. Saktong kailangan ko ding alamin ang shop ko." kinuha ko muna ang mga pasalubong naming dala.

"Ah sige. Salamat ng marami, Ate." buhat ni Daniel si Jordan. Hinatid namin si Ate sa labas at nilagay ko ang mga pasalubong sa backseat.

"Salamat sa mga pasalubong. Kath, Dj. Sa uulitin. Bye. Baby!" kumaway siya sa amin saka nag-drive paalis.

Punasok na kami ng bahay. Nagpabuhat sa akin si Jordan, humikab siya ng ilang beses at nagkusot ng mata. Antok na baby ko.

"Sleepy, Baby? Hmmm?" ipinatong ko ang ulo niya sa balikat ko at hinimas ang likod niya. "DJ, ikaw din. Tabihan mo 'to kapag nakatulog na. Magluluto pa ako." bulong ko, dinala ko si Jordan papunta sa kwarto, sumunod lang sa amin si DJ.

Naunang humiga si DJ dahil antok na antok na daw talaga siya, habang si Jordan ay hinehele ko pa. Nakakamiss talaga ang bubwit na 'to. Hinawi ko ang buhok na tumatabon sa muka niya. Ang haba na, ayaw naman ipaputol ng ama. Mas bagay din naman sa kanya.

Nang mahimbing na sa pagtulog ay itinabi ko kay DJ, nilagyan ko ng unan ang paligid niya para hindi siya mahulog.

Umupo ako saglit sa tabi ni Jordan at pinagmasdan sila sa pagtulog.

"Mahal na mahal ko kayo." hinalikan ko sila sa noo saka ako nagpasyang bumaba sa kusina.
--
Kinaumagahan gumising ako ng maaga para ipaghanda ng umagahan si Daniel. Pumunta muna ako sa kwarto niya para gisingin siya. Sinilip ko muna ang crib ni Jordan. Ang likot matulog, hindi na siya nakakumot at ang mga unan niya nasa paanan. Inayos ko ang kumot at nilagay hanggang leeg niya. Malamig kasi sa kwarto ni Dj.

Lumapit ako kay Daniel na naka-talukbong ang kumot. Tinukod ko ang isang kamay ko para maabot ko siya ang isa naman ay ipinantakip ko sa likod niya.

"DJ, gising na." hindi niya ako pinansin. "Dad, tatanghaliin ka po." tinanggal ko ang kumot na tumatakip sa mata niya, nagulat akong namumutla na siya. Kinapa ko ang noo niya, diyos ko! May lagnat ang loko.

"Daniel! Anong nangyayari sa'yo? Ang init mo." nagising naman siya sa pagsasalita ko. Hinawi ko ang kumot pababa para makapa ko ang likod niya. Basa nga ng pawis. Hinila niya ang kumot.

"Malamig." ungot niya. Agad akong lumapit sa aicon at pinahinaan.

Sumunod akong pumunta sa cabinet niya at kumuha ng panibagong damit.

"Magpalit ka muna ng damit." tinulungan ko siyang magpalit dahil masakit daw ang katawan niya.

"Kagabi ka ganyan? Hindi ka nag-sasabi, nandiyan lang naman ako sa tabi ng kwarto mo. Pahiram ako ng cellphone mo, tatawagan ko si Tito. 'Wag ka munang pumasok." inayos ko ang kumot sa katawan niya. Dahil sa pagod kaya siguro nagkasakit ito. "Magluluto ako, corn soup." sabi ko sa kanya. Hinawi ko ang buhok niya medyo basa dahil sa pawis.

"Ayoko. Wala akong gana." sagot niya, hinang-hina talag siya ngayon. Napagod siguro ng sobra.

"Hindi pwede, iinom ka pa ng gamot. Mabilis lang ako." kinuha ko ang cellphone niya at bumaba na sa kusina.

Agad kong tinawagan si Tito. Medyo nakakahiya lang, hehehe. Nakailang ring din bago niya sinagot.

Phone Conversation

"Hello po. Tito, good morning si Kath po ito." sabi ko nang masagot niya ang tawag.

"Oh? Bakit, Kath?" tanong niya.

"Ahh, kasi po hindi makakapasok si DJ ngayon. Ang taas po ng lagnat eh." sabi ko.

"Ganoon ba? Sige. Kayo lang tatlo lang diyan, kaya mo bang alagaan ang mag-ama?" napakamot ako sa noo ko. Paano nga? Ang hirap.

Isang bata at isang isip bata. Ahayy.

"Kaya naman po." sagot ko. Ayy bahala na.

"Magpapadala na lang ako diyan ng kasama niyo. Mahihirapan ka pa kay Jordan. Abangan mo na lang. Huwag nang tumanggi ha?" sabi ni Tito.

"Sige po. Salamat po, Tito." sabi ko.

"Walang anuman. Papunta na siya ngayon." sabi ni Tito.

"Opo. Salamat po ulit. Ibaba ko na po." sabi ko.

"Ok. Mag-iingat kayo."

End

Pagkatapos ng tawag ay nagpunta na agad ako sa kusina. Kakasalang ko pa lamang ay may nag-door bell na sa labas. Hininaan ko ang apoy at pinuntahan iyon.

Pagbukas ko ng pinto may nakita akong babae, nasa 40's siguro siya. Baka siya ang ipinadala ni Tito.

"Magandang umaga Ija, ako ang pinapunta ni Romel dito." sabi niya sa akin.

Agad kong binuksan ang gate at pinatuloy sa loob.

"Ako nga pala si Amelia. Tawagin mo na lang akong Manang Mel o Nanay Mel." sabi niya.

"Kathryn po." pakilala ko.

Pumunta kami sa kusina dahil nga may niluluto ako.

"May sakit daw si Daniel eh. Kamusta na ba? Ako na lang diyan." tanong niya.

"Mataas nga po ang lagnat. Kayo po muna diyan, lalagyan ko lang po ng bimpo si Daniel." sabi ko at kumuha ng basin at bimpo. Nilagyan ko ng alcohol ang tubig para mas malamig.

Bumalik ako sa kwarto dala iyon. Pagpasok ko, nakita ko si Jordan na naka-dapa pero gising.

Ibinaba ko ang basin sa may table ni Daniel. Inilagay ko na ang bimpong basa sa noo niya.

"Ang lamig." ungot ni Daniel.

Kumuha ako ng isa pang kumot sa drawer ng kama niya at ipinatong sa kanya.

Ang init niya talaga. Parang imbes na nakapag-pahinga sa Batangas ay lalo pa siyang nagkasakit.

Mayamaya ay pumasok si Nanay dala ang tray. Tinulungan ko siyang ipatong iyon sa table ni Daniel.

"Daniel, kain ka muna para makainom ka na ng gamot." gising ko kay Daniel.

Inalalayan ko siyang umupo, nilagyan ko ng unan para komportable siyang sumandal. Hinawi ko ang buhok niya palayo sa kanyang muka. Mas lalo kong nakita ang sakit sa kanyang muka.

Susubuan ko na sana si Daniel nang bigla namang umiyak si Jordan. Ibinaba ko muna iyon at nilapitan si baby.

"'Nak, kay Nanay ka muna ha? May sakit si Daddy eh, aalagaan ko muna. Ok lang po ba? Ha? Tahan na anak." alo ko sa kanya. Pinunasan ko ang luha niya. Nang tumahan ay ibinagay ko na kay Nanay, buti na lang at sumama.

Pinalipat ko sila sa kwarto ko para hindi mahawa ang bata. Sinabi ko muna kay Nanay ang mga pinaglalagyan ng mga gamit ni Jordan kung sa kaling may kailangan siya.

Lumabas sila, lumapit na ako kay Daniel.

"Dad, kain na." sabi ko sa kanya.

"Bakit nandito si Nanay Mel?" tanong ni Daniel.

"Tumawag ako kay Tito kanina. Pinaalam ko na hindi ka makakapasok. Sabi niya ipapadala nga daw niya si Nanay dahil wala akong katulong sa inyong mag-ama." sagot ko. Unti-unti ko siyang sinusubuan.

"Stop. Ayoko na." ungot niya. Ayoko na eh wala nga sa kalahati.

"Isa." nag-suntukan pa kami sa tingin. Inis siyang tumingin palayo. Wala siyang nagawa kaya sinunod na niya lang ako.

Hindi ko sinagad ang pagkabusog niya dahil baka mamaya isuka niya lang. Naka-alalay ako hababg pinapainom ko siya ng gamot.

"Lapit ka dito, baba mo muna 'yan." hinila niya ako papalapit sa kanya. Pinasukob niya ako sa kumot niya at sumandal sa may balikat ko.

"Humiga ka na lang ng ayos. Baka pumasok si Nanay, nakakahiya." sabi ko sa kanya. Kinuha niya ang isa kong kamay at pinahilot ang ulo niya.

"Hayaan mo na. Wala naman tayong ginagawang masama." inis na sabi niya sa akin.

Hindi nga kami nagkamali at pumasok nga si Nanay. Mabuti na lang at hindi masyadong maharot 'tong isa.

"Hello, Nay." bati ni Daniel.

Bigla kong naramdaman na may pumulupot na braso sa baywang ko. Grabe talaga. Hindi na nahiya. Hindi lang pala maharot, sobrang harot.

"Hi. Papalitan ko lang ng damit si Jordan, cerelac din ba ang kinakain noon?" tanong ni Nanay Mel.

"Opo, Nay. Ako na lang po ang gagawa." sabi ko. Pinilit kong tumayo pero lahat ng bigat niya ay ibinibigay sa akin. "Deejay.." warning ko sa kanya. "Mag-luluto pa ako ng umagahan namin ni Nanay." dagdag ko pa.

"'Wag na tagay. Ako na lamang at mukang ayaw kang pakawalan. Hahaha." sabi ni Nanay at lumabas na ng kwarto.

Narinig ko ang pagtawa ni Daniel nang makalabas si Nanay. Mga kalokohan talaga ni Daniel eh.

"Ang landi mo, bitaw nga." sabi ko sa kanya.

Niluwagan niya ang pagkakayakap sa akin, akala ko papakawalan na ako pero hindi. Umayos lang siya ng upo at isiniksik sa leeg ko ang ulo niya.

"Daniel! Ano bang klaseng tayo 'yan? Umayos ka nga. Isa." sita ko sa kanya. Hindi naman niya ako kinibo ulit.

"I love you." bulong niya.

"Ha?" 'yun lang ang nasabi ko.

"Kailan kaya ang 'I love you too' mo?" tanong niya. Hindi ko masagot. "Gustong gusto ko nang marinig eh. Kailan ba?" tanong niya pa.

Hindi ako naka-sagot sa mga tanong niya. Nanatiling walang imikan sa pagitan namin.

Matagal tagal na nga din pala siyang nanliligaw sa akin. Actually, matagal nang may 'I love you too', 'yun nga lang hindi ko masabi kasi hindi naman siya nagtatanong.

Alam kong nakaka-konsensya ang ginagawa kong pagtatago ng nararamdaman ko. Gusto kong aminin sa kanya everytime na nagiging sweet siya, wala eh nakaka-err. Awkward?

Ang arte ko ano? Ang pakiramdam ko magre-report ako ng isang buong libro sa isang mataray na teacher.

Nakakatiklop. Nakaka-kaba.

Narinig kong ang paglalim ng hininga at ang munting pag-hilik niya. Nakatulog na. Ayos, kailangan niya talagang mag-pahinga. Pinaayos ko ang higa niya. Ayaw niya talaga humiwalay sa akin, lap ko ang ginawa niyang unan.

"Bakit nga ba kasi ang arte ko? Sasabihin ko lang naman 'Mahal din kita' hindi ko pa masabi? Tsk." sabi ko habang nakititig sa muka niya.

Ang gwapo talaga.

~'~'~'~'~'

:P

VOTES, COMMENTS and being a FAN is highly appreciated.

❤Alyssaxx

©2015

Continue Reading

You'll Also Like

12.7K 440 22
Gabriel and Alyssandra are living a life filled with happiness and contentment. They got married at a young age and started fulfilling the dream they...
1.5M 24.3K 38
Samantha Jade Emanuel, a girl who was known as a strong girl. Her tears are only for her parents and loved ones, and now he came in to her life, her...
17.2K 675 65
Magkakaiba sila ng mga buhay na nakasanayan. Silang hindi na natutuwa sa walang 'Trill' kuno nilang buhay sa nakasanayang paaralan kaya naman napalip...
142K 2.9K 11
Meet Caleighia Richelle Amayo isang "good girl" na may lihim na pagtingin kay Zayden Villafuerte na isang "bad boy" ng Emixin University. Ang lihim n...