Miss Astig

cursingfaeri

3.7M 55.6K 8K

PUBLISHED UNDER LIFE IS BEAUTIFUL and is available in all Precious Pages Bookstore Nationwide for only 129.75... Еще

About the Book
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Forty Two
Forty Three
Forty four
Forty five
Forty Six
Bonus Chapter
Forty Seven
Forty Eight
Forty Nine
Fifty
Fifty One
Fifty Two
Fifty Three
Fifty Four
Fifty Five - The Finale
CREDITS || FAQs || SURVEY QUESTIONS || POVs
Ang huling hatol ni Diwata
SOON TO BE PUBLISHED
Published Book Version

Nineteen

58.6K 1K 248
cursingfaeri

____________________________________________________

Sa isang buwang pananatili ni Mama ay lubos kong na-enjoy.

Yun yung moments na alam kong na-miss ko bilang bata. Sulit na sulit ang stay niya kumbaga. Kasi finally, close na kami ulit. Kaya naman bukod sa inspirasyon kong si Aidan, mas lalo akong na-inspire dahil sa pagkakaayos namin ni Mama. Kaya mas pinagbuti ko pa ang pag-aaral.

Natapos din namin ang first year ng matiwasay. First honor ako at second honor naman si Chan-Chan. Si Charlie... ayun. Natuwa ako dahil naging section four siya ng magsecond year kami. Dati kasi section five. Hindi na masama di ba? Hehehe. Hindi ko din inakalang lubos na magpapasalamat ang Mommy niya sakin. Pinilit tuloy akong mag-overnight din sa kanila. At mas nagulat ako ng payagan ako agad ni Mama.

Simple lang ang bahay nila pero napakalinis. Hindi man iyon singlaki ng bahay ay napaka-homey naman itong tirhan lalong lalo at napakamasayahin ng mga taong nakatira doon. Natutuwa akong pagmasdan ang buong pamilya. Si Chan-Chan ay tila at home na at home na rin. Mabait ang mga kapatid ni Charlie at pati ang Daddy ng mga 'to. Ang Mommy nito... the best! Lagi niyang kinakamusta kung okay lang ako, oh baka nagugutom ako. Tuloy maya't maya ang pagkain ko. Masarap kasing magluto. Hehehe.

At dahil sa kanila ako natulog, obligado ding matulog doon si Chan-Chan. Hindi pwedeng kulang ang tropa dahil isa iyon sa deal namin ni Charlie. First time ko kasing magsleep over.

Sa kwarto ni Charlie kung saan kami matutulog ay may dalawang malaking kama na pinagdugtong. Bago matulog ay umiinom muna ako ng isang basong gatas at kalahating basong tubig pagkatapos. Kaso gatas lang ang nadala ng Mommy ni Charlie sa kwarto kaya nagboluntaryo na akong pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Nakakahiya naman kasing iseserve niya na lang lahat sa amin. Sabi ni Charlie hindi naman daw ganun ang Mommy niya kaaligaga baka daw nahihiya lang sa akin. Eh bakit naman kasi? Di ba ako dapat ang mahiya kasi ako ang bisita?

"Sinabi ko kasi na ang laki-laki ng bahay niyo at parang prinsesa ka doon," sabi ni Charlie ng tanungin ko siya.

"Saan banda ang prinsesa dun? Sira ka talaga!"

"Ahh basta!" Sagot nito.

Nang marating ko ang kusina ay kumuha ako agad ng baso at nagsalin ng tubig na kinuha sa ref. Nasa ganoon akong akto ng makakita ako ng ipis. Pero ayos lang. Ipis lang naman eh di ba? Ano ba naman ang ipis? Ang alam ko life cycle nun ay maging egg muna...

Tapos mag-ging... mag-ging nymph...

Tapos... l-lumipad?

Lumipad!

Lumilipad ang ipis!

Lumipad ang ipis at tila hinahabol ako!

"MAMAAAAAAAAAAA KO!"

Mabilis akong naghanap ng pwedeng labasan kaso nasa pintuan siya banda lumilipad. Huhuhu. How am I suppose to go out?!

"Stay away from me! I know Kung Fu moves! And.. and.. 24 other dangerous words!"

Bahala na mapagkamalang baliw. The fuck talaga... Sorry for cursing po pero ngayon lang ako natakot ng ganito sabihin pang ipis yan huhuhu.

"Mamaaa ko..." Naiiyak na talaga ako habang tila pinagtatawanan pa yata ako ng ipis sa kakaikot-ikot nito pabalik balik sa may pintuan.

Narinig ko ang papalapit na yabag kaya tinatagan ko na ang loob ko at sinalubong ito. Halos lumundag ako sa kanya kaya naman nakarga niya ako.

"Ahhh! CHARLIEEEEEEEEH! There's a fucking cockroach over there!!! And why the fuck is that insect flying?!"

"Ano? Ipis lang ganyan ka makatili?!"

"I haven't seen a cockroach fly that way! It's creeping me out! Tsaka wala naman kaming alagang ganyan sa bahay eh. Ngayon lang ako nakakita," Sagot kong nagsumiksik pa sa leeg nito. Nanginginig talaga ako sa takot.

"Teka nga bumaba ka muna papatayin ko lang..."

"Ayoko nga! Baka mauna pa akong mamatay sa sakit sa puso eh! Asan ba kasi si Chan-Chan?"

"HAHAHAHAHAHAHAHA takot ka pala sa flying ipis ha?!" Halos gumulong sa kakatawa si Charlie ng iangat ko ang mata ko para tignan kung sino ang tila baliw na tumatawa.

Napatingin ako sa anim na pares ng mga mata na lahat ay nagpipigil ng ngiti except kay Charlie na sumasakit na ang tiyan kakatawa.

Sa harap ko ay ang dalawang pa niyang kapatid na lalaki, si Chan-Chan at mga magulang nito.

Kanina pa ang mga 'to?

"C-Charlie? S-Sino 'tong nagbubuhat sakin?"

"Si Mason. Teka kanina ka pa nakayakap diyan hindi mo alam? HAHAHAHAHAHA!"

Umiling ako at mabilis pa sa alas kwatrong kumalas ako kay Mason. 

Pwede na ba akong mamatay?

Pwede na ba?!

Ilibing niyo na ako pleaaaasse!

"K-Kuya sorry po," sabi ko dito at nagtatakbong bumalik sa kwarto nina Charlie.

Nakakahiya talaga! Ano na lang sasabihin ng mga kapatid nito. Gusto ko ng magteleport sa bahay. Huhuhu. Bakit kasi hindi si Charlie ang unang sumaklolo sakin eh. Kasalanan ng ipis na yun! Humanda siya! Grrr. Pinagsusuntok ko tuloy ang unan para i-release ang inis ko.

Naramdaman kong pumasok ang mga kapatid nito at mga magulang.

"Louie, wag ka ng mahiya, okay lang yun," sabi ni Kuya Chuck.

"Bibisita ka pa rin sa sunod ha? Wala ng ipis, promise," sabi naman ni Kuya Mark na nakangiti.

"Besides, wala kay Mason yun," dagdag ng Mommy ni Charlie at ngumiti naman si Mason.

Naiilang pa rin akong ngumiti. Ang bait naman ng pamilyang 'to. Sinisiguro talaga na maayos ang kalagayan ng bisita. Ima-minus ko si Charlie kasi palihim pa rin siyang humahagikhik. Langya ka 'tol!

"Thank you po."

"O siya matulog na kayo, sa lapag ka na kako maglatag ng foam sabi mo kanina di ba Mason? Si Chuck yung katabi ni Chan-Chan," sabi ng Daddy nila bago nagsilabasan sa kwarto.

Dumapa na ako sa kama. Iniiwasan ko talagang mapatingin kay Kuya Mason. Naman kaseeeee eh!

"Uy.." kalabit ni Charlie.

"Pag ikaw nanukso..." Pagbabanta ko dito.

"Hindi ah. May tanong lang ako," sabi nito na tila problemado at kumakamot pa sa ulo. Mannerism yata nito yun pag hindi mapakali eh.

Nag-iiscroll lang ako sa cellphone ko para libangin ang sarili habang hinihintay ang sasabihin nito.

"Kasi naman pag naiinis ka, o kaya nagugulat, nagagalit o natatakot, lagi kang nag-eenglish! Eh hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi mo kanina kaya nga si Mason ang lumapit sayo agad. Fucking at fuck lang yata yung naintindihan ko eh, hindi ko pa alam ang meaning hahahaha!"

"Seriously Charlie?!" Frustrated kong tanong dito. Hindi ko alam kung matatawa o ano. At yung F word pa talaga ang naintindihan? Ang galing din ng tenga nitong pumili ng iintindihin eh noh?

"Ano na nga yung sinasabi mo? Oyy.." Pangungulit nito.

"Sabi ko kamukha mo ang ipis bukod sa kaugali mo pa. Kiti-kiti," bagot kong sagot dito at tinakpan ang mukha ko para itago ang pinipigil na tawa.

Narinig ko ding tumawa sina Chan-Chan at Kuya Mason. Napapagitnaan namin ni Chan-Chan si Charlie habang sa lapag naman naglatag ng foam si Kuya Mason.

"Weh! Ang dami nun eh! Tsaka ang layo naman ng itsura ko sa ipis!"

"Inaantok na ako..." sagot ko na lang at nagkunwang humihikab.

"Style, style pa. Takot naman sa ipis. Hahahahaha!"

Hindi ko 'to pinansin at dumapa na lang para matulog...

Ang sama ng panaginip ko...

Nag-away daw kami nina Charlie at Chan-Chan. At dahil matagal na silang magbestfriend ay pinagtulungan nila ako. Tapos pinagsisipa ako ni Charlie. Hindi ko alam bakit hindi ko maapply ang mga natutunan ko sa self-defense. Ilag lang ako talaga ng ilag. Hanggang sa masapol niya ako sa tagiliran. Kaya...

Nalaglag ako.

Tapos umiba ulit ang panaginip ko. Naging maganda na. Hmm..

Nagkita daw kami ni Aidan dahil inaya niya akong magdate. Nanood kami ng sine habang sinusubuan niya ako ng popcorn. Pagkatapos naming magdate ay hinatid niya ako sa bahay. Pero bago umalis ay niyakap niya ako. Niyakap niya ako ng mahigpit na mahigpit.

Ang sarap ng feeling. Parang totoo talaga kaya gumanti din ako ng ganoon kahigpit.

Ng may marinig akong tila tumikhim?

Napamulat ako ng mga mata. Napatingala ako kay Charlie na tila inalimpungatan pero humiga ulit...

Napatingala? Weird.

Di ba dapat magkatabi kami?

Doon ko napagtantong totoo ang halos ilang nangyari sa panaginip ko.

Nasipa ako ni Charlie kaya nasa lapag ako.

Nilingon ko ang katabi kong mahimbing na natutulog...

At muli ay gusto kong lumubog sa kahihiyan...

Si Mason.

Kayakap ko.

Umatend kayo ng libing ko guys ha?

Libre kape at marie biscuit.

Cause of death: Too much embarrassment.

Продолжить чтение

Вам также понравится

Mean Girls In Disguise Louis Nica

Подростковая литература

174K 4.1K 53
Mean Girls: Ang grupo ng mga babaeng ito ay ang kadalasan na kinaiinisan ng lahat. The things they say and do receive a lot of hateful comments. Sa k...
374K 25.1K 144
Katropa Series Book 13 - Matapos ang matinding trahedyang nangyari sa pamilya sa kamay ng mga tao sa simbahan, tuluyan nang tumalikod ang Nephilim na...
The Real Me (COMPLETED) MC Mendoza

Подростковая литература

30.5K 362 36
Who can see the REAL ME behind my cool and strong facade?
Mismatch With The Playboy Kim Bi Sol

Подростковая литература

81.4K 5.3K 15
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...