My Husband is a Mafia Boss (S...

By Yanalovesyouu

56.4M 1.2M 1.3M

Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most p... More

Announcement about Wattpad Originals
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
List of Characters
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98 Part 1
Chapter 98 Part 2
Chapter 98 Part 3
Chapter 99 Part 1
Chapter 99 Part 2
Chapter 99 Part 3
Chapter 100 Part 1
Chapter 100 Part 2
Chapter 100 Part 3
Chapter 100 Part 4
Chapter 100 Part 5
Chapter 100 Part 6
Chapter 100 Part 7
Epilogue Part 1
Epilogue Part 2
Epilogue Part 3
Epilogue Part 4
Epilogue Part 5
Epilogue Part 6
Epilogue Part 7
Epilogue Part 8
New Story Alert: MHIAMB S2.5: Undisclosed Period
New Story Alert: Lerwick
Epilogue Part 9
Epilogue Part 10
Epilogue Part 11
Epilogue Part 12
Epilgoue Part 13

Chapter 12

1.2M 33.2K 25.1K
By Yanalovesyouu

Amber's PoV

Ibinato ko ang Chanel bag ko sa upuan sa sobrang inis. Akala naman niyang Grayson Boulstridge na 'yan, ikinagwapo niya ang pagkakaroon ng girlfriend. Psh! Doon na siya sa babaeng wala pa sa kalingkingan ng kagandahan ko!

Padabog akong umupo sa sofa at nagsindi ng isang stick ng Capri cigar to relieve my stress. "Oh, Twin Sis, bakit mainit ang ulo mo?"

"Hindi mainit ang ulo ko, okay? Naiinis lang ako sa mga taong walang ibang inatupag kung hindi lovelife," sagot ko.

I puffed my cigar with poise, of course. Alam mo kasi, ang mga tunay na magaganda, kahit nasaan ka, you have to be beautiful.

"Pft. Si Boul na naman 'yan 'no? Bakit ba kayong mga babae, ang hihilig niyo sa pangit," iiling-iling na sabi niya. "Tingnan mo kasi 'tong mukha ko. Ganito dapat ang pamantayan mo sa salitang gwapo."

Inalis ko ang suot-suot kong Chanel na five inches ang taas at saka ibinato sa kanya. "Lumayas ka nga rito! Mas lalo akong nai-stress kapag nakikita kita."

Pero umilag siya kaya imbis na sa kanya tumama ay nasalo ni Papa ang sapatos.

"Whoa! Anak ng tatay niyong gwapo talaga kayo. Nag-aaway na naman kayong dalawa. Wengya!" Lumundag si Azure mula sa likod ng sofa para maupo. "'Yan kasing si Amber, Papa, porket brokenhearted kay Boul, dinadamay ako."

Binato ko ng unan si Azure na sinalo lang niya.

***

Kaizer's PoV

"Sabi nang huwag mong babanggitin sa 'kin 'yang pangalan na 'yan eh. Eh ano naman ngayon kung may girlfriend si Grayson? Mukha ba akong affected? Hello! Sa ganda kong 'to na pantasya ng lahat ng kalalakihan, magpapa-apekto ako sa kanya? Excuse me, pero N-O!"

Pft. Wengya! Nagkatinginan na lang kami ni Azure dahil sa sinabi ni Amber. At hindi pa talaga siya apektado sa lagay na 'yan ah.

"Hindi ka nga apektado, Sis."

Naupo ako sa tabi ng anak kong si Amber at saka siya inakbayan. "Alam mo, anak? Bakit hindi mo gayahin ang Mama niyo? Humaling na umaling 'yon sa tatay niyong gwapo noon. Wengya! Gustung-gusto niyang lagi kami magkasama."

"Oh ano na naman bang ginagawa mo ritong unggoy ka?"

Mabilis kong ibinalik ang dala kong bouquet ng bulaklak sa kotse. Anak ng tinola! Sino'ng nagsabing kapag gwapo, hindi takot magtapat ng pag-ibig?

"Mainit na naman ang ulo mo, tomboy! Kinukumpleto ko lang ang araw mo. Alam ko namang kulang ang araw mo kapag hindi mo ako nakiki—mmmm."

Putek! Hindi pa ako tapos magsalita, naisungalngal na sa bibig ko ang saging na hawak niya.

"Sabi ko naman sa 'yo, huwag kang magpapalipas ng gutom at naaapektuhan pati 'yang utak mo. Sige na, lumayas ka na. Naiinis ako sa pagmumukha mo."

Tumayo ang gwapo kong anak na si Azure na s'yempre, manang-mana sa 'kin―lamang nga lang ako ng limang paligo―para kumuha ng maiinom namin.

"Pft. Pero Papa, simula pa ba noon, mabagsik na si Mama?" tanong niya sabay hagis sa 'kin ng beer in can.

Pft. Natawa ako sa tanong niya. "Hindi, sus! Napaka-clingy sa 'kin niyang Mama niyo. Kung sabagay, hindi naman natin siya masisisi. Gwapo tatay niyo eh. 'Di ba?"

Mabilis akong nagtago sa likod ng isang mannequin no'ng lumingon si Andrea sa gawi ko. Lintek! Mahuhuli pa yata akong sinusundan ko siya. Kanina pa talaga ako nakasunod. Bakit masama ba?

"Miss, may small ba kayong ganito?" Wew! Para talagang hindi babae mga tipo nitong tomboy na 'to.

"Para sa inyo po, Ma'am?"

"Hindi, hindi! Para sa 'yo. Gusto mo ba? Ibibili kita."

Pft! Anak ng! Kung makikita niyo lang ang itsura no'ng saleslady, aba'y matinde!

Natawa ako at wengya! Tumingin si Andrea sa gawi ko.

"Andrea! Ano'ng ginagawa mo rito?" Takte! Nauna na akong lumabas at magtanong para hindi ako pagsuspetsahan.

"Paki mo? Ikaw, bakit ka nandito? No pets allowed dito ah."

"Miss, boyfriend mo?" Kinindatan ko 'yong saleslady dahil sa tanong niya.

"Mukha ba akong pumapatol sa unggoy?"

Anak ng! Itong mukhang 'to na nagpauso ng kagwapuhan?

"Hindi ko kilala 'yan," dugtong pa niya.

Wengya!

"Gaano ba kapatay na patay sa 'yo si Mama noon, Papa? Talaga bang natural lang sa babaeng maghabol minsan? Hindi ba nakababawas ng kagandahan 'yon?"

Aba't mukhang may hugot 'tong magandang anak kong si Amber ah na itatanong niyo pa ba kung kanino nagmana? Ehem!

"Sus! Kung usapang habulan lang naman, nangunguna d'yan ang Mama niyo. Siya pa nga mismo ang nanligaw sa 'kin eh."

Niluwagan ko ang necktie na suot ko. Badtrip! Bakit ba ang gwapo ko kahit kailan? Pinagtitinginan tuloy ako ng mga tao rito sa restaurant. Mag-iisang oras na rin akong naghihintay dito. Anak ng! Darating pa kaya 'yon?

"Ano 'yan? Bakit may bulaklak ka pang dala? Sino'ng namatay?"

Pfft. Natawa ako nang makita ko ang suot niyang damit. Naka simpleng t-shirt at pants lang siya. Pero bigla akong pinanlamigan ng kamay nang makita ko ang matatalim na tingin niya sa 'kin at sa dala kong bulaklak at mga regalo.

"Ah—"

Tang*na! Paano ko ba sasabihin 'to. Wengya! Niluwagan ko pa ang suot kong kurbata kasi, shit, bakit parang sumisikip 'tong wengyang necktie na 'to?

"Ano?" pabulyaw na tanong niya.

Nagkunwari akong nauubo para umiwas sa tanong. Tumayo ako at pinaupo muna siya.

"Ha-ha-ha! Ang mabuti pa, kumain muna tayo."

Lintek!

**

"Masarap pala ang pagkain dito."

Kanina pa ako pinagpapawisan nang malamig. Putek! Buong gabi kong sinaulo ang sasabihin ko pero patapos na kami sa pagkain, hindi ko pa rin nasisimulan.

"Hoy, unggoy."

"H-huh? Ano 'yon?"

Tumigil ako sa pagkain no'ng tinawag ako ni Andrea.

"Sabi ko, masarap pala ang pagkain dito. Akala ko, puro saging lang ang alam mong kainin eh."

Tang*na! Masarap ba ang pagkain? Sumubo ulit ako ng isa pa para tikman ang kanina ko pa kinakain. Wengya!

"Ha-ha-ha! Oo naman! Basta gwapo ang pumili, paniguradong pasok sa panlasa ng lahat," sagot ko.

Pucha! 'Di ko naman malasahan eh.

"Kapal ng mukha," bulong niya. "Aalis na ako."

Ano raw? Anak ng tinola

"Saglit!" pigil ko. Hawak-hawak ko ang braso niya dahil dumaan na siya sa tabi ko para umalis.

Lintek! Bakit ba ang bilis makatayo nitong tomboy na 'to?

"Bakit?" Shit! Bakit nga ba? Wengya! Bakit ko ba kasi pinigilan pa si tomboy na umalis.

"Ah—ha-ha-ha! Ingat ka pauwi."

Pinaningkitan niya ako ng mata bago niya padabog na inalis ang braso niya sa pagkakahawak ko. Anak ng! May sasabihin nga pala ako.

Ini-straight ko ang wine na nasa harap ko. Dumukot ako ng pera sa wallet at iniligay sa ibabaw ng lamesa. Mabilis kong dinampot ang bouquet ng bulaklak at ang iba pang dala kong ibibigay ko sana kay Andrea at saka tumakbo paalis para habulin siya.

"Andrea!" tawag ko.

Tang*na! Bakit ba ang bilis tumawid nitong babaeng 'to? Tinanaw ko si Tomboy na nasa kabilang kalsada na.

Mabibilis ang harurot ng mga sasakyan sa highway kaya hindi ako makatawid. Anak ng!

"Bakit? Wala akong saging!"

Hahakbang pa lang ako, may humaharurot na biglang sasakyan. Wengya! Paano ako makatatawid nito sa kabila? Takte naman oh!

"Andrea!" hiyaw ko ulit nang makita kong nag-aabang na siya ng masasakyan.

"Ano ba?!" bulyaw niya.

Nasa dulo na ng dila ang sasabihin ko pero hindi ko pa rin masabi-sabi. 'Tek na 'yan!

"P-pwede bang—"

"HINDI!"

Hindi ko pa natatapos ang tanong ko pero sinagot na ako ng hindi! Anak ng pusa! Nag-umpisa akong ihakbang ang mga paa ko at makipag-patintero sa mga sasakyan. Tumigil ako sa gitna ng highway at saka humiyaw.

"Magpapasagasa ako sa mga sasakyan kapag hindi mo 'ko pinayagang manligaw," pagbabanta ko. Walang kahit na sinong babae ang nanaising mawala ang isang Kaizer Maxwell Lamperouge. I smirked.

"Sige, sagot ko nang kape."

Anak ng! Humakbang ako ng isa pa nang matanaw kong may malaking truck na paparating. Kitang-kita ko kung paano nanlaki ang mga mata niya at nagpabalik-balik ang tingin sa 'kin at sa truck.

Tang*na! Wala sa plano ko ang magbuwis ng buhay sa pagtatapat.

Nanlalamig ang kamay ko habang papalapit nang papalapit 'yong truck. Ampotek!

"Oh sige na!" Mabilis akong lumingon kay Andrea sa sinabi niya.

"Talaga? Pumapayag ka na?" Wooo! Syet! Isa kang alamat, Kaizer Maxwell Lamperouge!

"Oo na! Lumayas ka na d'yan. Baka kasuhan pa ako ng PAWS kapag may nangyari sa 'yo."

***

Third Person's PoV

"Nanay, uminom na po ulit kayo ng gamot niyo."

Pinainom ng gamot ni Aki ang nanay niyang kung bakit simula nang makita nito si Mikazuki ay hindi na 'to mapakali. Pinilit niyang alalahanin kung may nabanggit sa kanya ang dating kasintahan na pangalang 'Baby Ae' dahil puro ito ang naririnig niyang sinasabi ng nanay niya.

Gayunpaman, malaki ang pasasalamat niya dahil unti-unti ay nakakausap na niya ang tinatawag niyang nanay.

"Nanay, gusto niyo po bang hanapin natin ang mga kamag-anak niyo?" tanong niya rito. Naniniwala siyang buhay ang mga kamag-anak ng matandang babae na tinatawag niyang nanay.

Nagsimula na namang umiyak ang nanay niya kaya iniba niya ang usapan "Ah—may gusto po ba kayong kainin? Nagluto ako ng sinigang baka kasi gusto niyo ng may mainit na sabaw."

"Hindi ako pwedeng bumalik. Magagalit sa 'kin si Baby Ae eh," umiiyak na ani nito. Hinawakan ni Aki ang dalawang kamay ng nanay niya para pagaanin ang loob nito.

Ilang saglit pa ay tumunog ang doorbell ng unit. Expected na niyang may darating ngayon dahil katapusan na naman ng buwan. Mahigit dalawang dekada nang buwan-buwang may natatanggap siyang pera na hindi niya alam kung kanino nanggagaling. Naiisip pa niyang baka buhay pa ang dati niyang kasintahan at iyon ang sumusuntento sa kanya. Pero bakit naman gagawin 'yon ng dati niyang kasintahan kung hindi naman nito alam na nagkaroon sila ng anak?

"Si Mikazuki ba 'yong dumating?"

"Ah hindi ho, 'Nay, 'yong sa door to door po," sagot niya bago niya binalingan ng tingin ang lalaking nag-abot ng sobre sa kanya.

"Saglit lang, hijo. Posible bang malaman ko kung sino ang nagpapadala nitong pera?"

"Opo, Ma'am, pero siguro sa office na lang po kayo pumunta. Wala po kasi sa listahan ko ang pangalan ng nagpadala. Hindi niyo ho ba kilala?" tanong n'ong lalaki na may halong pagtataka.

"Ah gano'n ba. Sige, salamat."

***

Cody's PoV

"Thank you po, Tita Meisha."

Pinagmamasdan ko si Katana Baby habang kinukuha kay Ermat ang tray ng juice na dala nito. Takte! Iba talaga kapag gwapo ang nasasaktan.

"No worries. I'll go ahead." Tiningnan ako ni Ermat bago siya umalis.

"Ako na," prisinta ko at saka ko kinuha kay Katana Baby ang tray at inilapag sa lamesa.

"What happened to you?" Tamang-tama lang ang lakas ng boses niya para kaming dalawa lang ang makarinig ng tanong niya.

Ikinuwento ko sa kanya ang eksaktong nangyari. Kahit sina Ermat at Erpat ay hindi alam ang totoong nangyari.

Unang batas ng Black Organization: ang lahat ng trabaho ay hindi kailanman maaaring malaman ng kahit sino.

"Did you recognize the man?" Umiling ako sa tanong ni Katana.

"Pero nakasisiguro akong mas gwapo ako sa kanya."

"Tss. How about the woman you saw, where did she go?"

"Hindi ko na nakita 'yong babae eh. Nawala kasi ang atensyon ko sa kanya dahil do'n sa kumag na tumutok sa 'kin ng baril." Kumunot ang noo ko nang mapansin kong tumahimik si Katana Baby. Mas nagiging cute talaga siya kapag seryoso.

"Do you think they know each other? Or do you think they have connection?" tanong niya. Kung iisipin, mukhang wala silang koneksyon dalawa dahil kung meron man, bakit hindi lumapit sa 'min 'yong babae? Takte!

"Parang wala," tipid na sagot ko.

"I see."

***

Mikazuki's PoV

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" Tumayo si Bullet mula sa pagkakaupo sa silyang katabi ng hospital bed ni Lovelle nang makapasok ako sa kwarto niya rito sa ospital.

"Kanina, okay ako. Ngayong nakita kita, ewan," sarkastikong sagot niya. Ano bang problema niya sa 'kin? Nagpunta lang naman ako rito para tingnan kung okay na siya eh.

"Oh. Ibinili kita ng Japanese noodles saka sushi. Paborito mo 'yan 'di ba?" Pinilit kong kumalma. S'yempre, hindi pa naman nakare-recover si Lovelle kaya ako na lang muna ang iintindi.

"Salamat. Nag-abala ka pa. Pakitapon na lang sa basurahan."

Humigpit ang hawak ko sa supot na dala ko at saka ako tumingin kay Roswell. Kapag ito, hindi tinigilan ang pang-iinis sa 'kin, kahit nakahiga pa 'to sa hospital bed, sasamain talaga 'tong Lovelle na 'to.

"Okay," sagot ko at saka tumayo mula sa pagkakaupo ko para pumunta sa basurahan at itapon ang mga binili ko.

Malapit na akong makarating sa may basurahan no'ng pinigilan ako ni Roswell.

"What?" I mouthed.

"I'm starving like hell!" bulong niya saka inagaw sa 'kin ang dala ko. Napailing na lang ako at saka lumapit ulit kay Lovelle.

"Gusto mo bang sabihin ko kay Mommy na pabalikin ka na lang muna ng Japan?" tanong ko sa kanya. Tumawag kanina sa 'kin si Mommy. Ang sabi niya sa 'kin ay nag-aalala siya sa kaligtasan ni Lovelle.

Bigla tuloy sumagi sa isip ko ang tungkol sa inutos ng Black Leader na ipapatay ako.

At kung hindi raw babalik si Lovelle ng Japan ay pauuwin niya rito sila Lionel at Shaun, ang biological sons nina Mommy at Daddy para bantayan si Lovelle at hindi na maulit pa ang nangyari. Well, kung magbabantay lang naman kay Lovelle, in my own opinion, mas ligtas si Lovelle kung si Bullet ang magbabantay.

"Ayoko. Ano naman ang gagawin ko sa Japan?" sagot niya.

"Okay," sagot ko. Tumalikod na ako at nag-umpisang maglakad palabas ng hospital room. Masyadong mabigat ang atmosphere dito sa loob ng hospital room niya at obvious naman ding ayaw niya akong nandito.

"Where are you going?" I turned my face to look at him. Napangiti ako nang makita kong kinakain nga talaga niya ang dinala ko.

"Mauuna na akong umuwi." He nodded kaya tumalikod na ako pero bigla akong nahinto sa paglalakad when I heard him.

"Call me as soon as you return home." Biglang bumilis 'yong tibok ng puso ko and damn! I felt my face turned red. Buti na lang at sa pinto ako nakaharap.

"S-sige."

***

"Sweet." Nakangiti ako habang tinitingnan ang mga ipinadalang invitations ni Tita Aemie. Ito ay para sa celebration ng official partnership ng Yagami at Roswell pero kailangan ba talagang may ganito pang invitation? Ang weird tuloy sa pakiramdam. "Roswell & Yagami." I kinda felt weird at the first time I read it but I have to say, I've never felt happier to be spart of this partnership.

"What are those?" Inalis ko ang pagkakangiti ko at pinilit maging seryoso nang dumating si Bullet.

"Ah invitations na pinadala ni Tita Aemie. Sabi, bigyan ko raw lahat ng gusto kong i-invite para sa party next week." Naglakad siya palapit at naupo sa tabi ko so I handed him one.

"Roswell & Yagami?" he asked and then suddenly, a smile formed on his lips while he lit up a cigarette. "Bakit may ganito pa?" Biglang nagbago ang facial reaction niya nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya at saka niya tinapon pabalik sa table ang invitation.

"Weh? Bakit daw may gano'n pa eh mukhang natutuwa ka nga kasi nag-abala pa si Tita Aemie, asus!" biro ko. Kilalang-kilala ko na si Roswell. Masungit siya pero he knows how to appreciate little things.

"Why would I? I just I kind of felt weird about the names." I looked away at nagbusy-busyhan sa pag-aayos ng mga invitation na nagkalat sa ibabaw ng table. I need some air.

Pagkatapos kong ipunin lahat ng envelope ay tumayo na ako at—

"Mikazuki."

I stopped, literally. It took a second or two bago ako bumalik sa sarili. Shit! Ano ba kasing nangyayari?

"Bakit?" I asked no'ng lingunin ko siya. And for some unknown reasons and for the nth time, nag-umpisa na naman akong kabahan.

Again! This is bullshit!

"Do you really see me as your brother?"

Continue Reading

You'll Also Like

106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
274K 17.2K 38
SPG 18 "There were times I wish I could unloved you so I could save what's left of my sanity. It's a never-ending torture to love someone who can't l...
114K 2.4K 15
Mapapahamak si Kylie dahil sa isang gang fight Nina Ethan at dun na ang simula ng magandang love story nila😘
1.7M 53.8K 67
Arrow Sanchez has only one goal in life, to enjoy her peaceful life and to know exactly what happened in the past before she lost her memories. Every...