Stalking To My Crush <3 <3

By XiangQin_Lee

8.9K 323 89

Naransan nyo bang maging stalker sa crush nyo?? Ako yes na yes, ako na siguro ang reyna ng mga STALKER wahaha... More

chapter1 [Love at first sight]
chapter2 [ I miss you]
chapter3 [Bakit mo ako sinusundan?]
chapter 4
chapter5
Chapter6
chapter7
chapter8
chapter9
chapter10
chapter11
chapter12 [Mall]
Chapter13
Chapter14
Chapter15
Chapter16
Chapter 17
Chapter18
Chapter19
Chapter21
Chapter 22
Chapter 23

Chapter20

199 11 2
By XiangQin_Lee

Gerard POV

Kanina pa ako naiinis dito! Shit Ang ingay! Nakakabwesit! Alam nyo nakakatawa naman kasi yung movie eh. Peemak naman yung movie pero bakit hindi ako natutuwa? Imbis na sasakit ang panga ko sa kakatawa dahil sa peemak, pero inis at galit ang nararamdaman ko ngayon. Lalo pa wagas makatawa si Reajane pati Jiraya! Sarap upakan dalawang to. 

Naiinis ako kapag magkasama sila. Lalo na kanina na binigyan ni Jiraya si Reajane ng bulaklak. Takte ang saya naman ni Reajane. Kinilig pa! 

Tang ina naman ito.

Bakit ba ako nagagalit? Wala naman akong karapatan magalit? At isa pa Eh ano naman kung ligawan ni Jiraya si Reajane? May Girlfriend naman ako. At si Cheska yon. Paki alam ko sa kanila.

Pero hindi eh. Inis ang nararamdaman ko at...

Oh no!

No hindi! Hindi ito maari! Hindi ko dapat ito nararamdaman.Dahil may Girlfriend na ako! 

Hindi dapat ako nagseselos!

"Gerard saan ka pupunta?" Tanong sa akin ni Cheska. Bigla lang kasi akong tumayo.Hindi ko rin alam kung bakit.Napatingin sa akin sina Reajane. Napatitig pa ako sa kanya. Agad naman umiwas si Reajane ng tingin sa akin at nakato-on na sa movie.

"M-May kukunin lang ako sa kwarto." Pagsisinungaling ko.

"Balik ka ha?" 

Tumango lang ako. Dumaan pa ako sa harap ni Reajane. Tiningna ko sya ng matalim na tingin saka pumunta sa kwarto ko.

Napasuntok pa ako sa kama ko. Shit. Reajane. Anong ginagawa mo sa akin. Bakit ngayon pa. Bakit ngayon pa na Girlfriend ko na si Cheska.

Nakakainis rin itong sitwasyon ko ngayon. 

Alam nyo kung anong gusto ko? Gusto ako lang ang papansinin nya. Ayoko yung may iba na syang pinagkaka-abalahan. 

Namimiss ko na yung kinukulit nya ako. Sa text. Kahit naiinis ako pero hinahanap ko yung mga text nya. Mga Quotes na pinapasa nya sa akin. Ngayon hindi na sya naglilike sa aking fb. Inaccept ko na sya pero pagtingin ko sa fb nya hindi na kami Friend. 

Nakakainis lang. Ganun naba kalaki yung kasalanan ko sa kanya kaya nya ako pinapahirapan ng ganito.

Nakakabwesit lang kasi sa tuwing magkasama kami ni Cheska iba yung na sa isip ko. Na guguillty na nga ako. Minsan natutulala nalang ako. Minsa nga napagkamalan ko si Cheska si Reajane..

Sinampal ko yung pisngi ko. Shit napamura pa ako dahil napalakas ko.. Kainis. 

Makalipas ng ilang minuto ay humiga na muna ako at tumitig sa kisame.

Nag open muna akong Fb. 

Tiningnan ko yung Fb ni Reajane..

Status

Reajane Cruz: Galit ako! Humanda! 

Reajane Cruz: I hate you!

Reajane Cruz: New Crush? Wahaha Edi Wow.

                              Comment:Gerardjohn:  -_-


"Gerard?" Napabangon ako bigla dahil biglang kumatok si Cheska.

"Huh?"Sabi ko ng nasalabas na ako.

"Ang tagal mo.Ok ka lang ba?" Tanong nya.

"Medyo masama pakiramdam ko. Napa-idlip ako, Sorry." 

Pagsisinungaling ko. Tumango lang sya.


*****

Reajane POv

"Di nga? Seryoso?" Di makapaniwalang sabi ni Jiraya.

Tinanong nya kasi ako kung nag ka boyfriend na ba ako. Eh sabi ko wala pa.. ayaw maniwala.

"Ou nga.Bakit ba ayaw mo maniwala?" 

Nakatitig lang sya akin. Nandito nga pala kami sa labas ng bahay.Umupo ako sa bato sya naman ay nakatayo lang. Pagkatapos kasi namin nanood ng peemak ay napagisipan namin na sa labas muna kami. Kanina pa hindi bumabalik si KuyaGerard sa sala kaya pinuntahan ni Cheska susunod nalang daw sila dito sa labas. 

Ang sama ng tingin ni KuyaGerard sa akin kanina bago sya pumunta sa kwarto nya. Ganyan naman sya eh sanay na ako. Simula naman talaga ayaw na nya sa akin. Kahit sobrang sakit na ganyanin nya ako tinitiis ko lang dahil gusto ko sya makasama. 

Ano bang magagawa ko?Tanggapin nalang.. Hanggang dito nalang siguro kami..

Nararamdaman ko na ayaw nya na ako makasama dito sa bahay. Lalo na hindi na kami nag iimikan. Bahala na nga. Pero ang sakit sa pakiramdam na ang mahal mo ay parang wala ka sa paligid nya. Para kang hangin. Hindi nya ako pinapansin.. Hindi ko rin sya pinapansin.. 

"Sa ganda mong yan wala pa?" Ngumiti ako ng pilit.

"May nanliligaw sa akin. Hindi ko sinagot dahil hindi ko sya gusto." Simula ko. " Sasagutin ko na sana sya kaso nagiguilty ako dahil gagawin ko lang syang panakit butas." Malungkot na sabi ko at napabuntong hinga. 

"Huh? So May gusto ka pala sa iba?" 

Malungkot na tumango ako.

"Ou. Pero may pag aari na sya."

"Bakit naman kasi nagkakagusto ka sa taong may pag aari na?" 

"Matagal ko na syang gusto. Nong wala pa syang Girlfriend. Kasi naman si ako umaasang maging kami.. Hahaha..Ito sobrang nasaktan ng husto ang puso ni Reajane. Sobrang gustong gusto ko kasi sya. "

"Correction.Hindi mo lang sya Gusto kundi Mahal na mahal mo na sya.." Yeah Mahal na Mahal ko na sya. Ang hirap kalimutan ni KuyaGerard.

Aaminin ko kung hindi ko lang marinig ang boses nya. Kung hindi ko sya nakikita parang sobrang laki ng problema ko. Hindi ko lang sya masulyapan parang wasak na ang araw ko. Kahit sabihin nyo pa ng Oa .. Pero ito talaga ang nararamdaman ko sa kanya. Sinubukan ko na syang kalimutan pero di ko magawa.

Crush ko si Jiraya pero kay KuyaGerard wala parin nagbabago. Sya parin talaga. Sinubukan kung ipasok si Jiraya sa puso ko pero parang ayaw lumabas si KuyaGerard sa puso ko. Para bang nilock ito may password na hindi pwede buksan ...

"Mahirap kalimutan ang taong ayaw magpalimot. Lalo na matagal mo na syang mahal.Naransan ko na yang pakiramdam na yan. Pero mas worst yung sa akin dahil ginawa lang nya akong panakit butas. Hahaha.. Lahat binigay ko sa kanya.. Akala ko nakapasok na ako sa puso nya pero di pala..." Huminto muna si Jiraya. Tumabi sya sa akin.

Nakikinig lang ako sa kanya.. Ganda naman ang nagpaloko sayo.. Sapakin ko kaya yun..

"Matagal din ako naka move on. Ang sakit lang eh dahil sobrang mahal ko na sya.Sinabi naman nya sa akin ang totoo na mahal pa niya ang Ex niya. Tanggap ko na hindi talaga sya para sa akin."

"Marami namang babae jan na deserving pa.. Malay mo nanjan lang sya sa tabi-tabi.." Sabi ko tapos nakangiti pa ako..

"Ou nga no? Malay mo katabi ko lang sya." 

Namilog yung mga mata ko.. 

"Luh?" Napahalakhak sya.. Natawa rin ako dahil yung reaksyon ko.. nyahaha.. Di naman ako mabiro.. alam ko naman na nagbibiro lang sya.. Pero medyo kinilig ako nyahaha..

"Ehem!" 

Napalingon kaming dalawa ni Jiraya..

Sila Cheska.

"Jiraya sabay na tayong umuwi." Sabi ni Cheska.

"Ah. sige, sige,. Ah Reajane mauna na kami. Tatawag nalang ako sayo mamaya?"

"Ou ba.Kwentuhan tayo.. Wala naman akong gagawin mamaya."

Sabi ko. Niyakap muna nya ako.

"Makaka move on karin. Akong bahala sayo." Nagulat ako sa sinabi nya. Kasi naman nanjan sila KuyaGerard..  Napasulyap ako sa kanila Cheska. Ngumiti si Cheska..

Si KuyaGerard naman ay ganun padin ang itsura nya.. Salubong ang mga kilay.

Nagpaalam na sila.. Natanaw namin sila habang papalayo sa amin. Nang hindi na namin nakita sila ay pumasok na ako. Naramdaman ko naman na nakasunod sa akin si KuyaGerard.

"May gusto ka ba sa kanya?" Kunot noo akong humarap kay KuyaGerard.

"Huh?"

"May Gusto ka ba kay Jiraya?" Para bang may tunong galit ba o hindi ko alam dahil yung mukha nya ganon parin ang itsura.

Hindi ako sumagot Tumalikod na ako. Para saan pa kung magpapaliwanag ako sa kanya? Wala naman syang pakialam dahil buhay ko to. No? Eh ano ngayon kung may gusto ako kay Jiraya? Ano mangyayari magagalit sya sa akin?

At magmamakaawa na sya nalang? Naku assuming pa ako.. Tsk.Tsk,

"Tinatanong kita sumagot ka."Marahas nya akong pinaharap. Hawak nya yung siko ko.

"Ano bang problema mo?!" Singhal ko sa kanya.

"Eh ano ngayon kung may gusto ako sa kanya? Wala kang paki-alam dahil buhay ko to! At pwede ba kung may problema ka sa buhay.. Huwag mo akong idamay!" Pinilit kung tanggalin yung kamay nya sa siko ko pero di nya parin binitawan.

"Ano ba! Bitiwan mo nga yung siko ko!"

"May paki alam ako dahil pinsan ko yung nagugustuhan mo!"

"Eh ana ngayon?! Magagalit ka sa akin kung ikaw yung gusto ko!"

"Hindi ka nababagay para sa kanya!" 

"At sinong nababagay sa akin si LEEMINHO? Edi Wow! " Sabi ko. At ngayon binitawan na nya yung siko ko. 

"Matulog ka nalang Kuya kung masama pakiramdam mo. Hindi yung lagi mo nalang ako kinakalaban. Yan ka naman lagi eh. Masaya ka kapag lagi mo akong pinapagalitan. " Hindi ko na napigilan yung sarili ko. Tumulo na ang mga luha ko..

"Wala sana ako dito kung  may pera lang kami para makapag aral ako. Di sana wala ako dito sa harap mo. Hindi mo sana makikita ang kinaiinisan mo.... Kuya Please Konting tiis nalang.. Tatapusin ko nalang ang taon na to.. Mawawala rin ako sa buhay mo.. " Alam ko nakatitig sya sa akin. Panay naman tulo yung mga luha. Pinipigilan ko naman pero ayaw huminto... May kasali pang hikbi.

"Sorry sa lahat.. Yung pagkakagusto ko sayo.. Alam kung mali yun.. Patawad. Hindi ko sinasadya. Alam kung ayaw mo sa akin.. Hindi ko na nga pinipilit yung sarili ko sayo.. "

Pinunsan ko na yung mga luha ko at sinalubong ko yung mga mata nya..Hindi sya nagsasalita. Panay ang lunok nya..Di ko alam kung anong nangyayari sa kanya..

Bigla naman dumating sila Ate Sam at si Andrea

"Good Evening.. Nandito na kami may pasa--" Hindi na natapos ang sasabihin ni Ate Sam dahil sa nakita yung itsura ko.. 

Pulang-pula kasi ako.. At may konting hikbi pa.

"Anong nangyayari dito? Hey bakit ka umiiyak? Nag away ba kayo?" Sunod sunod na tanong ni Ate Sam. Lumapit sya sa akin. Umiling ako.

"Gerard anong nangyari? Inaway mo ba si Reajane?" 

"Hindi po Ate Sam. May kinuwento lang ako kay KuyaGerard. Napaiyak lang ako ng konti.. Hihi." Pagsisinungaling ko nalang..

"Akala ko naman inaway ka ni Gerard.. Naku. Ipasok ko talaga sya sa sako.." Pilit akong ngumiti.

Nagpaalam muna ako na may kukunin ako sa kwarto ko. Kasama ko narin si Andrea para palitan rin ang damit nya. Sabi naman ni Ate Sam ay bilisan namin dahil kakain kami ng pizza.








Continue Reading

You'll Also Like

2M 25.2K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
2.6M 102K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
140K 5K 18
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
190K 6.1K 50
Tagalog-English BL - There's an urban legend saying that people with the same name cannot live together. It's a curse. Romeo Andres is a basketball h...