Chapter18

210 10 3
                                    

Reajane POV

Namilog yung mata ko dahil sa ginawa nya..
Anong nangyayari??
Hindi ko maigalaw ang mga kamay ko para itulak sya..

Nang pakawalan ni Magnanakaw yung labi ko. May bumukas ng ilaw at yung mata ko ay parang ng owl sa sobrang laki ng bilog ng mata ko dahil ....

"Alam mo bang napakasakit ng mga braso ko dahil sa ginawa mo?" Galit na sabi nya. Hindi ako makapagsalita. Waaa.. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Lumakad ito papapunta sa sofa habang hinihimas ang braso nito.

"K-KuyaGerard." Sambit ko.

Ang pinagtataka ko bakit hindi pa bumaba sila Ate Sam at si Manang e kanina pa ako sumisigaw ng tulong. Grabeng tulog nila ah..

Hanggang ngayon nasa kinatatayuan parin ako. Parang napipi ako. Feeling ko ramdam ko parin ang mga labi nya. Tae. Ganito pala maramdaman na mahilakan ka matutulala ka. At Tae First kiss ko yun! Waaaa...

"Sa susunod buksan mo yung ilaw para malaman mong kung sino yung tao!" Inis na sabi nya.

"E-Sana i-ikaw d-dapat magbuk-kas ng -i ilaw.." Mahina kung sagot sa kanya.

"Ano?!"

Napatingin ako sa kanya. Parang wala lang sa kanya yung hinalikan nya ako.

"BAkit mo ako hinalikan!"

Syempre di ko yun tinanong. Hiya Much ako eh kaya pumunta nalang ako sa kusina.. Parang ayoko nang uminom ng tubig. Peste naman ito oh!

Pero bakit nya ako hinalikan?? Di ba may Girlfriend na sya? Anong rason? Maraming tanong sa isip ko na hindi ko masagot. Napatangin ako sa kisame ng kusina. Ayoko munang lubas dito. Ayoko muna syang makita dahil hindi ako makatingin sa ginawa nya sa akin.

Siguro kaya nya ginawa yun para tumigil ako sa kakasigaw.Hindi naman tamang rason nayun eh.

Why o Why! May Girlfriend na sya dapat hindi sya basta- basta humalik sa iba!

Bakit hindi ko alam na kay KuyaGerard pala ang boses na yun.Parang nag iba yung boses nya.

"Mama.." Napatili nalang ako bigla ng biglang napatay yung ilaw.

Takot panaman ako sa dilim.

"KuyaGerard.." Tawag ko sa kanya.

Hindi ako makakita dahil sa dilim ng paligid. Hindi rin ako " KuyaGerard!" Iyak na sigaw ko. Natatakot ako sa dilim. Yakap ko yung sarili ko dahil baka may..

"Mama.. KuyaGerard!" Napatakbo ako dahil may nahulog na kung ano.

Nang biglang bumalik na ilaw ay nakita ko na nakatayo si KuyaGerard ay Agad akong tumakbo at yumakap ng higpit sa kanya dahil sa sobrang takot na nararamdaman ko. Bakit ba ganito ang nangyari. Sobrang mahigpit ko syang niyakap para mawala yung takot ko yung bang gigil na gigil ako. Nang mawala na ang takot naramdaman ko bigla ko nalang sya napatulak.

Nag iba naman ang Ekspresyon ng mukha nya. Magsasalita na sana sya pero agad na akong tumakbo paakyat sa kwarto at humiga sa kama nagulat pa nga si Andrea.

"Woo.Grabe Sana panaginip lang ito.."

Medyo inaantok na ako kaya napipikit na ako hindi ko na namalayan na nakatulog narin ako..

Kanina ko pa hinihintay si KuyaGerad dahil hindi ko na mapigilan ang damdamin ko na hindi sabihin sa kanya ang lahat kung anong mang nararamdaman ko sa kanya.Matagal ko narin syang gusto kahit alam nya parang balewala lang sa kanya ang nararamdaman ko sa kanya. Masakit lang dahil matagal na akong nagmamahal sa kanya pero may nagmamay ari na sa kanyang puso.

Stalking To My Crush <3 <3Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora