Chapter20

199 11 2
                                    

Gerard POV

Kanina pa ako naiinis dito! Shit Ang ingay! Nakakabwesit! Alam nyo nakakatawa naman kasi yung movie eh. Peemak naman yung movie pero bakit hindi ako natutuwa? Imbis na sasakit ang panga ko sa kakatawa dahil sa peemak, pero inis at galit ang nararamdaman ko ngayon. Lalo pa wagas makatawa si Reajane pati Jiraya! Sarap upakan dalawang to. 

Naiinis ako kapag magkasama sila. Lalo na kanina na binigyan ni Jiraya si Reajane ng bulaklak. Takte ang saya naman ni Reajane. Kinilig pa! 

Tang ina naman ito.

Bakit ba ako nagagalit? Wala naman akong karapatan magalit? At isa pa Eh ano naman kung ligawan ni Jiraya si Reajane? May Girlfriend naman ako. At si Cheska yon. Paki alam ko sa kanila.

Pero hindi eh. Inis ang nararamdaman ko at...

Oh no!

No hindi! Hindi ito maari! Hindi ko dapat ito nararamdaman.Dahil may Girlfriend na ako! 

Hindi dapat ako nagseselos!

"Gerard saan ka pupunta?" Tanong sa akin ni Cheska. Bigla lang kasi akong tumayo.Hindi ko rin alam kung bakit.Napatingin sa akin sina Reajane. Napatitig pa ako sa kanya. Agad naman umiwas si Reajane ng tingin sa akin at nakato-on na sa movie.

"M-May kukunin lang ako sa kwarto." Pagsisinungaling ko.

"Balik ka ha?" 

Tumango lang ako. Dumaan pa ako sa harap ni Reajane. Tiningna ko sya ng matalim na tingin saka pumunta sa kwarto ko.

Napasuntok pa ako sa kama ko. Shit. Reajane. Anong ginagawa mo sa akin. Bakit ngayon pa. Bakit ngayon pa na Girlfriend ko na si Cheska.

Nakakainis rin itong sitwasyon ko ngayon. 

Alam nyo kung anong gusto ko? Gusto ako lang ang papansinin nya. Ayoko yung may iba na syang pinagkaka-abalahan. 

Namimiss ko na yung kinukulit nya ako. Sa text. Kahit naiinis ako pero hinahanap ko yung mga text nya. Mga Quotes na pinapasa nya sa akin. Ngayon hindi na sya naglilike sa aking fb. Inaccept ko na sya pero pagtingin ko sa fb nya hindi na kami Friend. 

Nakakainis lang. Ganun naba kalaki yung kasalanan ko sa kanya kaya nya ako pinapahirapan ng ganito.

Nakakabwesit lang kasi sa tuwing magkasama kami ni Cheska iba yung na sa isip ko. Na guguillty na nga ako. Minsan natutulala nalang ako. Minsa nga napagkamalan ko si Cheska si Reajane..

Sinampal ko yung pisngi ko. Shit napamura pa ako dahil napalakas ko.. Kainis. 

Makalipas ng ilang minuto ay humiga na muna ako at tumitig sa kisame.

Nag open muna akong Fb. 

Tiningnan ko yung Fb ni Reajane..

Status

Reajane Cruz: Galit ako! Humanda! 

Reajane Cruz: I hate you!

Reajane Cruz: New Crush? Wahaha Edi Wow.

                              Comment:Gerardjohn:  -_-


"Gerard?" Napabangon ako bigla dahil biglang kumatok si Cheska.

"Huh?"Sabi ko ng nasalabas na ako.

"Ang tagal mo.Ok ka lang ba?" Tanong nya.

"Medyo masama pakiramdam ko. Napa-idlip ako, Sorry." 

Pagsisinungaling ko. Tumango lang sya.


*****

Stalking To My Crush <3 <3Where stories live. Discover now