Surrender

By sweet_aria

5.9M 124K 7.1K

Challenges, pains, heartbreaks. These are inescapable things that every person would experience in reality. S... More

Surrender
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 12

100K 2.4K 264
By sweet_aria

Chapter 12

Pagkatapos alalahanin ang lahat ng nangyari noong highschool ay bumalik din pati ang sakit ng lahat na dinanas ko.

I was twenty when I finally said yes to Nigel. He waited for years. Pero isang buwan lang pagkatapos ko siyang sagutin nang maaksidente ang tatay ko.

Akala ko magiging masaya ang buhay ko dahil sa wakas kami na rin ng lalaking matagal ko ng mahal. Pero hindi ko alam na sa pagtanggap ko sa kanya ay saka naman may isang taong mamamaalam.

Naaksidente ang tatay at ang pamilyang pinagsisilbihan niya. Nagbanggaan ang kotseng minamaneho niya at ang biglang likong kotse noong gabi na pupunta sila sa isang party. Hindi lang isang buhay ang nawala. Ang amo ng tatay na babae ay nagdadalang tao. The woman had a miscarriage. And the blame was thrown to him. Hindi ko kilala ang pamilyang pinagtatrabahuhan niya pero parehas lang kami ng pamilya ko na dumanas ng matinding sakit at lungkot.

Binitawan ko ang kutsara at inilapag ito sa lamesa. Naramdaman ko ang pamilyar na kirot sa aking dibdib. Ang tatay ko na walang ginawa noon kundi ang iparamdam sa amin kung gaano niya kami kamahal na magkakapatid. Dalawang taon pa lamang noon si Neo at sampung taon naman si Nymph. Sobrang paghihinagpis ang dinanas ng aming pamilya. Awang-awa ako sa nanay dahil hindi ko lubos maisip na wala na siyang makakatulong sa pagtataguyod sa aming magkakapatid.

Akala ko ay iyon na ang huling beses na makakaramdam ako ng matinding sakit pero nagkamali ako. Kailan lang ay heto nga, ipinagpalit ako ng lalaking mahal ko. Nigel cheated, had sex with someone. Akala ko ay perpekto ang aming relasyon pero wala pala talagang gano'n.

Ginawa ko ang lahat para hindi siya maghanap ng iba. Binuhos ko ang pagmamahal ko sa kanya dahil iyon lang naman ang tangi kong maibibigay. I thought he would be contented to the love I could give. But I was wrong. Lalaki siya at kinailangang maglabas ng init ng katawan sa tao na kaya siyang pasayahin. Hindi tulad ko na walang kwenta at puro kainosentehan ang pinairal.

"Binibini..."

Iniangat ko ang tingin sa lalaking nasa aking harapan. Tapos na siya pagkain.

Siyam na taon na ang lumipas. Siyam na taon ko nang kilala ang lalaking ito dahil isa siya sa mga nakasaksi kung paano ako sinuyo at niligawan ni Nigel ng higit apat na taon. Isa siya sa mga matindi ang pagtutol dahil sabi nga niya ay hinding-hindi niya magugustuhan ang lalaking iyon para sa akin. At ngayon ay tama siya, sa kanya din ako bumagsak dahil ang dapat kay Nigel ay nakuha na niya.

Tumayo ako at dumiretso sa pintuan. Ang daming tanong sa isip ko. Kumusta na kaya ang mga kaibigan kong sila Cassia, Monica at Geneva? Hanggang ngayon kaya ay naaalala pa din nila ako?

"Binibini..."

"Hanggang ngayon nagtataka pa din ako kung bakit gustung-gusto ka ni Cassia at Geneva para sa akin." Malungkot akong ngumiti.

Tumayo siya at naglakad papunta sa akin. Hinawakan niya ang aking braso, napatingin ako dito. Agad ko itong inilayo sa kanya.

"Eh wala ka namang ginawa noon kundi ang manakit ng damdamin ng iba. Pati si Monica ay sinaktan mo-"

"I didn't hurt her." Agap niya sa pagsasalita ko. "She was the one who hurt herself." Dinala niya ang kamay sa aking baba.

Akmang papalisin ko ito ngunit bigla niyang idinikit ang katawan sa akin. Itinulak niya ako sa mismong pintuan.

Bumilis ang aking paghinga nang mapagmasdan ang pagtaas-baba ng kanyang adam's apple. Napatitig ako sa mukha niyang kinababaliwan ng madami. Ang mukhang madaming niloko at pinaluha.

"Sinabi ko sa kanyang hindi pwede. Sinabi ko sa kanyang wala siyang mapapala sa akin dahil may mahal akong iba." Bumaba ang isa niya pang malayang kamay sa aking bewang at marahang humaplos dito.

Mariin akong napapikit. Dama ko ang pagtataasan ng mga balahibo ko sa batok.

"At katulad ng sinabi ko..." Inilapit niya ang mukha at tinitigan ang aking labi. "I'm gonna make that girl mine."

Inangkin niya ang aking labi. Napasinghap ako kasabay nang pagbaba ng kamay niya sa hita ko. Marahan at maingat itong humaplos na mabilis na nagpahina sa aking mga tuhod.

"Phoenix..."

He stopped kissing me on my lips but it traveled along my jaw to ear. He bit it gently which made me moan. Humigpit ang kapit ko sa kanyang batok. Nakaramdam ako ng takot dahil baka bigla kaming mahuli ng nanay o kaya ng mga kapatid ko.

"P-please... stop it." Ang mainit niyang dila ay naglaro sa pinakasensitibong bahagi ng aking tenga. "Baka... dumating bigla sila Nymph."

Tila natauhan siya dahil agad siyang umatras. Inayos niya ang kanyang damit at napasabunot sa kanyang buhok. Mariin siyang pumikit at nang magmulat siya ay agad akong nag-iwas ng tingin.

Muli niyang hinakbang ang distansyang namamagitan sa amin at inayos din ang aking damit.

Matapos gawin iyon ay hinawakan niya ang kamay ko at iniupo sa upuan sa harap ng hapagkainan.

"Eat, binibini." Utos niya.

Hindi ko na siya muling tinignan. Hindi ko man makita ay batid ko ang pag-iigting ng kanyang panga.

Buong araw akong tahimik dahil buong araw din siya sa aming bahay.

"Dami nating naging customer ngayon." Puna ni Asia.

Nakaupo kaming tatlo nila Oria at Marian sa sofa. Inilabas ko ang mga lotion at oils na binili pa ni Mrs. Quejas sa ibang bansa. Tumingin ako sa wall clock.

"Linggo kasi." Sabi ko.

Naramdaman ko ang paglingon nila sa akin. Inangat ko ang tingin sa kanila at pinagtakhan ang biglang pagpaskil ng ngisi sa labi ni Oria.

"Linggo." Ulit niya. "Last time, pumunta iyong gwapong lalaki dito, diba? Ano nga pa lang pangalan niya, Millicent?" Makahulugang tanong ni Oria.

"Sino?" Nagpatay-malisya ako.

Isinara ko ang kahon at itinabi ito sa cabinet.

"Sus! Kunwari pang hindi kilala!" Ani Marian.

"For sure, manliligaw mo iyon. Hindi ako magtataka na ligawan ka ng ganoon kayaman na lalaki, Millie." Ngumuso si Asia at hinaplos ang kanyang buhok. "Ang dami nang nabihag ng ganda mo. Pati nga si Nigel diba? Baliw na baliw sayo. Kumusta na pala kayong dalawa?"

Iniwas ko ang tingin pagkarinig sa pangalan na iyon. Dinampot ko ang aking bag.

"Tara na. Gabi na. Magtitinda pa ako ng mani sa plaza."

Natahimik silang tatlo pero alam kong igagalang nila ang desisyon ko na 'wag munang magsalita. They know me. Ilang taon na din naman kaming magkakaibigan at huling-huli na namin ang ugali ng isa't-isa.

Ngayon ay gusto ko munang unti-unting bumangon sa sakit na dulot ni Nigel kaya ayaw ko muna siyang pag-usapan.

Sinasabayan nila ako paglalakad, mahinang nagkekwentuhan. Nawalan na din ata sila ng ganang magchikahan dahil sa akin. Ramdam kong nag-aalala sila.

Papara na sana ako ng tricycle nang biglang may kumalbit sa akin. Kumunot ang aking noo nang lingunin ko si Marian.

"Bakit?" Tanong ko.

Umangat ang kanyang kanang kamay at may itinuro. Sinundan ko iyon ng tingin. Nanlaki ang aking mga mata nang makita si Nigel na nakasandal sa kanyang kotse.

Naglakad siya palapit sa amin. Umatras naman ako at humawak sa isa sa mga kaibigan ko.

"Millicent..."

Lumunok ako.

How I miss that voice. How I miss everything about him. Pero kung katulad ng dati ay nagagawa kong ihagis ang sarili ko sa kanya tuwing namimiss ko siya, ngayon ay malabo na iyong mangyari.

"Anong ginagawa mo dito?" Pinilit kong palamigin ang aking boses.

Hindi naman ako iniwan ng tatlo. Nang hindi siya magsalita ay hinigit ko na ang mga kaibigan ko paalis doon. Nagsabay-sabay kami sa isang tricycle. Pasakay na din ako nang maramdaman ko ang pamilyar na hawak sa akin ng lalaki.

Nilingon ko siya. Nagulat ako nang bigla niya akong kinulong sa yakap. Mahigpit na pagkakayakap.

"I-I'm sorry..." Aniya.

Itinulak ko siya. Umikot ako para tignan ang mga kaibigan ko. Tinanguan ko sila senyales na mauna na sila pag-uwi.

"Sure ka?" Nag-aalalang tanong ni Oria.

Tumango ako kahit ang totoo ay hindi ko maintindihan ang sarili. Dapat ay hindi ko na kinakausap ang lalaking ito dahil sa ginawa at masasakit na salitang ibinato niya sa akin. Pero bakit isang sorry niya lang nanlalambot na ako? Bakit kailangan pa niyang magpakita samantalang sobrang sakit ng ginawa niya? Hindi ba siya marunong mahiya?

"Manong, sige po tara na." Ani Marian.

Naiwan kami ni Nigel sa tapat ng CARESS. Hindi ko siya tinitignan. Hinawakan niya ang aking kamay pero mabilis ko itong binawi.

"Anong kailangan mo?"

Hindi siya sumagot sa halip ay muli akong kinulong sa yakap. Huminga ako nang malalim. Pilit ko siyang itinutulak pero hindi niya ako pinakakawalan.

"What happened to us? What happened to us Millicent?"

Saka ko lang napansin na nakainom siya. Ngayon ko lang naamoy dahil malapit ang kanyang bibig sa aking pisngi.

"Nigel nababaliw ka na ba? Anong pinagsasasabi mo? Pakawalan mo nga ako!" Buong pwersa akong pumiglas pero hindi ako makatakas sa mala-bakal niyang bisig.

Nag-init ang magkabila kong mga mata.

Ngayon ay nagtatanong siya kung anong nangyari sa aming dalawa? Bakit hindi niya iyan itanong sa sarili niya?

"Pag hindi mo ako pinakawalan-"

"'Pag hindi mo siya pinakawalan, lulumpuhin kita."

Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ang boses na iyon. Hindi na ako nagulat nang agawin niya ako kay Nigel at itinulak ito palayo sa akin. Inilagay niya ako sa kanyang likod.

"Ang kapal ng mukha mong yakapin ang girlfriend ko." Mariin niyang sabi at hinawakan ang aking braso. "Ang kapal ng mukha mong magpakita sa kanya pagkatapos ng katarantaduhang ginawa mo."

"Phoenix, tara na-"

"Phoenix lalaki ka. May pangangailangan tayo."

Putol sa akin ni Nigel. Nang lingunin ko siya ay kita ko sa mga mata niya ang matinding galit at sakit. Maya-maya ay ngumisi siya at naghalukipkip sa aming harapan.

"We guys need woman's body." Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. "Giving her body is one of her responsibilities to her boyfriend. Ngayon ay hindi na uso na walang nangyayari sa dalawang taong nagmamahalan. Nagtataka lang ako diyan kay Millicent kung bakit kahit isang beses ay hindi niya ako napagbigyan. I could make her damn happy, if she just let me."

"Shut the f uck up, Arroyo!" Galit ang pagbigkas ni Phoenix sa bawat salita. "'Wag mong bastusin si Millicent-"

"Bakit ikaw hindi mo siya binastos?" Hinaplos ni Nigel ang kanyang buhok at matalim na tumingin sa kamay ni Phoenix na nakahawak sa aking braso. "You made her dirty. You paid her. You f ucked her. Ikaw ang nambastos sa girlfriend ko-"

Bago pa niya matapos ang pagsasalita ay tumalsik na siya. Hindi ko na napigilan ang pagtakas ng luha sa aking mga mata. Hindi ko rin inawat si Phoenix.

"I never did that!" Kinuwelyuhan niya si Nigel. "You're the one who cheated Nigel. You didn't respect her! You just want to get laid every night with different girls! Why? Because, she didn't give you what you wanted from her!" May pait sa kanyang boses.

Mahinang tumawa si Nigel. "Bullshit, Phoenix." Umiling-iling siya. "You're saying that you didn't-"

"Stop right there or else I'm going to beat the hell out of you, asshole!" Banta ni Phoenix. "I don't want anyone to insult her."

"Damn, I'm not insulting her. I'm just stating the fact." Ngumisi siya at sinulyapan ako. "I know you Dela Vega. Ang mga lalaking katulad mo ay hindi gusto ang mga babaeng hindi magaling sa kama. Ano? Nagsawa ka na sa mga babaeng napupulot mo sa bar? Kaya pati ang girlfriend ko ay pinulot mo din-"

"She's not a trash and she's not your girlfriend anymore." Pinadausdos niya ang kamay sa aking bewang. "You're the trash here. Kaya umayos-ayos ka. Dahil baka matuluyang maging patapon ang buhay mo." Nilingon niya ako.

Hinigit niya ako paalis doon. Mabilis niya akong nadala sa kanyang kotse. Nilingon ko si Nigel na nakatingin sa amin nang masama.

Pasakay na ako nang muling magsalita si Phoenix at dinuro ito. "Tandaan mo na mas mayaman ako sa'yo at kayang-kaya kitang patumbahin."

Pinapasok niya ako sa kanyang Chrysler. Pinaandar niya ang sasakyan hanggang sa mapansin ko na lang na hindi ang daan patungo sa amin ang tinatahak namin.

"S-saan tayo pupunta?" Tanong ko.

"Sa lugar kung saan walang makakasakit sayo." Seryoso niyang sabi.

"Phoenix sa bahay mo ako dalhin. Kailangan kong umuwi dahil baka hinahanap na ako ng nanay, ang mga kapatid ko-"

"Don't worry about your family. Magpapadala ako ng nurse sa bahay niyo at katulong para sa mga kapatid mo ngayong gabi."

"Ano? Phoenix hindi pwede. Iuwi mo na lang ako."

Nilingon niya ako at kumunot ang kanyang noo.

"Bakit anong problema?" Muli niyang ibinalik ang tingin sa daan. "Sa tingin mo ba ay iuuwi kita sa inyo pagkatapos ng nangyari?"

Napailing ako. "Hindi mo kailangang gawin ito-"

"You're hard to forget, binibini." Bigla niyang sabi. "Nigel can't forget you easily. He won't move on that fast because you're different from other girls."

"Hindi kita maintindihan. Bakit mo sinasabi ang mga bagay na ito?" Napapikit ako nang mariin. "At pwede ba 'wag mo nang banggitin ang pangalan niya?"

"Bakit? Nasasaktan ka?"

Hindi ako nagsalita. Iminulat ko ang mga mata at tumingin sa bintana. Awtomatiko ang pagtakas ng luha mula sa akin at ang pagkawala ng pekeng tawa sa aking bibig.

"Phoenix..." Pinunasan ko ang pisngi pero muling tumulo ang aking luha. "Paano mo nakikita ang nasa loob ko samantalang pilit ko na ngang itinatago? Bakit kailangan mo pang makita?" Kumawala ang hikbi sa akin.

Hindi siya nagsalita. Hindi ko na nagawang makapagprotesta pa ulit dahil mabilis kaming nakarating sa bahay niya. Hindi ito ang bahay nila noong highschool kami. Sa tingin ko ay sarili na niya ito.

Ipinark niya ang sasakyan at inihagis sa isang tauhan ang susi ng kanyang kotse.

Hinawakan niya ang aking kamay at hinigit ako papasok. Dumiretso kami sa kanyang kwarto kung saan ibinigay ko sa kanya ang sarili ko.

That night of pain and pleasure.

Mabilis kong iwinaksi ang isiping iyon. Narinig ko ang pagsara ng pinto nitong kwarto. Hinawakan niya ang braso ko at inakay ako sa kanyang kama. Iniupo niya ako.

Napatungo ako nang simulan niyang punasan ang basa kong pisngi.

"Why do you love him that much?"

Hindi ako nagsalita. Hindi ko magawang iwaksi sa isip ko ang biglang pagsulpot ni Nigel pagkatapos ng ilang linggong hindi niya pagpapakita sa akin na dapat lang talaga niyang ginawa.

"Binibini..." Iniangat niya ang aking mukha. Hinagilap niya ang aking mga mata. "Iwan ka man ng iba. Saktan ka man ng iba. Ako... hinding-hindi ko gagawin ang bagay na iyon."

Muling tumulo ang aking luha. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay humaplos ang bawat salita niya sa puso ko. Isinubsob niya ang ulo ko sa kanyang dibdib. I sobbed.

"Alam mo bang sumisikip ang dibdib ko kapag nakikita kitang nahihirapan." Hinaplos niya ang aking buhok. "Nanghihina ang mga tuhod ko kapag nakikita ko ang mga ngiti mo. Nagwawala ang puso ko kapag yakap-yakap kita nang ganito."

Umalis ako sa yakap at tiningala siya. Hinalikan niya ang talukap ng aking mga mata.

"Nasasaktan ka ngayon pero tandaan mo... gagawin ko ang lahat mapasaya lang ang bukas mo."

Continue Reading

You'll Also Like

5.2M 111K 43
AEGGIS Series #2 - Athan Falcon AEGGIS' Lead Guitarist First sight. First smile. First song. First kiss. First night. All of your firsts come only...
90.6K 4K 39
(Monteciara Series 2: Claudine Leighrah Monteciara) "Why is it so easy to fall in love and yet so hard to be loved back?" *** Claudine Leighrah Monte...
9.7K 67 5
Miss Kae's list of stories and their sequence. I compiled all my stories for easy search and if you want to know the order of reading for my series...
833K 35.3K 50
El Amor De Bustamante Series Book 3: AGAINST THE WIND Her frail heart falls in love too soon. Divine knows that loving someone like Gaston, who's bey...