TAMING A CASANOVA (Published...

Par fedejik

18.5M 331K 16.4K

Dalton Ace Samaniego, nag-iisang anak at total Casanova. Kahit na minsan ay 'di siya nagseryoso sa buhay at... Plus

Author's Note
Teaser
Beginning
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3.1.2
Chapter 3.2.2
Chapter 4
Chapter 5.1.2
Chapter 5.2.2
Chapter 6
Chapter 7.1.3
Chapter 7.2.3
Chapter 7.3.3
Chapter 8.1.3
Chapter 8.2.3
Chapter 8.3.3
Chapter 9.1.2
Chapter 9.2.2
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12.1.2
Chapter 12.2.2
Chapter 13.1.3
Chapter 13.2.3
Chapter 13.3.3
Chapter 14.1.2
Chapter 14.2.2
Chapter 15.1.3
Chapter 15.2.3
Chapter 15.3.3
Chapter 16.1.2
Chapter 16.2.2
Chapter 17.1.3
Chapter 17.2.3
Chapter 17.3.3
Chapter 18.1.2
Chapter 18.2.2
Chapter 19
Chapter 20.1.2
Chapter 20.2.2
Chapter 21.1.3
Chapter 21.2.3
Chapter 21.3.3
Chapter 22.1.3
Author's Note
Chapter 22.2.3
Chapter 22.3.3
Chapter 23.1.4
Chapter 23.2.4
Chapter 23.3.4
Chapter 23.4.4
Chapter 24.1.3
Chapter 24.2.3
Chapter 24.3.3
Chapter 25
Chapter 26.1.3
Chapter 26.2.3
Chapter 26.3.3
Chapter 27.1.2
Chapter 27.2.2
Chapter 28
Chapter 29.1.2
Chapter 29.2.2
Chapter 30
Chapter 31.1.3
Chapter 31.3.3
Chapter 32.1.2
Chapter 32.2.2
Chapter 33.1.2
Chapter 33.2.2
Chapter 34.1.2
Chapter 34.2.2
Chapter 35
Chapter 36.1.2
Chapter 36.2.2
Chapter 37.1.2
Chapter 37.2.2
Chapter 38.1.3
Chapter 38.2.3
Chapter 38.3.3
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Special Announcement
Published under Pop Fiction

Chapter 31.2.3

143K 3.2K 216
Par fedejik

CHAPTER 31.2.3

JANELLA RAYNE's POV

Tulad nang dati ay tumambay lang sila ni Vaughn doon sa labas. Naririnig ko ang madalas na pag-ubo ni Dalton at ibig ko siyang sermunan dahil sa katigasan ng kanyang ulo. Dapat kasi sa kanya ay nagpapahinga na at hindi nakatambay sa labas! Magpapakamatay ba siya?!

Saktong paglabas namin ni Carl ay naabutan kong nakayupyop si Dalton sa isang sulok. Madilim na at puro city lights na lang din ang matatanaw sa buong paligid. Agad siyang tinapik ni Vaughn sa likod na noo'y may iniinom na Budweiser. Mapupungay ang mga mata niya nang umayos nang upo at dinaanan ng mga daliri ang kanyang buhok.

"Fck dude, dapat kasi nagpahinga ka na!" Si Vaughn na noon na ay inubos na ang laman ng kanyang iniinom.

"I'm okay..." Nanghihina pang sabi lang niya at agad na lumapit sa akin.

Pero tulad ng mga nakakaraan ay umiwas pa rin ako at narinig ko na lang ang malalim na pagbuntong-hininga niya.

Nakabuntot sila sa amin ni Carl at dinig ko ang malapit na yabag nila sa amin.

"Don't tell me magpapaka-gwardiya sibil ka na naman?" Nanenermon pa ang boses ni Vaughn at tahimik lang kaming naglalakad ni Carl. Mukhang nananainga din siya d'un sa dalawang nasa likuran namin.

"I'll be fine. Don't worry." Namamaos pang sabi lang ni Dalton.

"You sounded like you swallowed a d!ck, dude." Natatawang sabi pa ni Vaughn at pinigilan kong mangiti sa sinabi niyang iyon.

"Tsss." Iyon lang ang tunog na narinig ko kay Dalton.

"Tapos d'un mo na agad ipinarada ang Hilux sa tapat ng bahay nila? Baliw ka rin 'no?"

"Ayos lang 'yun para walang makaparadang iba." Wala pa ring interest na sagot niya pero pakiramdam ko'y nasa likuran ko ang mga mata niya.

"Panay na ang tawag ng parents mo, dude. Papatayin din ako ni tito Antonio!" Irritable pang sabi lang ni Vaughn at kahit hindi ko nakikita ang mukha niya ay parang nakikini-kinita ko na ang ekspresyon ng kanyang mukha.

"Hayaan mo sila." Masungit na sagot pa niya. "Ayoko muna silang isipin sa ngayon."

"Your mama is so worried about you. Kahit ang grandma mo nag-aalala na."

Hindi ko na siya narinig sumagot at sa halip ay malalim na pagbuntong-hininga lang ang narinig ko. Madalas pa rin ang kanyang pag-ubo at puro 'Tsss' naman ang reaksyon ni Vaughn.

Nang makarating kami sa tapat ng bahay ay wala ding lingun-lingon kaming umakyat ni Carl. Narinig ko pa rin ang mahinang pagtawag niya pero pinigilan ko pa rin ang sarili kong lingunin siya. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko siya kayang tiisin. Pero ang makita siyang may sakit ay nakakadagdag lang ng pag-aalala ko sa kanya.

Matapos kong makagalaw ay kinakabahan na naman akong napatingin sa may bintana. Hindi ko alam kung bakit parang umaasa akong nand'un pa rin siya at naghihintay ulit sa akin para kausapin siya. Sinilip ko ang aking cellphone at positibo ngang may mga mensahe ulit na galing sa kanya.

Fr: Ace

Pumpkin, can we talk? Puwede na ba?

~~

I miss you so bad... Please talk to me. I'll be waiting here for you.

~~

Aren't you coming out? I'm cold.

~~

I'm sorry, pumpkin. Please talk to me.

~~

Janella Rayne... my baby.

~~

I love you...

Wala ako sa sariling napahawak sa aking dibdib at kahit na hindi pa man ako sigurado kung nand'un pa rin siya ay nand'un ang pag-asa ko na sana nga ay naghihintay siya. Marahan akong lumapit sa may bintana at madiin ko lang kinagat ang aking labi nang makita ko nga siyang nakaupo sa likod ng Hilux na parang natutulog. Agad na dinapuan nang awa ang puso ko lalo pa nga't nag-iisa na naman siyang naghihintay doon. Malapit na mag ten o'clock noon at halos tatlong oras na rin ang ipinaghihintay niya sa akin.

Nag-aalangan man ako ay agad ko na ring kinuha sweatshirt ko at isinuot. Naka t-shirt at pajama na lang kasi ako at masyadong maginaw sa labas. Medyo madilim na rin sa may sala kaya naisip kong baka nakatulog na rin si Carl sa pagod. Maingat kong binuksan ang pinto at agad na nanuot sa balat ko ang lamig ng panahon! Shit! Kawawa naman si Dalton. Isinara ko muna ulit ang pinto lalo pa nga't malakas din ang hangin. Pero pagbaba ko ay hindi ko na nakita si Dalton pero nand'un naman 'yung Hilux. Nagpalinga-linga ako sa pag-asang nasa paligid lang siya pero wala. Napabuntong-hininga na lang ako at siguro nga ay umuwi na siya. Aakyat na sana ulit ako nang makarinig ako nang ubo! Nand'un pa siya! Mabilis akong lumapit sa Hilux at naabutan ko siyang nakahiga at namimilipit sa lamig!

"Ace!" Alala pa akong napaakyat na rin sa sasakyan at namumungay pa ang mga mata niyang napatitig sa akin. Para bang hindi siya makapaniwalang nand'un ako.

"P-pumpkin?" Namamaos pang tawag niya at nanlalata pang pinilit na maupo. Agad naman din akong umalalay sa kanya at hinawakan siya sa braso. "M-malamig dito sa labas. B-baka magkasakit ka rin." Alala pang sabi lang niya at ramdam ko ang sinseridad sa kanyang boses.

"Ikaw ang umuwi na. May sakit ka na nga nandito ka pa sa labas." May panermong sabi ko pa pero parang napangisi lang siya. Natuwa pa talaga huh?

"Okay na ako. At least alam kong concern ka pa rin sa akin." Pagkasabi niya noon ay napaubo na naman siya. Nagluluha na ang kanyang mga mata at para bang ang taas na talaga ng lagnat niya. Hinipo ko ang kanyang noo at hindi nga ako nagkamali, inaapoy siya sa lagnat!

"Dalhin na kaya kita sa hospital? Ang taas ng lagnat mo!" Alala pang sabi ko lang at umiling naman siya.

"I'm okay. I'll just go home. Can we talk tomorrow?" Mataman pa siyang napatitig sa akin at kumislap ang kanyang mga mata.

"Okay..." Marahan akong tumango at hindi ko pa rin alam kung tama na ba talagang mag-usap kami.

"Thank you, pumpkin!" Mabilis pa niya akong niyakap at ramdam ko ang init ng kanyang katawan. Niyakap ko siya pabalik at ibinaon lang niya ang kanyang mukha sa kurba ng aking leeg.

Halos tumayo ang balahibo ko nang maramdaman ko ang hininga niya sa may punong-tainga ko.

"I'm sorry... I. Miss. You. So. Much."

Hindi ako nakakibo at ninamnam ko lang ang mainit na yakap niya. Ibig kong maiyak dahil kung namimiss niya ako ay mas sobra ang pagkamiss ko sa kanya.

Bahagya siyang lumayo at ginawaran ako nang manipis na halik sa labi. 'Yung tipong sobrang nakakabitin.

"I missed your hot lips, pumpkin." Mariin pa niyang kinagat ang kanyang labi na para bang nagpipigil na 'wag na ulitin ang paghalik sa akin. "I missed kissing you."

Hindi ako nakakibo at hindi pa rin mawala sa isip ko ang halikan nila nung Eleonor na 'yun.

"Umuwi ka na at uminom ka ng gamot." Iwas ko pa at inilayo ang sarili ko sa kanya. Napabuntong-hininga lang siya at bahagyang tumango.

Nagpatiuna siya sa pagtayo at kahit pa nanlalata na siya ay ako pa rin ang inalalayan niya. Inayos niya ang kanyang suot na bullcap bago nagpatiuna sa pagbaba sa sasakyan. Panay pa rin ang pag-ubo niya at tila ba bigat na bigat na rin siya sa katawan niya. Mahigpit niya akong hinawakan sa kamay at maingat akong bumaba.

"Please tell me you're not changing your mind. You'll talk to me tomorrow?" Alala pang tanong lang niya at hinagilap ang sagot sa aking mga mata.

Marahan ulit akong tumango at tumingin sa daraanan niya. Wala nang katao-tao at napakatahimik na rin sa buong paligid.

"Sige na, mauna ka na pumasok." Mapait pa siyang ngumiti at malalim na napabuntong-hininga.

"Are you sure okay ka lang?"

"Yeah." Bahagya pa siyang tumango at inihatid ako sa may hagdan. "Good night..."

"Good night..." Napabuntong-hininga lang ako at nangangapa pa rin sa dapat na sabihin.

Nang tuluyan na akong makaakyat ay tsaka siya naglakad sa sidewalk. Huh? Hindi ba siya sasakay sa sasakyan niya?

"Ace!" Malakas pang tawag ko sa kanya at agad naman din siyang napalingon. "Iiwan mo lang ba ang sasakyan mo?"

"Naibigay ko kay Vaughn ang susi." Napakamot pa siya ng ulo at mapaklang ngumiti. "Ilang blocks lang naman ang lalakarin ko. I'll be fine."

Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin at sinenyasan ko siyang maghintay. Mabilis akong lumapit sa front door at pinindot ang lock sa loob. Nag-aalala ako sa kalagayan niya at hindi ko kayang makitang gan'un siya. Gustuhin ko mang dito ko siya patuluyin ay ginagapangan ako nang hiya para kay Carl. Ayoko lang ding abusuhin pa ang kabutihan niya sa akin.

Naabutan ko siyang naghihintay sa may hagdan at takang napakunot sa akin.

"M-may problema pa?" Tanong pa niya gamit ang paos niyang boses.

"Ihatid na kita. Baka himatayin ka pa sa daan. Ang taas ng lagnat mo." Ngumuso ako sa kanya at agad naman din siyang umiling.

"I'm the guy here. I can definitely take care of myself. I am really okay. Malayu-layo rin ang lalakarin mo pabalik at 'di ako makakapayag na umuwi ka mag-isa."

"May spare room naman siguro sa tinutuluyan ninyo diba?"

"Huh?" Nalaglag ang panga niya na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Ace?"

"Oh yeah. Of course!" Agad na nagliwanag ang kanyang mukha at matamis na ngumiti. "But what about the scum-- I mean, Carl?"

"Pahiramin mo na lang ako ng cellphone mo at ite-text ko siya pagdating natin doon."

"Sure. No problem." Madiin pa niyang kinagat ang kanyang labi na para bang hindi mapigil ang mangiti. Wala akong masabi sa kagwapuhan niya kahit gabi. Dagdag pa na namumula nang husto ang kanyang labi at pisngi dahil sa taas ng lagnat.

"Let's go." Kayag ko pa at side by side kaming naglakad.

"Um..." Napakamot pa siya ng ulo at para bang nahihiya na 'di ko mawari. "C-can I hold your hand?"

"Huh?" Napangiti ako sa kanyang tanong sabay lahad ng kamay ko. Napatitig lang siya roon at para bang hindi makapaniwalang ang bilis ko pumayag? Hinalikan na nga niya ako kanina, holding hands pa kaya? "Aarte pa?"

"No!" Mabilis namang sagot niya at mahigpit na hinawakan ang kamay ko. Sobrang init ng palad niya at mas lalo akong nag-alala para sa kanya.

"Ang init mo. Are you sure ayaw mong padala sa hospital?"

"Ikaw lang, gamot ko na." Seryoso pang sabi lang niya sabay ubo.

"Bolero." Ngumuso ako at napahalakhak naman siya.

"I'm telling the truth. Ikaw lang okay na ako." Muli ay pag-uulit niya sa mas seryosong mukha. "Everyone has an addiction, pumpkin. Mine? It happened to be you. You're my cure. At kahit paulit-ulit na magkasakit ako ay tatanggapin ko. Kung iyon lang ang paraan para mapatawad mo lang ako." Mataman pa niya akong tinitigan sa mga mata at agad naman akong nag-iwas. Tagos sa puso ko ang sinabi niya. Sino bang hindi tatablan sa mga salitang 'yun?

Napatahimik na lang ako at para bang wala akong marinig na ibang ingay sa paligid kung 'di ang kalabog ng puso ko. Wala naman na ding nagsalita sa aming dalawa at tahimik na lang kaming naglakad habang magkahawak ng kamay.


Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

Childish Love Par Pinky

Roman pour Adolescents

11.5M 251K 52
Story written by Pinkyjhewelii Copyrighted, 2014
15.1M 110K 64
Eugenio Carlos or Gin is perfect. He is tall, handsome and he has money. He is the only son of Governor De Villa. And not to add he will inherit th...
469K 14K 42
I am a knight with no shining armour. A knight with vow to protect the royal family with my own life. But when a princess came, my purpose has gone...
1.6M 51.5K 44
Good side and bad side.