TAMING A CASANOVA (Published...

By fedejik

18.5M 331K 16.4K

Dalton Ace Samaniego, nag-iisang anak at total Casanova. Kahit na minsan ay 'di siya nagseryoso sa buhay at... More

Author's Note
Teaser
Beginning
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3.1.2
Chapter 3.2.2
Chapter 4
Chapter 5.1.2
Chapter 5.2.2
Chapter 6
Chapter 7.1.3
Chapter 7.2.3
Chapter 7.3.3
Chapter 8.1.3
Chapter 8.2.3
Chapter 8.3.3
Chapter 9.1.2
Chapter 9.2.2
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12.1.2
Chapter 12.2.2
Chapter 13.1.3
Chapter 13.2.3
Chapter 13.3.3
Chapter 14.1.2
Chapter 14.2.2
Chapter 15.1.3
Chapter 15.2.3
Chapter 15.3.3
Chapter 16.1.2
Chapter 16.2.2
Chapter 17.1.3
Chapter 17.2.3
Chapter 17.3.3
Chapter 18.1.2
Chapter 18.2.2
Chapter 19
Chapter 20.1.2
Chapter 20.2.2
Chapter 21.1.3
Chapter 21.2.3
Chapter 21.3.3
Chapter 22.1.3
Author's Note
Chapter 22.2.3
Chapter 22.3.3
Chapter 23.1.4
Chapter 23.2.4
Chapter 23.3.4
Chapter 23.4.4
Chapter 24.1.3
Chapter 24.2.3
Chapter 24.3.3
Chapter 25
Chapter 26.1.3
Chapter 26.3.3
Chapter 27.1.2
Chapter 27.2.2
Chapter 28
Chapter 29.1.2
Chapter 29.2.2
Chapter 30
Chapter 31.1.3
Chapter 31.2.3
Chapter 31.3.3
Chapter 32.1.2
Chapter 32.2.2
Chapter 33.1.2
Chapter 33.2.2
Chapter 34.1.2
Chapter 34.2.2
Chapter 35
Chapter 36.1.2
Chapter 36.2.2
Chapter 37.1.2
Chapter 37.2.2
Chapter 38.1.3
Chapter 38.2.3
Chapter 38.3.3
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Special Announcement
Published under Pop Fiction

Chapter 26.2.3

141K 2.9K 106
By fedejik

Chapter 26.2.3

JANELLA RAYNE's POV

Matapos na malaman ng mga magulang ni Dalton ang tungkol sa amin ay nag-iba na rin ang pagtrato nila sa aming mag-ina. Masama pa rin ang loob ni nanang sa nangyari dahil hindi daw siya makapaniwalang magagawa ko siyang lokohin nang ganung katagal. Hindi rin niya ako pinagkakausap kaya mas lalong naging mabigat sa loob ko sa mga nangyayari. At kahit masakit na nagkaganun ay wala akong ibang masisi kung 'di ang sarili ko. Kung sana noon pa man ay naglakas loob na akong sabihin kay nanang. Haist, Janella... sana lang tama itong pinapasok mo!

Paminsan-minsan ay pasikreto akong pinupuntahan ni Dalton sa opisina para makipagkita. Nahihirapan na rin kasi siyang makipagkita sa akin sa loob ng kanilang mansion. Palaging nakabantay sa kanya ang additional na bodyguards na kinuha ng parents niya para bantayan kaming dalawa. Tamang nakakatakas lang siya sa tulong na rin ni Geron at ni Danzel. Yes, ni Danzel. Hindi man sila bestfriends na maituturing, pero kahit paano ay medyo civil na rin sila sa isa't-isa.

"Oh God, I missed you so much!" Sabik pang paghalik sa akin ni Dalton at kasalukuyan kaming nasa may fire exit.

Hindi sapat ang madalas na pagte-text at pag-uusap sa cellphone lalo pa nga't sa loob ng mahabang panahon ay nasanay na kaming kasama ang isa't-isa.

"I missed you too!" Mainit na tugon ko naman sa kanyang halik.

Panay din ang lakbay ng kanyang kamay sa maseselang parte ng katawan ko at ibig kong matawa dahil para bang sinisiguro niyang nand'un pa 'yung mga parte kong iyon.

"Ace, ang manyak mo talaga!" Tinapik ko siya sa dibdib at napaismid lang siya.

"I just need to check them out. I missed each of them... like I missed the one who owned them." Pilyo pang pagkakasabi niya, pero seryoso ang kanyang mukha.

"Kaya ba natin 'to, Ace?" Alala pang tanong ko at tanging isang malalim na buntong-hininga muna ang pinawalan niya bago ulit magsalita.

"We can get through this, okay? As much as I want to take you in our sweet haven. I can't risk it." Hinaplos niya ang aking mukha at banayad ulit akong hinalikan sa labi. "I'm not used to this." Tila desperado pang tono niya. "Not being with you in a day? damn!" Inis pang sabi sabay pinagdikit ang aming noo. "My life is not the same without you, pumpkin."

"Me t-too..." Mariin ko lang kinagat ang aking labi at parang gusto kong maiyak ng wala sa oras. I love him. At hindi madaling pakawalan ang isang Dalton Ace.

"God, I want to make love with you right now, pumpkin? Can we?" Kumislap ang kanyang mga mata at napailing lang ako sa kalokohan niya. Pero hindi ko ikakailang, hinahanap din ng katawan ko ang pagiging malapit namin sa isa't-isa.

"Nababaliw ka na ba?" Ngumuso ako at napabuntong-hininga lang siya.

"I am desperate." Tila nanghihina pang sabi niya. "My dick missed you." Nangingiti pang sabi niya at agad ko rin naman siyang kinurot sa tagiliran. Napaigtad lang siya sa ginawa ko at bahagyang umiwas ulit nang makitang may balak na naman akong ulitin iyon.

"Bastos mo talaga!" Napahagalpak lang siya nang tawa bago ulit ako halikan nang mabilis sa labi.

"I just missed you... so bad." Muling nagseryoso ang kanyang mukha at muli akong hinalikan sa labi na parang sobrang nakakasabik at nakakabitin! Asar din talaga ang lalaking 'to! Napangisi lang siya sa labi ko lalo pa nga't alam na alam ko ang ganoong istilo niya. Gusto niyang matukso ako at ako mismo ang mag-initiate ng mas malalim na paghalik!

"You're such a bad boy..." Inis pang sabi ko lang sabay higit sa collar ng kanyang polo at ibinigay ko ang halik na gustung-gusto niya. Bahagya lang siyang napaungol nang ipasok ko ang aking dila sa kanyang bibig. Sinalubong niya ako at gan'un din ang ginawa niya. Mas lalo siyang napadikit sa akin at ramdam ko ang ebidensya sa kanyang harapan.

"Ehermm..." Agad kaming natigilan sa aming paghahalikan at binalingan ang gumawa ng ingay. Si Geron!

"What?!" Irritable pang baling ni Dalton sa kanyang bodyguard na bahagya pang napangiwi.

"Sir, tumawag na po ang papa ninyo. Hinahanap po kayo. Malalagot po tayo kapag hindi tayo nakauwi kaagad." Apologetic pang sabi lang niya at malalim na napahugot lang ng buntong-hininga si Dalton.

"Susunod ako." Ma-awtoridad lang niyang sabi at ibig kong ma-inlove sa tono ng pagkakasabi niya. So bossy... Dalton Ace.

Nang mawala na sa paningin namin si Geron ay muli niya akong hinalikan pero may pagpipigil na ulit.

"I need to go, pumpkin. We'll just meet a client okay? Ingat ka sa pag-uwi mo." Hinawi pa niya ang cufflinks ng kanyang suit at tiningnan ang oras. "It's almost five o'clock. Umuwi ka na agad okay?"

"Opo, sir." Tumangu-tango pa ako at napangiti lang siya sa sagot ko. Ang gwapo talaga ng 'Ace' ko.

"I want to see your tired face again, pumpkin." Nakakaloko pang sabi lang niya at sinapak ko lang siya sa braso.

Napahalakhak lang siya at mabilis ulit akong ginawaran nang halik sa labi.

"I need to go. I love you, pumpkin." Hinaplos niya ang aking pisngi at agad na namang nabalot ng lungkot ang puso ko.

"I love you too, Ace." Sinalubong ko nang titig ang malungkot niyang mga mata at mapait na ngumiti.

"Bye." Muli ay mabilis niya akong hinalikan.

"Bye..." At kahit pa ayaw ko siyang pawalan ay wala naman kaming magawa.

Malungkot siyang naunang umalis bago ako sumunod papasok naman sa opisina. Hindi ko alam kung anong kapalaran ang naghihintay sa aming dalawa. Natatakot ako, pero handa akong lumaban hangga't kaya akong ipaglaban ni Dalton.

Hangga't kaya niya ay kakayanin ko rin.

Mag-aalas siyete yata noon nang gabi nang makarating ako sa mansion. Pero gan'un na lang din ang gulat ko nang makitang maraming sasakyang nakaparada sa loob. Mukhang marami silang bisita ngayon ah. Mabilis akong naglakad sa gilid ng mansion at nasalubong si Mae na tila ba pagod na pagod.

"Tulong naman, Jan. May bisita kasi sila."

"Huh? Sino?" Kumunot lang ako.

"Nand'yan ang pamilya ni señorita Eleonor. 'Yung girlfriend ni sir Dalton." Pagkarinig ko pa lang sa pangalan na 'yun ay biglang kumalabog ang puso ko. Anong ginagawa nila dito?

"Punta ka na d;un. Kukuhanin ko lang ang mga sinampay ko at mukhang uulan." Taranta pang sabi niya at bumalikwas papunta sa may likuran.

Sa kwarto muna ako nagdiretso at nagpalit ng pambahay. Hindi ko alam kung tama ba talagang tumulong ako sa loob, pero ayoko namang may masabi sila porke kami ni Dalton. Kung hindi ako nagkakamali ay paniguradong kasal na naman ang dahilan kung bakit sila nandito. Natatakot ako sa magiging desisyon ni Dalton, pero alam ko ring kailangan kong magtiwala sa kanya kahit pa mahirap.

Matapos kong makapagbihis ay dumiretso ako sa kusina at nahagip ko ang malungkot na mata ni nanang. Nag-iwas siya nang tingin at hindi ko na naman naiwasang malungkot sa malamig na pakikitungo niya sa akin. May karapatan siyang magalit at handa akong maghintay sa panahong kaya na ulit niya akong kausapin. Kusang loob akong tumulong sa paggagayak ng hapunan at mula sa kusina ay dinig namin ang malakas na tawanan mula sa dining table. Nahagip ng mga mata ko si Dalton na makahulugan pang tumingin sa akin. Tumango lang ako at sa ekspresyon pa lang ng kanyang mga mata ay parang gusto na niyang magpaliwanag sa nangyayari.

Mula sa kinalalagyan namin ay tanaw ko rin si Eleonor na mas lalong pumuti at gumanda. Hindi ko maiwasang makaramdam ng panliliit na naman sa sarili dahil kung ikukumpara ako sa kanya ay sobrang ganda talaga niya. Blonde ang kanyang mahabang buhok at talaga namang sa suot niyang damit na sobrang hapit sa kanyang katawan ay impossibleng hindi siya tatapunan nang tingin ni Dalton.

Halos mapuno ng tawanan ang buong paligid sa mga kwentuhang wala akong masyadong maintindihan. Pangiti-ngiti lang din si Dalton na halatang pinipilit ang sariling makihalubilo. Lumapit si Eleonor kay Dalton at ipinulupot ang kanyang kamay sa isang braso nito. Agad na kumirot ang puso ko sa tanawing iyon at nag-iwas nang tingin. I can't be selfish now. Hindi ubra ang ganitong pakiramdam. Pinilit kong alisin ang selos sa sistema ko pero mahirap pa ring dayain ang sarili. Nagseselos talaga ako.

Ipinasok namin ang hapunan nila at isa-isa namin silang pinagsilbihan. Nakita ko ang pag-ismid ni señora Alona sa akin at nagkunwari akong hindi pansin iyon.

"We should set the wedding date the soonest possible time." Malakas na sabi pa ni señor Antonio at kulang na lang ay mabitiwan ko ang hawak kong ulam. Alam kong sinadya nilang i-open ang issue na 'yun at ipaparinig talaga sa akin.

"I have to agree with you, compañero." Nakangiting sang-ayon naman nung lalaki na halos kasing edad din ni señor Antonio. Kung hindi ako nagkakamali ay iyon ang ama ni Eleonor dahil sa laki ng resemblance ng kanilang mukha. "Ang tagal na rin namang dapat natuloy ang kasal nila."

"You're right." Sagot naman ni señora Alona at nakipagngitian din dun sa katabing babae ni Eleonor na nakalalamang na ina naman nito. "Magaling na sa negosyo ang anak ko. I believe that he can handle everything now. Is that right, son?"

Mapakla lang na ngumiti si Dalton at makahulugan pang tumitig sa akin.

"Of course I can." Walang interest naman niyang sagot at pasimpleng tinanggal ang kamay ni Eleonor na nakapulupot sa kanyang braso at wari ay umabot ng ulam na medyo malayo sa kanya.

"Why don't we set the wedding next month?" si señor Antonio na dinaanan pa ako nang tingin bago ako makalabas nang tuluyan sa kusina.

"I think next month is cool. May magagaling namang wedding coordinator na kayang mag-ayos ng kasal sa ganoong kaikling panahon." 'Yung ina ulit ni Eleonor.

Nanatili ako sa may kusina at naaawang napatitig lang sa akin si nanang pero wala namang sinabi.

"You must be kidding me..." Sarcastic na sabi lang ni Dalton at kahit 'di ko nakikita ang kanyang mukha ay nakikini-kinita ko ang kanyang pag-iling.

"Dalton Ace!" Pasimpleng saway pa ng señor at halatang hindi nagustuhan ang sinabi nito.

"What?" Noon na ako napasilip sa kanila at kitang-kita ko ang pagkunot ng noo ni Dalton sa kanyang Papa. "I am not marrying Eleonor." Matigas niyang sabi at nalaglag ang panga ng lahat. Maging si Eleonor ay hindi makapaniwala.

"Dalton, please..." Halos magkulay mansanas si Eleonor at alanganin pang napatingin sa parents niya na noo'y seryoso na ang mukha.

"I don't understand. What do you mean, Dalton? You're not marrying my daughter?" Medyo matigas pang tanong n'ung ama ni Eleonor. Halata sa boses niya ang pagkadisgusto sa narinig.

"I'm sorry, sir, but that won't happen." Walang gatol na sagot lang niya at nakita ko ang pagkuyom ng kamao ng señor.

"Shut up, Dalton Ace!" Pigil pa rin ang galit ng señor at alalang napabaling ulit nang tingin sa akin si nanang.

"We should stop this nonsense." Sarcastic pang ngumiti si Dalton habang iginagala ang tingin. "I'm not in love with Eleonor. I'm in love with somebody else."

"Dalton Ace!" Ang señora na taranta pang napabaling ng tingin sa parents ni Eleonor.

"Is this some kind of a joke?" Tila irita pang sabi nung ina ni Eleonor at padabog na ibinalibag ang table napkin sa ibabaw ng plato nitong wala pang laman.

"Mom..." Napahawak lang si Eleonor sa braso ng kanyang ina at napabaling din nang tingin sa kanyang ama. "Dad..."

Continue Reading

You'll Also Like

24.3M 710K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
1.6M 51.5K 44
Good side and bad side.
1.4M 28.6K 15
Binalot ng pagtataka at pag-aalinlangan si Rhyme nang magkamalay siya sa isang di-makilalang silid. Ang pakiramdam na iyon ay napalitan ng takot nang...
11.5M 251K 52
Story written by Pinkyjhewelii Copyrighted, 2014