My Husband is a Mafia Boss (S...

By Yanalovesyouu

56.4M 1.2M 1.3M

Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most p... More

Announcement about Wattpad Originals
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
List of Characters
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98 Part 1
Chapter 98 Part 2
Chapter 98 Part 3
Chapter 99 Part 1
Chapter 99 Part 2
Chapter 99 Part 3
Chapter 100 Part 1
Chapter 100 Part 2
Chapter 100 Part 3
Chapter 100 Part 4
Chapter 100 Part 5
Chapter 100 Part 6
Chapter 100 Part 7
Epilogue Part 1
Epilogue Part 2
Epilogue Part 3
Epilogue Part 4
Epilogue Part 5
Epilogue Part 6
Epilogue Part 7
Epilogue Part 8
New Story Alert: MHIAMB S2.5: Undisclosed Period
New Story Alert: Lerwick
Epilogue Part 9
Epilogue Part 10
Epilogue Part 11
Epilogue Part 12
Epilgoue Part 13

Chapter 7

1.5M 33.6K 24.5K
By Yanalovesyouu

Mikazuki's PoV

"Bride's maid?" Ngumiti na lang ako nang maalala ko ang mga sinabi ni Lovelle kanina at itinuloy ang pagkalabit ng gatilyo ng baril. Nandito ako sa isang malawak na field na binili namin ni Bullet two years ago para gawing target shooting field.

(6 hours ago)

Sumaglit ako sa bahay para kumuha ng ilang damit at gamit na dadalhin ko sa hotel. Paninindigan ko na ang pagtigil sa hotel nang sa gano'n ay hindi ko makasama lagi si Lovelle.

At sa pangalawang pagkakataon, nadatnan kong magkasama si Roswell at Lovelle sa living room. Nakatingin silang dalawa sa isang magazine. Tapos, may isang babae silang kasama.

"Mika-chan, bagay ba sa 'kin ang wedding gown na 'to?" Iniharap niya sa 'kin ang magazine na hawak niya habang nakaturo ang daliri niya sa isa sa mga gowns.

Agad-agad ba ang kasal nilang dalawa? Hindi ba parang masyado naman yatang mabilis?

Tiningnan ko si Bullet who's also looking at me. "Bakit? Kailan ba ang kasal niyo?" tanong ko sa kanilang dalawa.

"After six months pa naman, Mika-chan. Bride's maid ka ha," nakangiting sagot ni Lovelle at saka lumapit sa 'kin.

"Halika, tulungan mo kaming maghanap ng designs." Hinila niya ako at pinaupo sa tabi ni Roswell kaya napagigitnaan naming dalawa si Roswell. "Tingnan mo 'to. Bagay na bagay sa 'kin 'to 'di ba?" tanong niya habang nakatingin sa panibagong gown.

"Pangit," sagot ko. Tiningnan ako nang masama ni Roswell kaya tiningnan ko rin siya nang masama. "Pangit naman talaga eh."

"Tss."

Dinampot ko ang isang magazine sa ibabaw ng center table. Magazine naman ito ng mga cake. At wow! Ang sasarap naman tingnan ng mga cakes. "'Yong mga cakes lang ba na nandito ang pwedeng pagpilian?" tanong ko sa babae sa tapat namin.

"Hindi po, Ma'am. Pwede rin po kayong magsabi sa 'min ng design na gusto niyo," sagot sa 'kin n'ong babae. "Ah." Tumango-tango ako at saka inilipat ang pahina ng magazine ng mga cake.

Bigla akong tumawa nang malakas nang may nakita akong wedding cake na Barbie. "Tingnan mo 'to, Roswell, ito na lang kaya?!" natatawang tanong ko.

He glared at me kaya pinakita ko sa wedding organizer nila ang cake. "Maganda naman 'to, 'di ba?" tanong ko sa wedding organizer.

"Opo, Ma'am," nakangiting sagot nito sa 'kin.

"May I see, Mika-chan." Iniabot ko kay Lovelle ang magazine na hawak ko. "Why Barbie? Para naman kaming bata ni Bullet kapag 'yan."

"Ano ka ba, Lovelle, 'yan na ang uso ngayon," biro ko at saka kinuha ulit sa kanya ang magazine.

"Winter kasi ang theme ng kasal namin, Mika-chan, kaya hindi babagay 'yan," sabi niya.

"Bakit naman Winter?" takang tanong ko. Kung ako kasi ang pipili, mas gusto ko ang Spring kaysa Winter dahil maraming cherry blossoms tuwing Spring. Maganda pa dahil parehas silang sa Japan lumaki.

"Maganda lang tingnan dahil white and silver ang combination," sagot ni Lovelle.

"Pwede bang ang gown ko, iba sa motif niyo?" tanong ko.

"Mikazuki," tawag ni Roswell.

"Mas maganda kasi Roswell ang Spring kaysa Winter. 'Di ba mahilig ka rin sa Sakura?" bulong ko sa kanya. Madalas kasi kaming namamasyal noon tuwing sasapit ang Spring. Kakaibang relaxation kasi ang mararamdaman kapag napalilibutan ka ng mga cherry blossoms tree.

"Oh gee! I am almost late sa meeting ko," sabi ni Lovelle habang nakatingin sa wrist watch niya. "Uhm—Mika-chan, pwede bang ikaw na lang muna ang tumulong kay Bullet pumili ng mga kailangan? Kailangan ko kasing i-meet 'yong kausap ko sa business." Kahit napapaisip ako kung sino ang tinutukoy niya ay tumango na lang ako.

Bumeso siya sa 'kin at saka kay Bullet bago tuluyang umalis.

"Ano bang sabi ni Lovelle about sa designs?" tanong ko sa wedding organizer.

"Wala po siyang binigay na specific design, Ma'am, basta ang gusto niya lang daw po ay winter."

"Oh, I see," sagot ko. "Siguro itong wedding invitations muna ang unahin natin 'no, Roswell?" tanong ko habang tinitingnan ang mga nasa magazine. Hindi sumasagot si Bullet kaya tiningnan ko siya.

"Oh bakit pangiti-ngiti ka d'yan? Asus, alam mo kasing alam kong Barbie ang type mo 'no?!" pang-aasar ko sabay tulak sa kanya.

"Tss."

I saw a plain white invitation with embossed letters. "Ito kaya, Roswell, simple lang." Actually medyo nahihirapan akong pumili dahil magkaiba kami ng taste ni Lovelle. Kung bakit ba naman kasi pati kasal nila, ako pa ang nag-take charge.

"Why don't you choose a design that you want?" bulong ni Roswell. Tumawa ako dahil kanina pa rin ako nahihirapan pumili dahil iniisip ko kung ano ang gusto ni Lovelle.

"Kasal ko ba 'to ha? Kasal ko ba?" natatawang tanong ko sa kanya.

"Nah, but it's my wedding. So I can do whatever I want," sagot naman niya sa 'kin.

"Sure ka ba?" tanong ko. Tumango si Bullet kaya tumingin ako sa wedding organizer nila. "Pakipalitan no'ng theme ng kasal. Instead na Winter, pakipalitan ng Spring," nakangiting sambit ko.

Kinindatan ko si Bullet at saka excited na kinuha ang iba pang magazine. "Saan ba ang venue ng kasal? May napili na ba?" tanong ko sa wedding organizer.

"Wala pa po, Ma'am. Pero may listahan po ako rito ng mga gusto kong i-suggest na place, kaso mas nababagay po 'to sa Winter theme."

Tumango ako pagkarinig ko sa sinabi ng organizer. "Sa venue, gusto ko sanang garden wedding at 'yong maraming Sakura—I mean, cherry blossoms tree at Japanese lanterns."

"Pero wala naman pong mga cherry blo—"

"Just do whatever she asks," utos ni Roswell sa organizer.

"So bale, sunset gaganapin ang kasal para magandang tingnan ang lanterns," nakangiting sabi ko. Tiningnan ko ulit ang magazine ng design ng invitation at naghanap ng babagay na design para sa motif ng kasal nila. Wala naman akong makitang bagay na invitation. "Roswell, ano sa tingin mo magandang invitation?"

"Anything you want."

Pinasingkitan ko siyang mata dahil ako na naman? Aba kasal ko ba 'to? "Bakit ako?" I asked.

Ngumiti si Roswell pero biglang nag-ring ang cellphone ko, so I excused myself for a while to answer the call.

Unknown number?

"Yes?" casual na sagotko.

[Good morning, Ms. Yagami. This is Trigger Roswell. Are you free today? May mga idi-discuss kasi ako about sa business deal. Kung free ka lang naman.]

Natawa ako sa pagiging pormal masyado ni Trigger. Kung maka-Ms. Yagami naman siya sa 'kin, parang hindi pa kami nanonood ng sine.

"Ang formal, Mr. Roswell ah," natatawang sagot ko. "But yeah, wala naman akong ibang ginagawa," dugtong ko.

[Great, so I'll see you then at my office?]

"Of course. Pupunta na ako d'yan in a bit."

[Alright. Thanks.]

I ended the call and turned my back— "Who was that?" Nagtaka naman ako kasi as far as I remember, no'ng iniwan ko kanina si Bullet sa living room, good mood naman siya.

"Si Trigger. May pag-uusapan lang tungkol sa business," sagot ko. "Okay lang bang umalis na ako?" tanong ko.

"Nah, we're not done yet."

"Pwede niyo namang ituloy ni Lovelle ang pagpili ng designs mamaya."

"But she's on a meeting right now,"

"Eh may meeting nga rin akong pupuntahan," giit ko. Ang kulit talaga nito ni Roswell minsan.

"Tss." Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya. Dumiretso na ako sa taas para kuhanin ang mga dapat kong kuhanin kanina para makaalis na ako at makapunta sa opisina ni Trigger.

***

"Impressive. Magaling ka palang humawak ng baril?" Ngumiti ako kay Trigger na katabi ko ngayon at kasamang nagta-target shooting. Pagkatapos naming mag-usap sa opisina niya ay inaya ko siya rito.

"Hindi naman masyado.Tinuruan kasi ako ng kuya ko noon," sagot ko.

"Wow!"

Ngumiti ako sa kanya at saka inilapag ang baril sa ibabaw ng high table na nasa pagitan naming dalawa. "Bonding time namin noon 'yan eh, kaya ayun. Natutunan ko rin ang paggamit ng baril," kuwento ko.

"That's good! Because I also love guns," sagot niya sa 'kin.

"Mukha nga," natatawang sabi ko. Ang galing niya rin kasing bumaril. Wala siyang mintis sa bull's eye.

***

Mula pa kaninang tanghali ay magkasama na kami ni Trigger. And to tell you honestly, masayang kasama si Trigger dahil open siya sa mga bagay-bagay at hindi rin siya moody. Madalas siyang sumang-ayon sa mga sinasabi ko unlike Roswell na lagi akong kinokontra.

"Thank you," I said with a smile no'ng pagbuksan niya ako ng pinto ng kotse at alalayang makababa.

"This way po Ma'am, Sir," sabi n'ong isa sa mga waiter na sumalubong sa 'min.

"Wow! Prepared ha?" Natawa ako nang mahina nang may bouquet ng flowers siyang kinuha sa table at iniabo tsa 'kin.

I can't keep myself from smiling dahil first time kong makatanggap ngflowers. Nakaka-overwhelm pala sa pakiramdam. He pulled a seat for me kaya nagpasalamat ulit ako at saka naupo.

"Para saan ba 'to? This is too much," natatawang saad ko pagkaupo ko.

"Nah, this is just my way of saying thanks."

"Gusto ko 'yang way of thanks na sinasabi mo," puri ko sa kanya sabay tawa.

Tumawa rin siya nng mahina. "It's my pleasure," sagot niya.

I could say na swerte ang magiging girlfriend nitong kapatid ni Roswell. Dahil hindi lang siya gentleman, he knows exactly what every girl wants.

Maya-maya lang nang kaunti ay dumating na ang mga pagkain. Ngumiti ako dahil obviously, planado na talaga ni Trigger 'tong dinner dahil hindi pa kami umo-order ay may pagkain na.

Nang makaalis ang mga waiter na nag-serve ng pagkain aynilagyan niya ng pagkain ang plato ko. "Thank you," sabi ko.

He just smiled at me at nag-umpisa na ring kumain. "Bukod sa Yagami Corporation, what else do you do?" diretsong tanong niya. Sumubo muna ako ng pagkain at nag-isip.

Ano nga bang ibang ginagawa ko? I guess wala, inuusisa ko lang ang buhay ni Roswell. "Uhm wala, ikaw ba?" sagot ko.

"Same," nakangiting sagot niya. "Well, I have some underground businesses." Natigilan ako sa pagsubo dahil sa sinabi niya. Ganito ba siya talaga ka-open?

"I'm sorry nagulat ba kita? I've learned few things about honesty along my path. And I just want to be honest with you about everything." I admire his sincerity and seriousness. And I do value and appreciate it.

I smiled at him. "Just continue," I said.

Ngumiti rin siya sa 'kin at ipinagpatuloy ang pagsasalita niya. "As I was saying, I do some underground businesses, illegal transactions—" Natawa ako kaya tumigil siyas a pagsasalita. "Why?" nakangiting tanong niya.

"Eh kung ipakulong kaya kita dahil sa mga sinasabi mo sa 'kin?" I smirked at him and he did the same.

"Go ahead, sisiguraduhin kong hindi ka sisikatan ng araw." I crumpled the table napkin saka ko ibinato sa mukha niya habang tumatawa.

"Ang sama mo!"

"Kidding," sagot naman niya habang tumatawa rin.

***

Marami kaming napagkwentuhan ni Trigger. Hindi lang tungkol sa mga underground businesses kundi pati ang tungkol sa Mafia ay napag-usapan namin. I didn't expect na ikukuwento niya sa 'kin pati ang mga bagay na 'yon.

Pagkatapos ng dinner namin ni ay inihatid niya ako sa sa Kitkatel. "Okay lang ako kahit dito na lang sa lobby," nakangiting paalam ko sakanya.

"No, I insist. Ihahatid na kita hanggang sa tapat ng hotel room mo," He said. Hindi na rin ako tumanggi para hindi na humaba ang usapan. Wala rin naman si Roswell dito kaya okay lang.

"Thank you nga pala," I said no'ng nasa loob na kaming dalawa ng elevator.

"Nah, it's an honor to have dinner with you."

Tahimik kami parehas na naglakad hanggang makarating kami satapat ng hotel room ko. Iniabot niya sa 'kin ang bouquet ng bulaklak at saka ngumiti.

"Thanks ulit," I said.

"I had a great time," nakangiting wika niya.

Nagulat ako no'ng biglang bumukas ang pinto ng hotel room ko, so I turned my back to see kung sino ang nagbukas. "Ro—kuya!"

Diretso ang tingin niya kay Trigger at hindi man lang ako tiningnan kahit saglit.

"Get inside, Mikazuki," utos niya. Mahina pero ma-awtoridad ang tono ng pananalita niya kaya sinulyapan ko lang saglit si Trigger para magpaalam bago pumasok sa loob.

"Good evening, Trigger Ros—"

Pagkapasok ko ay kaagad ding isinara ni Bullet ang pinto ng hotel room. Ni hindi man lang niya pinatapos sa pagsasalita si Trigger. Psh.

Inagaw sa 'kin ni Roswell ang bouquet na bulaklak at saka mabilis na itinapon sa basurahan.

"Roswell!" saway ko sa kanya saka kinuha ang bulaklak.

"Hindi ba sinabi kong huwag kang makikipagkita ro'n nang hindi ko alam?" sabi niya.

"'Di ba nagpaalam naman ako kanina sa 'yo? Sabi ko may meeting kaming dalawa."

"Meeting hindi date."

"Oo nga. Hindi naman date 'yon eh. Kumain lang kami."

"Tss."

"Bakit ka ba kasi nandito? Hotel mo ba 'to?" tanong ko sa kanya.

"Pakialam mo ba?" inis na tanong niya sa 'kin pabalik.

"Asus! Namimiss mo lang ang maganda mong kapatid, 'di ba? Aminin mo!" pang-aasar ko sa kanya sabay sundot sa tagiliran niya.

"Tss. You're not my sister." Tumawa ako saka pumunta sa kusina.

"Kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya.

"Not yet. I was waiting for you, only to find out that you had dinner with someone else. Tss."

"Hindi ko naman po kasi alam na pupunta ka," natatawang sabi ko.

"Tss."

Kahapon lang, sabi ko sa kanya, hindi ko na siya tutulungan. Naiinis kasi ako eh. Samantalang ngayon, magkasama na naman kami.

"Ano bang gusto mong kainin?" tanong ko habang tinitingnan ang laman ng ref nitong hotel room.

"Any."

"I-o-order nalang kita ng pagkain. Parang wala namang nakakabusog dito sa ref e," sabi ko.Tinungo ko kaagad ang phone para magpadeliver ng pagkain.

After the phone call ay pumunta ako sa banyo para mag-shower saglit. "

Dito ka ba matutulog?" tanong ko kay Roswell pagkalabas ko ng banyo dahil nakahiga na siya sa kama.

"Yeah," sagot niya.

Biglang sumagi sa isip ko si Lovelle at si Mommy Angelique. "Hindi kaya hanapin ka ni Lovelle, or baka tumawag si Mommy? Magagalit na naman 'yon for sure."

"I don't care," sagot niya. Mabilis na bumangon si Roswell no'ng tumunog ang doorbell. Naupo naman ako sa may vanity table para magsuklay ng buhok. Pinagmamasdan ko ang reflection ng babaeng may tulak-tulak na pagkain sa salamin. Parang hindi maganda ang kutob ko rito sa babaeng 'to.

Bukod sa babaeng may tulak na pagkain ay may isa pang babaeng nakatayo sa may tabi ng pinto, malapit kay Roswell.

Tiningnan ko si Roswell sa reflection ng salamin. Seryoso rin siyang nakamasid sa nagtutulak ng pagkain. Mabilis na inalis n'ong babae ang takip ng pagkain at dinampot ang baril na nasa loob. I stood up and run towards her to grab the gun.

"Sino ang nag-utos sa inyo?" tanong ko sa kanya. Sinulyapan ko ng tingin 'yong isa pang babaeng katabi ni Roswell kanina. Nakasalampak na siya ngayon sa sahig with a gunshot on her head.

"Kahit naman sabihin ko sa inyo kung sino, papatayin niyo pa rin ako," sagot n'ong babae sa 'kin.

I wasn't able to ask another question dahil binaril na rin kaagad siya ni Roswell.

"I'm fcking hungry, and she's wasting my time," bulong niya.

Umupo ako sa tabi n'ong babae at inumpisahan siyang kapkapan.

"What the hell are you doing?" tanong ni Roswell.

"Tinitingnan ko lang kung baka may tinatagong kung anuman para ma-identify natin kung sino ang nag-utos."

"Tss. I'm fcking hungry," ulit niya sa sinasabi niya.

"Teka, saglit lang 'to." Tiningnan ko ang laman ng wallet nito. The hell? Ito 'yong wallet no'ng totoong service crew dahil magkaiba 'yong nasa picture sa ID at 'yong itsura no'ng nakahandusay sa sahig.

"Tss. Bilisan mo na. Baka may mga kasama pa 'yan."

Oo nga 'no? Posibleng may mga kasama pa silang naghihintay sa 'min.

"Okay lang 'yan. Nand'yan ka naman," sagot ko sa kanya sabay tawa.

"Tss."

Napailing na lang ako at saka pumunta sa isa pang babaeng nakahandusay rin sa sahig para kapkapan. Nang tiningnan ko ang bandang batok n'ong lalaki ay may nakita akong tattoo. A symbol, more like a star or tatlong triangle na magkakapatong with intials.

B.S.

Tumakbo ako pabalik sa isa pang lalaki dahil nakita ko na rin ang tattoo na ito sa may binti niya.

Confirmed. Parehas silang may gano'ng tattoo. What could possibly be the meaning of B.S.? Parang nakita ko na 'tong tattoo na 'to somewhere. Hindi ko lang maalala kung saan at kailan. Hmm.

***

"Ang sabi mo kanina sa 'kin, may aasikasuhin ka kaya bukas ka uuwi."

Nandito kaming tatlo nina Lovelle at Bullet sa kusina dahil ipagluluto ko ng pagkain si Roswell. Kausap naman ni Lovelle si Bullet. Na-i-imagine ko na tuloy ang itsura nilang dalawa kapag mag-asawa na sila. "Yeah," sagot naman ni Roswell. Pagkaalis na pagkaalis namin kanina sa hotel ay may tinawagan siya para ligpitin 'yong kalat.

"Bakit magkasama kayo sa hotel? Saka ano'ng sinasabi niyong may mga pumasok na lalaki? Paano nangyari 'yon, Mika-chan?" tanong niya kaya tumigil ako saglit sa paghihiwa.

"I came over to hand her some business documents. Then it happened." Si Roswell ang sumagot kay Lovelle kaya itinuloy ko naang ginagawa ko.

"Sino naman ang gagawa no'n?" tanong ni Lovelle. I just shrugged kasi iniisip ko rin ngayon kung sino ang pwedeng gumawa no'n. Wala rin akong balak banggitin sa kanilang dalawa ang tungkol sa tattoo na nakita ko. Lalo na kay Lovelle.

"Oh geez! Hindi kaya ang Roswells ang gumawa no'n? You see, maybe nanghihinala sila sa 'yo, Mika-chan dahil masyado kang malapit sa kanila. Psh."

Ano namang pinagsasasabi nito? Tiningnan ko si Roswell na tahimik lang at hindi kumikibo.

"I doubt that. Kung Roswells ang gagawa no'n, hindi na nila iyon iuutos sa iba."

I remembered Katana's story. Kinuwento niya sa 'kin what their parents did to the old Black Organization.

"Ano sa tingin mo, Roswell?" tanong ko kayBullet.

"Lovelle's right."

What?! Seryoso? Nakikinig siya kay Lovelle eh walang kasense-sense 'yong reasons ni Lovelle. Tinalikuran ko na silang dalawa at saka nag-umpisang magluto.

"Told yah." Umiling na lang ako no'ng narinig kong nagsalita si Lovelle. "Tara sa kwarto ko, Bullet. I'll call Mommy. Kanina ka pa niya hinahanap."

"Alright."

"Mika-chan, pakidala na lang doon ang food after mo d'yan."

"Okay," sagot ko.

***

"Nakakainis ka naman eh! Isusumbong kita kay Mommy."

Kakatok pa lang ako sa may pinto ay naririnig ko na ang malakas na tawa ni Lovelle. I was also surprised kasi hindi naman sila close ni Bullet way back in Japan. Ako nga lang ang nakakausap niya eh. Kaya hindi ko akalaing magiging malapit kaagad sila sa isa't isa.

Hindi na ako kumatok. Binuksan ko na kaagad ang pinto para ipasok ang pagkain. Nakahiga silang dalawa sa kama habang nanonood sa laptop.

"Kapag kulang pa, ikuha mo na lang si Roswell sa ibaba," sabi ko kay Lovelle.

"Okay! Thanks, Mika-chan!" nakangiting sagot ni Lovelle.

As soon as I closed the door ay tinungo ko ang kwarto ko at kinuha ang laptop. Lumabas ako sa may veranda. Mas feel ko kasi rito mag-research kaysa sa loob ng kwarto.

Isang oras na ang nakalilipas pero wala pa rin akong nalalaman tungkol sa nakita kong tattoo. Pero alam ko talagang nakita ko na siya somewhere eh. Hindi ko lang talaga maalala kung saan. Shit!

Isinara ko ang laptop and let out a loud sigh.

What if si Trigger kaya ang tanungin ko? Hmm.

Trigger, may alam ka bang group na may initials na B.S.?

Hindi ako naghihintay ng immeadiate reply from him dahil it's almost midnight na when I received a text message.

There are two: Black Sinister and Black Society. Why?

Oh, I see. Tapos sila, Black Organization? Ayaw naman nila masyado ng Black niyan?

Nothing. Just asking. Thanks by the way.

Black Sinister at Black Society? Hmm. I'm not familiar with those two. When it comes to underground business kasi, hindi ako masyadong nakikialam kay Roswell. Ayoko rin namang itanong sa kanya ang tungkol dito dahil baka magalit na naman siya. And worst, baka pauwiin pa niya ako sa Japan.Ugh!

Are you sure?

Saglit akong napaisip no'ng nagtanong si Trigger. Hindi ako pwedeng mag-investigate gamit ang mga tauhan ni Roswell dahil siguradong makararating sa kanya. What if magpatulong ako sa Black Organization? Or kaya kahit kay Katana na lang.

Yes. Sorry kung nakaistorbo.

After kong reply-an si Trigger ay t-in-ext ko naman si Katana.

Hey, Katana, are you still up? Can we meet?

Wala pang isang minuto ay nagreply na siya kasama ang location kung saan kami magkikita dahil may sasabihin din daw siya sa 'kin.

"Who's that?" Halos mahulog ako sa upuan nang madinig ko si Roswell na nagsalita mula sa likod ko.

"Pfft. What are you doing?" tanong niya ulit.

"Ah wala, nagpapahangin lang ako," palusot ko.

"You're lying," sabi niya. Tumayo ako at saka binitbit ang laptop papasok sa kwarto.Tinitingnan ko siya sa peripheral vision ko kung saan siya pupunta and oh damn! Nahiga na naman siya sa kama ko.

"Si Lovelle ba, tulog na?" tanong ko. Hindi niya ako sinagot. Ipinikit niya lang ang mga mata niya.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa wardrobe para kumuha ng jacket.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Roswell kaya natigilan ako sa pagkuha.

"Anong saan ako pupunta? Inaayos ko lang 'yong mga damit ko para hindi ako mahirapan next time 'pag nakahanap na ako ng lilipatan," palusot ko. Damn! Hindi na nga ako mag-ja-jacket.

"Iinom lang ako ng tubig sa baba." Hindi ko na hinintay sumagot si Roswell. Dumiretso na kaagad ako sa parking lot at pinatakbo nang mabilis ang kotse ko pagkasakay na pagkasakay ko.

"Shoot! Siguradong makararating na naman 'to kina Mommy," I said habang pinagmamasdan ko si Roswell na nakatayo sa veranda ng kwarto ko at nakatanaw dito sa gawi ko.

**

"Room 204." Iniisa-isa kong tingnan ang mga apartel rooms and when I saw the exact room number ay kumatok ako.

Ilang saglit pa ay bumukas din ang pinto ng kwarto.

"Hindi ka ba nasundan ni kuya?" tanong niya. She switched off the light at saka sumilip sa kurtina ng kwarto.

"Hindi naman siguro," sagot ko sa kanya.

"Okay, what happened? But before answering my question, ako muna ang magkukuwento," sabi niya. Kumunot ang noo ko at nakinig sa sasabihin niya.

"About the investor we were talking about last time, it's Lovelle Birkins. She also mentioned na kilala niya kayo ni Kuya Bullet. And that they're getting married is that true?"

Tumawa ako nang malakas. "Sabi na eh! Si Lovelle 'yang investor mo. Hmm oo, pero after 6 months pa naman sila ikakasal."

"WHAT?! Is my brother insane?! What the fck is he thinking?" Nagkibit-balikat na lang ako.

"I don't know either. Siguro, hayaan na lang muna natin siya sa desisyon niya." Ayokong banggitin kay Katana ang tungkol kina Mommy Angelique. Na sila ang may gusto ng tungkol sa kasal, pati ang tungkol sa mga funds. It's Roswell's life after all. Siya pa rin naman ang nagdedesisyon no'n.

"Tss." Natatawa ako dahil parehas na parehas silang mainis ng kuya niya.

"Ako naman ang magkukuwento," sabi ko para maiba na ang usapan.

Ikinuwento ko sa kanya ang nangyari simula nang maihatid ako ng kuya niyang si Trigger sa Kitkatel hanggang sa makita ko ang mga tattoo sa may batok at binti no'ng mga babaeng nagtangka sa amin ni Roswell.

"B.S.? I'm not familiar with that," sagot ni Katana habang nag-iisip nang malalim. "Hindi mo ba tinanong kay Kuya Bullet?" tanong niya.

"Hindi 'no! Alam mo namang iba ang saltik no'ng kuya mong 'yon kapag nagalit," sagot ko sa kanya. Tumawa siya nang mahina.

"Just like Dad," sabi niya sa 'kin.

"But one thing's for certain, it's a secret organization. Dahil parehas nating hindi alam although parehas tayong part ng magkaibang organization," she said.

"At kung sikreto ang organization nila, it only means na they have hidden agendas."

"And they're powerful," dugtong pa niya sa sinabi ko. "Pero bakit kayong dalawa ni Kuya Bullet ang target kanina? Ano ba ang ginawa niyo?"

I'm trying to think of the last things we did. Or I did sa ibang group pero wala naman akong maalala— "Oh wait! Si Gabriel Lennox!"

"Gabriel Lennox?" tanong ni Katana. "Who's that?" she added.

Kinuwento ko sa kanya ang pinakita sa 'kin ni Bullet na envelope ng underground business transaction pati na rin ang pagtatagpo namin ni Grabriel Lennox sa dating mansion ni Terrence Von Knight.

"He didn't say anything?" tanong ni Katana. Umiling ako as my response at nanatiling tahimik. "We better start investigating the old leaders of the Black Organization," sabi ni Katana.

"Yes, hindi tayo nakasisigurong may kinalaman sila. Pero for sure, they know something," pagsang-ayon ko.

Ngumiti si Katana sa 'kin when she saw me smiling. "Why are you smiling, Ate Mikazuki?"

"Nothing, I just can't contain my excitement," sagot ko sa kanya. I usually investigate alone pero ngayon, magkatulong na kami ni Katana.

Tumawa siya bago nagsalita. "Me too! Paniguradong marami tayong malalaman," kumpyansang sagot niya.

***

Umuwi na ako sa bahay pagkatapos naming magplano ni Katana ng mga gagawin namin. I gulped and started walking slowly nang matanaw ko si Roswell na nakasandal sa may main door at nakapikit. Dahan-dahan akong naglakad at lumapit sa may pinto. Nang hahawak na ako sa door knob ay bigla naman siyang nagsalita.

"When are you going to start listening to me?" tanong niya.

Naglakad ako palayo kay Roswell at sa bahay dahil hindi ako nakasisiguradong tulog na si Lovelle. Baka mamaya, marinig pa niya ang pag-uusap namin.

"Gusto mo ba talagang pabalikin kita ng Japan?" tanong ulit niya. Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya bago ako nagsalita.

"Importante lang 'tong ginagawa ko. After nito, titigil na ako," giit ko.

"I told you to trust me," sagot niya sa 'kin.

"Paano? Eh kina Mommy Angelique ka nga nakikinig. At isa pa, para sa 'yo rin naman 'tong ginagawa ko. I want to prove to you na mali ang iniisip mo kina Tita Aemie at Tito Ezekiel."

Mahinahon ang pagkakasagot ko para hindi uminit ang ulo ni Roswell pero kahit yata anong hinahon ng mga salita ko, maiinis at maiinis pa rin siya.

"I don't need your fcking help. At sa ginagawa mo, lalo ka lang nakakasagabal."

"Bakit mo ba kasi pinakikialaman ang ginagawa ko? You have your own life—" sagot ko pero hindi pa ako natatapos sa sasabihin ko, nagsalita na siya kaagad.

"Yeah, so don't meddle with my life."

"Fine!" bulyaw ko and turned my back para pumasok sa loob ng bahay pero hinawakan niya ako sa kamay para pigilan.

"Please." It's just one word pero it hit me so much. I looked into his eyes in disbelief. Nakatingin siaya nng diretso sa 'kin with a pleading look.

Being completely stunned with his gaze I utter, "S-sige."

Bumitaw ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko at saka tumakbo papasok ng bahay holding my chest. Shit! Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko.

Continue Reading

You'll Also Like

387 61 72
Short stories that I've been inspired Hope na magustohan nyo, di kagandahan pero sana ma inspire at may matutunan kayo May mga meaning ang bawat stor...
3.3M 112K 65
Death is my name and Death can be my game. Deathalè at your service.
353K 16.5K 49
C O M P L E T E D capture (verb) :to get and hold (someone's attention, interest, etc.) :to take something into your possession...
1.7M 53.7K 67
Arrow Sanchez has only one goal in life, to enjoy her peaceful life and to know exactly what happened in the past before she lost her memories. Every...