My Husband is a Mafia Boss (S...

By Yanalovesyouu

56.4M 1.2M 1.3M

Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most p... More

Announcement about Wattpad Originals
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
List of Characters
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98 Part 1
Chapter 98 Part 2
Chapter 98 Part 3
Chapter 99 Part 1
Chapter 99 Part 2
Chapter 99 Part 3
Chapter 100 Part 1
Chapter 100 Part 2
Chapter 100 Part 3
Chapter 100 Part 4
Chapter 100 Part 5
Chapter 100 Part 6
Chapter 100 Part 7
Epilogue Part 1
Epilogue Part 2
Epilogue Part 3
Epilogue Part 4
Epilogue Part 5
Epilogue Part 6
Epilogue Part 7
Epilogue Part 8
New Story Alert: MHIAMB S2.5: Undisclosed Period
New Story Alert: Lerwick
Epilogue Part 9
Epilogue Part 10
Epilogue Part 11
Epilogue Part 12
Epilgoue Part 13

Chapter 6

1.5M 34.6K 23K
By Yanalovesyouu

Third Person's POV

Walang kaalam-alam si Mikazuki na sinundan siya ni Bullet hanggang park. Nakatago sa bandang likuran ni Mikazuki si Bullet at walang planong magpakita sa kanya.

"Ate, ate," tawag ng isang batang lalake kay Mikazuki. Bitbit nito ang mga pagkain at inuming binili at pinabibigay ni Bullet.

"May nagpapabigay po nito." Tiningnan siya nang masama ni Mikazuki dahil wala ito sa mood makipag-usap sa kahit na kanino. At mas lalong ayaw nitong tumatanggap ng bigay ng kung sino-sino.

"Sino naman?" iritang tanong niya at saka inilibot ang tingin sa paligid para alamin kung sino ang nagbigay.

"Sabi po niya, sabihin ko raw po sa inyong kumain na po kayo." Mas lalong kumunot ang noo niya dahil wala naman siyang makitang kung sino man sa paligid.

"Sa'yo na 'yan. O kaya ibalik mo ro'n sa nagbigay sa 'yo," asar na sabi niya at saka tumayo sa swing at naglakad palayo. Bullet tailed her quietly hanggang makarating sila sa isang hotel.

"Good evening, Ma'am! Welcome to Kitkatel! How may I assist you?" tanong ng front desk clerk kay Mikazuki.

"Good evening. I'd like to stay in your hotel. But can I call my secretary first?" tanong niya sa front desk clerk na kausap niya habang nakatingin sa desk phone. Bahagyang kumunot ang noo ng front desk clerk dahil sa tinanong ni Mikazuki at napaisip dahil labag sa policy ng hotel ang gusto niyang mangyari.

Mikazuki's POV

Tinaasan ko ng kilay ang front desk clerk na kausap ko dahil ang tagal niya bago sumagot. "Excuse me, Miss? Matagal ka pa bang mag-iisip?" iritang tanong ko.

"I'm so sorry po, Ma'am, pero hindi po kasi pwede ang gusto niyong mangyari. Labag po sa policy ng hotel ang gusto niyong mangyari."

Ugh! Tumango na lang ako sa front desk clerk at saka naglakad palayo sa kanya. Wala namang mangyayari kahit ipagpilitan ko ang gusto ko.

Lumabas ako sa hotel at naupo sa hagdan para magpahinga saglit. Kung lalakarin ko mula rito hanggang bahay nina Tita Aemie, siguro aabutin ako ng dalawang oras sa paglalakad. Kung lalakarin ko naman mula rito hanggang Roswell Corporation, siguro isang oras akong maglalakad. At kung lalakarin ko mula rito hanggang bahay, nasa isang oras din siguro ang layo.

"Psh! Nakakainis kasi si Bullet eh!" Tapos tingnan mo pa ang ugali, wala man lang ba siya talagang pagpapahalaga sa mga magulang niya? Bakit ba ang cold-hearted nya?!

Nangalumbaba ako at pinagmasdan ang mga taong naglalakad. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatingin sa mga taong nagmamadaling umuwi, mga taong nakikipaglandian sa gitna ng kalye, mga estudyanteng kasama ang barkada at mukhang maglalakwatsa pa, at iba't ibang uri pa ng taong dumadaan sa harap ko.

"Ms. Yagami?" I shifted my look when I heard a familiar voice of a female.

"Emily?! Damn! You're such a blessing. Bakit ka nandito?" Halos mapatalon ako sa tuwa nang makita ko ang secretary ko.

"May biglaan po kasing trabaho kaya nagmadali po akong pumunta rito. May kailangan po kasi akong interviewhin na tao. Kayo po, Ma'am, bakit po kayo nandito?" tanong niya sa 'kin.

"Mahabang kuwento, but may ATM ka ba d'yan saka phone? Pakitawagan naman ang accountant ko. Kailangan ko ng cash para makapag-check in dito sa hotel," I said.

***

"Sure po ba kayong okay na kayo rito?" tanong ni Emily.

"Yes, yes. Thank you," I answered pagkakuha ko sa kanya ng mga pinabili kong cellphone at damit. Pinakuha ko rin sa kanya ang isang attache case na nasa bahay. Naglalaman ito ng isang kalibre 45 na baril.

"Ito po pala 'yong susi ng kotse. Sabihan niyo na lang po ako kapag may kailangan pa kayo. Tutuloy na po ako, Ms. Yagami."

"Alright, thank you again," nakangiting sambit ko. I took a quick shower and ate my dinner afterwards. Wala pa akong balak umuwi sa bahay. Siguro, dito na lang muna ako ng ilang araw mamamalagi sa hotel.

Tumanaw ako sa malaking bintana ng hotel para mag-isip. According to Mommy Angelique, ipinagpalit nina Tita Aemie at Tito Ezekiel si Bullet para matahimik na ang buhay nila. Para tigilan na sila ng mga Mafia Groups na humahabol sa kanila especially Black Organization. At bilang kapalit ay binigay sa kanila ang Black Organization.

Hindi ba parang ang gulo? Parang hindi naman tugma ang mga kuwento.

Kung talagang ipinamigay si Bullet noon ng mga magulang niya at hinayaan, bakit gano'n na lang ang pagka-miss sa kanya ni Tita Aemie? At anong koneksyon ng Black Organization sa nangyari twenty-five years ago?

Kimabukasan, maaga akong pumunta sa Heartily's Company para puntahan si Katana. Hindi ko alam kung paano ko siya ko-contact-in kaya personal na lang akong pumunta.

And I never thought na mas maaga pa pala siyang dumating sa 'kin. Parehas na parehas sila ni Roswell na ayaw ng nale-late when it comes to work.

"You're so early, Ate Mikazuki," bati niya pagkapasok ko ng opisina niya.

"Nasira kasi 'yong cellphone ko kaya wala akong contact sa 'yo. So I decided na pumunta rito nang maaga," nakangiting sabi ko. And besides, kailangan ko ring alamin ang partisipasyon niya sa Black Organization.

"I see," sagot naman niya nang nakangiti.

"Do you mind if I sit here?" I asked pointing my index finger at the sofa.

"Oh go ahead. Do as you please, Ate Mikazuki. Uhm, do you want something to eat?" tanong niya.

"No, I'm fine," nakangiting sagot ko saka kinuha ang isang magazine sa ibabaw ng table.

Busy siya sa pagtatrabaho kaya ilang minutong tahimik 'tong opisina niya. Hanggang sa mapagdesisyunan ko nang magsalita. "Uhm, Katana," tawag ko sa kanya.

"Yes?" sagot niya. It took two seconds bago pa niya ako tingnan.

"I don't think na magagawa kitang samahan mamaya sa airport," umpisa ko. "I had a little misunderstanding with my brother yesterday." But I feel obligated to at least see him and say sorry, partly because of what I did.

"You know what, Ate Mikazuki? I've never acted so upset when I have a misunderstanding with my siblings," she whispered. Tiningnan ko siya and she's half smiling at me.

"What do you mean?" tanong ko kahit na alam kong may iba siyang gustong iparating sa tono ng pananalita niya. Malamang sa malamang, nakakakutob na siya, pero wala pa siyang pruweba.

"Napansin ko lang kasing iba 'yong pagka-upset mo habang sinasabi mo kanina na may misunderstanding kayo ng kapatid mo," sabi niya. Tumawa pa siya nang mahina kaya pinaningkitan ko siya ng mata. "I was just kidding, Ate Mikazuki," natatawang sabi niya.

Naglakad ako palapit sa table niya at saka siya tiningnan nang diretso sa mga mata. "Do you want to play?" nakangising tanong ko.

She smirked at me. "What kind of game?"

"I'll ask you a question that is answerable by yes or no and I want an honest answer. After that, pwede mo rin akong tanungin," nakangiting sabi ko sa kanya.

Inilabas ko ang baril na nasa loob ng pouch bag ko at itinutok sa kanya. "I will pull the trigger if you tell a lie," seryosong saad ko. Ngumiti si Katana sa 'kin at saka naglabas din ng baril at ikinasa.

"Alright, let the game begin."

"Are you the leader of Black Organization?"

"No," sagot niya. "My turn. Are you biologically related to your brother?" dugtong na tanong niya.

Ngumiti ako sa kanya dahil alam kong ito ang una niyang itatanong. "No," mabilis na sagot ko. "But are you part of Black Organization?" tanong ko ulit.

"Yes," nakangiting sagot niya. "Do you belong to a mafia group?" tanong niya sa 'kin.

Ngumiti ulit ako sa kanya saka sumagot, "Yes. Do you know the incidents that have happened in Black Organization twenty-five years ago?" tanong ko.

"Yes," sagot naman niya. "By chance, do you have any knowledge about what happened to my eldest brother twenty-five years ago?" tanong naman niya sa 'kin. Tiningnan ko ang expression ng mga mata niyang katulad ng kina Tita Aemie at Trigger no'ng pinag-usapan ang topic tungkol kay Roswell.

"Yes." Pagkasagot ko ay ibinaba ko ang baril na hawak ko sa lamesa. "Do you know Louie Birkins and Anqelique Birkins?" diretsong tanong ko. Ibinaba rin niya ang baril niya sa ibabaw ng lamesa.

"Yes." Tumingin siya sa mga mata kong may halong kalungkutan. "Is my brother still alive?" tanong niya.

Ilang segundo akong natahimik bago ko siya sinagot. "Yes."

***

Pakatapos ng naging laro namin ni Katana ay ikinuwento niya sa 'kin ang tungkol sa nangyari sa Black Organization twenty-five years ago. Nagulat pa ako no'ng una dahil nalaman kong sina Tita Aemie at Tito Ezekiel pala ang umubos ng leaders ng Black Organization.

Sinabi ko rin sa kanya na si Bullet, at ang kuya ko ay iisa. Aside from that, wala na akong ibang kinuwento. Hindi ko rin sinabi ang tungkol sa mga sinabi nina Mommy Angelique at Daddy Louie sa 'min noon ni Bullet. As for now, ang alam lang ni Katana ay ang kuya kong si Bullet, at ang kuya niya ay iisa. And she promised me na wala siyang ibang pagsasabihan, even her mother and father.

Nakagagaan pala ng loob because for the first time, may napagsabihan ako ng sikretong matagal ko nang sinosolo.

"You are in love with my brother, aren't you?" nakangiting sabi niya sa 'kin.

"What?! Ano bang pinagsasasabi mo d'yan? Magtrabaho ka na nga lang muna," sagot ko sa kanya. She laughed and waved her pen.

"No worries. I will be a good sister-in-law dahil inalagaan mo si Kuya Bullet nang twenty-five years," nakangiting sabi niya. "Also, I will keep your secret and let him handle everything," nakangiting dugtong pa niya. Sang-ayon din naman kasi si Katana na ipaubaya namin sa kuya niyang gumawa ng solusyon tungkol sa family issues nila.

"Nakareserba na si Roswell kay Lovelle. Actually, siya 'yong susunduin ni Roswell mamaya sa airport," sabi ko sa kanya.

Tumigil ulit sa pagsusulat si Katana at saka tumingin sa 'kin nang nakataas ang kilay. "Who's Lovelle?" tanong niya.

"'Yong isa pa naming kapatid," balewalang sagot ko.

"In love ba sa kanya si Kuya?" Saglit akong natigilan sa tanong ni Katana. In love nga ba si Roswell kay Lovelle?

"Hindi ko alam eh," sagot ko. Makahulugan ang mga ngiti sa 'kin ni Katana pero ayokong patulan.

Maya-maya pa ay nag-ring ang cellphone ko. I wasn't expecting any call dahil kagabi ko lang pinabili 'tong phone sa secretary ko so she's probably the only one who knows my number.

"Excuse me," I said. Tumango si Katana kaya lumabas muna ako saglit sa office niya at naghanap ng pinakamalapit na powder room.

Unknown number calling...

"Yes?" I casually answered the call.

[Mikazuki]

Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Bullet sa kabilang linya.

"P-paano mo nalaman ang number ko?" tanong ko. Tiningnan ko isa-isa ang cubicle sa loob ng powder room kung may tao. Good thing at wala.

[Your secretary gave me your number]

Ah, okay. Tahimik lang ako dahil iniisip ko kung ano ang dapat kong sabihin kay Bullet dahil s'yempre, aminado rin naman akong may pagkakamali ako sa nangyari kagabi.

[Can we talk?]

Seryoso ang boses niya. Napaisip tuloy ako bigla kung anong pag-uusapan namin. Hindi kaya, tumawag si Mommy sa kanya tapos nabanggit niya ang nangyari? Oh shoot! Paniguradong lagot ako kay Mommy Angelique kapag nalamang nanggaling ako sa bahay nina Tita Aemie.

"Nalaman ba nina Mommy na pumunta ako kina Tita Aemie?" diretsong tanong ko.

[Yeah.]

Damn! Sabi na nga ba eh. "Sige, i-text mo na lang sa 'kin kung saan."

[I am here at your hotel room.]

"What?!" Siraulo talaga 'tong Roswell na 'to!

[Tss... Bilisan mo na.]

"Oo na." In-end ko na agad ang phone. Ugh! Bullet will always be Bullet. Napailing na lang ako at saka lumabas ng powder room. Isa pa 'tong secretary ko, napakadaldal.

***

"Are you sure na ayaw mo na ritong mag-lunch?" tanong ni Katana.

"Yes sorry, may biglaang business meeting eh," palusot ko sa kanya.

Ayokong ikuwento sa kanya ang tungkol sa mga sinasabi nina Mommy Angelique at Daddy Louie. I mean, not now dahil mabait naman sila pagdating kay Bullet.

"Okay, see you later?" sabi niya.

"I'll text you kung makakasama ako," nakangiting sagot ko sa kanya.

Katana is a good sister and a good daughter. Akala ko noon, mahihirapan akong pakisamahan siya dahil based on my research, hindi siya mahilig makipagkaibigan at makipag-usap sa kung sino-sino.

Nagmadali na akong nag-drive pabalik ng hotel para puntahan si Bullet kahit may kaunting sama pa ako ng loob. Sino ba naman ang hindi sasama ang loob? Hinayaan niya lang talaga akong mag walk-out kagabi kahit alam naman niyang wala akong pera at cellphone.

Hindi ko pa na-i-slide ang hotel key card ay bumukas na ang pinto. "Where have you been?" tanong ni Roswell.

Hindi ko sinagot ang tanong niya. Dumiretso lang ako ng pasok sa loob at saka inilapag ang pouch na dala ko sa lamesa.

"Why did you bring a gun?" Nabigla ako sa tanong niya kaya tiningnan ko siya. Hawak-hawak na niya ang pouch ko at ang baril na kanina ay nasa loob ng pouch.

"Tanong mo kay Mommy Angelique at Daddy Louie, baka alam ang sagot," sagot ko sa kanya.

"Mikazuki!" Sa tono ng pagtawag niya sa pangalan ko, mukhang naiinis na naman siya. Ugh!

"Bakit mo ba kasi ako pinabalik dito? Akala ko may sasabihin ka? Oh ano na?" inis na tanong ko at saka naupo sa sofa. "Kung tungkol 'yan kina Mommy Angelique, ayoko munang pakinggan. Masisira lang ang araw ko." Nakagat ko ang labi ko nang mapansin kong napapasobra na yata ako sa pagsasalita. Magulang pa rin naman namin sila, kaso hindi ko talaga maiwasang hindi mainis eh.

"May mga ipapagawa kasi ako sa 'yo," seryosong saad niya kaya tiningnan ko siya.

"Ano?" takang tanong ko.

"I want you to be in charge of this." Iniabot niya sa 'kin ang isang envelope na naglalaman ng mga dokumento.

"Para saan 'to?" tanong ko sa kanya habang tinitingnan ang mga nakasulat sa papel. It's an underground business transaction. Hindi ito ang first time na gagawin ko 'to dahil ako rin ang humaharap sa mga underground transaction ni Bullet.

Inilapag ko ang envelope na ibinigay niya sa 'kin sa ibabaw ng lamesa. "Ayoko. Sina Mommy at Daddy ang papuntahin mo d'yan," mariing saaad ko.

"Mikazuki, ano ba?!" Lumakas na ang boses ni Bullet at halatang galit na.

"Psh!" Dinampot ko ulit ang envelope sa ibabaw ng lamesa at saka binasa.

"Ito na ang huling beses na tutulungan kita, Roswell. Pagkatapos nito, maghanap ka na ng ibang tutulong sa 'yo," sabi ko habang tinitingnan ang laman ng envelope. Inagaw niya sa 'kin ang envelope kasama ng mga dokumento na hawak ko.

"What the hell are you saying?"

"Wala lang. Napag-isip-isip ko lang na hindi mo naman kailangan ng tulong ko." Natawa ko sa ka-bitter-an na sinasabi ko.

"Hindi ka naman nakikinig sa 'kin. Kina Mommy ka lang nakikinig." At isa pa, darating na rin naman si Lovelle. Pwede naman siyang magpatulong kay Lovelle para hindi niya na rin mapakialaman ang ginagawa kong pag-iimbestiga sa nangyari noon.

"Ang tigas talaga ng ulo mo," he said.

"Bahala ka kung anong gusto mong gawin." Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng hotel room. Walk out King.

***

Caliber's POV

Pagkatapos kong mag-slide sa rainbow ay nag-arrive na ang beauty ko sa meeting. Hindi na nagulat ang lola niyong nandito na si sisterloo at brotherloo.

"Yo!" bati ko sa kanilang dalawa.

After forty-eight years, magkakasunod na dumating ang mga pabebe. My gosh! Buti na lang at waley akong make-up today kung hindi, nalusaw na at nagdisappear dahil sa sobrang turtle nila kung mag-move. Oh ghad!

"Yo, sensya na ngayon lang. Nakipag-habulan pa sa mga chikababes eh." And here comes Azure from the Windy Family.

Wis ko ma-getsung kung bakit lagi niyang pinaglalaban ang pagiging gwapo niya. Eh jusko naman mga 'te! Mas gwapo pa ako sa kanya kung naging lalaki lang ako. Ang kaso, prinsesa ako kaya huwag ng mag-daydream. Iniikot ko ng 360 degrees ang beautiful eyes kasama ang malalantik kong pilik-mata dahil sa lakas ng hangin na dala niya.

"Yo, Katana." I arched my left eyebrow no'ng batiin niya si Sisterloo. Oh ano itey? May special mention, at batian portion pa? Kaloka!

"Yo, Katana Baby!" S-um-econd honorable mention naman si Cody sa pagbati kay sisterloo. I can't blame them though. Manang-mana sa 'kin ng beauty si Sis.

"Hi, am I late?" tanong ni Lindsay Lee pag-arrive ng beauty niya. Ay nako hindi, 'te! Maaga ka pa. I rolled my eyes and shut my princess-like lips bago ko pa masagot si Lindsay.

I literally stopped no'ng dumating siya, si Mikaela Lewis. She looks oh so―

"Baby Caliberrr!" Oh ghad! And here comes the monster, shocks!

***

Third Person's PoV

"Baby Caliber, na-miss mo ba ako?" Yumakap kaagad si Emerald pagkarating na pagkarating niya. Hindi naman maitago ni Caliber ang pandidiri at pagkairitang nararamdaman niya.

"Could you please stop?" seryosong tanong niya kay Emerald. She pouted and rested her head on Caliber's shoulder. "Damn!" Caliber whispered while glancing at Mikaela.

Si Mikaela Lewis ang nag-iisang anak nina Suzette at Andrei Lewis. Mas mapagkakamalang anak ni Amesyl si Mikaela dahil sa mga kilos at pananalita nito na may pagka-boyish.

"Ano'ng atin?" tanong ni Mikaela pagkaupo niya sa mahabang couche. Nag-shrug si Lindsay dahil wala pa siyang alam sa pag-mi-meetingan.

"Hintayin muna natin ang iba," sagot ni Caliber.

Ilang saglit pa ay dumating na rin si Duchess Lionhart, ang kapatid ni Duke. "Susunod na lang daw si Kuya. Kasama niya si Kayden. May pupuntahan lang daw sila saglit."

"Woo! Paniguradong tatakas lang 'yon para mang-chiks!" singit ni Azure.

"Selos ka, Baby Lampe? Nandito naman ako. Kayang-kaya kong punan ang pagkukulang nilang dalawa," pang-aasar ni Cody sabay kindat kay Azure.

"'Di ba, Baby Katana?" baling nito kay Katana.

"Tss. Shut up!" Katana answered.

"Wengya! Ano ka, 'Tol? Na-shut up ka."

"Ulul!"

Ilang saglit pa ay dumating na rin si Raven kasama ni Grayson.

"Nandito na ang maganda!" nakangiting saad ni Amber pagkapasok niya. Sinimangutan niya kaagad si Grayson nang makita niyang nakatingin ito sa kanya.

"Hi girls!" bati niya sa iba pang babae na nasa loob ng silid para mabaling sa iba ang atensyon niya.

***

Hinintay nila hanggang sa makarating sina Duke at Kayden at nang makumpleto na silang lahat ay nag-umpisa nang magsalita si Trigger.

"We will investigate Terrence Von Knight's life. At kung totoong buhay pa nga siya, I want to know kung ano'ng nangyari sa kanya after my brother's death," umpisa nito.

"How about the other leader's death? Wala ba tayong balak alamin ang nangyari sa mga successors nila? I'm pretty sure na may mga naiwan silang relatives," dugtong ni Katana.

Tiningnan siya ni Trigger nang diretso saka nagsalita. "No. Like what I've said, kay Knight ang focus natin," saad niya.

"May punto si Katana, 'Tol. Paano kung buhay nga si Knight at nakikipag-tulungan siya sa ibang grupo ng palihim? Kailangan natin maging handa," singit ni Kayden.

"But on the other hand, tama rin naman na kay Knight ang unahin natin dahil siya ang huling kasama ni Kuya Bullet twenty-five years ago," pagsalungat ni Lindsay na malalim ang iniisip.

"Kung gusto nating makuha ang lahat ng information nang detalyado at walang mali, mas makabubuti kung naka-focus lang tayo sa isa. Hindi rin maganda na masyadong malawak ang scope natin," dugtong pa nito na sinang-ayunan naman ng iba.

"Marami naman tayo kaya ayos lang na mag-iba-iba tayo ng toka," saad ni Cody.

Madalas ganito ang eksena sa Black Organization dahil karamihan sa kanila ay intelihente at may kanya-kanyang pananaw sa buhay. Iba-iba rin ang approach nila sa iba't ibang bagay. Aminado si Trigger sa sarili niyang nahihirapan siyang patakbuhin ang Black Organization dahil hindi siya kasing leader-type ng ama niyang si Ezekiel Roswell but he's trying his best.

He clenched his fists at saka matigas na nagsalita. "For now, kailangan lang nating malaman kung buhay si Knight at nasaan siya ngayong mga oras na 'to. Pagkatapos no'n ay mag-uumpisa na tayong mag-plano at mag-imbestiga tungkol sa iba pang dating leaders ng Black Organization," saad nito.

"Alright," tipid na sagot ni Katana. Sumang-ayon na rin ang iba sa sinabi ni Trigger.

***

Mikazuki's POV

"Mika-chan!" Nadatnan ko si Lovelle at Bullet na nakaupo sa sofa ng living room at nagtatawanan habang kumakain. Kailan pa pumayag si Roswell na kumain sa living room? Kapag kaming dalawa ang magkasama, gusto niyang sa kusina kumakain. Psh.

"Alam kong na-miss mo ang mga Japanese foods kaya may mga dala akong cup noodles," masayang sabi niya. Tumango lang ako at saka dumiretso sa kwarto.

Wow! Ano bang nangyayari sa mundo at may pasalubong pa siyang nalalaman? First time ko yata siyang narinig na may pasalubong siya sa 'kin.

Pagkarating ko sa kwarto ay hinalungkat ko ang mga gamit ko para hanapin ang maliit na notebook na sinusulatan ko ng mga pangalan mula pa noon.

"Yes! Akala ko, hindi ko nadala!" Niyakap ko pa ang notebook at hinalikan sa sobrang tuwa.

"Pftt."

Mabilis akong lumingon sa may pinto nang may marinig akong tumawa nang mahina. Nakasandal si Bullet sa pintuan habang nakatingin sa 'kin.

"Akala ko, wala ka nang balak umuwi," sabi niya. Binuklat ko ang notebook na hawak ko at saka hinanap ang mga pangalan ng leaders ng Black Organization noon.

Will Travon

Jagger Frits

Jax Blaine

Damon Eva Hunter

Greg Lennox

Inigo Rances

Steve Vernon Lestrange

Terrence Von Knight

Sabi na eh! Pamilyar 'yong pangalan ng Mafia Group na ipinabasa sa 'kin ni Roswell kanina. Siguro, anak ni Greg Lennox si Gabriel Lennox.

"Mika-chan!" Lumingon ulit ako sa may pinto no'ng pumasok bigla si Lovelle.

Ano naman kaya ang kailangan niya. For the first time in forever, pumasok siya sa loob ng kwarto ko nang hindi galit. Wala akong naaalalang panahong kinausap niya ako nang maayos, kaya hindi ko maiwasang hindi magulat. At the same time, magtaka.

Puzzled, I stood up and answered her.

"Bakit?"

"Pwede ba tayong mag-dinner together?" tanong ko sakanya.

"Magba-bonding as sisters gano'n?"

Sisters? 'Yong pagtataha ko kanina at kaunting inis ay napalitan ng excitement. Ito rin ang first time na lumapit siya at sinabi 'yan. Kaya naman natutuwa talaga ako. Ngumiti ako sa kanya pagkatapos ay sinulyapan ko ng tingin si Bullet. He's staring blankly at me.

***

Nakangiti ako habang tinitingnan ko si Lovelle na nanggaling sa loob ng powder room. "Kain na tayo?" pag-aaya ko sa kanya.

Na-e-excite akong makakwentuhan si Lovelle sa mga bagay-bagay. Never in my entire life na naranasan kong magkaroon ng kaibigang babae, kaya naman iba 'yong feeling sa 'kin kapag nakakausap ko si Katana.

"Didiretsuhin na kita Mikazuki..." Mabilis na kumunot ang noo ko dahil sa ibang-ibang tono ng pananalita niya kumpara kanina no'ng kasama naming dalawa si Bullet. "...Sinabi na sa 'kin nina Mommy at Daddy ang tungkol sa pagiging ampon niyong dalawa ni Bullet," pagpapatuloy niya.

Humigpit ang hawak ko sa kutsara at tinidor. "Bago ako pumunta rito sa Pilipinas ay binanggit na sa 'kin nina Mommy at Daddy ang tungkol sa pag-ampon nila sa inyong dalawa, pati na rin ang pagsuway mo sa mga utos ni Mommy." Tiningnan ko siya nang diretso sa mga mata. Ito ang Lovelle na kilala ko...itong mga tingin niya sa 'kin na 'to.

Ngumiti siya sa 'kin kaya tumaas ang kilay ko. "Nasabi na rin pala sa 'kin ni Mommy ang tungkol sa 'kin... at kay Bullet." Kinuha niya ang wine sa ibabaw ng lamesa at saka uminom nang kaunti. "No'ng una, feeling ko, incest dahil itinuring ko naman kayong dalawa na kapatid kahit na naiinis talaga ako sa inyo. Lalo na sa 'yo." I just keep on listening and hear her side bago ako magsalita.

"But then I realized na bakit hindi ko subukan. Bullet is every girl's ideal man. He's intelligen. He has all the wealth, and he's powerful. Kaya hindi na rin ako magtataka kung bakit ipinipilit mong ilapit ang sarili mo sa kanya," she stated. Ibinagsak ko sa lamesa ang kutsara at tinidor na hawak ko. "At hindi lang sa kanya, pati sa mga totoong pamilya niya, sumisipsip ka."

"Ano bang gusto mong mangyari, Lovelle?" inis na tanong ko.

"Hayaan mong ako ang gumawa ng paraan para magka-ayos sila," sagot niya sa 'kin. Is she serious? "Huwag ka na lang makialam," dugtong pa niya.

"Paano ako makasisigurong gano'n nga ang gagawin mo? Eh 'di ba ayaw nina Mommy Angelique at Daddy Louie na mapalapit si Roswell kina Tita Aemie at Tito Ezekiel?" usisa ko.

I doubt her. Siguro, may iba pa siyang pinaplano.

"Sooner or later, I will be one of the Roswells. Kaya bakit naman ako gagawa ng ikasisira ng pangalan ko sa kanila?" tanong niya sa 'kin. Nanatili akong tahimik at pinagmamasdan si Lovelle na nag-umpisa nang kumain.

"Alam na ba ni Roswell na alam mo na?" tanong ko sa kanya.

"Of course, nasabi ko na sa kanya kanina," sagot niya.

Eh kung gano'n, bakit tinatawag pa niya akong Mika-chan sa harap ni Roswell? Madami ring alam 'tong si Lovelle eh. Psh.

"Haven't you heard the news? Pumayag siya sa sinabi nina Mommy at Daddy na magpakasal kami."

Kinuha ko ang glass of wine sa ibabaw ng lamesa at ininom nang straight. Hindi ko kinakaya ang mga balita na sinasabi ni Lovelle.

Magsasalita pa lang ako nang may humila sa isang bakanteng upuan at naupo.

"Bullet, it's good na nandito ka. Sinabi ko kay Mika-chan 'yong mga pinag-usapan namin nina Mommy at―"

"What? 'Di ba sabi ko, ako nang magsasabi?"

Tumikhim ako dahil nag-iba na naman ang tono ni Roswell. Napaka-highblood kahit kailan.

"Okay lang. Sige, mauuna na rin ako. May pupuntahan pa ako." Nagmadali na akong tumayo without looking at them.

Nakakainis! Sayang 'yong beef steak na inorder namin. Hindi ko man lang natikman. Nawalan kasi ako ng gana dahil sa sinabi ni Lovelle eh. Ugh!

Pagkapasok na pagkapasok ko ng kotse ko ay kinuha ko ang maliit na notebook at inilipat sa pahina na may listahan ng pangalan ng mga leaders ng Black Organization. Saglit na napako ang tingin ko sa pangalan ni Greg Lennox pero mas matagal kong tinitigan ang pangalan ni Terrence Von Knight.

Ito 'yong sinasabi ni Tita Aemie na pinakakinaiinisan niyang tao. I dialed my secretary's number para tawagan siya at ipahanap ang dating address ng bahay ni Terrence Von Knight.

***

Third Person's PoV

Kinabukasan, gabing-gabi na no'ng dumating si Mikazuki sa dating bahay ni Terrence Von Knight. She has nothing but her car and a M1911A pistol with her. Wala siyang kaalam-alam na naroon na si Bullet sa lokasyon dahil alam ni Bullet na dito tutungo si Mikazuki, kung kaya't inunahan na niya ito.

Ngunit hindi lang 'yon, dahil ngayong gabi ay darating ang grupo nina Gabriel Lennox sa lugar na ito para mag-imbestiga.

"Shit!" Nasa tapat pa lamang siya ng nakakandadong gate ng dating mansion ni Terrence Von Knight pero nagdadalawang isip na siyang pumasok. Bukod sa sobrang dilim, gumuho na ang mansion at matataas na ang mga damo sa paligid. "Parang haunted house na," bulong niya. Batid na rin ang kaba sa tono ng boses niya.

Tiningnan niya nang maigi ang buong mansion, at hindi niya maiwasang mapaisip kung ano ba ang nangyari noon at bakit ganito ang kinahinatnan ng dating mansion ni Terrence Von Knight.

Kahit may halong kaba ay pinilit niya pa ring akyatin ang gate para makapasok sa loob. Ikinasa niya ang baril na hawak niya at marahang naglakad papasok sa loob. Gusto niyang makita nang personal kung anong meron sa loob ng dating mansion ni Terrence Von Knight.

She gulped nang makarating na siya sa may main door ng mansion. Mabuti na lamang at hindi pa gano'n kasira ang parteng ito ng mansion.

Nanlalamig ang kamay ni Mikazuki no'ng hawakan niya ang doorknob para buksan. She's a typical type of girl, with a fear of ghosts and the unseen creatures pero sa kabila ng 'yon, gusto niyang malaman kung ano-ano ang mga nangyari noon. Kaya kahit na natatakot ay pumasok pa rin siya sa loob.

Lumalangitngit ang sahig na gawa sa kahoy sa bawat pagtapak niya. Kinuha niya ang cellphone niya sa loob ng bulsa para gawing pang-ilaw sa dadaanan niya. Iniiwasan niyang pasukin ang mga kwarto na sirang-sira na. Hanggang sa mapadpad siya sa isang silid. Maayos pa ang ilang kagamitan dito pero sobrang kapal na ng alikabok.

Tinungo niya ang isang shelf na may iba't ibang libro.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" Abot-abot ang kaba sa pagkagulat ni Mikazuki kaya mabilis siyang humarap sa likod niya at itinutok ang baril kung saan niya narinig ang boses ng lalaking nagsalita para paputukan ngunit mas mabilis ang reflexes ni Bullet kaya agad din nitong naagaw ang baril sa kanya bago pa man nito makalabit ang gatilyo ng baril.

"Roswell!" Hindi napansin ni Mikazuki na nangingilid na ang luha niya sa sobrang takot at kaba, dala ng pagkagulat. For the first time, she felt a warm hug from him.

"Sigurado ka bang may tao rito?"

"Huwag ka nang magtanong! Sumunod na lang tayo sa utos ni Mr. Lennox. May naka-park na kotse sa labas kaya paniguradong may tao rito sa loob." Marami na ring iba pang tauhan si Gabriel Lennox na nag-iikot sa paligid at loob ng mansion.

Mabilis na humiwalay si Mikazuki sa pagkakayakap kay Bullet nang may marinig silang boses ng dalawang lalaking nag-uusap.

"Shit! Roswell, kotse ko yata 'yong sinasabi nila." Pinitik ni Bullet ang noo ni Mikazuki at tinakpan ang bibig.

"Tigas kasi ng ulo mo eh," bulong nito.

***

Mikazuki's POV

Kukunin ko sana ang baril na inagaw mula sa 'kin ni Roswell kanina pero inabutan niya ako ng ibang baril na may silencer. I smiled at him at saka kami marahang naglakad na dalawa. Pinagitnaan namin ang pinto na pinasukan ko kanina dahil may mga boses ng lalaki na nagsasalita mula roon.

"Parang may naririnig akong ingay dito. Ilawan mo nga, P're," sabi n'ong isang lalaki.

"Baka guni-guni mo lang 'yon."

"Hindi meron talaga eh."

Pagka-apak na pagka-apak ng isang lalaki papasok sa loob ay mabilis ko na itong tinutukan ng baril sa ulo at pinaputukan. Lumabas kaagad si Bullet sa kwarto at pinaputukan rin ang bawat makita niya.

Nang masiguro na naming wala ng mga lalaki sa loob ay tinungo namin ang kotseng naka-park sa labas, malapit sa kotse ko.

Magkasabay kaming sumakay ng kotse ni Bullet. Sumakay ako sa passenger's seat katabi ng driver at tinutukan ng baril sa ulo ang driver. Samantalang si Roswell naman ay sumakay sa likod at tinutukan ng baril sa ulo si Gabriel Lennox.

"Why are you here?" tanong ni Roswell sa kanya. Pinaputukan ko ang kamay no'ng driver nang magtatangka siyang kumuha ng baril.

"I'm asking you."

"Tss. Just shoot me," sagot ni Gabriel Lennox. Pagkatapos na pagkatapos niyang sabihin 'yon ay tinupad ni Roswell ang gusto niya. Isinunod niya ang driver na tinututukan ko ng baril kaya bumaba na ako sa kotse.

What's the meaning of that? Ano bang meron kay Grabriel Lennox?

Continue Reading

You'll Also Like

26.9M 715K 35
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
71.5K 1K 13
yung pinaka nakakaiyak na part nang Hell University by @KnightInBlack
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
372K 1K 20
IN LIFE- THERE ARE THINGS YOU HAVE TO KEEP IN MIND. READ THIS BLOG AND IMPROVE YOUR LIFESTYLE.