When Mr. Gorgeous is Jealous

By winry_elrick

5.9M 101K 4.8K

When Miss Genius Gone Mad Book 2 Copyright 2015 All Rights Reserved More

All Rights Reserved
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53 (Final Chapter)
Author's Note

Chapter 3

110K 3K 66
By winry_elrick

Jennifer

Sumakay na ako ng taxi upang mabilis na makabalik sa meeting place namin ni Dustin.  Gusto ko sana siyang tawagan pero hindi ko naman magawa dahil tuluyan nang namatay ang battery ng cellphone ko.  Pagdating ay nakita ko agad si Dustin na nakaupo sa bench habang nasa tabi niya ang isang bouque ng red roses.

Nilapitan ko siya at nang makita na niya ako ay agad siyang tumayo at sinalubong ako ng yakap.

"Beh, where have you been?  Bakit ngayon ka lang?  I'm so worried."  Tanong niya habang kita sa mukha niya ang pag-aalala.

"I'm sorry beh, please let me explain.  Umalis kasi ako para sundan si Aika at ang boyfriend niya."  Panimula ko.

"Boyfriend ni Aika?" 

"Oo, masamang tao kasi ang boyfriend niya kaya nag-alala ako at sinundan ko sila.  Alam mo ba, nahuli ko silang pumunta sa hotel at para mapigilan sila sa balak nilang gawin ay nagsumbong ako kay Tatay Lucio.  Nga pala, hindi ko nasagot ang tawag mo dahil naka-silent ang phone na empty batt na ngayon.  'Tapos, medyo ma-traffic pa kaya ngayon lang ako nakarating.  I'm so sorry."  Mahabang paliwanag ko na sana naman ay maunawaan niya.  Ayokong mag-away kami lalo't annivesary namin ngayon.

"Gano'n ba?  Okay I understand, ang mahalaga ay ligtas ka."  Sabi niya sa kalmado nang tono at pagkatapos ay kinuha niya ang bulaklak na nasa bench at ibinigay sa akin.  "Happy second anniversary sa'tin beh, I love you so much."

"I love you too."  Tugon ko sabay abot ng bulaklak.  "Hindi ka ba galit sa'kin, dahil late ako?"

"Hindi, you already explained why you were late and I understand."

"Sigurado kang hindi ka galit?"  Tanong ko uli sa kaniya.  "Three hours mahigit kitang pinaghintay."    

"Okay lang."  Tugon niya.  "Alam mo bang habang hinihintay kita, naalala ko 'yong panahon na nagawa rin kitang paghintayin ng tatlong oras on our monthasary date.  Na-guilty ako no'ng naalala ko 'yon.  Sorry nga pala ah, promise hindi na 'yon mauulit.  Hinding-hindi na kita paghihintayin kahit kailan."

Ako na nga 'yong late, pero siya pa ang nagso-sorry.  Kinikilig tuloy ako.

"Ako rin, promise hindi na ito mauulit."  Promise ko sa kaniya.  Maya-maya ay biglang kumalam ang tiyan ko.  "Gutom na 'ko, baka puwedeng kumain muna tayo."

Dumiretso kami ni Dustin sa restaurant na pag-aari ni Ate Karla.  Tama, ang simpleng waitress noon ay nakapagbukas na ng sarili niyang restaurant, sa tulong na rin ng kasintahan niyang dayuhan.

"Salamat naman at dito niyo napiling kumain ngayong anniversary niyo.  Ang bilis ng panahon 'no?  Dalawang taon na agad ang lumipas.  At dahil diyan, libre na ang lahat ng kakainin niyo rito.  Orderin niyo lang kung anong gusto niyong pagkain and it's for free!"  Mayasang wika ni Ate Karla at nagpasalamat naman kami sa kaniya.  "Nga pala, next year na ang kasal namin ni Bill at balak ko kayong dalawa na kuning abay, okay lang ba?"

"Wala pong problema sa'min, 'di ba beh?"  Sabi ko at nag-agree naman sa akin si Dustin.

"Thank you ah, aasahan ko kayo."

---

Ang akala ko ay sa sinehan na kami susunod na pupunta ni Dustin pero nagulat na lang ako dahil sa isang fashion boutique niya ako dinala.

"Hi, Sir Dustin."  Sabi no'ng magandang babae na sumalubong sa amin.  Tiningnan niya ako sabay ngiti.  "Your girlfriend is so pretty, I'm sure babagay sa kanya 'yong gown."

"Gown?"  Tanong ko nang naka-kunot ang noo.

"Your name is Jennifer right?  Come over here and let me help you get changed."  Sambit pa no'ng babae na parang siya ang in-charge sa lugar na ito.

Moments later ay suot ko na ang isang eleganteng kulay ginto na gown.  Paglabas ko ng dressing room ay nilapitan naman ako ng babaeng may mga dalang make-up at pagkatapos ay inayusan niya ako. 

Nang matapos akong ayusan ng buhok at lagyan ng make-up sa mukha ay saka ko pa lang nakita uli si Dustin.  Biglang nalaglag ang panga ko nang masilayan siyang suot ang isang magarang suit na animo'y may dadaluhang prestigious party.

"Ang ganda talaga ng beh-beh ko."  Sabi niya habang todo ngiti.

"Thanks, Ikaw naman ang pogi mo."  Tugon ko at ngumiti rin.  "Saan ba tayo pupunta at bakit kailangang ganito ang bihis natin.  Para naman tayo nitong aattend ng gala."

"Actually, parang gano'n na nga.  Aattend tayo ng party."  Saglit siyang huminto saka uli nagsalita.  "Birthday party ni Daddy."

"Ha?"  Parang nabilaukan ako dahil sa aking narinig.  Hindi ko akalaing magkasabay pala ang anniversary namin ni Dustin at ang birthday ng Daddy niya.  "Teka, seryoso ka?  Pupunta tayo sa birthday party ng Daddy mo?  As in now na?"

"Yeah, para naman makilala ka na ni Dad."  Aniya sabay silip sa kaniyang relo.  "Ayos, mukha namang aabot tayo. Tara na?"

"Wait lang, hindi ka ba talaga nagbibiro?  Dadalhin mo ako sa birthday party ng Daddy mo para ipakilala sa kaniya?  Sana sinabi mo sa'kin na 'yan ang plano mo, para naman naihanda ko ang sarili ko."  Parang gusto ko nang maiyak dahil sa kaba. 

Imagine, ipapakilala ako ni Dustin sa ama niyang si Juanito Villaverde, na isa lang namang sa mga pinakamayamang tao sa bansa.  Sino ang hindi kakabahan, aber?

"Relax, wala kang dapat ipag-alala dahil nasa tabi mo ako.  Promise, kahit isang segundo ay hindi ako hihiwalay sa'yo habang nando'n tayo."  Sambit niya saka hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. 

Gayonman ay hindi pa rin nawala ang kaba sa'king dibdib.  Sa unang pagkakataon ay makakaharap ko ang Daddy ni Dustin, anong klaseng tao kaya ito?

Continue Reading

You'll Also Like

White Wall By anemoia

General Fiction

1.5K 421 44
Sa event hall ng kanilang Junior's Ball, may mga antigong kanta na pinatutugtog, sa dagat na kulay ng cocktail dress at fuschia niyang labi ay nakati...
28.1K 1.2K 21
Natural lang na nagkakagusto tayo sa isang tao. Natural lang na magandahan tayo o ma-gwapuhan sa isang taong first time lang natin nakita. Natural la...
22.5M 355K 85
Mataba ka na nga, maldita ka pa. Magkaboyfriend ka pa kaya?
11.7K 186 38
Every summer has a beautiful story. But not every story has a happy ending. (Inspired by true events)