Chapter 17: Tiyo Tenong at si Rally
Pagkalingon ko ay nakita ko si Tiyo na may dalang dalawang basket. Agad namin siyang nilapitan.
"Tiyo!"
"Munde? Kamusta ka??"
Oo. Hindi ka namamalik mata. Munde ang tawag sa akin ni Tiyo noong bata pa ako at nasanay na rin ako na ganyan ang tawag niya sa akin.
"Okay naman po! Kayo po? Teka, tulungan na namin kayo."
Agad naming kinuha ni Johan ang dalawang dalang basket ni Tiyo.
"Kailan ka pa umuwi, Munde?"
"Kahapon lang po."
"Teka, sino ba 'yang kasama mo?"
"Si Johan po, boyfriend ko."
"Ahh. Ka-gwapo eh?"
"Hahaha. Thank you po." sabat ni Johan..
"Ha? Nakakapagtagalog ka?"
"Opo. Dahil po kay Monday."
"Mabuti naman kung ganoon. Teka, alam na ba yan ng nanay mo?"
"Opo, alam na niya."
"Eh ang tatay mo?"
"Hindi pa po eh. Pupuntahan pa lang namin siya mamaya."
"Ahh. Malapit na tayo sa kubo, konting tiis na lang."
"O - okay. Teka, ano po ba 'tong dala niyo?"
"Pataba sa lupa 'yan."
"Fertilizer?" tanong ni Johan..
"Oo. Dumi ng kalabaw 'yan."
"Wow."
Nagulat si Johan sa narinig niya, nagulat yata na nagdadala si Tiyo ng ganun. Pagkadating namin sa kubo, binaba namin yung basket, malapit dito.
"Hintayin niyo ako riyan, magpapalit lang ako ng damit." sabi ni Tiyo..
"O'sige po."
Habang naghihintay kami ni Johan, nakita kong tinititigan niya yung basket.
"Baby, ano ginagawa mo?"
"Bakit?" sabay lingon nito sa akin..
"Wala naman. Kanina ka pa kasi nakatingin diyan eh."
"Ay. I'm just thinking if tayo rin maglalagay nito later. It would be nasty."
"Haha. Sana hindi."
"For sure, our hands will get really really dirty."
"Nakakahiya yun kay tatay. Nako."
"Yeah." sabay tawa naming dalawa..
"Munde! Tara na sa may taniman tayo." paanyaya ni Tiyo..
"Dadalhin po ba namin 'to?"
"Ay, hindi na. Iwanan niyo na dyan."
"Tara na baby!"
"Okay, let's go!"
Habang naglalakad kami, nagkwento si tiyo sa amin.
"Naalala mo pa ba nung huli kang pumunta dito?"
"Opo?"
"Haha. Maraming nagbago rito, makikita mo."
"Excited na po ako!"
Pagkarating namin sa taniman, sumalubong sa amin ang iba't-ibang uri ng halaman, gulay, prutas at ang magandang palaisdaan, fish pond. Na-excite ako kasi ang laki na ng pinagbago nun simula nung huli kong punta roon. Habang pinagmamasdan ang mga gulay.
"Baby! Tingnan mo tong sitaw na 'to oh!"
"Munde, mukhang natutuwa ka dyan ah?"
"Ay. Opo! Nakakatuwa yung mga gulay dito, ang lulusog!!" sabay harap ko..
Nakita ko na bitbit na nina Tiyo ang pamingwit at basket.
"Oh 'eto munde, tutal natutuwa ka dyan, ikaw na ang mamitas."
".. kami na ni Johan ang mangingisda." tuloy nito..
"Ay. O'sige po. Ako na bahala!"
Pagkaabot sa akin ng basket, nagsimula na akong mamitas ng gulay at nagsimula na rin silang mamingwit ng isda. Habang namimitas ako ay tinitingnan ko lang sila sa malayo, nakakatuwa kasi nagkaka-bonding silang dalawa.
Habang ako naman, nag-iisip kung anong magandang lutuing gulay na ulam.
"Ah. Pinakbet na lang!"
Isa-isa kong hinanap ang mga gulay na sangkap ng pinakbet. Hanggang sa isa na lang ang kulang.
"T - teka.. Nasaan na ang kalabasa?" bulong ko sa sarili..
Nag ikot-ikot ako sa taniman hanggang sa nakita ko ito. Nilapitan ko siya at nang biglang pipitasin ko na siya ay may naramdaman akong kakaiba sa likuran ko.
Pagkalingon ko ay.
"Arrghhhhhhh!!!!"
Biglang lumapit sina Tiyo at Johan sa akin.
"Baby!!! Okay ka lang ba??? Ano nangyari??"
Nakatingin lang si Tiyo sa amin.
"Matagal tagal ka rin niyang 'di nakita." sabi ni Tiyo..
"Si Rally na po ba ito, Tiyo??"
"Oo. Ang laki na niya 'noh?"
Agad kong niyakap si Rally. Nagulat ako kanina dahil dinambahan niya ako. Si Rally? Kaibigan kong aso. Naalala ko nung maliit pa siya, katabi ko siyang matulog sa kubo, kalaro palagi at kasama kahit saan. Si Rally ay isang.
"Do you know that dog, baby??" pag-aalala ni Johan..
"Oo baby, kaibigan ko siya." sagot ko habang dinidilaan ni Rally ang kamay ko..
"Ay. Rally, siya si Johan. Johan, si Rally." sabi ko habang pakita ng mukha ni Rally kay Johan..
Dahan-dahang lumapit si Rally kay Johan, samantalang si Johan ay unti-unting umaatras.
"Bakit baby?"
"S - stay away.. from me.."