Reyna ng Kamalasan: Zylie (Co...

By forgottenglimmer

47.5M 802K 134K

[ZyMiYa Trilogy: Book 1 - Zylie] Language - Taglish Started in Aug 2011 | Revamped in Feb 2014 | Finished in... More

Chapter One- Zylie (July 29, 2011)
Chapter Two- Bosom Buddies (July 29, 2011)
Chapter Three- Earshot (July 30, 2011)
Chapter Four- Metaphors (July 30, 2011)
Chapter Five- Ménage (July 31, 2011)
Chapter Six- Surprise Pancakes (August 02, 2011)
Chapter Seven- Pronoia (August 07, 2011)
Chapter Eight- Bygone Times (August 08, 2011)
Chapter Nine- Restitution
Chapter Ten- Reel
Chapter Eleven- Push and Pull
Chapter Twelve- Pheromones
Chapter Thirteen- Malevolence
Chapter Fourteen- In Spite Of
Chapter Fifteen- Despite Of
Chapter Sixteen- Shanghaied
Chapter Seventeen- Espoused?
Chapter Eighteen- To the Carnival
Chapter Nineteen- The Venting Place
Chapter Twenty- Wrong Person
Chapter Twenty One- Buknoy's Ode
Chapter Twenty Two- Nightmare
Chapter Twenty Three- Let's Go Out
Chapter Twenty Four- My Organ
Chapter Twenty Five- Ice Creamed
Chapter Twenty Six- Sweet Face
Chapter Twenty Seven- Friendzoned?
Chapter Twenty Eight- Her Secret
Chapter Twenty Nine- The Ice Cream Man
Chapter Thirty- Catgirl, my heroine
Chapter Thirty One- Misunderstanding
Chapter Thirty Two- One Pancake Apology
Chapter Thirty Three- Those Three Parts
Chapter Thirty Four- Basorexia
Chapter Thirty Five- Be Careful for What You Wish for
Chapter Thirty Six- Dreams and Nightmares
Chapter Thirty Seven- Friends and Lovers
Chapter Thirty Eight- Psychology,Chemistry and all the Double Meanings
Chapter Thirty Nine- Confessions
Chapter Forty- Crystal Ball
Chapter Forty One- Oranges
Chapter Forty Two- Ex Wars
Chapter Forty Three- Rage
Chapter Forty Four- Magic Words
Chapter Forty Five- Blown
Chapter Forty Six- The Obvious
Chapter Forty Seven- Misreckoning
Chapter Forty Eight- Donuts, Lockers, and Bags
Chapter Forty Nine- Rebound
Chapter Fifty- Mistletoe
Chapter Fifty One- Eros
Chapter Fifty Two- Last Night
Chapter Fifty Three- Lies
Chapter Fifty Four- Evidence
Chapter Fifty Five- Balloons
Chapter Fifty Six- Love and Hate
Chapter Fifty Seven- Debts
Chapter Fifty Eight- Raining Inside
Chapter Fifty Nine- Accusations
Chapter Sixty- A Night Together
Chapter Sixty One- Kisses
Chapter Sixty Two- Shifts
Chapter Sixty Three- More Lies
Chapter Sixty Four- Mad Fall Guy
Chapter Sixty Five- Fall for You
Chapter Sixty Seven- Pain
Chapter Sixty Eight- Memory and Fantasy
Chapter Sixty Nine- Big C
Chapter Seventy- Square One
Chapter Seventy One- Calm before the Storm
Chapter Seventy Two- Friends and Plans
Chapter Seventy Three- The Promise
Chapter Seventy Four- 2536
Chapter Seventy Five- Reaction Formation
Chapter Seventy Six- Silver
Chapter Seventy Seven- The Last Fight
Chapter Seventy Eight- Outset
Epilogue- Queen

Chapter Sixty Six- Fight for Us

467K 8.2K 2.2K
By forgottenglimmer

ZYLIE's POV

“Hello po tita! Opo! Opo!! Wala po kasi akong kasama dito sa bahay, eh medyo… medyo uhm…” kapit na kapit ako sa blouse ni Mikaela habang gumagawa siya ng paraan para ma-excuse ako sa pag-uwi sa bahay. Hindi ko na alam kung anong excuse pero kailangang kailangan dahil ayoko ng magdawit pa iba.

“Uhm tita medyo nakakahiya pero takot kasi ako sa multo kaya po… ano… please lang, kung pwede lang po sana di ko nap o pauwiin si Zylie ngayong gabi at sa mga sumusunod na araw kasi wala po akong kasama… Takot po ako sa multo ahuhuhuhu…”

Kinukurot lang din ako ni Mika habang kumukunot ang noo niya sa pekeng paliwanag sa mama ko. Bahala na kung maniwala sila o hindi. Hindi lang talaga pwede sa bahay. Sa harap nila mama at papa. Lalo na ni kuya. Di na talaga pwede.

“Yes! Thank you po talaga tita! Grabe nakakahiya po. Hwag niyo na lang po sanang ipagkakalat yung dahilan ko, kasi medyo nakakahiya eh.. Ahehehehe. Yehey! I love you tita! Thank you much much!” binaba na ni Mikaela ang landline tska ako kinurot ng marahan. Alam niya namang sobrang sakit na ng nararamdaman ko ngayon kaya alam kong galit-galitan lang siya.

“Ang tanga-tanga mo! Inaapoy ka na ng lagnat di mo pa sinasabi sa mga magulang mo! Lakas pa ng loob mong pumunta sa bahay namin ng ikaw lang?!”

“Pasensya ka na Mika.”

“Oo na! Puro ka pasensya!” Wala na kasi akong ibang masabi eh. Siya na lang ang malalapitan ko sa mga panahong ganito.

“Pinagsinungaling mo pa ako! Buti na lang umalis talaga sila mommy! Pero the efff! Ano ba yung sinabi ko?! Ako?Takot sa multo! Di ko alam kung naniwala ba talaga yung nanay mo o nahiya na lang sa sobrang lame ng dahilan ko! Multo?! Mas kinikilabutan ako sa dahilan ko kesa sa mga aktwal na multo! Shiz!”

“Sorry.”

“Tama na ang sorry! Ilang araw na ba yang sugat mo at parang inaagnas na!?! Anak ka ng huweteng Zylie! Kadiri na yang sugat mo! Kung hindi sprain, sugat naman! Di ko alam kung malas ka ba o clumsy lang?! Saan ka ba nadapa at ganyan kagrabe yang sugat mo. Naimpeksyon ka na yata sa sobrang tagal mo yang pinabayaan! Ano bang naisip mong di mo sinabi sa pamilya mo na ganyan ka?” masahol pa siya sa magulang kung maka-sermon. Alalang-alala sa akin.

“Di pa naman ito inaagnas.”

“Halika na!” hinila niya ako. Gabing-gabi na pero eto naman yung dahilan ko kung bakit ako nagpunta kina Mika eh. Para pumunta sa ospital. Akala ko kasi magagamot ko yung sugat ko ng basta-basta lang. Eh mukhang inabot na ng impeksyon sa kawalan ng wastong first-aid kit sa bahay. Sa bahay din kasi nagpapanggap pa akong normal lang ang paglakad. Ayoko kasing makita nilang iika-ika ako sa paglakad dahil may malalaki akong sugat sa paa. Katatapos lang ng sprain ko tapos eto naman. Ayoko na silang magalala. Ayoko na rin magkwento kung anong mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Mga nangyari sa amin ni Silver. Napasulyap na naman tuloy ako sa phone ko.

Wala pa ring reply.

“Anong sabi ng Silver mo? Ikaw naman kasi! Ano ba yung pinaggagagawa mo? Parang kang desperadang ewan!?! Kakainis ka!” agit si Mika habang tumatawag ng taksi. Kahit siya naasar na rin sa akin. Kasalanan ko rin naman lahat eh. Kay Buknoy, kay Yanny, kay Bettina. Lalo na kay Silver. Nadamay pa bahay nila at pamilya niya. Wala na akong mukhang ihaharap. Ang gusto ko lang naman magreply siya. Pero wala, ilang araw na akong nagtetext. Mukhang ayaw niya talaga. Wala na ba talaga?

“Ano nang gagawin ko? Hm?”

“Malamang magso-sorry! Magsorry ka sa kanilang lahat. Hayaan mo na si Yanny, medyo kaartehan niya lang yun, kilala mo naman yun! Hindi niya naman pagaari si Silver eh! Maiintindihan ka rin nun kapag narealize niya na mas mahal ka niyang kaibigan niya kesa sa crush niya jusko.”

Pinara niya na naman yung dumaang taxi pero, kaakibat ng kamalasan ko, may laman na naman ang sasakyang dumaan.

“Pero Zy, pagdating kay Buknoy… magsorry ka talaga… hindi pa sapat yung sorry na yun, yung ginawa niyo sa park, medyo uhm, medyo kawawa naman siya eh.” Alam kong ginagawa lang ni Mika na mild yung sermon niya pero alam ko, sa loob-loob niya, gusto niya na akong batukan.

“Sige, tama ka…” damang-dama ko naman yun. Para kasing, ginamit ko talaga siya. Si Buknoy. Tas bigla ko na lang iniwan ng ganun. Ang sama ko.

“Tska kay Bettina… Zy, kahit di ko masyado trip yung Barbie na yun, feeling ko kailangan mong magsorry. Isipin mo, kawawa talaga siya nung Christamas ball. Promise Zy. Tapos pinagbintangan mo pa siya dun sa bahay nila Silver. Ano ba namang nakain mo at nagawa mo yun! Aigoo Zyla Lienne!” Tumango-tango ako kasi narealize ko na rin naman ito eh. Gabi-gabi ko ring narerealize kung gaano ako naging isang nakakahiya at nakakainis na tao nitong mga nakaraang mga araw.

Kaya kahit nga gaano kasakit yung mga sugat ko, kailangan kong tiisin. Naisip ko, parusa ‘to sa’kin. Dapat lang ito sa’kin. Ang sama-sama ko eh. Kaya nga kahit si Silver, ‘di na yata ako mapapatawad.

“Tapos Zy, umamin ka kay Mr. Torres na ikaw ang may gawa ng ganun sa pamamahay nila. Kakahiya naman kasi talaga sa tatay ni Silver. Ang laking gulo. Aminin mo kahit sobrang nakakahiya yun at mawawalan ka na ng face kapag sinabi mo, Kailangan eh. After ng lahat, tska ka humarap kay Silver at magsorry ng bonggang bongga. Dun ka lang may mukhang ihaharap sa kanya. Matapos niyang gawin lahat yun sa’yo. Inako niya na lahat ng kasalanan… Nagpakahirap siya sa Fire Station lahat-lahat…  tapos… ikaw…"

Alam ko naman... 

“AIGOO!! Oo na tama na! Hwag ka ng umiyak diyan. Maayos din ang lahat.” Niyakap niya ako at tinapik-tapik ang likod ko. “Ang di ko lang maintindihan sa’yo! Kahit naman maling-mali ka, dapat di mo na hinabol yung sasakyan ni Silver! Feeling mo maabutan mo yun ha? Anong napala mo? Nahulog ka tuloy sa dike at nabangasan yang tuhod mo. Tsk tsk!"

"PARA TAXI PARAAAA!!!” may dumaan ng bakanteng taxi at dumiretso na kaming ospital. Gabi na rin ang pinili naming pagpunta dahil ayoko pa rin makita si Silver. Alam ko namang dun sa ospital na yun nagtatrabaho  si tita Marianne, yung nanay ni Silver at may malaking posibilidad na makikita ko siya kaya, hating-gabi na kami sumadya. Agad namang may gumamot sa akin kahit hindi naman gaan ka-emergency ang lagay ko. Medyo kahit papaano eh, napanatag ang loob ko dahil makakauwi rin ako ng pagkatapos nito.

“Mababayaran kita Mika.” Sobrang dami kong utang. Utang na loob, at pera. Saan ba naman ako kukuha ng pampapaospital kundi sa kanya.

“Arrrrgh. Ahhh. Aww Zylie.” Ang ingay ni Mikaela. Akala mo siya yung ginagamot. “Shit… Shit Zy!!!” tuloy-tuloy lang siya sa pag-angal na parang siya itong sobrang nasasaktan. “HWAG MO NGA MUNA ISIPIN YANG MGA BAYARIN! INTINDIHIN MO YANG SARILI MO!”

“Konti na lang…” magiliw na sabi ng doktor bago niya gawin ang huling tahi.

“AAhhhhh!!! ARAY KO PO!! OH MY GOSH ZYLIE OH MY GOD! Jusko po Lord, Tinatawagan ko po lahat ng santo, na tulungan niyo po si Zylie.” Nagtawanan ng mahina ang ibang nurse. Sobrang ingay kasi ng kaibigan ko, pinipigilan na talaga nila ang matawa.

“Mika…” tinitigan ko siya ng malalim. Masyado na kasi siyang nagiingay sa ospital. Hindi ko naman siya kinakahiya kasama dahil kung wala naman siya, hindi naman ako magpupunta dito sa ospital eh. Pero kailangan niya rin tumahimik kahit papaano.

“Oh Jesus Maria Josef! Zyla Lienne! Hindi ka ba nasasaktan?” humarap pa lalo si Mikaela sa doktor at pilit talagang kinukuha ang atensyon nito

“Dok! Dok? May problema ba yan sa buhay niya? Kanina nung tinatahi mo yung sa siko at sa paa niya, okay pa eh, naiintindihan ko pa eh.” Halos sumisigaw na si Mika. Sa tingin ko nga, kulang na lang, yugyugin niya sa balikat ang doktor para malabas ang saloobin “Pero ngayon, ewwww, ang laki-laki ng sugat niya sa tuhod, as in kadiri! Tapos wala lang siyang reaction? Dyosmiyo! Ako nga, nasasaktan na dito kahit hindi naman talaga ako yung tinatahi? Ano ba dok? May problema ba siya sa pain receptors niya? May problema rin ba siya sa utak? Bakit di siya nasasaktan?! Nababaliw na ba siya? Manhid na ba siya?”

“Mikaela naman…” suway ko sa kanya. Kung nasa normal na sitwasyon lang kami, baka kanina pa ako tumawa ng tumawa sa mga reaksyon niya. Eto ang isa sa mga ugali niya eh. Yung sobra makapagalala. Yung aakalain ng iba na pinepeke niya na yung concern nya sa’yo. Pero dahil kaibigan ko siya, alam kong nagaalala lang talaga siya para sa akin kaya meydo nagiging OA yung mga sinasabi at reaksyon niya.

“Hindi Zy, kelangan natin malaman kung bakit ka ganyan.” Seryoso talaga yung mukha niya. Kung hindi lang talaga tinamad ang puso ko tumawa, baka kanina ko pa siya sinabunutan at dinamay sa tawa. “Dok ano ba? Dok?” makulit si Mikaela, kahit kailan.

Pero nginitian lang siya ng doktor. Tapos na rin ito sa pagtahi ng tuhod ko at nagbigay na lang ng kaunting paalala tungkol sa pagaalaga ng mga tahi.

“Hwag ka ng masyadong maglalakad, lalo na iwasan ang pagtakbo. Mahirap gumaling ang sugat sa tuhod dahil high-tension ang part na yan…” marami pa siyang sinabi na makakabuti sa kalagayan ko at lubus-lubos naman akong nagpapasalamat.

“Thank you po.” Huling sabi ko sa doktor bago siya lumabas kasama ng ibang nurse na umaaligid sa kanya. Tinignan ko ang tuhod ko na ngayon ay maayos na, kahit papaano, nagpapasalamat ako sa Diyos.

“Tara.” Nudge ko kay Mika. Pero mukha siyang ewan. Yung tipong mukha ng isang kindergarten na naiwanan ng schoolbus. Ganun yung reaction niya habang pinapagmasdan sa paglabas yung doktor. “Tigilan na ang pagtitig, isusumbong kita kay Kuya Piter.” Asar ko lang sa kanya. Tulala kasi siya sa paglabas ng doktor.

“HAH! Ang sunget! Napakasunget ng doktor na yun!? Di man lang pinansin yung tanong ko.”

“Halika na! Uwi na tayo.” pagyayaya ko sa kanya. Ayoko na rin kasi magtagal dito sa ospital. Nandito kasi yung nanay ni Silver nagta-trabaho. At hindi ko alam. Parang gusto kong iwasan, na gusto kong kausapin si tita Marianne, na hindi ko maintindihan. Ang alam ko lang gusto ko ng makalabas mula dito sa loob ng ospital.

“Lalabas agad? Ano ka ba? Wala ka ba talagang sakit na nararamdaman? Manhid ka ba? Magpahinga muna tayo. May canteen yata dito! Kahit alam kong hindi masarap ang food ibibili kita! Hwag ka ng mahiya dahil wala akong hinandang pagkain sa bahay. Ibibili kita ha!? Dito ka lang!”

Umupo lang ako sa may isang bench kasama ang ilang mga pasyenta at ilang mga kasama. Inaantay ko si Mika na pumasok sa mistulang canteen ng ospital ng halos masamid ako may makita ako na lumalabas galing sa elevator.

Si Silver… Kasama si… Bettina.

Anong ginagawa nila dito ng ganitong oras? Bakit sila magkasama? Lahat na ng tanong pumasok sa isip ko. Gabing-gabi na rin kasi eh. Nung makita kong halos papunta sila sa gawi ko, hindi ko alam kung bakit parang ako pa yung gustong magtago. Tumungo ako habang sinusuot ko yung hood ng jacket ni Mika.

“I’m so sorry Bettina… Really sorry…”

“Okay lang Jeremy... Okay lang kung ayaw mo munang harapin.”

“Grabe… No one can be as rational and as unprejudiced as you are… No thank yous or sorries can be enough…”

Meydo nasa harapan ko na sila. Kinakagat ko na yung labi ko sa pagdadasal na di nila ako mapansin habang mabagal silang naglalakad. Wala akong maintindihan sa mga pinagsasasabi nila. Anong ayaw harapin? Anong nangyayari? Bakit sila nandito? Mukha naman silang malusog at walang sakit? May nagpapacheck-up ba?

“Sasabihin mo ba ‘to kay… kay Zylie…”

Pangalan ko? Ano ba ‘to?!  Para akong aktibong  bulkan na kahit kailan ay pwedeng sumabog.

“Dunno…Maybe..."

“Masasaktan siya.”

Anong hindi sasabihin sa’kin dahil masasaktan ako? At bakit dito sa ospital nangyayari ang lahat ng ito?! Anong meron? Hwag mong sabihing… si Bettina…

“Hintayin mo ako, dadaan lang ako kay mom. Ihahatid na kita.” Umalis na si Silver at si Bettina… AY UMUPO SA TABI KO. Oh Lord. Bakit para akong criminal dito na nagtatago?! Ang tagal naman ni Mikaela!

“No!”di ko namalayang napasigaw ako dahil sa iniisip ko. Dahil tuloy doon, napatingin sa akin lahat.

“Look who’s here… Kanina ka pa ba diyan, jinx?”

Jinx? Anong tono yun? Sa pagkakaalam ko, hindi naman ganun si Bettina magsalita. Hindi siya naging masungit o bitchesa sa kahit kanino o kahit sa akin. Katulad nga ng sabi ni Silver kanina, rational siya at fair. Pero bakit ganito? Sukdulan na ba ang galit niya sa akin para maging ganito?!

“B-bakit kasama ka ni Silver ng gabing-gabi?! Wala ka bang magulang?! Wala ka bang bahay para maggala-gala ka kasama ng isang hot-blooded male ng disoras ng gabi?” O jusko! Anong sinasabi ko. Pinangungunahan na naman ako ng selos. Ipinangako ko kanina na unang-una kong gagawin eh magso-sorry ako sa kaniya. Pero anong ginagawa ko?! Isa kang baliw Zylie!

“Hot blooded male? HAH!” pineke niya ang tawa. “I know… kaya pala… ganun lang ba siya sa’yo? Isang hot-blooded male? Pwes di ako ganun… Nirerespeto niya ako at di ako basta-basta lang. I don’t make-out inside the car… And if ever, wala rin akong… SCANDAL…” binulong niya pa yun na lalong nagpanginig sa akin.

Naramdaman ko ang init ng mukha ko. Lahat na yata ng dugo ko napunta sa ulo ko. Anong sinasabi niya. Paano niya nalalaman ang mga bagay na yun? Sobrang close na ba nila ni Silver para malaman niya ang mga bagay na yun? Pinapanood ba sa kanya ni Silver ang mga recordings?

“S-sinabi niya ba y-yan? S-sinabi niya yang lahat sa’yo?!” Nagkibit-balikat lang si Bettina. Ano ba ‘to?! Mas masakit pa ‘to kaysa sa tahi kanina na pinagsama-sama. Ngumiti pa siya na parang nangaasar.

*PAK*

Di ko na namalayan ang ginawa ko. Napatingin ako ng kanang kamay ko na mistulang nagkaroon ng buhay. Sinampal ko siya? Jusko bakit ko siya sinampal? Nanginginig lang ang mga kalamanan ko at di ko namalayan na dumapo na lang yung kanang kamay ko sa kaliwang pisngi niya matapos ko siyang makitang may nakakalokong ngiti.

“ZYLA?!? Bumalik na si Silver. Sabi ko na nga ba. Sa lahat ng maabutan niya. Eto pa talaga. Ako na. Ako na talaga ang Reyna ng Kamalasan.

“ANO NA NAMAN ‘TO?!”

“S-silver…” para akong kumakin ng buhangin. Hirap ako magsalita at tuyo na ang lalamunan ko. Naimpit lahat ng sasabihin ko dahil sa nagawa ko. Baliw ka Zylie. Sinira mo lahat ng tsansa mong itama ang lahat. Tumingin ako kay Bettina. Anong nangyari sa kanya? Kahit sinong nakatingin ay maawa sa kanya. Nakahawak siya sa pisngi na nasampal ko at nangingilid ang luha.

“S-Sorry Bettina.” Wala na. Alam kong wrong timing na ako sa lahat. Bakit ngayon pa ako nagso-sorry ngayong kitang-kita namang hindi yun bukal sa loob ko. Naiinis ako sa kanya eh. Sa mga sinasabi niya! Pati kay Silver! 

Posible pa lang magsabay ang inis, galit at kagustuhang humingi ng tawad? Nababaliw na ako.

“I need to go.” Nakita kong umalis si Bettina na halos patakbo. Bakit siya ganito?! Kani-kanina lang ay napakalakas ng aura niya na lumulukob sa pagkatao ko. Ngayon, para na siyang isang nawawalang kuting na naghahanap ng amo.

“Bettina!” akmang susundan ni Silver si Bettina na ngayon ay luhaang naglalakad ng mabilis. Ano ba naman kasi ang gagawin niya. Nakita niya ako. Huli sa akto. Sinasampal ang babaeng yun.

“S-silver…” pinigilan ko siya.

“Ano na naman ito Zy!” pinipigilan niya ang boses niya. Mabuti na lang pala at nag-alisan na ang ibang mga tao sa paligid. Pero may mga ilan pa rin sa di kalayuan na nakatingin. Marahil narinig yung pagsampal ko kay Bettina. “Ano bang ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako? Ha?”

“I need to explain. Pagbigyan mo ako…”

“What’s there left to explain? You’re hurting other people, more and more. You keep lying. You keep being dumb and bad and worthless. Don’t you think it’s too much? Everybody's suffering.”

“S-silver” Wala akong alam na sasabihin. Paano ko uumpisahan? Kung ngayon pa lang, alam kong mali na naman ako. Nakagawa na naman ako ng gulo.

“Nakakapagod ka na.” naglakad siya. At wala na akong ibang nagawa kundi sundan siya. Kahit gaano siya kabilis maglakad. Kahit nararamadaman kong unti-unting nasasaktan ang tuhod ko.

“Silver! Silver naman!” sinundan ko siya hanggang sa labas. Pero napahinto ako ng sobrang sakit na ng tuhod ko. Kasasabi lang ng doktor hwag akong tumakbo, pero ano itong ginagawa ko? Lahat na lang ng nangyayari mali.

Paglabas ko nakita kong dumaan yung kotse niya. Ano ‘tong ginagawa ko? Pumapara ako ng taxi kahit wala akong pera? Kahit wala na akong alam sa mga ginagawa ko, pinapunta ko pa rin ang taxi na sinakyan ko, sa bahay nila Silver. Kahit hindi ko alam kung didiresto ba siya doon o susundan si Bettina. Bahala na.

“M-manong… w-wala po po pala akong wallet.”Matapos ang ilang saglit, wala na kasi akong masabi. Wala naman akong lakas ng loob na tumakbo palabas lalo na’t may sariwang sugat ako sa tuhod. Sinabi ko na lang ang totoo. Napakamot ang manong at nagalit.

“Sasakay-sakay kayo tapos wala kayong wallet? Sayang naman ang krudo ko ma’am! Paano na ang boundary ko!” alam kong galit siya. Pati ba naman manong taxi driver, dinadamay ko sa kasamaan ko?

“Pasensya na po… Hihingin ko na lang po yung number niyo at—”

“Nagdudugo! Anong nangyayari?!” napatingin siya sa jogging pants ko na may bahid na nga naman ng dugo.

Napatungo na lang ako. Naawa na lang yata sa akin si manong at pinalabas ako ng sasakyan. O baka ayaw niya lang mabahiran ng dugo yung taxi niya. Kahit ano pa, lihim na lang akong nagpasalamat. Nakareceive ako ng message galing kay Mikaela. Pati siya iniwan ko. Siya na nga ang nagmamalasakit na ibili ako ng pagkain. Pero di ko muna siya sinagot. Hindi ko alam kung anong sasabihin eh.

*Dingdong*

Nakaramdam ako ng kaunting pag-asa ng makita ko yung sasakyan ni Silver na nakaparada sa labas. Mabilis akong nnagdoorbell.

“Sino yeeern!” boses ni Orange ang narinig ko sa intercom ng doorbell system nila.

“Orange… S-si Silver?”

“ATE ZY?! Omo! Ate?! Kuya!!! Si A-ate Zylie nandit… Ahh… Wala ka? Ate Zylie wala po si kuya dito eh.”

Ayaw niya akong makita? Salamat Orange sa magandang pagarte.

“S-sige. Pakisabi, hihintayin ko siya… Please… Dito sa labas.”

“Ate! Ano ka ba! Gabing-gabi na! Umuwi ka na…” mukhang di nga ako pwedeng pumasok. Kahit si Orange pinapauwi ako.

“Pakisabi naman, hihintayin ko siya dito. Ha?” desperada na ako eh. Alam kong gabi na. At alam kong delikado ng nandito ako sa labas. Lalo na’t unti-unting sumasakit na naman yung tuhod ko. Pero napagdesisyunan kong eto na yung huli. Kung ayaw niya talaga. Kung hindi na talaga pwede, titigil na ako. Baka, ako lang talaga yung nagdadala ng gulo sa lahat. Baka, hindi dapat ako nandadamay sa mga kamalasan at kasamaan ko.

“Ay!” kumidlat ng malakas. Kasabay ng nakakatakot na kulog. Mukhang sasabay pa yata sa nararamdaman ko yung lagay ng panahon. Pero wala akong balak umalis.

Maya-maya, bumuhos na nga yung malakas na ulan. Naramdaman ko ring kumirot yung mga sugat ko nang mabasa ito ng tubig. Naghanap ako ng masisilungan pero ang pinakamalapit na shed ay nasa kalayuan pa. Baka hindi ko makita si Silver pag lumabas siya.

Nagulat din ako. Bumukas kasi ang gate. Si Silver. Di ko mapigilang mapangiti. Sabi ko na nga ba, hindi niya ako matitiis.

“SILVER!” naluluha-luha ako sa dami ng pakiramdam ko ngayon. Nakakita ako ng liwanag.

“Umuwi ka na.” nagulat ako. Napaka-cold niya. At iniaabot niya pa sa akin ang isang payong na hawak niya.

“S-silver naman…”

“Umuwi ka na.” inulit niya lang ang sinabi niya. Tapos pabalik na siya ng bahay.

Eto na. Binilang ko ang mga hakbang niya palayo. Ayaw niya na talaga. Alam ko na. Hindi ko alam kung bakit parang nahihilo na ako. Dahil ba’to sa nararamdaman ko, o sadyang masama lang talaga ang lagay ko?

"Hindi ako aalis dito. I'll bite my tongue and bleed to death kapag hindi mo ako kinausap!"

"WHY ARE YOU ALWAYS BEING LIKE THIS?! SO STUPID! SO UPSETTING AND BANEDFUL! CAN YOU PLEASE JUST STOP?"

“Naiintindihan ko na…” 

Tumahimik rin siya. 

“Pasensya ka na… Kung ganito ang mga nangyari ha?”

Nagtuloy siya sa paglakad. Pero naging dahan-dahan. Mas lalo tuloy naging mabigat sa dibdib. Nangako ako sa sarili ko kanina. Na huli na ito. Na kung ayaw niya na talaga, di na ako gagawa ng mas lalong magpapalala pa ng sitwasyon.

“Nagiging magulo lang naman ang lahat kahit anong gawin ko.”

“I don’t wanna fight.” Tumigil na naman siya sa paglakad at nagsalita ng mahina. "I don't want to fight anymore."

"Humarap ka naman sa'kin Zylie." 

“Naguguluhan na kasi ako sa mga intensyon mo Zylie eh… Do you really wanna fight over everything?”

“Di ko gustong makipagaway! Please… Makinig ka…"

“ZYLIE!!!!” si Mikaela. “Sabi ko na! Dito ka pupunta eh!”

Tinignan ko si Silver pero di na siya ulit umimik.

“Omo!! Yung sugat mo?!” Nakalapit na si Mikaela at nakita na bakas na sa jogging pants na suot ko ang sugat. “Magpayong ka! Nababaliw ka na ba talaga?!”

Last na… Kung hindi ka talaga lilingon, maiintindihan ko na.

“Hersheys…” di ko napansin na hindi na pala ako nababasa ng ulan dahil mayroon ng nagpapayong sa akin. Oo nga pala, kapitbahay lang pala nila Silver si Terrence.

“Di ko gusto ko ng away… When I fight with you, I’m really fighting for us.. because If I didn’t care, I wouldn’t even bother.”

“ZYLIE~!” yun na lang ang huling narinig ko bago magdilim ang paningin ko. Mabuti na lang may sumalo sa akin.

*later*

Continue Reading

You'll Also Like

15.1M 357K 62
Sequel of Famous Meets Bad Girl: "I can admit, I'm a different person now than I was three years ago.." she said. She was intently looking at the man...
2.8K 104 16
Motivational thoughts and notes to self. Come on, share your thoughts too. 🧡 Highest ranks: #1 optimism #4 motivational #2 mentality #270 life
27.9K 640 23
Let's follow and get to know the musical love story and drama brought by Charlene Alfonso, the rich girl cutie and kikay who loves to sing. The girl...
26.5M 348K 73
Trip In Love or Fall In Love Book 2: Fall In Love Once Again.