Taking Risks

By czescadems

12.4K 138 57

Would you take the risks if you dated a basketball player? Kakayanin mo ba ang pagsubok na to? Is it even mea... More

Taking Risks
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20

Chapter 13

395 5 1
By czescadems

Sab's point of view

*Gising na Sabing! Gising naaaa*

Alarm pala ng phone ko yung narinig ko.

Sina Chloe at Sarah yung sumisigaw sa alarm ko nung nasa volleyball camp kami last summer sa Antipolo. Nirecord ni Sarah habang ginigising nila akong dalawa ni Chloe. Di kasi ako makagising nung mga time na yun kasi pagod. Nakakamiss.

It's 4:20 and it's Saturday. It's so cold. It's still dark. ang lakas ng aircon.Tama yung mga binigay sakin na damit ni Kiefer pang tulog.

Bumangon na ako at nagsimula na akong magligpit. Inayos ko muna ang kama.

Binuksan ko ang cabinet ni Kiefer and was suprised to see that he has a lot of clothes. Sa gitna yung mga tshirts niya na blue. Feeling ko Ateneo tong lahat. Eh pinakielaman ko naman. Typical Sab.

Totoo nga hinala ko. Puro Ateneo. Kumuha ako ng isang shirt na may nakalagay na "Fight For The Blue And White" atsaka i closed the cabinet after.

Kinuha ko muna ang bag ko sa mesa malapit sa kama niya at dinala ito sa banyo.

Buti nalang talaga at may grooming kit ako kundi tepok nanaman ako. Buti may grooming kit ako kasi kung wala, wala akong extra na underwear.

It's true. Completo ako. Underwear, deodorant, toothbrush, toothpaste, soap, shampoo, brush, nasa bag ko yang mga yan. Kaya okay lang na mag sleepover ako anytime basta pahiramin lang nila ako ng damit. Haha

Naligo na agad ako. Pati ang banyo dito sa dorm nila, malaki. Tinalo pa ata ang banyo ko. Grabe pati banyo pinakelaman ko :))

Pagkatapos kong maligo, sinuot ko ulit ang shorts ko from last night and Kiefer's shirt.

Bagay sakin.. Akin nalang to.

Bulong ko sa sarili ko.

When I was done with everything, lumabas na ako sa kwarto. Grabe abot hangang dito ang lamig ng dalawang aircon.

Wait, I should text Chloe first.

To: Chloe bully

Girl! Goodmorning!!!! Gising ka na ba? Malapit ng mag 5. San tayo magkikita? :)

Send.

Habang inaantay ko ang reply ni Chloe, i looked for food na pwedeng e luto for breakfast para sakin at sympre para kay Kiefer at kung sino man ang kasama niya dito ngayon.

Binuksan ko ang ref at nagulat ako sa dami ng pagkain meron sila. I also opened the cabinets and wow. Ang dami nilang stocks ng canned goods. Grabi mga mayayamam angnakatira dito sa dorm na ito!

Kinuha ko ang corned beef na canned good sa cabinet and closed it after. Binuksan ko ang ref at kumuha ng 4 eggs, tomatoes, potato tapos ang Bacon na nasa freezer.

Before ko niluto ang mga ulam, nag saing muna ako ng kanin. Ibinabad ko naman ang Bacon sa mainit na tubig. At gumawa ako ng omelet na may kamatis. Niluto ko na rin after ang Corned beef with potato.

*beep*

1 new iMessage

From: Chloe bully

Bakla! Kakatapos ko lang magayos. Nakapagbreakfast ka na ba? Inaantay ko nalang ang driver tas punta agad ako sa Ateneo. San ka?

Slide to unlock

Reply

To: Chloe bully

Dito ako ngayon sa dorm ni Kiefer malapit sa Ateneo. Pwede nga lakarin eh kaso dala ko kotse ko kaya dadalhin ko ito hangang sa Blue Eagles Gym. Nagluluto pa ako ng breakfast eh... Yun! Teka! Luto na kanin ko.

Send

Nilapag ko na ang mga pagkain sa mesa pati na rin ang kanin.

May natira pang maiinit na tubig kaya gumawa ako ng tatlong Milo. Dami kasing Milo dito sa cabinet na puro mga sachet.

Wait... Kumuha ako ng dalawang notepad sa bag ko at marker tapos sinulatan ko ang mga ito at inilagay sa cup ni Kiefer.

Milo for my Champion :) don't forget to smile today Baba ;)

Tapos yung isa

I left. Thank you :) enjoy breakfast! I made those :)

*beep*

From: Chloe bully

Bilisan mo diyan pa punta na ako :) kita nalang tayo sa gym ah? Love you

Kumain na ako at inubos ko na ang Milo ko para may energy ako buong araw. Nux hindi ako sure kung pano mag papaalam kay Kiefer eh tulog pa siya ata. Bastos ko naman masyado kapag pumasok lang ako dun sa kabilang kwarto.

Kinuha ko na bag ko at umalis na. Nagstairs lang ako pababa para kahit papano may exercise na. Tinext ko nalang si Kiefer

To: Baba

Baba, good morning :) musta tulog? Siya nga pala, umalis na ako ha? Baka malate kasi ako. Pinagluto ko kayo ng kasama mo ng breakfast. Sana magustuhan mo :) may milo ka din dun pala. Thank you ulit ha? Bye!

Pagkadating ko sa baba, nandun ka rin si kuya Alfred. 7 naman ah.

"Magandang umaga po kuya!"

"Miss ganda! Gising ka na pala. Ang aga mo ata ah? San si bossing?"

"Nako Kuya, nakahilata pa. Oo eh, may try outs kasi for volleyball sa Blue Eagles Gym. Sige po ah mauuna na po ako. Ingat kayo!"

"Ingat ka din, miss ganda!"

Lumabas na ako sa building at agad ko nakita ang Jazz ko tapos naalala ko pala na dito pinark ni Kiefer kagabi.

Pumasok na ako at pinaandar ko na at umalis na agad.

Dun ko sa car park pinark ang kotse ko at nilakad ko papuntang Gym. Grabi di pa kami nag training eh pagod na ata ako.

Sakto naman at nakita ko agad si Chloe na nakaupo sa labas ng Gym. Inaantay ako. Nakakatouch.

"Hoy prinsesa! Ang bagal mong kumilos. Bilisan mo na at mag papalit pa tayo. Eto na bag mo at ang mga pinadala mong mga gamit sakin." Sabi ni Chloe sabay abot sakin ang bag niya na Nike.

"Ke aga aga ganyan ka makabati. Ikaw ha. Di joke, lika na nga" nilink ko ang arm ko sa arm niya at pumasok na kami sa Gym.

Dumiretso na kami ni Chloe si locker room at nag palit na agad.

"Tingin mo ba mas strikto ang coach dito kesa dun sa coach natin nung highschool tayo?" Tanong ni Chloe habang tinatale ko na ang laces ng sapatos ko.

"Siguro. Bakbakan kaya dito girl."

"Oo nga no.."

"Chlo, may extra ka ba diyan na Hippy band? Yung headband na pwedeng e ponytail?" Tanong ko habang sinusuklay ko ang buhok ko at itinale na ito ng ponytail.

Naghanap si Chloe sa bag niya, "Ah oo, eto oh." Sabay tapon sakin ng hippyband.

Yay pink <3

"Solomot! Tapos ka na? Tara na."

At tumayo na agad si Chloe at lumabas na kami sa locker room.

Nakita namin na may nag start ng tumraining. Nagulat kami nung nakita namin na may mga players na.

"Patay! Si coach!"

"Patay! Si coach!"

Sabay namin sinabi ni Chloe. Agad naman kami tumakbo palapit sa court at iniwan namin ang bag namin sa may bleachers.

Tumakbo kami agad ni Chloe papunta kay Coach.

"Coach goodmorning po. Sorry nalate kami." Sabi ko.

"You're Sab diba? Rookie at Late." Sabi niya sakin. "Ikaw sino ka?" Sabay turo kay Chloe

"Mattry out po ako, coach. Sorry po nalate kami." Sabi naman ni Chloe.

May sinusulat ata si Coach ng bigla niyang sabihin ang"oh, ano pa hinihintay niyo? Mag practice na kayo!'

"Yes coach!" Sabay naman namin sinabi ni Chloe.

Nung makalapit na kami sa court, may binulong ako kay Chloe. "Girl, galingan mo ah para makapasok ka at magsasama tayo." Tumango lang si Chloe.

"Mga girls! May bago. Ano pangalan ninyo?" Tanong samin ng girl na middle blocker.

"Ako po si Sab, eto naman si Chloe. Mattry out po siya."

"Wait ikaw yung rookie diba? Anyways, i'm Gretchen. Welcome to the team. And for you, Chloe, galingan mo para kunin ka din ni Coach." She smiled.

Tumango lang si Chloe.

"HOY! MAG START NA KAYO DIYAN!" Sigaw ni Coach. Grabe nakakatakot siya

"Oh ayun, bumanat na. Start na kayo girls. By the way, ako nga si Fille."

*spike ni ate Fille*

*block namin ni Chloe*

*spike ni Number 2*

*salo ni Chloe, spike ko*

*missed ang block sa kabilang court*

"Galing!!! Ako nga pala si Alyssa. Alyssa Valdez"

"Ako naman si Jem." Nakangiting sinabi ni Jem.

Kasama si ate Jem sakanila ni ate Fille at Alyssa

*spike ni Ate Jem*

*block namin ng girl na di ko kilala*

"Grabe ka atey, galing mo mang block." Sarcatic ang tono sinabi ng nakablock ko. "Wag ka nga paharang harang sa daan ko." Patuloy niya. Shet ang taray!

"Hoy Marge! Tigilan mo yan" sabi ni Ate Gretch.

"Joke lang Atey! Marge Po ako" nakangiting sinabi ni Marge

I exhaled a deep breath. Grabi natakot ako dun. Nginitian ko nalang.

*spike ni Chloe*

Di na salo sa kabilang side. Nagpalakpakan ang mga nasa team namin.

"Malakas din ito oh! Galing! Ako nga pala si Den Den"

"Chloe"

"Sab"

And again. Sabay namin sinabi. Natawa lang kami.

*spike ni Fille*

*toss ni Chloe*

*spike ko*

Di na block nila Ate Jem.

"Grabe ang galing mo talaga girl! Varisty ka ba nung highschool ka?" Tanong ni ate Den sakin

"Opo, kami po ni Chloe." Sabi ko naman

"Okay boys! Line up!" Sigaw ni Coach.

Nag line na sila ni Ate Gretch, Ate Jem at ibang players habang kami ni Chloe at 3 nag try out-- lost. Nasa court pa rin kami.

"Hoy! Line up kayo dito! Baka makita kayo ni coach na nadyan pa kayo, tsak na sesermonan kayo nun! Bilis habang di pa siya nakatingin!" Bulong na medyo sigaw samin ni Ate Fille

Agad naman kaming tumakbo nila ni Chloe at nag linya na rin.

"Sa nakita ko ngayon araw, nagagalingan ako sa inyong lahat. Pero hindi pa yun sapat! Dalawa lang ang napili kong Rookie ngayon. As you all know, di na kailangan ni Sab mag tryout kasi ni recruit na siya namin last year ng nasa last year na siya ng highschool. Kaya siya ay talagang pasok na." Sabi ni coach

Narinig ko na nag "yes"'sila ni ate Alyssa, Ate Gretch, kaso yung kinakatakutan ko is baka hindi kunin si Chloe.

Sana naman mapili siya..

"Para naman sa 4 nanag try out. Sorry pero isa lang yung pipiliin ko.."

Magkahigpit na nakahawak ang mga kamay namin ni Chloe. Sinilip ko siya at nakapikit ang mata niya. Para bang sinasabi niya na"kung ako mapipili, gagalingan ko pa ang pagttrain ko"

"So, as I was saying. I choose.

Chloe"

"Yes!!"

Sabay namin sinabi ni Chloe and nag hug kami.

"Sige na girls. Magpalit na kayo. Sorry sa hindi ko na tanggap. Mauuna na ako." Sabi ni coach at umalis na siya

"Girl!!!! Natanggap ka!! OMG!!!!" Sabi ko habang tumatalon kami ni Chloe.

"Ang saya saya ko!! Nakakaiyak" agad naman akong huminto sa kakatalon sa sinabi ni Chloe.

"Huy ulul ka! Huwag ka nga! Pagumiyak ka diyan, iiwan kita."

"Eto naman, never heard of tears of joy te??"

Nginitian ko lang si Chloe at nag hug kami ulit.

Kakatapos lang namin ni Chloe mag palit at palabas na kami ng gym. Grabe ang saya ko nung nalaman ko makakasama ko si Chloe. Classmates, blockmates, volleyball mate at bestfriend ko pa! Nakajackpot talaga ako. Ang swerte ko at siya ang naging bestfriend ko.

Di ko alam kung san kami pupunta ni Chloe pero sinusundan ko lang siya. Ang alam ko lang is yung path na nilalakaran namin is papuntang parking lot.

Nung makarating kami sa kotse ko, sabi ni Chloe sakin na "Sabing, punta muna tayong Taft."

"Niloloko mo ba ako?! Ang layo kaya ng taft! Ano akala mo, nasa kabilang kalsada lang yun?! At isa pa, ano gagawin mo dun?"

"Ah.. Wala naman. Sunduin natin si Kyra kung okay lang sayo."

Grabe naman tong si Chloe. Ang layo kaya ng Taft.. Pero si Kyra naman yung rason so.. Oo na nga lang. 9 am palang naman

"O sya sya, sige na. Pupunta na tayong Taft."

"Yay!!! Kaya love na love kita eh! Di mo ko matiis."

"Di mo rin naman kasi ako matiis eh, pumasok ka na sa kotse bago magbago ang isip ko."

At dali dali naman si Chloe pumasok at pumasok na rin ako. Pinawarm up ko muna ang sasakyan habang nag hahanap si Chloe ng albums sa lalagyan ko ng mga soundtracks.

"Te ano ba yan pinapatugtug mo. Baduy" biglang sabi ni Chloe habang inieject niya yung cd na nasa radio.

Di ko siya muna kinausap kasi palabas palang ako ng gate ng Ateneo.

"Hoy wag ka nga, mas baduy ka. At pwede ba, kanyang kanyang trip lang yan. Walang basagan ng trip. Sige ka uuwi ako ngayon instead na pumunta sa Taft."

"Oo, tatahimik nalang ako. Okay na mam?"

Tumahimik nalang din ako at hinintay na mag play ang soundtrack na nilagay ni chloe.

"YOU MAKE ME FEEL LIKE IM LOSING MY VIRGINITYYY" kanta ni Chloe na parang sumisigaw siya.

Nagulat ako kaya agad ko natapakan ang break cause a lot of cars honk at me habang si Chloe ay pinagpatuloy ang kinakanta niya. As soon as nakaluwag na ang paa ko, pinaandar ko na ulit ang sasakyan ko. Di naman ganun ka traffic so feeling ko makakarating kami ng taft within an hour. Depende sa speed ko at sa flow ng traffic, of course.

Sinabayan ko ng pagkanta si Chloe nung Chorus na..

YOU GIVE ME THAT HUMMINGBIRD HEARTBEAT

SPREAD YOUR WINGS AND MAKE ME FLY

THE TASTES OF YOUR HONEY IS SO SWEET

WHEN YOU GIVE ME THAT HUMMINGBIRD HEARTBEAT

AH AHH HUMMINGBIRD HEARTBEAT

"Hoy atey, palitan mo nga ya. Ky aga aga yan yung pinapatugtug mo. May topak ka no? Hahaha loko lang. Hanapin mo yung album ni Speak Now diyan ni Taylor Swift. I'm sure nandiyan lang yan basta hanapin mo nalang." Utos ko ky Chloe.

Agad niya naman sinunod ang utos ko kesa naman mag reklamo siya diyan at uuwi na ako. Pagod pa naman ako. Nung nakita ni Chloe, ineject niya yung album ni Katy Perry at pinalitan ky Taylor Swift.

"Demanding mo. Pero yun, sinaksak ko na diyan sa radio mo. Sana naman masaya ka na ngayon at ikaw nalang parati ang nasusunod." Sabi ni Chloe habang nag dadarama. Hay Chloe ano nalang ang mangyayari sakin kung hindi ikaw ang naging kaibigan ko?

"Di pa naman tayo nakakalayo, gusto mo umuwi nalang tayo? At wag ka nga! Kung ako ang nasusunod palagi, edi nakauwi na ako. mas ginusto kong umuwi at matulog kesa naman ipagdrive ang kaibigan kong hayup papunta sa taft kaHIT MALAYO." The annoyance is very evident in my voice.

"Edi sorry na atey. Matutulog na nga lang ako.." Wala pang 8 minutes at mahimbing na ang tulog ng bruha na to. At aba hayup siya. Ipinagdrive tas tutulugan lang naman pala. Anlakas ng trip mo te!!!

Nung tapos na ang Sparks Fly.. Back to December ang kasunod. Oh my god si Captain. December last year was the best because I was with Captain.. I had him. He was mine.

Captain.. I miss you.

Pero wait.. Bat pa ako nag papakaemo? Don't tell me inlove ka pa kay Captain?! May nararamdaman ka pa para sakanya no?! Di ka pa nakakapag move on no?!

Hoy hindi ah! Kung si Captain pa ang gusto ko hangang ngayon, eh bat ko palagi nakakasama si Kiefer? Ano, ha?!

Oh gosh, there I go. Inaaway ko sarili ko. Do I still want Captain back? Do I? Hay buhay.

Ewan ko.

When words fail, music speaks. But why now? Hindi ko naman gusto balik balikan yung samin ni Captain dati. But i just really miss him. Feeling ko the lyrics are haunting me. Back to December pa naman ang kanta.

Tumahimik kami ata sa loob ng kotse except nung radio. Before ko Nilingon si Chloe, i made sure muna na red light. seryoso pala siya nung sinabi niya na matutulog siya. Alam kong pagod siya kaya pinatulog ko nalang. Ipinakita at pinalabas niya ang kakayahan niya sa volleyball kanina. Worth it naman.

I smiled at the thought and i'm so happy for her. Dream niya maging part if the Ateneo's Women Volleyball Team eh. Kaya masayang masaya ako para sakanya.

Nag green light na and pinaandar ko na ang sasakyan at nag drive na ulit.

I reached for my phone na nasa dash board and called Sarah. Wala pang isang ring eh sinagot niya agad ang tawag ko.

"Hellerrr. O girl, problema?"

"Grabe, pag ako tumawag, may problema agad?"

"Dein naman.. So ano na nga?"

"Nakapasok si Coloy sa team"

"Oh shit!!!! Seryoso?!?!"

"Oo! Kaya nga kita tinawagan eh! Magpasuprise party tayo mamaya para sakanya. Pwede naman sa bahay ko."

"Sige, gusto ko yan. Pupunta ako mamaya sa restaurant ni Mommy, magpapaluto ako ng foods."

"Ako sa drinks! Magiinuman ba tayo? Haha"

"Push yan! Tatawagan ko ang ibang bakla, ikaw rin tawagan mo sila. Ako nalang mag aasign ng mga kailangan nilang dalhin."

"Ikaw na tumawag sa kanila! Kasama ko si Chloe. Susunduin namin si Kyra sa Taft, papunta na kami dun. Tulog siya kaya tinawagan kita. Basta yun ang plano ah? Pumunta ka nalang sa bahay. Ikaw na rin ang umayos dun. Walang tao dun kaya sure ako na di ka makakapasok. So, umakyat ka nalang tas pagpunta mo sa front door, may carpet. May susi ng bahay dun sa ilalim ng carpet na yun. Hulaan mo nalang kung ano ang susi para makapasok ka. Oh sya na. Baka makagising si Coloy. Ipinagkakatiwala ko tong party sayo ah. Pag umakyat ka dapat wala may makakkta sayo ah!! Bye labyo!"

Binaba ko na ang telepono bago pa siya maka angal, maka sagot at maka back out. Hahaha

Di masyado matraffic kaya naman nakarating kami ng Taft ng 10:05. Ginising ko naman agad si Chloe "Bakla! Nasa Taft na tayo. Ano, san tayo? Ano plano mo?"

Inayos ni Chloe ang pagupo niya "eh pinsan mo si Kyra ikaw ang kumausap sakanya at makipagkita."

Pinektusan ko si Chloe "hoy gaga ka. Ipinagdrive mo ako mula sa Ateneo papunta dito sa Taft tas ako ipapacontact mo kay Kyra?! Sure ka na gising ka na? Nako umayos ka Coloy."

"Aray naman! Ay.. Oo nga pala no. Sige punta nalang muna tayo sa Starbucks. Tatawagan ko si Kyra mamaya. Sabi niya sakin na may morning training daw sila ni Bea. Ewan ko para saan. Basketball siguro."

Tumango lang ako at nag drive na ulit. Pagkadating namin sa Starbucks, pinark ko muna ang sasakyan ko kung san pwede ipark at bumaba kami ni Chloe. Pumasok kami at wala namang masyado tao. 4 lang siguro ang customer..

"Sabing, dun tayo umupo. Mauna ka na dun at mag oorder lang ako. Ililibre na kita. Pinagdrive mo kasi ako. Well, di naman talaga pero yun din yun. Ah basta. Umupo ka nalang dun."

Tumango lang ulit ako at sumunod nalang ako sa utos ni Chloe. Naglakad ako papunta sa bandang likod at dun ako umupo kun san may parang sofa. Umupo ako at binuksan ang bag ko para kunin ang akin iPad.

I was about to unlock my iPad ng bigla nag vibrate phone ko at agad ko naman kinuha.

New message from Chloe bully.

Girl, inorder ko na ang favorite mo. Ipinaserve ko nalang diyan. Teka, alis muna ako. Babalikan kita dito. Saglit lang ako (i think hehe) basta wag ka umalis diyan ah? Labyu

Ha? Bat pa nag text ang bruha? Andito lang naman ako ah. Pwede niya lang naman ako puntahan dito ah. Pero nireplyan ko nalang

To: Chloe bully

Bruha ka! Bumalik ka ha! Baka iiwan mo ako dito!! I swear, binabalaan na kita. Pag ako'y iniwan mo, this will be the last day of your life. Chos. Ingat ka! Sunduin mo nalang si kyra ha. Labyu also.

"Excuse me, Sab" sabi ng guy na nag deliever ng order inorder ni Chloe para sakin

"Sige ho kuya, pakillagay nalang sa table. Thank you" sabi ko pero di ko siya tinignan.

"Ah.. Sab.."

Familiar sakin ang boses na yun.

Lagot si Chloe sakin. Papatayin ko siya.

Hindi pala bartender.

Si Jeron.

Continue Reading