Chapter 16

397 5 5
                                    

Jeric Fortuna's POV

Nagddrive ako pabalik sa bahay ko sa Paranaque. Dun ko nalang muna patutulugin si Sab. Aalagaan ko nalang siya muna.

Nung nag red light, lumingon ako kay Sab. Only to find out that she was asleep already. I wonder kung anong nangyari sakanya. Kung bakit ganito ang mukha niya. Kung bakit dumudugo sa corner right side ng lower lip niya.

May nakaaway kaya siya? Pero hindi naman pala away or war freak si Sab ah. Wala naman tong kinakaway nung highschool siya. Malalagot sakin ang gumawa ng ganito sakanya. Ngayon palang magtago na siya kasi ako yung naiinis. Ayoko makita si Sab ng ganito at mas lalong ayoko may makita na may sumasakit sa kanya.

Bigla may nag vibrate na phone. Nung una akala ko akin. Yun pala hindi. Then I realized that it was always Sab's phone that was vibrating. So fished for her phone sa bag niya without looking kung saan pumupunta ang kamay ko. Hindi ko naman pwede iiwan ang mata ko sa daan, baka may mangyari masama.

When I got her phone, i missed the call. but then it vibrated again. on the third ring/vibrate, I answered it without bothering to check who it was calling Sab.

"Hello?" I said

Sab?!

"Jeron? This is Fort."

Oh.. Magkasama kayo ni Sab?

"Actually muntikan ko na siya masagasaan. Ewan ko kung ano nangyari sakanya pero parang nanghihina siya. Sinabi niya sakin na ilayo ko daw siya dito. Umawa siya sakin kaya pinagbigyan ko. Tulungan mo naman ako kay Tita Kaye oh. Di ko alam kung ano ang sasabihin ko. O basta huwag mo sabihin na ako ang kasama ni Sab. Papatayin ako nun"

Ha?! ANO NANGYARI? ay oo nga di mo pala alam., Just make sure Sab's okay. Ako na bahala kay Tita Kaye.

"Salamat ah?"

Ingat kayo.

Tapos binaba ko ang telepono. I've already entered sa subdivision ko.. But nagdadalawang isip ako kung tama yung pinuntahan ko. Kung tama na dito ko dalhin si Sab. Pero parang hindi.

Lumabas ulit ako at nag drive papuntang Dorm ko sa Dapitan. Kahit malayo sinubukan ko madaliin mag drive. Hindi na traffic kaya for sure kung madaliin ko.. Makarating kami dun in 30 minutes or an hour. It's almost 12 am na din.

Pag dating ko sa dorm, pinark ko na agad ang sasakyan ko at pinatay ang makina. Binuhat ko si Sab tapos tinulak ko ang pinto gamit ang paa ko para maisarado tapos nilock ko na agad.

"Oh Idol, sino yan? Anong nangyari sakanya?" Tanong ng guard na bumabantay sa dorm namin tuwing gabi

"Di ko nga rin alam, kuya eh. Aalagaan ko nalang muna. Sige aakyat na ako ah." Pagpaalam ko.

"Ah.. Oh sige sige."

Humihinto ako every floor hanggang makarating ako sa floor namin. Kakapagod mag stairs. Kailan pa kaya sila magpapalagay ng elevator dito? Kung kailan graduate nako? Edi wag nalang sila mag lagay. Sinayang pa nila ang pera nila. pwede pa yang gamitin pang repairs. Loko lang.

Binuksan ko ang pinto habang si Sab ay binubuhat ko pa din. Medyo nakakapagod. Dumiretso ako sa kwarto ko at nilagay ko si Sab sa kama ko tsaka ko binuksan ang ilaw.

"Fort... Ano ba yan.. Patayin mo nga ang ilaw. Kita natutulog ang tao eh" dinig na dinig ko ang inis ni Tata sa boses niya kaya agad ako pumunta sa kama niya at nilapit ko ang labi ko sa tenga niya. "Babe, huwag ka masyadong maingay. Andito si Sab.."

Bumangon agad si Tata para makita kung totoo ang sinasabi ko o niloloko ko lang siya. Pero ayun. Nanlaki ang mga mata nung nakita niya si Sab at nung nalaman niya na di ko siya niloloko.

Taking RisksWhere stories live. Discover now