Chapter 1

945 8 11
                                    

Eto na, first day ko ngayon. First day of being a college student. Ano kaya feeling maging college student? Sino sino kaya ang mga classmates ko? Matutuwa ba ako? bulong ko sa sarili ko.

Ako nga pala si Isabelle. Sab nalang para di mahaba.

Kakagraduate ko lang ng highschool. sa lahat ng pinasukan ko at kinunan ng entrance exam, pumasa ako sa Ateneo, DLSU, UST at UP. Oh ha. Pero dun ako sa alma mater ng mommy ko.

Sa Ateneo.

"Hoy Sab! Bat kapa nakatunganga diyan?! Mahuhuli ka sa class dahil sa ginagawa mo eh! Li ka na nga"

Yun naman si Chloe, bestfriend ko mula grade 1. Ewan ko lang kung bakit at pano ko naging kaibigan ang hanggard na to. Siguro dahil hanggard din ako. Hahaha di bale na

8 kami sa barkada. Ako, si Ela, Chloe, Demi, Gabriella, Natalie, Clarice at si Sarah. Sossy ng name nila no. Haha

Ako, Si Chloe at si Sarah ang nakapasok sa Ateneo. Sina Demi, Natalie at Gabby naman sa DLSU. Dun naman sa UST sila Ela at Clarice.

________________________________________

Kakatapos lang ng 3rd period. Hindi ko inakala na nakakastress pala ang buhay college. Papunta na sana ako sa last period ng may tumawag sakin...

"Hello? Sino po to?" tanong ko kasi number lang ang lumalabas sa phone ko. Di ata naka register.

"tinatry ko lang ang iPHONE 5 ko na tawagan ang iPHONE4S mo kasi brand new sakin eh."

Nung narinig ko ang mga boses na yun, napangiti ako.

"kung alam ko lang na ikaw tumawag sakin eh di sana di ko nalang sinagot" biro ko na may sabay na tawa

"eh kung di mo naman alam, gwapo kaya ng tumatawag sayo. Naka 3 points shoot pa nga para sayo" sabi niya

Kinilig naman ako. Patay tayo diyan. Di joke lang

"oo na JERON ALVIN TENG! ikaw na talaga"

"hahaha. Talaga. Musta first day Sab?" tanong niya tapos tumatawa pa siya sa kabilang linya. dinig na dinig ko eh loko talaga tong si Jeron forever

"papunta na sanang last period, kaso tumawag ang bestfriend kong hayup na walang magawa kundi panira lang ng moment ko" biro ko at natawa naman kami

"sakit nun ha! Kung hindi lang kita bestfriend eh di sana... Wala. Gwapo ko. Hahaha. Ano gagawin mo mamaya? Labas tayo" di niya pinatapos yung isang sentence niya. ewan ko bakit pero yun, annoying siya as always. pero di ko rin naman siyang matiis.

"tuhray. Taas ng confidence mo, kasing tangkad mo na building nami dito sa Ateneo." tumigil ako at tumawa "Magkasama naman tayo 2 days ago ah" pagpatuloy ko

"eto naman. Sige na punta at susunduin nalang kita diyan sa school mo ha. Wait for me, pig!" sabi niya, at ang sakit na ng tiyan ko sa kakatawa dahil sa shokoy na to.

Loko na, shokoy pa. Forever nakakabwesit siya talaga. hay Jeron

Then the line was cut.

Buti wala pa si Prof when I got to class. Late na kasi ako ng 3 minutes. Eh first day panaman, pangit kaya maging first impression ang "uy late ka diba nung first day?" yung mga ganyan.

Pakilala lang naman pala ang ginawa namin tsaka free time naman, so nag twitter nalang ako. Wala, pamatay oras lang.

"@sablacson: free time is always a good time!"

Wala pang 1 minute, i got 13 retweets na from my blockmates. Galing, artista lang? Hahaha. I continued scrolling down when i saw some tweets from my friends.

"@itschloe_: with @sarahtan sa foodcourt. "

There was one from my highschool friend.

"@cloietaaa: with @ranzkyle again :@) forever foodtrip buddy "

Ranz replied to her naman.

"@ranzkyle: @cloietaaa sweet mo sweetheart. Kung hindi lang naman kita mahal, hindi ako ganito ka taba sa pagmamahal ko sayo eh. Takaw talaga :p"

Sige guys. Kayo na. Nilalanggam na kayo oh.

Hindi ko na pinatapos ang conversation nila. Nagpatuloy nalang ako ng pagbabasa ng tweets tas nakita ko tweet ni Jeron.

"@jeronteng: gonna see my pig later!!!!"

I favorited it and hindi ko namalayan na nag sabi na pala si prof ng "class dismissed" tasaka parang ako nalang dito sa classroom. I placed my phone sa bag, saka I went out of the classroom and started walking papuntang carpark.

Nung naglalakad ako sa carpark, hindi ko nakita na may malaking bato. Kaya naman natamaan ko.

pahulog na sana ako ng may sumagip sa akin...

---------------------------------------------------------

Author's note.

So what do you think? :) ahhahahaa okay lang ba? Tweet me for suggestions @czescadems :)

Taking RisksWhere stories live. Discover now