Lucky Thirteen ( Lesbian )

By Achedorn08

5.1K 207 45

How many dates are you willing to endure just to find the perfect match for you? Join Althea as she meet othe... More

AuThor's Note
First. Curious Nessa
Second. Julia the party girl
4.a Jade the Gorgeous Weirdo

Third. Julia The Dancer

679 39 9
By Achedorn08

A/N: Shout out for PoetLiterati..;) I was already finished with this when I read your comment.. But a promise is a promise..hehe So next chapter will be Solenn.;)
-----------------------------------------------------------------

"No."

"Please."

"Ayoko."

"Sige na Althea. Hindi naman kasalanan ni Julia na hindi ka niya nakita." Pamimilit pa sa kanya ni Vanessa. Nasa condo niya sila ngayon para magpahinga. Sa loob ng tatlong linggo na magkakilala sila ay ganito na ang naging routine nila pagkatapos nila mag gym.

Every thursday ay magkikita sila sa gym at pagkatapos mag work out ay sa condo na niya magmumula si Vanessa papasok sa trabaho nito.

Nakasimangot itong nakapalumbaba sa kitchen island, tiningnan lamang ito ni Althea habang naiiling iling. Minsan ay natutuwa siya sa pagka childish nito pero ngayon ay malapit na siyang mainis sa kakulitan nito.

Gusto kasi nitong makipagkita ulit siya kay Julia. "Alam mo naman kung anong nangyari nong gabi na yon diba?"

Her friend rolled her eyes at Althea, "Last week pa yon girl, move on move on din pag may time." Sabi nito habang kumuha ng nachos na inihahanda ni Althea.

Kumuha din ng isang piraso si Althea at ibinato dito, "Tigilan mo na nga ako."

"Paano kung ipakita ko sayo picture niya?" Nakangiting sabi nito habang dinudukot sa bulsa ng shorts nito ang cellphone. "Surprise sana kaya lang mukhang ganito lang kita mapapapayag."

Ayaw man aminin ni Althea ay naiintriga din siya sa itsura ng kaibigan nito.

Mas maganda kaya ito kay Jade?

Natigilan siya sa pagsubo ng kinakain niya. Buong linggong laman ng isipan niya ang babae. Kahit pa niloko siya nito at pakiramdam niya ay pinaglaruan, hindi pa din niya mapigil ang sariling isipin ito.

Lalo na ang mga labi nito.

Napakagat siya ng labi, ilang gabi din siyang hindi pinatulog ng halik na iyon. Dahil hanggang ngayon ay laman ito ng panaginip niya.

"Hoy Althea, san na naman gumagala yang isip mo." Biro nito sa kanya. "Tigilan mo nang kakaisip dun. Eto nalang ang pagpantasyahan mo." Sabay abot sa kanya ng cellphone.

Isang napakagandang babae ang bumungad sa kanya. Maganda ito, mahaba ang buhok, matangkad, sexi at mukhang may lahing banyaga. Aminin man ni Althea o hindi ay naattract siya agad dito.

Sa litrato ay masaya itong naka akbay kay Vanessa at para bang nakikipagharutan dito. Naka v-neck white shirt ito na cotton at short shorts maong.

Pero ang mas pumukaw sa atensyon ni Althea ay ang malulusog nitong dibdib.

Don't get her wrong, she's not a perve, but damn those boobs.

Napamaang na lamang siya ng inalis ni Vanessa sa kanyang harapan ang cellphone nito habang natatawa, "I knew that would get your attention."

Kunwari'y patay malisya siyang umiwas ng tingin at nagsimula uling kumain, "Ok fine. I'll meet her up this Saturday. Pero hindi na doon sa bar na yon."

Abot tengga ang ngiti ng kausap niya, agad agad itong nagtext sa kaibigan.

Kaya nga ngayon ay nandito siya sa isang restaurant sa Quezon Ave. Dinner ang pinili niyang oras para kung sakaling maging okay ang meeting nilang ito, maaari silang magbar pagkatapos. Nabanggit kasi sa kanya ni Vanessa na party girl ang kaibigan.

At mukhang may problema sa punctuality ito.

Thirty minutes na kasi siyang nagaantay ngunit wala parin ito. Nagpasya siya na pag wala pa ito in five minutes ay aalis na siya at tatatadtarin niya ng hate messages si Vanessa.

She was about to stand up ng may lumapit sa kanya. Pag angat niya ng tinggin ay hindi siya makapaniwala sa nakikita. Mas maganda ito at kaakit akit sa personal.

"Hi, Althea?" Nakangiti nitong tanong. Agad namang tumayo si Althea at inilahad ang kamay.

"Yes. Julia?" Tanong nito, naninigurado na tamang tao na ang kasama niya ngayon.

Ngumiti ito at tumango, "I'm so sorry I'm late. I just had to finish something sa office kasi." Paliwanag nito habang umuupo.

"It's okay." Sabi naman ni Althea habang umuupo na din. "So, busy sa work huh?"

"Hays, sinabi mo pa. I can't wait to start my own business." Luminga linga ito sa paligid, siguro ay pinagaaralan ang lugar. "I've never been here before. It looks nice."

Nangiti naman si Althea, isa sa paboritong kainan niya kasi ito. "You"ll love the food here. During my cheat day, lagi kong inoorder yung burger nila. Sulit ang guilt after." Pareho silang natawa. Mukha namang makakarelate ito dahil napaka ganda ng hubog ng katawan nito. Halatang nag gigym din.

Nagsimula na silang umorder sa waiter. Umorder sila pareho ng salad at nagpasyang magshare nalang sa pasta.

Masaya itong kausap, kalog din katulad ng kaibigan nitong si Vanessa. May pagka prangka man pero nasa lugar. Hindi ito nauubusan ng topic na pede nilang pagusapan.

Halos sa isang oras na paguusap nila ay parang nalaman na niya ang buong buhay nito.

Nagtapos ito ng accountancy sa PSBA, a year ahead kay Vanessa. Nagkakilala yung dalawa sa school at naging close na magkaibigan for 3 years. Kahit pa grumaduate na ito ay nanatili silang malapit na magkaibigan.

She came out with her parents during her last year in college. Dahilan niya, kung sakali man daw itakwil siya ng mga ito atleast, kaya na niyang tustusan ang sarili.

At ganon nga ang nangyari. Tinakwil siya ng buong pamilya at isang taon na siyang nagtatrabaho para sa sarili.

Nalungkot si Althea sa kwento nito. Bigla niya tuloy na appreciate ang Tatay niya. Kung paanong agad agad siya nitong tinanggap without questions asked.

That made her want to visit his grave soon.

"Don't feel sorry for me. I'm happy and I feel free right now."

But Althea saw something in her eyes. Malungkot ito at may pangungulila.

Natapos ang dinner nilang iyon na pakiramdam ni Althea ay kilalang kilala na niya si Julia batay sa mga kinuwento nito.

She was enjoying herself when suddenly something, or should I say, someone caught her eyes.

Muntik na niyang hindi malunok ang isinubong salad, hindi kasi siya makapaniwala sa nakikita.

Sa may malapit sa entrance ng restaurant ay nakatayo si Jade habang kinakausap ang waiter. Siguro ay may kakatagpuin ito dito dahil nakita niyang luminga linga ito.

Gusto niyang iiwas ang mga mata bago pa mahuli ang lahat at makita din siya ng babae pero ayaw sumunod ng mga ito.

Galit man siya dito dahil sa panloloko sa kanya ay hindi niya maiwasang mamangha sa kagandahan nito.

Simple ngunit napakaganda.

Nakapony tail ngayon ang buhok nito na bahagyang may mga nakababang buhok, naka sleeveless blouse ito na bulaklakin at white pants. Ganon siguro talaga pag model ka, kahit anong damit, simple man ito o elegante, kayang kaya mong pagmukhaing maganda.

"She's pretty." Narinig niyang sabi ni Julia habang sinusundan ng tingin ang papalayong si Jade.

Nahiya bigla si Althea, "I'm sorry. It's just that I know her." Namumula niyang sabi.

Nangiti naman ito, "Hindi ako selosa pero parang may something sa tingin mo sa kanya."
Kunwari'y tumawa na lang si Althea para itago ang katotohanan, "Don't be silly. She was just someone I met last week sa bar."

"Ohh.. About that.." Sabi nito sabay abot sa kamay ni Althea na nakapataong sa lamesa. "I'm sorry I didn't look hard enough. Kung alam ko lang na ganito ka kaganda, sinuyod ko sana yung bar para makita ka lang." Nangaakit nitong sabi habang bahagyang pinisil ang kayang kamay.

Maang namang napatingin lamang si Althea sa magkapatong nilang kamay. Pilit niyang pinapakiramdaman ang sarili.

The spark is there but it was nothing compared with what she felt with Jade.

And here she goes again.

Pinisil niya din ito ng bahagya. Kailangan niyang alisin si Jade sa sistema niya. Kahit pa hirap na hirap na siyang pigilan ang sarili na timingin sa parte ng restaurant kung saan ito nakaupo.

"I'll just go to the powder room tas alis na tayo? We can go to that bar na sinasabi mo." Mahinahon niyang sabi habang binabawi ang kamay. Tumango naman ito.

Kinakabahan niyang tinunton ang banyo. Iniwasan niyang makita siya ni Jade, nakahinga lamang siya ng maluwag ng makita niyang paalis na ito kasama ang babaeng tinawag nitong Sally sa parking lot ng bar. Hanggang sa huli ay tinanaw niya si Jade makalabas ng restaurant.

Bakit? Hindi niya din alam sa sarili niya kung bakit. Basta ang alam lang niya ay may konting lungkot siyang naramdaman ng mawala na ito sa kanyang paningin.

Paglabas niya ng cubicle ng may isang surpresang nagaantay sa kanya.

Nakasandal ito sa pader katabi ng hand dryer habang seryoso siyang tinititigan. Noong una ay nagulat si Althea ngunit mabilis din siyang nakabawi.

Hindi siya nagpahalata. Kunwari'y patay malisya siyang naghugas ng kamay ng hindi tumitingin dito.

"Sabi ko na nga ba ikaw yan eh." Seryoso nitong sabi.

Hindi sumagot si Althea, kahit pa gustong gusto na niyang kausapin ito.

Gusto niya itong sumbatan sa pagsisinungaling nito sa kanya.

Gusto niyang magalit dito at sabihing ayaw niya itong makita.

Althea wants to tell Jade to stop showing up in her thoughts and dreams.

Pero hindi niya kaya. Wala siyang lakas ng loob para sabihin iyon.

"Please, don't be mad. I really didn't mean to do that. It's just that I got carried away. Nakainom na din ako noon." Paliwanag nito habang nakatingin kay Althea. "I hope we can start again, kahit friends lang." Nagsusumamong bulong nito.

Natigilan sa pagpupunas ng kamay si Althea. Tinapon niya ang tissue sa trash can at akma na sanang aalis ng pinigilan siya ni Jade sa braso.

"Please, Althea. I'm really sorry. I promise, patawarin mo lang ako and it will never happen again. I won't make a move, ever. Maging magkaibigan lang tayo."

Tiningnan ni Althea ang kamay na mahigpit na nakahawak sa braso niya. Paano ba niya sasabihin dito na hindi niya kaya ang hinihingi nito?

She can't be friends with someone that she's so attracted to.

"Please."

But she also can't say no to Jade.

Nagbuntong hininga si Althea. Tinitigan niya si Jade, nagmamakaawa ang itsura nito. Ramdam niya na sincere naman ang paghingi nito ng tawad.

"Fine." Mahina niyang sabi. "Friends lang. Kalimutan na natin kung ano mang nangyari sa bar. Wala ng magbabanggit noon, ever."

Jade never fails to surprise her. Bigla itong napatili sa tuwa na parang bata at yumakap ng mahigpit sa kanya habang paulit ulit na nagpapasalamat. Marami pa itong sinasabi pero wala dito ang atensyon ni Althea.

Jade's hugging her and all she could think about is how much she missed that smell.

May paghihinayang na naramdaman si Althea ng bumitaw sa pagkakayap si Jade. Nalungkot siya ngunit hindi niya ito pinakita sa kaharap.

Maya maya at kumuha ito ng calling card sa pouch at iniabot sa kanya. Hiningi naman nito ang number niya at madaling inilagay sa cellphone nito.

Abot tenga ang ngiti ng dalaga na ikinataba din ng puso ni Althea. She loves how Jade smiles.

Nagpaalam na ito at sinabing tatawagan na lamang siya pag nakauwi na ito para makapagusap sila. Gusto sana niyang sabihin dito na baka gabihin na siya ng uwi dahil sa may kadate pa siya ngunit nagalangan siya.

Pinilit ni Althea ituon kay Julia ang kanyang atensyon. Masaya itong kasama at nageenjoy talaga siya ngunit hindi niya padin mapigilan ang panaka nakang pagiisip kay Jade.

Natatawa nga siya sa sarili dahil umaasa siyang bigla nalang niyang makikita dito ang dalaga na napaka imposible namang mangyari.

But her heart still hopes though.

Para di na niya maisip si Jade ay pumayag siyang makipagsayaw kay Julia.

Masaya siya nitong hinila papunta sa dance floor. Hindi niya namalayan na hinubad na pala ni Julia ang blazer nito dahil ngayon ay ramdam na ramdam niya ang makinis nitong mga braso.

Napaka sensual ng pagsayaw nito ngayon, kasabay sa nakakaakit ding tugtog mula sa dumadagungdong na speakers sa club. Pakiramdam ni Althea ay nagkakaroon siya ng private show sa gitna ng dance floor.

Andoong tumalikod ito at unti unting kinikiskis ang likuran nito sa kanya. Kinuha nito ang mga kamay niya at ginuide para haplusin niya ang katawan nito.

At ewan ba ni Althea kung guni guni niya lang ito pero parang naramdaman niyang pinadaplis nito ang kanyang kanang kamay sa may dibdib nito.

And to be honest, she's starting to like it.

Like she've said before, it has been a while since she has been with someone.

Unti unti ay nakakalimutan na niya si Jade.

And dammit! Here she goes again. Jade nanaman.

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig at napansin ito ni Julia. Naramdaman ata nito na bigla siyang nawala sa mood.

"Gusto mo munang maupo?" Sabay turo sa pwesto nila kanina. Tumango lamang siya.

Tahimik lang sila ng makabalik sila sa upuan nila. Siya naman ay umiiwas ng tingin kay Julia. Nahihiya kasi siya dito.

"You wanna go home?" Maang siyang napatingin dito. "Para kasing di kana nageenjoy. Ok lang sakin, ihahatid na kita pauwi."

Muli ay di niya akalaing ganito ito ka understanding. At pagkatapos nitong uminom ng tubig ay inalalayan na siya nito palabas ng bar. Hindi nito binitiwan ang kanyang kamay.

Pero bakit parang may kulang sa pakiramdam ni Althea? Parang may mali sa sitwasyon.

At naiinis siya sa sarili dahil hindi niya mapagtanto kung ano iyon.

"Thank you at sorry kung di ka man nagenjoy ngayon." Sabi ni Althea ng marating nila ang harapan ng building ng condo nito.

Ngumiti lamang ito sa kanya pero alam niyang malungkot ito, hinawakan nito ang kamay niya. "I had a great time, ikaw nga tong tahimik lang eh."

Umiling siya, "May iniisip lang ako. Sorry." Pinisil niya ang kamay nito.

"Umm..nga pala, i hope you didn't mind what I did sa dance floor kanina." Binitiwan nito ang.kanyang kamay at nahihiyang ngumit sa kanya.

Nangiti din si Althea, "You were a great dancer." Sabay kindat dito.

Natawa naman ito. "I can give you a private dance if you like." Nangaakit nitong turan.

Napalunok naman si Althea. Natatarantang kinuha ni Althea ang bag at kunwari'y di narinig ang tinuran nito. "Goodnight Julia. Thanks for tonight." Sabi niya habang palabas ng sasakyan nito.

Narinig niyang nagbuntong hininga ito.

Maganda si Julia. Mabait. Sexy at masarap kasama. At higit sa lahat, halatang gusto siya nito.Ano nga ba ang pumipigil sa kanya?

At walang anu ano'y kinatok niya ang bintana nito. Binuksan naman ito agad ni Julia at nagtatakang tumingin sa kanya.

"My unit is 5233, in case you're still up with that private dance." Hindi niya inaakalang masasabinniya iyon.

Hindi na niya inantay pa ang tugon nito. Tumalikod na siya agad at pumasok sa building niya. Nang makapasok siya ng elevator ay doon lamang niya narealize ang ginawa. At para bang gusto niyang bawiin ang sinabi.

Pero huli na ang lahat. Laking pasasalamat na lamang niya ng mga ilang minuto na siyang nasa loob ng bahay niya ay wala pa ding nagdodoor bell.

Nakahinga siya ng maluwag pero malungkot din at the same time.

Maybe she's really that lonely.

Papunta na siya sa kanyang kwarto ng may marinig siyang mahinang katok. Pagbukas niya ng pinto ay naroon si Julia.

"Sorry. I got caught up sa front desk." Sabi nito habang nangaakit na lumapit sa kanya. Napalunok lamang siya.

Julia is looking at her like she would devour her there and then.

Oh and by the way, she's definetly getting laid tonight!

----------------------------------------------

Thanks for reading! Soooo, what do you think? And also, any suggestions for the next characters?;)

Continue Reading

You'll Also Like

420K 22.1K 33
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
142K 5.1K 19
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
43.5K 2.1K 23
THIS IS A BL STORY! Obsession series # 2 "I'm scared to move on because moving on means accepting our fate as strangers. I'd rather heartbroken than...
2.6M 103K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.