Third. Julia The Dancer

679 39 9
                                    

A/N: Shout out for PoetLiterati..;) I was already finished with this when I read your comment.. But a promise is a promise..hehe So next chapter will be Solenn.;)
-----------------------------------------------------------------

"No."

"Please."

"Ayoko."

"Sige na Althea. Hindi naman kasalanan ni Julia na hindi ka niya nakita." Pamimilit pa sa kanya ni Vanessa. Nasa condo niya sila ngayon para magpahinga. Sa loob ng tatlong linggo na magkakilala sila ay ganito na ang naging routine nila pagkatapos nila mag gym.

Every thursday ay magkikita sila sa gym at pagkatapos mag work out ay sa condo na niya magmumula si Vanessa papasok sa trabaho nito.

Nakasimangot itong nakapalumbaba sa kitchen island, tiningnan lamang ito ni Althea habang naiiling iling. Minsan ay natutuwa siya sa pagka childish nito pero ngayon ay malapit na siyang mainis sa kakulitan nito.

Gusto kasi nitong makipagkita ulit siya kay Julia. "Alam mo naman kung anong nangyari nong gabi na yon diba?"

Her friend rolled her eyes at Althea, "Last week pa yon girl, move on move on din pag may time." Sabi nito habang kumuha ng nachos na inihahanda ni Althea.

Kumuha din ng isang piraso si Althea at ibinato dito, "Tigilan mo na nga ako."

"Paano kung ipakita ko sayo picture niya?" Nakangiting sabi nito habang dinudukot sa bulsa ng shorts nito ang cellphone. "Surprise sana kaya lang mukhang ganito lang kita mapapapayag."

Ayaw man aminin ni Althea ay naiintriga din siya sa itsura ng kaibigan nito.

Mas maganda kaya ito kay Jade?

Natigilan siya sa pagsubo ng kinakain niya. Buong linggong laman ng isipan niya ang babae. Kahit pa niloko siya nito at pakiramdam niya ay pinaglaruan, hindi pa din niya mapigil ang sariling isipin ito.

Lalo na ang mga labi nito.

Napakagat siya ng labi, ilang gabi din siyang hindi pinatulog ng halik na iyon. Dahil hanggang ngayon ay laman ito ng panaginip niya.

"Hoy Althea, san na naman gumagala yang isip mo." Biro nito sa kanya. "Tigilan mo nang kakaisip dun. Eto nalang ang pagpantasyahan mo." Sabay abot sa kanya ng cellphone.

Isang napakagandang babae ang bumungad sa kanya. Maganda ito, mahaba ang buhok, matangkad, sexi at mukhang may lahing banyaga. Aminin man ni Althea o hindi ay naattract siya agad dito.

Sa litrato ay masaya itong naka akbay kay Vanessa at para bang nakikipagharutan dito. Naka v-neck white shirt ito na cotton at short shorts maong.

Pero ang mas pumukaw sa atensyon ni Althea ay ang malulusog nitong dibdib.

Don't get her wrong, she's not a perve, but damn those boobs.

Napamaang na lamang siya ng inalis ni Vanessa sa kanyang harapan ang cellphone nito habang natatawa, "I knew that would get your attention."

Kunwari'y patay malisya siyang umiwas ng tingin at nagsimula uling kumain, "Ok fine. I'll meet her up this Saturday. Pero hindi na doon sa bar na yon."

Abot tengga ang ngiti ng kausap niya, agad agad itong nagtext sa kaibigan.

Kaya nga ngayon ay nandito siya sa isang restaurant sa Quezon Ave. Dinner ang pinili niyang oras para kung sakaling maging okay ang meeting nilang ito, maaari silang magbar pagkatapos. Nabanggit kasi sa kanya ni Vanessa na party girl ang kaibigan.

At mukhang may problema sa punctuality ito.

Thirty minutes na kasi siyang nagaantay ngunit wala parin ito. Nagpasya siya na pag wala pa ito in five minutes ay aalis na siya at tatatadtarin niya ng hate messages si Vanessa.

Lucky Thirteen ( Lesbian )Where stories live. Discover now