Second. Julia the party girl

747 46 13
                                    

"Dude, you need to get laid."

Yan ang sabi ni Batchi sa kanya kanina habang kinukumbinsinsiyang tumuloy sa date na ito.

Apparently, her friends think that Althea should have sex in order to be happy again.

Okay, that was a lie. Iniisip nila na kaya lagi mainit ang ulo nito sa office ay dahil matagal na ding zero ang sex life nito.

Kaya nga ganoon na lamang ang pagpipilit nila sa kanya na pumayag siyang makipag date sa kaibigan ni Vanessa, ang first failed blind date na sinet up ni Batchi.

Si Vanessa. Kasama lang niya ito kahapon sa gym. Masaya siya para dito dahil nagkabalikan na sila ng nobyo nito. She found out it was all a mistake and decided to give him another chance. To give love another chance.

At masyang masaya siya for her new friend.

Hindi man siya nakahanap ng girlfriend sa katauhan nito pero nagkaroon naman siya ng kaibigan. But she prays na hindi na ganito ang mangyayari sa mga susunod na blind dates niya.

She will be so upset if that happens.

Kaya ngayon ay nandito siya sa isang bar sa eastwood, and honestly, she's starting to regret it.

This is not her scene but she has no choice.

May dahilan siya kung bakit ayaw niyang nakikipag date sa ganitong lugar. Yung tipong wala kang mga kaibigan para iback up ka.

"You look hot." At ito iyon.

Althea rolled her eyes before spinning her bar stool to face the owner of the annoying voice.

"Please go away." Sinabi niya na pilit pinipigil ang pagkairita. "I'm not interested." at muli ay tinalikuran niya ito.

Pero imbes na umalis ay lalo pa itong dumikit sa kanya. Napahigpit ang hawak ni Althea sa basong may lamang margarita. Pigil na pigil siya sa sarili na ihampas dito ang hawak.

Wala siya sa mood magpalipas ng gabi sa presinto.

"Babe, mukha ka kasing malungkot. Let me show you some good time." Bulong nito sa kanya na ultimo nang aakit.

Gustong bumaliktad ng sikmura ni Althea.

She reached her limit. Papatulan na niya ang mokong na ito. Bahala na si Batchi mag piyansa sa kanya tutal ideya naman niya ito.

Pero bago pa siya makapagbitiw ng masasakit na salita ay may bigla siyang naramdamang kamay sa kanyang likuran.

"Hi, I'm so sorry I am late."

Maang siyang napatingin sa magandang babae na nasa kanyang harapan. Naka red cocktail dress ito na hipit na hipit at kitang kita ang magandang hubog ng katawan nito. Nakalugay ang lagpas balikat nitong buhok at halos mabaliw si Althea ng maamoy nito ang mabangong organic na shampoo.

Hindi siya makapaniwala na ganitong kaganda ang kaibigan ni Vanessa. Kung alam lamang niya ay agad agad siyang pumayag sa date na ito.

Sandali, ano nga ba ulit pangalan niya? Julie? Jessica? Julia? Tama, Julia.

Nakatitig pa din siya dito ng bigla itong bumaling sa lalaking nasa harapan nila. "Ohh thanks." Sabay kuha sa beer bottle na hawak nito. Iniabot niya ito kay Althea. "I'll have another one of that." Dagdag pa nito.

Muntik ng masamid si Althea sa iniinom niya. Nanlaki naman ang mga mata ng lalaki at nagtatakang tumingin sa kanila, at sa kamay ng bagong dating na babae na nakadantay sa binti ni Althea.

Aware din dito si Althea pero mas gugustuhin na niyang ito ang humak sa kanya kesa ang antipatikong lalaking ito.

"Hindi ako waiter dito miss." Sabi ng lalaki na para bang naiinis.

Lucky Thirteen ( Lesbian )Where stories live. Discover now