Ang Boyfriend Kong Engkanto (...

Von LunaAmelie

1M 32.8K 2.1K

When girl meets engkanto. Bam! Highest rank achieved: #4 in fantasy Mehr

Chapter 1: The Party Girl
Chapter 2: Nasaan Ako?
Chapter 3: Ang Misteryosong Lalake
Chapter 4: Simeria
Chapter 5: Naniniwala na ako
Chapter 6: Si Procopio
Chapter 7: Gusto ko ng kanin
Chapter 8: Kilig to the bones
Chapter 9: Medyo Serious
Chapter 10: Awkward moment
Chapter 11: Skinny Dipping
Chapter 12: Mga Tanong
Chapter 13: Saan tayo pupunta?
Chapter 14: Day out
Chapter 15: An Hari at ang Reyna
Chapter 16: Is it over?
Chapter 17: The Feels
Chapter 18: Changes
Chapter 19: Simon
Chapter 20: First Kiss
Chapter 21: Officially Together
Chapter 22: Pio is in the house
Chapter 23: Another day
Chapter 24: Pio Gone Bad
Chapter 25: Lady V
Chapter 26: Relative?
Chapter 27: Salamin
Chapter 28: Misunderstanding
Chapter 29: Sexy Back
Chapter 30: Moved Out
Chapter 31: Vacation
Chapter 32: Back to Reality
Chapter 33: Storm is Brewing
Chapter 34: Adik Sa 'yo
Chapter 35: Unexpected
Chapter 36: Visitors
Chapter 37: Another Visitor
Chapter 38: Forever?
Chapter 39: If only
Chapter 40: Shady
Chapter 41: Axel
Chapter 42: Another Suprise
A Note
Chapter 43: Happiest
Chapter 45: Goodbye
Chapter 46: Inconsolable
Chapter 47: Clean Slate
Chapter 48: Life Goes On
Chapter 49: Memories
Chapter 50: Still the same
Chapter 51: Pangalawang Pagkakataon
Chapter 52: Pagbabalik
Chapter 53: No lies
Chapter 54: Convalesced
Chapter 55: Patawad
Not an update
New story
Chapter 56: Mga Lihim
Chapter 57: Atrona
Chapter 58:
Chapter 59: Happy Ending
Author's Last Note
Ebook release

Chapter 44: Bad Omen

12.5K 367 34
Von LunaAmelie

Too bad I have to go to work today. Sabi ko sa sarili ko pagkagising ko. Gusto ko pa naman sanang makasama si Pio ngayon buong araw at mag-celebrate. Oh Pio! Ang aking fiancé; ang aking Prinsipe! Waah! Thank you Lord sa blessing na 'to!

I'm feeling so inspired today kaya bumangon ako agad upang maghanda ng agahan namin ni Pio. I got out of the room as soon as I made my bed but to my dismay I found him in the kitchen already cooking breakfast. Tsk. Naunahan na naman ako!

"Magandang umaga, aking Prinsesa." Bati niya sa akin kasabay ng malaking ngiti nang mapansin niya ako sa likod niya. Hayy.. Ngiti pa lang niya buo na agad ang araw ko. Tsk. I know. Cheesy, right?

"Magandang umaga, mahal kong Prinsipe." Bati ko rin sa kanya at pabiro akong nag-curtsy dahilan para matawa siya. "Naunahan mo na naman akong magluto. Hmp." Sabi ko sa kanya.

"Hmm.. Ako na bahala dito. May trabaho ka hindi ba? Mag-ayos ka na." Utos niya at nagpatuloy sa pagluluto.

"Hmp. May araw ka rin. Tandaan mo yan." Pabirong banta ko sa kanya at natawa siya. Nakakatuwang pakinggan ang tawa niya. Nakakagaan ng pakiramdam.

I can already see my future with him as I headed to a daydream, in the bathroom, in my throne- how convenient. Maybe I'll become a spoiled wife; we'll have cute kids running around; and maybe I'll get sooo fat. The thought made me giggle.

I found myself singing in the bathroom. Lalala. Everything seems fine.

Wala pa kaming plano kung kelan kami magpapakasal and I don't think he has any hint kung paano ikasal ang mga tao, except maybe the ideas he got from the movies which I suspect, is where he got the idea of proposal. I'd have to ask him later. Basta ang importante engaged na kami. Tsaka kailangan muna naming makausap si Lady V tungkol sa mga bagay-bagay. Siya kasi 'yong may experience sa ganito kasi nga 'di ba, siya 'yong engkantong nagpakasal sa isang tao. So 'yun. Gusto ko rin na nando'n siya sa kasal namin. Kahit simple lang na kasal okay na sa 'kin eh. Hindi naman importante ang magarbong kasal. Nakakalungkot lang dahil wala ang mga magulang ko sa mga ganitong importanteng pangyayari sa buhay ko; walang mag-aabay sa akin papuntang altar.

Ma, Pa, I wish you were here right now.

I miss them so bad. Especially now. It hurts but I had to fight back the tears dahil baka isipin na naman ni Pio na malungkot ako. Medyo OA 'yon mag-isip eh. Dali-dali akong nagbihis pagkatapos kong maligo. Gusto ko kasi sulitin ang natitirang oras ko ngayong umaga with Pio.

"Alex, kain na tayo." Saktong tinawag na ako ni Pio mula sa nakasarang pinto ng kwarto ko.

"Sige, sandali na lang." Sagot ko. Binalot ko muna sa twalya ang basa kong buhok. Paglabas ko ay handa na ang mesa. As in handang-handa.

"Anong meron? Dami mo niluto ah." Puna ko sa mesa na punong puno ng pagkain. May bacon, ham, eggs, fried rice, pipino at kamatis na alam niyang paborito ko sa umagahan, at saka kape sa tabi ng plato ko. Inubos niya na ba ang pinag-grocery namin? He's really planning on making me fat!

"Wala. Ayaw ko lang magutom ka dahil magtatrabaho ka pa. Ipinagluto na rin kita ng baon mo mamayang pananghalian." Sagot niya sabay ngiti pero nakita kong medyo nangunot ang noo niya.

"Oh, okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"Oo. Masakit lang nang kaunti ang ulo ko." Sagot niya habang nilalagyan ng kanin ang plato ko.

"Kasi naman. Ang aga mo yatang gumising. Kulang ka pa yata sa tulog." Sermon ko sa kanya.

"Hindi naman. Ayos lang ako." He gave me a reassuring smile. "Sige na, kain ka na." Dugtong pa niya.

"Ano ka ba? Kumain na tayo. Pagkatapos ay may ipapainom ako sa 'yong gamot para mawala yan." Ako naman ngayon ang naglagay ng pagkain sa plato niya. "Gusto mo 'wag na muna ako pumasok? Baka kung mapano ka kasi rito." I sounded like a worried mother. Pero syempre naghahanap lang naman ako ng dahilan para 'wag pumasok sa trabaho at makasama siya.

"Hindi. Hindi! Wala ito. Simpleng sakit ng ulo lang naman ito." Sagot niya at binigyan ako ng malaking ngiti na sa tingin ko ay pinilit niya lang. Nag-aalala ako sa kanya. Wala pa naman siyang kasama dito sa apartment maliban kay Axel na nakahiga pa rin sa maliit niyang higaan at kung sakali ay wala ring magagawa dahil isang hamak na aso lang naman siya.

Pagkatapos namin kumain ay pinainom ko muna siya ng gamot bago ako tuluyang umalis ng apartment. Hinipo ko ang noo niya kung may lagnat siya pero wala naman. Baka kailangan niya lang talaga ng pahinga.

Sumasakit din pala ang ulo ng mga engkanto. O baka naman epekto na ito ng pamumuhay niya dito sa mundo ng mga tao. Hmm. May koneksyon kaya 'yon? I'm really worried pero iginigiit niya kasi na normal din daw 'yon sa kanila.

Umalis ako sa apartment na nagdadalawang isip. Mag-isa lang kasi siya doon. Pa'no kung magkasakit talaga siya? Anyway, it's just a headache. Binilin ko naman siyang tumawag sa 'kin kung may nararamdaman siyang kakaiba.

I went on with my routine at work though I can't help but admire the small rock staring at me from my ring finger. It feels so strange and wonderful at the same time. Ano ba yan? I should really focus on my work. But first, I checked my phone for any texts from Pio. Pero wala; kaya ako na ang nagtext sa kanya kung okay na siya. Nag-reply rin naman agad siya na okay siya kaya pwede na akong mag-relax.

Pero kahit nagpaka-busy ako, lagi pa rin sumasagi sa isip ko ang proposal ni Pio kagabi. Hindi ako maka-get-over sa kilig! Hindi rin nakatulong na suot-suot ko ang singsing na ito habang nagtatrabaho ako. It's like a constant reminder of what happened and what almost happened. Oh 'di ba? Ang landi lang teh! However, it's a very welcome distraction. Hindi ko tuloy maiwasan mag-plano para sa kasal namin. Pa'no ba ang magiging set-up? I'm thinking of a royal wedding theme since Prinsipe naman talaga ang mapapangasawa ko but I had to scold myself in the process.

Sabi mo ayaw mo ng magarbong kasal?!

Ehh.. Hindi naman magarbo. 'Yong sapat lang para maging memorable. Naisip ko kasi isang beses lang naman ako ikakasal.

Sino naman kaya ang iimbitahan mo?

OMG! Oo nga. We should really just go for a civil wedding dahil wala naman ako masyadong imbitado. Lalo na si Pio! Padalhan kaya namin ng imbitasyon ang mga magulang niya? Waah! No! No! Nooo!

Sa sobrang pag-iimagine ko halos mahulog ako sa kinauupuan ko nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Sino ba naman kasi 'to? Teka, baka si Pio. Agad kong dinampot ang cellphone mula sa cradle nito at nang tingnan ko kung sino, si Simon lang pala.

"Ano?" Halos pasigaw ang bati ko sa kanya.

"Hoy, nababaliw ka na ba? Parang kinakausap mo na yata ang sarili mo dyan. Hahahaha!" Sabi ni Simon sa kabilang linya. Tumingin ako sa paligid at nakita ko siyang nakatayo doon sa may glass door kung saan kitang kita talaga ako sa kinauupuan ko.

"Tse!" Sagot ko at binabaan ko siya ng telepono. Tiningnan ko siya at patawa-tawa pa rin siya papunta sa cubicle niya. Kainis talaga 'tong si Simon kung minsan. Pero baka nga nagmumukha na akong baliw sa kaka-imagine ko dito.

Trabaho na kasi Alex!

I remember I was assigned to write a short article in the Travel portion of our magazine about my little trip to Batanes with Pio. From time to time, the magazine lets some of their staff to write short articles and most of the time kasali ako do'n. It's such a privilege so I really do my best. I wrote about the beaches of Batanes since we spent most of our time there. Buti na lang at ang dami kong pictures na kinuha noong nagbakasyon kami doon at least madaming pagpipilian 'yong visual editor namin. I can't forget the hills of Batanes overlooking the sea. It's so picture perfect and romantic. I had to include it my article.

I finished the article before lunch and was sad na wala na akong isusulat at balik na naman ako sa trabaho ko. I enjoy writing short articles. Sana pagdating ng araw, long articles naman. Pero as of now, okay na 'to, start at the bottom, ika nga.

Bottom.

Naalala ko tuloy 'nong naghubad si Pio sa beach at nakita ko ang pwet niya. Epic! Pero syempre hindi ko 'yon sinama sa article ko. For my eyes only.

Hay.. Nami-miss ko na si Pio. Sana mag-uwian na...

I feel weird going home tonight. Well, to say weird is an understatement. My life has definitely turned upside down since I met Pio on that fateful night, when he saved me.

But really, I feel somewhat strange. What is it? I can't put a finger on it.

I had to knock twice before I decided to just open the door with my own key. Baka nasa banyo lang si Pio kaya hindi makapagbukas ng pinto. There was an odd silence despite Axel's barking when I entered the apartment. Nasa'n ka Pio?

"Pio? Nandito na 'ko!" I called him as I place my things on the table. There was no answer. Everything was in place. The house is clean and organized but my Pio is nowhere. Axel is following me around; I think he's hungry. I checked the bathroom but it was open and Pio wasn't inside. I tried his room but he wasn't there either. I went to my room and found him curled up on my bed, sleeping. I was tempted to kiss him but decided against it because I don't want to wake him up. Instead, I covered him with the blanket.

Bakit kaya dito siya nakatulog? Siguro na-miss niya ako. Aww.. kinikilig na naman tuloy ako. Na-miss ko rin naman siya eh. Naisipan ko na lang na ipaghanda siya ng hapunan habang nagpapahinga pa siya dahil siguradong gutom na siya pag-gising niya. Papakainin ko na rin 'tong si Axel dahil kanina pa sunod nang sunod sa akin.

Pagdating ko sa kusina, nakita kong may nakasalang na lutuin sa kawali. Sa kulay ng gulay ay halatang hindi pa ito lubusang naluluto. Parang sinadya niyang iwan ito dahil hindi pa ito nahahalo ng mabuti. Buti na lang at hindi niya naiwang bukas ang kalan kundi baka nagkasunog na dito. Nakalimutan niya yatang may niluluto siya.

Ano ba sanang ang lulutoin niya? Hmm. Tingin ko ginisang gulay lang naman 'to; kaya ko na 'to. Pagkatapos kong magluto, parang may kung anong pumasok sa isip ko. How weird. It's not like Pio to forget things. Wala akong maalalang pagkakataon na nakalimot siya ng ganito. Pati si Axel parang nakalimutan niya rin. Bigla akong nag-alala para sa kanya kaya pinuntahan ko agad siya sa kwarto ko.

Ayaw ko sana siyang gisingin pero gusto kong masigurado na okay siya.

"Pio?" Mahina kong sabi.

"Pio, gising na. Kain na tayo. Gutom na 'ko eh." Alok ko sa kanya.

Nang hindi pa siya sumagot ay binuksan ko na ang ilaw.

Do'n ko nakita ang mukha niyang halos wala ng kulay sa putla. Shit. What happened? Doon na ako nag-panic.

"Pio! Anong nangyari sa 'yo?" I hurriedly ask. Mahina kong tinapik ang mukha niya para magising siya pero hindi siya sumasagot. Ang lamig ng mukha niya. I listened to his heartbeat for fear that he's dead. I almost screamed in relief when I heard a beat, although very weakly.

I started shaking him to wake him up but he won't wake up. Napano ka Pio? Gising na please!

Sa pagkataranta ko ay hindi ko na malaman ang gagawin ko. Sinubukan ko siyang buhatin at paupuin pero hindi ko kaya. Do'n ko naisipang tumakbo palabas at tawagin ang guard.

"Kuya! Kuya! Tulong! Dalhin natin si Pio sa hospital." Sumigaw ako nang napakalakas kahit ang lapit ko lang naman sa gwardiya dahilan para magsilabasan ang mga nasa katabing apartment namin. May isang lalake do'n na pagkakakita sa kalagayan ko ay agad na lumapit.

"Please patulong naman po." Sabi ko sa kanya habang umiiyak. Sumunod siya sa 'kin at gano'n din ang gwardya na hindi ko namalayan na nakaakyat na pala.

"Anong nangyari miss?" Tanong ng kapitbahay.

"Hindi ko alam eh, basta pagdating ko ganyan na siya, ayaw gumising. Akala ko natutulog lang siya" Sagot ko kasabay ng hagulgol. Agad naman nilang binuhat si Pio. I am fully alert now. I grabbed my bag, his jacket, and headed to the door.

"Tatawag ako ng taxi." Sabi ko habang papatakbo pababa upang tumawag nga ng taxi. Nakita kong dumami ang tao na nasa labas na sa tingin ko ay dahil sa pagsigaw ko kanina. They're all looking at me, intrigued in what had happened but I ignored them.

Nakita kong nakasunod ang gwardya at ang lalake sa 'kin. Mas mabagal nga lang dahil buhat buhat nila si Pio. Mabuti na lang at may taxing laging naka-park dito sa labas.

"Manong, sa hospital tayo." Agad akong pumasok sa likod ng taxi at naghintay na ipasok nila si Pio. Agad namang pinaandar ng driver pagkarinig ng urgency sa boses ko.

Dinala namin siya sa pinakamalapit na hospital. Wala pa ring malay si Pio habang nakasandal siya sa 'kin. Hawak hawak ko ang ulo niya para hindi ito mabagok sa bintana ng taxi. Ginigising ko siya pero wala pa rin. Napaiyak na ako nang lalo. I hugged and kissed him hoping it would wake him up.

Nang makarating na sa hospital, 'yong driver na mismo ang tumawag sa nurse at inilagay nila si Pio sa stretcher. Muntik ko pang makalimutang magbayad sa taxi, ni hindi ko nga napasalamatan 'yong lalakeng tumulong kanina dahil sa pagmamadali.

Agad akong tumakbo papasok ng hospital. Alam kong hindi nakakatulong ang pag-iyak ko pero hindi ko talaga mapigilan. Ano ba kasing nangyari sa 'yo Pio?

Ipinasok nila si Pio sa emergency room kung saan hindi ako pwede sumama. All I can do is wait. At least alam kong buhay siya. And I want him to stay that way.

Makalipas ang ilang minutong pagpabalik-balik sa corridor ng hospital ay naisipan kong tawagan si Lady V.

"Hello, dear. How are you?" Sagot niya.

"Lady V..." I started to say pero naunahan ako ng hikbi.

"Alex, what's wrong?" Tanong niya pagkarinig sa akin na umiiyak.

"Si Pio po kasi... Nandito po kami sa hospital." I answered in between sobs.

"Why? What happened? Tell me!"

"I.. I don't know. Basta pagdating ko sa apartment wala na siyang malay." Nakita ko ang mga nurses na nagmamadali kaya mas lalo akong kinakabahan.

"Which hospital?"

"Hindi ko—" Sa sobrang pagkataranta ko, ni hindi ko alam kung anong hospital itong pinasok namin. Tumingin tingin ako sa paligid at doon ko lang nalaman. "Dito po sa St. Luke's."

"Okay. I'll go there."

"'Wag na po Lady V. Gabi na eh malayo pa naman kayo." I said trying to stiffle a sob.

"'Wag mo na akong alalahanin. I'll be on my way."

"Okay po." Sagot ko.

I'm actually relieved to know that Lady V is coming. I need someone to talk to and she's the closest I have right now.

Halos kalahating oras din akong naghintay sa labas ng ER. Sa tuwing may lalabas na nurse o doctor ay kukulitin ko sila tungkol sa kalagayan ni Pio.

"Wala pang resulta missis." Sabi ng doktor.

"Miss." Pagtatama ko. "Wala pa? Eh kanina pa siya nasa loob. Magbabayad naman kami!" Sagot ko. Pagkarinig niya nito ay nairita siya dahil parang pinangugunahan ko siya sa trabaho niya. Kahit ako ay nainis sa mapangakusang sagot ko. I feel sorry for her, alam kong pagod na siya dahil halata sa mukha niya tapos ay kinukulit ko pa. Hinintay ko siyang magalit pero mahinahon niya pa rin akong sinagot.

"Hindi po gano'n kadali malaman ang resulta. We need to make further tests. Sa ngayon po ay kailangan natin siyang i-confine but as of now okay naman siya. Stable." Sabi ng doktor as if she's trying so hard not to punch me in the face.

"Okay po." Nasagot ko na lamang. Siguro ay kailangan ko ngang maghintay. Okay naman na daw ang kalagayan ni Pio. 'Yon ang importante.

"Punta na lang kayo sa admitting section." Sabi niya sabay alis.

Ha? Anong gagawin ko do'n? I have no idea. I haven't been to a hospital for a very long time. Again, I am at a loss.

Hinanap ko ang admitting section na sinasabi niya at do'n ay pinag-fill-up ako ng form para sa kwarto ni Pio. It's a good thing that Lady V was able to get Pio some IDs so I don't have to make up his last name.

Naiinip na talaga ako. Bakit ba ang tagal nilang malaman ang resulta? Gano'n ba kalala ang sakit ni Pio? Mas lalo tuloy akong natatakot na baka mawala sa akin si Pio.

Then I thought, hindi nga pala tao si Pio. Magagamot ba siya ng tao?

Kasalanan mo 'to! Kung hindi mo siya pinagtatrabaho 'di sana hindi siya nagkagano'n.

Hindi ko naman siya pinilit. Siya ang may gusto no'n!

Kahit na!

I shake my head as if that would shake off my thoughts. I've had too much coffee since we arrived and it's not helping. I'm jittery and I feel shaky. I waited for them, the nurse or whoever they are, to wheel Pio to his room. When they came out, I expected Pio to be awake so he can see me but he's still unconscious.

Bakit hindi pa siya nagigising?

He looks really pale. I had to cover my mouth to muffle my sob upon seeing him.

Finally, just in time, Lady V arrived with two of his guards as usual. I sighed with relief as I ran towards her. She is such a welcome sight in this kind of situation.

"Salamat po at nakarating kayo." I said as I briefly hug her.

"Where is he?" Tanong agad ni Lady V. She too, is obviously worried.

"Doon po." Turo ko. "Kailangan daw po siyang i-confine."

"Bakit? Ano ba ang sakit niya?" She looked at me anxiously.

"Hindi ko rin po alam. Wala pa pong resulta."

Sinunod namin si Pio papunta sa kwarto. I got him a private room because I know Lady V would not approve if I got him into a ward. We watched as they tranfer Pio who is now wearing a hospital gown, still unconscious. I waited for them to leave before I ask Lady V a question.

"Lady V, magagamot po pa siya ng doktor ng mga tao?"

"I don't know. Maybe." Sagot niya.

"Pero engkanto siya."

"Yes, but look at us. We look like humans, right? So maybe, we'll heal like a human being. I've been to a hospital before when I had a miscarriage. Remember the story I told you before? So stop worrying." She reassured me with a small smile.

"'di ba po may kapangyarihan ka? Pwede mo ba siyang pagalingin?" I said in a desperate attempt to get out of the situation we are in. Lady V frowned at me but her face was completely understanding of my stupid question.

"I'm sorry dear; I don't powers that strong." She answered as she lightly squeezes my arm.

With that I cried again as she silently rub my back to comfort me. She obviously doesn't know what to say to comfort me. I honestly don't even know what could. I just want Pio to be well.

Hindi ko alam kung ilang araw kaming magtatagal dito. Wala man lang akong kadala-dalang gamit namin ni Pio. We were supposed to be celebrating our engagement but here we are, in a hospital with Pio still unresponsive. I feel so guilty. I feel like this was my entire fault.

"Lady V, I'm sorry.." I started to say.

"Bakit? Para saan?" She asked, confused.

"Kasalan ko yata kung bakit nagkaganito si Pio. Nagtatrabaho po kasi siya sa apartment." I tried to explain myself the best I could.

"Nagtatrabaho?" She said with one arched brow.

"Naglilinis, naglalaba, nagluluto. Pero hindi ko naman po siya pinilit siya naman po may gusto." Para akong batang nagsusumbong kay Lady V habang umiiyak.

"Well.. I don't think simple household chores could send someone to the hospital. Especially not my nephew. Look at him, he looks so strong." She chuckles a bit as she said that, trying to rid me with the guilt. It actually worked but that would mean something else.

"Then what could?" I ask.

"I don't know dear." She said as she looked worriedly at Pio. "I don't know."



***

This is the longest chapter in the history of ABKE so sana na-appreciate niyo. Hehe. Please don't forget to vote, comment and share. Thank you!

Lab lab <3

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

3.8M 228K 77
"If Eve was the first woman on Earth── then, I am the last. My name is Dawn. The last girl on the planet. This is my diary." 🖇 COMPLETED Date Starte...
48.3K 1.3K 30
I'm not against the BIBLE. Ang lahat po ng pangyayari sa story ay kathang isip lang ng author. TY.
8.6K 341 37
(MAJOR REVISING) As soon as I found that book, it changed my life forever. As soon as I found out that I'm not just a human, it makes my life more co...
20.7M 761K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...