HE'S INTO HER Season 3 | COMP...

By maxinejiji

237M 4.6M 11.3M

This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such a... More

He's into Her Season 3
CHAPTER 171
CHAPTER 172
CHAPTER 173
CHAPTER 174
CHAPTER 175
CHAPTER 176
CHAPTER 177
CHAPTER 178 : ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 179
HE'S INTO HER SERIES ON NETFLIX
CHAPTER 180
CHAPTER 181
CHAPTER 182
CHAPTER 183
CHAPTER 184
CHAPTER 185
CHAPTER 186
CHAPTER 187
CHAPTER 188
CHAPTER 189
CHAPTER 190
CHAPTER 191
CHAPTER 192
CHAPTER 193
CHAPTER 194
CHAPTER 195
CHAPTER 196
CHAPTER 197
CHAPTER 198
CHAPTER 199
CHAPTER 200 : THE UNEXPECTED 1
CHAPTER 201 : THE UNEXPECTED 2
CHAPTER 202
CHAPTER 203
CHAPTER 204
CHAPTER 205
CHAPTER 206 : FAITH
CHAPTER 207
CHAPTER 208 : THE SUFFERING
CHAPTER 209 : THE SUFFERING
CHAPTER 210 : THE SUFFERING
CHAPTER 211
CHAPTER 212
CHAPTER 213
CHAPTER 215
CHAPTER 216
CHAPTER 217
CHAPTER 218
CHAPTER 219 : THE VENGEANCE 1
CHAPTER 220 : THE VENGEANCE 2
CHAPTER 221 : THE VENGEANCE 3
CHAPTER 222 : THE VENGEANCE 4
CHAPTER 223 : THE VENGEANCE 5
CHAPTER 224 : THE VENGEANCE 6
CHAPTER 225 : THE LAST VENGEANCE
CHAPTER 226 : THE TRUTH 1
CHAPTER 227 : THE TRUTH 2
CHAPTER 228 : THE TRUTH 3
CHAPTER 229 : THE TRUTH 4
CHAPTER 230 : THE FINAL TRUTH
CHAPTER 231 : TORMENT
CHAPTER 232
CHAPTER 233
CHAPTER 234
CHAPTER 235
CHAPTER 236
CHAPTER 237 : THE END PART 1
CHAPTER 238 : THE END Part 2
CHAPTER 239 : THE END Part 3
CHAPTER 240 : THE FINAL ENDING
HE'S INTO HER
TAGURO and SENSUI
EPILOGUE

CHAPTER 214 (PRIVATE)

4.1M 71.2K 230K
By maxinejiji

CHAPTER 214

SIN'S POV

"CARGOSIN! CARGOSIN!" nagising ako sa sunod-sunod na pagsigaw ni daddy habang tinatawag ang aking pangalan. Masakit pa ang ulo ko, naparami yata ang nainom kong alak. Maging si Christian ay natutulog pa sa sofa na katabi ng kinauupuan ko. "Cargosin!"

"Dad," sinikap kong tumayo nang makapasok siya sa madilim na kwartong kinaroroonan namin.

Galit siyang tumingin sa akin, magsasalita na sana siya ngunit iginala na muna ang paningin sa kabuuan ng kwarto. Lalong nangunot ang noo niya nang makita ang nagkalat na bote ng alak sa mesa na nasa aking harapan. Napabuntong-hininga ako kasabay nang pagkakamot ng ulo, napailing din ako nang madinig kong magmura siya. Nakita kong kumuyom ang mga palad niya nang makita ang nakahilata pang si Christian. Nagbaba ako ng tingin dahil alam kong magagalit siya. Pero ganoon na lang ang gulat ko nang tampalin niya ang mukha ko gamit ang likuran ng kaniyang palad. Mabilis na namanhid ang parteng 'yon ng mukha ko bago ko naramdaman ang sakit.

Agad kong nahawakan ang pisngi ko at nag-angat ng tingin sa kaniya. "C-Chairman..."

Humahangos siyang tumitig sa akin, pinalagatok pa muna ang kaniyang leeg 'tsaka nakapamaywang akong dinuro. "Wala akong sinabi na magsitulog lamang kayo! Mga inutil!" sigaw niya. Muli niya akong inambaan ng tampal ngunit agad akong umiwas.

Dali-daling lumapit si Eerah sa aming ama upang pigilan ito. "Please calm down, dad," bulong niya pa. Pero hindi nagbago ang reaksyon ng Chairman, galit na galit siya at hindi ko iyon maintindihan.

"Ilang gabi na kaming puyat, Chairman, pasensya na." Nanatili akong nakayuko. "Nagkayayaan kaming uminom ni Christian para makatulog agad. Sorry, dad."

Ayaw ko nang sabihin sa kaniya ang naging engkwentro namin ni Maxpein bago ako makatulog. Ang totoo, uminom ako para mamanhid nang panandalian ang katawan ko. Bukod do'n ay gusto kong makalimutan ang nangyari, nagagalit ako sa sarili ko sa t'wing maaalala ko kung gaano kadali para sa babaeng 'yon na patumbahin ako't panghinain. Parang wala siyang kahirap-hirap, napakadali, napakabilis at matindi siya kung kumilos. Hindi biro ang sakit na idinulot ng mga sipa, suntok at tadyak ng babaeng 'yon. Umaabot sa buto at talagang nagtatagal ang sakit.

"Sorry?" nanggigigil niyang tanong. "Mababago ba niyang sorry mo ang nangyari at nawala na? Bobo!" Nagtataka ko siyang tiningala. Dinuro niya ang pinto, napalingon muna ako ro'n bago siya muling tiningnan. "Nakatakas si Maxpein Moon!" humihiyaw na sigaw niya, na sa sobrang lakas ay napabalikwas ng bangon si Christian.

"Ano?" sabay naming tanong ni Christian.

Nanggigigil akong dinuro ng aking ama habang masamang-masama ang tingin sa akin. "Kapag hindi mo naibalik dito ang babaeng iyon, kayong dalawa nito ang papatayin ko! Mga inutil kayo!" aniya na kaming dalawa ni Christian ang tinutukoy. Sinamaan niya pa muli kami ng tingin bago kami tuluyang iniwan. Agad siyang sinundan ni Eerah pero maging siya ay pinagsarhan nito ng pinto dahilan para kaming tatlo ang maiwan sa kwarto.

"Ano ba ang ginagawa ninyo!" pabulyaw na singhal sa ni Eerah. Nadinig ko pa ang paulit-ulit at maririing pagmumura niya. "Bakit ninyo hinayaang makatakas ang babaeng iyon?"

"Hindi namin alam na nakatakas siya," natutulirong ani Christian.

Hindi na ako nagsalita pa, sa halip ay dali-dali akong lumabas ng kwarto at nagtungo sa silid kung saan ko iniwan si Maxpein. Nanginginig ang kalamnan ko sa paggising ng galit sa aking dibdib. Pakiramdam ko ay hindi ko malaman kung ano ang gagawin.

Nandoon na ang ilan sa mga tauhan namin, kani-kaniyang bulungan at usapan. Mga nakatayo, paikot-ikot at nag-uusap na animong nagsisisihan at nagtuturuan pa. Ang mga gagamba na pinaghirapan naming makuha ay nagkalat na rin sa pasilyo, na siyang bumuhay lalo sa galit ko!

"Mierda!" sigaw ko. Ang lahat ay gulat na napalingon sa akin. Sa galit ko ay isa-isa kong sinapak ang bawat makasalubong ko hanggang sa lahat sila ay nakayuko nang humarap sa akin. "Paanong nakatakas ang hinayupak na iyon, mga tanga!"

"Hindi rin namin alam, Cargosin, maniwala ka," ani Mark.

Bumilis ang paghinga ko, kumuyom ang mga palad ko at napapikit ako sa galit! Nang hindi ko iyon mapigilan ay maging ang katabi kong salamin ay nasuntok ko hanggang sa mabasag.

"Imposible!" Dinuro ko si Mark. "Nasaan si Taylor!"

"Narito ako," nangibabaw ang tinig niya sa likuran ko. Padaklot kong hinila ang kwelyo niya at saka siya inilapit sa akin. "Bitiwan mo ako, Cargosin."

"Ang sabi mo ay takot sa gagamba ang babaeng iyon!"

"Iyon ang sabi ng bunso niyang kapatid, Cargosin." Ngumisi siya, pilit inaalis ang kamay ko sa kaniyang kwelyo. "Ano ba ang ikinagagalit mo?"

"Nakatakas si Maxpein!"

"Ano?" hindi siya makapaniwala.

"Papaano niyang natakasan ang daan-daang gagamba na ito ngayon kung natatakot siya sa mga iyon!"

Mas ngumisi si Taylor dahilan upang mas humigpit ang pagkakahawak ko sa kaniya. "Sinabi ko naman na sa iyo, huwag kang magpakakampante sa babaeng iyon dahil ang imposible ay kaya niyang gawing posible!" 'Tsaka nawala ang ngisi niya. "Huwag kang umasta na para bang kami, at hindi ikaw, ang may kasalanan, Cargosin. Ikaw ang bantay, hindi dapat natutulog lang ang bantay."

"Gago!" Sinapak ko siya sa sobrang galit. Gaganti na sana siya ng suntok nang pigilan kami ni Christian. "Isa rin akong hangal nang paniwalaan at hayaan ko ang suhestiyon mong iyan!"

"At ako ang sinisisi mo ngayon, Cargosin? At nasaan ka? Nasaan kayo upang bantayan siya?"

"Nakatulog kami," nakayukong sabat ni Christian, siya ang sumagot sa tanong ni Taylor.

Gusto ko ring magalit sa sarili ko. Walang-wala na ba kaming paraan para umasa sa ganong suhestiyon ni Taylor? Gagamba? Mierda! Sinabi ko na nga ba't isang malaking kalokohan ang suhestyon niyang ikulong ang Maxpein na iyon sa kwarto na puno ng malalaking gagamba! Inutil! Ngayon ay naiintindihan ko na ang pinagmumulan ng galit ng Chairman.

"Totoo ang sinabi ko, Cargosin. Takot siya sa gagamba." Sinamaan ako ng tingin ni Taylor, humahangos akong tumitig sa kaniya. "Naging matagumpay ang plano natin na ikulong siya sa kwartong puno ng gagamba, pero nasira ang plano nang makatulog ka't hayaan siya ro'n!"

Hindi ko nagawang sumagot agad. Natitigilan akong napatitig sa mga mata ni Taylor maging sa kaniyang kabuuan. Napakayabang ng dating nang pagkakasabi niya sa aking ng linyang iyon. At hindi ko nagugustuhan ang narinig ko.

Malayong-malayo ito sa Taylor na nakilala ko.

Humakbang ako papalapit sa kaniya. "Napakatagal mong nawala rito, Taylor. Hindi ka gumawa ng paraan para makabalik--halos magkandamatay kami sa pagtatangkang ipuslit ka sa mansion ng mga Moon. 'Tapos ngayon ay babalik kang hambog na rin? Mierda!" Dinamba ko si Christian upang magpang-abot kami ni Taylor!

Nagpambuno kami na animong may matagal nang hinanakit sa isa't isa. Huminto lang kami nang pareho naming masapak ang isa't isa. Humahangos at galit na tumitig sa kani-kaniyang mga mata. Dinuro ko siya 'tsaka ako umabante, magsasalita na sana ako nang pangunahan niya ako.

"Pumalpak ka, Cargosin! Umamin ka na lang at huwag nang humanap pa ng ibang masisisi sa kapalpakan mo!" singhal niya.

Patakbo ko siyang nilapitan at muling sinapak hanggang sa matimbawang. "Wala kang utang-na-loob!" pasigaw kong sumbat.

Dagli siyang nag-angat ng tingin sa akin at humalakhak. "Walang utang na..." bulong niya at saka muling humalakhak. "Sino ka ba sa tingin mo, batang puslit? Ano ang ipinagmamalaki mo? Ano ang meron ka na wala ako!" bigla siyang tumayo at sumugod sa akin.

"Pakinabang!" sigaw ko at saka siya sinalubong ng sapak.

Ngunit nakailag siya at ako ang nasapak. "Pakinabang? Ganoon ba kalaki ang pakinabang mo, Cargosin?"

"Oo! Kompara sa iyo ay hindi hamak na mas kapaki-pakinabang ako!" Bigla ko siyang sinapak. "Sa buong panahon nang paghihiganti natin, nasaan ka? Nasa mansion ng mga Moon at walang ginawa kung hindi ang makipag-asaran sa babaeng Moon! Hindi ba?" gitil na gitil kong bulalas. "Kayang-kaya mong gumawa ng paraan para makatakas, Taylor! Ilang beses ka nang pinanhik ni Lovemir doon para kalagan, pero ano ang ginawa mo? Nanatili ka ro'n para asarin lang ang Maxpein na iyon! Wala kang kwenta!" Natigilan siya at mas tinaliman ang pagkakatitig sa akin. Dinuro ko naman siya. "Hanggang ngayon ay hindi ko maintindihan kung bakit kailangang manatili ka pa ro'n kung saan may malaking tyansa ka nang makatakas! Imbes na maging mas matagumpay ang mga plano natin sa pagbabalik mo ay pinili mong manatili ro'n--para ano? Para makipag-asaran? At talagang tuwang-tuwa ka pa dahil naaasar sa iyo si Maxpein? Gago!"

"Talagang sasabihin mo ang lahat para lang iba ang lumabas na mali, at sa huli ay ikaw ang magmukhang tama, Cargosin. Ugaling-ugali mo na iyan noon pa man." Bagaman malumanay ay may diin ang pananalita ni Taylor. "Bakit ba hindi mo na lang tanggapin na nagkamali ka at pumalpak? Bakit kailangang ibaling mo pa sa akin ang sisi? Sa tingin mo ba ay mabubura niyang pagmamalinis mo ang katotohanang nakatakas ang babaeng iyon dahil sa pagtulog-tulog mo?"

"Tama na!" sigaw ni Christian ngunit walang nakinig sa kaniya.

"Sa simula pa lang ay palpak ka na, Cargosin. Dumadaloy na ang kapalpakan sa iyong dugo." Ngumisi si Taylor. "Sa tingin mo ba ay mahuhuli ako ng mga Moon kung pinaandar mo nang ayos, at sa tamang ruta mo idinaan ang chopper mo? Wala sa plano natin ang pagbalik noon pero ipinilit mo. At sa tingin mo ba ay nakalimutan ko na kung paano kang lumihis sa plano nang oras na iyon?" Bigla siyang sumeryoso. "Sa pananatili ko ro'n ay nalaman ko kahit papaano kung gaano kadedelikadong tao ang kinalaban natin, Cargosin. At hindi iyon para sa akin, kung hindi para sa mga tulad mo na bara-bara kung kumilos!"

Bigla ko siyang dinaklot sa kwelyo, gigil kaming nagtitigan. "Baka nakakalimutan mong kahit mas nakatatanda ka ay tauhan lang kita, Taylor!"

"Pero iisa lang ang pinagmulan natin, Cargosin. Iisa lang, at walang makapagpapabago niyon." Kinalas niya ang pagkakahawak ko. "Bakit kaya hindi na lang tayo kumilos, imbes na magsisihan pa, Cargosin?" Sumeryoso si Taylor. "Walang magbabago kung magsisisihan tayo. Ngayong nakatakas na siya ay tayo na ang delikado. At hindi malabong bumubuo na rin ng plano ang mga iyon laban sa atin!"

"Tama siya," sang-ayon ni Christian, lumapit siya at sapilitang pumagitna sa 'min ni Taylor. "At isa pa ay nasisiguro kong wala ni isa sa atin ang may gustong mangyari ito. Tayo ang nagpabaya, Cargosin, huwag mong ibaling ang sisi sa iba."

Bumuntong-hininga ako. "Hindi tayo pwedeng kumilos ngayon. Paniguradong nakapagplano na nga ang mga iyon. At kapag sumugod tayo, tayo na naman ang talo." Napatalikod ako sa kanila at naisabunot ang mga kamay ko sa aking buhok. Sunod-sunod kong pinagsusuntok ang pader sa sobrang galit.

Gusto kong sisihin ang sarili ko dahil mas pinili kong makatulog. Hindi naman na lingid sa akin ang abilidad niya, bakit pa nga ba ako nagpabaya? Inutil!

"Paano naman kayo nakasisiguro na nakatakas nga siya?" mayamaya ay sabat ni Eerah, sabay-sabay namin siyang nilingon.

Kunot-noo siyang nakatingin sa kwartong kinaroroonan kanina lamang ni Maxpein. Tiningnan niya rin ang mga gagambang gumagapang sa loob, at papalabas ng pintuan. Marahan siyang naglakad papasok sa kwarto habang iniiwasan ang naglalakihang mga gagamba, isa-isa naman kaming nagsipagsunuran. Pinulot ni Eerah ang lubid na ginamit naming pangtali sa mga kamay at paa ni Maxpein kanina. Hinimas-himas niya ang lubid habang nakatingin sa kung saan, nag-iisip. 'Tsaka niya iyon binitawan kung saan niya rin mismong pinulot kanina.

Sinipa niya ang mga gagamba at saka naupo sa silya. Inilagay niya ang parehong kamay sa likuran, ginaya niya ang posisyon ni Maxpein bago namin siya iniwan. Sa panonood ko ay nakikini-kinita ko na ang posibleng nangyari, maging ang nais iparating ni Eerah Anitha.

"Kung ako ang nakatali at kakalagan ko ang sarili kong kamay," nilingon niya ang sariling mga kamay. "Dito mahuhulog ang lubid." 'Tsaka siya yumuko. "Kung kakalagan ko ang aking paa, dito ko rin iiwan ang lubid." 'Tsaka siya tumayo. "Magmamadali siyang tumakas, walang oras para ibato pa ang mga lubid."

Sabay-sabay naming nilingon kung nasaan ang mga lubid. Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makitang may kalahating dipa nga ang layo ng mga iyon sa silya. At hindi pa man nasasabi ni Eerah ang punto niya ay naisaisip ko na. Tama siya.

"Pero kung ibang tao ang magkakalag sa lubid, hindi imposibleng maitapon niya ito sa sobrang pagmamadali. Natural nang reaksyon 'yon." Matalim na tumitig si Eerah sa kung saan. 'Tsaka niya kami nilingon. "May tumulong sa kaniyang makatakas sa tingin ko."

"Sino?" mahinang tanong ko, nagsisimula na namang uminit ang aking ulo.

Umiling siya. "'Yon ang kailangan nating alamin sa ngayon."

Hindi ko malaman kung bakit bigla akong kinabahan. Napatitig ako kay Eerah, sumunod ay kay Christian, hanggang sa matuon iyon kay Taylor. Matagal akong napatitig sa kaniya at kung ano-ano ang pumasok na hindi magagandang bagay sa aking isip. Hindi ko tuloy namalayan nang bigla niya akong lingunin.

"Ano?" tumaas ang kilay na tanong ni Taylor. Hinarap niya ako nang nakapamaywang 'tsaka siya ngumisi. "Alam ko ang iniisip mo at sinasabi ko sa iyo ngayon na tumigil ka na. Hindi mo alam ang galit ko sa babaeng iyon, huwag ako ang paghinalaan mo." Bigla niya na lang kami tinalikuran at saka nagtuloy-tuloy papalabas ng kwarto.

"Kasama namin si Taylor kanina, nagpunta kami sa banko para withdraw-hin ang ilan sa mga ipon ko. Wala na tayong stocks kaya kailangan naming gawin iyon, at nauubos na rin ang laman ng banko ko," sabat ni Eerah. "'Wag siya ang paghinalaan mo, Cargosin."

Sinamaan ko sila ng tingin 'tsaka ko pinalis ang laman ng isip ko. Nilingon ko ang pinto kung saan lumabas si Taylor, at sa halip na sagutin si Eerah ay naglakad na lang din ako palabas. Pero hindi ko inaasahang naro'n pa sa labas si Taylor, gaya ng ilan sa mga tauhan namin, at nakatalikod sa akin. Sandali akong nagtaka 'tsaka ko tiningnan ang nasa harapan nila. Gano'n na lang ang gulat ko nang makita ko si Lovemir, nakapamulsa at inosenteng nakikipagtitigan kina Taylor at sa mga tauhan namin. Naramdaman ko ang paglapit nina Christian at Eerah sa akin pero hindi ko na sila nagawa pang pansinin. Napako na kay Lovemir ang paningin ko na noon ay para bang sawang-sawa na sa pagmumukha namin dahil sa ekspresyon ng kaniyang mukha. Napakalinis niyang tingnan sa kulay tsokolateng sweater, maayos na nakausli sa leeg ng sweater ang mga kwelyo ng suot niyang polo panloob. Maging ang khaki pants at brown leather boots niya ay nakakapanibago. Hindi siya ganoon kung manamit. Kung may itim nga lang na uniporme ay paniguradong iyon ang pipiliin niya. At gusto kong magpatawag ng handaan dahil isang himala ang pagpunta niya rito nang personal.

"Ano ang ginagawa mo rito?" tanong ni Christian, akmang lalapit kay Lovemir nang pigilan siya ni Eerah. "Kailan ka pa narito? Ikaw ba ang nagpatakas kay Maxpein?"

Napalingon ako kay Christian dahil sa huli niyang tanong. 'Tsaka nanlalaki ang mga matang nilingon muli si Lovemir. Bago pa man may makapagsalita ulit ay agad ko nang tinabig ang mga nasa harapan ko at padarag na hinila si Lovemir sa kwelyo.

"Bakit mo pinatakas si Maxpein!" sigaw ko sa kaniya. "Sinabi ko na nga ba't tama ang mga nasa panaginip ko! Wala kang gagawing mabuti, hindi ka magbabago! Puro ka lamang katarantaduhan!" sigaw ko sa kaniya hanggang sa maghabol ako ng hininga.

Mabilis na tumaas ang kilay niya. "Are you on drugs, Cargosin?" inalis niya ang kamay ko. "Let go of me."

"Answer me!" singhal ko.

"Ipinatawag ko siya dito," sabat ni Eerah, galit ko siyang nilingon. Mabilis na siyang naglalakad papalapit sa 'min at bago pa ako makakilos ay pahablot niya nang inalis ang braso ko sa kwelyo ni Lovemir. "What's wrong with you, Cargosin? Kanina ka pa, ah? Hindi naman bago sa iyo ang abilidad ni Maxpein, bakit namimintang ka pa? Hindi mo ba matanggap na natakasan ka niya?"

"Shut the fuck up, Eerah!"

"Kailangan natin si Lovemir para kay Maxpein, Cargosin, kaya puwede ba?"

Galit kong hinarap si Eerah. "Para kay Maxpein? Eh, traydor 'yan!" dinuro ko si Lovemir.

"Look who's talking?" hinarap din ako ni Lovemir.

At bago ko pa napigilan ang sarili ko ay muli ko siyang dinaklot sa kwelyo at sinapak hanggang sa mapahiga siya kung saan ako naman ang nasa kaniyang ibabaw. Pinakahigpitan ko ang pagkakahawak sa kwelyo niya at sunod-sunod siyang pinagsusuntok hanggang sa mabilis na pumutok, mamaga at mamula ang pisngi, panga at mata niya.

"Cargosin, stop!" sigaw ni Eerah na paulit-ulit akong hinihila.

At huli na ang lahat nang magawa niya akong hawakan sa braso dahil nasiko ko na siya at napatimbawang sa sahig. Doon lang ako natigilan at galit na napalingon sa kaniya.

"What the hell is wrong with you!" sigaw ni Lovemir na mabilis akong itinulak, at mas mabilis pa na nakatayo upang tulungan si Eerah Anitha. "Are you all right, Eerah?"

Pero hindi siya nagawang sagutin ni Eerah, lumapit ito sa akin at sapilitan akong itinayo upang sampalin lamang. "Asshole!" gilalas niya. "Why can't you just accept the fact that it was your fault? You're stupid kaya nakatakas ang isang 'yon! Natakasan ka niya, Cargosin! Natakasan ka niya!" pinaulit-ulit niya iyon nang may diin. "Sinabi lang ni Taylor na takot siya sa gagamba--ang mga iyon na ang ginamit mong bantay niya? Baka nakakalimutan mong ikaw rin mismo ay hindi namin napigilang gawin iyon? Sino ngayon ang estupido? Nakatakas siya dahil mahusay siya at inutil ka! Iyon ang totoo, Cargosin! 'Wag mong hanapin sa amin ang pagkakamali dahil ikaw ang nagkamali at hindi kami!" pasigaw na aniya, dinuro pa ako. "Let's go, Lovemir. Magpakita ka na muna kay daddy," at saka niya tinalikuran kaming lahat. Nagmadali naman si Lovemir na sumunod sa kaniya kaya lalong nabuhay ang galit ko.

Sumama nang sumama ang tingin ko sa kanila, halos magsugat ang balat ko sa sobrang pagkakakuyom ng aking mga palad.

"Relax, Cargosin," lumapit sa akin si Christian. "Matatapos din ang lahat. Matatapos din tayo."

"Kaya mo nang kumalma dahil nandito na si Taylor." Tinaliman ko siya ng tingin.

Napabuntong-hininga naman siya. "Maisasagawa natin nang ayos ang lahat, Cargosin. Kumalma ka lang."

"Nararamdaman kong tatraydorin tayo ng lintik na Lovemir na 'yan, Christian. Masama ang kutob ko."

"Ganiyan lang ang pakiramdam mo dahil galit ka pa rin sa kaniya hanggang ngayon."

Hindi ko nagawang sumagot agad, inis ko siyang hinarap. "Huwag mo 'kong pinangungunahan, Christian." Buntong-hininga na lang ang isinagot niya.

"Sumunod na tayo sa kanila," pautos na sabi naman ni Taylor, nangunang sumunod kina Eerah at Lovemir kasabay ng mga tauhan. Inis ko silang sinundan ng tingin bago ako nagpaakay kay Christian.

Magkampi-kampi lang kayo, sa huli ay makikita niyo kung bakit ako ang tama imbes na kayo.

Gaya nang inaasahan ay nagulat ang Chairman matapos makita si Lovemir. Wala pa man ay halatang galit na siya, gigil na gigil na makita ang lalaki. Pareho silang nakaharap ni Eerah sa mesa ng aking ama, ito naman ay nakaupo at nakatingala sa dalawa. Mabilis na namuo ang tensyon, wala pa mang namumutawing salita. Umihip ang malamig na hangin sa kabila ng mga nakasarang bintana, 'sabagay, malamig ang abandonadong lugar na 'yon na ginawa na naming kuta. Nangingibabaw ang amoy ng tobacco na nasa daliri ng aking ama. Pero hindi natatanggal ng amoy niyon ang masangsang na amoy ng abandonadong lugar.

"Ano na namang walang-kwentang balita ang dala mo?" pasinghal na sabi ng Chairman, si Lovemir ang kinakausap. "Gagamba? Ha! Katarantaduhan!" Sinamaan niya ng tingin si Taylor.

Tiningnan ko si Lovemir. Deretso siyang nakatindig, hindi man lang yumuko bilang paggalang sa Chairman. Nakababa man ang kaniyang paningin ay nagmamalaki ang kaniyang noo.

Walang-galang, animal!

"Alam mo bang nakatakas ang hinayupak na babaeng Moon, Lovemir?" nakangising tanong ng Chairman, batid naming galit siya. "Kaya bago mo ako pagmalakihan ng iyong nalalaman ay siguraduhin mong kapaki-pakinabang iyan! Wala kang matinong nagawa kung hindi ang patakasin si Taylor! Bukod doon ay pulos ka kapalpakan! Kung ipagpapatuloy natin ang plano, ano ang kasiguraduhan kong hindi ka papalya, Lovemir? Ano ang garantiya kong sa amin ka at hindi sa kanila? Alam mong wala na akong tiwala sa iyong, animal ka!"

"Dad," pumagitna si Eerah. Naglapat naman ang labi ko sa inis. "Give him a chance to explain, dad. Panigurado namang makakatulong sa atin anuman ang sasabihin ni Lovemir. And besides, nakuha niya na ang tiwala ni Maxpein." Sinamaan ko siya ng tingin ngunit hindi niya ako nagawang lingunin.

"Paano ka naman nakasisiguro na talagang pinagkakatiwalaan siya ni Maxpein?" si Taylor. "Sa talino ng babaeng iyon, hindi mo mababasa ang mga kilos niya--lalo na ang laman ng kaniyang isipan. Delikado siya, iyon lang ang masasabi ko."

"Sang-ayon ako," ani Christian. "At bukod kay Maxpein ay naroon ang kaniyang ina."

Ngumisi si Taylor. "Ang kaniyang ina..." Ibinulong niya. "Paano ko nga bang makakalimutan kung gaano kagaling siyang umasinta? Sa layo ng pagitan ay nagawa niya akong tamaan ng bala. Ngunit kakatwang gaya ng kaniyang anak ay hindi man lamang sila kakitaan ng takot. Nagtataka ako kung ano ang misteryong meron sa kanilang pamilya," mahabang dagdag niya.

"Hindi ba nagkwento sa iyo ang batang Moon?" tanong ni Christian.

Nakangiwing umiling si Taylor. "Marami siyang ibinahagi sa akin. Sa isang tanong ko ay napakarami niyang sinasabi ngunit alinman sa mga iyon ay hindi nasasagot ang tanong ko. Kaya sa halip na magtanong ay hinahayaan ko na lang siyang magkwento. Nagkakataon namang panay tungkol kay Maxpein ang kaniyang nababanggit, iniidolo niya ang kaniyang ate bagaman hindi niya rin umano masyadong mahuli ang ugali nito. Masyadong isip-bata ang isang iyon."

Bumuntong-hininga ako. "Sa tono nang pananalita ni Maxpein nang magkausap kami ay mukhang batid niyang nagmamatiyag pa rin tayo." Nanliit ang mga mata ko habang nakatingin sa kung saan. "Mukhang nararamdaman niya sa t'wing naroon tayo, at nagpapanggap lamang siyang walang nalalaman."

"Paano iyong nangyari?" gilalas ng Chairman, muli akong napabuntong-hininga.

"Ang sabi ko naman sa inyo ay matindi ang babaeng iyon, malupit. Malakas ang pakiramdam. Kaunting bagay, nakukuha niya ang sagot sa mga kilos. Animong mayroong kakayahang magbasa ng isip base sa salita at kilos. Sadyang kakaiba," mahabang paliwanag muli ni Taylor. "Hindi na kataka-taka para sa akin na maramdaman niyang naroon tayo kung nasaan sila."

Totoong nitong mga nakaraan, kung nasaan si Maxpein ay naro'n din kami. Mula nang huling paghaharap namin, bago ang nangyari kanina, ay binantayan na namin ang mga kilos niya nang palihim. Maging ang kilos ng kaniyang pamilya ay minamatyagan namin ngunit hindi kasintutok nang sa kaniya.

Naroon kami nang makabalik si Deib Lohr mula sa America. Naroon din kami nang magkaroon sila ng party. Maging sa movie screening ng isa sa kaibigan nila ay dinaluhan namin. At hindi namin pinalampas ang graduation. Wala silang lakad na hindi namin alam, wala silang kilos na hindi namin pinapanood. Ang buhay niya sa nagdaang mga araw ay parang isang palabas na pinapanood namin nang harap-harapan.

"Paano natin maiisahan ang babaeng iyon ngayon kung ganiyan pala siyang katalino! Nalintikan na!" bulalas na naman ng Chairman dahilan para matigil ako sa pag-aalaala ng mga sandaling iyon. "Para saan pa ang pagtatago kung ang lahat naman pala ng lihim na kilos natin ay nalalaman niya? Mga inutil! Para kayong bumuo ng plano para lamang magpabisto!"

"Pero hindi naman siya ang plano, hindi ba, dad?" sinikap ni Eerah na itago ang kaba ngunit nabigo siya. "Ang mga Enrile ang target natin, sila ang nasa plano. Kinuha lang natin si Maxpein ngayon para hindi niya maisip na ang mga Enrile nga ang pakay natin. Para malito siya."

"Kung dadakpin natin ang binatang Enrile, ano sa tingin mo ang magiging hakbang ng babaeng Moon na iyan? Awtomatikong darating iyon para sagipin ang kaniyang nobyo! At kapag nangyari iyon ay alam mo na kung ano ang mangyayari!" singhal ng aming ama. "Hindi ako nagpakahirap na magplano upang mabigo lamang sa huli!"

"Hiwalay na ang dalawang iyon, nasisiguro kong hindi na ganoon kadali para kay Maxpein na tulungan si Deib Lohr ngayon," biglang sabat ni Lovemir. "At bukod doon, hindi naoperahan si Deib Lohr. Isang magandang dahilan iyon para pare-pareho silang mahirapan."

Pare-pareho kaming nanlaki ang mga mata sa huling nadinig, sabay-sabay rin kaming nag-angat ng tingin kay Lovemir. Isang bagong balita, matamis na balita sa aming pandinig ang kaniyang sinabi. Hindi ko malaman kung bakit parang isang maliwanag na pag-asa iyon bagaman wala naman kaming planong patayin si Deib Lohr gamit ang kaniyang sakit. Nais lang naming magdusa siya, iyong sapat na pagdurusa para pagsisihan niyang ipinanganak pa siya sa pamilyang iyon.

"Sa wakas ay may nahita rin kaming maayos-ayos na impormasyon mula sa iyo," nakangising ani Chairman kay Lovemir. "At paano mo naman nalaman ang tungkol doon? Sino ang nagsabi sa iyo?"

"Wala." Bumuntong-hininga si Lovemir, nanunuya. "Alam kong susunduin ni Deib Lohr si Maxpein sa bahay ko nang minsang iuwi ko ang babaeng Moon sa bahay. Bumuo ako ng plano. Pagkarating niya ay inihanda ko ang isang walang-pakinabang na telepono. Tinawagan ko iyon at sinagot gamit ang telepono ko. At nang atakihin niya ako ay palihim ko iyong inihulog sa bulsa niya. Syempre, hindi niya naramdaman, dala ng galit ay nasa akin ang buo niyang atensyon. Doon ko napakinggan ang pakikipag-usap niya sa nobya nang makaalis sila, bagaman hindi ko narinig na sumagot si Maxpein. Tulog marahil," mahabang kwento niya.

"Kung ganoon ay masusunod ang plano," ani Chairman na may matalas na tingin. Pinagkrus niya ang dalawang kamay at ipinatong ang mga iyon sa mesa. "Bibigyan natin ng dahilan ang Maxpein Moon na iyon para mabaliw. Gaya nang sinabi ko, pahihirapan natin siya gamit ang sarili niyang talino at hindi ang talento sa pakikipagbuno. Hahayaan nating siya ang magdesisyon kung sino sa mga taong mahal niya ang uunahin. Kung hindi natin magagawang tumbasan ang galing at talino niya, gagamitin natin iyon upang mahirapan siya."

"Ako ang bahala kay Maxpein," sabi ko.

"Hindi magiging madali kung nag-iisa ka, Cargosin." Nakangisi akong hinarap ni Taylor. "Sasamahan na kita."

"Bakit mo naman naisip na hindi ko siya kaya?" Pinigilan kong mainis.

"Hindi kita minamaliit, wala akong sinabing hindi mo kaya. Mas magiging madali lamang ika ko kung tayong dalawa ang haharap sa kaniya." Muli pa siyang ngumisi.

"Huwag na ninyong pagtalunan pa ang bagay na iyan, mga hambog," awat ni Chairman. "Isagawa natin ang plano, alhin niyo rito ang mga taong ayon sa plano natin ay pagpipilian ni Maxpein. Iyon ang magiging dahilan upang kusa siyang lumapit sa atin," maganda ang pagkakangisi ng aking ama, animong nakikini-kinita na sa kaniyang isip ang mangyayari. "Ngunit bago ang lahat nang iyon ay bibigyan natin sila ng isang linggo para magsaya. Huling linggo para magkasama-sama silang pamilya nang buo at masaya." Ngumisi ang Chairman habang nakatingin sa kung saan. "Dahil sa susunod na linggo ay mag-iiyakan sila, mapupuyat dahil sa pagluluksa."

Walang paglagyan ang pananabik ko matapos iyong sabihin ng Chairman. Wala pa man ay nararamdaman ko na ang tagumpay. Masarap sa pakiramdam ko na nakikitang naiinis at nahihirapan si Maxpein. Napapangisi ako sa t'wing magyayabang siya ngunit sa loob-loob ko ay gusto ko na siyang itumba. Pero hindi iyon akma sa plano. Kailangan kong sumabay sa plano, hindi ako pwedeng mapadalos-dalos.

I can't wait to watch you suffer; I can't wait to see you bleed, Maxpein.

MAX'S POV

Matapos naming mag-dinner sa bahay ng mga Enrile ay 'tsaka palang dumating si Maxwell. Mukhang wala sa mood dahil sa nakasimangot niyang mukha, at imbes na sa amin lumapit ay doon siya kay Randall dumeretso. Hawak ang isang maliit na kahon ay bahagya niyang sinuntok ang kaibigan sa dibdib. Wala pa man ay tatawa-tawa na si Randall kaya nagtaka kaming mga nakatingin.

"What is this, Randall Echavez?" ani Maxwell, naiinis.

Tumawa nang malakas si Randall. "Didn't you like it, D?"

"What the hell, E?" angil ni Maxwell na itinaob ang hawak na kahon dahilan para mahulog ang karton-kartong condom na laman niyon. Natawa ang ilang matatanda, napailing na lang ako. "Ano ang gagawin ko sa mga basurang 'to?"

"Hahaha! Oh, wala ka nga palang paggagamitan, bwahahaha!" pang-aasar ni Randall.

"Eat them, dork!" ibinato ni Maxwell ang kahon sa kaibigan na agad namang umilag.

"Hey! Hey!" Pinulot iyon ni Randall at saka inihabol sa kaniya, pero naupo na si Maxwell sa harap ng lahat.

Agad na iginala ni Maxwell ang paningin sa aming lahat, nangunot bigla ang noo niya at saka magkakrus ang brasong tumikhim. Umiling siya at tumingin sa kung saan bago nakapagsalita. "What is it?" tanong niya na masama ang tingin sa kisame at napapabuntong-hininga pa.

"Maxwell?" naninita ang tinig ni Maze.

"I told you I'm busy," dahilan ni Maxwell na inilahad pa ang parehong kamay. "Now tell me, what is it? Why do I have to be here?" Tiningnan niya pa kaming isa-isa na nahinto sa akin. "Where have you been?"

"Tss," nag-iwas ako ng tingin sa kaniya.

Agad namang ipinaliwanag ni Maze ang nangyari sa akin na siyang ikinapagpabago ng mood ng kapatid ko. Nagulat siya, syempre, nag-aalala at nagalit. Pero hindi ko na kailangan ang mga 'yon ngayon dahil mas kailangan ko ang mga kasagutan niya sa aking mga tanong. Agad din siyang nagpaumanhin, gusto ko pang matawa nang sabihin niyang akala niya ay tinopak na naman daw ako at piniling umalis sandali.

Maging si Sensui ay nagulat sa mga narinig. Hindi naman na kataka-taka 'yon dahil sinuman sa mga nasa harap ko ngayon ay hindi naisip mangyayari sa akin ang nangyari kanina. Lahat sila ay inisip na pumunta lang ako sa kung saan dahil hindi nga naman normal ang gano'n sa akin. Baka nga pagtawanan pa nila ako kapag sinabi kong na-kidnap ako. Imposible 'yon para sa yabang ko.

"Sorry, hindi ko alam," nakayukong ani Maxwell, napapabuntong-hininga akong tiningnan nang may malamlam na mata.

"Ang gusto kong malaman ngayon ay kung may kinalaman ka sa pagsabog?" natatawa kong tanong sa kaniya. Tumikhim naman si Chairman Moon dahilan para mapalingon ako dito, sumeryoso ako bigla nang makitang nakakunot ang kaniyang noo. "Nabanggit sa 'kin na ang dahilan kung bakit nangyayari ang mga...bagay-bagay na 'to ay dahil sa pagsabog na hindi ko alam kung sa'n naganap," seryosong panimula ko. Mataman akong tiningnan ng lahat, napasulyap pa ako kay Sensui na noon ay napakatalim ng tingin sa 'kin. Bumuntong-hininga ako at itinuon ang paningin kay Maxwell. "Ang sabi ni Randall ay may nangyaring pagsabog sa Sta. Rosa no'ng nakaraang taon at nando'n ka para tumulong? Me' nalaman ka bang impormasyon tungkol do'n?"

Nangunot ang noo ni Maxwell, animong nahihirapang alalahanin ang oras na 'yon. "Yes." Ngumiwi siya at tumingin sa kung saan. "Code White was activated; doctors and nurses are needed in the Emergency Room. Pero ipinadala ako sa field nang oras din na 'yon dahil kulang sa medical team, kaya ko rin tinawag si Randall. Sa Sta. Rosa nga naganap 'yon," parang naaalala niya na ang lahat. "Wala akong oras para magtanong kung ano ang nangyari, at isa pa ay hindi naman 'yon parte ng trabaho ko. Tumulong ako sa mga tao na nangangailangan ng tulong ko. Bukod doon ay wala na akong nalalaman."

Bumagsak ang mga balikat ko, nanlumo. Inaasahan kong may makukuha akong impormasyon sa kay Maxwell. Pero wala rin pala. Kahit anong pag-iisip ang gawin ko nang oras na 'yon ay walang pumapasok sa utak ko. Kulang-kulang ang nalalaman ko, butas-butas at walang maisalpak para mabuo.

"Hindi rin nila ako binibigyan ng impormasyon," napapailing kong sabi. "'Yon lang ang binanggit ni Cargosin Rewis sa 'kin. Wala akong nalalaman tungkol do'n at hindi ko maintindihan ang mga dahilan nila."

"Kung ganoon ay ang mga Rewis ngang talaga ang may pakana ng lahat ng ito?" tinig ni Chairman Enrile. "Hindi ako makapaniwala."

"Bakit si lolo ang sisisihin nila?" sumabat si Sensui. "Magkakasama kami sa ospital no'n, Taguro. Magkasama kami nina Chairman." Seryoso siya at naniniwala naman ako sa kaniya. "Nauna silang dumating sa akin sa ospital, nang dumating ako ro'n ay marami nang tao sa E.R.."

"Kung hindi ako nagkakamali ay nasa mahigit isanlibo ang nadamay sa pagsabog, marami ang namatay pero mas marami ang sugatan. Ang mga naunang isalba ay sa SISH dinala," sabat naman ni Maxwell. "Nang hindi na magkasya ro'n ay napilitan na kaming dalhin sa BISH ang iba."

"Umaga na halos kaming nakauwi no'n, wala pa nga kaming tulog," sabi naman ni Randall. "Nang payagan akong umalis sa SISH ay dumeretso na agad ako sa BISH para tingnan si Dein Leigh at si RD. Si Deib Lohr naman nang oras na 'yon ay nasa BIS dahil sa graduation ceremony."

Kung gano'n, nangyari ang pagsabog nang nandito ako pero lingid sa kaalaman ko.

"Ang tanong..." Nagsalita si Mokz. Nasa Chairman ng mga Enrile ang paningin niya. "Naroon ka ba sa pinangyarihan ng pagsabog, bago mangyari ang pagsabog?" malinaw niyang tanong.

Napatitig kaming lahat kay Chairman Enrile. Agad naming nabasa ang pag-aalala at matinding takot sa kaniyang mga mata. Makailang beses ko siyang nakitang lumunok. Umiling din siya at yumuko bago muling nag-angat ng tingin sa amin.

Bakit nga ba hindi ko naisip na itanong agad 'yon?

"Oo." Parang huminto ang oras. "Naroon ako," sagot ni Chairman Enrile.

Sabay-sabay kaming natigilan at lalong napatitig sa kaniya. Pakiramdam ko ay may bumabara sa lalamunan ko habang nakatitig sa senyor. Hindi ko inaasahan ang sagot niyang iyon. Pero walang nabubuo sa isip ko.

Bakit...hindi niyo sinabi agad? Nanlumo ako nang sobra. Sunod-sunod akong napabuntong-hininga at nag-iwas din ng tingin. Naniniwala akong wala siyang kinalaman dito. Sana ay tama ako.

"Isa iyong pagdiriwang na ginanap sa bahay ng gobernador. Dumalo ako roon."

Awtomatikong nag-angat ang paningin ko nang sabihin ni Chairman Enrile ang linyang iyon. Dahan-dahan akong napaayos ng upo at kunot-noong napatitig sa kaniya.

Bakit ngayon lang? Bakit kailangang ngayon ko lang malaman!

"Pero nang makatanggap ako ng tawag mula kay Lohrton na manganganak na ang aking apo ay nagpaalam agad ako at umuwi na. Maski ang tungkol sa pagsabog ay huli na nang malaman ko. Marahil ay dahil abala ako sa pag-aasikaso kay Dein Leigh." Tiningnan ni Chairman Enrile ang sariling apo. "Itinawag lamang sa akin ang tungkol dito ng tauhan ko. Syempre, nag-alala ako pero ang sabi raw ng gobernador ay ayos lang naman sila ng kaniyang pamilya. I was so excited to see Dein Leigh's son. Hindi na naging big deal sa akin ang nangyaring pagsabog. At ngayon ko lang iyon pinagsisisihan."

"Wala kang dapat pagsisihan dahil wala ka namang kinalaman doon, Chairman," ani Dean Enrile.

Hindi na naalis ang paningin ko sa Chairman. "Gobernador?" tanong ko. "Si Funtales?" Sinagot niya ako tango.

Hindi ko nagawang magsalita agad. Natameme ako at napatitig sa kung saan. Hindi ako makapaniwala sa itinatakbo ng utak ko, hindi ko matanggap ang mga bagay na naglayag bigla sa isip ko. Hindi ko akalaing maririnig ko pang muli ang pangalang iyon, hindi kailanman pumasok sa akin na posibleng may kinalaman sila sa mga nangyayari. Buong akala ko kasi ay tapos na iyon at hindi na babalik.

Mukhang nagkamali ako.

"Pero ang pagsabog ay sa mini mart nangyari, Chairman," ani Randall.

Pero hindi ko nagawang tingnan si Randall dahil abala sa paglalayag, sa paghahanap, at sa pagbuo ng sagot ang isip ko. Bagaman nauunawaan ko ang mga sinasabi niya ay nagagawa pa ring maging abala ng utak ko.

"May mga nadamay na residente kaya lalong dumami ang pasyente," maaksyong dagdag ni Randall. "May mga bahay kasi sa paligid ng mini mart. But according to the police that I was with, the explosion happened inside the mini mart. It's also the time that you were at the Governor's house."

Tumango si Chairman Enrile. "Ang mini mart na iyon ay pag-aari ng esposa ng gobernador, katabi lamang mismo ng kanilang bahay. Ang dinig ko nga'y kung naroon pa ako, marahil ay isa ako sa mga namatay. Sapagkat sa bakuran naganap ang pagdiriwang, kung saan naroon malapit ang mini mart na kanila ring pag-aari."

"Maldo andwae," bulong ko.

"Wae?" tanong ni Maze.

Nanlumo ako, naihilamos ko ang pareho kong palad sa mukha bago ako nakapagsalita. "Sana ay nagkakamali lang ako pero..." Tiningnan ko si Sensui bago ko nilingon si Chairman Enrile. "Si Choco Funtales na anak ng gobernador ay na-expell sa BIS."

"Ano ang ibig mong sabihin?" Biglang tumayo si Sensui at kunot-noong lumapit sa akin. "Si Choco ba ang naiisip mong may pakana nito, Taguro? Para ano, para paghigantihan ako at ang pamilya ko dahil in-expell siya sa BIS?"

Tumayo rin ako. "Hindi," pagsisinungaling ko. Pero ang totoo ay iyon nga ang nasa isip ko. Bagaman hindi ako sigurado ay iyon ang naiisip kong posibleng rason ni Choco. "Calm down, Deib," pakiusap ko sa kaniya. Inis naman niyang nasapo ang sariling noo.

"Ngunit hindi imposible ang naisip ni Deib Lohr," kalmadong ani Dean Enrile.

"Oo," tugon ko. "Hindi nga ho imposible ang naisip niya. Pero hindi sapat na rason ang pagkaka-expell niya para pumatay siya nang gano'n karaming tao, Dean."

"Iyon na nga mismo ang rason niya, Taguro. Hindi sapat 'yon para sa 'tin pero paano sa kaniya? Paano kay Choco?" muling sabat ni Sensui, nagagalit na siya. "Alam mo namang handa siyang gawin lahat para lang makapaghiganti. Pakiramdam niya ay tayo ang sumira sa buhay niya kahit na ang totoo ay siya ang may kasalanan kaya nagkagano'n siya!"

Hinawakan ko ang mga balikat niya, pilit siyang pinakalma. "'Wag muna tayong bumuo ng konklusyon nang walang sapat na ebidensya, Sensui, ang opinyong walang patunay ay akusasyon o pamimintang, hindi ba?"

"Pero, Taguro..." Umiling nang umiling si Sensui, iling lang ang isinagot ko sa kaniya.

Naiintindihan ko siya, maging ang nararamdaman niya ay nauunawaan ko. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit hindi ako ganoong kakumbinsido sa naisip ko. Hindi siya magkakaroon ng ideya kung hindi ako nagsalita ng tungkol kay Choco. Ang ideya na iyon na sa akin mismo nanggaling ay kulang para makumbinsi ako.

"At ano naman ang kinalaman ng mga Rewis na 'yon sa mga Funtales?" halos pabulong kong tanong, nasa kung saan ang paningin ko. 'Ayun na naman 'yong pakiramdam na para bang wala akong nalalaman maski ano. Nabablanko ang utak ko.

"Pwede rin nating baguhin ang tanong mo," ani Mokz, napatingin ako sa kaniya. "May kinalaman nga kaya sa mga Funtales ang mga Rewis? Posible kasi na nasa mini mart sila at nadamay lamang. Posible rin namang nandoon nga sila sa pagdiriwang."

"Kung nandoon man sila sa pagdiriwang, ibig sabihin ay malapit sila sa mga Funtales. Paniguradong may imbitasyon iyon." Si Maze ang nagsalita. "Ngunit kung naroon naman sila sa mini mart. Sa tingin ko ay hindi makatarungang dahilan iyon para ganituhin nila tayong lahat ngayon."

"Kung totoong nadamay lamang ang mga Rewis..." Nagsalita si Heurt matapos ang mahabang sandali. Alam kong abala siya sa pag-iisip habang nakikinig kaya pinili niya ang manahimik. "Kailangan nating malaman kung sino ang nagsabi o kung ano ang dahilan upang maisip nilang si Chairman Enrile ang sisihin at ang paghigantihan."

"Tama," ani Mokz.

"Dahil hindi sila pwedeng magalit sa Chairman nang walang dahilan at walang nalalaman," dagdag pa ni Heurt.

"Kung ako ang kanilang pakay, bakit kailangan pa nilang gamitin ang mini mart? Bakit kailangan pang may madamay na ibang tao?" malungkot ang tinig ni Chairman Enrile. Napatingin ang lahat sa kaniya. "Bakit hindi na lang ako? Iyong ako lang at wala ng ibang masasaktan pa."

"Chairman..." Lumapit si Mrs. Enrile sa dito at hinawakan ang senyor sa magkabilang balikat mula sa likuran.

"It is possible that they intentionally did the explosion inside the mini mart to confuse the policemen. People may think that it happened accidentally since the target is on the other side of the scene. Tsh. Kahit ako ay inisip na isa lang aksidente ang nangyari," mahabang kuda ni Maxwell.

Napamura si Sensui. "'Pupuntahan ko ang Choco na 'yan!"

"Anak! Ano ka ba?" bulalas ni Mrs. Enrile. "You are not going anywhere!" Walang nagawa ang anak niya.

"Wala rin akong makitang dahilan para magalit sa akin nang ganoon ang mga Rewis. Ngayon ko lamang naiisip kung bakit ganoon na lang sila kadesididong alamin ang lahat ng bagay na may kinalaman sa akin. Interesado silang makisosyo sa anumang negosyo ko. Kahit tumanggi ako o kahit sabihin kong hindi ko kailangan ng kasosyo ay nagpupumilit sila. Kung ano-ano rin ang iniaalok nila sa akin, at handa silang gumastos nang malaki. Ipinagtataka ko iyon ngunit masiyado akong nagpasilaw, naging ganid ako. Sa kagustuhan kong maging mas makapangyarihan ay ito ang napala ko," mahabang sentimyento ni Chairman Enrile.

Tiningnan ko siya. "Kayo ang target nila, Chairman Enrile. Sa simula pa lang ay 'yon na ang nakikita namin. Nadamay kami dahil sa pakikialam daw namin. Lumalim 'yong galit nila sa 'min dahil wala silang mapala."

"Ngunit wala rin akong nalalaman para magalit sila sa akin nang ganoon, hija." Mahihimigan ang takot at pag-aalala sa tinig ng Chairman. "Kung ako ang kanilang pakay, ako na lang sana at wala na silang ibang dapat na idamay."

"Ang kaso ay hindi gano'n ang takbo ng isip nila, Chairman." Kumunot ang noo ko sa inis para sa mga Rewis.

"At hindi naman maaaring hayaan na lang naming mangyari ang lahat. Tawagin na nila kaming pamilya ng mga pakialamero pero hindi ko kayang panoorin ang pamilya ng kahit na sinong mapahamak na lang. Lalo na kung mayroong magagawa ang pamilya ko upang tumulong," ani Chairman Moon. Nilingon siya ng mga Enrile, halatang napalagay sila.

"Ang sinasabi nila ay namatay ro'n ang nanay ng mga Rewis, asawa ni Chairman Rewis," kunot-noong kwento ko. "Dahil sa pagsabog daw na 'yon." 'Tsaka ko tiningnan si Chairman Enrile. "Kung sinasabi niyong wala kayong kinalaman sa pagsabog na 'yon, bakit kayo ang hinahabol nila para paghigantihan? Parang sinasabi nilang kayo ang may kasalanan."

Umiling siya nang umiling. "Wala akong matandaan, hija, maniwala ka sa akin." Tumingin siya sa lahat. "Maniwala kayo sa akin, wala akong nalalaman tungkol diyan."

Nagulat ako nang ihilamos ng Chairman ang parehong palad sa kaniyang mukha. Mas nagulat ako nang mayamaya lang ay nangibabaw ang impit nitong pag-iyak. Napabuntong-hininga ako, naiintindihan ko siya at naniniwala ako sa kaniyang mga sinabi. Nauunawaan ko rin ang nararamdaman niya at paniguradong nahihirapan din siya.

"Kung may nalalaman ako ay magsasalita agad ako, hindi ko na hahayaan pang umabot ang lahat sa ganito." Nahihirapang magsalita ang Chairman. Agad na lumapit si Dein para aluin ito. Nag-angat ng tingin sa amin si Chairman Enrile, sa akin nahinto ang kaniyang paningin. "Hindi ko ipapahamak ang pamilya ko, hija, maniwala ka sa akin. Hindi ko alam kung bakit ako ang kanilang puntirya. Maniwala ka sa akin," nagsusumamo ang tinig niya. "At natatakot ako, sobra ang takot na aking nararamdaman. Hindi para sa sarili ko kung hindi para sa mga taong mahal ko, para sa aking pamilya. Sa edad kong ito ay wala akong kakayahang isalba sila sa disgrasya. Maniwala ka sa akin, maniwala kayo sa akin. Wala akong naiintindihan sa nangyayari. At kung mayroon man ay hindi ko iyon matukoy ngayon. At handa akong pagsisihan kung ano man iyon, basta huwag lamang mapahamak ang sinuman sa aking pamilya, maging kayo. Hangad ko ang kaligtasan ng lahat. Pero hindi ko alam kung ano ang nararapat kong gawin. Maniwala kayo sa akin," nawawalan ng pag-asang dagdag ng Chairman.

"Naniniwala ako sa inyo," hindi ko alam kung bakit ganoon kabilis ko 'yong nasabi. Nagpakatotoo nang todo sa kalooban ko.

Natigilan naman si Chairman Enrile at napatitig sa akin. Mayamaya ay biglang lumamlam ang kaniyang mga mata, may sumilay na tipid na ngiti sa kaniyang labi. Alam kong hindi niya inaasahang ang sinabi ko, at isang kaginhawahan iyon sa kaniya.

Nasulyapan ko si Sensui nang maramdaman ko ang pagtayo niya. Huli na bago ko magawang kumilos dahil nakalapit na siya sa akin. Nagulat ako nang lumuhod siya sa harap ko at nasa ganoong posisyon akong niyakap.

"Ngayon ko lang sasabihin 'to, Taguro," pabulong niyang sabi, hindi ko naman nagawang kumilos. "Please, 'wag mo kaming pababayaan ng pamilya ko."

May kung anong kurot akong naramdaman sa aking puso, hindi ko alam kung saan nanggaling 'yon. Napabuntong-hininga ako at nakapikit na niyakap din siya. Batid ko ang takot na pare-pareho nilang nararamdaman ngayon.

"Huwag kang mag-alala, hijo." Nagsalita si Chairman Moon. Nakangiti ito sa amin nang lingunin ko. "Mayroong dalawang kamay si Maxpein," lalo siyang ngumiti 'tsaka tumingin kay Sensui. "Ang isa ay para tulungan ang kaniyang sarili. At ang ikalawa ay para tulungan ang nangangailangan, kahit walang dahilan."

Natinag na lang kami nang tumayo si Chairman Enrile at lumapit sa amin ni Sensui. Nagulat pa ako nang ipatong niya ang parehong palad sa magkabila kong balikat. Mapungay ang mga mata niya, parang maiiyak na.

"Thank you, Maxpein. Thank you for being kind even when I'm not. Thank you for your kindness," sinserong ani Chairman Enrile.

Sandali pa akong natigilan, seryosong napatitig sa kaniya. 'Tsaka ko nagawang ngumiti nang tipid. "It's free, so there's no need to thank me."

"Tch, hambog," dinig kong bulong ni Sensui.

Nilingon ko siya para singhalan sana pero hindi iyon nagtagal dahil nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Chairman Enrile. Literal na nanlaki ang aking mga mata, naiipit pa ang lalamunan ko sa pagkakatingala dahil sa higpit nang pagkakayakap niya. Awtomatikong yumakap at tumapik ang parehong kamay ko sa kaniyang likuran bagaman nakakaramdam pa rin ako ng hiya.

"Kailangan na naming umalis." Tumayo si Mokz at nagpaalam. "Kailangan nang makapagpahinga ng aming Chairman." Ngumiti pa siya sa lahat.

Agad namang lumapit si Chairman Enrile at nakipagkamay kina Mokz at Chairman Moon. Maging kina Maze, Heurt at More ay nagpaalam siya. Si Maxwell naman ay parang lantang gulay na tumayo at inambaan ng tingin si Randall. Babaling naman na sana ako papalapit sa kanila nang biglang hilahin ni Sensui ang kamay ko.

"Pasensya ka na nga pala," aniya, kumunot naman ang noo ko sa pagtataka. "Hindi ko talaga naisip na may nangyari sa 'yong masama, kung alam ko lang--"

"Sshh," pinigilan ko siya. "Tapos na 'yon kaya 'wag ka nang mag-alala. Hindi mababago nang pag-aalala mo ang nangyari kanina. Wala na sa 'kin 'yon kaya 'wag mo na ring ipaalala."

"Hindi pa rin ako makapaniwalang si Lovemir ang tumulong sa 'yo. Wala pa rin akong tiwala sa kaniya."

"Pareho tayo."

"Bakit sumasama ka pa rin sa kaniya?"

"Dahil alam kong may maitutulong siya."

"Taguro..."

"Sensui." Hinawakan ko ang magkabilang braso niya upang harapin siya. Bumuntong-hininga ako 'tsaka tumingin sa kaniyang mga mata. "Hindi ba't sinabi ko sa 'yong magtiwala ka sa 'kin?" patanong kong sabi. "Ngayon ay hihilingin kong dagdagan mo ang tiwala mo sa akin. Mas kailangan ko 'yon kesa sa pag-aalala mo."

"Hindi naman kasi mawawala sa 'kin ang mag-alala."

"Hindi rin makakatulong sa 'yo ang pag-aalala. Kung iisipin mong lahat ay kaya ko, lahat ay magagawa ko. Gano'n ang nasa isip ko at 'yon naman ang nangyayari. Please."

Napapikit siya. Napapabuntong-hiningang tumango. "Alam ko namang hindi ko mababago ang isip mo."

"Magtiwala ka lang sa 'kin, hanggang sa huli."

"Gusto ko nang maging masaya, 'yong puro saya lang at walang..." Sunod-sunod siyang umiling habang nakatingin sa kung saan. "'Yong walang ganito," pasinghal niyang sabi na animong hindi malaman kung ano ang itatawag sa pinagdaraanan ng mga pamilya namin ngayon.

"Masaya naman 'yong ganito, ah?" nakangisi kong sabi. Kunot-noo siyang tumingin sa 'kin. "'Yong uuwi kang may bangas at pasa tapos sasalubong sa 'yo ay 'yong ganitong kagwapong mukha?" sabi ko na tiningnan ang kabuuan ng mukha niya. "Sa buhay ay hindi pwedeng puro ka na lang pasasa, Sensui. Hirap muna bago ang ginhawa."

"Taguro, hindi ako nagbibiro." Seryoso talaga siya.

Binawasan ko ang pagkakangiti. "Seryoso din naman ako. Pero ang problema ay hindi na dapat pinoproblema, Sensui. Hindi mareresolba ang problema kung aalalahanin mo parati. Maaayos din lahat 'to, okay?"

"'Wag kang papasok sa gulo, ah?"

"Nasa loob na ako ng gulo, Sensui, lalabas na lang ako."

"Taguro!"

"Oo na nga! Tss."

"Sige na," aniya na sinamaan ako ng tingin. "Bilis na!"

"Ano?" nagtataka kong tanog.

"'Sus naman, bago ba tayo, Taguro?"

"Ano na naman?"

"Halikan mo na 'ko!"

"Dito? Sira ba ulo mo?"

"O, sige, tara sa kwarto."

"Eh, kung dagukan kita?"

"Sa kwarto?"

"Dito!"

"Tch. Maramot," dinig kong bulong niya bago mag-iwas ng tingin.

"Maluho!"

"Anong maluho?" angil niya nang bigla akong lingunin.

"'Yang pagiging adik mo sa halik ay luho."

"Bisyo 'to, Taguro! At ang bisyo ay mahirap iwasan!" singhal niya at saka iiling-iling na ngumisi. "At walang rehabilitation para sa bisyo kong 'to. Hahaha!"

"Tahiin natin 'yang bibig mo para mahinto."

"Brutal ka!"

"Sige ka, baka ka magkaro'n ng Kissing Disease," pananakot ko habang tinitingnan ang mga kasamahan ko.

"May gano'n ba?" nakanguso niyang tanong. Nakangiwi naman akong tumango. "Anong mangyayari kapag nagkaro'n no'n?"

"Mababaog ka," pagsisinungaling ko, nanlaki agad ang mga mata niya. "Hindi ka na magkakaro'n ng sampung dosenang Taguro." Lalong nanlaki ang mga mata niya. "Tapos iiwan kita kasi ayaw kong mahawa." Nahaluan na ng pag-aalala ang nanlalaki niyang mga mata. "Makakahanap ka ng iba kaso ay iiwan ka rin dahil bukod sa may Kissing's Disease ka na, baog ka pa."

"Eh..." Napaisip pa siya. "Bakit daw nagkakaro'n no'n?"

"Kapag nasosobrahan sa halik nga." Hindi ko na siya magawang tingnan sa mga mata dahil gusto ko nang matawa. Panay tuloy ang lingon ko sa aking pamilya na noon ay nakikipagpaalaman pa rin sa mga Enrile.

"Totoo?"

"Tss. 'Sabi naman sa 'yo magtiwala ka sa 'kin, eh." Sumeryoso ako nang pilit.

"T'wing kailan lang daw pwede humalik kapag gano'n?"

"Kapag kasal na raw."

"Grabe naman!"

"Oo nga."

"Hindi ako naniniwala dyan!"

"Eh, di sige, hintayin nating magkaro'n ka. Mm, halika!" Hinawakan ko siya sa braso at inilapit sa 'kin nang pilit.

"Teka! Teka naman!" Bigla siyang umilag, umatras pa. "Totoo 'yan, ah? Itatanong ko 'yan kay Noona!"

"'Ayun sina Randall at Maxwell, oh?" inginuso ko iyong dalawa. "Kung gusto mo ay ngayon mo na tanungin."

Nilingon niya nga ang dalawa bago tumingin nang masama sa 'kin. "Hindi na! Tch! May tiwala naman ako sa 'yo! Sa sobrang yabang mo, lahat ay alam mo!"

"'Yan!" tinapik ko ang mga balikat niya 'tsaka ako umasta na gagawaran siya ng halik sa pisngi.

"Teka!" umatras na naman siya.

"O, bakit?" natatawa kong tanong.

"Akala ko ba ay magkakasakit ako niyan?"

"Sa pisngi lang naman."

"Baka may Cheek's Disease din! 'Wag na!"

Napamaang ako sa sobrang katangahan niya. Seryoso siya nang sabihin 'yon. "Okay, sige. Ikaw ang bahala." Nag-iwas ako agad ng tingin at saka nagpigil ng tawa.

"'Buti hindi nagkaro'n ng ganiyang sakit si Randall?" inosente pa niyang tanong mayamaya habang ang paningin ay nasa kung saan.

"Chick's Disease 'yong sa kaniya."

"Isusumbong kita!"

"Ayos lang, kaya ko naman siyang itumba." Ngumisi ako.

"Halika nga dito!" Bigla niya akong niyakap nang mahigpit. "Hanggang ganito na lang muna ako, Taguro. Ang mahalaga, ayos na tayo."

"Sino'ng me' sabi sa 'yo?"

Bigla siyang kumalas at saka ako pinandilatan. "'Wag mo sabihing hindi pa? Pina-score mo na nga 'ko kanina!"

"Akala ko ba ay paghihirapan mo pa?"

"Ano?" hindi talaga makapaniwalang aniya, nanlalaki ang mga mata nang sobra.

Ngumiwi ako at tinaasan siya ng mga kilay. "O, bakit? Hindi ba't gano'n ang sinabi mo? May paiyak-iyak ka pa nga."

"Hoy, Taguro!" Dumuro siya ngunit sa itaas nakaturo ang hintuturo niya. Gusto kong matawa. Pero kumibot-kibot lang ang labi niya na animong hindi masabi ang gustong sabihin. "Sige na nga!" napipilitang aniya. "Pero 'wag na 'wag mong mamaliitin o pagtatawanan ang paghihirap na gagawin at pagdaraanan ko. Wala kang ibang gagawin kung hindi ang tanggapin ang mga 'yon, malinaw ba tayo?"

"Sa ngayon ay malabo pa tayo."

"Tsk! Ibig kong sabihin ay malinaw ba sa 'yo 'yon?"

"Ang alin?"

"'Yong sinabi ko!"

"Sinisigawan mo ba 'ko?"

"I love you, Taguro," biglang naging malumanay ang boses niya. "Ibig kong sabihin, sige, paghihirapan kita ulit. Pero 'wag mo na 'kong pahirapan, ah? Please?" nagpa-cute siya.

Napatitig naman ako sa kaniya at bago ko pa napigilan ang sarili ko ay napangiti na ako. Nag-iwas ako ng tingin dahil para akong kinikiliti sa bawat organ na nasa loob ng katawan ko.

"Kinakausap kita, Taguro." Pilit niyang ginagawang malumanay ang tinig habang sapilitan din akong inihaharap sa kaniya. "Please?"

"Oo na."

Ngumiti siya. "Sige, sisimulan ko sa lalong madaling panahon."

"Hihintayin ko 'yan." Tinapik ko ang braso niya. "Pa'no? Mauna na kami?"

"Ingat kayo, ah?"

"Sila ang mag-ingat sa 'min." Lumapit ako at humalik sa pisngi niya.

Pero gano'n na lang ang gulat ko nang iharap niyang pilit ang mukha ko at dinampian ako ng halik sa labi. "'Tsaka ko na iisipin 'yang sakit na sinasabi mo. Sa ngayon ay kailangan ko ang halik mo para mahimbing ang tulog ko." Muli niya akong ginawaran ng dampi sa labi.

Gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko nang makitang ang buong pamilya ko ay nakaharap na at nakatingin sa aming dalawa. Nakangisi naman akong inakbayan ni Sensui at iniharap din sa kanila. Naramdaman ko pang pinisil-pisil niya ang balikat ko.

"Thanks for tonight." Sinabi niya iyon sa buong pamilya ko. "Take care."

Sandali rin akong nagpaalam sa mga Enrile bago ako sumabay sa pamilya ko papalabas. Tahimik kaming bumibyahe nang makatanggap ako ng text.

One Message Received

From: Lovemir Limaco

Sana ay nakauwi kang ligtas. Balitaan mo ako.

10:30 PM

Napabuntong-hininga ako at sandaling napaisip. "Dad, please, stop the car," malumanay kong pakiusap.

Bigla naman siyang nagpreno at lumingon sakin. "What's the problem?"

"Nothing." Ngumiti ko at umastang bubuksan ang pinto.

"Where are you going?" lumitaw agad ang pag-aalala sa mga mata ni daddy.

"May dadaanan lang ako," paalam ko na siyang ikinagulat nila.

"Maxpein, it's late," ani Maze.

Binigyan ko siya ng nangungumbinsing tingin at saka ako ngumiti. "Sandali lang ako."

"Paano kang uuwi?" tanong ni daddy.

"Magdyi-jeep na lang ako. Kayo na ang bahalang magsabi sa Chairman." Tinapik ko lang ang likuran ng kinauupuan niya, nilingon ko si Maze at saka ako bumaba ng kotse. Nasa kabilang sasakyan ang Chairman bukod pa sa sasakyan ni Maxwell, nahuhuli kami kaya posibleng hindi ako nakita ng mga ito.

Tumawid ako at pumara ng tricycle, sinabi ko rito kung saan ako ihahatid. At hindi rin naman nagtagal ay narating ko ang bahay ni Lovemir.

Madilim ang kabuuan ng bahay, mukhang walang tao sa loob. Maging ang guard niya ay wala sa pwesto nito. Makailang beses pa akong luminga sa magkabilang gawi ng kalsada 'tsaka ako palihim na pumasok sa bahay. At tama nga ako, walang tao. Sandali kong iginala ang paningin ko sa loob bago ako naupo sa single sofa na sinadya kong iharap sa pinto.

Inihilig ko ang batok ko sa likuran ng sofa at saka ako pumikit. Mahihimbing na sana ako nang may maramdaman akong humintong sasakyan na nasundan naman ng pagbukas ng gate. Mayamaya lang ay may kumakalansing nang mga susi at hindi nga ako nagkamali nang bumukas na ang pinto.

Nag-angat ako ng tingin 'tsaka ngumisi, para sana sa magiging reaksyon niya. Inaasahan kong magugulat siya na makita ako ro'n. Pero hindi niya binuksan ang ilaw kaya nangunot ang noo ko, hindi niya ako nakita. Natigilan pa ako nang makitang nakahawak siya sa dibdib at iika-ikang naglakad papunta sa mahabang sofa na nasa harapan ko, may ilang dipa ang layo sa akin. Hindi ako nakagawa ng anumang ingay, nanatili sa kaniya ang paningin ko nang may pagtataka.

Gaya nang ginawa ko kanina, inihilig niya ang batok sa sandalan ng mahabang sofa. At bagaman mumunti ang ilaw na mula sa labas ay nakita ko siyang pumikit. Nananatili siyang nakahawak sa dibdib, nakaupo habang malayo ang pagitan ng dalawang hita. Magkaharap lang kami pero hindi niya nararamdaman ang aking presensya.

Mayamaya pa ay bumuntong-hininga ako, sinadya kong lakasan iyon. Dagling umangat ang ulo niya at luminga, nagdahan-dahan lang siya nang ako na ang lingunin niya. Sandali niya pa ako inaninag bago dali-daling binuksan ang lampshade na nasa kabilang dulo ng sofa na kinasasadlakan niya.

"Maxpein." Puno ng gulat at pagtataka ang kabuuan ng mukha niya.

Ngumisi ako. "Pumasok ako."

"What are you doing here?"

"Gusto ko lang malaman kung safe ka."

"I am safe, but...wait." Tumayo siya at binuksan ang ilaw. Napapikit ako nang magliwanag ang kabuuan ng bahay, ilang saglit pa bago ako muling dumilat.

Magsasalita na sana ako ulit nang nakangisi. Pero nawala ang ngiti ko nang makita ko ang kaniyang mukha. Putok ang kaliwang kilay, gano'n na rin ang ibabang labi niya. May maliit na hiwa siya sa bandang panga at meron din malapit sa tainga. May dumi ang pantalon at ilang parte ng damit niya. Magulo ang buhok. Mukhang pagod at parang may iniinda sa kanang hita.

"What happened to you?" Napatayo ako bigla, hindi ko malaman kung dapat ba akong lumapit sa kaniya.

"You have to go home, Maxpein." Umiling siya matapos magsalita.

"Ano ang nangyari sa 'yo, Lovemir?"

Umatras siya at pinigilan akong lumapit gamit ang kamay. "I said...go home. Please." Nakikiusap ang tono niya pero alam kong naiinis na siya.

"Ginawa ba nila 'to dahil pinatakas mo 'ko?" tanong ko pero bumuntong-hininga lang siya. "Lovemir?"

"This isn't about you, Maxpein. Please go home now."

Tumitig ako sa kaniya. "Alam na ng pamilya ko ang nangyari sa 'kin." Nag-angat siya ng tingin sa 'kin pero nanatili siyang seryoso. "Mula ngayon, lahat ng gagawin ninyong hakbang laban sa amin ay may kapalit, Lovemir." Hindi ko alam kung bakit naging mahirap para sa akin na sabihin iyon. "May oras ka pa para magbago, Lovemir. 'Wag kang gumaya sa kanila."

"Hindi ako tulad nila."

"Bakit ka sumasama?"

"Hindi nila ako kasama, Maxpein. Just go home, please!"

"Hindi kita maintindihan! Kakampi ba kita o kalaban?" pasinghal kong tanong. Seryoso rin ako at mas seryoso pa ang nararamdaman ko kompara sa inaasahan ko. "Gusto kong malaman, Lovemir. Pero hindi ka nagsasalita, hindi ka nagsasabi. Hindi ko malaman kung duwag ka ba o may pinaplanong iba." Sinsero ako sa mga sinabi. "Bakit ba hindi mo na lang sabihin sa 'kin? Baka-sakaling matulungan pa kita--"

"Pare-pareho lang tayong mapapahamak kung gagawin natin 'yan, Maxpein. Ginagawa ko 'to dahil alam kong may magagawa ka rin para dito. Sumabay ka na lang."

Umiling ako nang umiling. "Hindi kita maiintindihan. Bakit niyo ginagawa 'to?"

"Sinabi ko na ang dahilan."

"Ano ba ang nagawa ni Chairman Enrile sa inyo?"

Bumuntong-hininga siya. "Maxpein, please." Tumingin siya sa mga mata ko. "Kapag may nakakita sa iyo dito ay mapapahamak tayong pareho. Kung nagmamalasakit ka talaga sa akin ay sumunod ka, umuwi ka na."

Nilabanan ko ang mga titig niya. "Hindi ko kailangan ang tulong mo, Lovemir." Nagtiim ang mga bagang ko. "Pero kaya kitang tulungan, lalo na kung babaguhin mo 'yang takbo ng isip mo."

Ngumisi siya. "Nasa puso ko pa rin ang paghihiganti para sa nanay ko, Maxpein. Pero ang isip ko ay hindi sang-ayon sa marahas na paraan. Lalo na at alam ko namang may hustisya sa maayos na laban, iyong walang sakitan."

"At ito ang hustisya sa 'yo? Ito ang maayos na laban sa 'yo? Ito ba ang walang sakitan para sa 'yo?" patungkol ko sa mga nangyari sa nakaraan sa mga nangyayari ngayon.

"Mas malala pa dito ang mga dapat na nangyari kung hindi ko ginawa ang mga ginawa ko."

"Dapat kong ipagpasalamat ang mga 'yon kung gano'n?" Hindi ko napigilang magtinig-sarkastiko.

"Hindi. Dahil hindi ko rin kailangan ang pasalamat mo."

Napailing na naman ako. Kahit anong gawin ko ay hindi ko siya maintindihan. Hindi ko siya mahulaan. "Lovemir, I know you're a good person--"

"I am not." Bago ko pa man masabi ang pamatay kong linya ay pinigilan na niya. Pero hindi ko magawang mainis dahil naagaw nang gumaralgal niyang tinig ang atensyon ko. "I wouldn't be here if I were."

"Yes, you are. You just made bad decisions." Nginitian ko siya.

Ginantihan niya naman ako ng tusong ngiti. "My decisions are bad for you because you're on the other side of the situation, Maxpein. I am not nice but that does not mean I am a bad person."

"I never said you were."

"And I am not trying to be. I am just trying to fight for my rights."

"You deserve better, Lovemir."

"Oh, shut up!" singhal niya. "We've all got both light and dark side of us, Maxpein! It just happened that you're in a different situation, so stop judging my decisions! You will never understand me!"

"Naiintindihan kita, Lovemir, I know that you're patient and kind. You give plenty of chances, Lovemir. But because you're not a saint, you have your limits." Sumeryoso ako at nilabanan ang mga titig niya. "Naiintindihan kong nasaktan ka, nawalan ka ng taong mahal mo at mahalaga sa 'yo. Pero ang gumanti sa paraan kung paano kang nasaktan at nawalan ay hindi magagawang alisin ang sakit na nandyan na sa puso mo. Dadagdagan mo lang 'yon, Lovemir."

Hindi niya nagawang sumagot, sunod-sunod na buntong-hininga niya lang ang nangibabaw. Titig na titig si Lovemir sa akin dahilan para mapatitig din ako sa kaniya. At bagaman nakangiti siya, hindi magawang magsinungaling ng mga mata niyang pinangingiliran ng luha. Naroon ang lungkot sa kabuuan ng mukha niyang pilit na ngumingiti. May kung anong kumurot sa damdamin ko. Gusto ko siyang lapitan para aluin pero may kung anong pumipigil sa 'kin. Hindi ko siya maintindihan pero pakiramdam ko ay may ipinararamdam siya sa akin na hindi niya magawa. May gusto siyang sabihin pero hindi niya maidaan sa salita. Gusto niyang magpahinga pero dahil narito ako sa harap niya ay hindi niya makuha.

"Gagawin mo pa rin ang lahat ng gusto mo," tatango-tangong sabi ko, tumitig lang siya sa 'kin. Napabuntong-hininga ako at napapikit. "Wala na bang ibang paraan para maayos 'to? Makikipagtulungan ang pamilya ko."

Tumalim bigla ang tingin niya sa akin. "Ano ba ang tingin mo sa iyo at sa pamilya mo? Gano'n ba talaga kayo kataas sa tingin mo?"

Kumunot ang noo ko. "Lovemir..."

"Hindi ninyo kailangang manghimasok sa gulo ng iba, Maxpein. Kaya ka napapahamak ay dahil sumasali ka sa larong hindi ka naman inalok sumali."

Napangisi ako, hindi ako makapaniwala. "At inaasahan mong hahayaan ko na lang kayong gawin ang lahat ng gusto ninyo sa kanila?" Napahalakhak pa ako sa inis. "Alam mong mahahalaga sa 'kin ang mga taong 'yon! Mahalaga sa akin ang pamilya ng mga Enrile! Lalong-lalo na si Deib Lohr!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"Tone down your voice." Nagbabanta ang tinig niya, bahagya pa akong dinuro. "I will do what I want and you will do what pleases you. I don't live to meet your expectations as well as you're not living to meet mine. We are a different person, Maxpein. You have a mind of your own, a world of your own. If you can't deal with my thing, back off." Naglakad siya papalapit sa pinto, doon ko lang uli napansing iika-ika siyang maglakad. Binuksan niya ang pinto at tumingin sa akin. "You may leave."

"Lovemir--"

"Be there for those who needs you, I'm not one of them."

Napabuntong-hininga ako sa lamig ng pakikitungo niya. Ang kaharap ko ngayon ay malayo sa Lovemir na nakilala ko kaya naman hindi na ako nagmatigas pa. Hindi ko na pinatagal pa ang pagtataboy niya. Minsan ko pa siyang tiningnan at saka ako lumabas.

Tahimik na ang mansyon nang makauwi ako. Uminom lang ako ng tubig sandali at dumeretso na ako sa kwarto. Nagpahinga lang ako sandali at saka ako naligo. Nilalamon na naman ako ng mga bagay-bagay na tumatakbo sa isip ko. Kinakabahan ako sa bagay na hindi ko alam kung ano.

Nakahiga na ako sa kama nang may kumatok nang dalawang beses. Hindi ko pa nagagawang sumagot ay bumukas na 'yon at tumambad sina Yaz at Naih.

"'Buti naman at gising ka pa," nakangising dumeretso si Naih sa kama at nahiga sa tabi ko. "Pahiga, ah!"

"Tss."

"Ako rin," ani Yaz matapos ihiga ang kalahating katawan sa tabi ko. Hindi pa nakontento ang magkapatid, nakisalo pa silang pareho sa kumot ko.

"Anong trip 'to?" angil ko habang nakaupo at nakasandal sa unan sa likuran ko.

"Ate, sabihin mo na," utos ni Naih.

"Uhm," pagpapaligoy ni Yaz. Bahagya siyang tumabingi papaharap sa 'kin. "Bukas kasi--"

"Uuwi na kasi kami sa 'min," pinutol ni Naih ang sinasabi ng kapatid. Nilingon ko naman siya. "Sasabay na kami kina mommy't daddy pabalik sa Cebu. Sige, ate, sabihin mo na."

"'Ayun nga," ani Yaz. Siya naman ang nilingon ko. "Actually, we were planning to stay longer but--"

"Busy ka, eh!" pangunguna na naman ni Naih dahilan para mapunta na naman sa kaniya ang aking paningin. "Ang plano sana namin ay mauuna na sina mommy sa Cebu bukas, sa katapusan kami susunod do'n ni ate. Kaso kitang-kita namang busy ka, eh, tingnan mo naman katatapos lang ng graduation, eh, nawala ka na naman! 'Tsaka hindi pwedeng wala ro'n sina mommy, lalo na sa daddy, kasi sila talaga ang namamahala sa business namin." Naramdaman ko ang lungkot ni Naih. "Sige, ate, ituloy mo na."

Sinamaan pa muna ng tingin ni Yaz ang kapatid. Nilingon ko naman na agad siya. "Nalulungkot kami kasi uuwi na kami, Max. Syempre, nasanay na kaming kasama ka, lalo na iyang si Zarnaih. Kaso kailangan, eh."

"Naiintindihan ko naman." Ngumiti ako. "At saka, bakasyon lang naman, 'di ba?" Tiningnan ko silang dalawa. "Babalik ka pa rin naman, Yaz, 'di ba?"

"Oo nga, bakasyon lang naman." Sabay na tumango ang magkapatid.

"Ayos lang 'yon, basta babalik kayo." Ngumiti uli ako.

"Sabihin mo na 'yong isa, ate," muling utos ni Naih. Nilingon ko siya bago muling lingunin si Yaz.

"Ano 'yon?" Kumunot ang noo ko.

"Eh, bukas na nga kasi kami babalik sa Cebu kaya--"

"Hindi kami aabot sa birthday celebration mo, Max!" sa ikatlong pagkakataon ay pinangunahan ni Naih ang kapatid. Natawa ako pero agad ding nagitla nang bigla niya akong yakapin.

"Letse ka talaga, Zarnaih!" angil ni Yaz pero hindi ko na siya nagawang pansinin. OA na naman kasi si Naih, bago pa mapigilan ay humahagulgol na sa balikat ko.

"Bukas naman ang birthday ko, aabot pa kayo," nakangiting sabi ko. "'Tsaka hindi ko alam kung maghahanda pa ako."

"Maaga kasi ang flight namin bukas, baka nga tulog ka pa kapag umalis kami," umiiyak na ani Naih. Natawa na naman tuloy ako. "Gusto ko sanang mag-celebrate kasama ka kaso ay birthday rin ni daddy sa makalawa. Kaya kailangan na rin naming sumama sa kanila, hindi na kami pwedeng mag-stay hanggang sa katapusan."

Tumango ako at hinagod ang likuran niya. "Naiintindihan ko naman 'yon. At saka, ilang beses naman na tayong nag-celebrate ng birthdays nang magkasama. Madalang mong makasama ang pamilya mo kaya sige na, okay lang sa 'kin. Pwede naman tayong mag-celebrate sa susunod na taon. O kung gusto niyo ay mag-celebrate tayo pagbalik ninyo."

"Talaga?" humiwalay sa 'kin si Naih. Natatawa akong tumango. "Psh! Masyado ka kasing busy! Magbakasyon ka naman, 'oy!"

"Kailangan, eh. At alam ko namang naiintindihan mo." Pinisil ko ang pisngi niya.

Lalo siyang ngumuso. "Pero sana ay matapos na lahat, ako kasi ang natatakot para sa inyo, eh. Lalo na sa 'yo. Psh."

"Bakit naman?"

"Dahil alam ko ang takbo ng utak mo, sige ka lang nang sige. Minsan, isipin mo rin naman ang kaligtasan mo, Max."

"Oo na nga. Tss. Birthday na birthday, eh."

"Psh! Oh, sige na, magpahinga ka na. Dumaan lang talaga kami ni ate para magpaalam sa 'yo. Panigurado kasing tanghali ka nang babangon bukas."

"Gano'n ba kaaga ang flight niyo?"

"Oo, alas otso ng umaga. Nakaempake na rin kami kanina pa no'ng wala kayo."

"Gigising ako nang maaga bukas, ihahatid ko kayo sa airport," nakangiting sabi ko.

Nagliwanag ang mukha ni Naih. "Talaga? Sige, hehehe! Syempre, gusto ko 'yan!"

"Sige na, magpahinga na kayo, maaga pa pala kayo bukas."

Mayamaya lang ay naglakbay na naman sa kung ano-anong isipin ang utak ko. Masyadong aktibo. Naisip ko ang nangyari kanina lang, lalo na ang mga gagamba. Napapikit ako nang maalala ko ang pakiramdam ng mga paa nito sa balat ko. Pakiramdam ko ay unti-unti na namang nanghihina ang katawan ko kaya agad kong pinalis iyon sa isip ko.

Gusto kong matawa dahil kung hindi pa ipinaalala ni Naih marahil ay nakalimutan kong birthday ko. Totoong hindi ko naisip o ni naalaala.

Gano'n na nga ba ako ka-busy para hindi maalala ang sarili kong birthday? Tss. Kung maghahanda ako ay baka kung ano na namang pakulo ang gawin ng mga Rewis. Maigi na ring habang bakasyon ay doon na muna sila sa Cebu, malayo sa gulo na hinaharap namin ng mga Enrile ngayon.

MAAGA nga akong nagising kinabukasan. Nagulat pa ang magkapatid nang makitang bihis na rin ako nang makababa sila. Sabay-sabay pa kaming nag-agahan kasama ang mga magulang nila at pamilya ko. Binati nila akong lahat nang paulit-ulit, kinantahan pa nga ako ng magkapatid. Syempre, hindi mawawala ang tawanan lalo na kapag bumira na ang bibig ni Naih. Pakiramdam ko tuloy, ngayon pa lang ay nami-miss ko na siya.

Matapos nilang makapagpaalam ay inihatid ko na sila sa airport gamit ang sasakyan ni Yaz. Syempre, hindi nahinto ang bibig ni Naih hanggang sa maibaba namin ang mga gamit.

"Sa susunod ay kayo naman ng pamilya mo ang dumalaw sa amin sa Cebu, Maxpein, hija," ani Tita Zarina.

"Oo nga naman, maigi iyong nagpapahinga at nagbabakasyon kayong buong pamilya. Masyado kayong abala," dagdag ni Tito Nic.

"Sige, tito, tita, sasabihan ko sila," nakangiting sagot ko.

"Naku, itu-tour ko kayo ro'n, promise!" ani Naih.

"Oh, pa'no, Max? I'll see you again in less than three months?" Lumapit at yumakap sa 'kin si Yaz na sinundan naman ni Naih.

Sobrang higpit ng yakap ni Naih, pakiramdam ko ay umangat ang puso ko papunta sa lalamunan. "Happy birthday, ulit! 'Yong regalo ko, pagbalik ko na, ah?"

"Ayos nga lang kahit wala na," natatawa kong sabi.

"Mami-miss kita, Max! 'Wag kang magpapagutom, ah? Sinabihan ko na 'yong cook niyo na lutuan kang parati, araw-araw! Sinabihan ko na rin siyang timplahan ka ng kape doon sa maliit na puswelo at walang asukal. Sinabi ko na rin sa kaniya na hindi ka pwedeng kumain nang higit sa isang itlog sa isa isang araw. Ibinilin ko na rin na 'wag kang hahayaang kumain ng matataba, mamantika at pagkain na may keso at beans. 'Wag mong pababayaan ang sarili mo, ah? 'Wag kang magpapaulan, sakitin ka pa naman."

"Naih," lumayo ako sa pagkakayakap niya. "Tatlong buwan lang tayong magkakahiwalay."

"Hindi na kasi ako sanay! Psh! Napaka-sweet mo, ah!"

"'Wag ka kasing magsalita na para bang wala ka nang balak na bumalik dito."

"Syempre, sasakay ako ng eroplano! Kailangang may mga ganitong habilin! Dadaan nga akong Duty Free para mamili. Makaarte lang! Psh!"

"Tss. Sige na, sige na. Baka maiwan kayo ng eroplano sa dami ng sinasabi mo."

"'Wag kang mag-alala, kapag may nakalimutan ako, itatawag ko sa 'yo."

"Tss. Sige, sasagutin ko." Natawa pa kaming pareho. "See you soon," nakangiting sabi ko 'tsaka tuluyang tinanaw ang paglayo nila. Natatawa-tawa pa ako dahil pakiramdam ko ay umaalingawngaw pa sa pandinig ko ang matinis na boses ni Naih.

Habang nagmamaneho pauwi ay 'tsaka ko lang naisip ang mga habilin niya. Wala na nga namang magluluto ng agahan namin na kasinsarap ng luto nila. Ang cook kasi namin ay Korean, pulos Korean dishes ang alam nitong lutuin. Ang magkapatid na iyon ay hindi pumalya kailanman sa paggising nang maaga para magluto ng agahan para sa akin. At nang lumipat kami sa mansyon, buong pamilya ko ang nilulutuan nila ng agahan. Hindi lang ako ang makaka-miss sa luto at ingay nilang dalawa, lahat kami.

Ipinasok ko sa garahe ang kotse ni Yaz, wala naman kasing gagamit no'n habang wala sila.

"Where have you been?" tinig ni Maxwell, nilingon ko siya. "Ang tahimik ng bahay, ah?" Galing siya sa loob at sinadyang lumabas para tingnan kung sino ang dumating. Mukhang saulo niya na ang tunog ng sasakyan ni Yaz.

"Inihatid ko sina Naih sa airport."

"Where are they going?"

"Uuwi ng Cebu."

Nakita ko siyang natigilan bago tumango-tango. "I see." Nakita ko rin siyang bumuntong-hininga. "Mabuti naman, tahimik na."

"Madalang ka dito pero ikaw ang pinakanaiingayan, ah?" ngingisi-ngising sabi ko, sumimangot naman siya. "Bakit nga pala nandito ka?"

"It's your birthday today, and we're going to celebrate." Nagkibit-balikat siya. "Tinapos ko lahat ng kailangan kong gawin kagabi pagkauwi kaya libre ako ngayong araw. Happy birthday."

"Regalo ko?" biro ko habang nakalahad ang palad sa kaniya. Lumapit siya at umakmang hahalik sa pisngi ko kaya umatras ako.

"What?" natatawa niyang sabi. "Happy birthday, my baby girl!" aniya na umasta namang yayakap sa akin.

"Hands off. Tss," dinuro ko siya bilang pagbabanta 'tsaka ako dumeretso papasok.

Naramdaman ko naman ang pagsunod niya. "May bisita ka."

Napalingon tuloy ako sa sala upang muling matigilan. Nakatayo si Sensui at may bitbit na tatlong bungkos na may tatlong kulay rin na rosas. Sa harap niya, nakapatong sa center table, ay isang malaking kahon at mukhang cake ang laman niyon. Napatitig ako ro'n at muling nilingon ang mga rosas na hawak niya.

Nagkibit-balikat si Sensui. "Hindi ako makapili kung anong kulay ang magugustuhan mo, eh, kaya binili ko lahat." Ngumuso siya. Napangiti agad ako sa dahilan niya 'tsaka ako napailing.

Magsasalita na sana ako nang mula sa kusina ay magsipaglabasan ang mga tao. Nagulat ako nang makitang naro'n buong pamilya ni Sensui kasunod ang buo ring pamilya ko.

"Happy birthday!" malakas at sabay-sabay nilang pagbati hawak ang bote ng champagne na inalog-alog para sa 'kin, at confetti na sabay-sabay rin nilang ipinaulan.

"Thanks." Naging napakalawak ng pagngiti ko, hindi ko kasi inaasahan 'yon.

Naramdaman ko ang paglapit ni Sensui sa tabi ko, hinapit niya ang bewang ko papalapit at bago pa ako tuluyang humarap sa kaniya ay yinakap niya na ako. Gusto ko na namang maubo sa sobrang lakas ng pabango niya pero hindi ko na nagawang pansinin 'yon dahil natuon ang pansin ko sa napakahigpit niyang pagyakap.

Kinintilan niya ako ng halik sa pisngi 'tsaka ako hinarap. "Happy birthday, babe. Dinala ko na ang pamilya ko para kapag tinopak ako ay isasabay ko na rin ang pamamanhikan ko."

"Tss."

"Nagdala ako ng handa mo, Maxi, hija!" ani Mrs. Enrile na hawak talaga ang kaldero, umalingasaw agad ang masarap na amoy ng ulam mula ro'n.

"Salamat, tita."

"Let's eat?"

Busog pa ako pero hindi ko napigilang pagbigyan sila. Lalo pa nang makita ko kung gaano karami ang nakahanda sa mesa. Iba't iba ang nakahaing putahe, masasarap nang tingnan at lalo na nang aking matikman.

Naro'n ang buong pamilya ko, syempre. Maging ang pamilya ni Heurt ay naro'n din bukod sa pamilya ni Sensui. Nagsalo-salo kami at masayang nagkwentuhan. Gaya ko ay hindi na rin sila nagplano ng en grandeng handaan dahil nag-aalala silang baka may kung ano na namang mangyari. Pinuno na lang namin ng tawanan ang sandaling iyon.

Nang makapagpahinga kami sa pagkain ng mabibigat ay ibinida na ni Sensui ang dala niyang cake para sa 'kin. Inilapag nila iyon sa mataas at pabilog na mesa at ipinuwesto sa gitna ng sala. May isang mahabang kandila sa pinakaitaas ng tatlong layer na cake, may anim na maliliit pang kandila na nakapalibot doon. Sinindihan ni Randall ang bawat kandila at saka sila pumabilog at humarap sa akin.

"What's your birthday wish?" tanong ni Chairman Moon.

Napangiti ako. "Peace," napangisi ako bigla. "World peace."

"Kayang ibigay ni Deib Lohr 'yan!" pang-aasar ni Randall dahilan para matawa kaming lahat.

Mayabang namang naglakad si Sensui papalapit sa 'kin at umakbay. "I can't give you world peace, but you will always be my beauty queen, baby babe. Happy birthday," aniya na kumurot sa cake at ipinahid ang icing sa puno ng ilong ko.

"Ay," kunyaring naasar ako. Kumurot din ako ng icing at ipinahid iyon sa pisngi niya.

Sumimangot siya at muling kumurot ng icing. Pero hindi niya iyon sa pisngi ko ipinahid kundi sa labi. At mas nagulat ako nang bigla niya akong halikan dahilan upang makain niya ang icing kasama ang labi ko. Hindi ko nagawang kumilos o magsalita, nagulat ako masyado sa kaniyang ginawa. Hindi ko inaasahang gagawin niya 'yon sa harap ng pamilya naming pareho.

"Mababaog pala, ah?" matalim ang titig niyang sabi. Kinagat niya ang sariling labi 'tsaka iyon dinilaan. "Tingnan natin."

"Woi," sinamaan ko siya ng tingin.

"Mababaog," tatango-tango niyang sabi.

Makikipag-asaran pa sana ako sa kaniya ngunit natinag na ako sa paglapit ni Maxrill. Bibit ang isang platito sa parehong palad ay hinarap niya kami. "Can I have a slice of your cake, Noona?" inosente niyang sabi. "And another slice for Hee Yong, please," doon palang siya ngumiti. Natawa ang lahat sa itinuran niya.

Kinahapunan ay dumating sina Tob at Lee kasama sina Michiko, BJ at Migz. Dumating din sina Barb at Jep kasama sina Manyur, Bri, Beka at Boy. Tuloy ay nauwi na naman sa kantahan ang munting selebrasyon. At hindi ako makapaniwalang nakikihalubilo sa 'min si Chairman na walang-humpay sa pagtawa habang nakikipagkwentuhan sa mga bakla. Mas nagulat pa ako nang mayamaya lang ay nakisalo siya sa kantahan bagaman pulos matatanda na ang kantang alam niya.

Walang paglagyan ang tuwa sa puso ko. Hindi man kasi ganoon kagarbo ang handaan gaya nang nakasanayan ko, noon lang ako nakaranas ng birthday celebration na totoong masaya ako. Iyon palang ang birthday celebration na wala akong naramdamang sakit, lungkot o pagkadismaya man lang. Bagaman kulang dahil wala sina Naih at Yaz ay kontento ako.

Ang lahat ay may regalo sa akin pero anila ay mamaya ko na buksan, kapag hindi ko na sila kaharap. Pero sa mga iyon ay iyong regalo ni daddy ang pinaka-obvious, sa box pa lang ay alam ko nang kotse iyon.

"Maxpein, come here," tinawag ako ni Chairman Moon mayamaya. Sandali ko siyang tiningnan bago ako tumayo at naupo sa tabi niya. Ang lahat ay nakatingin sa amin. "Here's my gift for you." Iniabot niya sa akin ang isang regalo.

Ang balot ay kulay-tsokolateng papel na may makalumang istilo ng disenyo. Maging ang tali na ginamit doon ay gawa sa papel pero naipoporma bilang pantali. Mukhang scrapbook tuloy ang regalo niya sa akin, at hindi nga ako nagkamali nang buksan ko iyon. Pinanood ako ng lahat na mangiti habang tinitingnan ang nasa unang pahina.

Isa iyong litrato ng sanggol na sa unang tingin ay hindi ko makilala. Kung hindi ko pa nakita ang araw ng kapanganakan at pangalan ko sa ilalim niyon ay hindi ko malalamang ako pala iyon. Ang lahat ay nakasulat sa salitang Koryano.

"That's our Maxpein Zin nineteen years ago," ani Chairman Moon. Hindi ko nagawang lumingon sa kaniya, napatitig ako sa litrato ko na noon ko lang nakita. "Nang ibigay ka sa amin, aaminin kong natakot ako." Gumaralgal bigla ang tinig niya. "Dahil nagkaroon ng babae sa pamilya ko. At alam mo kung bakit."

Muli kong inilipat ang pahina at doon tumambad ang larawan ko kung saan hawak-hawak ako ng lola ko. Batang-bata pa siya ro'n, malakas, masigla at animong walang problema.

"Sa amin lahat, ang lola mo ang pinakamasayang tao nang dumating ka sa aming buhay, Maxpein. Bago ka namin lubos na matanggap ay siya muna. Utang namin ang lahat sa kaniya ngayon," dagdag ng Chairman.

Nagsipagtayuan ang mga naroon at nagpunta sa likuran ko. Nagsiksihan ang lahat para makita ang regalong tinitingnan ko. Inilapag ko naman iyon sa binti ko para makita ng lahat.

Ang sumunod na larawan ay dilat na dilat ang mga mata ko habang may pacifier pa sa aking bibig. Si Mokz ay may karga sa akin at sa harap namin ng aking pamilya ay may cake.

"Iyan ay kuha noong mag-isang taon ka. Naghanda kami pero walang oras ang lahat para sa selebrasyon. Masyado kaming abala sa kani-kaniyang ginagawa." Muling nagkwento ang Chairman. "Maagang umuwi si Maxwell noon at dinalhan ka ng torotot. Pero dahil maingay, umiyak ka raw nang umiyak." Natawa ang Chairman sa huli.

Ang bawat pahina ay may litraro ko, sa ilalim niyon ay naroon kung kailan kuha iyon o kung ano ang okasyon. At bawat kuha ay sinasabi sa akin ng Chairman ang nangyari sa panahong iyon. Mula sa wala pa akong isip hanggang sa magkaroon na ng tamang pag-iisip.

"Iyan iyong unang beses na mag-aral si Maxpein." Nagkwento na ang Chairman para sa lahat. "Tuwang-tuwa kaming lahat nang makita namin siyang nakauniporme."

Tiningnan ko ang kabuuan ko at gusto kong matawa dahil wala na ngang kulay ang larawan ay wala pang kakulay-kulay ang mukha ko. Walang kabuhay-buhay ang hitsura kong masama at pailalim ang tingin sa kumuha. Para akong girl's scout sa unang tingin, kulay berde ang buong uniporme at may itim na belt. May itim din na maiksing kurbata at may kung anong maliit na sombrero ako sa ulo. Mataas ang medyas at may itim na sapatos. Ang parehong kamay ko ay nakahawak sa magkabilang strap ng backpack.

"Unang araw palang iyon ng klase ay tumawag na ang principal ng paaralan," patuloy ng Chairman. Napapangiti akong nagbaba ng tingin sa kahihiyan bagaman wala akong maalala. "Syempre, noong una ay nagalit kami, lalo na ako. Galit na galit ako noon. Bakit 'kako unang araw pa lamang ng klase ay ipinatatawag na ang kaniyang mga magulang? Ano ika ko ang kaniyang ginawa?" Bumaling ang Chairman paharap sa akin. "Naaalala mo ba ang nangyari sa araw na iyon, Maxpein?"

"Hindi ho," natatawa kong sagot.

Nakangiting bumuntong-hininga ang Chairman 'tsaka tumingin sa kung saan na animong may inaaalala. "Dahil abala sina Maze at Mokz noon ay ang daddy mo ang pumunta sa paaaralan. Gusto rin daw niyang magalit noon pero nang malaman niya ang tunay na dahilan kung bakit siya ipinatawag ay natuwa siya."

"Ano po ang nangyari?" excited na tanong ni BJ.

"Hindi makapaniwala ang mga titser sapagkat perfect ang scores niya sa lahat ng exam sa araw na iyon bagaman wala pang naituturo. Baka raw special child si Maxpein." Doon natawa nang todo ang Chairman.

Nawala namang bigla ang ngiti sa mukha ko. "Lokong teacher 'yon, ah?" angil ko.

"Sandali, kukuha lang ako ng maiinom at hinahapo ako sa katatawa," paalam ng Chairman na agad tumayo.

"Ako na, Chairman," pangunguna ko pero nakangiti niya akong pinigilan.

Pinanood ko siyang lumapit sa isa sa mga mesa at dinampot ang mug na iniregalo ko sa kaniya. Napangiti ako nang makita siyang uminom doon. Muli siyang nagsalin ng tubig sa mug at haharap na sana ulit sa 'min nang magkabanggan sila ni Chairman Enrile. Ang sumunod kong narinig ay meron ng nabasag.

Agad akong napatayo at napatingin sa paanan ng dalawang Chairman. Ganoon na lang ang gulat ko nang makitang ang mug iyon.

"Chairman," agad akong lumapit nang makitang akmang pupulutin niya ang mga piraso niyon. "Ako na," sabi ko pero parang wala siyang narinig.

Natigilan ako nang makita kung paanong nagmadali ang Chairman na ipunin ang mga piraso nang nabasag na mug. At sa sobrang pag-aalala kong masugatan siya ay naupo ako sa harap niya at padarag kong kinuha ang kaniyang braso.

"Chairman," tawag ko, tumingin siya sa akin na para bang nawawala sa sarili. Alalang-alala at parang nagugulat pa dahil nabasag ang mug niya.

"Hindi ko sinasadya, Maxpein," gumagaralgal ang tinig ni Chairman Moon.

"Chairman, it's okay. Ako na," tumango pa ako.

Umiling siya at muling tiningnan ang mga piraso ng bubog. "No. It's not okay. It's your gift for me, Maxpein. It's not okay."

"Chairman, ako na. Baka masugatan kayo niyan."

"No."

"Chairman." Pinilit ko siyang itayo. "It's okay, it's okay."

Napatitig siya sa akin nang may panlulumo. "I'm sorry, I didn't mean to--"

"It's okay, Chairman. I can give you a new one."

"I don't want a new one, Maxpein," malungkot niyang sabi na muling tiningnan ang nabasag nang mug.

"I am so sorry," paumanhin ng isa pang Chairman. Nakangiti ko itong tinanguan. "Hindi ko sinasadya."

"Ayos lang, Chairman, aksidente," sabi ko na muling tiningnan ang mug nang may panghihinayang. "Maupo na uli kayo, magpapahatid ako ng maiinom sa mesa."

Agad na lumapit si Maze para alalayan si Chairman pabalik sa kaninang kinauupuan. Nagpatulong naman ako sa tauhan na linisin ang nagkalat na bubog. Palibhasa'y malaki ang mug kaya maraming piraso ang nagkalat.

Hindi na namin nagawang balikan ang kaninang pagkukwentuhan matapos kong ayusin ang nabasag. Pagbalik ko ay malungkot na ang Chairman at animong napakalalim ng iniisip. Mabuti na lang at tumabi sa kaniya si Maxrill at nilaro nilang pareho ang aso nito, bumalik ang sigla ng Chairman at sandaling nakalimutan ang nabasag niyang baso.

"Noona, what is love?" mayamaya ay bumanat ng tanong si Maxrill. Napalingon ang lahat sa amin, natuon lang ang paningin ng lahat sa akin nang hindi ko nagawang sumagot agad. "Noona?"

"Eh?" napapaisip kong tugon.

"What is love?" inosente niya na namang tanong.

"Ah..." Napatingin ako kay Sensui na noon ay nakatingin na rin sa 'kin. Bahagyang nakaawang ang mga labi niya at may tipid na ngisi. Animong nanunukso nang walang salitang sinasambit. "Well, love is like a food, Maxrill."

"Food?" kunot-noong ani Maxrill. "Why?"

"Because you can't live without it." Napakamot ako sa ulo dahilan para matawa ang lahat ng naro'n.

"If it's like a food then..." Pabulong iyong sinabi ni Maxrill na para bang hirap na hirap sa iniintindi. "Should I eat my dog?" Nanlalaki ang mga matang tanong niya, hindi makapaniwala.

"Eh?" nagugulat akong napatingin sa kaniya. "Ano na naman ba kasi 'yang naririnig mo?"

"Chairman asked me if I love Hee Yong and I said yes. Now I am wondering what is love. I really don't know what that means, Noona."

"Just..." Iniharap ko ang hintuturo sa kaniya. "Just stop asking, okay?"

"And I heard you say I love you, too before. Does that mean that you want to eat that person too?"

"Maxrill? Just shut up." Nainis ako lalo nang mangibabaw ang matinding tawanan, lalo na ng Chairman.

"He's so cute," ani Mrs. Enrile.

"But annoying most of the time," dagdag ko. Lumabi naman ang kapatid ko.

Gabi na ng matapos ang handaan, naunang nagpaalam ang mga kaibigan namin ni Sensui bago ang pamilya nina Heurt. Tumulong naman munang mag-ayos ng mga gamit si Mrs. Enrile bago tuluyang nagpaalam.

"Maiiwan daw si Deib Lohr dito, Maxi, ayos lang ba iyon?" ani Mrs. Enrile na siyang ikinagulat ko. Napatingin ako kay Sensui bago palihim na tumingin sa pamilya ko.

"It's okay, may guest room naman," si Maze ang sumagot.

"Talagang pinaghandaan mo 'to, ah?" bulong ko kay Sensui.

"Ganito ako manligaw, eh," ganting bulong niya.

Sandali uli akong binati nina Mr. and Mrs. Enrile, Manang, Randall at Dein Leigh bago nagpaalam ang mga ito. Iniligpit ko ang ilan sa mga nakakalat na gamit habang si Sensui ay abala sa pakikipagtawanan kina Mokz, Chairman Moon at Daddy. Pero nang matapos ang lahat ay nagpaalam na ang lahat sa amin at kami na lang ang naiwan sa sala.

"Ang sabi ng Chairman ay pwede raw akong matulog sa tabi mo, Taguro." Bigla akong napalingon kay Sensui nang sabihin niya 'yon. Nginisihan niya ako 'tsaka sabay na pinaangat nang tatlong beses ang mga kilay niya. "Sigurado naman daw siyang wala akong magagawang ikagagalit mo."

"Hindi ganiyan ang manligaw, Sensui."

"Syempre, biro lang 'yon, hehehe."

"Tss."

"I love you, babe."

"Anong babe?"

"I love you, Taguro."

"Tss. Umakyat ka na ro'n at maligo."

"Hindi pa ako inaantok, pwede ba akong tumambay muna sa kwarto mo?"

"Hindi."

"Sige, ikaw na lang ang tumambay sa kwartong tutuluyan ko."

"Asa."

"Taguro naman? Gusto pa kitang makausap, eh."

"Pagod ako. I-text mo na lang ako, magre-reply ako sa 'yo."

"Ang sweet mo, ah? Kaya nga ako matutulog dito para makasama kita nang matagal. Sabi mo ay hindi mo 'ko pahihirapan?"

"Tss, sinabi ko ba 'yon? Hindi ba't ang sabi mo ay kahit pahirapan kita, kahit maghirap ka, gagawin mo para lang bumalik ako?"

"Oo na, oo na." Isinuko niya ang parehong kamay. "Pero sige na, payagan mo na ako."

"Saan na naman?"

"Na makasama ka sa gabing 'to, hehehe."

"Oo na. Tss. May magagawa pa ba naman ako, eh, nandito ka pa?" Ako ang naunang tumayo. Palihim akong napangisi sa katotohanang makakasama ko siya. Sabay kaming umakyat pero nasa likuran ko siya. Inihatid ko siya sa guest room, pinagbuksan ng pinto at ilaw. "Dito ka matutulog. Kompleto ang gamit dito pero kung may kailangan ka ay 'wag ka mahiyang humingi. Pwede mo ring gamitin lahat ng kailangan mo na meron dyan."

Nilingon ko siya nang hindi siya magsalita. Ang loko, nakasandal sa hamba ng pinto, magkakrus ang mga braso at ngingisi-ngising nakatitig sa akin.

"What?" angil ko.

"Paano kung wala diyan ang kailangan ko?" isinenyas niya ang loob ng kwarto. "Paano kung ang kailangan ko ay nasa harap ko?"

"Paano kung sa labas kita patulugin?" inis na sabi ko.

Ngumuso agad siya. "Taguro..."

"Maligo ka na," sabi ko at saka siya tinalikuran.

Muli akong napangisi nang maglakad ako papunta sa kwarto ko at mas napangisi nang makapasok. Sandali akong nagpahinga habang tinitingnan ang mga regalong natanggap ko. Bagong sapatos mula kay Maxwell, bagong cellphone mula kay Maze, bagong laptop mula kay Mokz, at bagong kotse mula kay daddy. Bukod doon sa regalong ibinigay ni Chairman Moon kanina ay nagulat ako sa regalo niyang hawak ko ngayon. Titulo iyon ng hotel sa Palawan at hindi ako makapaniwalang nakapangalan iyon sa akin. Gusto kong lumabas ng kwarto para tanungin siya pero siguradong natutulog na ito.

Itatanong ko na lang bukas.

Maging ang pamilya nina Heurt at Sensui ay may mga regalo sa akin, pati na rin ang mga kaibigan ko. Tumataba ang puso ko sa hindi malamang dahilan. Masaya kong pinagmasdan ang mga regalo.

At nang makontento ay 'tsaka ako naligo. Nakangiti kong pinaulit-ulit sa isip ko ang munting handaan kanina. Tahimik akong nagpasalamat na naging mayapa ang lahat, nakapagdiwang ako nang bagaman simple ay masaya naman.

Iyong dilaw na pares ng pantulog ang napili kong isuot. Humarap ako sa salamin at doon nagsuklay, hindi ko iyon gawain pero pinili kong gawin dahil ayaw kong makita ako ni Sensui na buhaghag ang buhok. Pero mayamaya lang ay may kumatok at napangiti ako nang makita si Sensui matapos bumukas niyon. Lalo pa akong napangiti nang kumaway siya sa akin at sumenyas na papasok. Tinanguan ko lang siya.

Hindi ko inalis ang paningin ko sa kaniya habang patuloy ako sa pagsusuklay. Gwapong-gwapo siya at gaya ko ay bagong ligo. Nakasuot siya itim na sando at checked na cotton pants.

Nakangiti siyang lumapit sa akin at niyakap ako mula sa likuran. Idinikit niya ang pisngi sa akin at tiningnan ako mula sa salamin. "Baby babe?" tawag niya.

"Hm?" tugon ko habang ang mga braso ko ay parehong nakaangat, abala pa rin sa pagsusuklay ng buhok ko.

"My baby babe?"

"Oh?"

"My one and only, baby babe..." Pakanta niya nang sinabi ang huli habang sabay na ikinekembot ang mga katawan namin.

"Tss." Sumimangot ako. "Baklang Deib, my baklang Deib, my one and only, baklang Deib," pakanta ko rin iyong sinabi sa katulad niyang tono.

"Bakla ako, babe?" nakangising tanong niya, nakangisi rin akong tumango.

Umayos siya ng tayo at saka ako binitiwan. Ibinaba niya ang pareho kong braso at pareho rin iyong inipit gamit ang yakap niya. Sa ganoong paraan ay wala akong laban. Pero hindi ko nagawang kabahan dahil ngingisi-ngisi pa rin siya sa akin mula sa salamin. Bukod doon ay madali lang siyang patumbahin.

Bahagyang umakyat ang mga braso niya, mas humigpit pa ang pagkakayakap niya. 'Tsaka niya muling ipinatong ang baba niya sa kanang balikat ko. Idinikit niya nang todo ang pisngi niya sa pisngi ko dahilan para bahagyang tumabingi ang aking ulo.

"Pwede kitang halikan, Taguro?" malambing niyang tanong habang nakatingin kami sa isa't isa mula pa rin sa salamin.

"Sa pisngi? Oo naman," nakangising tugon ko sabay kindat.

"Hindi, hindi sa pisngi."

"Tss. Saan?"

"Dito, kung nasaan ang kamay ko, Taguro." Siya naman ang ngumisi. Tumaas ang kilay ko ngunit agad ding kinabahan nang maramdaman ko ang marahang pagpisil niya sa bukana ng dibdib ko.

"Sira ba ang ulo mo?"

Ngumisi siya at saka ngumisi. "Oo, dahil nagpaalam pa ako sa iyo. Sana pala ay dumeretso na lang ako."

Kinotongan ko siya. "'Yang labi mo, bulakbol masiyado. Kung saan-saan gustong pumunta!" kunyari kong piningot ang labi niya.

Ngumiwi siya. "Bakit ba nagagalit ka? Ayaw mo na ba sa halik ko?"

Kumalas ako nang tuluyan at hinarap siya. Tiningnan ko ang kaniyang kabuuan saka ko siya nginisihan. "Iba ang nagagalit sa nagpipigil, Sensui." Natawa ako sa huli.

Sandali siyang natitiglan, napapangangang tumitig sa akin. Pero sa halip na salita ay ibang sagot ang natanggap ko mula sa kaniya. Hinawakan niya ang magkabilang bewang ko at inilapit sa ako sa kaniya. Bago ko pa nagawang tumanggi ay nasakop niya na ang mga labi ko.

Siniil niya nang paulit-ulit ang ibaba at itaas kong labi, nararamdaman ko ang panggigigil niya. Marahan niyang ibinuka ang labi ko, agad naman akong nagpaubaya.

Naramdaman ko ang mga kamay niyang nagpapaikot-ikot sa likuran ko hanggang sa malipat ang mga iyon sa braso ko. Taas-baba niyang hinaplos ang buo kong braso hanggang sa pulsuhan ko. Isinampay niya ang pareho kong kamay sa kaniyang batok. Ipinuwesto niya naman ang parehong kamay sa leeg ko, itinatabingi sa magkabilang gawi ang aking ulo.

Ang parehong hinlalaki niya ay paulit-ulit na humahaplos sa panga ko. Ang iba pa niyang mga daliri ay naglilikot sa ilalim ng aking tainga. Hindi ko alam kung paano kong nararamdaman ang lahat nang iyon sa kabila ng nakakalunod na halik niya.

Mayamaya pa ay isinuklay niya ang mga daliri sa parehong kamay sa aking buhok, sa ganoong paraan niya iniangat ang aking ulo. Binitiwan niya ang labi ko at sa paghahabol ko ng hininga ay hindi ko akalaing mas mapapasinghap pa ako nang maramdaman ko ang labi niya sa aking panga. Napalunok ako, dahil hindi lang labi kundi maging ang dila niya ay nararamdaman ko na.

Mula sa panga ko ay gumapang ang halik niya papunta sa aking tainga dahilan para mapayakap ako sa kaniya. Naramdaman ko siyang ngumisi pero hindi ko na alam kung paanong tutugon, pakiramdam ko ay napunta na kami sa ibang dimensyon.

Ang kiliting idinudulot ng halik niya sa akin ay binabaliw ako. At ang estrangherong pakiramdam ay hinahayaan akong mawala sa sarili at maglakbay sa hindi pamilyar na lugar.

Kusa ring gumalaw ang mga kamay ko papunta sa likuran niya, lalo na nang maramdaman ko ang halik niya sa leeg ko. Napakapit ako nang matindi sa bewang niya, at namalayan ko na lang ay nakapasok na ang mga kamay ko sa loob ng sando niya. Naramdaman ko na naman siyang ngumisi pero hindi ko muli iyon nagawang tugunan.

"I love you," bulong niya sa tainga ko at muli akong napapikit nang maramdaman ko ang halik niya ro'n.

Sunod-sunod ang paglunok ko, hindi ko na malaman kung saan pa maihahawak ang kamay ko. Tinalunton ko ang buto sa likuran niya hanggang sa marating ko ang leeg niya. Bumabang muli ang halik niya papunta sa leeg ko pero hindi na iyon gaya ng kanina na padampi-dampi. Mas kakaiba na ang kiliti nang maramdaman ko ang dila niya kasama ng labi. At bago ko pa man napigilan ang sarili ko ay 'ayun na ako, gaya niya ay hinahalikan ang kaniyang leeg. Ginawa ko kung anong ginagawa niya nang nakapikit.

At bago ko pa man iyon maipagpatuloy ay naramdaman ko na ang kamay ni Sensui na inilalayo ang ulo ko. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at saka pilit na iniharap sa kaniya. Pareho kaming inaaninag ang isa't isa, animong nanlalabo ang mga paningin.

"Level-up ka, ah?" Ngumisi siya at saka ako kinintilan ng halik sa pisngi. "Ikaw ba ang talaga ang may birthday o ako? Bakit ako ang may ganitong regalo?"

"Tss." Napapahiya akong nag-iwas ng tingin.

Niyakap niya naman ako. "You see neck kissing is heaven, except that it makes me breathe really hard and want to commit a lot sins right then...with you, Taguro. I love you, and I can wait."

Napangisi ako at napailing na lang sa ginawa ko. Noon lang nangibabaw sa akin ang bilis ng tibok ng puso ko at aaminin kong bagaman nahihiya ako ay may kung anong tuwang idinulot sa akin ang bagong natutunan ko.

"Sa 'kin mo lang gagawin 'yon, ah?" dagdag bulong niya. Nagitla ako nang marahan niyang kagatin ang tainga ko. "Patay ka sa 'kin kapag nalaman kong ginawa mo sa iba 'yan."

"Tss, anong akala mo sa 'kin?"

"Sshh, galit ka na naman," hinaplos niya ang buhok ko. "I don't want to say good bye to you, Taguro. I can't. I will never stop trying 'til I win you back. I can't give you up, babe."

"Then don't."

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at tinitigan ako sa mga mata. "I will never let you go, no matter how hard the situation is. And I beg you to do the same for me. Don't push me away again, please." Muli niya akong niyakap, sa sandaling iyon ay mas mahigpit na. "I am with you for a reason, Maxpein, and it's to stay."

"I'll keep you," pabulong na tugon ko. "I'll keep you forever."

Muli siyang humiwalay sa pagkakayakap sa akin. Nakangisi na siya nang tingnan ako. "You believe in forever?"

Ngumiwi ako. "No. Tss. I don't really give a damn if forever exists but I'm willing to fight like hell for it."

"Tsk tsk," umiling siya. "Patay na patay ka talaga sa 'kin, 'no?" 'Tsaka siya tumawa.

"Asa."

"'Wag ka nang tumanggi dahil gano'n din naman ako sa 'yo. Patay na patay rin ako sa 'yo. Ang swerte mo, Taguro."

"Kapal," bulong ko. "Umalis ka nga diyan!"

"Oh, tingnan mo 'to, galit na naman. Gutom ka na naman ba?"

"Ano?"

"Baka kaya mainit na naman iyang ulo mo dahil wala na namang laman iyang tiyan mo? Parato ka na lang galit. Kapag ikinasal na tayo, mababawasan iyan." Ngumisi siya, lalo naman akong sumimangot. "Alam ko namang kaya ka lang ganiyan ay dahil kulang ka sa daily dose of Deib Lohr's kiss. Sa sobrang lakas ng karisma ko, hindi nakatiis si Taguro."

"Tabi nga!" tinabig ko siya at akmang lalayo pero agad niya akong yinakap. "Ano ba?"

"Ano na naman ba ang gagawin mo?"

"Magsusuklay pa ako."

"Kanina ka pa suklay nang suklay diyan, eh! Maganda ka na, Taguro. Kahit hindi maayos ang buhok mo, nabihag mo na ang puso ko."

"Tss, ang korni mo. Tumabi ka."

"Magsuklay ka habang nakayakap ako. Manonood ako."

"Mangangalay ka."

"Tch. Alam mo bang ang mayakap ka ang paborito kong lugar sa mundo? Kaya wala akong pakialam kahit mangalay ako, Taguro."

Sa halip na sumagot ay nginiwan ko na lang siya. Kahit mahirap ay nagpatuloy ako sa pagsusuklay, mahirap kasi gusto kong mangiti pero dahil ayaw kong makita niya iyon ay pinigilan ko. Pinagmukha kong seryoso ang sarili ko hanggang sa makontento sa ayos ng buhok ko.

"I love you, Taguro," aniya habang nakatingin sa akin mula sa salamin.

"Mm."

"Tch! Ano na namang mm!" angil niya 'tsaka ako sapilitang iniharap sa kaniya. "Bakit ba hirap na hirap kang sabihin na mahal mo ako, eh, halata naman?"

"Tss. Bakit ba kailangan mo pang marinig, eh, naipaparamdam ko naman?"

"Sabihin mo na, Taguro!"

"I love you. Tss." 'Tsaka ko siya tinalikuran. Nanguna ako sa kama kaya doon ko nagawang ilabas ang ngiti ko.

Hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ko sa t'wing magmamakaawa kang sabihin ko sa 'yong mahal kita, Sensui. Kinikilig ako kapag ginagawa mo 'yon. Tss.

~To Be Continued. . .~

Continue Reading

You'll Also Like

169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
39.3M 1.6M 69
Love Trilogy #2 This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, phy...
123K 2K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...