DAMA: The Princess Bitch

By JhingBautista

24M 371K 67.4K

Published under Summit - Pop! Fiction. Dirham series #2 More

READ! (Important note)
DAMA Blurb
Prologue
Prologue 2.0
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Author's Note
Special Chapter: Interview With Meg (Questions)
Special Chapter: Interview With Meg (Proper)
Special Chapter: Interview With Dani (Questions)
Special Chapter: Interview With Dani (Proper)
Special Chapter: Interview with Oliver (Questions)
Special Chapter: Interview With Oliver (Proper)
Special Chapter: Interview With The Barkada (Questions)
Special Chapter: Interview with the Barkada Part 1
Special Chapter: Interview with the Barkada (Eli)
Special Chapter: Interview with the Barkada (Keeme)
Special Chapter: Interview with the Barkada (Eula)
Special Chapter: Mrs. Danielle Marie Dirham-Balutan
All About The Published Version
Portrayers

Chapter 45

354K 5.8K 2.6K
By JhingBautista

What I enjoy about winning? Seeing the hope on the losers' face slowly fading. –RXTMR

--

"Ang sweet ng parents mo noh?"

Pinapanuod nilang magbabarkada mula sa mataas na terrace ng kwarto nya ang parents nya na nasa garden. Her room was at the east room, para matatamaan sya ng morning sunlight. Dyma's was on the west room because he prefers the sunset... or that's what she wanted to think. Ayaw kase nyang maguilty. Originally kase, room ni Dyma itong kwarto nya. Pinalipat lang nya ang kapatid dahil gusto nyang nakikita nya araw-araw ang sunrise.

Perfect view kase.

Nasa garden ang parents nya that afternoon. Magkahawak ang kamay na naglalakad-lakad. Until now, she can't quite understand why her father loves her mother so much. Kahit ang tagal ng mag-asawa nito at may dalawa nang anak ay wala pa ring makapantay sa sweetness ng dalawa.

"Kung sweet ang parents mo best, san ka nagmana?" tanong ni Eula sa kanya.

"Oo nga. Sobrang bitter mo kase eh. Ampon ka ba?" tudyong tanong naman ni Keeme.

She glared at both. "Ang sama sama nyo talaga!" singhal nya sa dalawa.

Nagtawanan ang barkada. "Pero nakakakilig talaga ang daddy mo best. Ang gwapo gwapo pa!"

"Hey... off-limits ang daddy ko," banta nya sa kaibigan.

"Joke lang! May Jairus na 'ko noh..."

Lei rolled her eyes at her sister's remark.

"Jairus ka ng Jairus, nandyan naman si Keeme," sabat ni Eli.

"Nah! 'Wag na!" reklamo ni Eula.

"Uy si Chastene nao-OP," untag ni Lei sa kanila. Napatingin silang lahat kay Chastene na nasa isang sulok.

Siniko ni Dama si Eli na katabi niya. "Kausapin mo kaya."

Siniko siya nitong pabalik. "Eh di ikaw."

"Ayeee... si Eli nahihiya!" tudyo nila sa barkada.

"Ako na naman ang nakita nyo," nakanguso nitong reklamo.

"Tabihan mo kase si Chastene nang hindi ma-OP," sabi ni Lei dito.

Lumipat sina Eula at Keeme sa tabi kabilang side ni Chastene. Si Lei naman ay lumipat sa tabi ni Dama. Pinagitnaan nila yung dalawa.

--

Eli shivered when his elbow touched Chastene's. Nagka-crush na naman siya dati pero hindi tulad nito na natatameme sya. He finds Chastene cute kase. The kind of cute that would bring you a burst of happiness whenever you look at them.

She looked bubbly even though she's not smiling at all times.

Kakaiba... that's what it feels like. Kakaiba na magaan sa pakiramdam.

--

Napatingin ang mag-asawa sa magbabarkada na nagtatawanan sa terrace.

"She looks so happy..." Meg said to Dani.

"I know... who'd have thought, right?"

"I actually did something good."

He kissed her hair. "Yeah, you did. Hindi ka nangangalay mommy? Don't you want to sit?" he asked in concern.

"Medyo nga dad. Upo muna tayo."

He nodded and they went to the gazebo. That gazebo was patterned after the movie A Cinderella Story which starred Hilary Duff and Chad Michael Murray. Meg liked the look and feel of the gazebo so she asked him to build her one.

Well, technically, he did not build it but he asked a friend to build it for them. An architect named Jansen... who also happened to be Dyma's godfather.

Jealousy? Meg and Dani will never get past that. Both were just a teeny tiny bit possessive and obsessed of each other... but all is well between Sen and Dani.

Trust... it was hard earned and got lost along the way, but they found it again and took care of it.

Love? It will never leave their hearts. Or at least that's the hope.

"I hope that guy won't break my sweetie's heart," he said out of the blue, while looking at his daughter.

"No he won't. I know that kid well. He has a good heart," Meg assured him.

"I still don't want her to get married though. Siguro mga after 10 years pa."

"Sobra ka naman dad. Tayo nga early 20s ikinasal eh."

"Iba naman ang panahon nun ma," pagdadahilan nya.

Tumaas ang kilay ni Meg. "Oh? How so?"

"Walang internet," seryosong sagot ni Dani.

"Sira ka talaga," natatawang sabi ni Meg.

Ngumiti na lamang si Dani and then he planted a kiss on Meg's lips.

--

"Ay! Nagkiss!" Eula exclaimed.

Dama grunted saka sya tumalikod mula sa view ng parents nya. "Wag nyo ngang tingnan!" nahihiya nyang sabi sa mga kaibigan.

"Bakit naman? Ang sweet nga ng parents mo eh. Bihira na yang ganyan."

"Likas lang talaga sa kanila yang landian na yan," she pointed out.

"Inggit ka lang eh."

"Oy excuse me! Pag-uwi ni Zelo makikita nyo... mas sweet pa kami kina mommy!"

Natawa ang barkada sa tinuran nya.

"Si Zelo, sweet? Kahit pakainin mo ng isang kilong asukal yun, hindi yun magiging sweet!"

"Tama! Saka maarte yun."

"Isusumbong ko kayo pag-uwi nya!" banta niya sa mga ito.

"Sumbong mo. Takot namin?" nakangising tanong ni Lei.

She grunted again. "Sweet kaya yun," pagtatanggol nya sa boyfriend.

"Whatever. Eh teka nga pala... sabi mo hindi Zelo pangalan nya di ba?"

She nodded. "Pierre Alessander...Balutan. Yuck sa last name!"

Nagtawanan sila. "At least maganda ang first name, di ba?"

"Pano na lang kapag kinasal kami? Can you imagine what my name would sound like? Danielle Marie Dirham Balutan. I'm betting that people won't be able to say my name with a straight face!"

Lalo silang natawa sa kaartehan ng dalaga. "Bagay nga kayo! Ang arte nyo pareho!"

Sinimangutan nya ang mga ito. "Gee thanks. True friends talaga kayo eh," she said with sarcasm.

Inakbayan sya ni Keeme. "Gusto mo tayo na lang ang magpakasal. Danielle Marie Dirham Astel... oh di ba? Maganda," nakangiti nitong sabi.

Pinalis niya ang kamay nito. "Tigil-tigilan mo nga ako KJ!"

"Ano Keeme? Bukas si Chastene naman? Maawa ka kay Eli! NGSB yan!" Lei said.

Napasimangot si Eli. "Ako na naman!" reklamo nito.

"Uy Chastene magsalita ka naman," untag ni Eula sa dalaga na katabi ni Eli.

Ngumiti naman ito. "Nakakahiyang makisali eh."

"Ano ka ba, wag kang mahiya! Mga walanghiya kami, dapat ikaw din."

Natawa ito sa sinabi ni Keeme. "Walanghiya talaga?"

"Oy oy! Di ba may initiation sa newbie?" tanong ni Lei sa kanila.

"Oo nga! Tara sa kusina dali!"

Nagsitakbuhan ang magbabarkada papunta sa malawak na kusina ng mga Dirham. Nakapanuod lamang ang mga katulong na nagluluto ng hapunan nang kumuha ang dalaga ng isang slice ng cake mula sa ref at saka niya iyon inilagay sa gitna ng table.

Nasa tigkabilang side ang magbabarkada. Kagaya ng ginawa sa kanya ng mga ito, isa-isa silang sumubo ng cake gamit ang kutsara in the same order as before.

Ngayon nga lang ay wala si Zelo.

"Two times akong kakain. For Zelo," she said to them.  Hindi na nakareklamo ang mga ito dahil isinubo na nya ang pangalawang kuha nya ng cake.

Next, she took another bite size with the fork and gave it to Chastene.

"Pag di mo yan kinain, aawayin ka namin," banta nito sa dalaga.

Agad namang kinuha ni Chastene ang tinidor at saka isinubo ang cake. Saka ito ngumiti sa kanila. Surprise was evident on the maids' faces. Naiiling na ibinalik ng mga ito ang atensiyon sa pagluluto.

"Ate Sally, eto na yung kalamansi," narinig niyang sabi ng isang bata. Si Meera.

"Uy Meera!" tawag niya dito.

"Magandang gabi po," magalang nitong sagot.

"Uy bata! Kumusta na?" tanong ni Eli.

"Okay naman po," nakangiti nitong sagot.

"Gusto mo ng cake?"

Umiling ito.

"Come on. 'Wag ka nang mahiya. Ikukuha kita, okay?" she insisted.

Tumango-tango naman ito.

Inilabas niya mula sa ref ang cake na mga tatlong slice pa lang ang bawas. Then she asked the maids for small plates and forks. Sakto naman na naghihiwa sya ng cake nang pumasok ng kusina si Dyma.

"Gusto mo ng cake?" tanong niya dito.

"Sure," sagot nito. Naupo si Dyma sa tabi ni Meera. "Hello," bati nito sa bata.

"Hello po."

"Why are you eating cake? Magdi-dinner na ah?"

 

"Gusto nyo mommy?" patay-malisya nyang tanong sa ina na kakapasok din sa kusina kasama ang daddy nya.

"No," tanggi nito. "Mamaya na kayo kumain. Matatapos na silang magluto."

Halos sabay-sabay na nagbaba ng fork na isusubo na sana ang magkakaibigan. They pushed the plates away.

"Sally, luto na ba yan?" tanong ng mommy nya sa katulong.

"Yes ma'am," sagot nito.

"Sige, maghain na kayo."

The maids obliged and prepared the table. Masayang kumain ang mag-anak kasama ang mga kaibigan niya. And since na marami pang libreng upuan, pinasabay na rin nila sa kanila ang mga katulong na nagluto.

After that, she and her friends headed to her room para ituloy ang kwentuhan.

--

"Bakit daw Zelo?" tanong ni Eula sa kanya.

"Kase utal sya sa R nung bata sya. So zero became Zelo... eh yun na lang ang ginamit nya."

"Alam ng parents mo?"

She nodded. "My mom knew from the very beginning. Kilala daw sya ang father ni Zelo eh. They met once at EDSA."

"Ex?" natatawang tanong ni Lei.

"Ex-holdaper ang tatay ni Zelo."

"Eeee?"

She nodded. "Absurd, right? But she said that he only did that to save Zelo. He was dying at that time kase and the hospital won't perform the operation kapag walang down payment."

"Ay grabe naman!"

"Yeah. We sued the hospital when we learned na ganun ang kalakaran nila kahit sa ibang pasyente."

"Ang bait ng mommy mo Miss," Chastene said.

"Don't Miss me, Chas. We're friends now. My friends don't call me miss. 'Sides, mabait talaga si mommy. Mana ako sa kanya eh."

"Weh..." they chorused in obvious skepticism.

"Totoo naman eh. Mabait kaya ako!" she said in defense.

"Siguro deep down."

"Mga six feet under."

"Mga bikini botton deep."

Tawanan.

Kahit sya hindi nya magawang mainis sa banat ng mga kaibigan.

"Teka, balik tayo sa topic. Will Zelo be okay with a huge party?" tanong nya sa mga ito.

Umiling sina Keeme, Eli, Eula at Lei. Si Chastene ay tahimik lang.

"As much as possible nga eh 'wag ka nang magpa-party. Maiirita lang yun," Lei suggested.

"Tama, sasabihin na naman nun, gastos lang."

"Pakialam ba nya? Pera ko naman ang gagastusin ko eh."

"Nagtanong ka pa? Ikaw rin naman pala ang masusunod," Keeme retorted.

"Eh gifts? What will he like?"

"Ayaw nya rin ng regalo."

She rolled her eyes. "Come on! It's his birthday, he might want something?"

Nagsi-ilingan sila. "Hindi naman kase materialistic yung taong yun eh."

"Pero wala talaga syang gusto?" kunot-noo nyang tanong.

Umiling ang mga ito.

She grunted. "Ang hirap naman!"

"Mahirap talaga," pag-agree ni Eula.

"Eh ano dapat ang iregalo ko? I can't not give him anything..." she asked in dilemma.

"Isip ka best. Something from the heart," sabi ni Eula.

She sighed.

"Mahirap yun Dama," Lei joked. She glared at her friend.

"Dumadali ka na naman Analeigh."

Tumawa ito.

"Manuod na nga lang tayo ng movie. Ano'ng gusto nyo?"

"G.I. Joe 2!"

"Must Be Love na lang!"

"Baduy! Iron Man!"

"Ayy! Wag yun! Pangit ang bida! Korean movie na lang!"

She rolled her eyes at them. "Ako na lang ang pipili," she said to them.

"Ano yan? Mean Girls?"

Tawanan. "Haha. Last mo na yan Analeigh." She chose the movie Wreck-It Ralph from the movie folders. Yung TV kase nila is a smart TV. PC and television in one. Touch-screen pa!

Kaya naman hindi mapigilang makidutdot nina Eli at Keeme.

When the movie started playing, nagpaalam muna sa kanila ang dalaga. "I'll go get some popcorns."

"Pasama." Tumayo din si Keeme at sumunod sa kanya.

--

Nadaanan nila sa sala ang parents niya. Nanunuod ang mga ito ng TV. Meg was cuddled on Dani's arms. Nainggit na naman sya. Gusto nya kaseng ganun din ka-sweet sa kanya si Zelo. Kaso, asa naman sya. He'll never be as sweet as her dad.

He's sweet in his own way though.

Pumasok silang dalawa ni Keeme sa kusina. She took the kernels out the fridge and poured them on a platter, blanketed them with aluminum foil and popped them in the microwave.

"Magtimpla kaya ako ng juice?" tanong nya dito.

"May sasabihin ako."

Nilingon nya ito. "Oh? You want cheese o barbeque?" she asked.

"Dama gusto kita."


xxxx

AN: Kalma ulit ha. Hehe... naadik ako sa Wreck-It Ralph. Will watch it again some time. *u*



Continue Reading

You'll Also Like

107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
5.1M 145K 49
Nathalie Miru Mariano's Story August 8, 2015 - December 22, 2015
35.5K 1.9K 28
I can love him but I can't own him. I hate destiny for doing this to me. I wish that someday I have enough strength to own him not only to see him an...
3M 94.4K 52
This all about me and him.... and the magic. Collaboration with sarakasheee Wattpad Presents: April 13-17 on TV5 Book cover made by @minmaeloves