The Devil's Son

By Itst4sha

852K 11.6K 3.3K

"I don't care if I will fall in love with a devil .. as long as that devil will love me the way he loves hell... More

AUTHOR'S NOTE
CHAPTER ONE
DO NOT PROCEED
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
BASAHIN NIYO :)
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY-ONE
CHAPTER THIRTY-TWO
CHAPTER THIRTY-THREE
CHAPTER THIRTY-FOUR
CHAPTER THIRTY-FIVE
CHAPTER THIRTY-SIX
I : Ang Anim na Kasalanan
II : Ang Anim na Kasalanan
CHAPTER THIRTY-SEVEN
CHAPTER THIRTY-EIGHT
CHAPTER THIRTY-NINE
CHAPTER FORTY
CHAPTER FORTY-ONE
CHAPTER FORTY-TWO
CHAPTER FORTY-THREE
CHAPTER FORTY-FOUR
CHAPTER FORTY-FIVE
CHAPTER FORTY-SIX
CHAPTER FORTY-SEVEN
CHAPTER FORTY-EIGHT
OLD MESSAGES FROM MY READERS
UPDATE
CHAPTER FIFTY
CHAPTER FIFTY-ONE
CHAPTER FIFTY-TWO
CHAPTER FIFTY-THREE
TO ALL THE TDS FANS/READER

CHAPTER FORTY-NINE

400 8 4
By Itst4sha

It is better to conquer yourself
than to win a thousand battles.
Then the victory is yours.
It cannot be taken from you,
not by angels or by demons,
heaven or hell

Buddha

Read more at: https://www.brainyquote.com/quotes/

•••

THREE DAYS BEFORE HELL

(Note: Halos puro mura ang chapter na ito sa sobrang galit nang mga character. Basahin. Pero huwag gayahin.)


[KATHY'S POV]

Sabi nila, kapag hindi talaga para sa'yo ang isang tao ... hindi para sa'yo. Wag mo ng ipilit kasi masasaktan ka lang. The least that you can do is to let that someone go and move on. Siguro nga yon na ang kapalaran namin ni Damon. Hindi talaga kami ang para sa isa't isa. Siguro nga ito na yung naka tadhanang mangyari sa amin, sakin.

God knows how much we tried. We even conquered heaven and hell just to have a normal life, a normal relationship. Pero wala, destiny has its own way and it hurts as fvck.

Tatlong araw na lang 18th birthday ko na.

Tatlong araw na lang ... kamatayan ko na.

Gusto kong umiyak pero pagod na pagod na ako. Kahit naman lumuha ako ng dugo, hindi ko na maibabalik lahat. Minsan naiisip ko, kung babalikan ko yung araw na nakita ko si Damon, papangarapin ko pa rin kayang mahalin siya? O yung mahalin niya ako? Kakayanin ko kaya ulit yung lahat ng sakit na naramdaman ko? Siguro ...

Hindi na.

Minsan gusto kong magsisisi na nakilala ko pa si Damon. Minsan gusto kong magalit sa sarili ko. Kung hindi ko siya minahal at kung hindi ko pinilit ang sarili ko sa kanya, siguro namumuhay ako ng normal ngayon.

Hindi nga lang ako masaya.


"Do you want to go somewhere? Ipapasyal kita."

Hindi ko na namalayan na pumasok si Erick sa silid ko. Nakangiti siya sakin.

Sa mga nangyayaring 'to, ang kasal at ang kamatayan ko, dalawang tao lang ang makikinabang. Dalawang tao lang ang magiging masaya.

Si Erick at si Julia.

Mariin akong tumingin kay Erick. Naniningkit ang mga mata ko sa galit habang pinagmamasdan ko siya. Why did I ever listen to this damn demon? Bakit ako pikit-matang naniwala at umasa na magbabago ang katulad niya? Bakit ako nagbaka sakaling may natitira pang kabutihan sa puso niya? Bakit?

Dahil isa kang malaking tanga, Kathy!

Sigaw nang utak ko.

"Stop looking for humanity in me. All that was left in me was you." Aniya. "And leaving you was never an option."

Hindi ako natinag sa mga sinabi niyang iyon. Hindi naalis ang pagkakapako nang mga mata ko sa kanya.

"I don't want you to leave me Erick. I want you to die and suffer. I want you to feel every bit of hatred that I have."

Bumulanghit siya nang tawa.

"Don't rush things, my princess. Darating tayo riyan. Mamamatay ako. Mamamatay ka. Fair enough, right?" Saka siya muling tumawa.

Walang masama sa kamatayan. Lahat naman nang tao hahantong sa parteng iyon nang buhay nila. I just couldn't accept the idea that I have to die with this filthy devil. I'd rather die alone than to die with him.

"Okay, sige. Hindi na ako magsasalita pa nang kung anu-ano." Aniya habang pinipigilan ang pagtawa. "Kung ayaw mong lumabas, hindi na kita pipilitin. Just tell me what to do to make you feel less scared. We have 3 more days. Kahit anong kaya kong ibigay, ibibigay ko. Gagawin ko."

Isa na naman ba itong patibong?

O isa na namang sugal na hindi na ako dapat pang tumaya pa?

"I don't need it." Pagmamatigas ko.

"No tricks. Trust me."

"Set me free." Walanf pakundangan kong sabi sa kanya.

Umiling-iling si Erick habang nakangisi. "Except from setting you free, of course."

Inirapan ko siya. "Fvck you."

"Don't you want to see your Mom? Or ... Damon ... perhaps?"

Inhale.

Exhale.

Inhale.

Exhale.

Tumitibok na naman nang mabilis ang puso ko. Bakit ba tuwing si Damon ang nakataya, hindi ko maiwasang hindi makipaglaro sa demonyo?

"Okay. Hindi na kita pahihirapan pang mamili. I will let you see your Mom and Damon."

"And Sthep." Sabi ko.

"That's too much, my princess."

"Then get the fvck out of here. Sinasayang mo lang ang oras mo sakin."

Inalis ko ang tingin ko sa kanya at ibinaling iyon sa ibang bagay. Hindi ako tataya sa sugal na ito nang hindi ko makukuha nang kumpleto ang premyo. Hindi ko maaaring iisantabi lamang si Sthep. Siya lang ang kaibigan na mayroon ako. At gusto kong makapagpaalam sa isang kaibigan na hindi ako iniwan at alam kong hindi ako iiwan hanggang sa huli.

"Okay, you won." Bumuntong hininga si Erick. "Pinapayagan kitang makita sila."

"Na kasama ka?" Tanong ko.

"No." Tipid niyang sagot.

Pinigilan kong ngumiti. Sa ilang linggo kong pagkakakulong sa silid na ito ay ngayon lang ako nakaramdam ulit nang saya. Masaya ako kahit na alam kong panandalian lamang iyon.

"Then give me the car keys." Utos ko sa kanya. Alam ko namang hindi ko sila makikita nang ganun-ganon lang. Kailangan ko nang sasakyan. Simula noong mapadpad ako sa bahay na ito ay nawalan na ako nang lakas na dapat sana'y mayroon ako. Isa akong demonyo di ba? Pero yun lang ang mayroon ako, ang pagiging isang demonyo. Marahil ay inalis nang itim na anino ang lakas ko upang hindi ako makalaban. I don't have the strength to fight them. Isang bagay lang ang iniwan nila sa akin, yun ay ang buhay ko.
.
"You won't need it. Just close you eyes, my princess. Just simply close your eyes."

Nakangiti niyang sabi sakin. Palabas na siya nang silid nang muli siya nagsalita.

"By the way, wala na si Kurt. Wala na rin si Manang." Sabi ni Erick habang nananatili itong nakatayo sa pintuan.

"A-anong ibig mong sabihing wala na?"

"I need to take her soul to hell coz that's what I do. As for Kurt, he just suddenly vanished into thin air and never to be seen again."

Nanlumo ako bigla sa mga narinig ko. Bigla akong nahirapang huminga.

Nang isarado ni Erick ang pintuan ay saka lamang ako nagpakita nang kahinaan. Nanlambot ang mga tuhod ko at napaupo ako sa sahig.

Ubos na ubos na ang luha ko. Wala na halos akong mailuha pa. Pero dahil sa sobrang sakit at bigat nang nararamdaman ko, hindi ko pa rin mapigilang hindi umiyak.

"Is this what you fvcking want?! Huh?!" Sigaw ko habang nakatingin sa itaas. "I didn't stop believing in You! Naniwala ako Sa'yo dahil alam kong Ikaw ang pinakamakapangyarihan sa lahat! Pero anong ginagawa Mo?! Anong ginawa Mo?! WALA!!!"

Alam ko.

Hindi tamang kwestiyonin ang Diyos sa mga nangyayari. Pero wala na akong ibang masisi bukod sa sarili ko. Bakit Niya ako pinabayaan? Bakit Niya kami pinabayaan?

Ipinikit ko ang mga mata ko.

"Tulungan Mo ako. Please ... tulungan Mo ako." Nagsusumamo kong hiling sa itaas habang mariin na nakapikit.

Nang idilat ko ang aking mga mata ay napaatras ako sa gulat. Nasa tapat ako nang bahay namin. Sa bahay kung saan ako naging tao. Kung saan ko unang natutunang magmahal. Kung saan ko unang naramdaman ang salitang pagmamahal.

"M-Mama ..."

Nagmamadali akong pumasok sa loob nang bahay. Naabutan ko si Mama na naghahanda nang umagahan. Nakangiti ito pero malungkot ang mga mata. Naghain siya nang dalawang plato sa mesa.

Inilapag niya ang isa sa tapat nang upuan kung saan ako palaging nauupo noong bata pa ako.

"Oh Kathy, kumain ka nang marami ha." Anito habang nakangiti sa kawalan. "Niluto talaga iyan ni Mama para sa'yo."

Para akong sinaksak nang paulit-ulit habang pinagmamasdan ko si Mama. Tumakbo ako palapit sa kanya upang yakapin siya nang mahigpit. Pero laking gulat ko nang tumagos lamang iyon sa hangin.

"Mama! Nandito ako!" Sigaw ko.

"Darating ang Papa mo. Di ba gusto mo yon? Uuwi siya. Kaya dapat kumain ka nang marami para matuwa siya sayo. Ha?" Sabi pa nito. "Alam mo, nasasaktan ako tuwing nakikita kitang hinahanap ang Papa mo. Hindi ko masabi sa'yo na hindi ko iniwan ang Papa mo dahil lang sa dayaan sa eleksiyon. Hindi mo kasi maiintindihan dahil bata ka pa." Pagkasabi ni Mama noo'y bigla na lamang tumulo ang mga luha niya. Kasabay noon ay ang pagtulo rin nang mga luha ko.

"May ibang pamilya ang Papa mo. At mas pinili niya iyon kaysa sa ating dalawa. Mahal na mahal ko kayo nang Papa mo kaya hanggang sa huli, pinilit kong ipaglaban ang pamilya natin. Pinilit ko."

Humagulgol siya habang nangingining ang kanyang mga balikat. Matanda na si Mama. At hanggang ngayon ay dala-dala pa rin niya ang hinagpis na iyon sa dibdib niya.

Wala akong magawa kundi ang panuorin siyang umiyak.

"Patawarin mo na si Mama, anak. Umuwi ka na."

Bigla na lamang siyang napaluhod sa sahig. Sinubukan kong tulungan si Mama na makatayo pero hindi ko siya mahawakan.

"Mama, tama na."

Animo'y nakikipagusap ako sa hangin.

"Kathy, anak. Patawarin mo ako. Patawarin mo si Mama."

Ito ang pinagpalit ko sa kasakiman ko sa pag-ibig. Ito ang naging kabayaran sa sobrang pagmamahal ko sa isang tao.

Unti-unti kong naiintindihan kung bakit hindi sinasagot nang Diyos ang mga panalangin ko.

Bakit Niya nga naman pakikinggan ang hiling nang isang makasalanang tulad ko? Isang tulad ko na nararapat lamang na mabulok sa impyerno.

Continue Reading

You'll Also Like

173K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...