Love Calculation

By Pilyosopher

36.7K 1.4K 421

Ahuh! Ako na ang pasimuno sa magandang lovelife ng ate ko. Pero What happened to mine? Love is like a math pr... More

BLURB
PROBLEM 1 : The Past, the Fake Fiance and the Hidden Admirer
PROBLEM 2 : When is my time to shine?
Problem 3 : The Damian Conspiracy?
Problem 4: How to start again?
Problem 5 : How to win the game?
Problem 7 : How to train a child?
Problem 8: How to sell more?
Problem 9 : How to keep it hidden?
Problem 10: How to protect your beloved?
Problem 11 : How to lose your past?
Problem 12 : Break down the walls
Problem 13 : How to make a grand plan?
Problem 14 : When things start to get complicated.
Problem 15 : What happened?
Problem 16: Can I just melt right now?
Problem 17 : When your past comes back at you
Problem 18 : How to conceal the truth?
Problem 19 : When the truth is revealed
Problem 20: Will they reconcile?

Problem 6: How to end the nightmares?

1.7K 78 22
By Pilyosopher

Kinawayan ni Bitz ang isang kapapasok na binata habang siya ay naka-upo sa isang mesa malapit sa bungad ng isang sikat na restaurant.

Agad na nakita naman siya ng binata at nakangiting linapitan niya kung nasaan si Bitz tsaka umupo sa harapan nito. Hindi matanggal sa mukha ng binata ang ngiti na

halos kahawig ng ngiti ni Bitz.

"Kumusta JK?" tanong ni Bitz sa binata.

"Okay naman Kuya. Bihira lang na nakikipagkita ka sa akin huh. Anong meron ngayon?"

Uminom muna ng tubig si Bitz bago nagsimulang nagseryoso ang mukha niya. "May gusto lang sana akong tanungin."

"Ano yun?"

"Nagpunta ba si Gig sa inyo noon? I am guessing he found out about you." natahimik bigla si JK. "Did he?"

Huminga ng malalim si JK. "Yeah he did find out about us. Na kami ang pangalawang pamilya ni Dad but it was my mom he got to marry. Bigla siyang nagpakita sa bahay

noon and he looked shocked. I am younger than him and when he saw me, he looked at me with such anger." pag-amin ni JK.

"Tama nga ang suspetsa namin ni Nanay. He totally changed since that day."

"He really didn't know about us?" tanong ni JK. Umiling si Bitz.

"Hindi namin masabi-sabi sa kanya dahil sa laki ng galit niya kay Papa dahil iniwan niya ang Nanay namin. We didn't expect that he would look for him."

"Hindi kaya may kasalanan ako doon Kuya?" biglang nanlaki ang mata ni JK na para bang may naalala bigla.

"Huh?"

"I remember meeting with you before. We had lunch together, baka nakita niya tayo noon na magkausap." bakas ang pag-aalala sa mata ni JK. Agad na umiling si Bitz tsaka

tinapik ang balikat ng binata.

"Kapatid ka pa rin namin. Whatever happened is in the past. Why don't I introduced you to him personally?" alok ni Bitz.

"Huh?" gulat na reaksyon ni JK.

"Hindi ka nun kakainin. Dededmahin ka lang siguro pero maganda na rin yun para magkakilala na talaga kayo."

Umiling si JK at hindi sigurado sa ideya ni Bitz. "Hindi ako sigurado Kuya."

"Kuya mo rin si Gig. He will not hurt you. Sigurado ako diyan."

"Sigurado ka?"

"Oo! Tama na nga ang usapang ito at gutom na ako. Let's eat. Sa totoo lang kumain na ako pero alam mo naman ang appetite ko." tsaka tumawa si Bitz. Natawa na rin si

JK.

***

"Mukhang dumarami ang mga alipores mo." nakasimangot na itinuro ni Winter si Gig na nasa may counter. Nagtatakang napatingin si Gig kay Voice.

"Masanay ka na kay Winter. Siguro dun lang sa Yalec yan ngingiti." bulong ni Chill na napadaan sa likod ni Gig.

"Anong nakain mo Winter at sumulpot ka na naman?" pekeng nginitian ni Voice si Winter ngunit hindi siya pinansin nito kundi ay itinulak ng bahagya para makadaan siya

palapit kay Gig. Nang magkaharap na sina Winter at Gig ay nginuso nito na umalis sa upuan ang binata.

"Pinapaalis mo ako?" tanong ni Gig kay Winter.

"Alam mo pala eh."

Napakunot si Gig ngunit tumayo na rin siya dahil sa nanlilisik na mga titig ni Winter.

"Kumusta naman ang business?" tanong ngayon ni Winter kay Voice.

"Kumusta ang fan meet?" buwelta ni Voice.

"Fa-fan meet?" gulat na reaksyon ni Winter.

"Nakita kaya ka namin sa internet. Nagkalat mga litrato mo na nag-iisang anti-Venus fan sa mga fan meetings." paliwanag ni Chill.

"Hindi ako yun." pagtatanggi ni Winter.

"Ikaw yun." singit ni H na saglit na nagtaas ng ulo sa pagkakatulog niya sa usual spot niya. Dahil hindi alam ni Winter ang isasagot ay inirapan na lang niya silang

lahat.

"Mukhang mamalasin tayo ngayong araw." parinig ni Voice na umarteng nag-aayos ng mga damit.

"Matagal ka ng malas." buwelta ni Voice.

"Aba! Aba! Aba! Kung hindi ka lang kapatid ni Kuya Hale eh matagal na kitang kinaladkad sa kalye at sinabunutan." galit na sambit ni Voice.

"Kung hindi ka lang kapatid ni Ate Serene ay matagal na kitang pinadeath-squad." kalmadong sagot ni Winter.

Wala ng nagawa ang mga kalalakihan kundi ang pagmasdan ang bangayan ng dalawang babae. Kung paano naiinis si Voice habang mukhang walang paki-alam si Winter.

"Boss, tama na. You are family di ba?" pagpipigil ni Chill na minasahe pa ang likod ni Voice. Hindi naiwasan ni H at Gig na pagmasdan ang pagmamasahe ni Chill.

"Siya yung black sheep." tinuro ni Voice si Winter.

"Ok. No problem. Happy?"

"Urghh!" napasabunot na lang si Voice nang bumukas ulit ang pinto. Akala nila nung una kung isang kustomer na ang pumasok ngunit si Bitz pala ito.

"Oh! Anong meron? Bakit mo sinasabunutan ang sarili mo?" nginuso ni Bitz si Voice.

"May dumating na stress kasi Kuya." parinig ni Voice.

"Winter? Oh nandito ka rin?" pansin ni Bitz. Kinawayan niya si Winter ngunit hindi man lang siya tinignan ng dalaga.

"Kita mo na?" ani ni Voice.

"Bakit ka napunta dito Kuya?" tanong ni Gig na tinabihan si Voice. Napangiti naman si Bitz.

"You two look good standing side by side." pagbibiro ni Bitz kaya naman hinatak ni Voice si Chill para tumayo sa gitna nila ni Bitz.

"Stop joking around and just tell me why you are here." seryosong sambit ni Gig.

"Ah, may kasama ako."

Nagtinginan sina Voice habang may kinawayan sa labas si Bitz para pumasok. Pagpasok ng taong tinawag niya na si JK ay tila nabato si Gig at hindi makapaniwala sa

nangyayari.

"What are you doing?" pabulyaw na tanong ni Gig sa Kuya. Nagulat si Voice sa biglang pagtaas ng boses ni Gig.

"Bakit ka ba biglang nagagalit?" singit ni Voice. Sinulyapan saglit ni Voice ang kasama ni Bitz at mukhang natakot din siya sa biglaang pagbulyaw ni Gig.

"It's none of your business." tipid na sagot ni Gig.

Sa inis ni Voice ay nagpameywang siya at hinarap si Gig. "Baka nakalimutan mo, you are inside my business." sabay turo ni Voice sa boutique.

"Sino ba yang kasama mo Kuya?" tanong ni Voice kay Bitz.

Inakbayan ni Bitz si JK at inilapit pa ang binata sa kanya. "Wala ka bang nakikitang similarity?"

"Huh?"

"He is our half-brother." tipid at naiinis na sagot ni Gig na dali-daling nag-walk out pagkatapos. Sa inis pa ng binata ay nagawa niyang tinulak ang dalawa niyang

kapatid.

"Whoa! That was fierce." komento ni Chill.

"Ma-may kapatid pa pala kayong iba?" naglalakihan ang mga mata ni Voice na napatingin kay JK.

Tumango lang si Bitz. "Siya si JK. Kapatid namin sa ama."

"Hi!" tsaka nakipagkamayan si JK.

"Ipapakilala ko lang sa iyo ang mga kasama ko. He is H." sabay turo kay H na nakaupo. "This one is Chill."

"Nice to meet you." nakipagkamayan si Chill kay JK.

"Tapos yung babaeng nakayuko sa may counter at nakasuot ng earphones ngayon na parang baliw at nasa sariling mundo ay si Winter. Pang-akit ng kamalasan sa tindahan

namin." mahabang introduction ni Voice kay Winter na walang pakialam sa mga nangyayari.

Dahil nakuryoso si JK kung ano ang pinapanood o dinirinig ni Winter sa cellphone ay linapitan niya si Winter at pilit sinilip ang mukha niya.

"Huwag kang masyadong lalapit at baka kagatin ka." babala ni Voice.

"Hi! My name is JK!" nakangiting pakilala ni JK sabay lahad ng kamay niya sa harap ng mukha ni Winter. Agad na napakunot ng noo si Winter nang matakpan ni JK ang

screen ng cellphone. Sa inis ay tinapik niya ang kamay ni JK.

"Oh?" ibinalik ulit ni JK ang kamay at tinakpan ang screen ng cellphone. Sa inis ngayon ni Winter ay padabog niyang ibinaba ang cellphone at nagtaas ng ulo.

"Ano ba!" bulyaw ni Winter nang nakangiti pa rin sa kanya si JK kaya napakunot siya ng noo. "Anong nginingiti-ngiti mo?"

"Magpapakilala lang sana."

"Huh?"

"Tanggalin mo kasi yang earphones mo." sabay turo ni JK sa tenga ni Winter. Tinanggal ngayon ni Winter ang earphones.

"Ngayon?"

"Hi! My name is JK. Kapatid ko si Kuya Bitz at Gig." pakilala ulit ni JK na inilahad ulit ang kamay.

"Ok. Nice to meet you." at walang pakundangan ibinalik ulit ni Winter ang earphones at napayuko ulit para manood sa cellphone niya.

"Huwag mo na siyang istorbohin at hindi gagana ang kagwapuhan mo sa kanya." singit ni Voice sa likod ni JK sabay hatak sa binata palayo.

"Huh? Ba-bakit?"

"Nakita mo yung pinapanood niya? Pelikula yun ni Kuya Yalec. Obsess yan dun at kung ma-obsess yan ay naku hindi ka tatantanan. Kaya mag-ingat ka kung na-obsess yan sa

iyo ay siguradong masisira ang buhay mo." babala ni Voice.

"Ah..." patango-tango si JK.

"Pasensya na JK sa ugali ni Gig kanina huh." singit ni Bitz.

"Ok lang yun Kuya. I told you he still has a big grudge."

"Akala ko lang talaga kung kahit konti lang ay magiging mabait siya dahil maraming tao ngunit mali rin ako." malungkot na sambit ni Bitz.

"No worries."

"Kung gusto mo eh pwede ka ng mauna. Kailangan ko lang kausapin si Voice saglit." itinuro ni Voice ang sarili nang mabanggit ang pangalan niya.

"Ok. See you guys next time!" tsaka nakangiting nagpa-alam si JK.

"Kailangan nating mag-usap Voice." alok ni Bitz.

"Private?"

Tumango si Bitz.

"Aalis lang muna ako. Bantayan niyo muna ang boutique huh."

Sa isang malapit na cafe nagpunta sina Bitz at Voice para mag-usap. Hindi rin kataka-takang nakakakuha ng atensyon si Bitz mula sa mga kustomer na nagpupunta sa

naturang cafe.

"Wow! Head turner ka rin kasi eh." pagbibiro ni Voice.

"Nasa genes. You fell for one."

"That's in the past."

"Voice, gusto kong pag-usapan natin yung past niyo." inilapit ng bahagya ni Bitz ang sarili.

"Huh?"

"Alam ko na ang nangyari noon. I can explain what happened to the both of you."

"Kuya, hindi mo na kailangang ipaliwanag sa akin. Tapos na yun. Hindi rin naman kami noon. Parang one sided love affair nga lang yun." bakas ang pagkalungkot sa tinig

ni Voice.

"You saw JK di ba? He is our half-brother pero Gig never knew about them. Ang Nanay namin ang nauna pero hindi siya ang pinakasalan ng tatay namin. Iniwan niya ang

Nanay namin para sa nanay ni JK. Gig felt betrayed and angry." paliwanag ni Bitz.

"Kuya, sa totoo lang ay hindi sapat ang sitwasyon ng pamilya niyo para iwanan mo na lang ng basta-basta ang taong mahal mo yun ay kung minahal niya nga ako." seryosong

sagot ni Voice. "Alam kong nakakagalit nga para kay Gig yung sitwasyon pero hindi ba mas maganda sana kung sinabihan niya ako? Kung pinagkatiwalaan niya ako na

makikinig sa kanya? Kung hinayaan niya akong damayan siya?"

Natahimik si Bitz dahil may punto si Voice.

"Sa totoo lang ay siguro maganda na rin yung nangyari sa amin. Nagising ako sa katotohanan. Tama na siguro yung ilang taon na paghahabol ko sa kanya." dagdag pa ni

Voice.

"Wala ka na bang feelings para kay Gig?" malungkot na tanong ni Bitz. "I'm asking this because I saw how devastated he was when he left you."

"Eh tanga pala siya eh. Iiwan ako tapos aarteng nasasaktan? Nakita mo ba ako nung iniwan niya ako? Kuya, yung mundo ko noon eh nasa kanya umiikot! Para akong isang

planetang biglang nawalan ng orbit. Hindi ko alam ang direksyon na tatahakin ko. Naisip niya ba yun?" nagsimula ng tumulo ang luha ni Voice.

"I-I am sorry Voice. Hi-hindi ko alam." napayuko si Bitz.

"Siguro Kuya mas maganda kung hindi mo na rin ako kukulitin para makipagbalikan sa kanya kahit na sabihin man natin na gusto ni Gig na makipag-ayos. Gusto ko ng

magmove-on. Kakahanap ko lang ng bagong mundong iikutan ko, ayoko ng mawalan ulit." tsaka tumayo si Voice at aalis na sana nang nakatayo sa likuran niya si Gig at

umiiyak.

"Narinig mo lahat?" suminghot si Voice at tumango naman si Gig. "Mabuti kung ganon. Ngayon alam mo na, na hinding-hindi na kita bibigyan ng second chance." tsaka

tuluyang naglakad paalis ng cafe si Voice habang tila pinagbagsakan ng langit at lupa si Gig.

"I screwed up Kuya." tumutulo ang luha ni Gig na napatingin kay Bitz. Agad na tumayo naman si Bitz at yinakap ang kapatid. Pinagtitinginan man sila ng mga tao ay hindi

na pinansin ito ng magkapatid.

***

Pagkabalik ni Voice sa Queen Esther Boutique ay sinigurado niya munang hindi mahahalata na napaiyak siya nang pagpasok niya ay nagulat siya sa presensiya ni Don

Hector.

"Do-Don Hector?" gulat na reaksyon ni Voice.

"Kumusta Hija!" tsaka tumayo si Don Hector gamit ang tungkod na dala at yinakap si Voice.

"Ba-bakit ka po nandito?" napatingin si Voice kay H na mukhang inis na inis sa isang gilid.

"Gusto ko lang na ilibre ka sana syempre kasama ang aking apo. May dalawa pa namang maiwan sa boutique niyo. Okay lang ba?" nginitian ni Don Hector si Voice.

Sumenyas si Chill na okay lang sa kanya ngunit nakasimangot si Winter sa ideya.

"Ah-eh."

"Tayo na! Umayos ka na Hunter." biglang utos ni Don Hector. Wala nang nagawa ang dalawa nang hinatak sila ni Don Hector palabas ng boutique.

"Saan niyo ba kami idadala Don Hector?" tanong ni H nang isakay sila ni Don Hector sa dala nilang sasakyan.

"Tara na Jose." utos ni Don Hector sa driver niya.

"Sa tingin mo, saan tayo dadalhin?" tanong ni Voice kay H. Umiling si H.

Nagulat na lang ang dalawa nang sa isang hospital sila dinala.

"Anong ginagawa natin dito Don?" tanong ni H ulit.

"Tumahimik ka na lang at sumunod kayong dalawa sa akin." diin ni Don Hector. Wala nang nagawa si Voice at H kundi ang sumunod sa matulin na paglalakad ni Don Hector.

"Fertility Test!" malakas na reaksyon ni H at Voice nang malaman nila ang pakay sa hospital.

"Aba! Syempre dapat masiguro ko na magkakaroon ako ng apo sa tuhod sa inyong dalawa." sabay ubo ni Don Hector at tingin sa kisame na para bang napapanaginipan na niya

ang mga apong nagsisitakbuhan papalapit sa kanya.

"Baliw ka na ba Don?" naglalakihan ang mga mata ni H sa Lolo.

"Baliw na kung baliw. Itetest lang naman yung semilya mo habang tatanungin lang si Voice ng ilang mga tanong." umubo ulit si Don Hector.

Wala na ring nagawa ang dalawa at nakita na lang ni Voice ang sarili na nasa harapan ng isang doktor.

"Nabuntis ka na ba dati?" tanong ng doktor.

"Huh? Aba! Virgin pa ako Dok!" matinis at namumula na sagot ni Voice.

"Birth control methods?"

"Virgin nga po ako."

Hindi naman siya pinansin ng doktor.

"Hindi ka ba naniniwala sa akin?" linapitan ni Voice ang doktor.

"Bihira na yan ngayon. Iba na ang kabataan ngayon. Kung sino pa ang virgin yun pa ang tinatawanan ng tao." seryosong sagot ng doktor.

"Isa ako dun sa tinatawanan Dok." ilang beses na kinabog ni Voice ang sariling dibdib.

"May record ka ba ng sexually transmitted disease?"

"Aishh! Kainis ka Dok! Sinabi ng virgin ako. V as in virgin! Paano ako makakakuha ng std kung hindi ko pa naranasan yang mga tanong mo?" nasabunutan na ni Voice ang

sarili.

"Pwede yun malipat sa dugo." kalmadong sagot ng doktor.

Umiling-iling na lang si Voice.

Paglabas niya ay nakita niyang tila naalisan na ng kaluluwa si H na nakaupo sa isang gilid habang tumatawa si Don Hector sa tabi niya.

"Anong nangyari sa kanya?" tanong ni Voice at biglang namula si H.

"Wa-wala! Huwag kang magsasalita Don." babala ni H sa lolo.

Tumatawang itinaas ni Don Hector ang kamay sa pagsuko.

"Teka di ba sperm test yung ginawa sa iyo? Paano-"

"Shut up!" pagpuputol ni H kay Voice.

"Huwag mo na siyang tanungin Hija at nahihiya lang siya. Bumili kanina ako nang malalaswang magazine para sa kanya." pagbibiro ni Don Hector.

"Don!" bulyaw ni H na mas lalong namumula ngayon. "I won't come here ever again."

"Buti na lang malusog ang apo kong si Hunter. Parang hose ng bumbero yung labas. Woosh! Woosh!" tumatawang pagtutukso ni Don Hector sabay tawa sa apo. Pati si Voice ay

hindi na rin napigilan ang pagtawa.

Pagkabalik ni Voice at H sa sa tapat ng boutique ay binalaan siya ng binata.

"Huwag mong ipagkakalat kung saan tayo pumunta at kung ano ang ginawa natin."

"Hi-hindi ah." namumulang sagot ni Voice.

"Mabuti." tsaka naunang pumasok si H.

Papasok na sana si Voice nang tumunog ang cellphone niya kaya sinagot niya muna ito.

"Bakit Ma?"

"Voice, huwag kang magugulat sa sasabihin ko at huwag mo munang sasabihin sa ate mo huh."

"Ano ba yun? Mag-aasawa ka na?" pagbibiro ni Voice.

"Hindi!" bulyaw ng Nanay niya sa kabilang linya. "Yung tatay mo."

"Si Tatay?" kinutuban si Voice.

"Nakalaya na raw siya. Nabalitaan ko lang sa kapitbahay natin na may nakakita raw sa kanya tapos nagtanong ako sa kulungan at nung isang buwan pa raw nakalaya ang

Tatay mo." sa gulat ni Voice ay walang kabuhay-buhay na nabitawan niya ang cellphone.

"Bakit ba lahat ng masasamang memorya ay pilit bumabalik?" tanong ni Voice sa sarili.

Continue Reading

You'll Also Like

697K 8K 37
- COMPLETED - BABALA: Ang aklat na iyong mababasa ay Rated SPG. Istriktong patnubay at gabay sa iyong puso ang kailangan. ‼️mature contents; read at...
1.1M 51.7K 66
[Highest Rank Achieved #15 in Humor as of October 8 2018; #24 in adventure, #3 in Babysitter] Volume 2 of The Badass Babysitter is now completed.
11.4M 482K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!
15.6M 364K 71
JAGUARS' SERIES 1: Shieldler John Wright Highest Rank: #1 in School #2 in Humor Si Hannah makulit, laging naka-smile, may pagka-engot sa mga simpleng...