Surrender

By sweet_aria

5.9M 124K 7.1K

Challenges, pains, heartbreaks. These are inescapable things that every person would experience in reality. S... More

Surrender
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 9

100K 2.2K 133
By sweet_aria

Chapter 9

"Shit, ang gwapo talaga nila!"

Dinig kong bulong ng isa sa mga babaeng katabi ng table kung saan kami nakapwesto. Pinapanood nila ang mga Dela Vega habang kumakain.

"Look at Phoenix, Millie."

Nilingon ko si Geneva. Nasa harap ko siya at panaka-naka'y tinitignan din sina Phoenix.

Dalawang araw na ang nakararaan simula noong birthday ni Phoenix. Balik na din sa dati ang lahat. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari noong birthday niya. Pati ang ginawa niyang pagyakap sa akin ay pala-isipan pa din.

Muli kong ibinalik ang tingin sa mga Dela Vega. Kahit ba talaga sa pagkain ay nakakakuha sila ng atensyon? Lalo na itong nasa harapan ko ding si Cassia, na walang humpay sa paninitig kay Hiro.

"Panigurado, tunaw na si Hiro maya-maya." Naiiling na sabi ni Monica na busy sa pagkain. Katabi ko siya.

"Millicent, tignan mo si Phoenix!" Ulit ni Geneva.

Tinignan ko si Phoenix. Sa gilid ng kanyang labi ay may bahid ng sauce ng kung anuman ang kanyang kinakain. Some girls were literally freaking out and that's the reason. May isang grupo na nga ng mga babae ang nagtutulakan para lumapit sa table ng mga Dela Vega. Nakita ko rin sa kamay ng isa sa mga ito ang hawak na tissue.

Palapit na sana ang mga ito nang biglang tumayo si Monica. Umikot siya at lumapit kay Phoenix. Nanlaki ang aking mga mata pati na rin ang mga Dela Vega nang makita si Monica, maliban kay Phoenix na hindi yata namalayan ang presensya niya.

"What is she doing?" Gulat na tanong ni Cassia.

Mahinang mura ang lumabas sa bibig ni Geneva.

Tumikhim si Monica. "Phoenix."

Nilingon ni Phoenix si Monica. Ngumiti ang bestfriend ko at inilahad ang kanyang panyo kay Phoenix.

"You have a smear of sauce here." Turo niya sa gilid ng kanyang labi.

Ngumiti si Phoenix at kinuha ang panyo sa kamay ni Monica. Kitang-kita ko ang pagpula ng pisngi ng bestfriend ko na nagdulot ng kaba sa akin.

Bumalik si Monica sa tabi ko na halatang nanginginig ang mga tuhod. Hindi ko alam kung paano ako magrereact. I know Monica so well! Hindi man siya magsalita ay alam ko na kung bakit niya iyon ginawa. Wala siyang sinumang lalaking nilapitan. Sinabi niya sa akin dati na maglalakas lang siyang lumapit sa isang lalaki kapag gustung-gusto niya ito. May mga nanliligaw kay Monica pero lahat ay bigo.

"Monica..." Tawag ni Geneva. "Are you out of your mind? Why did you do that?"

Lumunok si Monica. Nag-iwas ako ng tingin nang akmang titingin na siya sa akin. Uminom ako sa aking baso. Hindi ko na mapigilan ang pagbangon ng inis sa akin.

"Do you like-"

"I just wanted to help him, Gen." Tumikhim siya. "That's all."

Tapos na ang lunch break ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari. I was observing Monica the whole time. Sa klase ay wala akong naramdaman kundi ang matinding pagkabahala dahil hindi nga ako nagkamali. Monica's eyes were always on Phoenix.

Mali ito. Maling-mali.

Kaya nang mag-uwian ay nagpahuli ako ng paglabas. Maging sina Geneva at Cassia ay nanatili sa room. Sa labas ng room ay nandoon ang mga Dela Vega. Tumingin sa gawi namin si Phoenix. Saglit lang ang pagtatagpo ng mga mata namin dahil agad akong nag-iwas.

Nilingon ko si Monica. Tumikhim ako nang mahuli siyang nakatingin sa direksyon ni Phoenix. "Monica..."

"Alam ko kung bakit kayo nagpaiwan dito." Nilingon niya kami, tipid siyang ngumiti. Sa mga mata niya ay halata ang kaba. "Simula first year ay hindi pa ako nagkagusto sa kahit kaninong lalaki. Wala kasi sa isip ko iyon. Sa ating apat ay kayo lang ang may nagugustuhan. But..." She trailed off. "I have one now."

Suminghap ako. Sina Geneva at Cassia ay natahimik sa pag-amin niya.

"Not... not him please, Monica." Basag ni Geneva sa katahimikan. "I hope it's not him." Napaupo siya.

"Sino Monica?"

Lalo akong kinabahan sa tanong ni Cassia. Mahinhin na ngumiti si Monica. Gusto ko nang lumabas dahil natatakot ako sa maaari niyang isagot. Alam ko na ang sagot pero ayokong marinig ito mula sa kanya.

"Phoenix Elizer Dela Vega." She voiced out.

Pakiramdam ko ay nanlaki ang ulo ko sa narinig. Tama ako. Goodness, siya ang gusto ni Monica!

"Wala namang may gusto sa inyo kay Phoenix 'di ba?" Puno ng pag-asa niyang tanong. "Wala-"

"No, Monica! You can't like him!" Putol sa kanya ni Geneva.

Kinagat ko nang mariin ang ibabang labi. Natatakot ako para sa kanya. Kahit ang mga kaibigan namin ay alam kong iyon din ang nararamdaman.

"You can't like him. He's in love with someone, Monica!" Tumayo si Geneva at mabilis na dinampot ang kanyang bag. "Shit, this can't be!"

Tuluyan nang lumabas si Geneva sa kwarto. Si Cassia naman ay natulala sa tabi. Umupo si Monica sa kanyang upuan. Pinahid niya ang luhang tumulo sa kanyang pisngi.

"Monica, bakit siya?" Tanong ni Cassia nang mahimasmasan. "Sigurado ka ba talagang si Phoenix ang gusto mo?" Tumingin siya sa akin.

Malungkot na ngumiti si Monica. Muling tumulo ang luha niya at hindi ko na napigilan ang yakapin siya. "Why, Cassia? Does... Gen like him?"

Maging ako ay nagtataka dahil sa sinabi ni Geneva kanina. Sa tono niya ay nandoon ang takot at matinding pagtutol.

"No, no Monica..." Tumungo si Cassia. Umiling-iling siya at ako ay patuloy sa pagtahan sa bestfriend ko. "But like what Gen said, you couldn't like him. This may damage something. Trust me, this can damage something."

Umalis si Monica sa yakap ko. Hinarap niya si Cassia, magsasalita na sana siya pero hindi na siya hinayaan nito dahil nagsimula na itong tumakbo palabas ng room. Napagitnaan kaming dalawa ng katahimikan.

Hanggang sa napagpasyahan naming umuwi ay walang sinuman sa aming dalawa ang nagsalita.

"Millie, we need to talk later." Bulong ni Geneva kinabukasan habang binubuklat nang dahan-dahan ang kanyang libro. Mukha siyang wala sa sarili.

"Yes, Gen kailangan nating mag-usap." Walang emosyon kong sabi. Ayoko mang maging malamig pero hindi ko mapigilan.

Si Monica ay walang tigil ang tahimik na pag-iyak kahapon. Naaawa ako. Maging ako, katulad ni Geneva ay ayaw ko na magustuhan niya si Phoenix pero alam kong wala kaming karapatan para patigilin si Monica. Wala kaming kakayahan na patigilin ang nararamdaman niya para dito. Pero hindi ko rin nagustuhan ang inasta ni Geneva kahapon.

Tipid siyang ngumiti. "Now you're mad at me huh Millie?" Umiling siya at inalis ang paningin sa akin.

Bumuntong-hininga ako nang mapagmasdan ang paglarawan ng lungkot sa mga mata niya. Hindi na kami nag-imikan sa buong araw ng klase.

"At the gym." Bulong sa akin ni Geneva nang dumaan siya sa harapan ko. Nilingon niya ang tahimik na si Monica na nag-aayos ng kanyang gamit para makauwi na din. Lumabas siya ng room.

Kumalat ang lungkot sa dibdib ko. Hindi ako makapaniwala na nangyayari ito. Masyadong mabilis ang pangyayari at dumating kami sa punto na ganito. Ngayon lang kami nagkatampuhang apat. Hindi ko rin maintindihan kung bakit dumating sa punto na hindi nila pinapansin si Monica.

Hinatid ko sa parking lot si Monica.

"Mag-ingat ka ha?"

Tumango siya at hinalikan ako sa pisngi bago sumakay sa kanilang kotse. "Are you sure hindi ka sasabay? Gabi na Millie."

Umiling ako at nginitian siya. Ngumuso ako nang makita ang muling paglungkot ng kanyang mga mata.

"Smile gorgeous. Hindi ako sanay na nakikitang malungkot ang bestfriend ko. Don't worry, papansinin ka na ng mga 'yon bukas." Tukoy ko sa mga kaibigan namin.

Isinara na niya ang pinto ng kotse. Nang umandar ang kanilang kotse ay saka lang ako naglakad papuntang gym.

"Geneva, Cassia!" Tawag ko nang makapasok sa gym.

Tumayo sila galing sa pagkakaupo at sinalubong ako. Ibubuka ko na sanang muli ang bibig para itanong kung ano ang pag-uusapan namin, nang makita ko mula sa kanilang likod ang isang lalaki.

Kinabahan ako sa hindi malamang dahilan.

"Bakit siya nandito?"

Nagkibit-balikat si Geneva. "I told him to go home but he said he wanted to see you." Nilingon niya si Phoenix.

Kumunot ang aking noo. Tumingin akong muli kay Phoenix. Nilampasan ako nila Geneva. Hahawakan ko sana ang kanyang braso pero napigil ako ni Phoenix sa bigla niyang paghawak sa kamay ko.

"Let them go. I want to talk to you." Seryoso niyang sabi.

Inalis ko ang kamay niyang humawak sa akin.

"Wag niyo akong iwan dito." Hinarap ko ang mga kaibigan ko. "Gen, don't leave me here. I want to talk you about Monica."

Umikot si Geneva at malungkot akong hinarap. Si Cassia ay tahimik lang sa tabi habang pinapanood kaming dalawa.

"I don't like him if that's what you're thinking." Kahit hindi siya nagbanggit ng pangalan ay alam kong si Phoenix ang tinutukoy niya. Kinagat niya ang ibabang labi at nag-iwas ng tingin. "Si Sid ang gusto ko at alam mo 'yon."

"Pero... bakit galit na galit ka kahapon?" Nalilito kong tanong.

"Because as I've said, this could ruin something. But don't be mad at me, I don't like the same guy."

Tumingin siya kay Phoenix bago tumalikod at tuluyan akong iwan. Sumunod sa kanya si Cassia.

Aalis na rin sana ako nang tumikhim si Phoenix. "Binibini..."

Hindi ako kumilos. Naramdaman ko na lang ang paglakad niya papunta sa harapan ko. Pilit kong iniwas ang mga mata sa kanya pero bigla na lang niyang hinawakan ang baba ko. Ikinagulat ko iyon.

"Avoiding doesn't make sense."

Tuluyan ko na siyang tinignan. Kumunot ang aking noo nang makita ang lungkot sa mga mata niya.

"Know what? Just like you, I already tried avoiding someone but it's not working."

Inalis ko ang kamay niya sa aking baba. Nalilito sa mga pinagsasabi niya.

"Phoenix, I'm sorry but I need to go-"

"And that someone doesn't really care about me huh?" Umiling siya at iniwas ang tingin sa akin. "How can I make you care even just a bit, binibini?"

Napigil ko ang aking hininga. I don't know why he's saying these. Tama siya, matagal ko na siyang iniiwasan dahil naiinis ako sa kanya. Noong birthday niya lang talaga ako tumigil sa pag-iwas dahil kailangan at dahil ayaw ko siyang biguin bilang kaklase.

"It's already December. Yet, I'm still craving for someone's attention."

"Phoenix anong sinasabi mo? Hindi kita maintindihan-"

"Akala ko sa dalawang araw na wala si Nigel makukuha ko ang atensyon mo. Akala ko malalapitan kita. Pero tang ina, nababading ako 'pag nakikita na kita." Putol niya sa pagsasalita ko. "All I want is to confess. All I want is to capture your attention. All I want is to make you like me as how I like you. Pero hindi naman ganun 'di ba? Hindi mo kayang turuan ang isang tao na gustuhin ang taong kinaiinisan mo."

"Phoenix, I need to go. I'm sorry pero gumagabi na-"

"Tang ina Millicent pakinggan mo naman ako! Hangga't wala pa ang lalaking gusto mo... hayaan mong magtapat ang lalaking nagmamahal sayo!"

Napasinghap ako sa pagtaas niya ng boses at sa laman ng mga sinabi niya.

"I love you, binibini. I fucking love you! If you're gonna ask me why I hugged you that night, it's because I wanted you to be the best give I could ever hold, I could ever receive."

Hindi ako nakapagsalita. Kinagat ko nang mariin ang ibabang labi at umiwas sa mga mata niyang titig na titig sa akin.

Anong ginagawa niya? Ganito ba ang paraan niya kapag may babae siyang gustong idagdag sa listahan niya? Kung oo, bakit ako? Bakit pati ako ay gusto niyang isali?

Nagpilit ako ng ngiti at tinapik ang kanyang pisngi.

Nilagpasan ko siya at nagsalita. "Don't add me to your list of playthings. I am not one of them. Fourth year highschool pa lang tayo, Phoenix." Nilingon ko siya. "I don't enter relationship at this early age. Priority ko ang pag-aaral at ang pamilya ko. At kung gusto mo ng babaeng paglalaruan 'wag ako. Panget ako, mahirap pero hindi ako tanga para magpaloko."

Tuluyan na akong humakbang palabas ng gym nang biglang may humarang sa akin. Apat na lalaki at agad ko silang namukhaan. Sila Lawrence, Michael, Colton at Bradley. Hawak ni Lawrence at Michael ang isang nakarolyong tarpaulin, si Colton naman ay may dalang bouquet ng bulaklak at si Bradley ay isang box ng chocolate.

Nanlaki ang mga mata ko nang tanggalin nila Lawrence at Michael mula sa pagkakatiklop ang tarpaulin. Napatakip ako sa bibig nang mabasa ang laman nito.

'Pwede ba kitang ligawan, binibini?'

"Too late, dudes. Basted na ako hindi niyo pa napapakita 'yan." It was Phoenix.

Ramdam ko na nasa likod ko na siya. Nilagpasan niya ako at kinuha ang mga bagay na hawak ng kanyang mga kaibigan. Seryoso ang mukha niya pero hindi na niya ako tinitignan.

"Lawrence, paki-hatid si Millicent."

Tumikhim ako. Ayokong maging rude sa paningin niya pero hindi ba't mas masama siya dahil sa ginawa niya?

Lumapit sa akin si Lawrence. "Tara Millie-"

"Hindi na kailangan, Lawrence. Kaya ko namang umuwi. Malapit lang ang bahay namin."

Hindi ko na hinintay na may magsalita pa sa kanila. Naglakad ako paalis doon at sumakay ng jeep para umuwi. Nakarating ako sa bahay ng wala sa sarili.

Sinalubong ako ni Nymph na agad humalik sa aking pisngi. Dumiretso ako kay Tatay at nagmano sa kanya.

"T-tay, wala ka pong pasok?"

Umiling siya at pinagmasdan ang mukha ko. Kumunot ang kanyang noo.

"Kauuwi ko lang. Bukas maaga ako dahil may pupuntahan ang mga amo ko." Inakbayan niya ako at iniupo sa settee. "May problema ba anak?"

Humilig ako sa balikat niya. "Tay, paano mo ba malalaman kung seryoso ang isang lalaki?"

Naramdaman ko ang pagkabigla niya sa tanong ko. Bumuntong-hininga ako at umalis sa pagkakahilig sa kanya.

Lahat ng sikreto ko ay alam ng tatay. Kaya kahit wala akong ideya sa posible niyang maging reaksyon ay sinabi ko pa din.

"Tay may lalaking nagtapat sa akin, sinabi niyang gusto niya ako." Lumunok ako at pumikit. "Pero gusto siya ni Monica. Playboy siya tay."

"Hindi ka naniniwalang gusto ka niya?"

Tumango ako.

Bumuntong hininga siya at hinalikan ako sa noo. "Kapag kaya kang titigan ng lalaki habang nagtatapat siya, ibig sabihin niyon ay seryoso siya. Ngunit kapag hindi naman siya makatingin ay hindi ibig sabihin niyon ay hindi na siya seryoso, maaaring kinakabahan lang siya."

Ngumuso ako at tipid siyang tumawa.

"Ang ibig kong sabihin, ang puso mo lang ang makakaramdam kung seryoso ang isang tao, kung totoo ang mga salitang lumabas sa bibig niya."

Tumayo siya at kasabay niyon ay ang pagdating ng nanay. Malaki ang kanyang ngiti nang lumapit sa tatay.

"Naka-ubos ako agad. Pinakyaw ng gwapong binata iyong mga mani." Tumungo siya at hinalikan ako sa noo. "Naaawa nga ako dahil mukhang problemado iyong si hijo. Ang gwapong bata pa naman. Sinabi niyang basted siya." Dire-diretsong kuwento ng nanay.

Nagmano ako sa kanya. Dumiretso ako sa kwarto ko pero bago ko tuluyang isara ang pinto ay narinig ko pa ang pagsasalita ng nanay.

"Naaawa talaga ako doon kay hijo. Sinabi ko na lang na baka hindi sila ang para sa isa't-isa niyong babaeng nagugustuhan niya."

"Anong pangalan, mahal?" Tanong ng tatay.

"Phoenix."

Continue Reading

You'll Also Like

45.6K 690 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
4.3M 79.6K 26
"Promises are meant to be broken Ericka, That is reality.." I know that now Andrei. I know it perfectly well. That is why I will never fall again wi...
442K 21.9K 53
Cheaters Club #1: Chasing Chances Started: June 22, 2020 Completed: May 25, 2022
9K 89 1
Perseus Samael Suarez -- VIP Start: November 27, 2023