[GFFH Book 2] : OFFICIALLY HI...

By Yam-Yam28

62.9M 593K 160K

COMPLETED I NO SOFT COPY I Book two ng Girlfriend for Hire ^__^ More

[GFFH Book 2] : OFFICIALLY HIS GIRLFRIEND PROLOGUE
CHAPTER 1- Two Years Later...
CHAPTER 2- Celebrating our SECOND ANNIVERSARY
CHAPTER 3- Meet BRYAN CLYDE GO.
CHAPTER 4- One EPIC DAY
CHAPTER 5- When WORSE comes to WORST
*SPECIAL CHAPTER: The SY BROTHERS
CHAPTER 6- COMMUNITY SERVICE for IDIOTS
*SPECIAL CHAPTER: POTATO CHIPS and PSP
CHAPTER 7- HATE that I LOVE YOU
*SPECIAL CHAPTER: ALICE in Bryan's Land
CHAPTER 8- New ArRIVALS
CHAPTER 9- CONFLICTS THERE, CONFLICTS EVERYWHERE
*SPECIAL CHAPTER: Just the way I'M NOT
CHAPTER 10 - LOST
*VenTo CHAPTER: HANG OVER
CHAPTER 11- Won't GO HOME without YOU
*SPECIAL CHAPTER: RAIN + CLOUD = ?
CHAPTER 12- Just another chapter..
*SPECIAL CHAPTER: Another Day w/ the SY BROTHERS
CHAPTER 13- THE BARTENDING INCIDENT
CHAPTER 14- How ABNORMAL Couples Date.
CHAPTER 15- Boy Problems
CHAPTER 16- FLASHBACKS FROM THE PAST
CHAPTER 17- Something is COMING.
*VenTo CHAPTER: " IF YOU EXIST "
CHAPTER 18- I HATE THIS!
CHAPTER 19- DANCES and TEARS and..What?!
CHAPTER 20- Kenneth Sawada (Ken)
CHAPTER 21- Pre-Ballroom Sh*t
CHAPTER 22- Slipping Away
CHAPTER 22.5- Slipping Away (Part 2)
CHAPTER 23- Breaking Down
CHAPTER 24- Merciless Hearts
CHAPTER 25- Deja Vu
*VenTo CHAPTER: BAD Enough For You
CHAPTER 26- Foundation Week Blues
*SPECIAL CHAPTER: How I Met Our Driver
CHAPTER 27- Revelations
*VenTo CHAPTER: The Mysterious Case of Tommy Michael Lopez
CHAPTER 28- 2nd Semester
CHAPTER 29- It's a Messy Chapter
CHAPTER 29.5- It's a Messy Chapter (Part 2)
CHAPTER 30- It's just a NORMAL DATE--or NOT.
*ThirTie CHAPTER: You LOST Me...
CHAPTER 31- Weird.
CHAPTER 32- OPERATION: Let's Get You Back Together!
CHAPTER 33- Attack of the RIVALS!
*MerCy CHAPTER: BACK FOR GOOD
CHAPTER 34- The Beginning of the End
CHAPTER 35- LAYARTEB
CHAPTER 36- Go Away!
CHAPTER 37- I won't give up.
CHAPTER 37.5- I won't give up. (part 2)
CHAPTER 38- How to SEDUCE a girl.
*ThirTie CHAPTER: Six Degrees of Separation
CHAPTER 39- Chasing Cars
CHAPTER 40- Switch
CHAPTER 41- Black Knight
CHAPTER 42- Black Knight #2?
CHAPTER 43- M E M O R I E S . . .
CHAPTER 44- Fall for me again!
CHAPTER 45- One Sided Love
*ThirTie Chapter: It's Over--- or so I thought.
CHAPTER 46- Battle of the Black Knights
CHAPTER 46.5- Battle of the Black Knights (part 2)
CHAPTER 47- What Should I do?
CHAPTER 48- GET BACK
CHAPTER 49- FOR THE FIRST TIME
CHAPTER 50- And this LOVE hurts..
CHAPTER 50.5- And this LOVE hurts.. (PART 2)
EPILOGUE <3 or </3 ?
BONUS SPECIAL CHAPTER #1: I will make f*cking LIGAW?!
BONUS SPECIAL CHAPTER #2: Making Love
BONUS SPECIAL CHAPTER #2.5: Making Love (Part 2)
BONUS SPECIAL CHAPTER #3: Officially A Dad
BONUS SPECIAL CHAPTER #4: Officially His Wife
BONUS SPECIAL CHAPTER #5: Boys & Babies
BONUS CHRISTMAS CHAPTER: Merry F*cking Christmas Night
BONUS SPECIAL CHAPTER #6: Nightmare on Steve's Unit

*MerCy CHAPTER: Beautiful Goodbye

713K 5.7K 1.2K
By Yam-Yam28

*MerCy CHAPTER: Beautiful Goodbye

STEVE's POV

*tok tok tok

May kumakatok sa pinto ng kwarto ko.

"Sino yan?!" sigaw ko

"Hon, si mama to."

"Bakit ma?!"

"Pwedeng pumasok hon?"

"Sige lang ma."

at pumasok na nga si mama sa kwarto ko, umupo sya sa may tabi ng kama ko

Ako nakahiga lang sa kama habang nanonood ng t.v.

"Anung meron ma?" tanung ko sa kanya

"Ah hon, may gagawin ka ba bukas ng gabi?"

"Wala naman ma, bakit?"

"Date tayo."

"Huh?!"

"Maka huh ka naman dyan! So ayaw mo? Ayaw mong kadate si mama? Pag yung mga babae mo ok lang, pero si ma--"

"Sige na oo na! magdedate na tayo, wag ka na magdrama dyan ma ok?" pagkasabi ko nun bigla syang ngumiti ng malaki tapos..

"I love you hon!" nilundagan nya ako bigla habang naka sigaw nyan tapos pinaghahalikan nya ako, si mama talaga

"Ma tama na, wag mo na akong halikan! Naman eh! Nasa kama pa tayo! Tsaka yang suot mo na naman, anu ba naman yan ma!" pagkasabi ko nyan tumigil na sya sa paghalik tapos..

"Anung mali sa suot ni mama? Diba gusto mo naman ng mga cleavage? Bakit yung cleavage ko, ayaw mo?!"

"Hindi sa ayaw ko ma. Pero nanay kita diba? Si mama naman eh."

"Hehe, jinojoke lang naman kita hon. Pansin ko kasi, stressed ka these days. Namamayat ka na, tsaka ang laki ng eyebags mo hon. Gusto ka lang pasayahin ni mama."

"Ok lang ako ma. Medyo stressed lang, pero ok lang ako, ok?"

"Ok, sabi mo eh. Basta, hon bukas huh?"

"Oo nga. Ah ma, pwede natin isama si Caia? Alam nyo na, mag isa lang sya dito, hindi ko sya maiiwan eh."

"Oo naman! Isasama naman talaga natin sya eh. Mabuti yun para mag enjoy rin naman si Caia."

"Ok, bukas na lang ma, goodnight."

"Goodnight hon." hinalikan ako ni mama sa noo at lumabas na sya ng kwarto ko

Buti hindi na sya masyadong nangulit ngayon. Akala ko kasi magsisimula na naman syang maging childish sa harap ko. Buti na lang talaga, di na sya dumagdag sa stress ko.

Haay, stress na stressed talaga ako ngayong mga araw na to. Hindi ko malaman kung bakit ako na lang ang laging napagttripan ng mga gago kong kabarkada! Haay! Isang araw talaga, gaganti ako sa mga yun! Makikita nila! Haay!

"Tch, hindi ka rin adik sa picture huh?" sabi ko habang nagbbrowse sa fb ko sa mobile, tinitingnan ko yung recent photos na inupload ni witch

Tch, puro lingkisan nila nung bago nyang lalaki ang nandun. Anu sila naka glue? Hindi nausuhan ng spacing, kaya masyadong close? Tsanggala! Baka mamaya magkapalit na sila ng mukha kasi lage silang sobrang magka dikit sa mga pictures! Tch!

And what's with the title of the album?

"So in love with my NEW. Anu bang title yan? Ang corny huh? Kailan ka pa naging ganto kacorny witch? tss." nasabi ko na lang habang tinitingnan parin yung pictures nila

Lalong kumunot yung noo ko nung mabasa ko yung mga comments sa baba nung album, puro..

"Bagay kayo." "Wow, I think he suits you better than your ex." "You look good together."

Anu bang klaseng mga comment yan? Di hamak na mas gwapo ako sa lalaking yun no! Tch. Mga bulag.

Si Witch naman, pandi thank you. Tss. Tapos nagcomment pa yung Terrence, yung lalaki nya ngayon, nag I love you pa? Nag I love you sa comment box? Ang cheap huh! Tapos si Witch, nag I love you too? What the hell? Akala ko ba sabi nya ayaw nya nung ganung nagsasabihan ng I love you sa net? Kasi sabi nya ang corny at ang baduy? Tapos ngayon? Wow, I really can't believe her! Tss!

Hindi ko na napigilan ang daliri ko at nagtype rin ako ng comment dun sa album.

"Ang sweet nyo naman ata? Nakakaumay." I commented.

Maya maya, sumagot sya. So on line sya? Pero di sya on line sa chatbox ko ah? Naka offline sya sakin? Feeling naman nya ichachat ko sya! Tss.

Binasa ko yung comment nya.

"Sweet talaga kami eh, walang magagawa. Eh ikaw, bakit ang bitter mo naman ata? Hindi ka parin nakaka move on lamok?" -comment nya

What the? Bitter?! Ako?! Tsaka anu daw? Di pa nakaka move on? Tch.

Nagcomment nga ulit ako.

"Bitter? Ako? Haha, nagpapatawa ka ba? Tsaka sinong hindi pa nakaka move on? May Caia na ako no." reply ko

Maya maya, sumagot na ulit sya..

"Ok sabi mo eh. Di na ako makikipagtalo. Magsskype pa kasi kami ni Terrence hanggang makatulog ako eh, so dyan ka na huh? Isa pa ayaw ni Terrence na nakikipag usap ako sa ibang lalaki, so goodnight na lang lamok. Alagaan mo na lang yung Caia mo habang buhay pa sya ok? Advance condolence na lang, kung sakaling mamatay na sya maya maya."

What the hell? Argh! Ang sama parin talaga ng tabas ng bibig nya! Haay! Magcocomment pa sana ako, pero hindi ko na tinuloy. Haay, ang sakit talaga sa ulo ng babaeng yun! Kung makapag sabi sya ng mamatay, akala mo wala lang sa kanya eh! Grabe talaga sya! Haay!

Pinatay ko na yung cellphone ko at hinagis sa may paanan ng kama ko. Hinilot hilot ko yung ulo ko kasi lalong sumakit yun dahil sa pag uusap namin ni witch. Tch. Dapat talaga hindi ko na tinitingnan ang profile ng babaeng yun eh! To naman kasing daliri ko, ayaw paawat eh! Tsk.

"Masakit ba ulo mo Mervz? Gusto mo hilutin ko?" napatingin ako dun sa nagsalita

"Caia? Kanina ka pa dyan?"

"Hindi, kakapasok ko lang."

"Ah..ah, bakit ka nandito?"

"Hindi ako makatulog Mervz, pwede bang manood ng t.v. kasama mo? Tabi tayo, tulad ng dati."

"Oo ba, halika dito." pagkasabi ko nun pumunta na si Caia sa kama ko at humiga sa braso ko

"Ang sarap talaga manood ng t.v. ng ganito ang tayo hehe."

"Masarap sayo, sakin nakakangawit, ang bigat ng ulo mo."

"Wag ka na magreklamo Mervz, pumayag ka na naman eh."

"Sabi ko nga." pagkasabi ko nun ngumiti lang sya at nanood na ulit ng t.v. , buti naman napapangiti ko sya kahit papano, gusto ko lage lang syang nakangiti

Pag naiisip kong isang araw, mawawala na lang sya bigla, natatakot ako. Ayoko pang dumating ang araw na yun. Yung araw na wala ng Caia na mangungulit sakin, wala ng Caia na dadantay sa mga bisig ko, wala na yung Caia na lageng nakangiti sa akin. Iniisip ko palang, naiiyak na ako eh.

"Ui, wag mo kong iiwan huh?" bulong ko sa kanya pero hindi sya sumagot, bagkus ay ngumiti lang

Anu ba yan, nagsesenti na naman ako. Sabi nga pala nya sa akin ayaw nyang mababanggit ko ang kahit anung may kaugnayan sa sakit nya. Ayaw nyang tinuturing kong may sakit sya. Nakalimutan ko, kaya naman pala hindi sya sumagot eh.

So to lighten up the mood, may naisip ako. Mapapasaya ko na si Caia, maaasar ko pa si Witch. Kala mo ikaw lang pwedeng mang asar huh? Tingnan natin.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

STACY's POV

Buti nga sayo lamok ka! Haha. Sabi ko na eh, magseselos ka ng bongga pag nakita mo ang pictures namin. In fairness, nahirapan talaga akong magpaka sweet huh? Hindi ko gawain yung maglantaran ng kasweetan sa internet, pero, para sayo ginawa ko lamok, kaya dapat lang talagang mairita ka! Haha! Ang saya saya ko tuloy, naiimagine ko itsura mo ngayon! Haha.

Nanonood lang ako ng t.v. sa kwarto ko ng biglang may tumawag sa phone ko..

AKO: HELLO?

TERRENCE: BUTI GISING KA PA.

AKO: BAKIT? ANUNG MERON?

TERRENCE: WALA LANG. GUSTO KO LANG MARINIG ANG BOSES MO, MISS NA KITA EH. KAYA AYOKO NG WEEK ENDS, HINDI KITA NAKIKITA.

natigilan naman ako pagkasabi nya nun, itong si Terrence, ibang iba sya kay lamok, sweet sya at sinasabi nya talaga sakin kung anung nararamdaman nya

AKO: NGAYONG NARINIG MO NA ANG BOSES KO, MASAYA KA NA?

TERRENCE: OO. HINDI LANG AKO MAKATULOG HANGGAT DI NARIRINIG ANG BOSES MO. EH TEKA, IKAW, GABI NA AH? BAKIT DI KA PA NATUTULOG? AKALA KO DAPAT 10 PM TULOG KA NA LAGE? DIBA SABI MO MASAMA SA BALAT MO ANG MAGPUYAT?

AKO: AH, HINDI KO RIN ALAM KUNG BAKIT HINDI PA AKO MAKATULOG.

sa totoo lang, hindi ako makatulog dahil sa yung dugo ko nagwawala kasi nga naasar ko si lamok

TERRENCE: KUNG GANUN, KAKANTAHAN KITA, HANGGANG MAKATULOG KA.

AKO: EH? HINDI NA KAILA--

pero bago ko pa matapos ang sasabihin ko eh nagsimula na syang kumanta

Hindi tulad ng boses ni lamok pag kumakanta, yung kanya masarap pakinggan. Ang ganda ganda ng kanta nya na wala na lang akong nagawa kung hindi makinig.

Never pang ginawa para sakin ni Lamok to. Well, kung gagawin nya, hindi rin pala ok, kasi imbis na makatulog, lalo akong mapupuyat kung sakaling kakantahan nya ako. Takot ko na lang ma lss sa kanta ni Lamok. Tss.

TERRENCE: STACY ANDYAN KA PA BA?

AKO: UM, ITULOY MO LANG YUNG KANTA MO.

TERRENCE: OK, KAKANTAHAN KITA HANGGANG MAKATULOG KA.

AKO: SURE KA? BAKA PAOS KA NA, HINDI PA AKO TULOG.

TERRENCE: AYOS LANG MAPAOS, BASTA ANG MAHALAGA, NAPAOS AKO PARA SAYO.

Hindi na lang ako umimik at hinayaan na lang syang kumanta pa.

Hindi ko alam kung bakit ganito tong lalaking to. Hindi ko alam kung anung nakita nya sa akin at ganito na lang kalakas ang tama nya sa akin. Ang sweet nya pa masyado. Hindi nya ba halata na ginagamit ko lang sya? Hindi nya ba alam na rebound lang sya? Yung mga kaibigan nya at yung mga kaklase nya, opposed sa pagiging in a relationship namin, well not that I care, pero, sya, walang pakialam. Kahit kung anu anu ng sinasabi sa kanya nung mga tao sa paligid nya, wala syang pakialam. It's as if nagbubulagbulagan sya at nagbibingi bingihan para sakin.

Hindi ko akalain na, ang isang tulad ko, makakahanap pa ng gantong lalaki. Lalaking mamahalin ako ng buong buo, kahit walang kapalit. It's clear that I don't deserve him and that he deserves better, yet he still chose me.

Haay..

"Nagkamali ka ng minahal Terrence.. Sasaktan lang kita." bulong ko

TERRENCE: MAY SINASABI KA STACY?

AKO: WALA. SABI KO, SALAMAT. SA TINGIN KO INAANTOK NA AKO, MATUTULOG NA AKO, PWEDE MO NG ITIGIL ANG PAGKANTA. MARAMING SALAMAT TERRENCE.

TERRENCE: I LOVE YOU STACY.

AKO: GOODNIGHT.

at binaba ko na yung phone

Haay, bakit ang bigat ng dibdib ko? Inaatake na ko ng konsensya ko? Haay, kung bakit kasi sobrang bait naman nitong isang to eh. Tsk.

Binuksan ko nga ulit yung fb ko, gusto ko lang basahin one last time yung pang aasar ko kay lamok.

Pero pag bukas ko ng fb ko..

"Seriously?" nasabi ko na lang pag tingin dun sa latest picture na pinost ni lamok sa fb niya

"Lying on my bed, watching a sweet movie with my sweet girlfriend.. What's sweeter than this?" yan lang naman yung caption nung picture nila nung babaeng may leukemia

Hinahalikan nung babaeng may leukemia si Lamok sa pisngi habang magkatabi sa kama ni lamok. Alam kong kama nya yun, kilalang kilala ko na ang kama at kwarto nya. Tch.

Kailangan pa talagang ipost yung kacheapan na yun? The f*ck?

At anung klaseng caption yun? nakakadiri tss.

Hindi ko na napigilan ang mga daliri ko at nagcomment na lang ako dun sa post nya.

"PDA much?" -comment ko, habang tinatype ko yan nakataas pa ang kilay ko

Maya maya nagcomment back sya..

"PDA nga. Pero ganun naman yun diba? Pag MAHAL mo ang isang tao, gusto mong ipaglantaran sa buong mundo na nagmamahalan kayo? Affected? Hindi ka pa ba nakakamove on sakin witch?"

Affected? Ako?! Haha! Ang kapal mo! Hindi pa nakaka move on? tss.

Nagcomment nga ulit ako.

"Affected? More like naaasiwa. At sinong hindi pa nakaka move on? May Terrence na ako no. Loyal ako sa BOYFRIEND ko."

Maya maya nagcomment na ulit sya.

"Ah ganun ba? Sabi ko nga eh. Hindi na ako makikipagtalo, wala na kasi akong oras makipagtalo pa sayo. Ang hirap kasi magtype ng comment habang nakasandal sa balikat ko si Caia at hinahalikan ako. Kaya good night witch, tulog ka na huh? Baka magka eyebags ka, hindi ka na magiging maganda pag nagpicture ulit kayo nung rebou-- bago mong boyfriend. P.s. buhay na buhay pa si Caia, tinatadtad nga ako ng halik eh. Good night ulit."

Pagkabasa ko nung comment nya..

"Argh! Nakaka inis ka talaga lamok!" sigaw ko sabay hagis ng cellphone ko

Tch, gagantihan talaga kita! Makikita mo!

"Sorry Terrence pero kailangan talaga kitang gamitin. Hindi ko na kasalanan kung minahal mo ko. Under ko ang konsensya ko, so wala kang magagawa." sabi ko na lang at nahiga na ako sa kama ko

Humanda ka bukas lamok. Humanda ka.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

STEVE's POV

Kinabukasan..

"Hon ang saya mo ata? Di mawala yung ngiti mo ah?" -mama

"Talaga ma? Masarap lang ang tulog ko kagabi hehe. Ah ma, saan ba tayo pupunta ngayon?" gabi na ngayon, magdedate na kami nila mama at Caia, nakasakay kami sa kotse ni mama

"You'll know when we get there hon." sabi lang ni mama

So ok, tumahimik na lang ako. Magkasundo naman kami ni mama pag dating sa pagpili ng magagandang lugar, so I trust her.

Tumigil ang sasakyan sa isang familiar na lugar. Pagbaba namin ng kotse..

"Balae--eeste, Mrs. Folkner, nakarating rin kayo." -bati sa amin ng tatay ni Witch, kasama yung nanay ni Witch at pati si Witch at yung boyfriend nyang bago

"Ma anung ibig sabihin ni--"

"Alam kong break na kayo ni Stacy pero hon, I've been close to her parents. They invited me to watch the live band concert, and I think there's nothing wrong with that." bulong ni mama sakin

Napa face palm na lang ako pero sumunod rin naman ako sa kanila.

Holding hands while walking pa sila witch huh? Tch. Nasa unahan namin sila.

Inakbayan ko si Caia at binilisan ko yung lakad para maunahan namin sila witch. Haha buti nga.

Nakahanap kami ng isang maayos na spot, pero medyo crowded talaga. Kaya ang ending, ang posisyon namin..

Nasa kaliwa ko si Caia, nasa kanan ko si Witch na katabi yung boyfriend nya. Tch.

Habang nanonood kami ng live performance nung banda..

Wat the hell?

Nakayakap na yung Terrence mula sa likod ni Witch habang nagssway silang dalawa sa music. Tch. Grabe lang huh? Ang init init, nakuha pang magyakapan? Tch.

Si Witch, nginitian pa ako. Tss.

Tingnan natin kung kaya mo to..

"Caia.." tinawag ko si Caia kaya agad syang napaharap sa akin, tapos

Hinalikan ko sya, mabilis lang naman.

Tapos nag smirk ako, at tumingin kay witch, I'm sure nakita nya yun. Nginitian ko lang din sya nung mapansin kong nakatingin sya sa akin.

Pero maya maya, wat the?

Hinigit nya palapit sa kanya yung Terrence tapos hinalikan nya rin? At ang tagal pa huh! French kiss pa! What the?

Hindi ba sya nahihiya sa magulang nya? Teka, nasaan na yung mga magulang nya? Bakit nawala?

"Ma, nasan na yung mga magulang ni Witch?" sigaw ko kay mama

"Bumili lang ng pagkaen hon." -mama na hindi man lang tumitingin sa akin, focused lang sa banda

Pag tingin ko kila witch, king ina naghahalikan parin? Hindi uso huminga? The f*ck.

Nangingimi na yung kamay kong higitin si witch palayo ng..

"Kyaaaaaaaaah!" nagsigawan yung mga babae sa likod namin tapos nagtulakan yung mga tao..

May nag aaway yata dun sa likod.

Dahil sobrang siksikan halos magkaron ng stampede..

Nung sobrang nagkakatulakan na, kasi nga mga lasing ata yung nag aaway, agad ko ng hinigit ang kamay ni...bakit kamay nya?

----------------------------------------------------------------------------------------------------------

STACY's POV

Naghahalikan kami ni Terrence ng biglang may sumigaw tapos nagkatulakan na. Since maraming tao parang magkaka stampede, tapos biglang may humigit sa akin.

Hinigit nya ako ng hinigit hanggang makalabas kami mula dun sa siksikan. At pagkakita ko kung sinong humigit sa akin..

"La-lamok?" sabi ko na lang pagtigil namin

Napalunok sya ng laway tapos..

"A-akala mo ba ikaw lang ang nabigla? Akala ko si Caia ka kaya kita hinigit!"

"Panu naman magiging ako yung babaeng yun? Di hamak na mas maganda ako dun no. Gosh, being compared to a girl with leukemia."

"Kahit may leukemia sya, mas maganda sya sayo."

"Kung mas maganda sya, bakit ako ang hinigit mo? Diba may sakit sya, bakit ako ang hinigit mo?"

"Akala ko nga kasi ikaw sya! Nagkamali ako ng higit! Tch."

"Tss.. Bahala ka nga dyan, aalis na ako." maglalakad na sana ako palayo ng..

"Hoy, baka mawala ka! Halika nga dito!" hinawakan nya ang kamay ko, bumilis tuloy yung tibok ng puso ko

"Bitawan mo nga ako!" sigaw ko

"Maraming tao, baka mawala ka, dito ka muna tatawagan ko sila mama." sabi nya

pero maya maya..

"Hindi ko macontact yung cellphone ni mama, yung kay Caia naiwan nya sa bahay eh." napa face palm na lang ako nung sabihin yun sakin ni lamok

"Tsk, useless as ever. Ako na lang ang tatawag kila mommy." sabi ko at dinial ko na nga yung number nila mommy, nag ring na kaso.. bigla naman namatay yung phone ko -__-

"Anu na?" -lamok

"Namatay yung phone ko, pagamit nung sayo." pagkasabi ko nun, ibibigay na sana sakin ni lamok yung cellphone nya pero bigla nyang ibinulsa yung phone nya

"Hoy lamok! Sabi ko pahiram nung cellphone mo!"

"Lowbat narin pala yung akin, wala na tayong magagawa."

"Lowbat narin? eh akala ko--"

"Lowbat na nga witch! Ang kulit mo naman eh. Tara na lang dun, mukhang ok na ulit dun, tara na lang ulit manood nung live band. Baka makita natin parents mo." hihigitin na sana nya ako pero tinanggal ko yung kapit nya sa akin

"Kung ikaw lang ang makakasama ko, uuwi na lang ako." sabi ko at naglakad na ako paalis pero..

"Wag kang kj witch, pag may nangyari sayo, baka ako pa ang panagutin ng magulang mo kaya halika na!" at hinigit na nya ako pabalik dun sa may stage

Hinigit nya ako hanggang sa makarating kami sa may gitna nung mga tao, kung saan medyo kita na namin yung bandang kumakanta. Na stuck na kami dun sa may gitna kasi ayaw na magpadaan nung iba, susunod na kasi yung main band, yung band na ipinunta talaga dito ng karamihan.

"Ang sikip sikip dito eh! Anu ba yan! Tingnan mo nadadali na ako nung mga tao sa paligid! Nakakairita!" sigaw ko kay lamok

"Idol ko yung sunod na band na magpeperform, kaya wag ka na maingay ok? Kung ang pinoproblema mo lang eh yang mga tao sa paligid, wag kang mag alala, poprotektahan kita." sabi ni lamok tapos pumosisyon sya sa likod ko at bigla akong niyakap

what the?

"A-anu ba sa tingin mo ang---"

"Shhhh.. wag ka na maingay, mag sisimula na yung sunod na banda. Ako na nga ang human shield mo oh, ayaw mo pa?"

"Human shield? Human ka ba?" sabi ko na lang pero di na sya umimik, nagsimula na kasing tumugtog yung banda

Hinayaan ko na lang syang yakapin ako. Hindi ko alam kung bakit hinayaan ko na lang syang yakapin ako. Namiss ko ang pabango nya. Namiss ko ang init ng katawan nya. Namiss ko to. Namiss ko sya.

Tapos, yung bandang tumutugtog dito sa harapan namin ngayon, ito rin yung bandang tumugtog noon dito nung 2nd anniversary namin ni lamok.

Parang ganito rin nun eh, yakap yakap niya rin ako habang nanonood kami. Gantong ganto. Ang nag iba lang, masaya kami nun. Nakangiti kami nun. "Kami" pa nun. Pero ngayon..

Magsisimula na ng pangalawang kanta yung banda sa stage pero hindi parin ako binibitawan ni lamok. Ni hindi nga sya umiimik eh. A part of me wants to leave, but then, mas nangingibabaw yung parteng, gustong manatili na lang sa posisyon ko ngayon. Nagtatalo ang puso at utak ko.

Hindi ko alam kung dapat na ba akong umalis. Hindi ko alam.. Ayoko pang umalis, pero natatakot ako na pag hindi pa ako umalis, eh baka matalo ako. Baka matalo ako at kalimutan kong mataas ang pride ko. Baka ako ang unang mag makaawang bumalik sya sakin. Baka ako ang maunang magsisi sa amin.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

STEVE's POV

Sabi ko sa kanya akala ko si Caia sya kaya ko sya hinigit, pero hindi totoo yun. Hinigit ko sya dahil nung mga panahong yun, akala ko magkakasakitan. Akala ko may masamang mangyayari. Kaya automatic na lang na sya ang hinigit ko. Hinigit ko sya agad kasi ayokong masaktan sya. In the end, mas inaalala ko parin siya kaysa kay Caia. In the end, sya, at sya parin ang pinipili ng puso ko.

Yakap yakap ko sya ngayon. Ayoko na syang pakawalan sa totoo lang. Ang totoo nyan, nagtxt sakin si mama na nakauwi na daw sila ni Caia kasi kailangan na daw magpahinga ni Caia, medyo napagod ata sya dahil sa nangyaring tulakan kanina. Sinabi ko lang kay witch na hindi ko matawagan sila Caia.. Nagdahilan na lang ako. Hindi rin lowbat ang cellphone ko. Ewan ko ba, sobrang miss ko na siguro sya kaya ganito na lang ako.

Namiss ko yung amoy ng buhok nya, yung pakiramdam ng balat nya habang nakadikit ito sa akin, yung hubog ng katawan nyang kabisadong kabisado ko na, miss na miss ko na lahat lahat tungkol sa kanya.

Naalala ko tuloy bigla.. nung nagsimula ng kumanta yung banda.. Gantong ganto rin kami noon. Gantong ganto.. parang kailan lang. Hindi ko akalain na.. mauuwi kaming dalawa sa ganito. Hindi ko akalain na mawawala sya sa akin.

NOW PLAYING: BEAUTIFUL GOODBYE by MAROON 5

I count the ways I let you down
All my fingers and toes but I'm running out

Habang pinakikinggan ko tong kantang to nung banda, nagsimula na lang magkaron ng flashback sa utak ko. Lahat ng pinagdaanan namin.. Lahat, lahat, bumabalik ngayon.


Clever words can't help me now
I grip you tight but you're slipping out

And I remember your eyes were so bright
When I first met you, so in love that night

Tapos, naalala ko yung mga oras na nanonood rin kami ni witch ng banda. Parehong lugar, parehong banda. Naalala ko kung gaano kasaya yung itsura nya nun. Kung gaano kaganda yung mga mata nya nun.

At nalungkot na lang ako bigla nung mapatingin ako sa mga mata nya ngayon, umiiyak kasi yun ngayon.

Parang kailan lang, ang saya saya naming dalawa dito. Parang kailan lang yun, bakit kami nauwi sa ganito? Bakit naiiyak kaming pareho ngayon?


And now I'm kissing your tears goodnight
And I can't take it, you're even perfect when you cry

Pero katulad ng sabi sa lyrics nung kanta, maganda parin ang mga mata nya kahit umiiyak. Sobrang ganda parin.Sobrang sarap paring pag masdan.


Beautiful goodbye, bye, bye
It's dripping from your eyes, your beautiful goodbye
It's dripping from your eyes, oh yeah

When did the rain become a storm?
When did the clouds begin to form?

Nabigla na lang ako nung..

"Ayoko na! Aalis na ako!" bigla akong tinulak ni witch at naglakad na sya paalis

Sinundan ko naman sya. Hinabol ko sya.


Yeah we got knocked out of course by a natural force
And well, we'll be swimming when it's gone

And I remember your eyes were so bright
When I first met you, so in love that night

"Witch, hintayin mo ko!" sigaw ko

"Wag mo kong sundan! Ayoko ng makasama ka lamok! Hahanapin ko na si Terrence!" sigaw nya


And now i'm kissing your tears goodnight
And I can't take it, you're even perfect when you cry

"Pero witch.."

"Wag mo na akong sundan!" sigaw nya, pero kahit ilang beses nyang sinigaw yun, sinundan ko parin sya hanggang sa makalayo kami mula sa maraming tao


Beautiful goodbye, bye, bye
It's dripping from your eyes, your beautiful goodbye

At nung maabutan ko sya.. Agad ko syang hinigit paharap sa akin.

"Witch bakit ka umiiyak?"

"Umiiyak ako, kasi ayoko ng makasama  ka! Umiiyak ako kasi gusto ko ng makita si Terrence!"


It's dripping from your eyes, oh yeah

Rinig parin yung kanta nung banda kung nasaan kami. Pakiramdam ko nga nasa isa kaming pelikula ngayon eh. Isang tragic na pelikula.

All the pain you try to hide
Shows through your mascara lines as they stream down from your eyes

"Yun ba talaga ang dahilan mo witch?"

"Oo, ayoko ng makasama ka. Nasasaktan lang ako pag kasama kita."

Let them go, let them fly
Holding back won't turn back time

"At pag kasama mo sya, masaya ka ba?" tanung ko sa kanya

Natigilan sya, nagpunas ng luha, pero may tumulo na namang kasunod.

"Oo, masaya ako pag kasama sya. Ibang iba sya sayo. Hindi nya ako sasaktan. " pagkasabi nya nan, ako naman ang natigilan


Believe me, I've tried

"Sa tingin mo ba mas sasaya ka sa kanya?" tanung ko, halos mabasag na yung boses ko dahil nasasaktan ako, sobrang sakit na, gusto ko ng umiyak pero pinipigilan ko

Natigilan sya saglit.. Pero yung mga sumunod nyang sinabi, ang nakapagpatulo ng mga luhang pinipigilan ko.

"Oo, sa tingin ko mas sasaya ako sa kanya kaysa sayo." sabi sa akin ng babaeng mahal ko

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

STACY's POV

"Sa tingin mo ba mas sasaya ka sa kanya?" tanung nya, natigilan ako

Hindi ko alam ang dapat kong isagot..

Gusto kong sabihin na, hindi. Gusto kong sabihing, mas sasaya ako kung babalik sya sakin.. Pero pag naiisip kong iniwan nya ako, pag naiisip kong he chose to let me go, hindi ko makayang sabihing gusto ko syang bumalik sakin, kaya naman....

"Oo, sa tingin ko mas sasaya ako sa kanya kaysa sayo." sabi ko sa lalaking mahal ko, at hindi ko inasahang iiyak sya sa harapan ko


Your eyes were so bright

Unti unti syang lumapit sa akin. Pinunasan nya ang luhang nakawala mula sa mga mata nya tapos hinawakan nya ang pisngi ko at pinunasan ang mga luha ko.


And I remember your eyes were so bright

"I wish I could replace you like you have replaced me pero..ikaw lang ang sineryoso nito eh." sabi nya sabay turo sa dibdib nya, at muli, may nakawala na namang luha mula sa mata nya

Naiiyak ako lalo habang pinagmamasdan sya, gusto ko syang yakapin.


And I remember your eyes were so bright

"Sa dami ng babaeng nagtangkang pumasok sa puso ko.. Ikaw lang ang pinapasok nito. Ikaw lang..Ikaw lang witch eh..Kaya sabi ko, there's no way I can replace you here.." dag dag nya pa

"I have no intention of replacing you, I just wanted to make you jealous. Gusto ko lang na magsisi ka, gusto ko lang pagsisihan mo na hindi mo ko inintindi.. Ang totoo, gusto pa sana kitang gantihan pa.. pero habang pinagmamasdan ko yung mukha mo.. Yung mga mata mong gustong gusto ko.. Ako ang nagsisisi sa huli.. Ako ang nagsisisi kasi ayokong nakikitang umiiyak yung pinakamagandang mga matang nakita ko. Ayoko ng maging dahilan pa ng pagluha ng mga matang yun, kaya naman.. kahit mahirap witch.. I'll try to replace you here.. I'll try to move on.. I'll try to truly let you go." pagkasabi nya nan lalong lumakas ang pagtulo ng luha ko, gusto kong umimik, pero walang nalabas na boses mula sa akin


When I first met you, how in love were we that night?

"Sabi ko sayo hindi kita paiiyakin. And yet ilang beses kang umiyak dahil sa akin, haha. Tch. Hanggang ngayon nga pinapaiyak parin kita eh. I have let you down once again..and for that, I'm really sorry witch." sabi nya and then hinalikan nya yung mga mata ko


And now i'm kissing your tears goodnight

"This is the last time I'll make you cry.. Kasi this time witch, I'm really letting you go. Ibibigay na talaga kita dun sa taong mas mapapasaya ka kaysa sakin. Dun sa taong hindi ka sasaktan katulad ko. Dun sa taong baka mas kaya kang mahalin kaysa sakin. Dun sa taong hindi ka paiiyakin katulad ko." muli hinalikan na naman nya ako sa kabila ko namang mata, nag iiyak parin ako

And I can't take it, you're even perfect when you cry

Pagkatapos nya akong halikan, magsasalita na sana ako, ng bigla akong hinigit ni Terrence palayo kay lamok.

"Pare anu sa tingin mo an--" susuntukin na sana ni Terrence si lamok pero sinangga nya ito

"Wala akong intensyon na agawin pa sya sayo pare. Kaya wag na tayong mag away. Andito ako, para sabihing ibinibigay ko na sya sayo. Sabi nya, mas mapapasaya mo sya kaysa sa akin. Kaya sana, sana mas mapasaya mo nga sya. Sana mas mahalin mo nga sya. Wag mo syang paiiyakin katulad ko huh?" habang sinasabi yun ni lamok kay Terrence umiiyak na sya

Beautiful goodbye, bye, bye

"Oo nga pala, tandaan mo, ayaw ni Witch ng mga cheap na pagkaen na nabibili sa tabi tabi, pero pag gutom na gutom na sya, kakainin rin nya yun. Kaya pag wala kang budget, gutumin mo muna sya, bago mo sya pakainin ng mumurahing pagkaen. *sniff. Pag magdedate kayo at wala kang budget, wag mo syang dadalhin sa mall, kasi mahilig magturo yan eh, pag hindi mo nabili ang gusto niya, magagalit sya sayo, sira ang date niyo. *sniff. Maarte sya, dapat alam mo yun, kaya pagtyagaan mo na lang. Masungit sya, nature nya na yun, kaya intindihin mo na lang sana. *sniff, anu pa ba? Ah, hindi sya mahilig magsabi ng I love you, pero kahit ganun, mahal ka nya. Makikita mo yun sa mga mata nya. Makikita mo pag tiningnan mo yun. *sniff, ayan, ang haba na ng habilin ko pare, sana matandaan mo. Tandaan mo yun huh? O sige, maiwan ko na kayo." at tumalikod na sa amin si lamok

It's dripping from your eyes, your beautiful goodbye

Pero kung akala ko aalis na sya..

Humarap sya muli kay Terrence, hinawakan ang magkabilang balikat nito tapos..

"Ingatan mong mabuti yan huh? Mahal na mahal ko yan." sabi nya habang umiiyak at tuluyan na syang umalis

Leaving Terrence clueless and shocked.

Leaving me, helpless and broken.

It's dripping from your eyes, yeah

Beau....oh yeah


"You win, ngayon nagsisisi na akong hindi kita inintindi."
bulong ko na lang habang pinagmamasdan syang mawala, at napahagulgol na lang ako ng iyak tapos niyakap na lang ako ni Terrence

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: Break tayo sa drama! Di ako sanay! Lol, punta muna tayo sa Q and A! 

QUESTION AND ANSWER PORTION:

Tanong mula kay Nicole Villanueva..

QUESTION: Cloud pano kapag nasa banyo ka, hawak hawak or nakatingin ka pa rin ba sa PSP mo or what?

CLOUD's ANSWER: Sino ka ba? Bakit mo tinatanong? Wag ka maingay! Naglalaro pa ako eh panira ka ng concentration! Tch. (hindi inaalis ang tingin sa PSP)

Yam: Busy po si Cloud kaya ako na lang ang sasagot. Opo, kahit nasa banyo nag ppsp parin si Cloud, binabalot nya sa ziplock yung psp nya at naglalaro sya kahit nasa bath tub man :)

Continue Reading

You'll Also Like

143K 473 7
Chihaya Louisé Perrault is the epitome of being the Perfect Highschool Girl of their campus. She's Smart, Beautiful, And the Ace of the Karate Club...
549K 20.5K 69
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
151K 256 16
⚠️ MATURE CONTENT !TAGALOG SMUT! Are you ready to enter the World of Pleasure? ___________________________ A COLLECTION OF EROTICA ONE SHOT STORIE...