In a REALationSHIT (Trese Ser...

By chiXnita

7.9M 231K 35.7K

[ #TRESEseries No. 1 ] All I want is a REALationship not a relationSHIT. -- Book cover by @ArkiSTEPH More

In a REALationSHIT
IAR [1]
IAR [2]
IAR [2.5]
IAR [3]
IAR [4]
IAR [4.5]
IAR [5]
IAR [6]
IAR [7]
IAR [8]
IAR [9]
IAR [9.5]
IAR [10]
IAR [10.5]
IAR [11]
IAR [12]
IAR [13]
IAR [13.5]
IAR [14]
IAR [14.5] - Silver
IAR [15]
IAR [16]
IAR [17]
IAR [17.5]
IAR [18]
IAR [19]
IAR [19.5]
IAR [20]
IAR [20.5]
IAR [20.75]
IAR [21]
IAR [22]
IAR [22.25]
IAR [22.5]
IAR [22.75]
IAR [23]
IAR [23.5]
IAR [24]
IAR [25]
IAR [25.5]
IAR [26]
IAR [27]
IAR [27.5]
IAR [28]- Green Ryder Loriete
IAR [29]
IAR [29.5]
IAR [30] - Silver
IAR [31]
IAR [32]
IAR [33] - Grant Turner Loriete
IAR [33.5] - Grant Turner Loriete
IAR [34]
IAR [35]
IAR [36]
IAR [37]
IAR [37.5]
IAR [38]
IAR [40]
IAR [41]
IAR [41.5]
IAR [42]
IAR [43]
IAR [43.5]
IAR [44]
IAR [45] - Brix Vincent Flores (Part 1)
IAR [45.5] - Brix Vincent Flores (Part 2)
IAR [46]
IAR [47]
IAR [48]
IAR [49]
IAR [49.5] - Original Plan
IAR [50]
IAR [50.5] - A Blessing or A Lesson
IAR [51]
IAR [51.5] - GRAB-X Plan
IAR [52]
IAR [53]
IAR [54]
Final Chapter - IAR
Epilogue
BONUS Chapter
Bonus Chapter - Self-reflection
SOON TO BE PUBLISHED (PSICOM)

IAR [39]

69.1K 2.2K 729
By chiXnita

Copyright © chiXnita

MALAPAD ANG ngiti ko habang pinapasadahan ng tingin ang kabuoan ng flower shop sa 'king harapan. "Sweet Scent's Flower Shop" ang nakasulat sa malaking signboard nito. Isa 'tong factory na pagmamay-ari ng pamilyang Roa na ngayon ay kabilang na sa pangalan ko mismo.

I decided to have a business and I thought about a flower shop. Nainspire talaga ako nang husto sa mga halaman sa bahay nina Brix.

Chocolate naman kasi ang pinakamain product ng company namin. Isa pa magkatabi lang ang dalawang palapag ng factory at ang building ng kompanya, na may dalawampu't tatlong palapag naman. Katabi rin ng main road at iilang malls, kaya maraming tao.

Gustong-gusto ko talagang magkaroon ng maipagmamalaki at dito ako magsisimula. I want to be successful without the help of my parents. Kaso kay daddy pa rin ako humiram ng puhanan, na babayaran ko naman, dahil wala kong ipon.

Kakaalis lang ng tatlong four-wheeler trucks na siyang nagdala ng mga iba't ibang klaseng bulaklak na galing pa sa Baguio at ang iba ay inimport sa ibang bansa.

Mahigit dalawang linggo ko ring inasikaso ang mga kailangang gawin; papales, paghanap ng suppliers at kung ano-ano pa.

Tinulungan ako ni Kuya Xyrus, kaya napadali, kahit na tutol ako. Ano pa ang silbi ng ayaw kong humingi ng tulong sa iba kung nandiyan siya? Kaso masyado talagang mapilit si kuya. Ang tigas ng ulo.

Mahigit dalawang linggo na rin kaming hindi nagkikita ni Grant matapos ng huling pag-uusap namin sa pub. Ni isang text o missed call mula sa kanya wala akong natanggap.

Nagpapakabusy ako sa pag-asikaso ng flower shop para libangin ang sarili. Wala naman akong balita sa kanya o kung ano nang pinagkakaabalahan niya.

Walang closure ang pag-uusap namin ng gabing iyon. Pagkatapos ng sinabi niya, agad akong tumakbo palabas ng pub. Hindi niya naman ako hinabol. Siguro ayaw niya lang o dahil nasaktan ko talaga siya.

Iyon ang unang beses na sinabihan niya ako ng I love you, na mahal niya ako. Pero... kasi, hindi pwede. Ba't ayaw kong maniwala? Kaya alam kong tama lang ang ginawa ko.

Ngayon, aminado ako, nagsisisi ako. Dahil alam ko sa sarili ko na mahal ko pa rin siya.

Mahal ko talaga siya.

Hindi totoo ang sinabi niyang 'di ko siyang minahal simula umpisa.

Hindi naman gano'n kadaling burahin ang pagmamahal na iyon, na matapos lang ang iilang buwan ay mawawala na?

Kaso, hindi talaga kami maaari. Umpisa pa lang, hindi naman dapat talaga kami. Kasalanan ko kung ba't naging akin siya. Gayo'ng kay Xyrene naman dapat talaga siya.

Kinuha ko lang sa kanya.

Mahal nila ang isa't isa. Iyon ang totoo, umextra lang ako.

Ako 'yong kontrabida sa love story nila.

Kung hindi ko sana plinano ang pagsama kay ate sa tuktok ng bangin, hindi sana mangyayari ang lahat ng ito.

Ako ang nag-umpisa ng lahat, kaya ako rin ang tatapos.

Ngayon, sinasabi ni Grant na mahal niya ako. Ramdam ko ang sinseridad sa mga sinabi niya, sa kanyang mga mata, kaso hindi ko maiwasan ang magduda.

Hindi naman lingid sa kaalaman ko, na may posibilidad na si Xyrene pa rin ang nakikita niya sa tuwing kasama ako. Malamang, kamukha ko si ate, hindi iyon imposibleng mangyari.

Saka hindi ko maiwasan ang hindi magduda... kelan pa niya ako natutunang mahalin?

Isa pa, kung talagang mahal niya ako, nasaan na siya ngayon?

Hindi niya ako sinundan. Hindi na siya muling nagpakita sa'kin. Hindi na rin niya ako kinukulit sa tawag at text. Ni "ha" at "ho", o ang dumalaw sa bahay namin, wala.

Mahigit dalawang linggo na. Siguro nga, napagtanto na rin niya na tama ako; kailangan na naming tapusin ang relasyon na 'to, na simula pa lang, hindi na totoo.

Kung tutuusin, wala naman talagang tatapusin.

Natatakot ako kapag naging kami. Kasi baka magawa ko iyon ulit. Hindi ko pa lubos na mapagkatiwalaan ang sarili ko ngayon kapag kasama siya.

Napabalikwas ako nang may biglang nagpatong ng braso sa'king balikat. "Ang lalim ng iniisip natin, Baby Xhai, ah."

Napangiti ako nang bumaling kay Kuya Xyrus. Nawala na ang mga galos niya sa mukha. At hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam ang dahilan kung ano'ng nangyari sa kanila ni Angel. Malihim talaga siya.

Kahit si Angel, naglilihim na rin sa'kin ngayon. Ay sabagay, noon pa pala siya naglilihim. Nakakaasar ang babaeng 'yon.

"Iniisip ko lang na bukas na magbubukas ang shop. Hindi ko alam kung papatok 'to, Sexy Bro." Pinisil niya ang pisngi ko dahil tutol talaga siya sa tuwing tinatawag kong Sexy Bro. Siya nga Baby Xhai ang tawag sa'kin. Hindi naman ako bata. "Hindi ka pumasok?"

Nakasuot lang kasi siya ng itim na T-shirt, faded maong shorts at Nike shoes. May sunglasses din na suot.

"May day-off din naman ako at may lakad kami ngayon." Hindi ko na natanong kung sino nang yayain niya akong pumasok sa loob ng shop para makiinom ng tubig. Sumalubong sa 'min ang halimuyak ng mga bulaklak.

Nakaayos na ang mga halaman sa iba't ibang klase at kulay rito sa loob. Sa second floor nakalagay ang karamihan. Pero may iilan din naman sa ibaba. Sa first floor kasi ang counter at maliit na opisina para sa'kin sa tuwing pupunta ako rito. Salamin ang buong shop kaya kita ang mga bulaklak sa labas. Hindi gano'n kalakihan dahil 35 x 45 meters ang sukat nito. May balak din naman akong magdagdag ng third floor o baka hanggang fourth floor.

May mga nahire na rin akong employees. Tatlong babae at apat na lalaki. Na lahat ay dating empleyado nina Daddy at Kuya Xyrus. Wala rin talagang kwenta 'yung gusto kong mangyari na tumayo sa sariling mga paa.

Naisip ko rin na mahirap maghanap ng mapagkakatiwalaang empleyado kapag urgent hiring. Gusto ko rin naman kasi ng may experience.

Si Mina, ang siyang magiging manager. Malapit din kasi ako sa kanya at alam kong maaasahan ko talaga siya.

Sina Fae at Pau na matalik na magkaibigan naman ang siyang magsisilbing cashier at sales clerks.

Sina Jay, Set, Arman at Ben ang mag-aasikaso sa mga deliveries at iba pang trabaho na hindi kaya ng mga babae.

Bibisita rin naman ako madalas para magmonitor sa kanila. Ito pa lang din naman kasi ang unang branch ng Sweet Scent. Madali lang naman kasing magpatayo ng ibang branch kapag malaki-laki na ang tubo.

Si Mina na lang ang naririto ngayon dahil pinauwi ko na ang iba pagkatapos maayos ng mga bulaklak. Tutal bukas pa rin naman kami magbubukas.

Natuon ang atensiyon naming tatlo nang bumukas ang pinto. Iniluwa niyon si Angel na madilim ang aura ng mukha.

Umawang ang aking bibig dahil hindi ko talaga inaasahan na pupunta siya ngayon dito. Kakagaling ko lang sa condo niya kahapon. Bumisita lang kami ni Brix. Hindi na kasi nagpaparamdam ang babaeng 'to. Hindi ko nga alam kung ano'ng problema niya.

Ang daya kasi niya, ako lahat sinasabi sa kanya, pero siya may mga inililihim sa'kin.

Nakasuot siya ng itim na T-shirt, sabagay palagi namang nakaitim ang babaeng 'to, maong shorts at Vans' shoes.

Ba't halos parehas sila ng suot ni kuya? Ano'ng meron?

Mahigpit na nakapusod ang kanyang buhok na kumukulot sa dulo. Nakapatong ang sunglasses niya sa tuktok ng ulo. Nakasalikop din ang kanyang mga braso.

Sinundan ko ang tinitingnan niya nang matalim at tumama ang hula ko nang dumapo ang titig ko kay Kuya Xyrus. Daling umiba ang ihip ng hangin.

Si Mina ay pasimpleng lumayo at umakyat sa second floor. Nagpabalik-balik naman ang tingin ko sa kanilang dalawa. Kunot na kunot ang noo ko sa pagtataka.

Ibang-iba talaga ang timpla ng mga hilatsa nila ngayon kumpara noong birthday ni Zyle. Nagpipigil kasi ng ngiti si Kuya, samantalang si Gel, gano'n pa rin naman. Halatang iritado pa rin sa kanya.

Kaso may nag-iba talaga.

'Wag mong sabihing sila na? End of the world na ba?

Inilapag ni Kuya Xyrus ang hawak-hawak na baso sa may counter at umupo sa isang may kataasang upuan. "Hi..." aniya at ngumiti. Nakatingin siya kay Angel. Tumaas ang kilay ko.

"'Wag mo akong ngingitian. Fifteen minutes mo akong pinaghintay sa tapat ng building n'yo, walang hiya ka! 'Yun pala nakikitambay ka lang dito? Tangina mo!" Kulang na lang umusok ang paligid ni Gel. Ang init yata ng ulo niya.

"Wooh. Kalma, babes." Itinaas ni kuya ang dalawang kamay. "Ilang minuto pa lang namiss mo na ako, Cheesecake ko?" Mahahalata talaga sa boses ni Kuya na nang-aasar siya. Nalaglag ang panga ko. Si Angel, tila makakapatay na yata ng tao.

Babes? Cheesecake? May ko pa. What the heck, Kuya?

"Tangina... Xyrus! 'Wag mo akong ginagalit kung ayaw mong masaktan. Tara na..." Gusto na yata talagang manapak ni Angel, kaso halatang nagpipigil. Lalo naman akong naguluhan.

Tara na...? Saan?

"Walang date hangga't hindi mo sinasabi ang magic word, Cheese Cake." Napayuko bigla si kuya, para itago ang pagpipigil ng tawa. He's teasing her. Obvious!

Date? Wala na yatang ikukulubot noo ko.

Nawala na naman ako sa eksena. Si Gel nga, hindi pa ako binabati hanggang ngayon. Gugunaw na yata talaga ang mundo.

"Gago! I-date mo mukha mo..." Tumalikod si Gel para lumabas. Kaso, hindi niya mabuksan ang glass door dahil hawak ni Kuya Xyrus 'yung remote na kumukontrol sa pinto. Muli siyang humarap. Wala na yatang ididilim ang mukha. "Tangina! Isa..."

"Magic word first, Cheese Cake." Hindi pa rin nabubura ang nakakalokong ngisi ni kuya. Nilalaro niya ang remote sa palad habang prenteng nakaupo.

Bumuga si Angel ng hangin, kuyom ang mga kamao at pumikit. Malapit na naman siyang sumabog. Ano ba'ng trip ng dalawang 'to? Naweweirduhan na talaga ako sa kanila. Para silang dancing lights, paiba-iba.

"C-Choco," mahinang sambit ni Angel. Nagsalubong lalo ang kilay ko. Choco? Si kuya naririnig ko na ang mahinang tunog ng pagtawa. "C-Chocolate. Ugh! Tangina mo talaga, Xyrus Helle!"

"Chocolate?" Napaulit ako sa sinabi ni Gel. Tila bumulong lang kasi siya sa hangin.

"What? I can't hear you... cheesecake," ani kuya. Ang lakas ng tawa niya. Kaya napamura na naman si Gel.

"Tangina mo, Chocolate ko. 'Pag 'di pa tayo umalis dito. Mapapatay na talaga kitang gago ka. Naiintindihan mo?" Lalo lang lumakas ang tawa ni kuya. Ako naman hindi ko alam kung tatawa rin ba o ano.

Chocolate ko? What the f?!

"Xyrus..." Mapuputolan na yata ng ugat si Angel sa leeg sa panggigigil. Pinindot naman ni kuya ang remote at bumukas ang pinto. Walang paalam na lumabas si Gel, malalaki ang bawat hakbang.

Napatayo si kuya at mabilis akong hinalikan sa pisngi. "May date lang kami ng babaeng mahal ko, Baby Xhai."

"Tangina! Ang kapal mo talaga. Hindi tayo magdadate. Asa..." Gano'n na lang ang tutol ni Angel, nasa may pintuan pa pala siya.

"Umamin nga kayo..." Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanila. Sabay ko pa silang itinuro at ipinagdikit ang mga daliri. "Kayo na ba?" Kahit sino kasi ang makakakita sa kanila, gano'n ang iisipin at may LQ lang.

"Xhai, hindi... / Malapit na." Sabay na sagot nila. "Hinding-hindi mangyayari 'yun," dugtong ni Gel sa sinabi niya.

"Right," natatawang turan ni Kuya Xyrus at lumabas na. Napasunod na lang ako ng tingin sa kanya.

Nakakapagtaka. Nakakapagduda.

Bumalik si Angel sa loob at may inabot sa'kin. Tulala pa rin ako kaya muntik ko nang malaglag sa sahig 'yung cellphone na ibinigay niya.

"Xhai, pakinggan mo 'yan. And... Choose happiness not misery, okay?" aniya at tumalikod. Hinawakan ko ang kamay niya.

"Gel, ano'ng meron...?" nawiwindang pa rin na usisa ko. Hindi ko na nga binigyang pansin ang huling sinabi niya. Kumunot ang kanyang noo, patay malisya rin ang isang 'to. "Sa inyo ni Kuya Xyrus. May itinatago ka sa'kin, ano?"

Bumuga siya ng hangin at lumingon kay kuya. Masama pa rin ang tinapon niyang tingin dito. Nagkibit-balikat si kuya at pasimpleng ngumiti sa'kin.

"Basta... tangina 'yang kuya mo, eh!" tanging nasagot ni Angel, pero 'yung tono niya pagalit pa rin. Nanginginig pa ang mga nakakuyom niyang kamao.

Ano'ng ginawa ni kuya sa babaeng 'to?

Nakaalis na silang dalawa, pero hindi pa rin nasasagot ang mga katanungan ko. Bahala nga sila sa buhay nila.

"Mina?" tawag ko dahil nasa taas pa rin siya. Narinig ko ang mabilis niyang mga yabag pababa.

"Yes, Ma'am?" Nacucute-an talaga ako sa kanya. Maliit kasi siyang babae, siguro mga 4'10" lang ang tangkad. May kaliitan ang mukha pero bilugan. Maputi, mapula-pula ang bagsak na buhok hanggang balikat at may bangs, singkit, maliit ang ilong at namumula ang mga pisngi. Half Korean at Japanese kasi. Lumaki lang sa Pilipinas kaya bihasa sa Tagalog.

"Xhai na lang." Nginitian ko siya. Ngumiti rin siya at naging linya na lang ang kanyang mga mata. Naiinggit nga ako dahil bilogan 'yung sa'kin. "Samahan mo muna ako rito. Mamaya pa kasi ako uuwi. Sabay na lang tayo." Tumango siya at pumasok naman ako sa office.

Humiga ako sa may kahabaang sofa sa gilid ng table na may mga nakalapag na mga documents. Maliit lang din naman itong office at wala pang masyadong gamit, maliban sa divider na may iilang libro at folders.

Sa nakasanayan, purple ang motif ng wallpaper. Air-conditioned din naman kaya masarap tambayan. Ayoko pa kasing umuwi sa bahay. Ayoko rin naman gumala sa mall. Masyado akong napagod ngayong nakaraang linggo sa pag-asikaso nitong shop. Ngayon lang ako makakapagpahinga dahil bukas mabubugbog nanaman ang katawan ko.

Pinaikot-ikot ko sa mga palad ang ibinigay na cellphone ni Angel. Ano'ng meron dito? Wala namang lamang simcard at ibang application, maliban sa isang sound recorder na may lamang nag-iisang file.

Tumunog ang cellphone ko sa bulsa bago ko pa ito mabuksan. Napairap ako sa ere dahil alam kong si Green ang tumatawag. "Pakisabi na lang" kasi ang ringtone nito. Hindi ko alam kung ba't iyon ang ipinalit ng ipis na 'to.

"Oh...?" labas sa ilong na tanong ko.

"Wala man lang hello?" Tumawa si Green sa kabilang linya. Hindi yata nagsasawa sa boses ko ang kumag na 'to. Kilalang-kilala ko na nga rin ang boses niya, kahit malat man siya. Minsan naman palaging sa bahay.

Wala yatang inatupag ang lalaking 'to kung hindi ang magliwaliw. Kailan kaya siya titino? Kailangan ko na yatang gumawa ng paraan. Hindi naman maaari na hanggang ganito na lang siya.

"Bakit ba?" Nahagip ng paningin ko ang calendar at wall clock na nasa gilid ng pinto. September 2; Wednesday, 10:49 AM ang eksaktong petsa at oras. Ang bilis talagang dumaan ng mga araw. Hindi ko nga napansin, ber months na naman.

"Kung saan-saan ka na naman nagpupupunta. Hindi ka man lang nagpaalam sa'kin," nagtatampo ang boses niya. Tumaas ang isang kilay ko. Ano'ng kahibangan na naman ng isang 'to?

Bumangon ako at umayos ng upo. "At ba't kailangan kong magpaalam sa'yo... Aber?" Ipinagsalikop ko ang mga braso at napairap na parang nakikita niya ako.

"Kailangan, baby girl... Kailangan mong magpaalam sa'kin kung maglalakwatsa ka. Lalo na kung sa panaginip ko ikaw pupunta." Sa kaseryosohan ng tono niya bigla akong tumawa.

"'Langya naman, Green. Saan mo ba pinupulot 'yang mga pick-up lines mo?" Baliw talaga ang mukong na 'to. Hindi talaga siya nawawalan ng mga banat niya; na sa sobrang kacornyhan kaya ako natatawa. "At ang arte-arte mo ha. Pinapanuod mo na nga lang ako ng free viewing sa panaginip mo; nagrereklamo ka pa. Hoy... mahal ang talent fee ko. Ibigay mo sa'kin 'yung tip mo 'pag nagkita tayo," pagbibiro ko.

Sa araw-araw na ginawa ng Diyos na nakikita ko siya at naririnig ang boses niya, sanay na sanay na talaga ako sa kanyang presensiya.

Tinanggal ko ang black hairclip na nakakabit sa buhok ko. Tinitigan ko ang iyon at napangiti. Palagi kong isinusuot 'to, eh. Simula nung kalagitnaan ng therapy ko. Muli ko itong isinabit sa buhok.

"Calm yourself, baby girl. Baka mamatay ka sa kilig. At... 'wag mong itatanggi na hindi ka kinikilig. Kaya 'wag ka nang tumawa baka pakasalan kita." Sigurado akong hinahawakan niya ang buhok at kinakagat ang labi sa mga oras na 'to. Ganyan siya palagi kapag nagpapacute.

Pisti! Akala niya naman cute, ha. Excuse me lang, ha? Masyado siyang g'wapo para maging cute. Take note the sarcasm, please. Please...

At umay na umay na ako sa kakatawag niya ng baby girl sa 'kin. Tumigil na siya sa mga iba't ibang sweet nothings at ang bantot ng pinalit niya. Ay naku!

"Pwe... As if naman na sisiputin kita sa altar." Tumawa lang ang loko. Natigilan ako nang may mapansin sa ibinigay na cellphone ni Angel.

HeaRant ang file name ng nakasave rito. Kumunot ang aking noo. Ano'ng Hearant?

"Nasaan ka ba?" Muntik na akong mahulog sa sofa nang muling magsalita si Green. Napabuga ako ng hangin.

"Wait... I need to hang up." Hindi ko na siya pinasagot. Pinatay ko na ang tawag at inilapag ang aking cellphone sa sofa. Hindi ko nagustuhan ang biglang pagbilis ng kabog ng dibdib ko.

Masama ang kutob ko.

Kinalma ko muna ang sarili at pinunasan ang namumuong butil ng pawis sa noo bago pinindot ang PLAY. Katahimikan ang sumalubong sa 'kin. Papatayin ko na sana nang marinig ang boses ni Angel.

[Hoy! Grant...] Nagsalubong ang kilay ko at napatuwid ng upo. [Tangina! Tumigil ka nga muna.] Muling katahimikan. Ugong ng speaker at yabag lang ang aking naririnig. Ano ba 'to, Gel? [Asshole! You shouldn't let her go just like that.]

Doon na ako napatayo. Lalong bumilis ang tahip ng dibdib ko. May ideya na ako kung ano 'to. Hindi ko lang matukoy kung kailan nga ba 'to nangyari. Hinintay kong magsalita si Grant, pero mahinang kalabog at boses ni Angel ang muli kong narinig.

[Kahit kailan talaga ang tanga mo pagdating sa pagdedesisyon!] Ano ba 'tong ginagawa mo, Angel? Nagpalakad-lakad ako sa loob ng opisina habang sinusuklay ng mga daliri ang nakalugay na buhok. [Alam mo, gusto kitang bugbugin sa mga oras na 'to. Hindi lang kami ang niloloko mo, pati na rin ang sarili mo. Kailan mo ba aaminin, kahit sa sarili mo man lang, na mahal mo ang kaibigan ko?]

Natigil ako sa paglalakad. Sinisilihan ako na malaman ang isasagot ni Grant. Dapat wala na akong pakialam, pero ewan ko ba. Alam ko na nangyari ito bago ang therapy ko. Hindi ko lang talaga maintindihan kung ba't kailangang gawin ni Angel ang bagay na 'to.

At nirecord niya pa talaga.

Napatalon ako nang may biglang kumatok. Napahawak ako sa dibdib. Akala ko malalaglag ang puso ko. "Ma'am? May costumer ho tayo," sabi ni Mina bago pa ako makapagsalita.

"Costumer? Pakisabi naman na bukas pa tayo magbubukas," wala sa mood na usal ko at nakatuon pa rin ang buong atensiyon sa hawak na cellphone.

[Fine! Sarilihin mo ang problema mo. Pero, ito ang tandaan mo, Loriete, si Xhai ay ikinukumpara ko sa thesis.] Napapailing na lang ako sa pinagsasabi ni Angel. Kapag nandito pa ang babaeng 'yon, nabatukan ko na. Ba't may thesis? [Maraming chapters at revisions. Kailangan mo ng pasensiya at matinding efforts para pumasa. And... in order to prove your feelings for her, you must DEFEND her.]

"Ma'am..." Ang kulit din ni Mina, sabi nang Xhai na lang. "Ngayon niya na raw po kailangan ng mga bulaklak na bibilhin niya. Marami rin ho siyang mga orders. At isa pa ma'am... ang gwapo niya," pabulong na lang 'yung huling sinabi niya.

Napafacepalm ako. "Ikaw na lang ang mag-asikaso." Ano ba namang customer 'yon? Hindi makaintindi na sarado pa kami?

[Don't sit on two chairs 'coz you'll just end up falling through the space between them. Decide on what you really want, Grant. Xhaiden or Xyrene? Take your side not in between.]

Natigil ako sa paghinga. Walang-hiya ka, Angel. Best friend talaga kita. Sa oras na makita kita, yari ka talaga sa'king babae ka. Napapunas muli ako sa noo. Tagaktak na ang pawis ko kahit 18 ang nakalagay na temperatura sa aircon.

"Ma'am, ang may-ari ng Sweet Scent ang gusto niyang makausap. Ang sabi niya pa, anong klase raw kayong negosyante; kay bago-bago pinagtatabuyan ang mamimili." Naikuyom ko ang mga kamao. Hindi pa nga ako nag-uumpisa sa negosyo, mukhang mapapaaway na yata ako.

"Okay, tell him, Mina, I'll be there in few minutes." Pilit kong pinapakalma ang sarili.

Pinapainit ng customer na 'yan ang dugo ko. May ilang minuto pa bago matapos ang aking pinapakinggan. Ni hindi ko pa nga naririnig ang boses ni Grant. Pinagloloko lang yata ako ni Angel dito sa audio na 'to, na may file name pang HeaRant. Bwisit na babae 'yon.

Ipinagsama pa ang pangalan namin ni Grant.

[Sometimes, the simplest advice that you can give to others is the hardest thing for you to follow. Susundin ko lang mga sinabi mo, sa oras na natimbang mo na ang nararamdamn ni Xyrus para sa'yo.]

Kinagat ko ang labi dahil sa narinig. Namamalat pa ang boses ni Grant. Ramdam ko ang sinseridad sa himig niya. Pero naputol na naman ang pag-eemote ko nang muling magsalita si Mina sa intercom.

Ugh...

"Ma'am, nagmamadali ho siya. Kapag hindi pa raw kayo lumabas sa loob ng isang minuto, pagbabasagin niya raw 'yung mga vases dito," hysterical na sambit ni Mina. Mukhang totoo ang sinasabi niya.

Shit.

"Okay..." Napatakbo ako palapit sa pinto nang wala sa oras at binuksan ito. Ipapablutter ko kung sino man ang lalaking 'yan. Apurado.

[Tangina...? Si Xhai—]

Nabitiwan ko ang hawak na cellphone nang mabunggo ako sa matigas na bagay, na agad kong napagtanto na bulto ng isang ubod nang bango at matangkad na lalaki. Unti-unting umangat ang tingin ko hanggang sa manlaki ang aking mga mata.

[Okay, fine. I love Heather. Mahal na mahal ko siya. Masaya ka na?]

"G-Grant..." kandautal na bulong ko. Hindi dahil sa narinig ko, kung hindi dahil nakikita ko siya mismo sa harapan ko. Oh my God!

Don't panic. Don't panic. Breathe!

Napansin ko ang unti-unting pagkunot ng kanyang noo habang nakatitig sa cellphone na nasa paanan namin; na sana nasira na lang nung nahulog, kaso buong-buo pa siya at patuloy na nagp-play.

Dammit, Gel!

[Wala kang karapatan na pagsabihan ako, dahil hindi mo alam kung ano'ng nararamdamam ko. Ang lakas ng loob mong sabihin sa'kin na hindi ko dapat siya pinakawalan nang gano'n na lang. Pero... tangina, Gel. Tangina! Wala kang alam kung gaano kasakit sa'kin 'to. At ito ang tamang gawin sa sitwasyon na 'to. Tama ka... Mahal ko siya. Pero may magagawa pa ba ako bukod dito? Mas pipiliin ko bang masaktan siya sa piling ko o ang maging masaya siya nang wala ako?]

Natapos nang magplay ang audio pero nakatingin pa rin kami sa aparato. Tila sinisilaban ako sa kinatatayuan. Halos mabingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko.

Siguradong nagtataka siya kung paano nagkaroon ng record kung ano man ang eksenang nangyari sa pagitan nila ni Angel. Higit sa lahat, hawak-hawak ko ang kopya niyon at kasalukuyang pinapakinggan.

Madedehydrate na yata ako sa sobrang pagpapawis. Kanina pa ako natigil sa paghinga pero 'yung kabog ng dibdib ko ayaw magpaawat. Ni hindi ko na napagtuonan ng atensiyon ang paligid. Ang tanging naiisip ko ay kung paano makakatakas dito sa loob ng shop.

Hindi nakapagsalita si Grant. At hindi ko rin siya magawang tingnan.

"M-Mina..." Napabaling ako sa direksiyon niya. Nakayuko siya. She lied.

Kilala niya si Grant.

Imposibleng hindi.

Matagal na siyang nagtatrabaho sa kompanya namin. Kilala niya rin ang pamilyang Loriete pati na rin ang ibang kabilang sa Trese.

"Ikaw na muna ang bahala rito." Pumihit ako at mabilis ang bawat hakbang palabas ng shop. Naipaypay ko ang mga palad sa mukha habang lakad-takbo ang ginagawa patungo sa katabing building.

Wala akong dalang pera dahil nasa loob ng opisina ko ang aking pouch pati na rin ang cellphone ko. Ang company lang namin ang tanging natitirang option ko para matakasan si Grant.

"Heather..." Awtomatikong bumilis ang aking mga hakbang. Naririnig ko ang mga yabag sa'king likuran. Tatakbo na ako nang may biglang humawak sa braso ko at pinaharap ako. "Stop running away from me... It isn't funny!"

Napapiksi ako dahil halos sumigaw na si Grant. Naisuklay niya ang isang kamay sa buhok. Sobrang frustrated na yata siya sa'kin. Mahigpit ang hawak niya sa braso ko kaya hindi ko maiwasan ang hindi mapangiwi sa sakit.

Ipiniksi ko ang kamay pero hindi niya pa rin ako binibitiwan. His eyes were dark. His lips trampled. And his jaw clenched. "Grant... You're hurting me."

"You're hurting me, too, Heather..." Halos bumulong lang siya sa hangin, pero hindi ko maiwasan ang mapasinghap at kagatin ang labi. Ni hindi ko siya magawang titigan sa mga mata.

Tinulak ko siya sa dibdib. "Tama na, Grant. Tapos na tayo... Wala na." Tumalikod na ako. Pero muli niya akong pinaharap at isinandal sa pintuan ng sasakyan, na napag-alaman kong kotse niya.

Great. Kung minamalas ka nga naman.

"Ba't ang dali lang para sa'yo na sabihin ang bagay na 'yan? Na putulin ang ating pinagsamahan. Gano'n na lang ba 'yon? Huh? I know you're lying... you're lying. Look, Heather... I—"

"Enough!" Tumaas ang boses ko. "This is so wrong, Grant. So wrong."

Saka 'di ba, ikaw naman ang unang bumitaw at hindi ako? Ikaw ang unang nag-let go!

Gusto kong isumbat pero nanatili akong tahimik. Kasi kaya ko nang kontrolin emotions ko ngayon. At hindi ko alam kung dapat ko bang pasalamatan ang bagay na 'yon.

Bumuntong-hininga siya. "Then, what's right? Ang iwasan ako? Ang iwanan ako? Mahigit apat na buwan tayong hindi nagkita. Ngayong naririto ka na ulit sa harapan ko, iyan ang sasabihin mo? Ni wala tayong seryosong pag-uusap. Hindi pa ba sapat ang mahigit dalawang linggo para makapag-isip ka? Ilang linggo pa ba ang gusto mo? Pero, sorry, hindi ko na maiibigay 'yun sa'yo."

Nagtatangis ang mga bagang niya. Hindi ko na iniinda ang higpit ng hawak niya sa 'kin. Hindi ko rin magawang ibalik ang tingin sa kanya dahil baka bigla ko siyang yakapin 'pag nakitang nasasaktan siya.

Gusto ko siyang yakapin. Nakokonsensiya ako sa ginagawa ko ngayon. Pero naiinis din ako at hindi maiwasan ang mabadtrip.

Ba't ba kung makapagsalita siya... ako ang may kasalanan at lumalabas na masama?

Umiiwas ako? Balak ko siyang iwan?

Hindi ba niya magets na siya ang gumawa nun at hindi ako?

"And... What the hell, Heather? Ba't ganyan ang suot mo?"

Napalunok ako at inalisa ang kasuotan ko. Napuna niya pa talaga ito?

Nakasuot ako ng plain beige sleeveless top na nakatuck-in sa white shorts, na may dark yellow belt. White rubber shoes naman sa panyapak. Okay naman ang suot ko, ah.

Disente naman. Hindi kabastos-bastos.

Pasimpleng pinasadahan ko rin ang kabuoan niya. Naka-stripe navy blue polo shirt siya na pababa ang stripe at hindi nakabutones, blue V-neck T-shirt ang panloob at faded jeans. Kahit ano'ng suotin niya, bagay talaga sa kanya.

Ipinilig ko ang ulo para bumalik sa tamang pag-iisip. "Why do you care? We aren't even together—"

"Right!" Tumawa siya nang pagak. "You're right. Let's just break up, if that's what you want. Let's end this shitty and fake relationship. It's now over. We're done. Hope that makes you happy."

Tinanggal niya ang singsing sa daliri niya at akmang itatapon ito. Nanlaki ang mga mata ko.

"On the second thought," nagkibit-balikat siya at inilagay ito sa bulsa. "Maswerte ang makakapulot."

Napamaang ako. Napatitig lang sa kanya. Seryoso ang aura niya at matiim ang tinging ipinupukol sa'kin.

Hindi ko na napapansin ang mga napapabalik ng tingin. Maraming tao, pero kay Grant nakatuon ang buong atensiyon ko. Nahigit ko ang hininga at pinipiga ang aking puso.

Masakit. Masakit kahit ako naman ang may gusto nito.

Masakit na balak niya ulit akong bitiwan. Ilang beses na ba? Noon, palagi. Hanggang ngayon pa rin pala? Isusuko niya ako.

Bakit ba nagpapahard-to-get ako? Hindi ko rin maintindihan sarili ko. Alam ko naman sa sarili kong mahal ko pa siya, eh. Siguro dahil nangangapa pa ako kung paano ko gagawin ang sinasabing... Handling Grant ni Tita Brenda.

Kinagat ko ang labi at marahang tumango. Pinipigilan kong kumawala ang luhang sumisilip sa mga mata ko.

Say something. "Uh..." Dammit, Heather, say something, you can do it.

"T-Thank you. You... You can get your hands off of me, now."

Panandalian siyang pumikit bago muli akong tinitigan. Inaalisa ang reaksiyon ko bago muling bumuntong-hininga. Binitiwan niya ang braso ko. Pero naalerto ako nang ilipat niya ang mga kamay sa magkabilaang tagiliran ko para ipangtukod sa sasakyan, bago inilapit ang mukha sa'kin.

Nasiksik ko ang sarili sa kotse kahit wala naman iyong silbi. Hinawakan ko ang kanyang dibdib para hindi kami tuluyang magkalapit, kaso mali ang aking ginawa. Naging dahilan pa kasi iyon para maramdaman ko ang mabilis na salsal ng dibdib niya.

Pucha! Lumilindol ba?

Napabaling ako sa kaliwa nang ilapit niya ang labi sa may tainga ko. Pigil na pigil ko ang hininga habang kuyom ang mga kamao. Naaamoy ko rin ang hininga niya at gamit niyang pabango.

"You can feel my heartbeats; I can hear yours. You can't lie to me. I know you don't love me but I can feel that you still have feelings for me. Kaso ito ang gusto mo, puwes ibibigay ko sa'yo."

Nakikiliti ako sa hininga niya na dumadampi sa batok ko. Hindi ko maiwasang mapalunok dahil sa panunuyo ng lalamunan ko. Ni ayaw ko na ngang humugot ng hininga, panigurado kasing manunuot sa ilong ko ang kinahuhumalingan kong bango niya.

"I gave you what you want. Now, Heather, whether you like it or not... I'll do what I want, too. You want us over, but I can always start over. You're done. I'm not... I'm not gonna give you up. I'll court you. I'll chase you, until you realize that you still love me and I love you too. That I'm yours, even though you're not totally mine. I'm gonna make this complicated and shitty relationship of ours to be official. I want us to be real. And always remember..." Idinikit niya ang ilong niya sa pisngi ko. "Heather, my Minnie, you owned me. You. Owned. Me."

Hindi ko magawa ang makakibo. Ultimo dila ko namaluktot at walang makalap na tamang salita para ipangtapat sa mga sinabi niya.

Ano'ng sabi niya? I owned him?

Ibinibigay niya ang sarili sa 'kin?

Hindi ako makakurap. Tulala lang akong napatitig sa kanya nang bahagya siyang lumayo at naghubad ng suot na polo shirt. Hindi na ako nakapagprotesta nang isuot niya sa akin iyon dahil naparalisa na yata ako.

Shit!

"G-Grant... w-what are you doing?" apila ko nang sapilitan niya akong pinapasok sa loob ng kanyang kotse at ikinabit ang seatbelt. Nangangatog pa rin ang katawan ko kaya masyado iyong napadali sa kanya.

"Aren't you listening to me? I'm now courting you, Minnie." Binigyan niya ako nang nakakalokong ngisi at mabilis na halik sa labi. Sa bilis ng pangyayari ay wala akong nagawa kung hindi ang matulala. "I love you and you're mine. Only mine. Grant Turner Loriete's. All rights reserved."

Shit! Hindi siya si Grant. Hindi ganito si Grant. Hindi siya basta-basta nagsasabi ng I love you sa 'kin. Nasaan ang totoong Grant?

Napahawak ako sa ulo ko dahil nahihilo ako sa nangyayari. Nakapa ko ang hairclip. Tinakasan ako ng kulay bigla. Namutla.

Sumulpot ang mukha ni Green sa isip ko. Sobrang linaw. Nakangiti sa 'kin.

Napalingon ako kay Grant. Pinaandar na niya ang sasakyan. Sumulyap siya sa 'kin... hindi pa rin nabubura ngiti niya.

Nawala ang pagkakakunot ng noo ko at unti-unting naapawang ang bibig. Realization hit me. Humigpit pagkakahawak ko sa hairclip. Si Silver?!

--

#IAR #InaREALationSHIT

Click the ☆ button.

Continue Reading

You'll Also Like

4.9M 100K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
1.9M 15.3K 87
It's so good to love someone so much it hurts, right?
24.8M 250K 101
Now a published book under Summit Media. Php 175.00. English. Available in all bookstores nationwide. :)
21.5M 699K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...