Sakit ng Kahapon

By CindyWDelaCruz

113K 1.3K 351

Maagang namulat si Ginny sa katotohanang hindi na siya babalikan ng lalakeng kanyang minahal ng buong puso. S... More

Sakit ng Kahapon
Chapter Two - Positive...
Chapter Three - Ang Paglalayas
Chapter Four - Start of Something New
Chapter Five: Paradise Resort
Chapter Six: Namumuong Pagkakaibigan
Chapter Eight: Binabagyong Puso
Chapter Nine: Pagpapanggap
Chapter Ten: Hacienda Dela Fuente
Chapter Eleven: Dapithapon
Chapter Twelve: Umagang kay Ganda
Chapter Thirteen: Pagsisisi, Pagtanto at Pagmamahal
Chapter Fourteen: Ang Nakaraan sa Kasalukuyan
Chapter Fifteen: Sapat na ang Minsan
Chapter Sixteen: Isa pang Pagkakataon
Chapter Seventeen: Villa La Paz
Chapter Eighteen: Isang Baliktanaw sa Nakaraan
Chapter Nineteen: Matinding Atraksyon
Chapter Twenty: Makita Kang Muli
Chapter Twenty One: Mga Tinatagong Sikreto
Chapter Twenty Two: Mga Hadlang
Chapter Twenty Three: Lakas ng Loob
Chapter Twenty Four: Mga Sugat ng Nakaraan
Chapter Twenty Five: Tuluyang Paghilom

Chapter Seven: Sa Ilalim ng mga Bituin

2.2K 35 3
By CindyWDelaCruz

     "So ano pala ang agenda natin ngayon?" nakangiting tanong ni Ginny kay Jordan habang kumakain sila sa buffet style breakfast na sine-serve ng resort. Alas siete pa lang ng umaga at katatapos lang nilang maghilamos. Pinoy na pinoy ang almusal na nakahain sa buffet table, nandiyan ang sinangag, nilagang itlog, tocino, longganisa, tuyo, kamatis at meron ding taho.

     "Pupunta tayo ngayon sa Cagbalete Island, ano game ka pa ba?" nangaasar na tugon ni Jordan saka inisang lagok ang isang tasa ng taho. "Mag-checkout na tayo pagkatapos natin mag almusal."

     "Wow, talaga? Excited na ako! Sa totoo lang hindi pa talaga ako nakakalabas ng Cavite sa buong buhay ko. I mean okay, except 'pag ihahatid namin si Mama sa airport. Pero bukod doon ay mamamasyal lang kaming mag-anak sa may mall pero iyon na 'yon. First time ko atang na-excite nang ganito. Salamat ha, hayaan mo hindi naman ako magiging pabigat sa'yo," tugon ni Ginny.

     "Naku, nandito na naman si Drama Queen, teka lang wala akong dalang panyo ngayon."

     "Naman eh, oo na corny na kung corny. Pero imagin-in mo na lang kung wala ka, saan na kaya ako pupulutin ngayon? Malamang sa kangkungan." 

     "'Wag mo naman masyadong maliitin ang sarili mo."

     "Nagsasabi lang ako ng totoo. Teka bakit hindi naman pala ikaw ang magkuwento ng buhay mo? Lagi na lang problema ng buhay ko ang pinaguusapan natin dito."

     "There's nothing to tell-"

      "Asus, sinungaling! Alam mo kung ano ang nakikita ko sa'yo? Nakikita ko na marami kang ambisyon sa buhay, ikaw ata yung tipo ng tao na planado ang bawat hakbang. Matalino ka at maingat sa mga desisyon na ginagawa mo, sa tingin ko ay malayo pa ang mararating mo."

     "Alam mo ikaw ang unang babaeng nagsabi sa akin niyan. Lahat ata ng babaeng nakakasalamuha ko dati puro kaguwapuhan ko lang ang napapansin." Natawa nang malakas si Ginny. "May nakakatawa ba? Na-miss out mo yung point na 'yon eh. I have to mention it."

     Umikot ang mga mata ni Ginny saka nagsalita. "Okay fine, guwapo ka na. Eh ano naman ngayon? Hindi na ako nadadala sa kaguwapuhan, alam mo naman ang nangyari sa akin. Nabola na rin ako ng guwapo."

     "Ginny, hindi lahat ng guwapo ay manloloko, syempre isa na ako doon." sabi ni Jordan sabay tumawa ito na tila ba nakakaloko. 

     Pagkatapos kumain ng dalawa ay dumiretso na sila sa kwarto para mag-ayos ng gamit. Pero bago pa sila nag-checkout sa resort ay naisipan nilang maglakad lakad sa malawak na hardin ng resort. Tumagal sila ng ilang minuto hanggang sa makarating sila sa isang gacebo, doon ay umupo ang dalawa at tinanaw ang bundok Banahaw. "Buti suportado ka ng mga magulang mo sa pagiging isang travel writer ano?"

     "Ginny, wala na akong mga magulang. Namatay sila sa isang aksidente, bumangga ang sinasakyan nila sa isang rumaragasang trak. I was only seven years old at that time," nakayukong sagot ni Jordan. 

     "I'm sorry." ang tanging nasabi ni Ginny.

     "Ever since ay tumira na ako sa bahay ng Lolo at Lola ko, pero kahit kailan ay hindi kami naging malapit sa isa't isa. Siguro dahil pareho silang masyadong abala kahit matatanda na sa negosyo ng pamilya. Para ngang telenobela eh, kahit pareho nang patay ang mga magulang ko ay galit na galit pa rin sila dahil napangasawa ng unico hija nila si Daddy. Wala silang ibang inisip kung hindi pera, kesyo daw ang habol lang ng Daddy kay Mommy ay pera. Sa palagay ko naman, pareho nang patay ang mga magulang ko, bakit hindi pa nila patahimikin ang matagal nang wala? Kaya naiinggit ako kung paano mo kausapin ang Lola mo kagabi, halatang sobrang malapit kayo sa isa't isa."

     "Kamukha mo ba ang Daddy mo?"

     Tumango si Jordan. "Oo, kamukhang kamukha ko si Daddy. Naiisip ko na baka isa ito sa mga rason kung bakit nila ako kinasusuklaman. Pagtungtong ko sa kolehiyo ay nagtrabaho na ako, ayokong iasa sa kanila ang buhay ko. Pinasok ko ang pagiging waiter, janitor, mekaniko, you name it. Mula noon ay hindi ako tumanggap ng kahit na ano mula sa kanila."

     Tinapik ni Ginny si Jordan sa balikat. "Alam mo sigurado akong mahal ka nila kahit kamukha mo pa ang Daddy mo. Bakit hindi mo subukang lumapit ulit sa kanila? Matatanda na sila at aminin na natin na hindi naman sila habambuhay na nandito sa mundong ito. Mas masaya mamuhay nang walang galit sa puso. Bigyan mo sila ng kapayapaan at pagmamahal habang buhay pa sila." Iyon lang at muling lumiwanag ang mukha ni Jordan. 

     "Salamat sa lahat ng sinabi mo, binigyan mo 'ko ng pag-asa na baka isang araw ay magkaayos kaming muli." Nagpasya nang maglakad pabalik sa reception area ang dalawa, pagkakuha ng mga gamit ay sumakay sila ng jeep patungo sa Mauban Port, at mula naman doon ay sumakay sila ng bangkang de motor patungo sa isla. Tumagal ng halos dalawampung minuto ang biyahe ng bangka. Mabilis ang takbo nito at mula dito ay tanaw ang malawak na dagat na siyang nagpaalala kay Ginny na napakaliit ng problema niya kumpara sa asul dagat na ito. Kahit maaraw at mainit ang panahon ay malakas naman ang ihip ng hangin. Naramdaman ni Ginny ang lagkit ng kanyang balat dahil sa kahalumigmigan. Sa wakas ay narating din nila ang isla ng Cagbalete. Mapuputing buhangin ang sumalubong sa kanila, kasing linaw ng kristal ang tubig na inaakit silang magtampisaw na. Nilaro ni Ginny ang mga paa sa tubig nang sila ay makadaong, laking pasalamat ni Ginny at may dala siyang tsinelas na aangkop para sa pamamasyal sa islang ito. 

     Ilang minutong lakad mula sa pantalan ay matatanaw ang isang camping resort kung saan ay puwede mong rentahan ang tent o di naman kaya ay rentahan ang isa sa mga kwarto nila. Pinili ni Jordan na rentahan ang maliit na kubo na may dalawang kama dahil sa palagay niya ay mas magiging kumportable si Ginny dito. Meron din itong maliit na electric fan kahit pa sabi ng taga pamahala ay pinapatay nila ang kuryente sa gabi dahil sa limitadong kuryente sa isla. "Ako nga pala si Aida, ang taga pamahala ng camping resort na ito," pagpapakilala ng isang babaeng mukhang nasa edad treinta anos na. Nakasuot ito ng pulang polo shirt na may logo ng resort at mabulaklaking palda. "Pagkatapos niyong magayos ng gamit ay bumalik kayo dito dahil oras na para sa tanghalian."

     "Sige po salamat po ate Aida," sagot ni Ginny. 

     "Hindi namin ito karaniwang ginagawa pero dahil wala naman masyadong tao sa isla ngayon dahil pasukan at nasa bakasyon naman ang iba sa mga staff, ay sabayan niyo na ako sa tanghalian at sa hapunan."

     "Ang suwerte naman po namin. Saktong low season pala ang pagbisita namin," tugon ni Jordan. "Maraming salamat po." Masayang nagtanghalian ang tatlo habang hindi naman maubusan ng kuwento si Aida, mga kuwento tungkol sa isla ng Cagbalete. Taga Lucena daw talaga siya pero isang araw ay napadpad siya dito sa isla, nabighani siya sa ganda nito kaya naman ay nagpasya siyang dito na manirahan. Ang problema lamang daw ay hindi na siya nakakita ng lalakeng mamahalin. Isang romantiko si Aida, kahit lagpas na siya sa kalendaryo ay umaasa pa rin siya na darating ang panahon na may isang lalakeng magmamahal sa kanya ng tapat at sasamahan siya dito sa isla. 

     Alas singko na ng hapon nang maisipan ng dalawa na mag tampisaw na sa tubig. Tuwang tuwa sila dahil tila napawi ng lamig ng tubig dagat ang init ng araw na kanina pa nila nararamdaman. Matagal silang nakipaglaro sa alon ng dagat. Hinayaan nilang tanggalin ng bawat hampas ng alon sa kanilang mga katawan ang mga problemang kanilang dala dala. Sa wakas ay naramdaman kong muli ang maging masaya, bulong ni Ginny sa sarili. Sa depresyon na naramdaman niya nang mga nakaraang Linggo ay nawalan na siya ng pag-asa na bumalik pa ang kasiyahan sa kanyang katawan. Dalawang araw pa lang niyang nakakasama si Jordan pero napakarami na niyang natututunan dito. Marami siyang na-diskubre sa kanyang sarili, katulad na lang ng pagmamahal sa paglalakbay. Natutunan din niya sa sandaling panahon ang mangarap muli. 

     Kinagabihan ay napagpasyahan ng dalawa na mag-star gazing, isang aktibidad na sakto lalo na sa lugar ng Cagbalete. Namatay na ang kuryente kaya madilim ang paligid, tanging mga bituin na lamang sa langit ang nagsisilbing ilaw ng isla. "Kanina habang bumibiyahe tayo papunta dito ay marami akong napagtanto," sabi ni Ginny. Kasalukuyan silang nakahiga sa buhanginan na sinapinan ng isang malaking tuwalya na kasya lamang sa dalawang tao. "Napagtanto ko na napakalaki ng mundo, at walang kuwenta ang mga problema ko kumpara dito. Naisip ko na masuwerte pa rin ako dahil pinagkalooban ako ng Diyos ng isang anghel sa sinapupunan ko. Nakakalungkot dahil wala siyang magiging ama, pero kakayanin ko siyang buhayin. Kung kinakailangan ay pagsasabayin ko ang pag-aaral at pagta-trabaho para sa isang magandang kinabukasan."

     "Ginny?"

     "Ano 'yon?"

     "Meron akong proposal."

     "Ano naman 'yon?"

     "What if ako na lang ang tumayong Ama ng anak mo? Puwede tayong magpakasal, puwede kong akuin ang dinadala mo."

     "Jordan, nababaliw ka na ba? Nasobrahan ka lang ba sa seafood?"

     "Seryoso ako Ginny, I know this is a crazy idea. Pero kung iisipin mo, malulubayan ka sa maaaring insulto ng mga tao sa'yo. Aminin na natin na nakatira tayo sa isang mundong mapanghusga lalo na kung nabuntis ka at walang tatayong ama ang magiging anak mo."

     "P-pero hindi sapat na rason iyon para magpakasal. Naniniwala ako na sagrado ang kasal at hindi purkit nabuntis mo ang isang babae, ay papakasalan mo na. Lalong lalo na sa sitwasyon ko na hindi naman ikaw ang ama, hindi tama na magpakasal tayo."

     "Tama ka sa puntong pagpapakasal, sige kahit hindi na tayo magpakasal. Kahit 'pag pumunta tayo sa bahay niyo pagkatapos ng paglalakbay na ito, sabihin mo sa Lola mo na ako ang nakabuntis sa'yo. Mas lalong magagalit ang Lola mo 'pag nalaman nila na ang nakabuntis pala sa'yo ay isang lalakeng kasal na sa iba."

     "Hindi ako papayag na ilagay ka sa ganoong sitwasyon Jordan, masyado ka nang naging mabait sa akin. Hindi na tama kung aabusuhin kita at tatanggapin ko ang inaalok mo. 'Wag mong hayaang sirain ko ang kinabukasan mo-" Napaupo si Jordan mula sa pagkakahiga at sumunod naman si Ginny. 

     "Hindi mo masisira ang kinabukasan ko Ginny. Ilang buwan mula ngayon ay matatapos na ako sa kursong kinukuha ko. Limang buwan na lang at maaabot ko na rin ang diplomang matagal kong hinangad at pinaghirapan. Marami na akong napatunayan sa sarili ko." Napabuntong hininga si Ginny. 

     "Basta hindi ako papayag sa inaalok mo Jordan." Lalo na kung usapang puso ang nakasalalay dito, dagdag ni Ginny sa kanyang isipan. 

Continue Reading

You'll Also Like

13.1K 217 10
Nakakakilig ang mga seloso at possessive na lalaki, hindi ba? Masyadong over-protective. Pero pano na lang kung wala na sa lugar?
88.9K 2K 35
Meet Travis Chang, Lalaking nahulog ang loob sa babaeng nakita niya sa isang computer shop. Kilala sa sikat na Unibersidad sa Travis Chang at maramin...
3M 184K 60
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
4.6K 138 12
Sunod-sunod ng kinakasal ang mga kaibigan ni Coffee at siya ni boyfriend ay wala. Bente-otso na siya pero hanggang ngayon NBSB pa rin. As in zilch, z...