Miss Astig

By cursingfaeri

3.7M 55.6K 8K

PUBLISHED UNDER LIFE IS BEAUTIFUL and is available in all Precious Pages Bookstore Nationwide for only 129.75... More

About the Book
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Forty Two
Forty Three
Forty four
Forty five
Forty Six
Bonus Chapter
Forty Seven
Forty Eight
Forty Nine
Fifty
Fifty One
Fifty Two
Fifty Three
Fifty Four
Fifty Five - The Finale
CREDITS || FAQs || SURVEY QUESTIONS || POVs
Ang huling hatol ni Diwata
SOON TO BE PUBLISHED
Published Book Version

Fourteen

62K 890 64
By cursingfaeri

____________________________________________________

 

Naipanalo ko ang Pageant kaya naman walang patid ang hiyaw ng buong Freshmen students.

Sa huling araw ng pageant ay pinagsuot na ako ng wig na halos ikahiya ko ang sarili. Naka-cap na ako nun pero hindi pa rin ako kumportable sa totoo lang. Wala akong magawa dahil halos suportado ako ng buong pamilya ko. Talagang andun sila sa buong durasyon ng coronation. Nagpalit din kami ng costume ng ilalagay na ang korona. Simpleng cocktail dress lang din ang suot ko sa coronation.

Pagkatapos akong panlisikan ni Ally-Parrot ng nakakasuyang tingin na inismiran ko lang ay wala na din naman 'tong nasabi. Alangan naman na ipahiya niya pa ang sarili niya at maglupasay sa sahig para lang kunin ang korona? Hahahaha. Kahit obvious na masama ang titig niya dun at parang gusto ko na ding ibato sa kanya eh pinigilan ko na lang ang sarili ko. Mamatay na lang siya sa inggit. Gagatungan ko pa yan ng matuluyan na siya. Masyado na siyang nagiging dahilan ng polusyon sa school sa kapangitan ng ugali niya.

 

Sobrang saya dahil first time sa buong history ng high school na nag-Champion sa Pageant ang Freshmen Department bukod sa panalo din kami sa Sports Fest. Tinanghal kaming Overall Champion. Kaya naman nagkaroon ng victory party. Pero dahil mas gustong magcelebrate nina Tita at ng mga pinsan ko sa labas, hindi din kami naka-attend nina Charlie nun. Nagcelebrate din kasi siya kasama ang kanyang pamilya.

Pero bago i-anunsyo ang aming pagkapanalo as overall champion, nakatanggap ako ng text kay Aidan.

From Aidan_(^_^)_:

Louie, kita tayo sa gym mamayang 5pm. Sunduin kita?

Hindi ko mapigilan ang kiligin habang kunwang nagreply ng nagtatakang tanong.

Me:

Huh? Bakit? Ako na lang ang pupunta ah, baka tambangan na naman ako ni Ally, ano ba yun sana?

From Aidan_(^_^)_:

Gusto lang kitang i-congrats. Naipanalo mo ang pageant. You make history, ayeee. Tsaka, hindi na tayo nagkakausap lately dahil busy ka sa pageant eh. Sige, wag mo ko paghintayin ha? See you. :)

Me:

Ah. Sige, see you. :)

Ewan ko ba. Naiimagine ko din ang cute na pagngiti niya kaya naman abot tenga din ang ngiti ko habang nagrereply na tila kaharap ko lang siya. Hehehehe.

"Wuy! Sino yan? Ngiting hanggang langit ka na naman... si Aidan na naman noh?" Nanunuksong puna ni Charlie.

"Di ah! 'Wag ka ngang gawa gawa ng kwento diyan. Sina Kuya lang 'to noh." Nakaingos ko na sagot dito para pagtakpan ang sarili. Pinilit ko ding gawing seryoso ang ekspresyon ko. Pero dahil likas na makulit 'tong bubuwit na 'to hindi pa rin ako makatakas.

"Naman! Pagkatapos kong mapaos sa kaka-cheer sayo eto pa gaganti mo? Wag ka na ngang sinungaling diyan. Si Aidan di ba? Di ba? Di ba?" Sabi nito sabay dutdut ng kamay nito sa pisngi ko na ikinangisi ko ng tuluyan.

"Ano ba! Tigilan mo na yan. Oo na. O siya, magbibihis na ko, ikaw ba? Di ko yata nakita si Nile?" Amin ko sabay change topic syempre. Ano siya, di pwedeng ako lagi sa hot seat ha. Hahahaha.

Bigla namang lumiwanag ang mukha nito at saglit ding pinilit magpakaseryoso. Kitams? Gaya-gaya ng modus. Tatago din sakin eh pareho lang naman kaming may pagsintang irog. Bahahaha. "Ah, ano. Nagtext kanina, may kasama daw manonood ng laro eh di ko naman nakita. Tara na bihis na tayo," sagot nito at tumalikod na para magpatiuna sa locker room.

Pagkatapos naming magbihis ay nakipagbrofist ako at naghiwalay na kami. Pagkatapos kong magpaalam kina Tita na may pupuntahan lang saglit ay dali-dali akong tumakbo sa gym sa college. Hirap na baka makita ako nina Kuya. Baka hindi kami magkasarilinan ni Aidan. Hehehehe.

Hingal ng hingal tuloy ako ng makarating. Pero halos di ko maramdaman ang pagod ng makita kong nakangiti si Aidan habang papalapit ako sa kanya. Ramdam ko din ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko.

"Congratulations! Parang nakakahiya ng lumapit sayo ah, sobrang sikat mo na eh. Dinig ko andami mo na ding tagahanga."

"Ngee. Hindi ko napansin. Hindi naman ako nag-artista. Parang pageant lang eh," sabi ko na lang kahit parang gusto kong itanong kung isa ba siya dun. Hays, ang hirap din pala magcrush. Parang hindi mo alam ano ang sasabihin mo 'pag kaharap mo siya. Natutuliro yung utak ko.

"Siyanga pala, may bibigay ako sayo. Pero hindi ko alam kung magugustuhan mo," inabot nito ang maliit na box na ikinagulat ko.

 

T-Teka naman bakit parang wala man lang warning? Magpo-propose na ba 'to? Parang ang bata ko pa yata sa ganitong mga bagay. Eeeeeh?

 

Nang buksan ko ang box ay kwintas na gold na may palawit na Louie ang nakalagay. Ang ganda promise! Kahit parang nadisappoint ako kasi akala ko engagement ring na. Joke lang po. Hahaha. Inisip ko tuloy kung magkano kaya 'to pag pinasanla ko? Joke ulit. Hindi ko alam pano ginagawa yun ah. Hahahaha.

Nahiya tuloy ako tanggapin pero kasi kinilig na ako ng isinuot niya na sa leeg ko eh. Dalawa na tuloy ang kwintas ko dahil suot ko din ang kwintas na bigay ni Mama na puso naman ang palawit. Pero tila bagay pa rin naman sa tingin ko kasi maganda naman ako ngayon? Hahaha.

Kaso... hindi naman kaya ako ma-holdup neto? Hahaha.

"Bakit mo ko binigyan nito?" Naguguluhang tanong ko kay Aidan kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko. Natatakot tuloy ako na sa sobrang lapit namin baka dinig niya din pagkabog nun.

Matamang ako nitong tinignan sa mga mata na mas lalong nagpalakas ng kabog ng dibdib ko...

At sinabing...

"Kasi po special ka sakin."

Pabalik na ako sa high school department ng makita ko si Nile na may kausap na magandang babae. Magkahugpong pa ang mga kamay nila pero hindi ko na halos napansin dahil masyadong hindi pa ako naka-get over sa mga pangyayari sa College Gym. Syempre, with Aidan, ano pa ba. Naguguluhan ako na kinikilig na ewan. At ayoko ko muna dagdagan pa ng ibang bagay ngayon. Hays.

Kumain lang kami sa Yakimix dahil iyon ang gusto nina Kuya J, yung seafoods unlimited daw. Na halos hindi ko din masyadong nagalaw ang pagkain sa pinggan ko. Sayang tuloy ang bayad nina Tita dahil eat all you can pala yun. Sinabi ko na lang na masyado akong napagod sa event at busog pa. Lutang pa rin ako hanggang sa umuwi kami sa bahay.

Magkatext din kami ni Aidan nung weekend pero simpleng kamustahan lang. Nahihiya din akong ungkatin yung sinabi niya. Excited na tuloy akong mag-Lunes dahil nangangati akong ikwento kay Charlie ang nangyari.

 

 

"Kasi po special ka sakin."

"Kasi po special ka sakin."

"Kasi po special ka sakin."

 

Bakit parang sirang plaka 'tong paulit-ulit na bumabalik sa isip ko?!

Continue Reading

You'll Also Like

37.7K 1K 42
LOVE isn't supposed to be EASY, it's supposed to be WORTH IT!
7.8K 146 30
Lahat ginagawa ni Tzaliyah para sa kaniyang kapatid‚ nagawa niya ngang makipagkontrata sa isang bilyonaryo upang mailigtas lang ang kaniyang nakakaba...
219K 5.3K 29
Sino'ng may sabing Love has a gender ? At sino'ng may sabing Love can't wait? Meet Amber Ysabelle Valdez-babaeng-babae man ang kanyang pangalan pero...
364K 24.5K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...