HE'S INTO HER Season 3 | COMP...

By maxinejiji

237M 4.6M 11.3M

This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such a... More

He's into Her Season 3
CHAPTER 171
CHAPTER 172
CHAPTER 173
CHAPTER 174
CHAPTER 175
CHAPTER 176
CHAPTER 177
CHAPTER 178 : ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 179
HE'S INTO HER SERIES ON NETFLIX
CHAPTER 180
CHAPTER 181
CHAPTER 182
CHAPTER 183
CHAPTER 184
CHAPTER 185
CHAPTER 186
CHAPTER 187
CHAPTER 188
CHAPTER 189
CHAPTER 190
CHAPTER 191
CHAPTER 192
CHAPTER 193
CHAPTER 194
CHAPTER 195
CHAPTER 196
CHAPTER 197
CHAPTER 198
CHAPTER 199
CHAPTER 200 : THE UNEXPECTED 1
CHAPTER 201 : THE UNEXPECTED 2
CHAPTER 202
CHAPTER 203
CHAPTER 204
CHAPTER 205
CHAPTER 206 : FAITH
CHAPTER 207
CHAPTER 208 : THE SUFFERING
CHAPTER 209 : THE SUFFERING
CHAPTER 210 : THE SUFFERING
CHAPTER 211
CHAPTER 213
CHAPTER 214 (PRIVATE)
CHAPTER 215
CHAPTER 216
CHAPTER 217
CHAPTER 218
CHAPTER 219 : THE VENGEANCE 1
CHAPTER 220 : THE VENGEANCE 2
CHAPTER 221 : THE VENGEANCE 3
CHAPTER 222 : THE VENGEANCE 4
CHAPTER 223 : THE VENGEANCE 5
CHAPTER 224 : THE VENGEANCE 6
CHAPTER 225 : THE LAST VENGEANCE
CHAPTER 226 : THE TRUTH 1
CHAPTER 227 : THE TRUTH 2
CHAPTER 228 : THE TRUTH 3
CHAPTER 229 : THE TRUTH 4
CHAPTER 230 : THE FINAL TRUTH
CHAPTER 231 : TORMENT
CHAPTER 232
CHAPTER 233
CHAPTER 234
CHAPTER 235
CHAPTER 236
CHAPTER 237 : THE END PART 1
CHAPTER 238 : THE END Part 2
CHAPTER 239 : THE END Part 3
CHAPTER 240 : THE FINAL ENDING
HE'S INTO HER
TAGURO and SENSUI
EPILOGUE

CHAPTER 212

2.8M 55.9K 211K
By maxinejiji


CHAPTER 212

MAX'S POV

Mabilis na lumipas ang mga araw, linggo at buwan. Hindi ko halos napansin iyon dahil itinutok ko ang buo kong atensyon sa pag-aaral. Totoong maraming kailangan na gawin, bukod sa projects, thesis at major exams ay may Proficiency Exam pa kaming pinaghahandaan. Hindi iyon ganoon kadali, halos mabaliw ako sa mga araw na dumaraan. Halos ipagpaliban ko ang pagkain dahil nanghihinayang ako sa mga segundong papatak habang kumakain ako nang walang nababasa, naaaral o nagagawa.

Hindi ko inaasahang mapaninindigan ni Sensui ang kaniyang sinabi. Hindi naman sa inaasahan kong lalapit pa rin siya, nakakapanibago lang. Lumipas ang ilang buwan nang wala akong naririnig sa kaniya. Hindi ko siya nakikita at hindi ko rin siya maramdaman. Wala rin akong balita tungkol sa kaniya. Ni isa sa mga madalas kong makasama ay hindi nababanggit ang pangalan niya. Hindi rin ako naglalakas-loob na magtanong.

Alam kong hindi lingid sa kaalaman ng mga nakapalibot sa akin na hiwalay na kami ni Sensui. Halata naman dahil ni isa rin sa mga ito ay hindi na nagtatanong. Sa t'wing may pagkakataon na mababanggit ang pangalan niya, pare-pareho silang ilag kung tumingin sa akin. At pilit nilang hindi ipinaririnig sa akin ang pangalan at pinag-uusapan nila tungkol kay Sensui.

Aaminin kong hindi siya nawawala sa isip ko, parang oras-oras sa araw-araw ay parati ko siyang naaalala. Pero wala akong magawa, kaya hinahayaan ko na lang. Maging ang natitira kong lakas ng loob para sa kaniya ay napapalitan ng hiya.

Sa nakalipas din na ilang buwan ay nararamdaman at napapansin ko ang panlalamig ni Naih sa akin. Hindi ko na lang iyon pinagtuunan pa ng pansin dahil pare-pareho kaming abala sa iba't ibang gawain. Nalalapit na ang graduation at pare-pareho na kaming walang oras na pwedeng sayangin. Hindi na nga kami magkandaugaga sa paggawa ng projects at thesis, pati ang pagre-review sa exams ay isinasabay rin namin.

Maging ang mga ipinag-uutos sa akin ay kinailangan kong kalimutan nang panandalian. Naiintindihan naman ng pamilya kong kailangan ko rin ibuhos ang buong atensyon at oras ko sa mga nalalabing panahon ko bilang high school. Hindi ko maitago ang excitement, nararamdaman ko na ang papalapit nang papalapit kong diploma. Na ilang taon kong pinangarap makuha.

Pero sa t'wing maiisip ko ang sitwasyon sa 'min ni Sensui ay nabubura ang tuwa, saya at excitement ko. Nalulungkot ako. Hindi maganda ang sitwasyon namin no'ng siya ang grumaduate, hindi ko inaasahang ganito pa rin ngayon.

Hindi pala 'yon gano'n kadali. Kahit na kasi para sa akin ay ako ang higit na nasaktan, sa huli ay ako pa rin pala ang magdudusa. Nasasaktan ako dahil sa sitwasyon namin, na walang kasiguraduhan kung maaayos pa ba.

Sinisikap kong pigilan na 'wag siyang isipin, ibinubuhos ko ang lahat sa mga ginagawa ko. Iyon na lang kasi ang tanging paraan na meron ako para mapanindigan ko ang mga sinabi ko.

"Baka ikaw ang maging valedictorian niyan?" nadinig ko ang tinig ni Lovemir.

Kasalukuyan akong nasa field, nakahiga sa ilalim ng puno at doon nagbabasa. Walang klase, wala ring practice ng sayaw kaya doon ako tumambay.

"Malapit na ang exam, eh."

"Dinalhan kita ng meryenda." Inilapag niya ang isang mamon at juice.

"Salamat."

"Ano ang kukunin mong course sa college?" tanong niya habang ngumunguya.

"Nursing? BS Bio? Alinman sa dalawang 'yan." Isinara ko ang hawak na libro 'tsaka ako naupo sa tabi niya. Nagsimula akong kumain. "Gusto ko talagang maging doktor."

"Nice. Kung gano'n ay kailangan mong maipasa ang Science sa Proficiency Exam. Pero bakit 'yon ang gusto mong kunin?"

Ngumiwi ako. "Marame akong gustong malaman tungkol sa katawan ng tao. Pero higit sa lahat ay gusto kong malaman kung baket at paano nagkakasakit ang isang tao. 'Tsaka ko sila tutulungan na gumaling."

Tumango siya. "Ang lalim."

"Ikaw?"

"Ako?" patanong niyang sagot 'tsaka tumingala sa langit. "Ang totoo ay hindi ko alam," nakangiti niyang sabi. "Hindi ko nakikita ang sarili ko sa kahit na anong posisyon sa mundong ito. Minsan nga naiisip ko, baka maaga akong mamamatay." Tumawa siya.

Natigilan ako at matagal na napatitig sa kaniya. Naiwang nakamaang ang labi ko. At nang hindi ko magawang sumagot ay taka siyang lumingon sa akin. Napailing ako at nag-iwas ng tingin.

"Madalas kitang mahuli na nakatingin sa akin, Maxpein. Dapat na ba kitang sagutin?" biro niya.

"Tss." Nag-iwas ako ng tingin.

Pakiramdam ko ay nawalan ako ng gana sa kinakain. Paano kasi ay natatandaan kong sinabi ko rin iyon kay Sensui. Hindi ako natigilan dahil naalala ko si Sensui, kundi dahil pareho kami ng naiisip ni Lovemir. Hindi man eksakto ang pagkakapareho nang sinabi namin, pareho naman ng laman.

"Maxpein?"

"Hm?"

"Ano ang nagustuhan mo sa akin?"

Naihinto ko ang pag-inom, muntik ko nang masamid. Gulat akong napalingon sa kaniya. "Ano?"

Natawa siya. "Biro lang."

"Tss. Mag-aral ka na nga."

"Tapos na 'ko, eh. Tuturuan na lang kita?" aniya na kinuha ang libro.

"Alam ko na lahat 'yan," nakangiwi kong sabi. Natawa naman siya.

Dahil nga umiwas sa akin si Naih ay lumayo ako, para naman hindi mahirapan ang mga kaibigan namin sa sitwasyon naming dalawa. Halata kasing hindi malaman nina Migz, BJ at Michiko kung kanino sasama. Mula noon ay si Lovemir na ang madalas kong makasama. Kamalas-malasan nga lang na hanggang ngayon ay wala akong nalalaman sa kaniya. May minsan pa nga na gusto ko nang sumuko, pakiramdam ko kasi ay masyado siyang magaling magtago. Marahil ay alam niya ang motibo ko sa paglapit sa kaniya kaya mas naglilihim siya.

Nilingon ko si Lovemir nang hindi na siya magsalita. Nakatingin siya sa kung saan at hindi maintindihan kung nakangisi o natatawa lang. Nilingon ko rin ang tinitingnan niya, tumuwid ang likod ko nang makita ko si Sensui. Totoong sa nakaraang mga araw ay noon ko lang uli siya nakita.

At hindi ako makapaniwala na nakikita ko siyang nakangiti habang kausap ang mga kaklase niya. Natural na natural ang ngiti niya. Masayang-masaya.

Napangiti ako nang hindi ko namamalayan, pero hindi iyon umabot sa mga mata. Nararamdaman ko sa puso ko kung gaano akong nananabik na makita siya. Isa ring dahilan kung bakit dito ako tumambay ay nagbabaka-sakali akong makikita ko siya.

Kahit saglit lang...

"Ayaw kong magtanong pero...hindi na ba kayo nagkaayos niyang boyfriend mo?" tanong ni Lovemir.

Nilingon ko siya, nakatingin pa rin siya kay Sensui. Matagal bago niya ako nilingon. Hindi ako nakasagot, napabuntong-hininga na lang ako at nag-iwas ng tingin.

"Hindi naman sa nangingialam ako pero... sayang." Nakangiti na siya sa 'kin nang lingunin ko. "Sayang kayo."

"Bago ka manghinayang ay ako muna ang nanghinayang. Pero hindi ako ang nagsayang." Pinilit ko ring ngumiti 'tsaka palihim uling tiningnan si Sensui. Nang hindi ko matagalan ang pagtitig sa kaniya ay 'tsaka ako nagbaba ng tingin.

"Lahat ng taong mamahalin natin ay sasaktan tayo, Maxpein. Sa maliit o sa malaking bagay man. Kailangan lang nating makahanap ng isang tao na handang humingi ng tawad kahit nasaktan ka pa."

Napailing na lang ako sa haba nang sinabi niya. Nakukuha ko ang punto niya. Iyon naman siya, malalim pagdating sa ganitong usapan. Pero hindi ko maiwasang maramdaman uli ang pagkakapareho namin.

"When you love someone, you're giving that person the right to hurt you. Love is a feeling and so as pain. It's a combination. You felt pain because you felt love."

"Tss. Binigyan ko siya ng karapatang saktan ako pero hinde ko sinabeng abusuhin niya 'to."

Narinig kong bumuntong-hininga si Lovemir. "People come into our lives for a reason, Maxpein. And you will never be able to replace them if they left."

"Baket mo sinasabe 'to?" kunot-noong tugon ko.

Ngumiti siya. "It's not the mistake that matters, Maxpein. Measurement has nothing to do with your relationship so stop measuring your pain and his mistake. It's how you deal with it, and what you learned from it. You're not learning, not at all, when you gave up."

"Baket mo ba sinasabe 'to?" inis kong pag-uulit.

"Dahil alam ko ang motibo mo." Sinabi niya iyon habang deretsong nakatingin sa mga mata ko.

Naramdaman kong nawala ang pagkakakunot ng noo ko. Nawala ang inis ko. Nablangko ang buo kong mukha. Gusto kong mapahiya pero hindi iyon nangyari.

"Gusto mo lang siyang iiwas sa gulo. Ayaw mo siyang mapahamak, tama?" dagdag niya. Hindi ako nakapagsalita. "At kaya ka dumidikit sa akin dahil sa tingin mo ay ipinararating ko sa mga kaaway ninyo ang sitwasyon sa paligid ko." 'Tsaka siya ngumisi.

Matagal akong napatitig sa kaniya pero hindi ko pa rin nagawang magsalita. Wala akong pakialam kung malaman niya iyon. Pero hindi ko inaasahang ganoon kabilis niya iyong makukuha na para bang alam niya na mula nang simula.

"Sa kagustuhan mo na itama ang lahat, sinasaktan mo ang taong mahal mo. Ang ginagamit mong dahilan ay iyong pagkakamali na nagawa niya. Pero hindi mo alam, sumosobra ka. Sinasabi ko ito para magising ka. Baka isang araw magulat ka na lang, wala na siya?"

"Stop." Hindi ko naitago ang pangungunot ng noo ko. Agad na nabuhay ang galit sa dibdib ko dahil tama ang sinasabi niya.

"Hindi na kita pipiliting paniwalaan o pagkatiwalaan ako," aniya habang nakatingin sa mga kamay. 'Tsaka niya ako nilingon. "Kikilos na lang ako hanggang sa magkusa kang magtiwala at maniwala."

Sa inis ko ay iniwan ko si Lovemir sa field, pumasok na ako sa classroom. Hindi ko na siya kinausap pa pero hindi naman ako galit sa kaniya. Hindi na nawala pa sa isip ko ang sinabi na 'yon ni Lovemir. Nagpapaulit-ulit iyon sa isip ko hanggang sa masaulo ko. Pakiramdam ko ay palpak na ang lahat at wala na akong magagawa para magtago pa. Gusto kong mahiya na hindi ko maintindihan.

Kung gano'n ay alam niya na pala? Baket wala siyang ginagawa?

Matapos ang klase ay nagpaalam na akong mauuna kay Lovemir. Madalas ko man siyang makasama ay hindi ko hinahayaang magkasabay kami papauwi. Kahit naman iniiwasan ko si Naih, alam kong hindi niya inaalis ang paningin sa akin. Nakabantay pa rin siya at palihim na isinusumpa ang mga kilos ko.

Pero hindi ko inaasahang habang naglalakad ako papalabas ng campus ay magkukrus ang landas namin ni Sensui. Talagang kapag hindi ko inaasahang makita siya ay doon ko siya nakikita, tulad kanina. Madalas man akong tumambay sa field sa pagbabaka-sakali na makita siya, kanina ay hindi na ako umasa. Dahil sa nakalipas na mga araw nang hindi siya nakikita, nawalan na ako ng pag-asa.

Mukhang hindi niya ako nakita, abala siya sa katitingin sa mga hawak na papel at libro. Wala naman sa sariling napahinto ako at napaiwas ako ng tingin nang lampasan niya lang ako. Pero agad din akong nag-angat ng tingin nang makita ko sa gilid ng aking mga mata na huminto siya.

Umatras siya nang kaunti 'tsaka lumingon sa 'kin. "Hey, hi." Natural ang ngiti niya.

Pinalis ko ang pagkakakunot ng noo ko. "Oh. Kumusta?"

"Ayos naman, busy lang," nakangiwi niyang sabi. Tumango ako at hindi nakapagsalita. "Ingat." Muli siyang ngumiti 'tsaka ako tinalikuran.

Sinundan ko siya ng tingin. Inabala niya uli ang sarili sa pagtingin sa mga hawak na papel habang patuloy na naglalakad papalabas. Hinintay kong makalabas siya sa gate bago ako nagpatuloy sa paglalakad. Mabagal, nakapamulsa, nag-iisip at parang wala sa sarili.

Kaya niya na nang wala ka, Maxpein. Kaya niya na.

Gusto kong mangiti, pero may matinding emosyon na pumipigil sa 'kin. Parang alam ko na kung ano ang pakiramdam niya no'ng ako ang nasa sitwasyon niya.

Eksaktong humarurot sa harapan ko ang kotse niya nang makalabas ako. Nakita kong hindi niya man lang ako pinagkaabalahang lingunin kahit alam niyang magkasunod lang kami.

Tinanaw ko pa ang kotse niya hanggang sa mawala iyon sa paningin ko. Biglang bumigat ang pakiramdam ko, mas pinababagal ang pagkilos ko.

"Happy holidays." Nangibabaw ang tinig ni Lovemir sa likuran ko. Gulat pa akong napatingin sa kaniya.

"Yeah, happy holidays," tugon ko. Hindi na ito nagtanong tungkol sa pag-uusap namin kanina, kung bakit bigla ko na lang siya iniwan o kung galit ba ako sa kaniya.

"So I guess I'll just see you again next year?" nakangiti pa ring aniya, tinitingnan ang kabuuan ng mukha ko. Tumango ako. "Just call me if it's necessary, but you can also do that even if you don't need me." Ngumisi siya. "Be careful," aniya na humawak pa sa manibela ko bago tinapik ang balikat ko at lumayo.

Pinanood niya akong imaniobra ang motor ko at saka i-start 'yon. Nagtanguan pa kami bago ako umalis sa parking lot. Hindi ko alam kung bakit nando'n pa siya gayong alam ko na naunang lumabas sa akin si Lovemir. Hindi ko magawang ituon sa kaniya ang atensyon ko. Masyado na akong naging okupado ang isip ko dahil kay Sensui. Pero kahit gano'n ay nagawa kong magmaneho pauwi sa bahay.

Nadatnan ko sina Maze, Maxrill at Maxwell sa sala pagkapasok ko. "Ano ang nangyare?" tanong ko matapos sulyapan ang tatlo. Nakita kong ngumuso si Maxrill at nagbaba ng tingin. "Ano na namang kalokohan ang ginawa mo?"

"Tsh. Ipinatawag ako ni Dean Enrile." Si Maxwell ang sumagot, lumapit naman ako sa kanila. "Nagrereklamo na ang ilan sa mga lecturers ni Maxrill dahil wala na raw ginawa kundi kumain at mamigay ng pagkain sa mga kaklase niya. Nagugulo ang klase nila."

Kunot-noo kong nilingon si Maxrill. "Baket mo ba ginagawa 'yon?" Imbes na sumagot ay lumapit ito kay Maze at nagtago. "When will you grow up, Maxrill? 'Yan ang magiging kahinaan mo."

"I don't understand why you're getting mad," lalo itong ngumuso, sinamaan kami ng tingin ni Maxwell. "I don't have a failing grade! Food helps, Noona. It feeds my brain that's why my grades are high!"

"Pero hinde dapat sa loob ng klase ginagawa 'yon. At baket kelangan pang mamigay habang nagkaklase? Pwede mong gawin 'yon bago o matapos ang klase. Walang magrereklamo sa 'yo kung hinde ka nakakagulo at umaabuso. Tigilan mo nga 'yang pag-iisip bata mo, high school ka na."

"..." Hindi siya nagsalita nang malakas, panay lang ang ginawang pagbulong ni Maxrill habang may kinukutkot sa likuran ng ina nito.

"Bawasan niyo ang baon niyan," ani Maxwell.

"Oh!" matindi ang reaksyon ni Maxrill.

"Simula ngayon ay beinte pesos lang ang baon mo. Bahala na ang yaya mo sa lunch at meryenda mo." Nasa tinig ni Maxwell ang awtoridad at alam ni Maxrill na wala siyang magagawa kapag ito na ang nagsalita.

"Pumasok sa practice room," utos ko.

"But I'm tired!"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Walang pasok bukas, marame kang oras para magpahinga."

"Mom," bumaling ito sa ina. Wala namang nagawa si Maze kundi ang tingnan siya na para bang sinasabing sumunod na lang. "Why are you doing this? Why are you punishing me?" mangiyak-ngiyak nitong singhal, tinalikuran ko lang siya.

Pagkapasok pa lang ay ibinato ko na sa kaniya ang gloves. Naiharang niya ang parehong kamay sa ulo bilang pag-ilag. 'Tsaka kunot-noong tiningnan ang mga gloves nahulog sa sahig. Masama na ang tingin niya sa akin nang lingunin ako.

"Why did you do that?" paasik niyang tanong.

Hindi ko na siya sinagot at sa halip ay bigla ko siyang sinugod. Nagmadali siyang pulutin ang mga gloves at nagkukumahog tumakbo papalayo. Hindi siya magkandaugaga sa kasusuot niyon, pinagpapalitan ang tingin sa akin at sa gloves. Naghabulan kami hanggang sa makita ko siyang maisuot ang mga iyon.

Eksakto namang bumukas ang pinto at pumasok si Maxwell. Tumakbo si Maxrill papalapit dito at nagtago. "Hyung! Hyung! Hyung! She's going to kill me, hyung!" sumbong niya.

Itinulak naman siya papalapit ni Maxwell sa akin. Nakanganga niya itong pinangunutan ng noo 'tsaka aligagang lumingon sa akin. Iniamba niya ang parehong kamay na may gloves, nag-aabang sa pag-atake ko. Naglakad ako papalapit, mabagal hanggang sa bumilis. Umatras naman siya at litong-litong tumingin sa mga mata ko.

"What are you doing, Noona? Noona! Noona! Noona!" aniya na nagtatakbo na naman papalayo.

Naglakad ako papaikot sa kaniya hanggang sa mapalayo siya sa gawi ni Maxwell. Nasisiguro ko kasing kapag natakot siya ay tatakbo siya papalabas ng kwartong iyon. Sinadya kong mapunta siya kung nasaan ang mga gamit. Sa isip ko ay kinakausap ko siya, inuutos kong gamitin niya ang alinman sa mga gamit na naro'n.

"Let's bring out the best in you," sabi ko at saka ngumisi.

Sinugod ko siya, inaasahan kong tatakbo siya papalayo kaya naman patalon akong sumampa sa cabinet at umikot sa ere. Maganda ang naging bagsak ko sa harapan niya na siya ring ikinagulat niya. Swabe, gustong-gusto ko kapag hindi gumagawa ng ingay ang aking mga paa matapos tumalon.

"You can't just run away, Maxrill. You have to fight." Sinugod ko siya uli matapos sabihin 'yon.

Umikot siya bilang pag-iwas at pagharap niya ay nakaamba na ang arnis sa akin. Napangisi ako. Hindi ko man lang namalayang nabunot niya iyon nang ganoon kabilis.

"You will regret this, Noona!" masamang-masama ang mukha na aniya. Pinigilan ko namang matawa.

Sumugod siya at agad naman akong umilag, nakaharang ang pareho kong braso sa dibdib habang iniiwasan siya. Yuko dito, yuko doon ang ginawa ko dahil masyado siyang mabilis bagaman walang control sa paghampas, paghataw at pagpalo.

Hindi ko siya tinigilan kahit pa nagagalit siya sa t'wing tinatamaan. Mas gusto ko kapag lumalaban siya at gumaganti, nalalaman kong meron siyang ibubuga. Alam kong may kakayahan din si Maxrill, hindi niya pa lang alam kung paanong gamitin dahil masyado pa siyang bata at bukod doon ay isip-bata. Wala siyang ibang inaatupag kundi ang maglaro at kumain. Hindi bale nang wala siyang kaibigan basta meron siyang pagkain.

"I'm going to attack you now," banta ko. Hindi niya inaasahan na pagharap ko ay dalawang maliliit na espada na ang gamit ko. Itinapon ko iyon sa ere, pasikat, at pabaliktad na hinawakan. Nasa akin ang talim.

Hindi ko inaasahang lalo siyang magagalit kaya naman nang sumugod ako ay bigla rin siyang umatake. Nagsangga ang espada ko at ang arnis niya. Naglabanan kami ng lakas, ngingisi-ngisi ako habang nagtatangis naman ang mga bagang niya sa inis.

Sinalya ko ang siko niya 'tsaka ako nagkaroon ng pagkakataong itulak siya. Pero matibay ang kapatid ko, hindi pa man tuluyang napapaatras ay bigla na uli siyang sumugod. Mas napangisi ako nang hampasin niya ako sa mas malakas nang paraan. Patuloy pa rin sa pagsanggaan hanggang sa hindi inaasahan ay bigla niya akong tinamaan. Hindi lang isa kundi limang magkakasunod na beses nang hindi ko magawang makailag agad. Nang mapaupo ako at umatake siya ay pinagkrus ko ang espada para sanggain ang parehong arnis niya. Sa sobrang lakas ng paghampas niya ay gumagawa ng ingay ang mga arnis sa ere. Nakasangga ko siyang itinulak hanggang sa makatayo ako. Muli siyang sumugod at naglaban ang mga gamit namin.

Lumipas ang ilang minuto nang panay ang pagsugod niya. Sunod-sunod naman ang pag-iwas ko na siyang mas ikinagagalit ni Maxrill. Paano kasi ay halatang napapagod na siya pero hindi niya na uli ako magawang tamaan. Nang magkaroon pa ako ng pagkakataon sa pag-iwas ay bigla akong bumaba at paikot na pinatid ang mga paa niya. Agad siyang tumimbawang pahiga at patalon na tumayo muli. Sa pagsugod niya ay agad niya akong tinamaan sa isinangga kong braso, gano'n na kabilis ang kilos niya dahil sa galit at inis. Muli siyang humugot ng isa pang arnis at sinugod ako. Nang wala akong maatrasan ay gumulong ako paiwas sa gawi niya. Ngunit parang laro ang nangyari nang sunod-sunod niyang ihampas ang arnis sa goma na sahig habang hinahabol ako, patuloy naman ako sa paggulong.

Doon nag-init ang ulo ko. "Ya!" singhal ko. Sumasakit na ang ulo ko pero para akong gulong sa kagugulong dahil wala siyang hinto sa paghampas.

"What!" pasinghal niya ring tugon! "What! What! What! What! What!" patuloy niya akong hinahabol ng palo gamit ang arnis! "Grr! Run, Noona! Run!"

Aissh! Mas binilisan ko pa ang pagtakbo dahilan para mahagip ng paningin ko ang nakaupo at tatawa-tawa lang sa gilid na si Maxwell. Tumakbo ako sa gawi niya at hindi niya inaasahang tatalon ako at ipapatong ang pareho kong kamay sa kaniyang balikat. Itinuon ko ro'n ang bigat ko dahilan para patalon akong mapunta sa kaniyang likuran at siya ang aksidenteng mahampas ni Maxwell ng arnis.

"Bwahahahahahaha!" danglakas ng tawa namin ni Maxrill.

Tumayo si Maxwell. "You want to die?" aniya na dinuro si Maxrill.

Nawala ang ngiti sa mukha ni bunso at napalitan agad iyon ng takot. Nagsimulang umabante si Maxwell dahilan para umatras ito. Bumilis ang paglapit ni Maxwell dahilan para kumaripas ng takbo si Maxrill. Tatawa-tawa ko silang pinanood bago ako sumugod.

Mayamaya lang ay pareho na kaming inaatake ni Maxwell ngunit hindi rin nagtagal iyon dahil sa huli ay ako na ang pareho nilang inaatake. Kaliwa't kanan ang pagsangga ko dahil naging mas mabilis ang pagkilos nila. Hindi ko iyon inaasahan dahil para sa akin ay kalaro lang sila. Pero hindi ko maiwasang matuwa, sa gano'ng paraan ay nakikita ko ang kakayahan ni Maxrill. Na dapat ay noon ko pa lang tiningnan, noon ko pa sana inaral at inilabas. Para kaming mga bata na naghabulan sa buong practice room. Gayunman ay nakita kong pumasok sina Daddy, Maze, Mokz at Chairman Moon.

Pumalakpak si Maze dahilan para mahinto kaming tatlo. "Snack time."

Pabatong binitiwan ni Maxrill ang mga arnis at mabilis na tumakbo. Naabutan naman siya ni Maxwell at mabilis na hinila sa likuran ng t-shirt. Hinila niya si bunso papalapit sa amin.

"Diyan ka magaling, kumain." Sinamaan siya ng tingin ni Maxwell.

Sumama ang mukha ni Maxrill at bigla siyang pinagsusuntok. Tatawa-tawa namang umiwas si Maxwell at hinuli ang mga kamay niya 'tsaka siya inakbayan. Sabay silang naglakad papalapit sa ina, sumunod naman ako.

"Kumusta ang apo ko?" nakangiting tanong ni Mokz.

Ngumiwi ako. "Mahina," mayabang kong sabi.

Agad akong nilingon ni Maxrill. Nakangisi ko siyang nilingon pero agad ding nawala ang ngising iyon nang makita kung gaano kalaking mamon ang nasa bibig niya. Agad na kumunot ang noo ko.

"Wala talagang tigil 'yang bibig mo, 'no?" inis kong sabi. "Tss. Kaya hinde tumataba, malikot pa sa daga." Kumuha ako ng isang basong juice at agad na tinungga iyon.

"Maxwell, dito ka sa New Year's eve?" tanong ni Maze, agad na tumango ang anak. "Good, we're complete. Darating sina Heurt, I invited them." Sa akin siya tumingin.

"Mabute naman, makikita ko si Kev," ngumiti ako. Hindi ko naiwasang maalaala ang mga nangyari dahil sa kaniya. "Ipapakilala kita kay Kev," baling ko kay Maxrill na parang na-trauma dahil umiiwas pa rin habang masama ang tingin. "May kalaro ka na," nakangiting dagdag ko pa. Nagliwanag naman ang mukha niya.

"Is he forgiven?" nakangiting tanong ni Maxwell.

Ngumiwi ako. "I forgive others quickly as fast as I expect them to forgive me. Besides, I forgive them even if they're not sorry," mayabang kong sabi.

"Really? That's ironic," sarkastiko niyang tugon, tumaas ang kilay ko. "Is your boyfriend forgiven?"

"Shut up." Nainis ako bigla. Tumalikod ako sa kanila at pinulot ang mga gamit. Tiim-bagang ko iyong ibinalik sa kinalalagyan. Narinig ko silang natawa, lalo lang tuloy akong nainis.

"Maxpein, come here." Tinawag ako ng Chairman, agad naman akong sumunod. "For you." Iniabot niya sa akin ang isang regalo.

"What's that, Noona?" agad na lumapit si Maxrill at sininghot-singhot ang kahon na hawak ko.

"Ano ba?" singhal ko.

Nakanguso siyang umayos ng tayo. "I'm just checking what's inside."

"You're not checking, you're smelling it, dork!" gusto ko siyang kotongan.

"For you, Maxwell, and this one is for you, Maxrill," nakangiting ani Chairman dahilan para mapirmi ang isip-bata.

"Wow!" talaga namang halos isigaw ni Maxrill ang pagkamangha bagaman wala pa man siyang nakikita. Sininghot niya rin ang karton, nagbabaka-sakaling pagkain iyon, bago binuksan. Pinanood nang lahat ang reaksyon niya. Naglapat ang mga labi ko nang mapasinghap pa ng hangin si Maxrill nang tuluyang makita ang laman ng kahon. "Oh!" Hindi siya humihinga habang dahan-dahang kinukuha ang laman niyon.

Napailing ako at nag-iwas ng tingin. "Umayos ka nga?" inis kong sabi.

"What are you fussing about, Noona!" naiinis na talaga si Maxrill, natawa na lang ako. "Tamagotchi!" anunsyo na para bang hindi namin 'yon nakita.

"Tss."

Hindi ako pinansin nito, tumakbo siya papalapit sa Chairman at yumakap dito. "Gamsabnida, Hwejang-nim!" Tumango pa siya dito.

"And there's more," anang Chairman 'tsaka itinuro ang pinto.

Nakangiti ang Chairman pate sina Daddy, Maze at Mokz. Kaming tatlong magkakapatid naman ay sabay-sabay na napalingon sa pinto. Lumapit si Maxrill doon at binuksan ang pinto. Pare-pareho kaming nagulat nang makita ang maliit at mataba na Siberian Husky. Nakaupo at nakalawit ang dila, nakatabingi ang ulo at nakatingala kay Maxrill. Napakaganda ng kulay niyon, lalo na ng mga mata nitong asul.

"Oh!" hindi makapaniwala si Maxrill. "Oh, annyeong, Nun Ah!" nabigyan niya agad ito ng pangalan.

"Maxrill, it's a he," ani Maxwell.

"Oh, Hee Yong!"

"What?" inis na singhal ni Maxwell. Isinunod kasi ni Maxrill ang pangalan ng aso sa tawag niya sa amin. Noona at Hyung na ibig sabihin ay Ate at Kuya.

Niyakap iyon ni Maxrill, agad naman siyang dinilaan ng aso kaso napangiwi ako. Mabilis siyang tumakbo at pagbalik ay may dala ng tubig sa planggana, pinanom agad ang aso.

"His name is Hee Yong," ani Maxrill sa puntong Koreano, tumango-tango pa sa aso. "Hee Yong del Valle-Moon! Hee Yong. Hee Yong-Yong-Yong-Yong! Welcome to the Moon family!" tuwang-tuwa niyang ginulo ang balahibo nito sa ulo.

Napabuntong-hininga ako at binuksan ang regalo ko. Mabilis na nangunot ang noo ko nang makitang Tamagotchi rin iyon! Nilingon ko si Maxwell, hindi nalalayo sa akin ang reaksyon niya. Nang silipin ko ang kabubukas niya lang na regalo ay isa rin iyong Tamagotchi. Nagkatinginan kami at naiinis na nilingon si Chairman Moon. Pero libang na libang ito sa panonood kay Maxrill.

"Diyan siya magsisimulang maging responsible." Natinag kami sa sinabi ng Chairman. "Panoorin natin siyang magbago," tatawa-tawa pa niyang dagdag. Napapailing na lang akong bumuntong-hininga.

"It's getting late, mag-dinner na tayo," ani Maze na nagpaalalay kay daddy papalabas ng practice room.

Sumenyas naman ako sa kanilang susunod na lang. Nag-ring ang cellphone ko, si Dein ang tumatawag. Sandali pa akong napaisip bago ko sinagot 'yon. Sa gilid ng isip ko ay humihiling kong wala naman sanang masamang nangyari.

"Oh, Dein?" sagot ko.

"Maxi!"

"Mrs. Enrile?" natitigilan kong sabi. "Yes, Mrs. Enrile?" pinasigla ko ang boses ko.

"Oh, I miss you so much! Kailan ka dadalaw sa amin?"

Napakamot ako sa ulo. "Pasensya na ho, naging busy kase ako. Alam niyo na, graduating."

"Hindi ba't vacation naman na? Dumalaw ka naman dito. Please?"

"Sige ho, kapag me' oras. Sa ngayon kase ay inilalaan ko rin ang bakasyon sa pamilya ko," pagdadahilan ko, ayaw ko mang maging iba ang dating niyon ay parang hindi ko naiwasan. Nahiya tuloy ako.

"It's okay, I understand. Alam ko namang hindi mo rin kami matitiis at dadalaw ka rin dito one of these days. Anyway, Dein would like to talk to you."

Mayamaya lang ay si Dein na ang nasa linya. "Hi, Max! See you on January 1!"

Kumunot ang noo ko. "Anong meron?"

"Hindi ba nabanggit sa 'yo ni Zarnaih?"

"Ang alen?"

"May post-New Year's celebration kami sa January 1 ng gabi, punta ka, ah? Nandoon ang lahat ng friends namin ni Deib Lohr kaya be there! Isama mo ang mga kapatid mo. Okay?"

"Ah, sige, sige," tumango pa ako.

"May exchange gifts na magaganap, mag-ready ka! Hehehe! 'Yon lang! We miss you, bye!" Pinutol niya na ang linya.

Magaan na ang pakiramdam ko nang makalabas sa practice room. Nagkani-kaniya na naman ng puwesto. Si Maxwell ay dumeretso na sa study room at nagsimulang makipagbuno sa mga libro niya. Si Maxrill naman ay agad na ipinalinis ang kwarto niya sa katulong, doon daw nito patutulugin si Hee Yong. Katulong niya si Mokz na gumawa ng temporary na tulugan ang tuta. Nangako naman si Chairman Moon na sasamahan siyang mamili ng mga gamit ng tuta bukas na bukas. Syempre, ang kapalit niyon ay ang pagtitino niya sa pag-aaral.

"Hindi ka ba nahihiya kay Maxpein? Bahay nila 'to at nakikituloy lang tayo, Zarnaih," dinig ko ang mariing bulong ni Yaz, natigilan ako sa pagpunta sa dirty kitchen.

"Alam naman na ng pamilya niya kung baket kame ganito, kinausap ako ng daddy niya. Sa hule ay sinabe nilang intindihin ko na lang si Max. Alam kong me' mga pinagkakaabalahan siya at hinde niya pwedeng sabihin sa 'kin 'yon. Pero, ate, gusto ko siyang matuto. Hinde sa lahat ng oras ay siya ang tama. Kung hinde ko gagawin 'to, siya ang mambabale-wala sa 'ken."

"You're friends, right? Hindi ba't dapat nga ay nandoon ka sa tabi niya para suportahan siya sa lahat?"

"Oo. Pero hinde sa maling ginagawa niya. Baket ko siya susuportahan kung hinde na tama ang mga kilos niya? Ate, sinasaktan niya si Deib porke sinaktan siya. Sabihin na nateng labas ako ro'n kase relasyon naman nila 'yon, ang naiinis ako, eh, panay ang dikit niya ro'n ke' Lovemir. 'Yon ang hinde ko maintindihan, eh!" Hindi nakapagsalita si Yaz sa haba ng sinabi ni Naih. Hinde malaman kung nagmamaganda lang ba siya, lumalande o pinagseselos lang si Sensui. Nakakaawa na 'yong tao! Biruin mo, ang sabe ni Lee sa 'ken ay suko na raw si Deib? Grabe!"

"Sinabi niya 'yon?"

"Oo! At hinde ako makapaniwala! Grabe, si Sensui? Ay jusko! Si Sensui 'yon! Patay na patay 'yon ke' Max, tapos sumuko?"

"Sshh, 'wag kang maingay at baka may makarinig sa atin."

"Ganiyan tayong mga tsismosa, eh, 'no? Ilag sa tao. At dito lang talaga tayo nagkakasundo, ate. Bilisan mo na diyan kase humihilab na ang tiyan ko. Akala ko kanina natatae lang ako, gutom pala 'to. In fairness, ako lang ang maganda na hinde tumataba, ah?"

DUMAAN na naman ang mga araw nang wala akong ginawa kundi ang abalahin ang sarili ko sa pag-aaral. Kahit napakarami ko nang nabasa ay hindi pa rin nagbabago ang pakiramdam ko, parang wala akong alam. Mas dumalas ang pagpasok ni Sensui sa isip ko. At sa dumadaang mga araw na hindi ko siya nakikita ay para akong unti-unting nanghihina at naghihintay na lang ng kamatayan.

Hindi nawawala sa isip ko ang imbitasyon ni Dein. May kung ano sa akin na hinihiling na bumilis pa ang pagdaan ng mga araw hanggang sa dumating ang araw na iyon.

Natinag ako pagkababa nang may makasalubong akong may edad nang ginoo. Kasabay itong papasok ni Mokz at huminto lang sa paglalakad nang makaharap ako. Maganda ang ngiti ng ginoo, tumango agad ako.

"Hello, Maxpein Zin," bati ng ginoo sa akin.

Natitigilan akong napalingon kay Mokz. "This is Atty. Jose Ernesto Lott, Sr., ang attorney natin."

Nakipagkamay ako sa ginoo. "Nice to meet you, attorney."

"It's nice to see you again."

"Ihahatid ko na lang muna siya sa opisina ng Chairman, may mahalaga silang pag-uusapan."

Tumango uli ako sa abogado, hindi nawala ang magandang ngiti nito sa 'kin hanggang sa iwan ako. Hindi ko matandaan kung nakita ko na ba siya, sa kilos at pananalita niya ay mukhang hindi na ito ang unang beses na nakita niya ako.

Gaya ng mga nakaraang araw ay naghagilap ako ng magagawa sa buong araw na iyon. Natapos ko nang aralin ang mga libro at notes ko. Oras na para magpahinga naman ako. Matatapos na ang taon na ito sa isang gabi, Biyernes, sa Lunes ay may pasok na uli. Hindi ko pwedeng sagarin ang mga araw sa pagbubuno sa pag-aaral. Baka mabaliw na ako, at walang maisagot sa mismong araw ng exam ko.

Nagpaalam akong pupunta sa mall nang araw na 'yon. Gamit ang kotse ni daddy ay dumeretso ako sa Pavilion para mamili ng ipangreregalo ko sa pamilya ko sa bagong taon. Pero sa parking lot pa lang ay natigilan na ako dahil sa pamilyar na sasakyan sa aking tabi. Ang kotse ni Sensui.

Agad akong napalingon sa mall at namalayan ko na lang ay nagmamadali na akong pumasok. Mabilis kong iginala ang paningin ko, biglang tumindi ang kabog sa dibdib ko. Naririnig ko ang tibok ng puso ko, maging ang paghinga ko.

Where are you?

Natagpuan ko ang sariling hinahanap ito. Parang nakalimutan ko ang pakay ko sa mall nang isa-isahin ko ang bawat botique, fast food chain, restaurants at kung ano-anong pwesto na naroon. Maging ang bawat banyo na madaanan ko ay hinihintuan ko, nananatili ako ng ilang minuto ro'n. Pero wala akong nakitang Sensui.

Hanggang sa ako rin ang mapagod. Sa sobrang bilis kong maglakad, at dahil sa kapapalinga-linga ko ay bigla na lang akong huminto sa gitna ng dinaraanan ng mga tao. Yumuko ako sa mga tuhod ko at doon humugot nang malalim na hininga. Pinagpahinga ko ang sarili ko.

Ngunit ganoon na lang ang gulat ko nang mag-angat ako ng tingin, nang umayos ako ng tayo, ang taong hinahanap ko ay narito mismo sa harapan ko.

"Sensui..." Wala sa sarili kong naibulong.

Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. Bahagyang nakaawang ang mga labi at mukhang nakangiwi, parang may kung ano siyang nginunguya sa loob ng bibig. Pinagkrus niya ang mga braso, mabagal, bago ako tuluyang hinarap.

"Am I being followed here?" pormal niyang tanong.

Napatikhim ako. "No," napapailing kong tanggi, hindi makatingin sa mga mata niya. "No. Of course not," muli pa akong tumikhim bago nag-angat ng tingin sa kaniya.

"Do you want to join me?"

"Ha?"

"Mamimili ako ng ireregalo sa pamilya ko."

"Ako rin," iniwasan kong mautal.

"You can join me if you want to." Ngumisi siya. "Para naman hindi ka mapagod sa kahahanap sa akin."

Kanina niya pa ba ako nakikita? Tss. "Sige," wala sa sariling sabi ko.

Pero hindi niya ako hinintay, nauna siyang maglakad. Napabuntong-hininga ako at namulsa 'tsaka ako sumunod sa kaniya. Gaya ng dati, kaliwa't kanan ang babaeng lumilingon at tumitingala sa kaniya, ilang saglit pa ay pagbubulungan na siya ng mga ito na animong kinikilig pa. May ilan pa na sinasadyang sundan siya, kami, at sasamaan ako ng tingin na para bang katulad nila ay sinusundan ko lang din si Sensui.

"Ang gwapo niya, napakagwapo!"

Paulit-ulit ang papuri ng mga babae, naagaw nila ang atensyon ng iba dahilan para mapatingin din ang mga ito kay Sensui. Hindi ako makaramdam ng inis, hindi rin naman ako natutuwa. Masyado akong abala sa sarili kong nararamdaman, pakiramdam ko ay bahagya akong nasasaktan sa hindi maintindihang dahilan.

"May bibilhin ako dito." Huminto si Sensui sa harap ng men's perfume botique. "Baka may bibilin ka sa ibang stores?" itinuro niya ang mga nakapalibot na brands.

"Ah, sige," itinaas ko pa ang kamay ko pero hindi na iyon nakita, mabilis niya akong natalikuran para pumasok doon.

Napapahiya kong ibinaba ang kamay ko, naipunas ko pa yung sa batok ko 'tsaka ako luminga sa ibang botique. Noon ko lang uli naalala kung ano ang pakay ko, at iyon ay ang bumili rin ng ipangreregalo. At dahil wala akong nairegalo sa pamilya ko nang nakaraang taon ay kailangan kong mas mag-effort ngayon.

Ang mahirap sa may kayang pamilya, meron na sila ng lahat ng bagay. O kung hindi naman ay kaya nilang bilhin ang mga iyon. Kaya napakahirap na humanap ng regalo kapag ganitong may mahahalagang okasyon. Nauubusan ako ng ideya kung ano ang mga dapat kong ibigay sa kanila.

Nilingon ko si Sensui, abala pa rin siya sa pamimili ng perfume. Napaisip ako kung may pwede ba akong pagregaluhan ng pabango, pero bukod sa akin ay wala nang may ibang gusto na umaalingasaw sa bango. Imported ang mga perfume ni Maxwell, sa ibang bansa talaga nanggagaling ang mga iyon at ayaw niyang bumibili rito. Si Maxrill naman ay amoy bagong ligo lang parati. Si Maze ay may koleksyon ng perfume, si daddy naman ay kontento na sa kung ano ang gamit niya. Kaya wala akong mapagbibigyan ng pabango kahit gusto kong pumasok sa botique na iyon at samahan si Sensui na mamili.

Pero hindi rin nagtagal at lumabas din siya. "Oh, nakapamili ka na ba?" tanong niya at saka tiningnan ang mga kamay niya. "Wala ka pang nabibili?"

Napakamot ako sa ulo. "Hinde ko alam kung ano ang bibilhin ko, eh."

"Tch. Baka gabihin ka niyan?" aniya at saka nanguna uling maglakad. Apat na paperbag ang bitbit niya, naisip kong baka para kina Chairman, Dean, Mr. Enrile at Randall ang mga iyon.

Umakyat kami sa sumunod na floor at doon ay may nakita akong book store. "Dito na muna ako," paalam ko dahilan para mahinto siya sa paglalakad.

Naglakad siya papalapit sa 'kin, para akong nabuhayan na hindi ko maintindihan. Sinilip niya book store 'tsaka tumango. "Sige, babalikan na lang kita diyan," mabilis niyang sabi at agad din akong tinalikuran.

Sinundan ko lang uli siya ng tingin, panay ang lingon niya sa kaliwa't kanan habang naglalakad nang mabilis. Nang makita ko siyang pumasok sa isang botique na nasa hilera rin ng book store ay 'tsaka ako pumasok.

Pumunta ako sa section ng medical books. Inisa-isa kong tingnan ang mga libro, naghahanap ako ng libro na hindi ko pa nakita sa bookshelf ni Maxwell. Natatandaan ko rin ang ilan sa mga libro na madalas niyang hiramin sa library kaya naman hindi ako nahirapan sa pagtitingin. Naka-lock ang cabinet kung nasaan ang mga librong 'yon kaya kailangan ko pang humingi ng assistance. Iyong libro na may kinalaman sa surgery ang binili ko. May kasama iyong CD kung saan mapapanood ang ilang operasyon. Makakapal ang mga iyon at tatlong piraso agad, kaya naman iyon pa lang ang nabibili ko ay nabibigatan na ako.

Nakangiti ko iyong binayaran sa cashier habang palinga-linga kung nakabalik na ba si Sensui. Wala pa rin siya kaya naman dumeretso na lang ako sa botique kung saan ko siya nakitang pumasok kanina. Pero hindi ko siya nakita, nagtataka akong lumabas at muli siyang hinanap sa iba pang kalapit na botique at mga store.

Matapos ang ilang minuto ay natigilan ako nang makita ko siya sa harap ng Japanese store. Nakatingala siya sa gilid na harapan niyon at walang mababasang emosyon sa mukha. Nang tingnan ko ang tinitingnan niya ay sandali akong natigilan, poster iyon ng Yakult pero ang pangalan ay nakasulat sa letra ng mga Hapon. Kahit hindi ko mabasa ay nasisiguro kong Yakult iyon. Pareho kaming natigilan nang bigla siyang bumaling paharap sa akin.

"Nakapamili na ako," binasag ko ang katahimikan. Iniangat ko pa ang bitbit kong plastik. Pero hindi na siya nagsalita at sa halip ay nanguna na lang uli sa paglalakad, syempre, sumunod na naman ako.

Ang sumunod na store na pinasok niya ay para sa mga bata. Nasisiguro kong para kay RD naman ang bibilhin niya ngayon. At dahil walang bata sa pamilya namin, bukod sa bagong tuta ni Maxrill na itinuturing na ring kapatid nito, ay hindi ko na naman magawang sumunod papasok doon. Luminga ako sa mga katabing stores, wala akong napiling pasukin. Hanggang sa mapalingon ako sa likuran at makakita ako ng petshop.

"Good morning, Ma'am!" agad na bati sa akin ng babae, tumango lang ako at nagsimulang magtingin.

Binilhan ko ng imported goods si Hee Yong, dahil parte na ito ng pamilya ay kailangang may regalo din sito. Bukod doon ay binilhan ko ito ng laruan na buto at leash. Hanggang ngayon ay masama ang loob ni Maxwell na ganoon ang ipinangalan ni Maxrill sa tuta. Sa t'wing nasa bahay siya ay ayaw niyang maririnig ang pangalan ng tuta, lalo na kapag tinatawag din siya ni Maxrill.

Papunta na sana ako sa store kung saan naro'n si Sensui nang agad akong matigilan. Nakita ko siyang nakikipagtawanan sa babaeng assistant ng store. Hindi niya gawain iyon, masyado siyang masungit para pansinin ang mga iyon. Halata naman sa babaeng crew na kilig na kilig ito dahil sa magandang ngiti ni Sensui sa kaniya.

Kunot-noo akong pumasok sa store, napilitan lang akong ngumiti nang lingunin ako ni Sensui. "Nakabili na ako," ipinakita ko ang panibagong plastic bag na bitbit ko.

"Iyan na ba lahat ang kailangan mo?" kaswal niyang tanong.

"Hinde pa, marame pa akong bibilhin."

"Okay, mamimili lang ako ng para kay RD."

Lumapit ako kay Sensui, nararamdaman ko ang paningin sa amin ng babaeng assistant. "Maganda kay baby 'yong makukulay na bagay," sabi ko na sadyang ipinarinig sa babae. Nakita ko itong napalunok at saka kakamot-kamot sa ulong lumayo sa gawi namin.

Sinunod ni Sensui ang suhestyon ko. Mayamaya lang ay pareho na kaming naglalakad at muling naghahanap ng store. Set of jewelry ang binili ko para kina Maze, Heurt, Naih at Yaz. Limited edition na shades ang binili ko para kina Daddy at Maxrill, napilitan akong bilhan ulit si Maxwell. Bagong computer games ang binili ko kay Mokz, wala kasi siyang oras para mamili ng mga iyon at nasisiguro kong hahalakhak siya sa tuwa. Maging sina Kev, Bree at Dainty, pati na rin ang tatay ng mga ito ay binilhan ko ng mga damit bilang regalo. At ang pinakasimpleng nabili ko ay isang mug na ibibigay ko sa Chairman. May hitsurang barrel iyon, ganoon sa lalagyan ng mga alak noong sinaunang panahon. Kahoy ang labas, babasagin naman ang loob. Natural, makapal iyon pero napakaastig tingnan. Lalong naging astig iyon dahil sa nakaukit doon, I Love You, Lolo.

Hindi ko pa siya natawag ng lolo noon, maski isang beses. At naisip kong sa pamamagitan niyon ay magawa ko man lang iyon.

"Gabi na," ani Sensui matapos naming mamili.

Sa haba ng sinabi niya ay iyon na lang ang naintindihan ko dahil hindi ako magkandaugaga sa kasusunod sa kaniya. Natigilan siya nang lingunin ako, noon niya lang nakita kung gaano akong nahihirapan. Masyado akong nalibang sa kasusunod, katitingin at kapapamili ng ipanreregalo. Naaliw rin kami ni Sensui sa kapapanood na balutin ang mga regalo. Hindi ko namamalayang dumarami at bumibigat ang mga bitbitin ko. Namumula na ang mga kamay ko at malayo ang kinaroroonan namin sa exit ng mall.

"Okay ka lang?"

Bigla akong tumuwid ng tayo. "Oo, ayos lang," pagsisinungaling ko.

"Gusto mo bang kumain muna ta--?"

"Oo!" agad kong sagot, nagliliwanag ang mukha ko. Agad na nangunot ang noo niya kaya umarte akong humihimas sa tiyan. "Nakalimutan kong mag-lunch." Totoo namang hindi ako nakapag-lunch.

"Okay," aniya na tinalikuran ako.

Bumagsak ang mga balikat ko. Kung dati-rati kasi ay pagagalitan niya ako kapag nalaman niyang hindi ako kumain. At dati-rati ay ayaw niyang nagbubuhat ako.

Iba ang dati sa ngayon, Maxpein. Nasa nakaraan ang dati, nasa kasalukuyan ka at ngayon iyon.

"This restaurant okay with you?" tanong niya sa harap ng Russian restaurant.

"Oo, ayos na ayos," sabi ko bagaman wala akong nalalaman sa pagkain ng mga Russian. "Wooh, sarap," sabi ko matapos maupo. Pakiramdam ko ay pinagpapalo ako sa hita at paa dahil sa sobrang sakit ng mga iyon.

Hindi ko inaasahang walang kanin doon at halos lahat ay cakes at pancakes. Hinayaan ko siyang umorder, makalipas ang ilang minuto ay isinerve sa amin ang apat na klase ng cake: Strawberry Cheese Cake, Blueberry Cheese Cake, Spartak Cake at Espresso Cream Chocolate Cake. Bukod doon ay may dalawang Chicken Giant Russian mean kung tawagin ng server. May green apple din kami na drinks.

"Ang dami," halos matunog ang naging pagngiti kong sabi.

Tumaas lang ang gilid ng labi niya at saka nagsimulang kumain. Hindi ko inaasahang magiging malamig ang pagitan namin sa pagkain. Wala siyang kibo, tutok lang sa pagkain. Kaya naman kahit panay ang pasimple kong sulyap sa kaniya ay itinuon ko na lang din sa pagkain ang atensyon ko.

"Ang sarap nito," tumatango-tango ko pang sabi, gaya kanina ay tumaas lang ang gilid ng labi niya.

Masasarap ang cakes, hindi iyon ganoon katamis. Alam niyang hindi ako mahilig sa cakes pero iyon pa rin ang in-order niya, gusto kong mainis. Pero mas pinili kong pigilan iyon dahil ayaw kong sirain ang maayos namang mood. Hindi ko nga lang nagustuhan ang Chicken Giant Russian Mean na inorder niya. Chicken meat ang pinaka-main filling, may kasamang lettuce, mushrooms at cream cheese, at binalutan ng pancake. Kakaiba ang lasa at nangingibabaw sa lasa niyon ang paminta kaya hindi ko masyadong nagustuhan. Masyado ring malambot.

Hindi kami nagmadaling kumain, matagal kaming nanatili roon. Hindi namin naubos ang lahat, halos nakalahati lang naming pareho ang mga cake, nakakatuwa na pinagsaluhan namin ang mga iyon. Gaya ko ay hindi niya rin naubos ang Chicken Giant Russian Meal niya. Sa kauna-unahang beses ay pumayag ako na may matira sa pagkain namin.

Nagbayad siya at agad na kinuha ang mga gamit niya matapos namin. Agad akong nagmadaling bitbitin isa-isa ang mga pinamili ko para mahabol ko si Sensui.

Pero agad akong natigilan at muling napaupo nang lapitan ako ng server. "Here's your bill, Ma'am."

"Ha?" gulat kong sabi na agad tiningnan ang bill holder na hawak nito. Hinde niya ba binayaran ang kinain ko? Napamaang ako at napapahiyang tumitig sa server. "Sorry," sabi ko 'tsaka muling inalis sa kamay ko ang mga paperbags. "Here, thank you," napapahiya ko uling sabi.

Napapikit ako sandali, napabuntong-hininga 'tsaka inis na nilingon si Sensui. Nakatingala itong nag-aabang sa akin sa labas ng restaurant. Isa-isa ko uling isinabit sa kamay ko ang mga paperbags, pakiramdam ko ay mas bumigat ang mga bitbit ko ngayon kaysa kanina.

"Let's go?" anyaya niya nang makalabas ako. Hindi ko na nagawa pang sumagot dahil nauna na siya.

Habang papalapit kami sa entrance ay nakiramdam ako, parang umuulan na naman sa labas at mukhang malakas iyon. Wala akong dalang payong at medyo may kalayuan ang parking naming pareho.

Hindi nga ako nagkamali, halos hindi makita ang daan sa sobrang lakas ng ulan. Maraming tao ang nagkumpulan sa labas ng mall, gaya namin ay hindi makaalpas sa lakas ng ulan. Aksidente pa akong nabangga ng isa sa mga mamimili dahilan para mapaatras ako at hindi sinasadyang matapakan sa paa ang nasa likuran ko. Naitulak ako nito dahil sa gulat dahilan para muli akong tumama sa nasa harapan ko naman. Inis din akong itinulak niyon dahilan para matamaan ko naman ang nasa tabi. Para akong maliit na batang pinagpasa-pasahan, pinagtulak-tulakan. Humingi ako ng dispensa sa kabila nang pabulong na pagmumura ng natapakan ko. Napabuntong-hininga ako at tiningala si Sensui, kunot-noo lang niyang pinapanood ang pag-ampyas ng tubig-ulan.

"Naka-motor ka ba? Paano mo maiuuwi ang mga iyan?" tanong niya.

"Hinde, hiniram ko 'yong kotse ni daddy."

"I see," ngumiti siya. "'Buti na lang bumili ako ng payong," aniya na inilabas bigla iyon mula sa pinamili. "May kapote ka naman, 'di ba?" kaswal niyang tanong.

"Ha?"

"Mauuna na 'ko, ah?"

"Sandale," pigil ko. Nilingon niya ako. "Wala akong dala," nauutal kong sabi.

Natigilan siya. "Saan ka ba naka-park."

Napailing ako. "Sa tabe ng kotse mo," nag-iwas ako ng tingin.

"Tch," pabulong niyang asik. 'Tsaka bumuntong-hininga. "Akin na ang susi mo." Ibinaba namin ang mga bitbit, agad ko naman iyong iniabot. "Ako na ang magdadala nito sa kotse mo."

Ganoon nga ang ginawa niya, pinagtiyagaan niyang bitbiting isa-isa ang mga pinamili ko sa kotse. Gusto ko pang matawa habang pinapanood siyang ingatan ang sarili sa pag-ampyas ng tubig-ulan habang paroo't parito. Maging ang mga gamit niya ay isinakay niya na rin muna sa sasakyan bago muling bumalik sa akin.

"Salamat," sabi ko.

Iniabot niya sa akin ang susi. "Sige, ingat ka." Iyon lang at iniwan niya na ako.

Bumagsak ang mga balikat ko, napamaang ako habang sinusundan siya ng tingin. That's it? Hinde man lang niya ako inihatid sa kotse? Wow... Napaiwas ako ng tingin, nakagat ko ang gilid ng pang-ibaba kong labi at saka napapikit sa inis. Napanood ko pa siyang paharurutin ang sasakyan papalayo sa lugar na iyon. Hindi siya bumusina gaya ng dati niyang ginagawa, at ang mas matindi pa ro'n ay hindi man lang niya ako nilingon.

Wala akong nagawa kung hindi ang panoorin ang malakas na ulan gaya ng ibang naro'n. Masamang-masama ang tingin ng kaninang natapakan ko na ngayon ay nasa tabi ko na. Panay pa rin ang bulong nito at kung hindi siya hihinto ay baka mapatulan ko siya. Pumangit bigla ang mood ko. Mukha akong tanga.

Humugot ako nang malalim na hininga, nakapikit ko iyong pinakawalan. Pakiramdam ko ay tutumba ako sa sobrang pagkaasar. Kapag ganito ang pakiramdam ko ay bigla na lang akong nananapak.

Pero natigilan ako nang mag-ring ang cellphone ko. Nagmadali akong kunin iyon, kung bakit pumasok sa isip ko si Sensui ay hindi ko alam. Pero agad akong nanlumo nang makitang si Maxrill iyon.

"Noona eodiesseo?" parang batang tanong nito, inaalam kung nasaan ako.

"Baket?" malamyang tugon ko.

"Dinner is ready, they're waiting for you. I ate dinner already, with Hee Yong!"

"Papauwe na 'ko." Ibinaba ko agad ang linya. Isisilid ko na sana uli ang cellphone nang may makita akong text. Dahil muli kong naisip si Sensui ay agad ko iyong binuksan. Pero muli lang ding bumagsak ang mga balikat ko nang makitang si Lovemir iyon.

One Message Received

Lovemir

Malakas ang ulan, kung lalabas ka ay huwag kang magpaulan. Magdala ka ng payong. Huwag kang magkakasakit.

8:18 PM

Inis kong isinilid ang cellphone at saka niyakap ang sariliko. Sumugod ako sa ulan na parang wala sa sarili. Kamalas-malasan pang hindi ko napansin ang sasakyang paparating. Muntik akong mabangga. Hihingi na sana ako ng dispensa nang makita kong iyong babaeng natapakan ko ang nagmamaneho niyon. Agad akong lumigid at sinadyang huminto sa bintana niya.

"Look where you're going, bitch!" singhal nito.

"Gusto mong butasin ko 'tong gulong mo?" mayabang kong sabi. Agad na nangunot ang noo niya. "Go to hell," inis kong sabi 'tsaka nilampasan siya. Badtrip!

Nagmadali lang ako nang nasa harap na ako ng kotse. Sobrang lakas ng ulan! Pabato kong inilagay ang cellphone unahang upuan 'tsaka ko hinubad ang suot kong jacket. Piniga ko iyon sa ulanan 'tsaka pabatong inilagay sa likuran. Doon ko lang napansin kung paanong isinalampak na lang basta ni Sensui ang mga gamit doon. Gusto ko na namang mainis. Kung dati kasi ay paniguradong pantay-pantay pa sa pagkakasalansan ang mga iyon.

Damn it! Nahampas ko ang bubong ng kotse sa sobra kong inis. Aminado ako, alam ko ang nangyayari at kung ano ang ibig sabihin nito. Hindi ko lang sinasabi hanggang ngayon sa sarili ko.

Galit akong tumitig sa kung saan, pero sa loob ko ay nanlulumo ako at nanghihina. Humigpit ang pagkakahawak ko sa bubong habang nananatili sa ganoong sitwasyon na para bang walang malakas na ulan. Na para bang hindi ako nababasa. Na para bang hindi ako mabilis magkasakit.

Ang ibang nasasaktan ay nagpapanggap na wala nang pakelam, kahit meron pa naman. Ikaw ay nagpapanggap na meron pang pakelam, kahit wala naman na.

Inis kong nilingon ang parking ni Sensui kanina, muli kong nakagat ang sariling labi 'tsaka tinanaw ang daan na dinaanan nito. Nang makontento ay 'tsaka ako sumakay at pinaharurot ang kotse papalayo sa lugar na iyon.

"Oh, my God! Where have you been?" gulat na gulat na bungad ni Yaz sa akin, hindi ko na siya pinansin at hinayaan ko siyang kunin ang mga pinamili ko.

Nakatingala sa akin sina Maxrill at Naih, na mukhang nakikipaglaro sa tuta, nang makapasok ako. "Baket naman basang-basa ka? Alam mo namang sakitin ka, 'di ba?" mukhang nainis agad si Naih.

"Malakas ang ulan sa labas," sagot ko nang hindi siya tinitingnan.

"Kaya nga baket nagpaulan ka pa?" paasik niyang tanong. Sa inis ay nag-angat ako ng tingin sa kaniya, naglabanan kami ng masamang tingin.

"Zarnaih, ano ba? Kauuwi lang, 'di ba? Hindi ba pwedeng pagpahingahin mo muna?" awat ni Yaz na noon ay bumababa na habang bitbit ang towel. "Here, ayusin mo ang sarili mo."

"Salamat," sabe ko.

"Ano problema mo? Baket nagpaulan ka?" bumanat na naman si Naih.

Lalong nag-init ang ulo ko. Bigla akong tumayo na siyang ikinagulat niya. "Wala kang pakelam!" asik ko at saka pahablot na kinuha ang mga pinamili ko. Kung kanina ay bigat na bigat ako sa mga iyon, nabuhat ko nang walang kahirap-hirap ang mga iyon ngayon. Dahil marahil sa pinaghalong inis, galit at pagod.

MAGMULA nang gabing iyon ay naging mailap na ako sa lahat. Parang nawalan ako ng gana na magsalita lalo na ang makipag-usap sa kahit na sino. Pakiramdam ko kasi ay walang makakaintindi sa akin at lahat sila ay masama ang tingin sa akin. Na ako na naman ang nagkamali, sa akin lahat ang bunton ng sisi. Gaya nang nakaraan, napapansin iyon ng pamilya ko pero mas pinili ng mga ito na manahimik na lang at 'wag akong kuwestyonin. Batid kong nararamdaman nilang meron akong pinagdadaanan. Iniisip lang talaga nilang kayang-kaya ko iyong malampasan dahil malakas ako.

Parate na lang akong malakas. Tss. Kahit kelan ay hinde ko pa naranasang ako ang iligtas.

Maaga pa lang ay matindi na ang emosyon ko, bumabalot sa buong katawan ko. Ito pa naman ang huling araw ng taon, mukhang sira ang mood ko. Buong maghapon ay parang wala ako sa sarili, hindi ako sumabay sa pagkain kahit anong tawag nila sa akin. Nanatili lang ako sa kwarto at nanood ng magkakasunod na movie. At dahil noon ko lang iyon nagawa ay parang umayos-ayos ang pakiramdam ko.

Alas otso na ng gabi nang may kumatok sa kwarto ko. "Maxpein Zin?" tinig ni Chairman Moon iyon kaya dali-dali akong kumilos upang pagbuksan ito. Matagal siyang tumitig sa akin, sa kabuuan ko, bahagya pang nagtaka bago napilitang ngumiti. "Pwede ba akong tumuloy?" tanong niya na parang nandidiri na inilibot ang paningin sa kwarto ko.

Nakapatay ang ilaw at nagkalat ang mga gamit ko. Nagkalat ang nagamit ko nang damit sa kung saan-saan, nahuhubaran na rin ang kama. Maging ang pinamili ko noong nakaraang araw ay basta ko na lang itinambak sa sahig bagaman nakasalansan. Ang ilan sa pinagkainan ko ay nilalanggam na rin sa sahig na malapit sa pinto. Ang mga bote ng tubig ko ang siyang pinakamarami sa nakakalat. Maging sa ceiling fan ay may bote ng mineral water na walang laman. Makikita ang mga iyon dahil sa liwanag na mula sa labas, at mula sa TV.

Binuksan ko ang ilaw at pinatuloy ang Chairman. "Pasensya na ho, aayusin ko na lang mamaya."

Hinarap niya ako matapos igala ang paningin. "May problema ba, Maxpein Zin?" seryoso siya.

Umiling ako. "Wala ho, Hwejang-nim."

Nangunot ang noo niya. "Hindi ko maintindihan, pakiramdam ko ay hindi ko na naman kilala ang Maxpein Zin na kaharap ko nitong mga nakaraan?"

"I'm just enjoying my vacation, Chairman."

"In this way?" Iginala niyang muli ang paningin sa kabuuan ng kwarto. Napabuntong-hininga ako, napapahiya. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. "Kung gusto mo nang balikan si Deib Lohr, gawin mo." Napatitig ako sa mga mata niya. "Do what makes you happy, Maxpein. Huwag mong gumunin ang sarili mo sa sakit at kalungkutan kung alam mo naman kung saan ka sasaya. Huwag mong pagkaitan ang sarili mo na lumigaya."

"Hinde na gano'n kadaling gawin 'yon ngayon, Chairman."

"Kung ganoon ay pagtulungan ninyo."

Nasapo ko ang noo ko at napailing. "Ayaw ko na munang pag-usapan, Chairman."

Napabuntong-hininga siya. "Oh, sige, kung iyon ang gusto mo." Hinawakan niya ako sa ulo, hinaplos ako sa buhok at bahagyang pinisil ang balikat ko. "Kung ano man ang pinagdaraanan mo, nandito lang kami para gumabay at sumuporta sa iyo. Pasensya na kung iyon lang ang aming makakaya. Pero sana ay huwag mo kalimutan mahal kita, mahal ka namin, apo." Ngumiti siya nang maganda, iyong ngiti niya na gustong-gusto kong makita. "Marami kaming nagmamahal sa iyo."

Wala sa sariling nayakap ko siya. Totoong noon ko lang iyon nagawa. Ngayon lang, na may isip ako. Kung nagawa ko man iyon noong bata ako ay hindi ko alam. Basta sa ngayon ay iyon lang ang gusto kong gawin. Naramdaman ko siyang ngumiti, humigpit ang pagkakayakap ko nang maramdaman ko siyang gumanti ng yakap.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. "Ayusin mo na ang sarili mo, Maxpein Zin. Magbabagong-taon, huwag mong hayaan na lumipas ang taon na ito na ganiyan ang lagay mo. Hm?"

Pagkalabas ng Chairman ay agad kong inayos ang mga gamit. Nagpatawag ako ng tauhan para tulungan akong magbaba ng mga basura. Halos isa't kalahating oras kong nilinis ang kwarto ko 'tsaka palang ako nakakilos para maligo.

Eksakto namang namimili ako ng isusuot nang muling may kumatok. "Maxpein?" tinig ni Maze. Agad ko siyang pinagbuksan. "Can I give you an early present?" nakangiting aniya. "I wouldn't take no for an answer."

Ngumiti ako. "Come in, Maze."

Malaking box ang dala niya, talagang malaki dahil nasa isang dipa o mahigit pa iyon. "Ang dinig ko kanina ay mala-talyer itong kwarto mo, ano ang nangyari? May dumaang malaking vaccuum?"

"Tss." Natawa ako. "What is it?"

"Aissh," hinawi niya ang harapan ng paningin ko. "Here, this is my early present. And I order you to wear it now."

Matagal bago ko nagawang alisin ang paningin sa kaniya, nangiti kami sa isa't isa, bago ko iyon inilapag sa kama para buksan. Natigilan ako sa nakita. Isa iyong puti na dress na may itim na polka dots. Bukod doon ay may pinaghalong silver at white sandalas na may gigintuing palamuti.

"Huwag mo sana isipin na naniniwala ako sa pamahiin. Talagang nagustuhan ko lang ang design niyan," aniya.

Natawa ako at napailing. "Thank you, Maze."

Lumapit siya at hinaplos ako sa pisngi. "I'll see you downstairs."Tumango na lang ako at pinanood siyang lumabas.

Sa ikatlong pagkakataon ay may kumatok. Pero hindi gaya kanina, bigla na lang iyong bumukas at itinambad si Yaz.

"Aayusan na kita!" aniya. Napatitig ako sa kabuuan niya, sobra niyang ganda.

"You look perfect, Yaz."

"I know, right? So fetch!" malanding aniya. "Syempre, first time kong makakasama si Maxwell ng New Year's eve. Kailangang prepared ako. Baka hindi matapos ang taon na 'to, mahalin niya rin ako."

"Grabe," napailing ako.

"Magbihis ka na! Aayusan kita!"

Nagtaka ako sa mga ikinikilos nila. Nag-iba tuloy ang pakiramdam ko. Sumaya ako bigla at may kung ano sa dibdib ko ang umaasa. Umaasa na makita si Sensui. Pakiramdam ko ay darating siya ngayong gabi kaya ganito ang kaayos ang paligid ko. Pakiramdam ko ay nakaplano na ang lahat, pinakikilos na lang ako.

Nakangiti kong nilingon ang damit at pinagmasdan. Gusto kong matawa habang isinusuot iyon. Kahit kailan ay hindi ako nagandahan sa sarili ko suot ang kung anong dress. Pero sa t'wing sa bibig na nila nagmumula iyon, lalo na kapag kay Sensui, halos maihi ako sa tuwa. Hindi ko mapigilang maniwala.

Nagbihis ako namangha sa sarili ko. Babaeng-babae... Tss. Hindi ko maiwasang titigan ang sarili ko habang inaayusan ako ni Yaz. Pakiramdam ko ay party ko ito at hindi dahil sa bagong-taon.

Matapos ang mahigit isang oras ay sabay na kaming bumaba ni Yaz. Syempre, namangha ang lahat nang makita ako. Dalawang oras na lang at magbabagong-taon na. Nakahanda na ang lahat, naggagandahan at nagguguwapuhan sa mga suot nila. Natawa pa ako nang makita kong maging si Hee Yong ay naka-suit and tie. Napailing ako nang makitang kapares niya si Maxrill.

"Hello, my princess," lumapit si Maxwell.

"Oh, my God! Ako?" ani Yaz bagaman kitang-kita nang nasa akin ang paningin ni Maxwell.

Paismid siyang nilingon ng kapatid ko pero hindi sinagot. Nakangiti siyang bumaling sa akin. "Hello, my princess," pag-uulit niya.

"Tss. Debut ko ba?" pasinghal kong tanong.

"Kapag nag-twenty one ka na, iyon ang debut mo," sarkastikong tugon ni Maxwell. Inakay niya ako papalapit sa lahat, isa-isa akong bumeso sa buong pamilya ko.

Natigilan ako nang magharap kami ni Heurt. Gulat akong napatingin sa suot naming pareho, na parehong-pareho! Nilingon ko si Maze na tatawa-tawa naman sa dulo. Tss! Pinanggigilan ko siya ng tingin 'tsaka sila sabay-sabay na natawa.

"Happy holidays," bati ko kay Heurt.

"Happy holidays," yumakap siya sa akin, naiilang pa. "Kasama ko nga pala ang pamilya ko," aniya na itinuro ang mga ito.

Doon kami nagharap ni Kev na nakataas na ang gilid ng labi at kumikinang ang mga mata sa akin. "Woi," tinanguan ko siya.

"Destiny," aniya sa marahas na tinig, nagbibiro. At saka siya lumapit upang yumakap sa akin.

"It's nice to see you again, brother," pabulong kong sinabi ang huling salita. Naramdaman kong natigilan siya. "Welcome to the family." Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at saka kami nagkamay.

"Hindi ko inaasahang maiiyak ako sa gabing ito," tatawa-tawang aniya na talagang nagpapahid ng mga luha.

"Loko!" tinapik ko siya sa braso.

"Seryoso, sa kabila nang nagawa ko, inayos mo pa ang buhay ko."

"Kaunting kalat lang naman ang nagawa mo," mayabang na sabi ko 'tsaka kami muling nagyakap.

Pinagtulungan nina Maze at Heurt ang paghahanda ng mesa, tumulong din si Yaz sa kanila. Sandali kong kinumusta si Dainty gano'n na rin si Bree. Sandali rin akong nakipagkumustahan sa tatay nina Kev. Nakakalakad na ito at ang balita ko ay umiigi na sa sakit na cancer.

Pumunta naman ako sandali sa kusina para uminom ng tubig.

"Baka gusto mo 'kong batiin? Gumagalaw rin ako at may kakayahang magsalita!" Biglang nangibabaw ang tinig ni Naih, mutik tuloy akong masamid.

Gulat ko siyang nilingon, bahagya siyang nakabukaka at magkakrus ang mga braso. Nakataas din ang kilay niya habang masama ang tingin sa akin. Gayunman ay ang ganda-ganda niya sa suot na bestida.

"Happy holidays," sabi ko nang hindi ngumingiti.

Nanlaki ang mga mata niya, namilog ang kaniyang bibig at mas sumama ang tingin. Doon ako natawa, kahit kailan ay OA talaga siya.

"Sira ka talaga! Bagong-taon na't lahat hinde ka pa rin nagbabago!" aniya na sumugod. "Halika nga dito! Yakapen mo rin ako! Magkaibigan tayo, 'di ba? Yakapen mo rin ako, punyeta!"

Natawa ako. "May labintador ba 'yang bibig mo? Ang lakas, eh."

"Psh! 'Wag mo 'kong inaano!" aniya 'tsaka yumakap sa 'kin nang mahigpit. "Grabe, Max! Ngayon lang kita nakasama ng New Year!"

"Ako rin naman."

"Happy New Year!"

"Wala pa."

"Alam mo, kameng matatalino--advanced! Happy New Year ulet! Hehehe!"

"Tss."

"Bate na tayo, ah?"

"Ikaw lang naman 'tong nang-aaway."

"Eh, pa'no! Nagmamaganda ka masyado!"

Kumalas ako sa pagkakayakap. "Teka nga, ang ingay niyang bibig mo, eh."

"Hinde ka pa ba nasanay?"

"Nasanay kase ko nang tahimik 'yan."

"Iniiwasan mo kase 'ko!"

"Baka ikaw?"

"Psh! Naiinis kase 'ko sa 'yo!"

"Eh, di sana ay sinabe mo."

"Me' nangyayare ba kapag nagsalita ako?"

"Kesa naman hinde ka nagsalita, wala ring nangyare. Maige nang nagsabe ka, baka sakaling hinde sa ganito nauwe."

"Napakarami mong dahilan! Tara na ro'n!" inakay niya ako papalabas sa sala kung nasaan ang lahat. "Ano, me' regalo rin ba 'ko, ha?"

"Putsa, 'yon lang yata habol mo, eh?"

"Wow! 'Ganda kong 'to, maghahabol sa regalo? Maske aso nga, hinahabol ako, eh! Ano, meron ba, ha?"

"Oo. Tss."

"'Yon! Dapat lang! Kase ako meron ding regalo sa 'yo."

"Talaga? Ano?" nakangising tanong ko.

"Isang bagay na wala ka."

"Ano nga 'yon?"

Naglabas siya ng kung anong biskwit mula sa bulsa. "Pasencia!"

"Ano?" asik ko.

"Isang balot ng pasencia!"

"Tss." Sinamaan ko siya ng tingin, humalakhak siya nang hard.

"Ikaw, anong regalo mo sa 'ken?"

"Friendship," sabi ko 'tsaka ko siya iniwan.

Mayamaya lang ay nagsimula na kaming kumain. Wala akong masabi sa sarap ng mga handa. Halos ang lahat ay tinitikman ko at tuloy-tuloy lang ang pagkain ko. At dahil abala ang lahat sa pag-uusap, hindi namin napansin ang pagpatak ng oras. Sampung minuto na lang ay matatapos na ang taon na ito. Nagsimula naming marinig ang sunod-sunod na putukan mula sa ibang bahay.

"Everyone!" inagaw ni Maze ang atensyon ng lahat. "Let's end this year with a prayer! Please allow me to lead," aniya na tinipon ang lahat sa gitna ng sala.

Naging madamdamin ang prayer, halos naiyak ang karamihan dahil sa pagiging emosyonal ni Maze. Walang tigil sa kapapasalamat at paghiling na maging ligtas kaming lahat.

Matapos niyon ay sabay-sabay kaming lumabas. Pinangunahan ni Mokz ang pag-aayos ng mga paputok. Inihilera niya ang mga fountain sa kalsada. Katulong ang stay-in na tauhan ay sinindihan nila iyon habang kami naman ay pasigaw na nagbibilang.

"Five!"

"Four!"

"Three!"

"Two!"

"One!"

"Happy New Year!" sabay-sabay naming isinigaw.

"Jump, Hee Yong! Jump!" dinig ko pang ani Maxrill.

"Happy New Year!" isa-isa kaming nagbatian at nagbeso, lahat kasama na ang mga tauhan. At mayamaya lang ay sabay-sabay na naming pinanood ang naggagandahang mga paputok.

Nakangiti akong tumingala sa langit at pinanood iyong gumawa nang magandang pasabog doon. Pinagliliwanag ang mga langit sa magandang paraan.

Ngunit kung paanong mabilis na napalitan saya ang lungkot ko kanina, mabilis ding napalitan ng lungkot ang saya ko ngayon nang maisip ko si Sensui. Ayos lang sa akin kung daraan ang bagong-taon nang hindi kami magkasama, pero dahil hindi maayos ang sitwasyon namin ay hindi ko makuhang maging masaya.

Akala ko ay makikita kita ngayong gabe, Sensui. Mukhang nagkamali ang pakiramdam ko.

Tiningnan ko ang cellphone ko, marami ang nag-text pero maski isa sa mga iyon ay walang nanggaling sa kaniya. Nagpunta ako sa numero niya, isang pindot lang at makakausap ko na siya pero hindi ko pa nagawa. Humigpit ang hawak ko sa cellphone at muli na lang iyong ibinulsa. Tumingala uli ako at hindi kapani-paniwalang nakita ko agad ang mukha niya sa mga palamuti na nasa ere at langit.

Hindi agad doon natapos ang gabi, naging mahaba kasi iyon. Walang-humpay ang kwentuhan naming lahat, panay ang tawanan dahil kina Mokz at Naih. Kaya naman ang lungkot na naramdaman ko ay agad na namang napalitan ng tuwa. Lalo na nang dumating ang oras kung saan magpapalitan na kami ng regalo. Hindi mawala-wala ang ngiti ko sa katatanggap, lahat kasi ng iyon ay nagustuhan ko. Lahat din sila ay tuwang-tuwa sa iniregalo ko, lalo na si Chairman Moon. Ilang minuto na ang nakakalipas mula nang ibigay ko ang mug sa kaniya ay nakatitig pa rin siya ro'n.

"Salamat dito, Maxpein Zin. Ito na yata ang pinakamagandang regalo na natanggap ko," aniya nang lumapit ako.

Nakangiti akong tumitig sa mga mata niya. Wala pa man akong nasasabi ay nangilid na ang mga luha ko. Sa isip ko kasi ay naroon ang gusto kong sabihin na mula mismo sa puso ko. Ilang beses pa muna akong bumuntong-hininga at kumurap bago nakapagsalita.

"I love you, Lolo," halos pumiyok kong sabi. Agad niya naman akong niyakap, tatango-tango habang hinahaplos ang likuran ko.

"I love you, too, apo ko," emosyonal niya ring sabi, gumagaralgal ang tono.

Napakasarap sa pakiramdam, hindi matawaran. Hindi ko inaasahang magagawa ko iyong sabihin, kung tutuusin kasi ay para sa lahat ang okasyon na ito. Pero dahil sa sinabi namin ng Chairman sa isa't isa, pakiramdam ko ay isa sa amin ang nagdidiwang ng espesyal na okasyon.

Nakangiti pa rin kami sa isa't isa nang maghiwalay. Pero wala nang namutawing salita. Nakangiti ko siyang pinagmasdan na titigan muli ang mug na iyon. Umasta pa siyang umiinom kunwari doon at saka kami sabay na natawa.

MALALIM na ang gabi pero hindi pa rin ako makatulog. Panay ang ikot ko sa kama at kahit anong pikit ko ay hindi ako dalawin ng antok. Inis akong bumangon at lumingon sa side table. Alas tres y media palang. Ang lamig-lamig na ng panahon, ang lamig-lamig pa ng pakiramdam ko. Napabuntong-hininga ako 'tsaka yumuko sa mga braso ko.

Baket ba hinde ka mawala sa isip ko, Sensui?

Totoong siya ang nasa isip ko kaya hindi ako makatulog, kung bakit hindi ako inaantok.

Wala sa sariling bumangon ako at nagbihis. Namalayan ko na lang ay nagmo-motor na ako at tinatahak ang daan papunta sa kanila.

Gusto kitang makita, kahit sandali lang.

Gusto kong umatras nang makarating ako sa bahay nina Sensui. Patay na kasi ang mga ilaw at tahimik na ang paligid. Gaya sa amin, makalat sa harap ng kalsada nila, halatang may natapos na okasyon.

Nakakahiya naman kung mang-aabala pa 'ko. Napabuntong-hininga ako at agad na nanlumo.

Tatalikod na sana ako nang mapansin ko lumilipad na kurtina sa veranda ng isa sa mga kwarto. Bukas ang pinto roon. Bigla akong nabuhayan at nagdesisyong tumuloy. Iginala ko ang paningin sa kaliwa't kanan, walang tao. Ini-lock ko ang motor ko 'tsaka ako kumilos.

Sumampa ako sa sementong bakod at patalon na iniupo ang puwit ko sa semento ring haligi ng gate. Tahimik akong nakababa at saka ako nakayukong naglakad. Tininga ko ang kwarto, walang ibang makakapitan at matatapakan. Umatras ako upang kumuha ng bwelo. Patalon kong ibinanda ang paa ko sa mababang bahagi ng alulod 'tsaka ko pilit na inabot ang sahig ng veranda. Nagtagumpay ako pero agad akong nabigatan sa sarili ko. Mabilis akong humawak sa bakal at binuhat ang sarili ko.

Habol ko ang hininga nang sa wakas ay makapasok ako. Iyon pala ang guest room. Maglalakad na sana ako nang may marinig akong humihilik! Nang lingunin ko ay may kadilimang kama ay nakita ko si Dean Enrile. Nanlaki ang mga mata ko at saka ako nagmadaling lumabas ng kwarto.

Hawak ko ang dibdib kong hindi matahimik sa kaba habang naghahabol pa rin ng hininga. Nang kumalma ako ay 'tsaka ko tinitigan ang pinto ng kwarto ni Sensui. Huminga pa ako nang malalim bago ko hinawakan ang door knob. Nakahinga ako nang maluwang nang mabuksan ang pinto.

Gamit ang pinakamaingat kong kilos, pinasok ko ang kwarto. Naliwanagan ang mukha ni Sensui bago ko isara ang pinto, na mahimbing na mahimbing sa kaniyang pagkakatulog. Tahimik kong binuhat ang single couch at ipinuwesto iyon sa harap niya. Nang masanay ang paningin ko sa dilim ay 'tsaka ko naaninag ang mukha niya.

Napangiti ako. "Happy New Year, babe." Ganoon kabilis akong naging emosyonal. Mabilis na nangilid ang mga luha ko habang tinititigan ang mukha niya. Nagtuloy-tuloy lang ang pagluha, hindi ko alam kung saan iyon nagmumula. Pero hinayaan ko lang ang sarili ko, hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

"Tch."

Agad akong nagmulat nang marinig ko ang pamilyar na ekspresyon na iyon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Sensui na deretso sa pagkakaupo sa kama, magkakrus ang mga braso at deretso ring nakatingin sa akin...nang masama. Dali-dali akong umayos ng upo, pinunasan ko ang mukha ko at napapahiyang nagbaba ng tingin.

"What are you doing here?" malamig niyang tanong.

Napamaang ako, walang mahanap na sagot. "I'm sorry," nagbaba ulit ako ng tingin. Tss! Nandiyan ka na, eh, batiin mo na! Tapos umuwe ka na. Agad akong nag-angat ng tingin. "Happy new year," halos mautal kong sabi.

Walang nagbago sa hitsura niya. "Happy new year." Tumayo siya, ganoon pa rin ang hitsura. Napatingala tuloy ako. "Now, get out."

"Ha?" gulat kong tugon.

"Get. Out."

"Deib..."

"Mom!" sigaw niya. Natutuliro akong tumayo. "Mom!"

"Woi, sige, aalis na 'ko," inis kong sabi.

"Get out," utos niya.

"I'm sorry," sabi ko at saka tinalikuran siya.

Eksakto namang pumasok si Mrs. Enrile. "Anak..." Gulat siyang napatingin sa akin. "Maxi?"

"Happy new year, Mrs. Enrile," hindi ko na siya nagawang tingnan sa mga mata, nanlalabo na ang paningin ko.

"Ah, wait...Maxi?" habol niya pero hindi na ako lumingon pa.

"What the hell is she doing here, mom?"

"I..." Nalilito si Mrs. Enrile. "I didn't know she's here."

Hindi ko na nagawa pang pakinggan ang usapan nila. Mabilis akong bumaba, nakasalubong ko pa si Manang na nagulat ding makita ako. Narinig ko pa siyang tinawag ako pero hindi na ako lumingon pa. Dali-dali akong lumabas at nagmaneho papalayo sa bahay nila.

CARGOSIN'S POV

"Kung gano'n ay talaga palang hiwalay na ang dalawa?" nakangising tugon ko sa ibinalita ni Christian. Pinaikot ko ang swivel chair papaharap sa kaniya. Ipinatong ko ang aking mga siko sa mesa, pinagsalikop ang mga 'yon 'tsaka iniharang sa bibig ko.

"At hindi ka maniniwala sa dahilan," ngumisi rin si Christian, naningkit ang mga mata ko. "Si Eerah pa rin."

Natawa ako. "Kung ganoon ay epektibo nga ang kaniyang kagagahan? Mabuti naman."

"At mukhang iniisip talaga ng mga Moon na tuluyan na tayong nawala sa kanilang landas."

"Mga inutil," ngumisi ako. "Ang hindi nila alam ay nagpapahinga lang tayo, humahanap ng magandang tiyempo. Tumawag na ba uli si Taylor?"

"Hindi na," umiling siya, kumunot naman ang noo ko. "Sa tingin ko ay nakuha na ang telepono sa kaniya. Gabi-gabi kung tumawag siya. Hindi na ngayon, isang linggo na."

"Matinik talaga ang mga lintik na iyon."

"Kung ako ang tatanungin ay hindi na kataka-takang makuha ulit ang telepono sa kaniya. Nabanggit niya naman na noon na nahuli na siya. Natawa pa nga kaming pareho nang hindi iyon agad na binawi sa kaniya. Aliw na aliw siya sa babaeng Moon, kay Maxpein. Masyado raw mainit kapag kinakausap siya. Mainit ang dugo sa kaniya."

"Natural. Dahil wala silang mahihita kay Taylor. Hindi iyon magsasalita para ipahamak tayo. Hindi bale nang mapahamak siya, maprotektahan lamang ang ating pamilya."

"Lunch time." Natinag kami nang pumasok si Eerah. "Bumaba na kayo, 'wag nating paghintayin ang daddy," aniya pa 'tsaka muling isinara iyon.

Mabilis kaming lumabas ni Christian, kasabay naming kakain ang ilang mga tauhan. Sa isang hotel sa Maynila, na pag-aari rin namin, kami nananatili. Doon kami nagdiwang ng bagong taon. Hindi kami pwedeng maglagi sa mansyon na tinutuluyan namin sa Laguna. Hindi kasi malabong mapuntahan kami ro'n.

"Kumusta si Lovemir?" tanong ko habang ang paningin ay nasa hinihiwang karne.

"Hindi pa siya tumatawag," sagot ni Eerah.

"Kung gano'n ay ikaw ang tumawag sa kaniya. We need updates, Eerah."

"Maybe he's busy."

"Hindi naman ganoon kahabang oras ang hihingin mo, Eerah. Walang pasok dahil bakasyon, marami siyang oras para makipag-usap sa atin. Tatanungin mo lang siya tungkol sa kilos ng mga Moon. Ano na ang kanilang plano?"

Nakangisi na si Eerah nang tingnan ko. "Kung trinato lang siguro natin siya nang maayos, hindi tayo mahihirapang lapitan siya."

"Hindi na dapat niya tayong pahirapan pa, Eerah. May obligasyon siya sa pamilyang ito. Sa huling pagkakataon maging kapaki-kapakinabang naman siya."

"Susubukan ko siyang tawagan bukas na bukas." Nawala ang nakakaasar na ngisi ni Eerah.

Nanatili na ang katahimikan hanggang sa matapos kaming kumain. Lumabas kami sandali kasama ang Chairman, nakipag-usap siya sa mga board members. Emergency meeting iyon kaya kahit na bagong-taon ay kailangang daluhan. Bumabagsak na talaga ang business namin. Walang namamahala nang ayos at ang ilan ay nandadaya pa, sinasamantala ang mga posisyon nila.

Nahampas ng Chairman ang mesa nang makabalik kami sa suit. Napapikit siya at saka sunod-sunod na humugot nang malalim na hininga. Nasisiguro kong magagalit na naman siya kaya bago pa man mangyari 'yon ay lumapit na ako.

"Dad, calm down," mahinang sabi ko, bagaman kabado.

Ngunit sa halip na sumagot ay umayos siya ng tayo 'tsaka natitigilang kinuha ang cellphone sa bulsa. Mukhang may tumatawag sa kaniya. Napatingin sa akin ang Chairman 'tsaka humugot nang malalim na hininga bago sinagot iyon.

"Yes?" Bahagyang lumayo ang aking ama. Pinanood ko naman siyang makipag-usap sa telepono. Ilang saglit pa ay lumapit na uli siya sa akin. "Pinapupunta tayo ni Mr. Wood." Minsan pa siyang bumuntong-hininga.

Nagkatinginan kami ni Christian, parehong napapailing at nagbaba ng tingin.

Wala kaming nagawa kundi ang magtungo sa kuta ni Mr. Wood. Mahigit tatlong oras ang byahe pero pare-pareho kaming tahimik nina Chairman at Christian. Lahat ay nag-iisip, lahat ay kabado.

Agad kaming sinalubong ng mga tauhan nang makarating doon. Hinarang kami ng mga ito sa mismong entrance nang mataas na bahay, halos ganoon sa mansyon namin. Ang pinagkaiba lang ay kulay puti iyon.

"Pangalan?" anang bantay.

"Rewis," sagot ng aking ama.

Kinapkapan kami ng mga tauhan na para bang may dala kaming bomba sa katawan. Maging ang maseselang bahagi kasi ng mga katawan namin ay kinapkapan nila sa loob at labas ng damit. Gusto kong pumalag, gusto kong magreklamo, pero hindi pwede.

Mas maraming tauhan ni Mr. Wood ang bumungad sa 'min nang makapasok kami nang tuluyan sa kuta. Sinabayan kaming maglakad ng apat na lalaki, may malalaking katawan ang mga ito. Ganoon sa mga bouncer. Malalaki at matatangkad, mukhang may mga lahi.

May kadiliman ang lugar kaya may kabagalan din ang aming paglalakad. Kaliwa't kanan ang kwarto at nang silipin ko ang ilan sa mga iyon ay mukhang sugalan. May mga mesa sa loob at abala sa paglalaro ang mga tao gamit ang braha. Ang isa namang kwarto na nasilip ko ay may mga nag-iinuman, at may tatlong babae na halos nakahubad na at nagsasayaw sa harap ng mga ito.

Maingay, napakaingay. Madilim. Makipot ang daan pero maraming lusutan. Hindi na ako magtataka kung bakit ito tinawag na kuta. Hindi na rin ako magugulat kung may makita akong nagdodroga dito o gumagawa ng malalaswang bagay. Nababagay kasi ang mga iyon sa lugar.

Kulay pula ang carpet na nilalakaran, maging ang wallpaper ng mga dingding ay pinaghalong pula at kulay tsokolate. Ang kwarto sa dulo ang tinatahak namin, may dalawang malalaking lalaki na nakabantay sa labas niyon. Kinausap ng isa sa mga lalaking kasabay namin ang bantay, mayamaya pa ay pinagbuksan na kami ng mga ito ng pinto.

May kadiliman din ang kwarto. Nakakikilabot ang klasikong tugtugin na nangingibabaw sa loob niyon. Natanaw ko sa side table ang phonograph kung saan nagmumula ang musika. Gaya sa labas, may pulang carpet ang sahig. Pinaghalo-halo namang pula, kulay tsokolate at puti ang wallpaper na may bulaklaking disenyo. May gigintuing chandilier sa gitna, madilaw ang ilaw niyon. Sa apat na sulok ng mataas na kisame ay may manilaw-nilaw na ilaw rin. May couch sa kaliwa, kulay asul, at kulay dilaw naman sa kanan. May mga lalaki ring nakaupo ro'n, naglalakihan din ang katawan at mga nakatingin sa amin. May dalawang book shelf sa kaliwa at kanan, nagsisiksikan ang mga libro roon. Sa dulong kaliwa ng kwarto ay may antigo at mataas na rack, naroon ang iba't ibang uri ng alak. Sa dulong gitna naman, sa harap mismo nang mataas at malaking bintana ay mayroong malapad na mesa. May nakapatong na ash tray, kahita ng tobacco, malaking telepono, at isang makinang na baril. Sa likod ng mesa ay may mataas na swivel chair na kasalukuyang nakatalikod sa gawi namin. Nasisiguro kong si Mr. Wood ang nakaupo roon, sinadyang tumalikod sa gawi namin at pinanonood ang kapayapaan ng langit at buwan.

"May bisita kayo, Mr. Wood," anang kasabay namin kanina. Nananatili itong nakaharang sa harapan namin.

"Code name?" tugon ni Mr. Wood.

Tumikhim ang aking ama. "R.E.W.I.S. Rewis."

Sa paningin ko ay dahan-dahang humarap sa 'min ang swivel chair at itinambad si Mr. Wood. Nakasuot ito ng itim na suit at tie, ang suot niyang brown hat ay may kulay puti na feather sa kaliwa. Nakapatong sa armrest ng swivel chair ang kaliwa niyang kamay, nandoon ang umuusok nitong tobacco.

Bata pa si Mr. Wood, hindi nalalayo sa edad ng aking ama. Pareho rin silang may singkiting mga mata at pangahin ang mukha. Sinenyasan ni Mr. Wood ang dalawa sa mga tauhan, agad namang kumilos ang mga ito para lagyan ng tatlong silya sa harap ng mesa. Ngumisi si Mr. Wood at sinenyasan kaming lumapit at maupo.

Ipinatong ni Mr. Wood ang magkabilang siko sa mesa, bahagyang inilapit ang mukha sa amin. "Dala mo na ba ang kabayaran sa utang mo sa akin, Rewis?"

Napailing ang aking ama. "Ang totoo ay hindi pa sapat ang aking pera."

Naglapat ang mga labi ni Mr. Wood, muling sumandal sa swivel chair. Tumingala at humipak sa tobacco, ngumisi siya habang ibinubuga ang usok sa ganoong posisyon.

"Pinadadali mo ang buhay mo, Rewis," nakangisi nitong sabi.

Agad na kumalabog ang kaba sa dibdib ko. Wala kaming laban sa mga ito. Bukod sa masyado silang marami ay nasisiguro kong batikan sila sa pakikipaglaban. At isa pa, ni isa sa amin ay walang dalang gamit panlaban.

Bumuntong-hininga ang aking ama. "Maaari ba akong humiling sa iyo, Mr. Wood?" nagbabaka-sakali ang tinig ni Chairman.

"Hiling?" Ngumisi uli si Mr. Wood. "Wala akong matandaan na ugnayan natin para maglakas-loob kang humiling sa akin, Rewis."

"Kung iyong mapagbibigyan ang aking kahilingan, hindi ko hahayaan na magsisi ka, Mr. Wood."

Naningkit ang mga mata nito. "Sige, sabihin mo, pakikinggan ko."

"Kung hindi ko maisauli ang halaga na iyong hinihingi, maaari ko bang palitan ito ng buhay?"

"Buhay?" Hindi makapaniwala si Mr. Wood bagaman nakangisi.

"Isang mahalagang tao ang ipambabayad ko sa iyo."

Napahalakhak si Mr. Wood. "Ano naman ang mapapala ko sa mahalagang tao na iyon bilang kabayaran?"

"Maaari mo siyang gamitin para makahingi ng ransom."

"Talaga?" sarkastiko nitong tugon, muling humalakhak. "Nasisiguro mo ba na mas mayaman pa sa akin ang pamilyang kinabibilangan ng mahalagang tao na iyan?"

"Hindi ako sigurado kung sino ang mas mayaman sa inyo, pero bibigyan kita ng kasiguraduhan sa makukuha mo. Nasisiguro kong makagagawa sila ng paraan para maibigay ang iyong gusto. Kahit doblehin mo pa ang presyo, ibibigay nila iyon basta isauli mo sa kanila ang tao na ibibigay ko."

"Sino naman ang mahalaga at maswerteng nilalang na iyan?"

"Isa siyang Enrile."

"Enrile? Wala akong nalalaman tungkol sa pangalan na iyan."

"Nabibilang ang pamilya nila sa mayayamang angkan sa buong Laguna. Ang karamihan sa establisyimentong naroon ay pag-aari nila."

Nakangiwing tumango si Mr. Wood. "Bigyan mo ako ng posibleng dahilan para pumayag ako sa usapang iyan, Rewis."

"Magbigay ka lang ng presyo, kami na ang bahalang trumabaho. Dadalhin namin siya sa iyo, bahala ka na kung ano ang gusto mong gawin sa kaniya. Ngunit kami na ang bahala sa pakikipagnegosasyon sa kaniyang pamilya. Matapos niyon, ibibigay ko sa iyo ang pera."

"Dalawang buwan na lang ang natitira sa palugit mo, kailan ko naman makukuha ang pera ko?"

"Bago matapos ang dalawang buwan."

Ngumisi ang tuso na si Mr. Wood, iyong nakakalokong ngisi. "Ano sa tingin mo ang isasagot ko, Rewis?"

"Hindi ko masasabi. Pero kung ako ang nasa posisyon mo ay papayag ako. Dahil myembro rin ng pamilya nila ang may pakana para mauwi tayo sa ganito."

Sumeryoso si Mr. Wood. "Ano ang ibig mong sabihin?"

"Ang Chairman ng angkan nila ang may pakana ng pagsabog dahilan para mawala ang mga mahahalagang gamit mo. At dahilan para mawala ang aking asawa."

Tumalim ang mga mata ni Mr. Wood. "Bakit hindi mo pa sinabi iyan nang maaga?"

Napabuntong-hininga ang aking ama. "Pasensya na, ang akala ko ay makagagawa pa ako ng paraan."

"Nauubusan ka na ba?"

"Ganoon na nga." Nagbaba ng tingin si Chairman. Kumuyom ang mga palad ko dahil ni minsan ay hindi ko pa siya nakitang ginawa iyon.

"Sige, kung ganoon. Dalhin mo sa akin ang mahalagang tao na iyan." Sabay-sabay kaming napatingin kay Mr. Wood matapos sabihin iyon. "Hindi naman siguro makakasama kung sasaktan ko siya nang bahagya?"

Ngumiti si Chairman at saka tumango rito. "Sa oras na dalhin ko siya rito, ikaw na ang bahala sa gusto mong gawin sa kaniya."

"Let's close this deal, then." Tumayo si Mr. Wood at saka inilahad ang kamay sa aking ama.

Nagugulat man ay tumayo si Chairman at nakipagkamay rito. "Hindi kita bibiguin, Mr. Wood."

"Mainam, kung ganoon. Dahil hindi mo rin gugustuhin na biguin ako."

Hindi na nawala sa isip ko ang usapan na iyon ng aking ama at ni Mr. Wood. Panay ang paglalayag ng isip ko kung paano naming magagawa iyon. Nasisiguro kong may plano na ang aking ama, hindi niya ugaling magbasta-basta. Ang lahat ay nakaplano sa kaniya. Ngunit alinman sa mga sinabi niya kanina ay hindi niya nabanggit sa amin. Ang usapan kasi ay babantayan lang ang kilos ng mga Enrile, Echavez, lalo na ang kilos ng mga Moon.

"Si Deib Lohr ba ang tinutukoy mo, dad?" mayamaya ay tanong ko. Nadinig ko siyang bumuntong-hininga. "Iyan na ba ang pinakamaganda nating solusyon?"

"Wala na akong maisip pang iba, Cargosin. Nawawalan ako ng pag-asa. Hindi malabong patayin tayo ni Mr. Wood kapag hindi natin naibalik ang halaga na nawala sa kaniya. Tayo ang sinisisi niya, kaya tayo rin ang kaniyang ginigipit."

Pabulong akong nagmura. "Kung hindi dahil sa Chairman Enrile na iyon ay wala sana tayong problema."

"Ganoon nga." Tumikhim ang aking ama. Madilim na ang kaniyang mga mata nang lingunin ko. "Kaya hayaan nating siya, imbes na tayo, ang mahirapan. Siya ang dapat na nagsisisi. Siya ang dapat na hindi makatulog sa gabi. Siya ang nararapat na patayin sa bawat minutong dumaraan."

"At paano ang mga sagabal, Chairman?"

"Kausapin mo si Lovemir, kailangang masiguro niyang hiwalay na ang lalaking Enrile at ang babaeng Moon. Siguraduhin niyang hindi na makikialam ang mga Moon kapag ginalaw natin ang mga Enrile. Kikilos tayo sa lalong madaling panahon."

"Masusunod, Chairman."

Hindi magiging madali ang plano na iyon. Kailangang magawa namin iyon nang ayos, perpekto, at siguraduhing walang magiging problema. Pero kung ang kalayaan at katahimikan naman namin ang kapalit, hindi ako magdadalawang-isip na magpakahirap para lang magtagumpay ang plano.

This is for you, mommy. This is for all of us.

Ibinato ko ang kutsilyo at eksakto iyong tumama sa noo ni Chairman Enrile, larawan lang iyon pero nagagawang buhayin ang galit ko.

"I will make you regret everything, Chairman Enrile."

Muli kong ibinato ang hawak kong kutsilyo. Napangisi ako nang tumama iyon mismo sa puso ni Deib Lohr Enrile. Kung ang larawan ng lolo nito ang bumubuhay sa galit ko, ang larawan naman nito ang nakapagpapaaliw sa akin.

"Prepare yourselves for the vengeance, my vengeance." Doon nawala ang ngisi sa labi ko.


Continue Reading

You'll Also Like

7.3K 56 5
this is spoken poetry originally made by me.
225K 9.6K 36
Mula sa angkan ng mayayaman, tumakas siya at tinalikuran ang pagiging chief executive officer/CEO ng sariling kompanya para takasan ang manyak na in...
804K 41.2K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...
622K 22.4K 32
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...