In a REALationSHIT (Trese Ser...

By chiXnita

7.9M 231K 35.7K

[ #TRESEseries No. 1 ] All I want is a REALationship not a relationSHIT. -- Book cover by @ArkiSTEPH More

In a REALationSHIT
IAR [1]
IAR [2]
IAR [2.5]
IAR [3]
IAR [4]
IAR [4.5]
IAR [5]
IAR [6]
IAR [7]
IAR [8]
IAR [9]
IAR [9.5]
IAR [10]
IAR [10.5]
IAR [11]
IAR [12]
IAR [13]
IAR [13.5]
IAR [14]
IAR [14.5] - Silver
IAR [15]
IAR [16]
IAR [17]
IAR [17.5]
IAR [18]
IAR [19]
IAR [19.5]
IAR [20]
IAR [20.5]
IAR [20.75]
IAR [21]
IAR [22]
IAR [22.25]
IAR [22.5]
IAR [22.75]
IAR [23]
IAR [23.5]
IAR [24]
IAR [25]
IAR [25.5]
IAR [26]
IAR [27]
IAR [27.5]
IAR [28]- Green Ryder Loriete
IAR [29]
IAR [29.5]
IAR [30] - Silver
IAR [31]
IAR [32]
IAR [33] - Grant Turner Loriete
IAR [33.5] - Grant Turner Loriete
IAR [34]
IAR [35]
IAR [36]
IAR [37]
IAR [37.5]
IAR [39]
IAR [40]
IAR [41]
IAR [41.5]
IAR [42]
IAR [43]
IAR [43.5]
IAR [44]
IAR [45] - Brix Vincent Flores (Part 1)
IAR [45.5] - Brix Vincent Flores (Part 2)
IAR [46]
IAR [47]
IAR [48]
IAR [49]
IAR [49.5] - Original Plan
IAR [50]
IAR [50.5] - A Blessing or A Lesson
IAR [51]
IAR [51.5] - GRAB-X Plan
IAR [52]
IAR [53]
IAR [54]
Final Chapter - IAR
Epilogue
BONUS Chapter
Bonus Chapter - Self-reflection
SOON TO BE PUBLISHED (PSICOM)

IAR [38]

61.3K 2.4K 606
By chiXnita

Copyright © chiXnita

SINUNDAN KO ng tingin ang bawat hakbang na ginagawa ni Grant palapit sa 'kin. Habang lumalapit ang distansiya niya ay lalo namang bumibilis ang kabog ng dibdib ko. Idinikit ko ang likod sa pinto ng sasakyan para hindi matumba. Hindi niya maalis ang titig sa'kin. Gano'n din ako sa kanya. Kahit kumurap ay 'di ko magawa.

Four months.

Mahigit apat na buwan ko siyang hindi nakita. At hindi ko inaasahan na siya ang kauna-unahang tao na masisilayan ko.

Agad-agad?

Sa lahat ng tao siya pa talaga?

Pinaglalaruan ba ako ng tadhana?

Pucha! 'Di pa ako ready, Lord.

Kailangan ko munang huminga.

Gustong-gusto ko siyang makasama, pero hindi pa talaga ako handa. Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko. Hindi ko alam kung ano'ng dapat iakto.

Wala pa akong napraktis na speech. OMG!

Nag-undergo ba talaga ako ng therapy? Ba't wala namang pinagbago? Gano'n pa rin epekto n'ya sa 'kin, eh.

May lindol ba? O ganito lang kalakas ang tibok ng puso ko na niyayanig ako.

Sa mahigit apat na buwan, wala namang pinagbago sa physical features niya. Maliban sa buhok niyang bagong trim yata. Nakasuot siya ng lavender longsleeves na nakatupi hanggang siko, trousers at black shoes.

Nakakasiguro akong on the way siya papuntang opisina.

Tumigil siya sa harap ko. Wala na yatang tatlong talampakan ang pagitan namin. Gusto kong umatras, kaso dikit na dikit na ang likod ko sa sasakyan. Naririnig ko na talaga ang tibok ng aking puso.

Kalma, heart. Ba't ba nababaliw ka na naman?

Akala ko ba okay ka na?

Parang gusto kong kumaripas ng takbo at bumalik kay Tita Brenda. Huhu!

Isinuksok niya ang kaliwang kamay sa bulsa at ang isang kamay ay idinala sa batok niya. Ang aliwalas ng kanyang mukha.

Muli ko na namang nakita 'yung maliliit na biloy niya sa magkabilaang pisngi nang siya'y ngumiti.

Sht! Ba't ako nagpapanic?

Ano ba, Heather?! Alam mo na kung paano i-handle ang lalaki, 'di ba? Remember the STARS. Stay calm. Think first before you talk. Always appreciate his efforts. Remember: attitude over beauty. Smile.

At unang-unang ang... stay calm. Ba't mukha kang tanga diyan?

Pero hindi talaga ako makalma lalo na't...

He looked so hot and yet so delectable at the same time. At the moment, it felt as if we were the only people in this place. I felt that I was just imagining him, but I know he was real. He's really standing in front of me. Staring at me... sexily.

Haha! Ang saya-saya. Ang sarap mag-headbang.

Oh God... I missed him!

"Hi...?" basag niya sa katahimikan. Pati ang boses niya namiss ko.

Nahigit ko naman ang hininga. Seriously, hi?

What should I suppose to say? Hello? Hi, too? How are you?

Wala akong nasabi at naibaba ko lang ang tingin sa kanyang dibdib. Then, reality hit me. Grant was so close to me.

When I realized that, I suddenly had trouble breathing. Sa bawat hugot ko kasi ng hininga ay ang samyo niya - na pinaghalong aftershave at likas na amoy niya, na sobrang namiss ko - ang kumikiliti sa ilong ko pati na rin sa imahinasyon ko dahil naglulumikot na naman ito.

Awareness of him seemed to course through every fiber of my being. Hindi ko tuloy magawang lumayo sa kanya kahit alam ko na iyon ang tama.

Say something! sigaw ng utak ko, ngunit wala akong mahagilap na kataga.

Muli kong ibinalik ang titig sa kanyang mga mata. Nakatunghay pa rin siya. Kumikislap pa rin ito sapagkat 'di na nabura ang ngiti niya. Pinamulahan ako ng mukha. Wala na yatang ibibilis ang kabog ng dibdib ko. Para akong high school student na sinabihan ng "hi!" ng ultimate heartthrob at crush ng bayan.

Mukha akong timang!

Ibinuka ko ang bibig at tipid na ngumiti. "H-Hi..." gusto kong pukpukin ang ulo, pero dahil magmumukha akong baliw 'pag ginawa ko 'yun kaya napahawak na lang ako sa dulo ng buhok at kinagat ang ibabang labi.

Bahagya siyang tumawa. Panandalian lang 'yon kaya akala ko nawala lang ako sa katinuan. Humakbang siya palapit.

Naalarma naman ang buong himaymay sa katawan ko dahilan para mapatalikod ako at hawakan ang pihitan ng pinto ng sasakyan.

Kaso mali yata ang aking ginawa dahil dumikit sa kanya ang aking likuran. Muntik pa akong mapatalon, kaso nanatiling nakalapag ang aking mga paa sa lupa nang ipulupot niya ang dalawang braso sa'king baywang. Ipinatong niya ang baba sa balikat ko.

Nagtayuan ang aking mga balahibo. Nakikiliti rin ako sa kanyang hininga na tumama sa leeg ko.

Sht! What the... ano'ng gagawin ko?

"I miss you, Minnie..." malambing na bulong niya. Nalalasing ako sa bango ng kanyang hininga.

Damn! Heather, you're still the same. You've never changed.

Mabuti at yapos niya ako dahil kung nagkataon sa lupa ang bagsak ko dahil sa pangangatog ng aking mga tuhod. Napahigpit ang hawak ko sa seradura ng pinto. Bigla akong nakaramdam ng init. Gano'n din ang aking mukha at pinagpapawisan na rin ako nang malapot.

Hinawakan ko ang kanyang mga braso at ikinalas ang mga iyon. Kumawala ako sa yakap niya. Dali kong binuksan ang pinto at walang paalam na pumasok sa loob ng kotse.

Napabuga ako ng hangin dahil hindi ko napansin na natigil ako sa paghinga. Napahawak ako sa dibdib. Hindi nga ako nagkamali sapagkat gustong kumawala ng puso ko rito.

Kumakatok si Grant, ngunit hindi ko siya magawang tingnan. Alam ko, hindi makatao 'yung ginawa ko. Pero hindi ko pa pala siya kayang harapin.

Not now! I just can't... I really can't!

Nakatitig ako kay Mang Lito at nakatunghay rin siya sa'kin. Hindi niya nga lang ako nakikita dahil tinted ang salamin. Mukhang nakuha niya rin ang eksena kaya dali siyang pumanhik sa loob ng sasakyan.

"A-Alis na po tayo..." garalgal na sambit ko. Marahan siyang tumango. Hindi ko na siya nilingon dahil mukhang nakikisimpatya siya kay Grant. Baka magbago ang isip ko. Hindi pwede...

Maya-maya lang ay umusad na ang aming sinasakyan. Nakita ko sa sulok ng aking mga mata ang paghabol ni Grant.

"M-Ma'am, si sir ho..." nag-aalalang usal ni Mang Lito.

Nakagat ko nang madiin ang ibabang labi at pumikit. "J-Just drive."

*.*.*.*.*.*

NAKAILANG ROUND na yata ako nang kakaikot at kakapalit ng puwesto rito sa loob ng kwarto. Hindi talaga ako mapakali.

Tatlong araw na simula nang makauwi ako. Dito sa bahay ng aking mga magulang ako dumiretso. Tatlong araw na rin akong kinukulit ni Grant sa text at tawag. Nagtataka ako kung paano niya nalaman ang bago kong numero.

Higit sa lahat, kakagaling niya lang dito sa loob ng bahay at si mommy ang nakausap niya. Hindi ko kasi magawa ang lumabas o kahit ang magpakita man lang sa kanya.

Sa katunayan, nasa tapat pa rin ng bahay namin ang pulang kotse niya. Nakasandal naman siya rito habang tinatawagan ako. Kakasilip ko lang kasi sa bintana rito sa ikatlong palapag, bago ako magpalakad-lakad sa tapat ng kama, kung saan nakalapag ang cellphone ko.

Hindi na nga namamatay ang ilaw nito dahil kanina pa siya tumatawag. Baha na rin ang inbox ko ng kanyang mga mensahe.

Alam kong mali ang ginagawa kong pag-iwas sa kanya. Kailangan ko siyang harapin at kausapin.

Pero papano?

Paano kung mabalewala lahat ng mga natutunan ko? Paano kung gano'n pa rin pala ang nararamdaman ko? Paano kung makagawa na naman ako ng hindi maganda kapag kasama niya ako?

Natatakot talaga ako.

Ang mga magulang ko, wala rin yatang balak na tulungan ako, sa pagkakataong ito. Sila ang kumausap kay Grant, pero hindi nila ako kinausap o ang kahit kumatok man lang. Nakakasiguro akong nais nilang magdesisyon ako ng para sa sarili ko.

Ugh! Nababaliw na naman yata ako.

Buong buhay ko kasi wala akong ginawa kung hindi ang umasa sa kanila. Nakadepende ako noon pa lang kay Angel at Brix. Saka kay Silver. Kailan nga ba ako gumawa ng pasya na hindi sila involve o si Grant? Wala! Ni kahit isang achievement na talagang maipagmamalaki ko sa sarili... wala talaga.

Nang kausapin ako ni Tita Brenda bago ako pauwiin ay alam kong malaki ang tiwala niya na kaya ko na ang sarili. Ayun pa sa kanya, hindi pa talaga doon natatapos ang aking therapy. Sapagkat meron pa akong dapat gawin.

Iyon ay ang... "Handling Grant".

Wala siyang sinabi bago ako umalis kung paano ko gagawin iyon. Ano 'yun? Bahala na ako sa buhay ko?

Kaya gano'n na lang din ang pressure na nararamdaman ko. How can I handle Grant? Wow!

I think it's unfathomable... Mission impossible.

Hindi na makikialam ang mga magulang ko kung ano man ang magiging pasya ko. Gusto ko 'yung mangyari, noon pa. Pero ngayon ay tila nais kong humingi ng tulong sa kanila. Kaso hindi iyon maaari. Kailangan kong tumayo sa sariling mga paa. Hindi na ako teenager at mas lalong hindi na ako bata.

Tumigil ang ringtone sa'king aparato. Napaupo ako sa kama at kinuha ito. Kalaunan ay muli itong umilaw, senyales na may bago akong mensahe. Wala pa akong binabasa kahit isa sa mga text ni Grant. Ngunit may kung ano'ng bumubulong sa pagkatao ko na kailangan ko 'tong buksan.

[What's the problem? We can't solve it if you don't wanna talk to me. Can you answer my call? Please... baby.]

Kahit na ang layo ng distansiya namin ang bilis pa rin ng kabog ng aking dibdib. 'Yung huling dalawang salita ang kumukurot sa puso ko. Hindi ko alam kung bakit pa siya lumalapit sa'kin.

Hindi ba dapat maging masaya siya kasi wala ng mangungulit sa kanya?

'Di ba, binitiwan na niya ako?

Muling tumunog ang cellphone. Muntik ko pa 'tong maitapon sa gulat. Numero lang ang nakalagay dahil hindi ko kasi naisasave. Nagdalawang-isip pa ako bago inilagay ang hinlalaki sa screen at inislide ito.

Hindi ako nagsalita. Hindi rin naman siya umiimik. Tanging hininga niya na tila balisa ang aking naririnig. Pigil na pigil ko naman ang hininga habang naglalakad patungong bintana. Hinawi ko ang kurtina at sumilip, 'yong alam kong hindi niya makikita.

Nakasandal pa rin siya sa sasakyan. Madilim sa kanyang kinaroroonan kaya hindi ko siya gaanong mamukhaan. Mag-aalas-diyes na kasi ng gabi. Mag-iisang oras na rin yata siya sa labas.

Alam nina dad na nandito pa rin siya. Kaso kabisado ko na ang ugali ni mom. Kapag nagdesisyon siya, hindi na iyon mababali pa.

"Why don't you talk to me?" Kahit madilim tanaw kong nasa pagitan ng mga mata ni Grant ang isang kamay niya. Mababakas din sa kanyang boses na pilit niyang itinatago ang pagkabalisa. "Why are you avoiding me? Why... W-Why are you hurting me?"

Natutop ko ang bibig para hindi niya marinig ang aking pagsinghap. Sunod-sunod din ang ginawa kong pagkurap para hindi kumawala ang pinipigilang luha.

God... I'm so sick of crying... Tama na! Nakakapagod.

"Are you mad at me 'coz I didn't say anything... before your therapy? And... I wasn't there? I'm sorry... I'm so sorry, I just did it 'coz..." Napasandal ako sa pader, mahigpit ang hawak sa cellphone. Natigil naman siya sa pagsasalita at bumuntong-hininga. "Please..." pabulong na ang boses niya, hirap na hirap. "...don't make me regret it, Heather."

"Heather..." Parang sibat ang tinig niya na bumabaon sa puso ko. Hindi ko pa rin kasi magawa ang umimik. Baka kung ano ang masabi ko. Ayokong magpadalos-dalos. "Kausapin mo naman ako. Mag-usap tayo. Ayusin natin 'to. Parang awa mo na... H-Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko."

Nanghihinang napaupo ako sa sahig. Kailanman, hindi pumasok sa isip ko na magmamakaawa sa'kin si Grant nang ganito.

"Bukas ng gabi sa El Grandia's Pub, 7:00 PM. Please, be there... Maghihintay ako."

Naipatong ko ang ulo sa tuhod at niyakap ang mga binti, pagkababa niya ng tawag.

*.*.*.*.*.*

HUMUGOT AKO ng hininga at nagbilang ng hanggang tatlo sa isip. Sumulyap ako sa suot na relo, at lagpas alas nuwebe na ng gabi, bago ako pumasok sa loob ng pub.

Wala naman talaga akong balak na pumunta. Kaso hindi ako mapakali at nakokonsensiya rin ako. Kilala ko si Grant at alam kong hihintayin niya talaga ako. Hindi pa ako gano'n kahanda para makausap siya, pero hindi na yata ako makakatakas pa.

Nakapagdesisyon na rin ako kung ano'ng dapat gawin. Sana... Sana nga ito ang tama.

Hindi na ako nagtaka nang wala akong nadatnang tao sa loob ng pub maliban sa iilang waiters. Nakakasiguro akong kinuntsaba ni Grant si Cyclone. Binati naman ako ng mga waiters, mukhang nabuhayan sila nang makita ako.

Tipid lang akong ngumiti. Sasamahan pa sana ako ng isa patungo sa ikatlong palapag. Tumanggi ako. Ayoko nang makaabala pa.

"Grant... she's not coming. Tara na, dude! Ihahatid na kita. Lasing ka na."

Nadatnan kong nakikipag-agawan si Cyclone kay Grant ng bote ng alak. Mukhang kanina pa nila iyan ginagawa dahil napapakamot na si Cyclone sa ulo niya.

Tumawa si Grant, nagmumukha siyang ewan sa ginagawa. "Hindi pa ako... l-lasing." Suminok siya. "At bakit beer lang ang inumin dito? Sinabi nang... igawa mo ako ng cocktail." Nagawa niyang ilayo ang bote kay Cyclone at marahas na tinungga ang laman nito.

Kumatok ako sa nakabukas na pinto dahil mukhang hindi pa nila ako napapansin. Nasa loob kami ng private room, kung saan tambayan ng mga Hot Dogs sa tuwing nandito sila sa pub.

Sabay silang napalingon sa'kin. Umaliwalas ang mukha ni Grant. Mukhang nabunutan naman ng tinik si Cyclone. Itinulak niya si Grant dahilan para mapaupo ito sa sofa. Napabuntong-hininga ako. Ganyan nga ang hindi lasing.

Lumapit si Cyclone at tinapik ako sa balikat. "Finally, Xhai, you're here. Hindi ko na alam ang gagawin sa siraulong 'yan. Gabi ang usapan niyo pero kanina pa 'yang tanghali rito."

Bahagyang ginulo niya ang buhok at umiling. Pinagpapawisan din siya kahit malamig naman ang aircon. Mukhang nahirapan nga siya sa pag-asikaso kay Grant.

"Nababaliw na 'yan. Kaya sana... 'wag mo nang dagdagan," walang emosyong turan niya pa. Napalunok ako. Alam kong may laman ang sinabi niya. Umalis na siya at iniwanan kaming dalawa.

Agad naman akong dumalo kay Grant. Hirap na hirap ang posisyon niya sa sofa at nakapikit ang mga mata. Nakabukas ang ilang butones sa suot niyang polo at magulo rin ang buhok.

Nagkalat naman ang mga bote ng beer sa sahig at may natapon pa sa ibabaw ng round glass table. Naghalo ang amoy ng alak at gamit naming pabango sa loob ng silid. Medyo nakakahilo.

"G-Grant..." Marahang tinapik ko ang kanyang pisngi. Napapiksi naman siya at dilat na dilat ang mga matang tumitig sa 'kin. Hinawakan niya ang kamay ko habang ang isang kamay niya ay kinukusot ang mga mata. Mukhang hindi naniniwala sa kanyang nakikita.

Nang mahimasmasan ay bigla siyang tumayo. Napaatras naman ako. Ang bilis ng tahip ng dibdib ko. Naramdaman ko ang pagtama ng likod ng aking tuhod sa isang sofa pa. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

Sa kakaurong ko ay nadala ko siya paupo sa sofa dahilan para bumaliktad ito, kasama kami. Napangiwi ako habang siya tumawa. Napasapo ako sa noo. Lasing na nga ang isang 'to. Beer lang naman ang ininom niya, pero hindi naman siya palainom kaya mabilis tamaan. Isa pa, mukhang kanina pa siya umiinom.

Kumain na ba siya?

Mababa lang naman ang binagsakan namin at carpeted naman ang sahig. Nauna akong bumagsak dahilan para mapaibabaw ang itaas na parte ng kanyang katawan sa'kin. Tinulak ko siya at mabilis na tumayo.

"Grant... mag-uusap ba tayo o hindi? Kung hindi ka naman magseseryoso, uuwi na lang ako." Pinipilit kong pakaswalin ang tinig kahit kabadong-kabado.

Ba't ba niya naisipang maglasing?

Napatayo agad siya sa sinabi ko at napahawak sa ulo. "I-I'm sorry..." Napapangiwi siya at napapapikit. Kamuntikan pa ulit siyang matumba.

Muli niyang hinawakan ang kamay ko. Natigilan siya at umayos ng tayo. Tila nawala bigla ang pagkalasing niya. Namumutla pa nga yata siya nang abutin ang isang kamay ko pa.

"W-Where's your ring?" mahinang sambit niya pero malakas iyon sa pandinig ko. Binali-baliktad niya ang kamay ko, pero talagang wala akong suot na kahit ano. Tinanggal ko ang engagement ring namin sa kalagitnaan ng therapy ko. Hindi na rin naman matutuloy ang kasal. Ano pang dahilan para suotin ko iyon? "Heather...?"

"What ring?" patay malisyang tanong ko.

Titig na titig siya sa'kin, walang kakurap-kurap. Bahagyang nakaawang ang bibig at namumula ang kanyang mga mata. Siguro dahil nakainom siya. Nilabanan ko naman siya ng titigan kahit na ano mang oras ay bibigay na ang tuhod ko sa panghihina.

Hinawakan ko ang kanyang braso. Pasimple ko ring tiningnan ang kanyang kanang kamay. At oo... suot-suot niya pa rin ang singsing. "Dito tayo mag-usap. Lasing ka na." Inalalayan ko siya papuntang sofa na katabi nung natumba, pero hinila niya ako pabalik.

"Nakainom ako, pero hindi ako lasing. Alam ko ang ginagawa ko. Pero ikaw... alam mo ba ang ginagawa mo?" Mukhang nawala na nga yata nang tuluyan ang pagkalasing niya. Hinawakan niya ang mukha ko ng dalawang kamay at tinitigan ako. Lalong bumilis ang tahip ng dibdib ko.

"Grant..." Tinangka kong tanggalin ang kamay niya pero hindi niya ako hinayaang gawin iyon. Malamlam ang ilaw ng silid kaya nakikita ko pa rin ang hilatsa niya. Nung una ko siyang makita pagkalabas ko pa lang ng bahay nina Tita Brenda ay maaliwalas ang mukha niya.

Pero ngayon, kabaliktaran na. Parang pasan niya buong planeta.

"W-Why...?" impit na tanong niya, balisa. "Why are you doing this? Ayaw mo na ba akong pakasalan? Hindi mo na... hindi mo na ba ako mahal?" pahina nang pahina ang boses niya, pero pabilis nang pabilis naman ang salsal ng dibdib ko. Bigla niya na lang akong niyakap nang mahigpit. Halos madurog ang katawan ko. Mahirap huminga at isa pa kapag tumagal ako sa mga bisig niya... baka hindi ko magawa ang tama. "You don't have any idea how much I missed you."

Ibinigay ko ang lahat ng lakas na meron ako para makawala sa pagkakayapos niya at pumasok sa loob ng comfort room at nilock ito. Sunod-sunod ang pagbuga ko ng malalalim na hininga. Kinalma ko ang sarili. Tinitigan ko ang repleksiyon sa salamin at pulang-pula ang mukha ko. Gano'n na rin ang mga mata ko.

Binuksan ko ang dalang pouch. Pitaka, cellphone, panyo, maliit na kit at CD ang laman nito.

Ang CD ay ang compilation ko ng lahat ng mga videos na ginawa ko. Alam kong hindi ko na maibibigay 'to sa kanya.

Sa halip ay kinuha ko ang pabilog na bagay sa loob ng kit at tinitigan ito nang matagal. Hindi ko pa man ginagawa ang napagdesisyunan kong gawin, nagsisisi na ako. Pero kasi alam kong ito ang tama. Kahit na mahirap... kailangan.

Matapos ang ilang minuto ay lumabas na ako. Alam kong naghihintay sa may pinto si Grant at hindi nga ako nagkamali nang siya ang aking nabungaran. Ang sumunod na pangyayari ay taliwas sa 'king inaasahan.

Sinandal niya ako sa pader habang mahigpit ang hawak sa magkabilaan kong braso na nakapantay sa 'king ulo. Kapagkuwan ay marahas niya akong hinagkan.

Halos dumugo ang labi ko sa ginagawa niya. Ngayon niya lang ako hinalikan sa ganitong klaseng paraan. Nalalasahan ko ang ininom niyang alak. Parang pinaparusahan niya ako sa ilang araw na pagbabalewala ko sa kanya.

Nanginginig ang katawan ko at wala akong magawa kung hindi ang hayaan siya sa ginagawa. Pinipiga ang puso ko, pero siguro nga... nararapat lang sa'kin ang bagay na 'to.

Kay tagal kong hinintay ang muli niyang yakapin. Ang muli niyang halikan. Pero bakit ako nasasaktan?

Napapikit ako at hindi ko na napigilan ang mga luhang gustong kumawala sa mga mata ko. Mukhang natauhan naman siya. Hinawakan niya ang magkabilaan kong pisngi at buong puso akong hinagkan.

Dapat kanina pa ako nakalayo dahil hindi na mahigpit ang hawak niya sa'kin. Pero ba't hindi ko magawa? Sa halip ay napakapit pa ako sa dibdib niya para kumuha ng suporta. Nang mauubusan na ako ng hininga ay saka niya lang pinakawalan ang mga labi ko.

Kaso muli niya ring sinakop pagkasagap ko ng hangin. Ang bilis-bilis ng kabog ng dibdib ko. Nawala na ako sa katinuan.

'Yung dapat na gagawin ko nabura na sa'king isipan.

Ngunit agad akong nagising sa masarap na panaginip dahil sa sinabi niya. "Stop treating me like this... I'm not a masochist. And, Heather... I love you. I did. I do. I will... always love you."

No...

Buong lakas ko siyang itinulak at marahas na sinampal. Natigagal siya, hindi nakahuma at natulala. Napasinghap ako at pinagsisihan kaagad ang nagawa.

This is the first time I slapped him in my entire life.

Unti-unting namumula ang kaliwang pisngi niya. Nangatog ang aking buong katawan. Nabitiwan ko ang hawak-hawak na singsing at lumapag iyon sa kanyang paanan. Napapikit ako para hindi makita ang magiging reaksiyon niya sa sasabihin ko.

"I'm sorry... but I don't love you anymore, Grant. Please... Let's end this."

Tumawa siya. Mahina. Palakas nang palakas. Ramdam na ramdam ko ang pait. "I was right. And... guess what, you never really loved me, in the first place."

Napatitig ako sa kanya. Hindi siya nakatingin sa 'kin. Nakatulala lang siya sa singsing na nasa sahig. Pinipilipit ang puso ko.

Then he stared at me. Doing what he can to prevent his tears from dropping... he faked a smile. "You never did, Heather..."

--

#IAR #InaREALationSHIT

Click the ☆ button.

Continue Reading

You'll Also Like

8.1M 523K 59
Cardinal Series 1 Soul Trilogy (Book 1) *** "Whatever it takes..." I was as good as dead that night. But strangely, I woke up the next day without an...
127K 6K 74
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...
19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...
4.6M 190K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy