Boyfriend Corp.

By iamKitin

35.2M 768K 254K

Naghahanap ka ba ng perfect boyfriend? Paano kung sabihin ko sa'yong meron at pwede mo siyang rentahan sa loo... More

Boyfriend Corp
Chapter 1 : We Mean ALL
Chapter 2 : Gatorade
Chapter 3 : Weird Day
Chapter 4 : Boyfriend
Chapter 5 : Contract
Chapter 6 : First Date
Chapter 7 : P.E.
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Special Chapter #1
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
The Last Chapter
Special Chapter 2
FAQ
BOYFRIEND CORP BOOK!
BFC Part 2

Chapter 38

540K 11.1K 3.9K
By iamKitin

Chapter 38

 

 

 

 [Dominique Veena Delos Santos’ POV]

 *shutter sounds*

Napatawa ako nung sinamaan na ako ng oh so famous na mata ni bebs. Inis na inis na siya, obviously! Eh ano ba? I'm sooo hype and excited! Why? 1 month nalang kasi debut na ni bebs! Kaya naman ang daming tao ngayon sa bahay.

"Aren't we done yet?" sabi ni bebs na nakapokerface. Ala! Nahahawa na kasi kay Gatorade!

"I'm sorry Ms. Alexa, konting measurements nalang po."

Bebs rolled her eyes pero sumunod na din naman dun sa nagmemeasure sa kanya.

I clicked the shutter again at nung nagflash, bebs started staring daggers again! I just laughed at her, since she can do nothing. Andito din kasi si Tita Zandra. I stuck my tongue out at her at mas kumunot yung noo niya.

Napasigaw na siya nung nag-flash na naman yung camera.

"Stop it, Dominique!"

"Hey, this is cute. Kulang nalang usok sa tenga!"

"You'll be screwed once I'm through with this sh—"

"With what, Alexa?"

Natigilan naman si bebs nung sumingit na si Tita. 'Buti nga!' I mouthed pero di pa rin ako pinalagpas ng amazing Gabrielle's stare daggers with matching irap and sigh! Bebs is really good at it.

Excited ako para sa debut ni bebs. I had my debut last February pero expected naman kasi sakin na magde-debut ako pero I was surprised to see Tita (along with the designer and staffs) sa main door. Bebs is not so girly kaya naman alam kong tututol siya na magdebut.

Pero wala, may invitations na. Nakakagulat din kasi si Gatorade ang escort niya! With bold letters, capitalize in Rage Italic Font!

Ohmydee! I'm so excited!

"Twinkle twinkle little eyes~ Chu~"

Huh? Napahawak ako sa left cheek ko at napatingin sa side ko. I instantly smiled nung nalaman kong si Love yun. Nakita ko ding pumasok sa main door si Gatorade. Inakbayan ako ni Love at tinanong, "Anong meron?"

"Preparations for bebs' debut."

"Ang daming tao."

Ang dami talaga. The make up artist, the designer at iba't iba pang tao na pedeng kausapin. Tita Zandra is a perfectionist. Halata naman e. Kaya strict din talaga siya kay Gab at Tito. She belongs to a very well-known family kaya di na nakakapagtaka. 

"Oh! Lance! Come here, hijo."

Instant na lumipat ang mata ko okay Gatorade nag-gesture si Tita sa kanya na lumapit.

Napatingin ako kay bebs nung bigla niyang hinampas ang noo niya gamit ang palad niya. I didn't know Gatorade already met Tita. And wait, did she call her Lance? Lance ang totoong pangalan ni Gatorade?

"Kahit pinipilit mong palakihin mata mo, maliit pa rin Love. Chinita."

"Wag kang magpout. Cute mo." Mas nagpout siya nung pinisil ko ang pisngi niya. Pacute talaga 'tong lalaking 'to! Yaena nga, cute naman talaga siya. Kamukha niya si Jaejoong, the bata version! "Lance ang real name ni Gatorade?"

He nodded, "Yup. Lance Alexander. Pero mas sanay akong tawagin siyang Gatorade."

"Ba't ba naging Gatorade? Hindi naman kakulay ng buhok niya ang Gatorade at mas lalong di niya kamukha ang bote ng Gatorade."

"Weh Love! Corny!"

"Ehh. Kunyare joke yun! Tawa ka!"

"Sige na nga!" at tumawa nga si Love. Hay, Love ko talaga!

May photographer din na parang nagdo-documentary ng nagiging preparations sa debut ni bebs. Grabe si tita. Career na career! Kung sabagay, only child kasi si bebs! Mayaman pa sila kaya there's no doubt kung bakit ganito ka bongga.

Nagkagulo yung mga mahaharot na nagsusukat nung si Gatorade na ang susukatan. Tita asked them siguro to make a suit for Gatorade din. Aba! Dapat partner. Eh! Ang cute talaga ni bebs at Gatorade!

Yung tipong hindi naman sila naguusap  ano pero pagmagkatabi sila, napapatitig nalang ako. Lalo na pag nag-away ang dalawang 'yan kahit walang kwenta! Nakakatuwa nga silang panuorin e! Parang may silver dust sa paligid nila!

I automatically clicked the shutter nung nahuli ko silang nagkatinginan. Captured by the beautiful Dominique Veena! Pareho silang napatingin sakin after nilang makarecover sa flash. Hehe.

Pareho nila akong binigyan ng poker expression pero nag-peace sign lang ako sa kanila. Wala na silang magagawa!

May pandagdag na naman ako sa collections ko! Gab and Gatorade Shipper!

*

[Alexa Gabrielle Delos Reyes’ POV]

I took at deep sigh matapos ang nakakagulo at nakakapagod na pinagawa sakin ni Mama. Nagulat nalang ako kaninang umaga nung dumating si Mama kasama ang mga alipores niya. Sukat dito, sukat doon.

Hindi ko alam na ayos na pala yung invitation!

Ang utak talaga ni Mama. I’ve been deceived! 

At ngayon?

"Hindi ba kayo naglilinis ng bahay? Veena, Alexa! Look at this place!"

There goes my ranting mother. Matapos akong pagudin, ito nagiging machine gun. Parang si Papa, yung nga lang mas malala. Papa can't stop talking while Mama can't stop ranting. Tapos ako ito, I barely talk…well, with others.

"Magwawalis na nga lang kayo. That's why I asked you before to hire maid dahil alam kong di kayo marunong humawak ng walis at dust pan tapos ayaw niyo naman."

"Sorry Tita. Naging busy lang po kami dahil po ng exams."

Napatingin agad ako kay bebs at napailing. What a good liar. Pero that's a good excuse. Pero ulit, hindi pa rin yan papalagpasin ni Mama. Yun pa. Like a typical mother. Tumayo na ako sa sofa at dumiretso sa kusina. Those measuring, choosing at planning, plus the rants, made me hungry.

"Okay ka lang?"

"Ay! " Napasigaw ako nung sumulpot siya sa kusina. Hindi ko siya napansin pagkapasok ko.

"Sorry."

Tumango naman ako at dumiretso sa dining table para ayusin ang kakainin. Hindi ko sila agad napansin ni Marcus dito. Tinulungan ako ni Gatorade na ayusin yung mga lulutuin nung bigla niyang pisilin ang ilong ko.

"Ang pula ng ilong mo."

"Oo, tapos pinisil mo pa." I sniffed.

Ngumiti lang siya at ginulo ang buhok ko. Kulit lang. Pero I don't have any mood for this. Pinabayaan ko nalang at nagluto. Naiwan ako sa kusina since tinawag sila ni Mama.

*

"Kakain na!" Inayos ko yung dining table. Umalis na din naman yung mga kasama kanina ni Mama dahil tapos na ang trabaho nila. At feeling ko pa rin talaga ang pagod. "Asan po si Papa?"

"Like your papa is interested with this stuff." Tamad na tamad talaga kami ni papa sa mga formal gathering. "But he's excited. Debut ng unica hija niya."

I pouted my lips after hearing that. Ang hirap maging paboritong anak lalo na kung nagiisang anak ka lang. Okay. That made no sense at all. Shut up, Gab. Nako. I smiled when I saw Mama's smile. I should do this for her dahil siya kahit di showy, alam kong excited din sya.

Yan ha, proweba na mabait akong anak!

Diniscuss lang ni Mama ang buong program na nasa invitation. I can revise it kung gusto ko daw. Invited din ang mga kaklase. Actually, hindi ko alam na mga kaklase ko pala yun. I don't know their names. Familiar lang talaga ako sa mukha nila. Sorry naman.

After lunch, umalis na din si Mama for some meeting. Everyday naman siyang may meeting and besides, malayo pa ang Batangas sa Quezon.

"Okay ka lang ba?"

Napaurong ako nung biglang hawakan ni Gatorade ang pisngi ko. Feeling ko nakuryente ako.

"Yup. Kanina mo pang tinatanong yan."

"Eh kasi," Dumiretso ako sa kwarto ko. Alam ko namang susunod siya. Kinuha ko yung stuffed toy ko na Domokun at niyakap yun. "Hindi ka okay."

Napaurong na naman ako at muntik ng matumba nung hinawakan niya ang pisngi ko.

"Alexa!"

"Okay nga lang kasi ako!"

"Hindi ka okay. Ang pula ng ilong mo tapos ang init init mo!"

Urong ako ng urong para iwasan ang kamay niya hanggang sa mapahiga ako sa kama. Argh! Hindi na ako nakaiwas nung hawakan niya ang magkabilang pisngi ko. I sighed, sign of my defeat. I'm so busted.

"May lagnat ka."

"Lagnat?" Napatingin kami sa pintuan. Si bebs, along with Marcus. Lumapit naman silang dalawa. Hinipo ni bebs ang noo ko. "Kaya pala ang tamlay mo kanina. Akala ko, you're like that because of Tita."

"Kukuha lang ako ng gamot."

" I'm okay. Sinisipon lang ako." Tumayo ako and whoops! Slightly blurred pero nagawa ko agad umiling para di nila mahalata. "See? I can stand. I'm perfectly fine."

Pero nagulat ako nung tinitigan ako ng seryoso ni Gato. Lumabas na siya para maghanap ng gamot. Pinahiga na ako ni bebs at Marcus. Why are they so worried? Sipon lang naman kasi 'to.

Naiwan kami ni Gatorade dito nung napainom na niya ako ng gamot. "Matulog ka."

"I'm not sleepy, Gatorade. Don't force me."

"Don't force you? As far as I can remember, you forced me too when I was sick." I rolled my eyes remembering that. Oo nga pala, lagi kaming magkaaway nung nagkasakit siya. "Sorry."

Sorry? What for?

"Kung hindi tayo pumunta sa Falls, di ka siguro magkakasipon."

"Stupid!" mukhang nagulat siya nung bigla ko siyang binato ng unan. "Parang alam kong magkakasipon ako because of that?"

"You called me stupid." Still shocked, ignoring what I said after the s-word.

"You really are. " Pinisil ko ang bridge ng ilong ko. Medyo nahihirapan akong huminga dahil sa sipon. "And don't taint a good memory."

Naramdaman ko nalang si Gatorade sa tabi ko. Niyakap niya ako at hinalikan sa noo. Pinaglaruan na naman niya ang buhok ko. Gusto ko siyang palayuin kasi baka mahawaan ko siya pero wala akong lakas para itulak siya palayo.

"I'll be your nurse."

"Blue headed nurse. That's a good view." Tumingala ako nung nagchuckle siya. Pinagdikit na naman niya yung mga ilong namin.

"Sleep, baby. Please?"

And I think, I was just hypnotized, "Okay."

"Good girl." He kissed the tip of my nose as I closed my eyes. Hinigpitan niya ang pagkakayakap sakin kaya napasandal ako sa dibdib niya.

"L.A." I murmured.

"Hm?" Still caressing the top of my head.

"Sing a song." Napatigil siya kaya napamulat ako. "Dali na. I thought you're my nurse?"

"Kasama ba a nurse ang pagiging entertainer?"

"Please? Para makatulog ako, since you're forcing me."

Tumingala siya at ginawa na naman niya ang mannersim niya. Someday, gusto kong gawin yun. I will touch his hair. Pi-nat na naman niya ang ulo ko kaya pumikit na ako. He suddenly hummed an unfamiliar note.

"Bahay kubo kahit munti~"

"Gatorade!" Di ko mapigilang di siya hampasin sa dibdib. Tinawanan pa ko! "Wow. Makakatulog ako niyan."

"Wala ka naman sinasabing genre e."

"And you think children song ang gusto kong marinig?"

Tinawanan na naman niya ako. He cleared his throat and put his hand back to my hair. He twirled it around his fingers. I ooze to sleep while hearing him hum again, though it's still unfamiliar to me.

"Oh Florida, please be still tonight. Don’t disturb this love of mine. Look how she’s so serene, you’ve got to help me out.  And count the stars to form a line and find the words we’ll sing in time. I wanna keep her dreaming, it’s my one wish. I won’t forget this."

It’s my first time hearing that song. I want to ask him pero hindi ko na kayang buksan ang mga mata ko. I don't want to interrupt his singing. I can't hide my smile realizing that it's the first time to hear him sing like this.

Narinig ko na siyang kumanta dati pero pabiro lang ang mga yun.

"I’m outdated, overrated. Morning seems so far away." Gatorade sang the song just like a lullaby to my ears. "So I sing a melody and hope to God she’s listening, sleeping softly while I sing. And I’ll be your memories, your lullaby for all the times, hoping that my voice could get it right."

This guy planted a romantic bone inside me.

*

I woke up feeling groggy. Ang bigat ng mga mata ko. Dahan dahan akong tumayo sa kama kahit medyo nahihilo pa ako. Rinig na rinig ko ang tawa ni bebs kahit nakasara ang pinto. Ano kayang meron?

Binuksan ko ang pinto at nakita ang very unexpected scene sa living room.

"Baby." Sumimangot siya pagkakita niya sa akin. Mukha siyang kinawawa. 

Lumapit agad sakin si Gatorade at hinipo ang noo ko. He smiled nung naramdaman niyang medyo di na maiinit ang noo ko. I just stared at his face. Anong kasalanan niya para gawin sa kanya 'to nina bebs?

"Hoy Gatorade, naglalaro pa tayo!"

"Ayoko na. Kinawawa niyo na ako."

"Madaya!" Marcus butts in. Unlike Gatorade, okay pa yung mukha niya. "Balik dito! Sali ka din Gab, gusto mo?"

Umiling ako pero tumabi ako kay bebs at kinuha yung baraha, baraha ni Gatorade. Tumabi na rin siya at inayos yung baraha sa kamay ko. "Anong nilalaro niyo?"

"Pusoy dos." Sagot ni bebs.

"And who ever lose gets a lipstick on his or her face?" In harmony na tumango si bebs at Marcus. Tiningnan ko ang mukha nila, si bebs isa lang sa left cheek tapos si Marcus merong dalawang circles ng lipstick sa magkabilang mata.

At yung katabi ko?

Three lines on both cheeks, lips like clown, a dot on the tip of his nose. For short, halatang siya ang laging natatalo. Wala ng masyadong space sa mukha niya para sa bagong lagay na lipstick incase na matalo siya ulit.

"Kulelat ka pala, baby."

"Pinagtutulungan lang ako nung dalawa!"

"Ang panget pa ng baraha mo. Ts."

"Akala ko ikaw lang ang marunong magdaya, pati sila dinadaya din ako."

"Wawang baby blue head."

"Hoy hidni kami nandadaya!" despensa si Marcus/

"Sus! Naglovey dovey pa sa harap namin! Tira na!" Binaba ni bebs yung tira niya. Straight. Mababang baraha lang.

"Bakit, Love? Inggit ka ba? We can lovey dovey too!"

Binaba ko yung nabuo kong flush. "Enough with the lovey dovey, it's your turn Marcus."

Umikot lang ng umikot hanggang si bebs ang natalo this round. Napasigaw pa si Gatorade nung ako yung unang nakapusoy. Nagreklamo lang si bebs at Marcus dahil ako ang naglaro. Kawawa naman kasi si Blue head e.

*

"Ang hirap matanggal!" Humarap siya sakin habang kinukusot niya ang mata niya. "Enjoy na enjoy ka naman sa nakikita mo."

"Pumapanget din pala ang isang Lance Alexander Zamora." I chuckled.

Hinipo niya ulit ang noo ko, checking my temperature. "May lagnat ka pa din. Balik ka na sa kwarto, pahinga ka muna."

"Mamaya na. Kagigising ko lang e."

"Gutom ka na?" I shook my head. Tumalikod siya ulit para humarap sa sink at makapaghilamos. Tumayo ako sa kinauupuan ko at kinulbit siya.

"Tulungan kita?"

Kumuha ako ng malinis na panyo at binasa yung ng tubig. Gusto kong tumawa sa itsura ni Gatorade pero nakakaawa e. Ito pa naman yung brand ng lipstick na matagal matanggal. Bebs really plays dirty.

"Pikit." Sumunod naman siya at tumungo. Ang tangkad kasi. "Sabihin mo kung masakit ha?"

Pinunasan ko yung mata niya. Hindi ko na alam kung namumula na yun dahil sa pagpupunas ko o dahil sa lipstick e.

"Uso naman manalo pero hindi ko akalaing ganun ka kahumble para magpatalo ng magpatalo." I joked.

"Oo na. Ikaw na ang master ng pusoy." Mas napatawa ako sa naging reaksyon niya. Kahit nakapikit, nagagawa pa rin magmake face. "Teka nga, nakakangalay."

Napairit ako nung buhatin ni Gatorade at pinaupo sa lababo. Pumunta siya sa harap ko at nirest ang kamay niya sa hita ko. I blinked twice, trying to sink in na binuhat niya ako ng walang kahirap hirap. At sa ginawa niya, parang bale wala lang sa kanya.

I suddenly felt conscious about my weight.

Di ko nalang pinansin at pinagpatuloy ang pagpupunas sa mata niya. Mas marami kasing lipstick dun. Nagmukha tuloy siyang Koala. Yun nga lang, red spots instead of blacks. Jeez.

"Tingin ka sa taas." I carefully wiped the lipstick out of his lower lashes, those long lashes. "Yan. Wala na sa mata."

Pinagpatuloy ko lang ang pagpupunas sa mukha niya ng maramdaman ko ang kamay niya sa lower part ng likod ko. Parang isang lazy hug. Hindi ko rin mapigilang magnakaw ng tingin sa mata niya kasi nakatitig siya. Good thing, I'm quite immune to those eyes kaso nakakabother pa din.

I almost forgot that I'm sick and I probably look shit right now.

Ohwell, edi panget na kung panget. I don't care.

"Tanggap ka sa CBA Varsity?"

"Yup. Tinawagan nila kami ni Marcus kanina."

I tried to think of something para di ako madistract ng pagtitig niya. Naalala kong nag-tryout nga pala sila nung Wednesday para sa Basketball team. Kwinento din kasi sakin ni Alex ang about dun nung nagtry out siya.

"So you'll be busy next week?"

"Don't worry." Bigla niyang pinisil ang ilong ko, "I'll be with you pag walang game."

Umiling nalang ako at pinunasan ang pisngi niya. "Your fan girls will go crazy seeing you play ball."

Ngumiti lang siya. Pinaharap ko siya sa left para mapunasan ko yung right cheek niya, "Ikaw?"

"Anong ako?"

"Wala kang sinalihan?"

"Ahh." Pinunasan ko yung labi niya. "Tinawagan ako kanina for badminton at table tennis pero di naman ako interested."

"Boring Alexa, huh? Atsaka di ka makakapagconcentrate pag nanuod ako."

Naalala ko yung nangyare nung last PE. Muntik na kaming hindi makaperfect nung nanunod siya. Nakakapagtaka kung pano nangyare yun. "Last year kasi di rin ako sumali. Nakakatamad."

"Lagi ka namang tamad e."

Medyo nahirapan ako dun sa gilid ng labi niya. Hinawakan ko yug lower lip niya para mapunasan ko ng ayos and to my surprise bigla niyang kinagat ang daliri ko. Nung sinamaan ko siya ng tingin, ngumiti lang siya at ginulo ang buhok ko.

"Ano nga pala yung kinanta mo sakin kanina?"

"I swear this time I mean it."

"Ngayon ko lang narinig yun."

"Mayday Parade ang kumanta."

Tumango tango ako. Ise-search ko nalang sa ibang araw. Para kasing maganda yung kanta. I smiled at him,"Tapos na."

"Talaga?" Tumango ako at laking gulat ko nung bigla niya akong binuhat, "Back to your room, baby."

"Put me down, Gatorade!"

"Ay? Di na baby tawag sakin?" Di ko kita ang mukha niya pero nahuhulaan ko ng nakasimangot yan. Nagsimula na siyang maglakad.

"Baba mo na ko, Gatorade. I can walk!"

"Nope."

Binuhat ako ni Gatorade na para bang isa akong sako ng bigas. Yung nasa likod ang upper body ko tapos hawak hawak niya ako sa may legs. Ano nga bang timbang ko? 47? Wait. Kelan ba ako last na nagcheck?

Last month pa!

"Baba na. Mabigat ako!"

Pero hindi siya sumagot. Dire-diretso lang siya sa paglalakad. Di ba siya aware na mas nahihilo ako sa pagbubuhat niya sakin? Jeez. Crazy blue head. Pinabayaan ko na kahit yung mga tawa nina bebs nung dumaan kami sa living room.

Samahan ko kayang magpacheck up si Gatorade minsan? Pwede!

Dahan dahan akong binaba ni Gatorade sa kama. I pouted and glared at him nung nakita ko na ang mukha niya pero pinisil niya lang ang ilong ko. Wala. Olats ka na agad, Gab. Nginitian ka na e. That pa-cool boy smile.

"Thank you baby. Now, rest."

"Kaka-rest ko lang."

"Napagod ka."

"Wow. Nakakapagod palang magpunas ng mukha mo."

"Alexa."

"Tss."

Ngayon ko nalaman na pareho kami. Pareho kaming matigas ang ulo pag may sakit. Naalala kong ganitong ganito din siya nung pinipilit ko siyang magpahinga. Kaya pala reklamo siya ng reklamo. Ganito pala yung feeling.

"Alam mo," napatigil ako sa pagaayos nung unan nung umupo siya at seryosong nakatingin sakin. "Iniisip ko na dahil kagabi kaya ka nagkasakit sa akin."

Automatic na gumalaw ang kamay ko at hinampas ng unan ang mukha niya. Yung tono kasi ng pananalita niya, halatang nang-aasar! Humiga agad ako at nagtalukbong ng kumot. Bakit? Kasi naman kagabi yung, may nasabi akong hindi ko inaasahan.

"I think I like you."

Why did I even say that! 

"Baby.."

"Leave me alone, matutulog ako!"

"Bipolar ka din pala pag may sakit. Haha!" Wow. Aminado siya na bipolar siya? Ah, I don’t care. Inaasar niya ako! "Huy."

Di ako gumalaw. Alam mo yung okay na? Mangaasar pa bigla. Bakit ko nga ba siya nagustuhan? Pero wait, I think lang naman yun di ba? Pero …Ahhh! Kelan ba to nagsimula?

How did I even get myself like this guy?

Bakit ba kasi basta basta nalang akong nagsasalita!

Gumalaw ang kama meaning gumalaw si Gatorade. Nakita ko ang anino niya sa kumot. Nasa harapan ko siya. Di na ako nanlaban nung tinanggal niya ang kumot sakin. Binaba niya yun hanggang sa ilong ko. Pinagtapat niya ang mga mata't ilong namin.

"I'll cast a spell and make your sickness go away."

Nanlaki ang mata ko nung maramdaman ko ang labi niya through my blanket.

Mas magkakalagnat ata ako dahil sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

79K 5.1K 14
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
1.9M 25.1K 24
Minsan, ang pag-ibig ay mapaglaro. Hindi mo alam kung kailan ka mapapasok sa kanyang mga laro. Pero paano kung mapasubo ka sa kanyang laro sa maling...
3.6M 50.2K 82
"A girl who's trying to be strong because she ended up CRYING ALONE ." [PUBLISHED]