Dear Mr. Operator

By xianrandal

204K 7.2K 1.1K

Paano kaya kapag ang isang tunay na artista na ginagamit ng nakararami ang kanyang mga larawan online katulad... More

TEASER
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
30
32
33
34
35
36
37
38
40
41
42
43
44
45

15

3.5K 137 16
By xianrandal

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

15

Napangiti si Alken, sa Group Chat na lamang siya. Iiwan niya na ang pakikipag-usap kay Miss, bahala na si Keion.

Elvin: Halleeeerr!

Alexie: Hi, himala at wala ka buong araw?

Elvin: Sobrang busy ang gwapo. Mahirap rin kapag araw-araw kang gwapo, sana kahit minsan maranasan ko ring maging pangit, para naman alam ko ang pakiramdam.

Alexie: Geh

Thalia: TOMOH! PAREHO TAYONG HIRAP NA HIRAP SA NARARAMDAMAN. AKO RIN, GUSTO KONG MARANASAN PAANO MAGING PANGIT. PARA NAMAN ALAM KO ANG PAKIRAMDAM NI ANO, YE NEOW NA KUNG SINO. HAHAHAHAHAHA

Kim: Sino?

Thalia: Ni Celerio OP

Celerio: Sinasabi mo lang yan dahil hindi ako pumayag na ipakita sa 'yo ang mukha ko na may stickers.

Kathryn: Ay may galit kaya sinasabihan ka ng pangit, Gulay? Hi Sinta!

Elvin: Sintaaaassss kooo! Na miss kita!

Kathryn: Miss you too, Sinta!

Thalia: KAYO NA ANG MAY NAKAKA-MISS. YUNG ISA KASI JAN, AYAW AKONG I-MISS. BITTER MUCH!

Ruel: Ako nga hindi nagrereklamo na pasulpot-sulpot lang ang partner ko. Ewan ko ba kay Miss, gwapo naman ako, bakit hindi niya ako mahanapan ng partner.

Celerio: Pare, ganyan raw talaga pag gwapo, laging iniiwan. Lagi kong nararanasan yan.

Thalia: Baka raw kasi mabaho kayo, kaming mga babae, kahit gwapo kung amoy imburnal, pangit pa rin.

Elvin: Hindi kami mabaho, Thalia, huwag mo kasi kaming personalin, kung yung ex mo, gwapong mabaho, kaming tatlo, hindi.

Thalia: Hindi kaya ako pumapatol sa yucky! Kaya nga ayoko kay Gulay.

Candice: TEka, may LQ ba kayong dalawa ngayon ha?

Celerio: Sige, babalik lang ako mamaya, tapos na ang break ko.

Carlos: Nag-iiwasan na.

Thalia: Tse!

Pinuntahan ni Keion si Alken na nakahiga sa sofa habang nag i-iPad. "Tigil mo na yang kaka Elvin mo, ako naman. Mag log-out ka na." Utos nito.

"Inuutusan mo ako, Bossing?" Natatawang tanong ni Alken. Ang alam niya, walang interes si Keion sa mga online sites, ang gusto lang nito pagkatapos ng shooting ay mapag-isa, matulog, mag sound trip, o di kaya magyayayang makipag kwentuhan.

"Magpahinga ka na, ako na munang mag E-elvin. Pahiram ng iPad, nalowbat yung sa akin sa kakabasa ng convo nyo at kaka Wattpad."

"Huwat! Az in, Bozzing! Nagbabasa ka na ng Wattpad? Weh? Di nga?"

"Tado! Para alam kong sinasabi ko kapag kausap ko si Catarina."

"Naks! May pa Bebe ka pang nalalaman, sobrang baduy mo, Bossing! Tapos ang banat mo, imba! Kornik!"

"Gag*, wag mo akong pakialaman. Akin ng iPad." Hingi niya.

"Oo na! Wala ng makakapigil sa iyo, ikaw na ang pabebeboy! Ayan, para sa future ninyo ni Miss. Basta huwag na huwag mong i-chat si Kathryn, Bossing."

"Hindi ako interesado sa Kathryn mo. Bukas mo na kunin to, ako na ang magcha-charge." Hindi na niya hinintay pa na sumagot si Alken, naglakad na siya pabalik ng kwarto niya.

"Bossing, galingan mo ang banat! Huwag masyadong corny, nakakasuka!"

"Ulol!" Sigaw ni Keion.

Siguro kapag makikita sila ng ibang tao, maninibago sa kanila. Madalas kasing wala silang imikan sa set, madalas na may sariling mundo si Keion, at madalas maharot si Alken. PEro kapag komportable si Keion sa kasama, lumalabas ang kakulitan nito.

Pero nakapagtatakang nagkainteres sa Facebook at Wattpad.

Elvin: Hi Miss! Hi Catarina Naveen! Hi CN! Hi Lola!  Hi Bebe!

Excited na naghintay ng reply si Keion pero wala. Kahit seen wala. Tinignan niya ang group chat, nandun si Catarina Naveen.

Elvin: Hi Miss! May importante akong tanong sa pm.

Alam niya na kasing Miss ang tawag ni Elvin kay Catarina at halos lahat ng OP na kasama nito. Alam niya ring nakuha niya ang atensiyon ni Catarina dahil nakikita niyang typing na ito.

Catarina Naveen: O?

Napailing si Keion, sa tinagal ng paghihintay niya ng typing mode nito, 'O' lang ang ire-reply sa kanya.

Elvin: Alam mo bang pinoproblema kita?

Catarina Naveen: May nangyari ba?

Elvin: Bebe naman, BAKIT ang isasagot mo.

Catarina Naveen: Pisting Bebe yan! Tigilan mo nga ako!

Elvin: Alam mo bang pinoproblema kita?

Catarina Naveen: Lakas ng trip mo. Kumain ka na ba?

Elvin: Uyyy concerned na siya. Pero alam mo bang pinoproblema kita?

Catarina Naveen: OO NA! BAKIT?

Elvin: Kasi mukhang naBEBEhag mo na ang puso ko.

Catarina Naveen: Pisting Bebe yan!

Napangiti si Keion, tiyak pag nabasa ito ni Alken, mang-aasar ito. Sa gusto niyang asarin si Catarina Naveen, nago-good vibes siya. Nakakawala ng pagod.

Elvin: Alam mo ba kung bakit kahit pagod ako nakikipag-usap ako sa iyo?

Catarina Naveen: Hindi ko sinabing makipag-usap ka sa akin.

Elvin: BAKIT Bebe, Bakit ang isasagot mo

Catarina Naveen: Putspa! Bakit ba?

Elvin: Hindi ko rin alam.

Catarina Naveen: Bakit?

Elvin: Anong bakit?

Catarina Naveen: Asan ang hirit mo dun?

Elvin: Uyyyy! Nag-aabang ng banat ko.

Catarina Naveen: Ang gulo mo kausap! Jan ka na nga! Akala ko pa naman may problema ka.

Elvin: May problema nga ako.

Hindi niya alam bakit biglang nai-type niya iyon, ayaw niya lang na i-seen na naman siya ng kausap o aalis ito.

Catarina Naveen: Wala kang problema, namemeste ka lang. Sa GC tayo, marami kang makakausap dun.

Elvin: Kapag kausap ko sila, mas mapapagod ako, kapag ikaw, napapangiti ako. Gamot ba kita? Kasi kung oo, aaraw-arawin ko na 'to.

Catarina Naveen: Ha-ha-ha Faney!

Elvin: Tinga ka ba?

Catarina Naveen: Ha? Tinga?

Elvin: Oo. Tinga ka ba?

Catarina Naveen: Sira ulo ka.

Elvin: Tinga ka ba?

Catarina Naveen: Ayusin mo ang sagot jan. Bakit?

Elvin: Para ka kasing tinga na kumakapit sa ngipin.

Hindi maalis-alis at bumabalik kapag ako'y kakain

Katulad kanina nung ako'y nagta-trabaho

Naiisip ko, ano kaya ang sagot mo sa PM ko?

Catarina Naveen: Dugyot ng banat mo. Wala pang konek. :3

Elvin: Aminin mo, kinilig ka.

Catarina Naveen: Saan banda? Kikiligin ako sa tinga mo? Bwiseeett! Wahahahahahahha!

Elvin: Salamat at napangiti kita. Alam mo bang may iba't ibang klase ng tinga? Simple lang yang banat ko pero nag-google pa ako.

Catarina Naveen: O anong mga klase yun?

Elvin: Sigurado kang gusto mong malaman?

Catarina Naveen: Tinga lang ipagkakait mo pa.

Natawa si Keion sa sagot ni Catarina Naveen. May saltik din ang kausap niya. 'Tinga lang ipagkakait niya pa?'

Elvin: Kumain ka na ba? Baka kasi masuka ka? O 'di kaya nag toothbrush ka na? Siniguro mo bang wala ka ng tinga?

Catarina Naveen: Baliw! Sigurado kang tinga talaga ng pag-uusapan natin?

Elvin: Pwede ring hindi, ikaw naman ang masusunod Bebe. We can talk about you, about me, about us.

Catarina Naveen: Tinga na lang.


Hindi ko rin alam bakit ako umabot sa tinga. Kayo, gusto nyo bang malaman kung anu-ano ang uri ng tinga?-Xian

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 55.2K 123
Highest rank reached in Humor category: #4 as of Nov. 14, 2016 "A story of friendship, loyalty, and love between a girl and her bunch of guy friends...
954K 30.5K 129
DIM Series #1: Iñigo Valenzona (This is an epistolary) Rozel Roxas had tons of crushes when she was still in Grade 11 and she has always been vocal w...
3M 145K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...
15.6M 364K 71
JAGUARS' SERIES 1: Shieldler John Wright Highest Rank: #1 in School #2 in Humor Si Hannah makulit, laging naka-smile, may pagka-engot sa mga simpleng...