23

3.1K 144 14
                                    

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

Official Page: Xianrandal Wattpad Stories

23

"Bakit hindi ako makapasok? What happened?" Biglang nataranta si Keion. Agad na tinawagan si Alken.

"Did you change the password?" Hindi pa nga nakaka-hello si Alken ay iyon na ang tanong ni Keion sa kanya.

"Nope. Bakit?" Binalikan niya ang beer na iniwan niya kanina. Mukhang tama siya, kailangan nila.

"Bigla akong nag logout. Hindi na ako makapasok."

"Patay. Ano bang sinabi mo kay, Miss?"

Hindi sinagot ni Keion ang tanong ni Alken. "Bilisan mo at nang maayos natin to."

**********
Mukhang pinalitan niya, Bossing. Isa pa, mukhang nai-block na rin yung account ko na as Alken. "

"What? Why would she do that? "

"Bossing naman, simple, galit na galit. Ano ba talaga ang nangyari? "

Ikinuwento ni Keion ang huli nilang pag-uusap.

"She promised that she will understand. She promised that she will not get angry."

Did she really promise? O pinilit niya?

"Bossing, mas mabuti pa na magpahinga muna tayo. Hayaan mo na muna dahil galit yun sa ngayon."

"Paano ko siya makakausap ulit? "

"Magpahinga ka muna, Bossing, ako na ang mag-iisip ng paraan." mas may alam siya sa online world kaysa kay Keion.

"No. May ibang account ka pa ba? Hindi ba't may account ako sa Twitter? Let's use it. "

"Ipa-hack na lang natin ang account niya, Bossing? Or yung kay Elvin?"

"Para lalo siyang magalit? Puro ka kalokohan. "

"Kasi naman Bossing, pag nagfollow ka sa Twitter ni Miss, magtataka ang mga tao."

"So? "

"Anong so, magtataka rin siya, tapos yun ang gagamitin mo pang chat ulit sa kanya, o e di ikaw ang nabisto ngayon. "

"Make another account. Add her. "

"Oh nah. Nakakalurkey naman kase Bossing! Sana naman kasi dinahan-dahan mo para hindi nasaktan, para swabe lang. "

"Shut up. Ako na nga ang gagawa. "

"Marunong ka? "

"Tabi. Ako na, gumawa ka rin ng isa pang account. "

Sa huli, naisip nilang gamitin ang lumang FB at Twitter accounts ni Alken. Ini-add ulit nila si Catarina Naveen. At hinihintay ang pag tanggap nito.

"Bossing, kapag after two days hindi niya inaccept, saka mo i-pm. Sa other folder mapupunta. Idasal mo na lang na mababasa niya.

Isang araw ang lumipas. Pagkatapos ng commercial photoshoot niya ay agad na kinulit si Alken.

"Did she accept you? "

" Wala pa, Bossing eh. "

"Nabuksan mo na ang account ni Elvin? "

"Hindi rin, Bossing. Nakakalungkot nga, nami-miss ko na rin si Kathryn ko. Napurnada ang sure ko na sanang lovelife. "

Dear Mr. OperatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon