12

3.8K 168 9
                                    

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

12

Elvin: Will it be fine if we will have the date after an hour?

Tinignan ni Keion ang relo niya, tamang-tama na patulog na siya ng mga oras na iyon. Masarap gawing pampaantok ang kausap niya.

Catarina Naveen: Okay.

Elvin: Thanks, CN.

Catarina Naveen: Quit calling me CN, call me Catarina or Catarina Naveen.

Elvin: I love calling you, CN, besides, CN does not mean Catarina Naveen. I have another meaning for that. See you after an hour CN.

Catarina Naveen: What's the meaning of CN?

Elvin: Seen

"Tibay mo, Bossing, kinaya mong kausapin ng ganyan si Catarina Naveen. May pa CN-CN ka pang nalalaman." Asar ni Alken sa kanya.

"Just mind your own business. Paano ba mag date online?"

"Ewan." Sabay kuha ng remote at naghanap ng magandang channel.

Ganito sila ni Alken kapag walang taping, pantay, walang arti-artista. Malalim na ang kanilang pinagsamahan. Siguro kung may tao mang pinagkakatiwalaan niya, ito ay ang kanyang kaibigan, kababata at personal assistant.

"Siguro naman, hindi ko na kakailanganin ng PA simula bukas." Sakay niya sa trip nito.

"Madali lang naman, Bossing. Bola-bolahin mo lang si Miss Catarina." Agad-agad na sagot nito.

"Paano gagawin yan? Parang ang moody kausap."

"Joke lang yun, Bossing. Kahit nga ako, hindi ko matantiya ang mood nun. Go with the flow na lang ika nga sa usapan ninyo. Pero feeling ko, kalog rin yun, puro naman nasa humor ang mga stories niya. Isa pa, ang alam kong mga seryosong tao, may tinatagong kabaliwan sa katawan. Katulad mo na lamang halimbawa, tingin nila ang suplado, pero hindi nila alam, front mo lang yan para mas maraming chicks pa ang hahabol at mababaliw sa iyo. Nakakadagdag kaya ng appeal ang pagiging suplado." Sabay ngisi kay Keion.

"Tado!"

"PEro Bossing, may ipapakiusap sana ako sa 'yo."

"Ano yun?"

"Pwede bang kapag natapos na yung 'date' ninyo ni Catarina Naveen, hindi mo na papakialaman ang facebook account ni Elvin? Don't get me wrong, Bossing, kasi baka mahalata na tayo, baka ma evict ako sa bahay ni Miss. Sa totoo lang kasi, medyo napamahal na sa akin ang grupo. The people are great!"

"Okay. Basta ayokong maapektuhan ang trabaho mo."

"Ayos, Bossing! Pa kiss nga!"

"Ulol!"

Elvin: Hi CN!

Excited na PM ni Keion, wala pang one hour ay ini-open na niya ang account ni Elvin. Pero lumipas na ang isang oras ay walang Catarina Naveen na sumagot.

"Kung alam mo lang na si Keion Herrera ang kausap mo!" Naiinis na sabi niya.

"RElaks, Bossing. Baka busy lang. Antayin mo lang at magrereply rin yan."

Elvin: Miss Catarina Naveen. You are late already. Pinaghihintay mo ang ka date mo.

Catarina Naveen: Sorry.

Dear Mr. OperatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon